RAKISTA Love Affair Season 3...

By ilovemitchietorres

121K 712 233

Season 3 of RAKISTA LOVE AFFAIR (Final Book) "Find something that makes you happy and don't let anyone take i... More

Season 3: FINAL BOOK
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014 // Kalum
016 // Kalum
017

015

1.8K 22 11
By ilovemitchietorres

Nasa 7/11 ako nung ginagawa ko tong drafts and half of it bago ako matulog......

This chapter is not edited.

--------------------------

RAKISTA LOVE AFFAIR

/Haiyan Mendel/

Nasa loob kaming dalawa ng sasakyan ni Mikey ngayon. Yap, just me and him. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakabigla lang ng napaka-aga niya akong kinatok sa room ko para magkape.

Ganito kasi yung exact na nangyare kaninang umaga.

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Napabangon ako ng wala sa oras para tignan kung sino ito.

Pagsilip ko sa peephole at nakita ko si Mikey.

Anong meron?

Maaga pa ha?

Pinagbuksan ko siya agad ng pinto.

"Uy..." Sabi ko.

Napakamot siya agad sa mukha at di sa akin makatingin ng maayos.

"Bakit? May problema ba Mikey?"

Umiling siya sa akin agad bilang sagot.

"Oh... Okay."

"Ahh... Ano kasi... Aayain kita magkape?"

Halos magsalubong na siguro ang kilay ko sa curiosity kung bakit niya natanong ang bagay na to.

I mean pwede naman na mamaya na lang bakit ngayon niya pa sasabihin sa ganitong kaalanganing oras.

"Sure?"sagot ko at napasandal na lang sa gilid ng pinto habang tinitignan siya.

Naglight-up agad ang mukha niya dahil ngumiti siya.

"Sige mamaya ha? Maaga tayo aalis."

"O-okay... Pero bakit ang aga naman yata---" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ng magpaalam na siya sa akin.

"Bbye!" Tumalikod na siya at naglakad na palayo.

Naiwan ako don habang sunusundan siya ng tingin palayo sa akin.

Nakabasketball shorts, black na shirt at slippers ang suot niya habang ako naman cotton oversized shirt at pajama.

Kinatok niya na naman ako for the second time kaninang umaga. Kakatapos ko lang magblow dry ng buhok buti na lang naka-ayos na yung mga gamit ko kaya lumabas na ako agad ng room at sinalubong si Mikey.

Nakakapanibago kasi hindi naman tipo si Mikey ng taong mahilig magkape.

Kaya nga nakakabigla na siya pa mismo ang nag-aya sa akin na magkape ngayon.

Once in blue moon lang to.

Siguro nagccrave lang siya sa aroma?

I guess so...

Naglalakad na kami ni Mikey sa sidewalk. Nakasuot siya ng snapback kaya natatakpan yung blonde niyang buhok. Leather jacket, black shirt, jeans at combat boots. He's typical rockstar look na talaga namang bagay sa kanya.

Kung titignan siya ngayon nakakaintimidate ang aura niya to the point na titignan mo na lang siya or susundan ng tingin.

Siya yung badboy 'look' na madalas binabanggit sa mga books na mahhead over heels ka na lang pero in reality kabaliktaran naman sa kanya.

Si Mikey kasi kung titignan siya ngayon oo nandon yung badboy look na yan with an attitude pero kung kilala mo na siya ibang-iba naman talaga ang ugali.

Siya kasi yung masiyahin, kalog, maingay at mabait na tao.

Talaga namang nakakahawa yung good vibes na meron siya kaya nga gustong-gusto ko siyang kasama.

Nakaka-aliw at di matatapos ang araw na hindi ka niya napapatawa.

Napasulyap siya sa akin bigla.

Nginitian ko siya.

Ngumiti din siya sa akin at binaling ang tingin ulit sa daan.

Napansin ko na hawak-hawak niya na naman ang phone niya at panay ang tingin dito bago niya ibalik ulit sa bulsa ng pantalon niya.

Actually, kanina ko pa yan napapansin sa kotse.

"Mikey."

"Hmm?"

Sinulyapan niya ako ulit.

"Bakit inaya mo ko magcoffee ngayon?" Tanong ko.

Umiwas siya sa akin ng tingin.

"...uh... Wala lang."

"Wala lang?"

"Gusto ko lang."

"Eh di ka naman mahilig mag coffee--" hindi niya na ako pinatapos magsalita.

