Simoun: The Aggressive Man Ch...

By xxakanexx

4.3M 136K 26.1K

Simoun Paul Azul is lost. Buong buhay niya ay may hinahanap siyang isang parte ng buhay niya na bubuo sa kan... More

Simoun Paul
Prologue: She knew
Challenge # 1
Challenge # 2
Challenge # 3
Challenge # 4
Challenge # 5
Challenge # 6
Challenge # 7
Challenge # 8
Challenge # 9
Challenge # 10
Challenge # 11
Challenge # 12
Challenge # 13
Challenge # 14
Challenge # 15
Challenge # 16
Challenge # 17
Challenge # 18
Challenge # 19
Challenge # 20
Challenge # 21
Challenge # 22
Challenge # 23
Challenge # 25
Challenge # 26
Challenge # 27
Challenge # 28
Challenge # 29
Epilogue: Challenge # 30

Challenge # 24

121K 3.8K 983
By xxakanexx

Nakatanaw lang ako sa malayo habang nakaupo sa isa sa mga benches sa harapan ng swimming pool nang umagang iyon. Hindi ako nakatulog dahil sa pag-aalala kay Azul. Hindi ko na siya ma-contact. Iniwan niya sa akin ang cellphone niya, iniwan niya sa akin ang puso niya at iniwanan niya ako ng isang pangakong panghahawakan ko hanggang sa kaharap ko na siyang muli.

Walang naiwan sa bahay na iyon kundi ako, si Arruba at ang babaeng kung manigarilyo ay parang chimeneya ang bunganga. Wala akong ideya kung sino siya pero sabi ni Ido ay may kinalaman daw siya kay KD - kaya lalong nawalan ako ng pakialam. Lahat ng may kinalaman kay King David ay wala akong pakialam. Huminga ako nang napakalalim. Ano na kayang nangyayari sa asawa ko?

Bago pa rin sa pandinig ko ang tawagin siyang asawa pero iyon na siya sa akin. Asawa ko na siya. Kaming dalawa ay iisa na. Hindi ko na iyon mababago at masayang - masaya ako.

Nang tumaas na ang araw ay pumasok na ako dahil kahit malamig ang simoy nang hangin ay napakainit naman ng araw. Dumiretso ako sa kusina at doon natagpuan ko si Mariella na may hawak na baso ng tubig. Nakita kong may inilabas siya mula sa kanyang bulsa na kulay putting powder. Kumunot ang noo ko nang itaktak niya iyon sa inumin. Matapos iyon ay hinalo niya sa tubig. Hindi kumulay iyon. Nang maiayos niya ay saka siya lumakad. Wala sa loob na sinundan ko siya. Nakita kong papunta siya kay Arruba.

"Prof, here's your water."

Prof? Water? Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya lasunin ni Mariella si Arruba? Agad akong lumakad papunta sa kanila at sinasadya kong tabigin ang baso. Naging dahilan iyon para malaglag sa sahig ang baso at mabasag.

"Fuck!" Mariella said. Napatayo naman si Arruba.

"Sorry. Hindi ko sadya." Wika ko. Walang abog na hinatak ko ang kamay ni Mariella paalis doon. Nagtatakang nakatingin sa amin si Arruba pero hindi na ako kumibo. Umakyat kami sa itaas - sa kwarto naming ni Azul. Ini-lock ko ang pintuan at isinara ang mga bintana - saka ko siya hinarap.

"Naloloka ka na ba? Nakita kita! Lalasunin mo siya! Hindi ka ba nag-iisip? Bakit mo sasayangin ang buhay mo sa pagpatay sa kanya?"

"Oy! 'Wag kang judgmental! Hindi ko siya papatayin! Pupurgahin ko lang siya nang mahirapan naman siya sa buhay niya kahit paano! Ang siste kasi, palagi siyang nakaupo sa tasa. Lahat madali sa kanya, eh sa akin? Nakikiamot na lang ako ng pagmamahal, wala pang maibigay sa akin!"

Hugot. Iyon ang una kong naisip. Tiningnan ko si Mariella. Mukhang malalim ang sugat sa puso niya. She sighed. Lumakad siya papunta sa teresa ng silid at saka binuksan ang pintuan niyon. Kumuha siya ng sigarilyo - Marlboro Blue - at saka hinithit na parang zest-o lang. Naintriga na ako kaya nilapitan ko na siya.

