Love Ventures

By exo_star

28.1K 1.2K 277

Luke Makisig, the never serious and always hyper guy from our story, "Stuck in a Team." Admit it, he have ma... More

Love Ventures
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 5

1K 52 35
By exo_star

Chapter 5

LUKE'S POV

Nandito kami ngayon sa room namin ni Nathan. Classmate ko siya sa subject na 'to. Wala yung professor namin, may meeting daw sila kaya alam na this! Wala ng klase ituuuu!

"Pare samahan mo naman ako sa Patterson University." Aya ko kay Nathan.

"Huh? Ano naman gagawin mo do'n? Mainit tayo do'n pre! Baka gusto mong mabugbog tayo ng wala sa oras."

"Basta. May hahanapin lang ako do'n. Tsaka 'wag ka ngang OA diyan. Edi pag binugbog tayo---"

"Oh ano bubugbugin mo rin sila?"

"Hindi isusumbong ko sila kayla Mommy at Daddy! Huhu!"

"Baliw ka talaga! Tsk. Ano nga bakit mo gusto pumunta do'n?"

"Basta nga. Ako bahala. Ikaw kawawa! Haha joke lang p're alam mo namang mahal kita." Sabi ko at niyakap ko siya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Yuck! Gay! Shoo!" Inalis niya yung yakap ko sa kanya. Sus. Maka-gay naman 'to eh mas gay nga siya. Pfft.

Pumunta na kami ni Nathan sa Patterson. Asus! Sasama rin pala kailangan pang pipilitin tsaka yayakapin. Hays! Buti na lang pogi ako! Bwahaha!

Naalala ko nanaman yung sinabi sa 'kin nung tinawagan ko. Yung cupid in motion.

-FLASHBACK-

"Hello? Is this Cupid in motion?" Tanong ko. Pero hindi ko inaasahan ang sumagot dahil...

"What? Cupid in motion? What the hell is that?"

Ha? Bakit may kaboses siya? Dali-dali kong tinignan yung cellphone ko kung tama ba 'tong natawagan ko at...

"Shit!" Napamura na lang ako at napahawak na lang ako bigla sa noo ko. Shit. Ang bobo ng cellphone ko. Tangna. Bakit si Roxy yung natawagan ko?

"Hoy minumura mo ba ako?!"

"Hindi. I'm sorry Roxy. Nagkamali ako ng natawagan. Sorry." Sincere na sagot ko. Tsk. Ayan kakaisip ko kay Roxy natawagan ko na tuloy siya bigla. Langya naman oh.

"Wait... Luke?"

"Oo ako nga. Pasensya na."

"Tsk! Next time i-double check mo kung sino tinatawagan mo."

"Oo. Sorry ulit."

"Okay. No problem. Wait ano yung Cupid in motion?"

"Ah... eh wala ano lang yan uhm... restaurant. Tama restaurant yan. Oorder ako ng food. Pang midnight snack hehe." Tangnang palusot yan. Tsk. Ayoko namang sabihin na para yun sa mga sawing puso baka pagtawanan pa 'ko nito saka baka mabuko niya pa ako na siya yung gusto kong maging girlfriend. Tsk.

"Ah okay. Sige. Good night."

"Good night. Sorry ulit." Sabi ko at ayun binaba ko na yung tawag. Tsk! Ang epic ko talaga. Leche naman. Buti na lang ako lang mag-isa rito kundi aasarin na naman ako ng mga panget kong barkada.

Kinuha ko yung calling card at sinigurado kong tama na ang tatawagan ko.

"Hello? Is this Cupid in motion?"

"Yes. What can I do to help your lonely heart?"

Aba! Kailangan talaga ganyan ang bungad sa 'kin ng baba--- wait parang lalake yata 'to? Aish! Ewan! Di ko maintindihan yung boses parang kala mo kidnapper na nanghihingi ng ransom.

"I need your help... I need your help to make the girl I like fall in love with me. Can you do that?"

"What is her full name? Tell me everything about her. You can send it to this number. By---"

"Wait!"

Ibibigay ko ba talaga sa kanya ang lahat ng alam ko kay Roxy? Paano kung isa 'tong scam? Paano kung masama pala siyang tao? Ipagkakatiwala ko ba agad si Roxy sa kanya? At saka isa pa. Ni-hindi ko pa nga alam full name ni Roxy eh. Roxanne lang alam ko sa kanya at kung saan siya nag-aaral.

