Dopamine Rush

By imaginator_t1eo

2.7K 90 11

"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa... More

i.
PROLOGUE.
ii.
iii.
1- IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.
2- EH?
3- THE CHAOS HAS ARRIVED.
4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.
5- DEFYING CUPID.
6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.
7- SWEETEST TACHYCARDIA.
8- TRIAL AND ERROR.
9- HARD LAUNCH.
10- DOPAMINE RUSH.
11- BITTERSWEET.
12- 365 DAYS OF US.
14- COMING HOME.
15 - THAWED.
16- ALGIA: In a World of Hurt
17- SILENT SCREAMS, LOUD PAIN.
18- PAINFUL FINALE.
19- MAKE ME REGRET.
20 - AGAINST THE ODDS.
21- LOVE: THE SECOND TIME AROUND.
22 - WHEN DREAMS BECOME A PERSON.
23 - TO DREAM AGAIN.
24 - WHEN TIME DISAGREES..
25 - IN THE MIDST OF HIS HECTIC LIFE.
26- WHY DOES IT HAS TO BE ME?
27 - JOSH.

13- PILLAR OF STRENGTH.

37 4 0
By imaginator_t1eo

"Iz, this one's for you." Nakangiting sabi ni Tita Carla at saka ilinapag sa tapat ko ang isang paper bag. "Pupunta sana talaga ako sa inyo ngayon para ibigay iyan."

Aksidente kaming nagkasalubong sa labas at pagkatapos ay inaya akong mag-kape kaya andidito kami sa loob ng isang coffee shop.

"Thank you, Tita." Ngiti ko.

"Actually it's a package for Carl from his ninang in abroad. It's a healthy cereal that is good for the mind daw. Yong kalahati ay pinadala ko na kay Carl sa Novaliches, at iyan naman yung kalahati. Naisipan kitang bigyan since you're on review for your board exam this April." She smiled thoughtfully. "Saang review center ka nga pala nag-enroll? Did you consider my recommendations?"

"Hindi po." Nakayuko kong sagot.

"It's okay, I understand. Medyo mahal nga ang mga iyon kumpara sa ibang review center but it's worth it naman." She smiled, tinutukoy ang review center na pinag-enroll-an ni Carl. "Well, anyway, saang review center ka nag-enroll?"

Bumuntong hininga ako at saka ngumiti ng malungkot.

"Tita, hindi po ako nag-enroll sa review center at hindi din po ako sasabay mag-exam ngayong April." I answered.

Nailapag nito ang hawak na tasa at saka kumunot ang noo.

"What? But why? Carl told me that it's your plan to take the board exam this April." She asked while looking at me with those concern eyes. "What happened?"

"Change of plans po." Palusot ko at saka umiwas ng tingin.

"Come on, Iz. What's the problem? Tell me." She said encouraging me.

I sighed, giving up.

"Yong may-ari po kasi ng lupa na tinitirahan namin ay biglang nangailangan na ng pera. Yong perang nakalaan para sa review at board exam ko ay ibinayad na muna namin since makakapaghintay pa naman po ako. Sayang po kasi kung mabibili pa ng iba 'yong lupa." Kwento ko sa nangyari. "So basically, wala po kaming pera para sa review center at pang-board exam na din."

"Oh, Iz.. Bakit hindi mo sinabi sa akin? You know that I am willing to help you. Pwede mong sabihin sa akin ang mga ganyang problema, mother-in-law mo naman ako e." Malumanay nitong sabi.

Hindi ko alam kung tama bang tumawa ako sa sinabi niya. Hindi ko lang talaga napigilan.

"Tita naman.." Natatawa kong saway.

"What?" She asked innocently. "Totoo naman. For me, you're my daughter-in-law and I am going to help you."

"Ay naku, wag na po." Agad ko namang iling.

"Ay, I insist. Ako na bahala sa review center and board exam mo, financially." She stated.

"Tita, wag na po. Sobrang nakakahiya iyon. At isa pa, sobrang mahal ng med school ni Carlo." Iling ko pa din.