"Kaano-ano ka ba ni KD? Wala kasi akong pakialam sa kanya dahil nakakabiwisit siya -"

"I feel you! Nakakabwisit siya diba?" Nanlalaki pa ang mga mata niya. "Wala siyang alam kundi Arruba, Arruba, Arruba! Kundi si Arruba si Gianna Consunji. Kaya ko ngang bilangin kung ilang Arruba ang sinasabi niya kapag nagse-sex kaming dalawa! Ang masama, ako ang kasama niya, sa akin siya nakapatong pero si Arruba ang tinatawag niya. Minsan, sabi ko takpan niya ang mukha ko ng unan at saka kantutin niya ako at Arruba ang sabihin niya - na ginawa naman niya. Ewan, masokista nga ata ako. Wala pa man pero kota na ako sa sakit - ang masama - hindi pa ako nadadala."

Napanganga ako. Wala pa akong masyadong tinatanong sa kanya pero heto siya at halos sabihin na niya sa akin ang kalahati ng kwento ng buhay niya kasama ang King David na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit interesado ako. Umiral na naman ang pagiging tsismosa ko. Naubos na niya ang dalawang stick ng sigarilyo at umisa pa siya. She looked at me.

"Buti ka pa. Okay kayo ni Mr. Azul. Mabait siya ano? Palagi ko kasing naririnig si David na ikinukwento ang mga kaibigan niya. I would really love to fit in their world but that spot beside him is for Arruba only." She sighed. Hindi pa man din ako nakakahuma ay sinabayan na niya ng pagsinghot ang paghithit. Umiiyak siya.

"Huy... hindi ko naman kasalanan na mahal ako ni Azul." Mahinang wika ko. She laughed. Umiling siya at pinahid ang luha niya.

"Swerte ka talaga, Leira. At inggit na inggit ako sa'yo." She sighed again. "May anak kami. Dalawa na sana. Kaya lang, wala eh. Iyong isa, pinalaglag ko, iyong isa, binuhay ko pero hindi ko na alam kung nasaan. Ang alam ko lang, maayos ang buhay niya at mahal siya ng mga taong kasama niya ngayon. Hindi kasi siya pwede sa akin. Tama na iyong ako na lang ang magdusa sa katangahan ko sa ama niya. Malaki kasi ang posibilidad na tulad ko, ayawan din sila ng ama nila kaya... ipinamigay ko iyong isa, iyong isa, hindi ko na binuhay. Kasalanan iyon sa Diyos. Alam kong sa impyerno na ako mapupunta. Choice ko iyon."

Wala akong nagawa kundi ang titigan lang siya. Umaagos ang mga luha niya pero hindi siya humihikbi. Pinahid niya ang kanyang pisngi at ngumiti.

"Kaya ikaw, swerte ka. Mahal ka ni. Mr. Azul - na kahit ginagawa ni King David ang lahat mawala ka lang sa landas niya para maibigay kay Arruba ang lahat - ikaw pa rin ang pinipili niya. Swerte mo, madalang sa mundo nila ang ganyan."

Inubos niya ang isang kaha ng yosi sa harapan ko at nang matapos siya ay lumabas na siya sa silid namin. Ewan ko. Bigla akong nanghina dahil sa usapan naming dalawa. I suddenly wondered if David knew about those kids - siguro oo - siguro ay hindi.

Lumabas na rin ako ng silid namin. Habang naglalakad ay nasalubong ko si Arruba. Irap lang ibinigay ko sa kanya. Nakakaramdam ako ng inis sa kanya - lalo na ngayon na nalaman ko ang kwento ni Mariella.

"Leira, mag-usap tayo." Tinawag niya ako. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Maganda talaga si Arruba - kung titingnan ay para bang may hawig siya kay Mama Mary pero mabait si Mama Mary - si Arruba ay plastic. Hindi na talaga mababago ang tingin ko sa kanya.

"May dapat ba tayong pag-usapan?"Ipinahalata ko ang inis ko. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Ayoko siyang kausapin. Ayokong mag - bitch mode on dahil mas gusto kong alalahanin si Azul kahit na nag-aalala talaga ako sa kanya. Hinarap ako ni Arruba.

"Mahal mo siya..." Wika niya sa akin. Itinaas ko ang palasingsingan ko kung saan naroon ng wedding ring namin ni Azul.

''Kasal na kami." Mariing wika ko. Natulala siya sa singsing na nasa daliri ko. She just smiled. Napapailing siya habang nakatingin sa akin.

"That's the same ring he gave me back when we were still together."

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko siya. Ibinaba ko ang palasingsingan ko habang nakatitig pa rin sa kanya. My ngiti ng tagumpay sa bibig ni Arruba pero wala akog pakialam.