"If you're doubting me about this kind of business, you can search our website and read the rules and all the informations that you need. Bye."

Huh? Ni-hindi ko nga alam yung website nila eh. Pinagloloko niya ba ako?

*ring*

1 new message from Cupid in Motion

Binuksan ko ang message niya at ang laman no'n ay ang website ng Cupid in Motion.

Dali-dali kong kinuha yung laptop ko at sinearch yun. At doon ko nalaman na totoo nga yon at hindi isang scam. Dahil yung ilang mga natulungan niya para magkatuluyan ay nakapost lahat do'n. At doon ko rin nakita si Aaron. Kaso ang nakalagay, Failed.

-END OF FLASHBACK-

Siguro tama nga ako na kay Aaron yung nakuha kong card noon sa rooftop ng hotel.

Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Dahil marami na pala siyang naging successful na mission ang kaso may ilan din na na-failed tulad ng kay Aaron at sa 'kin.

Pero hindi ko talaga makalimutan yung katangahan ko kagabi na natawagan ko si Roxy. Ugh! Shit. Ang bobo talaga ng phone ko! Tsk. Bibili na nga ako ng bagong phone mamaya. Yung matalino. Leche. Bwahaha!

Nakarating na kami sa Patterson. Nung una hindi kami pinapapasok ng guards. Mabuti na lang at may kakilala rito si Nathan na minsang pumupunta sa bar niya kaya nakalusot kami sa mga guards dahil sinamahan kami nung mga kilala niyang customer sa bar niya at sinabi na lang namin sa guard kanina na kunwari mag-iinquire lang kami na lilipat sa Patterson.

Pfft. Asa naman! Ang saya-saya sa Addison University eh! Saka ayaw niyo no'n araw-araw kayong makakakita ng mga mukhang artista. Puro gwapo't magaganda yung mga nag-aaral do'n. Ako nga titingin lang ako sa salamin nakakakita na ako ng gwapo na pang-hollywood ang mga datingan eh. Bwahaha. Kaya lipat na rin kayo sa amin! Haha!

Sinabi ko kanina kay Nathan na may gusto lang akong makausap dito at yun ay si Roxy. At ang mokong inaasar pa ako. Aba! Binata na raw ako. Wew nakatikim tuloy siya ng sapak. Nyahaha.

Hindi ko alam kung paano ko mahahanap si Roxy sa lawak ng school na 'to. Pero mas malaki pa rin ang Addison noh! Haha lakas ko talaga makapag-endorse eh.

Tinanong ko yung kakilala ni Nathan kanina kung may kilala siyang nagngangalang Roxanne at dinescribe ko pa siya kaso wala raw.

Tsk. Kung bakit kasi hindi nagrereply si Roxy sa 'kin eh. Kagabi naman natatawagan ko pa siya kaso kaninang umaga hindi na nagreply saka naisip ko rin ang pangit naman kung kikilalanin ko lang siya sa text mas maganda pa rin sa personal diba?

"Pare kasi ang hina mo hindi mo na lang tinanong yung facebook account niya tapos sinearch mo sana at inadd mo as friend."

"Eh ayoko siya maging friend eh!"

"Huh?"

"Gusto ko kasi maging GIRLFRIEND ko siy---"

"Punyemas ka talaga! Akala ko naman kung ano. Iwanan kita rito eh."

"Joke lang ito naman hindi na mabiro si Babe." Inakbayan ko siya at agad niya naman siyang lumayo. Tinignan niya pa ako ng masama. Haha! Nagbibiro lang. Parang hindi naman siya nasanay...

Sa kapogian ko! Hahaha!

"Gago ka Luke nasa ibang eskwelahan tayo tandaan mo. Nakakahiya ka. Exotic Lions ka pa naman tapos tatawagin mo pa akong Babe. Yuck! Ulitin mo pa yan. Bukas na bukas kakalat na mga pictures nating dalawa pati ang balita na gay tayo. Tignan mo naman oh." Pabulong niya lang yang sabi at tinuro niya yung mga babaeng nakapaligid sa 'min.

Whoah! Ang daming babae! Hehehe. At... Pinipicturan pa nila kami. Wow ha! Alam kong pogi kami lalo na ako (naks!) pero may bayad 'tong mga stolen pictures ha!

"Diba sila yung players ng Exotic Lions ng Addison University?"

