Trouble is YOU

By xxakanexx

164K 7.3K 689

Andres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14 More

Trouble is YOU
Prologo
Kapitulo Uno
Kapitulo Dos
Kapitulo Tres
Kapitulo Quatro
Kapitulo Cinco
Kapitulo Seis
Kapitulo Siete
Kapitulo Ocho
Kapitulo Nueve
Kapitulo Diez
Kapitulo Once
Kapitulo Doce
Kapitulo Trece
Kapitulo Quatorce
Kapitulo Deiciseis
Kapitulo Deicisiete
Kapitulo Dieciocho
Epilogo

Kapitulo Quince

4.8K 267 9
By xxakanexx

Hello, Boyfriend!

Andres'

I would do everything to be with Ayen. I want her to wake up next to me today and assure her that I will always choose her, pero may mga bagay akong kailangan gawin sa ngayon kaya imbes na ipagpatuloy ko ang pagtulog ay bumangon ako at naghanda na. Sa isipan ko ngayon, haharapin ko ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko at sa magiging relasyon namin ni Ayen. I had been so scared for a long time that I never had a chance to be happy for myself. Ang tagal – tagal kong tinatanggio sa sarali ko ang nararamdaman ko kay Adriana. I tried talking to him last night, it didn't do any good. I will try again today. I hope that he listens to me. I hope he considers. Gagawin ko talaga ang lahat para lang matanggap niya kaming dalawa ni Ayen. Mahal na mahal ko sio Ayen.

Hinagkan ko siya sa noo at saka ako lumabas ng silid. I saw my mother at the hallway, nagtatakang ngumiti siya sa akin. Huminto naman ako sa tapat niya para humalik sa kanyang pisngi. I sighed again.

"Anak, hindi ba umuwi si Ayen kagabi? Hindi ko siya nakitang umalis." Malumanay na tanong niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Mama.

"She's still asleep, Ma. Kapag nagising siya, pakisabi po na bababalik rin ako agad. May mga kakausapin lang po ako." Ngumiti ako kay Mama, siya naman ay hinaplos ang pisngi ko.

"I'm glad that you're doing something for your happiness, anak." Sabi ni Mama sa akin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. When I ha that talked with my father, something in me snapped. Ayokong mabuhay nang maraming pagsisisi. Nakikita ko kung gaano kalungkot si Papa, nakikita ko kung gaano ang pangungulila niya sa pamilyang iniwanan niya noon. Ngayon mas naiintindihan ko si Gerardo kung bakit ginawa niya ang lahat para lang makuha si Saina at ang kasiyahang matagal na niyang inaasam. I kissed my mother again and left. Sumakay ako sa kotse ko, punong – puno nang pangamba ang puso ko. Haharapin ko na si Tita at Ate Alona, bahala na kay Adi, kakausapin ko rin siya mamaya sa opisina pero kailangan ko munang kausapin ang natitirang magulang ng babaeng pinakamamahal ko.

I never thought my love story will be like this. I always thought that when I find the one, it will be a funny story. Iyong light lang, iyong walang masyadong problema, iyong sakto lang sa panlasa ng lahat. Pwede naman iyon, boy meets girl, they fall in love, they grow together, decided to get married and live happily ever after. Iyon lang ang gusto ko pero noong si Ayen ang napiling mahalin ng puso ko, na-realize kong hindi pala ganoon kadali ang pagmamahal. I have fallen in love before, I have wanted to get married before, pero hindi ganito ka – intense ang nararamdaman ko and because of this, I know and I am sure that Adriana is the one for me.

Fifteen minutes later, nakarating ako sa bahay nila Ayen. I got out of the car and walked towards their entrance. Ilang beses na akong naglabas- pasok sa bahay na ito, ilang beses na ba akong sinalubong ni Tita Alyana at niyakap nang mahigpit. This is home to me too. It cradled me in my younger days. I felt their love for me. I felt the care they have for me, but as I walk inside now, ang dami – daming kaba sa isipan at puso ko. Paano kung hindi rin ako matanggap ni Tita Alyana? Paano kung magalit din sa akin sj Ate Alona? Paano kung kahit kailan ay hindi ako matanggap ng mga magulang ni Ayen? What if I become the boyfriend that her family doesn't like? That will put pressure on her thus, it will end badly because Ayen will be forced to choose, and I will want her to choose her family. Hinding – hindi ko babawiin si Ayen sa pamilya niya sa ganoong paaran. I would want her to always be with her family. Kahit na ako na iyong lumayo.

Will I be able to take that risk? I will. I want to. Lahat ay gagawin ko para kay Ayen.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila. Hinfi naman nagtagal ay bumukas iyon at sinalubong ako nang nakangiting mukha in Ate Alona. Sumaludo muna ako sa kanya. Kahit naman pareho kaming nakasibilyan ngayon ay hindi naman maitatangging mas mataas pa rin ang ranggo niya sa akin. After saluting, she smiled at me again.

"Ang aga natin, Andres. Wala si Adi o si Ayen dito. Anong atin?"