"His Dad and I had saved enough for his med school. Kahit hindi na ako mag-trabaho ay makakapag-med school pa rin ang boyfriend mo kaya wag mong problemahin ang pag-aaral niya. Ang pag-usapan natin ay ang financial problem mo.. wait.." Huminto ito sa pagsasalita at sandaling tumingin sa akin habang malalim na nag-iisip. Pagkatapos ay tumango-tango ito. "Right. I shouldn't talk to you about this. Things about this is an adult matter so I should probably discuss it with your parents."

"Po?" Lutang kong tanong.

Hindi ako nito pinansin, instead, she call out the server.

"I want to order two coffee and 5 blueberry cheesecake. Take out." She smiled at the employee before looking at me. "Let's go to your house, Iz."

Kinuha na namin ang order niya at saka ako hinila patungo sa kotse niya, pagkatapos ay nagmaneho na.

Pagkarating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto at nag-stay doon. Kaya lang, hindi ko napigilan ang sarili na makinig sa usapan nila ng palihim.

"...think of this as a scholarship." Rinig kong sabi ni Tita Carla at saka bumuntong hininga. "Huwag kayong mag-alala, ano mang mangyari sa mga anak natin ay hindi ako maniningil o manunumbat. Hindi ko ito ginagawa dahil kay Carl o dahil sa girlfriend ng anak ko si Iz. I am doing this because I am inspired of Iz's determination, and I admire you for your hard work just to send her in a nursing school."

"Salamat. Pero hindi talaga namin ito kayang tanggapin ng libre. Pero kung gusto mo, pwede naming utangin na lang ulit ang pera." Saad naman ni Papa.

"Walang problema sa akin. Pwede niyong utangin pero pwede niyo rin tanggapin ng libre. Mas ikakatuwa ko iyon." Tita Carla insisted.

"Carla, masyado ka ng maraming naitulong at binigay sa amin at ipinagpapasalamat talaga namin iyon." Ngiti ni Mama. "Hindi pa nga namin tapos bayaran ang ipinangbayad mo sa tuition ni Iz nong huling semester niya sa college e."

"Fine." Tita Carla sighed. "Half-half. Kalahati ng gagastusin ay utang at ang kalahati naman ay libre."

"Carla.."

"Hep! It's non-negotiable." She smiled sweetly. "I guess it's settled. I have to go now."

"Maraming Salamat, Carla." Ngiti ni Mama at saka hinatid na ang ginang sa kotse nito.

Agad naman akong sumunod.

"Tita.." Tawag ko.

"Iz." Ngiti nito pabalik. "It was settled. All you have to do now is to do your best for your board exam this November, okay?"

I hug her, "Thank you so much, tita."

"I don't want you to pressure yourself. Instead, do not overthink and just focus on your goal." She said hugging me back. "Study smart."

For the past months, my life revolved around review sessions, books, group studies, and sleepovers. I put my mind into it. I did my best to focus on my review, aiming for the target.

Kami naman ni Carlo, may mga time na tinutulungan niya akong mag-review, sometimes he tests my knowledge. But most of the time, during our facetime, we don't talk about anything. We're just there for each other, sitting in front of the cameras, and doing our things, studying together without distracting each other.

"Hay, kapagod.." I utter as I stretched my limbs.

Napatigil ako nang malingunan ang natutulog na mukha ni Carlo. Napagpasyahan ko iyong pagmasdan at hinawakan ang mukha niya sa screen ng laptop ko.

"Magdadalawang taon na pero hindi pa rin talaga ako nasasanay sa ganito." I whispered, and sighed heavily. "Sobrang namimiss na talaga kita, Carlo."


____________________________________________

Three hours before the examination ay nandito na ako sa exam center. Ginugol ko ang oras ko sa pag-recall sa mga na-review sa loob ng ilang buwan. Nang makuntento na ay ipinahinga ko na ang isip ko't luminga-linga. Wala man lang akong kilala sa mga taong nandito.

"Thirty minutes na lang.." Bulong ko habang nakatingin sa relo.

Bigla na lang gumapang ang kaba at pressure sa dibdib ko. Nagsimulang tumibok nang mabilis ang puso ko. Parang babaliktad ang sikmura ko, nanunuyo ang lalamunan ko, at hindi ako makalunok ng maayos. Nanginig din ang mga kamay ko at nanghihina ang mga tuhod.

Kinuha ko ang cellphone ko at balak sanang tawagan si Carlo pero hindi ko na itinuloy dahil siguradong nasa loob ito ng klase niya.