"Oo sila nga. Ang pogi!"

"Bakit kaya sila nandito?"

"Ano ka ba dinadalaw nila ako rito."

Ay! Lakas ng confidence ni ate oh!

"Pare pinagkakaguluhan na tayo rito. Malalagot tayo nito eh."

"Chill Nathan. Naamoy ko na hinahanap natin." Ramdam kong anytime makikita ko na rin si Roxy.

"Ano ka aso?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tsk. Manahinik ka na nga lang."

Sasagot pa sana siya nang biglang nahagip ng mata ko ang isang babaeng naka-all white na uniform at maiksi ang buhok walang iba kundi si Roxy! Papunta siya sa cafeteria! Lunch break na nga pala ngayon. Kaya pala ang daming tao sa lobby ng Patterson.

Agad naman akong napatakbo sa direksyon niya.

"Roxy!!!" Sigaw ko at naagaw ko naman ang atensiyon niya.

Lahat yata ng tao napatingin sa sigaw ko. Shit! Wrong move. Napalakas yata ng sobra.

Lumapit ako sa kanya at nagulat naman siya.

"Hi!" Bati ko sa kanya.

Ano kaya course niya? Nurse kaya? Naka-all white kasi eh. Mamaya ko na nga lang tatanungin.

"Luke? Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito? Bawal pumasok ang outsiders dito ah."

Infairness ang dami niyang tanong. Haha! Bago ko pa man masagot ang mga tanong niya may biglang bumatok sa 'kin.

"Tsk. Boset ka talaga Luke. Bakit mo 'ko iniwan doon? Alam mo bang pinagkaguluhan ako? Tsk."

"Sus. Ayaw mo nun naranasan mo ring pagkaguluhan tulad ng lagi kong nararanasan? Mwahaha!"

Napatingin si Nathan sa 'kin ng masama at sa tingin ko rin nakatitig sa 'kin si Roxy na para bang iniisip niya kung isa ba akong abnormal na tao.

Haha! Ang layo ko kaya sa abnormal! XD

"Sorry pare." Sabi ko na lang kay Nathan. Ang sama kasi ng tingin. Nginitian ko siya ng killer smile ko. (Naks!) haha.

Napatingin ako kay Roxy na halatang naguguluhan na sa mga nangyayari.

"Ay! Sorry Roxy. By the way, this is Nathan, kaibigan ko." Turo ko kay Nathan. "And Nathan this is Roxy."

"Hi Pretty lady. I'm Nathan. Nice to meet you." aba! Ang loko nakuha pang kumindat. Siniko ko nga siya.

"Nice to meet you too. I'm Roxy."

"Roxy can we eat first? Gutom na dragon ko sa tyan eh." Kanina pa talaga ako nagugutom noh. Hindi kaya ako nagbreakfast para lang makapunta rito.

Yung first subject ko kasi kanina kung saan classmate ko si Nathan ay sobrang aga! 07:30am? shet! Eh late na ako ng gising kaya ayun hindi na lang ako kumain. Hindi ko na tuloy natikman yung hinandang pagkain ni Dom at ni Manang. Sayang! Mukha pa namang masarap. Sarap na sarap kasi si Prince eh!

"Sure. Tara sa loob."

Pumasok na kami sa loob at nag-order na kami. Pinagtitinginan nga kami ng mga tao eh. Namumukhaan siguro kami ng halos lahat ng tao rito. Malamang mahigpit na kalaban namin ang basketball team ng Patterson. Buti na nga lang hindi masama ang tingin nila sa amin. Buti na lang gwapo kami ni Nathan at imbis na awayin kami eh nakuha pa nila kaming pagpantasyahan. Haha.

Kasalukuyan na kaming kumakain ngayon. Katabi ko si Nathan at kaharap naman namin si Roxy.

"So, what took you here Mr. Makisig?" Tanong ni Roxy at ito namang katabi kong si Nathan biglang tumawa pagkatapos niyang marinig ang pag tawag sa 'kin ni Roxy ng apelyedo ko. Lintek 'tong si Nathan. Pagtawanan ba naman ako? Mamaya lang talaga 'to sa 'kin ha. Tsk.

"Uhm... Wala naman napadaan lang kami since may ka-meet dito ang friend kong si Nathan." Sabi ko sabay pasimpleng siko kay Nathan.

