AT MY LOWEST ( Ongoing )

Da heir_05

4.6K 93 29

Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suf... Altro

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 4

205 5 0
Da heir_05

Ilang araw na ang nakalipas. Ilang araw na rin hindi maipinta ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Palagi itong may kausap sa phone at umaalis nalang bigla. Tulad ngayon nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap tungkol sa marketing proposal ng may tumawag sa kanya.

Tumayo ito pagkasagot ng tawag at naglakad sa hindi kalayuan sa akin. Humarap ako sa mga dokumentong nakapatong sa table at chineck ito isa-isa.

“Did you find her?”, narinig ko ang boses nitong nagtatanong sa kausap niya sa kabilang linya.

“Who's her?”

Tumingin ako sa direksyon nito. Kahit nakatalikod ito ay malalaman mo ang expression ng kaniyang mukha base sa kanyang pagsasalita.

Dahan-dahan akong nag-aayos ng mga folders pero ang totoo ay pasimple akong nakikinig sa kaniya at kausap nito sa telepono.

“I only have a few days left, Czek. We have to find her as soon as possible.”, iritado ang boses nito.

Napatingin ako sa kanya nang bumalik ito sa harapan ko at umupo. Pinatayan na pala nito ang kausap niya sa telepono. He looked so frustrated. Nag-iwas ako ng tingin ng biglang dumako ang mga mata nito sa akin.

Tumingin ako sa mga hawak kong folders at kunwaring may ginagawa.

“Where did we stop?”, he asked, irritated.

“Here, sir,”, I said as I pointed out my index finger to the part where we stopped.

Natapos naman kami agad at bumalik na'ko sa desk ko. Inasikaso ko 'yong ibang files at pumunta sa Marketing Department para ipa-revise ang ginawa nila.

“Revise mo daw sabi ni Boss.”, sabi ko kay Louise at hinagis sa lamesa niya ang folder.

“Mama mo, revise.”, natawa ako sa sinagot nito. Busy ito habang nagtitipa sa computer niya, mukhang maraming siyang kailangan gawin at tapusin.

Umupo ako sa harap nito at sumandal.

“Hoy, anong nangyari pala kagabi?”, tanong ko sa kaniya. Nag-aaya kasi siya lumabas at iba pa naming kaibigan kaso hindi na ako sumama dahil may tinapos pa ako.

Tumigil ito sa pagtitipa at masamang tinignan ako.

“Edi kung sumama ka, hindi ka nagtatanong ngayon?", inirapan ako nito. Natawa naman ako sa katarayan nitong tao na'to, sarap yakapin sa leeg.

“Ano nga?!”, pangungulit ko.

Bumalik ito sa pagtitipa at nagsalita.

“Kumain lang tapos umuwi na agad 'yong tatlo.”, She was referring to our three other friends.

“Ba't?”, I asked while I took a chocolate from her candy glass jar on the side.

“May gagawin pa daw sila tsaka gabi na daw.”, she answered seriously, her eyes fixed on the computer.

“Ah!, Edi ikaw nalang naiwan mag-isa?", tanong ko habang kinakain 'yong chocolate.

“Oo, dumeretso ako bar. Coz, why not?”, natawa ako ng nagkibit-balikat pa 'to at tinaas ang dalawang kilay.

“May gwapo?”, tanong ko pa.

Nangingiti itong humarap sa akin at tumango. Mukhang may ginawang kalokohan ang tinginan ng babaeng 'to ah.

“Anong ginawa niyo?”, nanliliit ang matang tinignan ko ito habang may ngiti sa labi.

“Wala.”, She pressed her lips together to stop herself from speaking.

“Sa itsura mong 'yan, hindi halatang wala ka talagang ginawa!”, natatawang sabi ko at binato sa kaniya ang balat ng chocolate.

“Wala nga, nag-ano lang kami. You know, “painit” gano'n.”, Parehas kaming natawa sa sinabi niya. Parang others lang, ayaw pa diretsahin nang maayos.

“Sobrang lamig ba, ghorl?”, panunukso ka pa.

“Medyo.”, sagot nito at para pa kaming tanga parehas na nag-apir habang tumatawa.

“Boosit ka!", tumayo na ako at nagpaalam na bumalik sa floor ko. Baka wala kaming matapos na trabaho kapag matagal pa akong umupo dito. Baka tumawa nalang kami maghapon dahil sa kalokohan na pinagsasabi at ginagawa niya.

Nag-aayos ako ng copies ng mga files nang mayroong lumabas mula sa elevator. Napatingin ako sa gwapong lalaking palapit sa akin. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Sino kaya ito?

Umayos ako ng pagkakatayo at nagsalita.

“Hello, Sir. Good Day! How may I help you?”, I smiled at him and waited for his response.

“Can I talk to Mr. Lucas Sanford?”, he asked in a strong and masculine voice.

“Do you have an appointment, Sir?”, I asked and he just shook his head.

“I'm sorry bu—”, napahinto ako sa sasabihin ko ng biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

“He's my friend, Czek Ramirez.”, napalingon ako kay Sir Lucas na kalalabas lang ng opisina niya.

“Hey, bro!”, a man named Czek greeted him. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa at nanahimik.

“Come here.”, he said to the man who was standing in front of me, and went to his office.