I manage to compose a message and sent it to him.

Iz: Carlo.. Inaatake ako ng anxiety ko.

Segundo lang ang inabot bago ako nakatanggap ng audio call mula sa kanya.

"Carlo.." Naiiyak kong bungad.

[It's okay, Iz. I'm here.] He said.

"I'm trembling so bad." Sumbong ko.

[Calm down, Iz. Follow me okay?] He said. [Inhale... Exhale... Inhale.. Exhale..]

I tried my best to calm down and relax as we work with my breathing.

"It's about to start." Saad ko nang magsimula ng magtawag.

[We can do this, Iz. I love you.] He whispered.

Tumango-tango ako at saka huminga ng malalim bago pinatay ang tawag. Tumayo na ako upang magtungo sa silid ngunit sa paghakbang ko ay bigla akong na-out balance dahil sa nanlalambot ko pa ring mga binti. Handa na akong bumagsak ng may biglang sumuporta sa likod ko, helping me to stand straight again.

"Okay ka lang, miss?" A voice coming from behind, asked.

Lumingon ako upang tingnan ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Sandali kong napigil ang sariling hininga ng magsalubong ang aming mga mata. Napakaganda ng mga mata niya. Bigla na lang tumibok ang puso ko sa hindi ko gustong paraan at ang pakiramdam na dulot ng lalaking ito ay hindi ko gugustuhin na pangalanan.

"Miss.." Muling tawag nito saakin.

Maagap akong lumayo sa kanya.

"I'm.. I'm okay." Tango ko.

"I see you're having panic attack so I come to give you some cold water." He smiled thoughtfully, handing me a bottled water. Mas lumawak ang ngiti nito ng mag-atubili akong tanggapin iyon.

"I'm not having panic attack." Kunot noo kong pag-deny.

"Nakita ko, miss. Binantayan ko ang mga kilos mo nang mapansin ko kaya alam ko." He smiled gently.

His voice is deep and surprisingly, I liked it.

"That was so rude of you." I utter, getting the water from his hand.

He chuckled.

"I'm sorry." He said.

"Mag-e-exam ka din?" Masungit kong tanong.

Umiling ito, "I took an exam last April and fortunately, I got to have the title after my name. I know you're determined to get that RN title and put that after your name as well."

I hate to say this but I felt motivated by the words he's saying.

"Then what are you doing here?"

"My girlfriend will take the board exam in the same room as yours." Turo nito sa loob.

"Knowing that you have a girlfriend was such a relief. Now I can finally erase the thought of you, hitting on me together with the thought of me, kicking your ass." I said. "You're right. Just like you, I'm gonna get the title after my name. The only difference is that, my name will sounds better with it than yours."

Pinigilan ko ang sariling ngumiti ng bigla itong tumawa sa harap ko.

"Let's see about that, shall we?" He smirked as he placed his hands inside his pockets. "I suggest, you do your best or else you'll embarrass yourself. Now go in and prove yourself."

And I hate the fact that he's really cool as winter.

Tinalikuran ko na ito ngunit muli ko itong hinarap at saka itinaas ang hawak kong bottled water, "Thank you for this.. and congrats."

"You're not gonna ask for my name?" He smiled.

"You're not asking for my name either." I replied. Tinalikuran ko na ito at humakbang na papasok sa silid.

"My name's Josh." He said.

Hindi ko na ito hinarap, I just waved my hand.

Josh.. sounds dangerous.

Napapangiti ako ng umiling. Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok sa silid at iniwan ang lalaking iyon.

Long story short, I survived that two-days board exam. To keep myself busy as I wait for the result, I prepare a lot resumé. Nilakad ko na rin ang mga bagay/papeles na kailangan ko sa pag-apply ng trabaho.

[Finally, attention's all mine.] He uttered triumphantly which made me chuckle.

"Looks like you've been missing me so bad." Nalulungkot ko kunwaring saad.

[You have no idea, Iz.] Buntong hininga nito. [You're so busy that you can't even look at me. For several months, I forgot my dream to be an anesthesiologist. Instead, I dreamt to be a book! I'm crazy..]

"I missed you too. A lot. So much." I smiled.