"A-ah o-oo. May ano... May ka-meet ako. Hehehe." Leche 'to. Magsisinungaling na nga lang hindi pa galingan eh. Hays.

Nagkaroon kami ng konting usapan do'n. Gusto ko lang naman siya makausap pa ng matagal para naman magkaroon ako ng ideya tungkol sa kanya. Hanggang sa napunta kami sa usapan na ayoko ng maalala.

"Luke... I'm so sorry about what happened at the hotel. Hiniling kasi sa 'kin ni Aaron na ayain ka sa date na yun. Hindi ko naman siya matanggihan kasi cousin ko siya."

What? Magpinsan pala sila?

"Ah... Don't worry I understand." Sabi ko na lang. Kahit medyo nagulat pa rin ako hanggang ngayon sa pangyayaring yun, inaccept ko na lang ang apology niya.

"Naks pre 'di ko alam na may nag-aaya pa palang makipag-date sa'yo? Akalain mo 'yun? Hahahaha---Joke lang p're. Wag highblood. Hahaha." Sabi niya. Napatigil siya sa pang-aasar kanina kasi pinakitaan ko siya ng kamao ko. Boset 'to. Mang-aasar pa eh.

"Roxy wala ka bang kasama mag-lunch palagi? Nasaan yung bestfriend mo? O di kaya si Aaron?" Tanong ko. Eh kasi diba dapat may kasama siyang mag-lunch. Tsk. Kung taga AU 'to nako. Pati sa CR sasamahan ko siya. Hahaha. Joke!

"Ngayon lang ako walang kasabay. Yung bestfriend ko kasi kanina pang 10:30 yung uwian. Dalawa lang subject niya ngayon at si Aaron naman uhm ano..."

"Ano?"

"Ano kasi... Hindi siya pumasok kasi diba... Ano... Broken hearted siya." Nahihiya niyang sabi.

Tsk. Oo nga pala. Kagagawan pala ng gwapo kong mukha. Hays. I feel sorry for Aaron pero wala naman akong magagawa eh. I really just don't like having an affair with the same sex as me.

"Oh sorry about that. Paki sabi naman kay Aaron I am really very sorry for what happened." Sabi ko at ngumiti lang siya.

"Hello?... Yes... Bakit?... What?... Okay okay. Papunta na ako diyan."

Napatingin naman ako bigla kay Nathan. Sino kaya kausap niya?

"P're sorry but I have to go. May problema kasi sa bar eh." Sabi niya at tumayo siya. Kahit baliw yang si Nathan, 'wag kayo may business yan. Mayaman yang smurf na 'yan. Wahaha. "Roxy it was nice meeting you. Well, see you na lang next time ha!"

Iiwan niya ako rito? Shet! Makakalabas pa ba ako ng buhay?

"Sige. Ingat brad!" Sabi ko na lang kahit gusto kong sabihing 'wag niya akong iwan dahil pucha hindi ko dala yung kotse ko. Kay Nathan yung gamit namin kanina papunta rito. Shet naman talaga!!!

Tinapik ni Nathan yung balikat ko at lumabas na siya ng cafeteria and now we're alone---the two of us.

"Luke may sasabihin ka ba sa 'kin? Kanina ko pa kasi napapansin na parang may gusto kang sabihin eh." Sabi niya. Wow. Si Madam Auring ba siya? Pano naman niya nahulaan na may gusto akong sabihin sa kanya?

Uhm... Pero paano ko ba 'to sasabihin? Sasabihin ko ba agad direct to the point na kailangan ko ng facebook account niya para mas makilala ko pa siya? Pa'no kapag sinabi niyang dahil lang do'n pupunta pa ko rito? Pa'no kapag naghinala siyang may gusto ako sa kanya? Nakahalata na kaya siya?

"Uhm ano kasi... Uhm... Wala lang napadaan lang talaga kami rito ni Nathan." Nice one Luke! Palusot.com pa more.

"Ah."

"Uhm Roxy, ano full name mo? Roxanne at Roxy lang kasi ang alam ko sa 'yo." Tumango naman siya sa sinabi ko. Sa wakas nasabi ko rin.

Ngumiti siya sa akin. "Ah. Oo nga naman hindi mo pala alam full name ko. I'm Roxanne Ginoo."

"Roxanne Ginoo? Diba artista yun? Nagjojoke ka ba?"