Napatingin ako sa lalaking kausap ko kanina at noong makita akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti ito sa akin bago pumasok sa loob. Naiwan akong nakatayo at nakalingon sa direksyon ng opisina ni Sir Lucas.

May kaibigan din pala 'yon.

Mas mukhang mabait 'yon kaysa sa kan'ya. Medyo magaan kasi ang aura noong kaibigan niya kaysa sa aura ng mukha ni Sir Lucas.

Bumalik na ako sa ginagawa ko. Pinag-aayos ko ang pagkakasunod-sunod ng mga kailangan agad ipasa at gawin. Pagkatapos ay umupo ako at kinuha ang ipad ko para tignan ang schedule ng boss ko. Wala naman na din naman siyang meeting ngayon dahil hapon na.

Nag-notes na rin ako ng schedule niya for next week. Naka-received kasi ako ng e-mail from the President na mag-set daw ako ng meeting next week with Sir Lucas and the board of directors. Wala naman siyang sinabi kung about saan.

Tumapat ako sa harap ng computer ko at sinimulan i-email lahat ng Board of Directors regarding sa gaganapin na meeting for next week.

Napaangat ang ulo ko at napalingon kay Louise na kalalabas lang mula sa elavator. Lumapit ito sa akin at may binabang folder.

“All done, Ms. Bernardo.”, binuklat ko ang folder na dala niya at nakitang ito 'yong files na pina-revise ko sa kanya kanina.

“Bilis ah.”, sabi ko at nilagay ito sa gilid.

“Siyempre, ako na 'to eh.”, pagyayabang nito sa harap ko. Hinahangin na naman 'to.

“Huwag ka muna magyabang baka ipa-revise ulit 'to”, natatawang sagot ko sa kanya at in-ismiran ako.

Napalingon kaming dalawa sa direksyon ng pintuan ng opisina ni Sir Lucas ng marinig naming bumukas ito. Inilabas nito ang kaibigan niya na dumating kanina. Tumayo ako at ngumiti rito.

Ngumiti ito pabalik at nilipat ang tingin kay Louise. Biglang napalitan ng gulat ang ngiti sa labi nito at para bang na-estatwa sa pagkakatayo. Napatingin ako kay Louise na nanigas sa kan'yang pagkakatayo at gulat din na nakatingin kay Sir Czek, namumutla ito na para bang nakakita ng multo.

Pasimple ko itong kinalabit at napalingon sa akin. Lumunok ito at para bang hindi alam ang gagawin. Walang sabi-sabi itong naglakad at dali-daling pumasok sa elavator. Ano bang nangyayari sa kanya?

“Hey, Miss.”, Napatingin naman ako sa kaibigan ni Sir Lucas ng sumigaw ito at hinabol nito si Louise papasok ng elevator.

Naabutan pa nitong bukas ang elavator at dali-daling pumasok ro'n. Pupuntahan ko sana silang dalawa at tatanungin kung anong nangyayari pero huli na dahil sumarado na ang elavator, ang laman lang ay silang dalawa.

Naiwan akong nakakunot ang noo at nagtataka mula sa aking pagkakatayo. Magkakilala ba sila? Bakit gano'n nalang sila umakto na para bang nagulat sa isa't isa.

Naguguluhan akong umupo sa swivel chair at inisip pa rin kung anong nangyari para maging ganoong ang reaksyon nila sa isa't isa. Sa pagkakatanda ko naman, walang nak-kwentong iba sa akin si Louise kaya hindi ko rin alam.

Basta. Hayaan na nga!

Bumalik ako sa trabaho ko at nag-focus nalang sa ginagawa ko. Nang mag-uwian ay niligpit ko na ang mga gamit ko at ang mga iuuwi kong gagawin sa weekend.

“Take care as you go home.”, napatingin ako sa direksyon kung saan nagmula ang nagsalita.

“Yes, sir. Ingat din po!”, ngumiti ako sa kanya. Tumango ito at naglakad na paalis.

Inayos ko na lahat ng gamit ko at dinala. Sumakay na ako ng elavator. Bumukas ito sa 14th floor, tinignan ko ang kabuuan ng palapag na 'yon at tinignan kung naroon pa si Louise dahil doon ang palapag ng Marketing Department. Hindi ko ito nakita kaya tinanong ko 'yong ka-team nito na nakapasok na sa loob ng elevator na kasama ko na ngayon.

“Hi, nand'yan pa ba si Ms. Gonzales?”, tanong ko.

“Kanina pa umalis, nagmamadali.”, sagot nito.

“Ay gano'n ba. Sige, thank you!”, ngumiti ako rito.

Pagkarating sa parking lot ay sumakay na ako sa kotse ko at umuwi.

Yay, Weekend na ulit!

____________________________________

Wait for the next chapter, guys!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1M 24.4K 42
Limited Time Only: Binge this series for a chance to win FREE coins until June 2! Read 10+ chapters of this story and win 30 Coins (2000 Winners) Whi...
693K 40.3K 35
|ROSES AND CIGARETTES Book-I| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. °•°•°•°•° "Junoon ba...
1.6M 96.9K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
672K 26.1K 74
Lilly found an egg on a hiking trip. Nothing abnormal on that, right? Except the egg was four times bigger than supposedly the biggest egg in the wor...