It's been two years and a month since I dreamt to be either your pillow or your blanket, chief. Well, I think I'm crazy as well.

____________________________________________

Natutulala na lang ako sa bahay dahil sa sobrang kaba. Wala na akong ganang kumain, maligo o gumawa ng kahit ano. Wala akong ibang nararamdaman kundi kaba. Nagulat na lang ako ng mabungaran ko sa labas ng pintuan sila Ken at Lirah na agad din sinundan ni Avril.

"What are you doing here guys?!" Nagtataka kong tanong.

"Ako invited ako. Ewan ko sa dalawang 'to." Halakhak ni Avril at nauna na pumasok at dumiretso sa kusina.

Kunot noo akong bumaling sa dalawa.

"Hoy Engineer, mawalang galang na pero Invited din kami." Tawa din ni Lirah na pumasok na rin sa bahay upang maiwasan ang mga tingin ko sabay hila kay Ken.

Inabot naman sa akin ni Ken ang ipad niya bago ako tuluyang malampasan at agad naman bumungad ang mukha ni Carlo sa screen nito.

[I invited them.] Proud pa na sabi ni Carlo. [Dapat nga silang lima kaya lang morning shift yong tatlo kaya sila Ken at Lirah lang ang nandyan.]

"Baliw ka." Iling ko. "Isipin mo na lang ang hiyang mararamdaman ko kung sakaling wala sa list ng board passers ang pangalan ko!"

[Edi mas maganda. Bukod kay Engineer, andyan si Lirah para i-comfort ka, 'di ba?] Seryoso nitong paliwanag. [Tapos yan namang si Ken, may sasakyan 'yan kaya pwedeng-pwede niyo utusan bumili ng alak.]

"Siraulo mo." Iling ko.

Tumambay sila sa bahay at sinamahan akong maghintay ng resulta. Sinabayan nila akong kumain and do their best to keep me distracted.

[Results are out.] Biglang sabi ni Carlo habang nagtitingin sa laptop niya.

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at napainom ng malamig na tubig.

"Tingnan na natin daliiiiiiiiiiiii!!!!" Excited na sabi ni Lirah at Avril na talagang nag-duet pa.

"I can't look." Mas kabado kong iling. Para akong nabibingi at masusuka sa sobrang kaba. na-vertigo ako bigla.

"Oh, ikalma mo gurl." Akbay sa akin ni Avril at saka hinawakan ang kamay ko nang mapansin ang mataas na posibilidad na atakihin ako ng anxiety ko.

"Kami na lang titingin." Saad ni Lirah atsaka kinuha ang laptop ko.

Nakakabingi ang katahimikan habang hinahanap nila ang pangalan ko. Mas lalo akong binalot ng kaba nang biglang magtinginan ang tatlong magkakaibigan.

"Ano?" Curious na tanong ni Avril.

Para akong maiiyak nang biglang umiling si Ken at Lirah. Tumingin ako kay Carlo at binigyan lang ako nito isang malungkot na ngiti. Parang gumuho ang mundo ko at nag-init ang gilid ng mga mata.

"Patingin nga!" Biglang sabi ni Avril at saka lumapit sa dalawa.

Naiiyak ako ng tumingin sa kanya. Malungkot itong tumingin sa akin. Akala ko pinagtitripan lang nila ako kaya naman lumapit na rin ako doon at ako na mismo ang naghanap sa apelyido ko. Nakarating na ako sa huling student na nagsisimula sa letter I ang apelyido pero di ko pa rin nakita ang pangalan ko.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Grabe.. ginawa ko naman lahat." My voice broke with disappointment, but I manage to give them a smile. "Try na lang ulit."

Tinalikuran ko na sila upang itago ang mga luha ngunit agad naman akong sinalubong ng mga mata ni Carlo. Pinigilan ko pero hindi na nagpapigil pa ang mga luha ko na sunod-sunod pumapatak sa pisngi ko. Tahimik akong umalis at pumasok sa kwarto para doon iiyak lahat ng frustration at disappointment.

Dahil sa puyat at pag-iyak ay nakatulog pala ako. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras ngunit napangiti ako ng makita ang pangalan ni Carlo sa notification banner ko.

For sure, he's so worried about me.