"Pfft! HAHAHAHAHA"

Aba! At bigla akong tinawanan. Mukha na ba akong clown ngayon? Siya 'tong nagjoke tapos siya rin yung tumawa? Grabe! Baliw yata siya. Tsk. Tsk. Buti na lang talaga normal akong tao.

Pfft! Hahaha! Ang kumontra panget! Che!

"Nakakatawa kasi yung facial expression mo eh. Hahaha." At tinawanan na naman niya ako. Aba at clown nga ako sa paningin niya? Jusme! Kaganda kong lalake eh!

"Kidding aside. I am Roxanne Alfonso."

"Ah." Matipid kong sagot baka kasi mamaya nagjojoke na naman siya. "Ano'ng course mo? Nursing ba? Naka all white ka eh." Tanong ko at bigla nanaman siyang tumawa.

Dug dug dug...

Shet na malagket na pusong 'to! Bakit ba sa tuwing tumatawa at ngumingiti siya kumakabog dibdib ko?!!!

Mamatay na ba ako?

Pero masyado pa akong bata! Hindi pwede! Marami pa akong pangarap! Gusto ko pang magka-girlfriend. Tapos magkaroon ng asawa, ng pamilya, ng mga anak! Marami pa akong mga pangarap. Wag munaaaa!

"Medtech ang course ko hindi nursing. Porket naka all white nursing agad? Hahaha!" Aba at tinawanan nanaman ako! Tsk. Okay lang atleast napapasaya ko siya! Naks!

Gusto ko pa sana siyang makilala pa pero badtrip yung bell nila eh. Tapos na lunch break at nagsisibalikan na yung mga students sa mga room nila.

"Sorry Luke ha. But I have to go. Strict pa naman yung next kong prof ngayon. See you next time." Tumayo na siya at akmang aalis na sana pero agad ko siyang pinigilan at hinawakan ko ang kamay niya.

Shet! Ang lambot! Ehem chansing! Haha.

"Wait lang. Can I get your facebook account?" Pagkasabi ko nun napatingin siya sa kamay ko na hawak ang isa niyang kamay. "Ay! Sorry." Pakiramdam ko tuloy namula ako at wait siya rin?

Okay. Assuming ako. Baka blush on niya lang yon. Hahaha.

"Akin na phone mo." Sabi niya at agad ko namang inabot yon sa kanya. "Here. See you next time Luke. Bye!" Sabi niya at ngumiti.

Shit! Ayan na naman siya sa ngiti niya. Ang ganda! *O*

Nagdecide na akong umuwi at sumakay na lang ng taxi. Ayoko namang magpasundo kay Sean dahil may klase pa yon ngayon at kung sa iba naman ako magpapasundo, malamang may klase rin sila. Tsaka baka sabihan pa nila akong 'bata' tss alam ko namang baby face ako eh. Hahaha!

Gusto ko pa sanang gumala. Kaso naisip ko 'wag na uuwi na lang muna ako at mag-iistalk ako sa facebook ni Roxy. Haha.

Ay mali pala. Pangit pakinggan pag stalker ang tawag sa 'kin. Dapat 'Secret Admirer' tawag sa 'kin since gwapo ako. Mehehehe!

Nang makauwi na ako sa bahay nakita ko naman na naglilinis si Manang sa sala.

"Aga mo yata ngayon iho."

"Wala na po akong klase eh." Ngumiti ako kay Manang. "Wala pa po ba yung iba?"

"Wala pa. Ikaw pa lang. Siya nga pala may inihanda akong meryenda sa kusina kumuha ka na lang do'n."

"Sige po. Salamat."

Pagkarating ko sa kusina nakita ko yung binake ni Manang na brownies! Wow! Sarap!

Kumuha ako at umakyat na sa kwarto ko. Dali-dali akong nag-open ng facebook ko at sinearch ang fb ni Roxy.

Nung makita ko na yung fb niya agad ko itong inadd. And whoah...

Roxy Alfonso accepted your friend request few seconds ago.

Wow ha! Ang bilis!

Nakita kong nakaonline siya at chinat ko kagad siya.

Luke: Hi. Wala ka ng klase?

Roxy: Meron pa. Bakit?

Luke: Baka mahuli ka ng prof mo ah.

Roxy: Hindi yan. Hindi na uso yan sa college! Hahaha!