"Ibinigay nga sa'yo, ikaw ba ang pinakasalan? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin ang pagkatalo, Arruba? Ako ang pinili, ikaw nganga!"

"Dahil hindi ko kayang tanggapin na ipinalit ka sa akin! Ano ka lang ba? He just took you from the slums tapos ang yabang mo na ngayon!?" Sinampal niya ako. Nanlaki ng mga mata ko at sinampal din siya. Nag-init ang ulo ko. Anong karapatan niyang husgahan ang buong pagkatao ko. Wala siyang pakialam sa akin!

"Hindi nakikita sa panlabas na anyo ang pagmamahal!"

"Alam ko! Pero kaya mo kayang tanggapin na iyang taong ipinaglalaban mo ay ang siya mismong taong pumatay kay Maximo Sarmiento?"

Natigil ako at tulalang humarap kay Arruba. Alam kong kayang pumatay ni Azul. Tanggap ko iyon, hindi naman niya ginagawa iyon para sa personal niyang interes o kung anuman. Ang pagkakintindi ko ay para siyang si Robin Hood - he kills for justice - no mater how melodramatic that sounds, he kills for justice kaya lalong hindi ko maintindihan si Arruba. Sinisiraan niya lang si Azul. Umaasa siya na matatakot ako o iiwan ko si Azul dahil lang sa dahilang iyon. I am so over the fact that he could kill.

Iyon kaya ang first meeting namin. Alam ko kaya hindi ako matatakot kay Azul. Hindi ko rin mapin-point kung bakit kilala niya si Uncle. Siguro ay gumagawa lang ng paraan si Arruba para ayawan ko si Azul. Hindi ko siya pakikinggan.

"Tumahimik ka! Desperada!" Pinanlakihan ko siya ng mata. I rolled my eyes. She grinned at me.

"Si Azul ang pumatay sa tyuhin mo." Wika niya. "He killed him to give justice to Apollo Consunji's death. He's a killer, Leira. David found out three weeks ago. Azul knew but he choose to keep quiet. Niloloko ka niya. Did you ever wondered why King David never liked you? It was because he was looking after Simoun. He killed your uncle and yet you make love to him --you even marry the monster who killed your uncle."

Napatiim ang mga bagang ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Maniniwala ba ako? Bigla ay naalala ko si King David at ang pagtatanong niya noon tungkol sa uncle ko. I was biting my lower lip. I could see red. Nakakaramdam ako ng galit para kay Arruba, King David at kahit ayoko ay nakaramdam ako ng pagkamuhi kay Simoun.

Wala sa loob na sinampal ko si Arruba. Sinabunutan ko siya. The next thing I knew, pinipigilan na ako ni Mariella. Pilit niya akong hinahatak palayo kay Arruba.

"Puta ka, Arruba! Hindi totoo ang sinasabi mo! Gusto mo lang masira kami ni Azul para mapunta siya sa'yo." Duguan ang labi ni Arruba.

"Sana ay niloloko kita para lang makuha muli si Azul pero hindi. Totoo ang sinasabi ko at alam mo ba, Leira, masaya ako na pinatay niya ang Tito mo. With that in your mind dahan -dahan mong kamumuhian si Simoun hanggang sa iwan mo siya. Kapag nangyari iyon, hindi ako magingimi na kunin siya sa'yo dahil akin siya talaga."

"Gago pala ito!" Narinig ko si Mariella. Pinanood ko siya habang sinasapak niya si Arruba. Ako naman ay walang kalakas-lakas. Anong gagawin ko? Ayokong maniwala. Alam kong si Azul lang ang makakasagot sa akin.

I took a deep breath - kailangan kong maghintay sa pagbabalik niya.

Nakakamatay na paghihintay...

----------

"Wala akong maipapangako, kapag napikon ako sa Uncle mo, KD, kahit siya na lang ang nag-iisang kaapelyido mo sa mundo, babarilin ko siya."

Pikon na pikon ako kay King David habang papasok kami sa mansyon ng tyuhin niya. Mukhang tama ang hinala ni Judas na si Enrico nga ang tumitira sa grupo ko. Sa harapan ko ay ang mga ginintuang SUV na nakaparada ng sunod-sunod. Nakilala ko rin ang taong sumusunod sa amin. Napapailing na lang ako. Mukhang pera talaga ang tito ni KD.

"Ayos lang naman, Azul. Diba diyan ka magaling? Pumapatay ka talaga ng tyuhin nang may tyuhin." Komento niya pa. Ikinasa ko ang barili na hawak ko at nang humarap ako sa kanya ay itinutok ko iyon sa mukha niya.