Tiningnan ko ang post niya at napangiti ako sa mga pictures na in-upload niya. It was stolen pictures of me while reviewing/studying in front of him. Ngunit bigla akong napaupo ng makita ang caption nito. Ang nabasa at nakita ng mga mata ko ay kabaliktaran sa inaasahan ko.

@itsme.c4rlo: Congratulations, Iz. You made it to the top seven. I'm beyond proud of you, my Yllizandra. My RN.

"Top.. Top 7." I uttered in disbelief while looking at the topnotchers result. Hindi ko na napigilang maluha, pero this time ay dahil sa labis na tuwa.

Rank 7 | Imperial, Yllizandra | 92%

Agad akong napatayo at patakbong lumabas ng kwarto ngunit napatili ako sa sobrang gulat ng sabay-sabay na nagputukan ang apat na party poppers.

"Congratulations, RN!!!!!!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Tuluyan na nga akong naiyak sa tuwa ng makita doon ang perfect attendance ng dati kong groupmates, kasama noong tatlong mga siraulong nang-prank saakin.

"I hate you guys." I said as I cry in front of them with so much happiness.

Nagtawanan ang tatlo at saka ako ikinulong sa isang yakap.

"So proud of you, Iz." Bulong ni Avril.

"Sali kami!" Parang batang sabi ni Lexie at saka patakbo ng lumapit sa amin at nakiyakap.

Ilang segundo pa at nakiyakap na din  yong pito ko pang mga groupmates na unang naging RN kaysa sa akin.

"Registered Nurse ka na din, anteh!" Masayang sabi ni Ron at saka nagtatalon kami paikot habang naka-group hug. "Puro RN na ang group 3!"

"Slay!" Sigaw naman ni Thea.

Hindi sinasadyang nahagip ng mga mata ko si Carlo. Natatawa ito habang napapailing saamin. He's resting his back on his chair, with his arms crossed across his chest while watching us as he sip on his coffee. He look so happy but a bit sad.

"Tama na 'to guys, kainan naaaaaaa!" Basag trip ni Lirah.

Isa-isa na silang kumalas sa yakap at saka pumunta sa kusina. Naiwan ako doon habang nakatingin sa lalaking nakatingin din saakin.

RN na ako at nandito pa din siya kasama ko.

"Sobrang gwapo mo talaga, Carlo." Nangingiti kong sabi at saka naupo sa harap ng ipad para kausapin siya.

[Kaya nga e. Sobrang swerte mo.] Pagyayabang nito.

"Carlo, RN na 'ko." Nakangiti kong sabi.

[Hm, you did it. I wish I was there.] He smiled. [I realized, lagi na lang akong wala. I was not there in your graduation day as well as new year and Christmas holidays. Hindi ako nakauwi no'ng birthday mo, ni-hindi nga kita nayakap nong first and second anniversary natin. I'm sorry, Iz. I can't do anything but wish I was there.]

I can feel his sadness and frustration in the calmness of his voice.

"No, chief. Ang alam ko, andito ka at kasama kita sa lahat ng laban ko. Lagi kang nandyan para sakin, lagi kitang kasama both good and bad times, sa nga struggles at achievements ko. So, thank you so much for always being there for me." I said sincerely. Nilagay ko ang nakabuka kong palad ko sa screen, sinundan niya iyon ng tingin ngunit biglang napatingin saakin ng bitawan ko ang mga salitang nais ko sa kanyang sabihin. "I am making a promise that I, Yllizandra Imperial, will be there for Carlo both good and bad times, both winning or failing, in laughter and in pain. I promise to make him happy in any ways I can, to understand him, and to hold his hand while he reach for his dreams. I will love him as long as God allows me."

His eyes glistened as he stared at me and listened to everything I say. Inilapat niya sa sariling screen ang kanyang palad upang itapat sa palad ko.

Napapangiti akong napatingin sa magkadikit naming palad sa screen ng mga gamit naming ipad. I can still remember the softness and warmth of his hand entwined with mine.

[Please do that, Iz.] He said. [I will hold on to that.]

His voice, even though altered, is still soft. I am excited to hear his natural soft voice again.

I stared at his eyes and smiled.

"Carlo, wag kang mag-alala. Asahan mo na kapag Anesthesiologist kana, mahal pa rin kita." I promised.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 125K 44
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
16.3M 545K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...