Bakit pareho kami ng ugali? Haha! Wala rin akong paki kung makita ako ng prof namin na nagse-cellphone eh. Kahit na sabi sa rules na bawal gumamit ng gadgets kapag nasa loob ng room. Bwahaha! Magkakasundo talaga tayo Roxy! Kaya bagay na bagay tayong dalawa eh! Ayee hart hart!

Roxy: Nahanap mo agad fb ko ah.

Luke: Syempre pogi. :D

Roxy: Next joke please XD

Aba! Hindi pa ba halata sa mukha ko? Haha.

Roxy: Ang dami mong likers ah.

Luke: Ikaw Roxy ah iniistalk mo profile ko.

Roxy: Asa naman! Nakita ko lang sa news feed ko yung bago mong pinost na picture. Yung brownies!

Luke: Ah! Haha ganun talaga pag pogi. Maraming likers!

Roxy: Mukhang masarap yung brownies ah! Penge!

Luke: Ay? Change topic agad? Hahaha! Ayaw mo ata mag-agree na gwapo ako eh. Haha!

Seen 02:14pm

Lol! Baliw nga talaga 'tong babaeng 'to. Hahaha! Magkakasundo talaga kami.

Luke: Nice. Sineen pa ako. Aww </3

Roxy: Haha joke lang. Sige bye na. May gagawin na kami.

Luke: Okay bye. Aral mabuti!

Nag-offline na siya. Ito na siguro ang tamang oras para i-stalk ko yung profile niya. Mwahaha.

Pumunta ako sa profile niya at ayun wala namang ibang laman kundi mga pusa. Mga pictures ng pusa. Hindi siya mahilig magpost ng status at hindi rin siya mahilig mag-post ng mga pictures niya. Hindi tulad sa iba na minu-minuto may selfie na ipopost sa facebook nila. Kairita kaya yung ganun. Natatadtad newsfeed ko ng mga ka anuhan nila. GGSS. Tss.

*ring*

Nag-ring yung phone ko at binuksan ko kung sino ang nagtext.

1 new message receive from Cupid in Motion

Do you know her full name? If yes then send it to me right now and I'll do my work as soon as possible. Just remember the rules I posted in the website.

Rules? Pinagsasabi nito? Bwahaha.

Pinuntahan ko ulit yung website. Hindi ko pa kasi nakikita yung mga rules o kung nakita ko man baka nakalimutan ko na. Mwahaha!

Rule #1: Trust my capabilities.

Rule #2: Don't blame me if the mission got failed. Remember I'm just here to make your loveone fall in love with you but once it got into trouble I'm out of it.

Rule #3: If my mission is done with you then you are not allowed to bother me anymore. Unless you like someone else then you can do business with me again.

Rule #4: Don't ask for my identity. I will never give it to you.

Rule #5: Create an account here and do as what it asks you.

Hmm... Okay lang naman pala yung mga rules niya. Wala naman akong magiging problema diyan.

Gumawa na ako ng account do'n. Nilagay ko yung lahat ng information na kailangan sa 'kin. Ang sabi kasi ilagay yung honest answers kasi ako rin daw ang mahihirapan kung hindi ako magtitiwala sa kanya. Tapos may questions dun na kailangan ilagay yung answers about sa taong gusto mo. Kaya tinype ko na yung full name ni Roxy at lahat ng informations na nalaman ko sa kanya. Sa school niya, sa facebook account niya, pati sa pagkahilig niya sa pusa, kung saan kami unang nagkita, kung gaano siya katangkad, kulay ng buhok niya, mata at kung anu-ano pa.

Nang matapos kong gawin lahat yon. Humiga muna ako sa kama ko. Nag-isip-isip kung tama ba 'tong ginawa ko.

Maya-maya biglang nagkaroon ng notification sa account ko sa website na yon.

Binuksan ko ito at namangha ako sa nakalagay doon.

Tomorrow. You will have a date with her. Be prepared. I'll send you the place and time.

Shit! Seryoso ba siya? Ang bilis naman! Tae! Kinabahan ako bigla ah! Tomorrow na agad? As in bukas? Waaaaah! Mommy! Daddy! Heeeelp!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 457 27
A tragedy in the camp reported being one of the biggest unsolved cases in town. Five years later, as April regained her consciousness, some of the me...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.7K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
4K 452 29
Time is precious and I'm going to waste mine wisely.
7.1K 95 1
UNDER EDITING In the rainbow of feelings in this world ruled by love. Once in a while, we meet people by chance. And sometimes, no matter how difficu...