"Gusto ko sana kayong makausap ni Tita Alyana, Ate." Kabang – kabang wika ko. Pinapasok naman niya ako pero halatang nagtataka siya dahi kumunot ang noo niya. Alam kong napakarami niyang tanong pero kahit ganoon ay sinamahan niya pa rin ako sa sala kung nasaan si Tita Alyana at nagbabasa ng kung ano. She smiled at me when she saw me approaching. Pinaupo naman nila ako sa couch. Kanina habang papunta ako rito ay parang alam na alam ko ang sasabihin ko. Hindi man ako nag-practice pero buo sa utak ko ang speech ko para kay Ayen at sa pamilya niya pero habang nandito ako ngayon at titig na titig kay Tita at Ate ay wala akong masabi kundi...

"Kumain na po ba kayo?" Bakit ako ang nagtanong, bahay ko ba ito? Tang ina naman oh! Baka isipin pa nila hindi pa ako kumakain kaya nandito ako ngayon. Ilang beses akong napalunok. Tumaas ang kilay ni Ate Alona, si Tita naman ay napakunot ang noo.

"Kumain naman na kami, Andres. Kumusta ka? Baka ikaw, nagugutom ka ba? May pagkain pa sa mesa, marami pa iyon—"

"Hindi naman po ganoon, Tita." Napakamot ako ng ulo. "Ang ibig kong sabihin, may sasabihin ako ngayonn sa inyo. Tungkol sana sa amin ni Adriana." Nagkatinginan silang dalawa, saka muling nagsalita, sa pagkakataong iyon ay mababakas ang pag-aalala kay Tita Alyana.

"May nangyari ba kay Ayen sa Bulacan? Ang balita ko naroon ka rin at nagkita kayo. Anong nangyari? Napahamak ba ang bunso ko?"

"Hindi po!" Napataas ang boses ko kasi naman lalo akong kinakabahan dahil sa reaksyon ni Tita Alyana. Napalunok ako. Bakit ba hindi ko na lang sabihin sa kanya ang totoo? Para matapos na. bakit ba kabang – kaba ako ngayon. I bit my lower lip.

"Andres, ano ba iyon?" Tanong ni Ate Alona.

Bahala na talaga. Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Tita, Ate, mahal ko po si Ayen. Gusto ko po siyang maging girlfriend. Mahal na mahal ko po siya at handa po akong gawin ang lahat para lang mapasaya siya. Sana po hayaan ninyo po akong maipakita kay Ayen ang pagmamahal ko sa kanya at mapatunayan sa lahat na ako po ang pinakatamang tao para sa kanya. Aalagaan ko po si Ayen, Tita, Ate, hindi ko po siya paiiyakin. Hindi ko po hahayaang masaktan siya. Mahal na mahal ko po si Ayen."

Napuno nang katahimikan ang buong living area. Titig na titig silang dalawa sa akin. I really wish that they will say something kasi pakiramdam ko talaga mamamatay na ako sa kahihiyan. Pakiramdam ko mukha akong tanga kasi hanggang ngayon, titig na titig lang sila sa akin.

"Andres..." Wika ni Tita.

"Talagang hindi ka titigil ano!" Boses iyon ni Adi. Napatayo ako. Naroon na siya kasama si Annie. Nakakuyom ang mga palad ni Adi habang palapit sa akin. Kinuwelyuhan niya ako. "Hindi ka pa nakuntento kagabi, tang ina, Andres, akala mo ba kapag kinausap mo si Mama at si Ate magbabago ang lahat? It will never change the fact that you're an asshole and you made so many women cry. Do you think ipagkakatiwala ko nang ganoon kadali sa'yo ang bunso naming kapatid? I know you!"

"Bakit baa yaw ninyo akong maging masaya?!" Sa gitna ng pagsigaw ni Adi ay pumaibabaw rin ang tinig ni Ayen. Hindi namin namalayang kasunod na siya ni Adi. Humahangos pa siya at punong – puno ng pag – aalala ang mukha niya. Binitiwan ako ni Adi at hinarap ang kapatid niya.

"Ito? Gusto mo ito? Talaga, Ayen?"

"Hindi na ako bata, Kuya Adi. May sarili akong trabaho. May sarili akong desisyon at kung desisyon ko sa buhay na makasama si Andres, wala kang ibang dapat gawin kundi ang suportahan ako." Malumanay pero punong – puno nang diin na wika ni Ayen. Lahat kami ay natahimik at titig na titig sa kanya. Lumakad siya papunta sa akin. She stood in front of me and she faced her brother.

"Matagal na panahong ginusto kong maramdaman kung paano mahalin ni Andres, okay? Ngayong nandito na ako sa point na iyon, bakit ba kontrabida ka? Hindi ba uso ang pagbabago sa vocabulary mo? Bakit ikaw? Ilang babae rin ba ang sinaktan mo? Sa tingin mo ba hindi alam ni Uncle Ernesto iyon? Despite all of that, hinayaan niya si Annie na makasama ka, nagpakasal pa nga kayo at may anak na ngayon. Bakit sa akin – sa amin ganyan ka? He came here to talk to mom, pero bakit ikaw ang nagsasalita?"