"Wala lang trip ko lang." He shrugged his shoulder.

"O-okay?"

Hindi na ako nangulit pa kung bakit ba feeling ko may 'something' siyang tinatago sa akin.

Nakakapanibago kasi.

I know ilang beses ko ng sinasabi to pero kung iisipin baka wala naman siyang tinatago sa akin at talaga namang 'trip' niya lang magcoffee kaming dalawa.

Wala naman akong nakikitang mali don diba?

Nakaramdam na lang ako ng kamay na umakbay sa balikat ko.

"Wag kang magalala treat ko ngayon lahat ng kakainin natin."

Nangiti na lang ako sa narinig kong sinabi niya.

Hindi rin nagtagal nakarating na din kami sa sinasabi niyang isa sa binabalik-balikan na coffee shop nila Ash kapag nagagawi sila dito magtour.

Medyo madami-dami na rin ang tao ng maabutan namin may middle age man na nagbabasa ng newspaper sa labas mag-isa, meron namang nakasports attire na kakatapos langmagjogging at meron din na babaeng nakacorporate attire na busy sa pakikipagusap sa phone.

Sa lahat ng taong nandon....

Nakuha ng attention ko yung babaeng nakasuot ng fitted dress shirt at white rubber shoes.

Mahaba ang buhok.

Maputi.

Kilalang-kilala ko yung kilos niya at higit sa lahat alam kong kilala ko ang taong to kahit nakasuot siya ng shades.

Napatayo rin siya ng mapansin kong nagawi ang tingin niya sa direction ko kung saan ako nakatayo.

Tinanggal niya yung shades na suot niya.

Napatakbo na lang kami palapit sa isa't-isa hanggang sa maramdaman ko ang mahigpit niyang yakap na namiss ko sobra.

"I miss you bes."

Matapos ang ilang segundo...

Minuto ng yakapan naghiwalay na din kami.

"OHMYGOSH... I MISS YOU SO BESTY!" She said at hinawak ang buhok ko.

Sanay na ako na kasunod niyang pupunahin ang suot kong damit at yung minimal make-up sa mukha na ginamit ko.

"May mga bili akong new products let's try it later yeah?"

I nodded.

Nandon yung spark sa mata niya at yung saya na makikita dito.

"Bakit di mo man lang sinabi sakin na nandito ka na?" May halong pagtatampo sa boses ko.

Ngumiti siya.

"Ehhh kasi hindi na surprise kung sasabihin ko sayo agad and besides magaling kaya ang buddy ko na tumulong sakin." She said at tinanguan yung tao sa likod ko kaya ako napalingon.

"Mikey pati ba naman ikaw issecret sakin to?" Sabi ko sa kanya at katulad ni Kris nangiti lang siya at napakamot sa ulo.

"Surprise!" Ang nasabi niya lang.

Hinila ako ni K papunta kung saan nakatayo si Mikey.

Hindi ko napigilan na mapangiti at maisip kung paano sila pasasalamatang dalawa dahil napansaya nila ako ng sobra.

Niyakap ko si Mikey ng mahigpit.

"Thank you Mikey."

Narinig ko siyang tumawa sabay sabing. "GROUP HUG!"

Nakisama na rin si K sa yakapan namin kaya ang ending nagkaroon kami ng group hug na tatlo.

Matapos ang yakapan nag-aya na si Mikey na kumain.

"Ano pagkain ang meron dito?" He asked while roaming around.

"Hmm... Cake... Bread... Coffee as usual." Sagot naman ni Kris sa kanya.

"Wala bang iba?"

"Duh nasa coffee shop ka kaya anong ineexpect mo."

"Try mo na lang yung bread rolls nila Mikey." Suggestion ko sa kanya.

Kaming dalawa ni K yung pumila at umorder habang si Mikey naman nakaupo na don sa gilid habang nakasubsob ang mukha sa braso niyang nakapatong sa lamesa.

"Inaantok pa siguro yon." Narinig kong sinabi ni K sa tabi ko.

"Oo nga e hindi naman kasi sanay na gumising yon ng ganito kaaga." Sabi ko sa kanya.

Matapos naming umorder bumalik na kami agad sa table namin at nagsimulang magkwentuhan. Si K yung nagkkwento ng kung anu-anong experience na nangayare sa kanya lately lalo na sa trabaho.

"Kahapon nga hindi ko expected na sa dinami-dami ng magiging client ko.... Eh sila pa pala ang makakatrabaho ko." Sabi ni K sabay turo kay Mikey na busy sa pagkain ng tinapay.