"Hoy!" Bawal ni Ido. "Magpapatayan ba talaga kayo?!" He was hissing.

Doble-doble ang pag-aalala at sakit na nararamdaman ko habang nakatingin kay King David. He was supposed to be my friend, my brother but then he made sure that he did everything just to spite the relationship I have with Leira. Putang ina lang!

Hindi ko kahit kailan naisip na maaring may malaking kinalaman sa akin ang lalaking binaril ko nang walang habas sa kulungan. Sadyang napakaliit nga ng mundo dahil ngayon hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang katotohanang ako ang pumatay sa tyuhin ng babaeng minahal ko.

Hindi ko maisip kung makakaya ko ba ng walang Leira sa buhay ko. Parang hindi na kasi. Masyado nang malalim para sa akin ang nararamdaman ko para sa kanya at ikamamatay ko kung mawala siya but then...

Hindi ko naman sinasadya at ang tanging panalangin ko na lang ay sana maintidihan niya ako...

Pumasok kami sa loob ng kabahayan. Agad naman kaming sinalubong ng mga armadong lalaki at dinala kami kung nasaan si Enrico. We went to his office. When we got inside, nakatutok agad ang baril niya sa amin.

"Ang pinakapaborito kong pamangkin, kasama ang mga kaibigan niya. Nandito ba kayo para--"

Ido shot him. Walang dalawang segundo ay nakahandusay na siya sa sahig. We all looked at Ido. Hinipan niya pa ang dulo ng baril niya.

"Sorry. Nainis ako. Binaril ko. Buhay pa naman iyan. Comatose nga lang dahil sa baga ko pinatamaan. Maya-maya ninyo na pakialaman para siguradong damaged siya at nang hindi na makaulit." Inis na inis na wika niya.

"Paano iyong mga tao sa labas?" Tanong ni Judas.

"Kami na ni Axel ang bahala." Sabi pa ni Ido. Naiwan ako, si King David at si Judas na naroon.

"Ganoon lang, natapos agad ang problema, walang nasaktan." Wika pa ni David. "Wala pa..." Pinakatitigan niya ako. I hissed at him. He just grinned.

"Masaya ka ba, King David? Nasasaktan ako. Tama ka doon. Masaya ka ba na sinisira mo ang buhay ko?" Nakatiim ang mga bagang ko.

"Oo, Simoun. Dahil kung hindi magiging masaya si Arruba mas lalong wala kang karapatang maging masaya!" He yelled at me. Magsasalita sana ako nang biglang barilin ni Judas si King David sa hita. Napaupo si David sa sakit.

"Gago ka, Sandoval. Binalaan na kita na isang Arruba pa babarilin na kita! Ilang beses nang sinasabi sa'yo! Wala nang Simoun at Arruba! Wala! Tanggapin mo iyon o isa-isa kong bubunutin ang bulbol mo!" Judas walked out. I looked at David. Nakangiwi siya. Hindi isang beses na pumasok sa isipan ko na tuluyan na siya nang maging masaya na ako pero nangingibabaw sa akin ang katotohanan na magkaibigan kaming dalawa at hindi ko siya kayang saktan. Sa halip na magalit ay tinulungan ko siyang tumayo.

Lumabas kami ng bahay na iyon. Si Axe John ay nahuli dahil pinagkukuha niya ang mga footage ng CCTV para wala kaming sabit. Dinala ko si King David sa sasakyan niya. Nakasunod naman sa amin si Ido na duguan ang kamay.

"Lumaban iyong isa. Binaril ko sa bunganga. Anong nangyari diyan?"

Napapalatak siya. "Sa safe house ko na lang tatanggalin iyan. Ang gago mo kasi." Isinara niya ang pinto tapos ay binalingan ako.

"Anong plano mo?"

Matagal kong inisip. Hindi naman ako pwedeng magsinungaling. Huminga na lang ako nang napakalalim.

"Sasabihin ko ang totoo..."

"Good, then lets go home..."

I sighed again.

I prayed to God that everything will be okay....

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 205K 64
The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
404K 11.8K 27
Marahil nang magsabog ng kabobohan sa math ay nasalo lahat ni Nazli. Paano ba naman kasi, napakaterror ng professor nya sa subject na iyon, gwapo nga...
88.2M 2.1M 50
[BAD BOY 3] Si Jeydon Lopez ay isang certified bad boy. Buong buhay niya ay wala siyang ginawang tama. Bisyo, bulakbol at pakikipag-away ang palagi n...