Hindi nakakibo si Adi. Hinawakan ko ang braso ni Ayen. Nanginginig kasi siya.

"Huy, ayos lang." Bulong ko sa kanya.

"Hindi ayos!" She hissed. "Kausap mo si Mama diba? Sa back door ako dumaan, narinig ko ang lahat. Gusto ko rin lahat ng sinabi mo at gusto kitang makasama. Pero bakit ganyan ka kuya? Bakit ayaw mo akong maging masaya?"

"Pinoprotektahan lang kita, Ayen." Malumanay na tono ni Adi.

"Naiintindihan ko naman." Sagot ni Ayen sa kanya. "Pero hayaan moa ko sa gusto ko. Mahal ko si Andres. Mahal niya ako, heto na iyong katuparan ng lahat ng what ifs ko, please naman, Kuya, pabayaan mo akong magdesisyon para sa sarili ko." Mangiyak – ngiyak na siya. Ayokong umiyak si Ayen. Ibig sabihin kasi noon ay nasasaktan siya, Kahit kailan ay ayoko na siyang masaktan.

"Adi, hindi ba't kaibigan mo si Andres? Hindi ka ba naniniwalang magbabago siya?" Tanong bigla ni Tita. Annie snorted.

"Paano kasi, Mama, si Adi takot sa sariling multo." Komento pa nito. "Nag-usap na kami kagabi. Kahit naman saan baliktarin ang mundo, sad ulo nito si Adriana ang masusunod. Sinabi ko rin sa kanya na dapat kausapin niya si Andres at Ayen nang maayos. Akala ko ba ayos na tayo, ba't ganyan ka na naman?" Kunot na kunot ang noo ni Annie. It was almost comical. Matatawa n asana ako pero nakita kong inirapan ako ni Adi kaya napaubo na lang ako para mawala ang tawang namumuo sa lalamunan ko.

"I just needed more time to process this." Wika ni Adi.

"Bakit ikaw ang may need ng more time?" Tanong ni Ate Alona. "As far as I know ang pakikipagrelasyon ay si Ayen at Andres lang, ay kasama ka sa relasyon nila? Ano ito? Third wheel ka?"

"Ate naman!" Napapakamot pa ng ulo si Adi. Gusto ko na talagang tumawa nang napakalakas pero pigil na pigil ako. Lahat ng kaba ko kanina ay nawala. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay kasiyahan. I guess, malapit na kami ni Ayen sa finish line.

"Kung ako naman ang tatanungin..." Nagsalita si Tita Alyana. Lahat kami ay nakatingin sa kanya. "Okay lang naman sa akin si Andres. Halos dito na lumaki ang batang ito. Nakita ko naman kung paano niya alagaan si Ayen noon. Nakita ko ang genuine concern niya para sa kapatid mo kaya bakit itatanggi natin sa kanya ang pagkakataon na mapatunayan ang sarili niya at maipakita sa lahat kung gaano niya kamahal ang kapatid mo? Your father would want someone that can take care and handle your sisters at the same time, Adi. At nakikita ko kay Andres ang bagay na iyon,."

"Thank you, Mama." Sabi ni Ayen. "I really do love, Andres. And the short time we spent in Bulacan, he took care of me, nililigawan niya po ako pero mahal po naming ang isa't isa."

"Then you two be happy together." Sabi pa ni Ate Alona. "Hayaan mo iyang si Adi." Inakbayan ni Annie si Adi.

"Akong bahala sa kuya mo. Diba, honey bunch, sweet mango pie, pakiss nga!" Mukhang pikon nap ikon si Adi pero wala siyang magagawa. Humigpit ang hawak ni Ayen sa kamay ko. She excused us. Nagpunta kami sa may garden, parang doon lang ako nakahinga nang maluwang. She faced me. Ayen smiled and then tiptoed to give me a kiss on the lips. It was only an abrupt kiss, but it was enough to shook my core. Ang bilis – bilis ng tibok nang puso ko. She was holding my hands.

"Hello, boyfriend." Kinindatan ako ni Ayen. Agad ko naman siyang niyakap. I kissed the top of her head and I thanked God that finally, I can call her mine and it's legal. 

Continue Reading

You'll Also Like

3M 93.3K 26
Gago raw si Paolo Enrique Arandia. Gago raw siya kasi hanggang ngayon, gumagawa siya ng paraan para maagaw ang babaeng mahal niya kahit may asawa at...
Fix you By Cher

General Fiction

1.3M 45.2K 12
Monica Elizabeth Soria have made her decision: she is going to grow old alone. Why? Becayse the love of her life has finally found the love of his li...
542K 9.3K 14
Ian and Robi had an "aso at pusa" relationship. They fight almost ten times a day. But things started to change when Robi saw how his other friend...
1.1M 21.6K 15
Kristine had her whole life in front of her, she has a successful modelling career, an understanding, patient and loving boyfriend, a closet full of...