Nakatatlong order na siya non.

"Hindi man lang kayo nagpasabi na kayo pala yung 'hottest band' na pinaguusapan." Sabay diin don sa dalawang word na yon.

"Bakit? Alam ba naman tsaka kung alam naman namin magbback-out ka?" Dipensa naman ni Mikey.

"Dipende..."

"Grabe talaga tong taong to."

"Syempre joke lang."

"So nagkita na pala kayo nila Ash kahapon..." Sabi ko at nagnod agad si K sa akin.

"Yap, buti na lang hindi pa nila nasasabi sayo na nandito na ako sa Europe kundi malalagot yung tatlong yon sakin."

"Anyways, pwede ba tayong mamasyal after this breakfast or may lakad kayo?"

"I'm in!" Sagot ko agad.

"Rest day namin ngayon. Wala naman akong gagawin kaya call ako diyan." Sabi naman ni Mikey.

Napangiti si K agad sa mga narinig niya.

"Okay, tapusin na muna natin tong pagkain at ako ng bahala sa destination na pupuntahan natin mamaya."

Hindi na ako magtataka kung bakit ang gagandang mga pasyalan ang pinuntahan namin. Nagstay na kasi si K dito sa Europe kaya kabisado na niya yung mga places na talaga namang babalik-balikan namin.

Nagpunta kami sa mall kung saan naglakad ng ilang oras.

Window shopping na favorite naming dalawa gawin.

Si Mikey....

"Uy, saan na naman tayo pupunta?"

"Sumunod ka na lang." Sagot ni Kris sa kanya.

"Kanina pa tayo naglalakad tas madami na rin tong nabili niyo. Wag niyong sabihin na iikot na naman tayo ulit?"

Napalingon na kami kay Mikey at nakita yung bitbit niyang paper bags.

Isang paper bag kang yung akin out of many na hawak niya ngayon. Wala kasi sa schedule na bumili ako ng damit pero dahil nandito ang fashionista kong bestfriend nakapili ako.

"Actually, isang round pa ulit right G?"

Hindi na ako nakakibo.

Naramdaman ko na lang yung kamay niyang yumakap sa braso ko.

"Let's go!!! May sale don oh!" Wala na akong nagawa dahil hinatak na ako ni K papunta don sa shop at sa tingin ko madadagdagan na naman ng bibitbiting paper bag si Mikey kapag nagkataon.

Pumasok kami sa isang men's shop.

"Anong gagawin niyo dito?" Tanong ni Mikey saming dalawa.

Tinignan siya ni K.

"Baka naman kasi sabihin mo ginawa ka naming alalay for a day syempre tapos na kaming magshopping and it's your turn naman."

"May mga damit pa ako don--tsaka wala akong dalang pera pangkain lang."

"Don't worry Mikey its my treat." Hinila na siya agad ni Kris sa loob at kamuntikan pang matapilok at mahulog ang dala ni Mikey sa kakamadali.

Nangingiti na lang ako sa itsura nilang dalawa at sumunod na ako agad papasok sa loob.

Ilang minuto na kaming nakatayo at paikot-ikot sa shop. Habang naglalakad kami sa mga nakahilerang damit may mga sinasabi si Kris about don sa mix n match na pwedeng gawin ni Mikey lalo na kapag lalabas lang siya.

Street style kung baga.

Hindi naman kasi all the time may stylist na magaayos sa susuotin nila lalo na kapag rest day or di kaya vacation.

"Hindi ko naman kailangan bumili nh damit... Madami pa ako don--"Paulit-ulit na sinasabi ni Mikey pero parang walang naririnig si Kris

Tumigil siya saglit para lingunin kami.

Seryoso ang mukha niya.

"Let me remind you... Hindi ka low profile na tao ngayon Mikey. Kilala ka na hindi lang dito kundi WORLWIDE. Maraming mga mata ng nakatingin sa bawal galaw mo... Lahat napapansin at mapupuna nila even yung pinakamaliit na bahay. Like the way you dress yourself. Isa sa napupuna agad ng public ay yung itsura ng mga artist kasama na ang pagdadamit ng maayos at nasa fashion ang buhay mo ngayon. Papasalamatan mo rin ako dito in the future so just shut up and let me do my job."

Hindi na nakakibo si Mikey at hinayaan ng maghanap si K ng mga damit na susuotin niya.

"Try this one... And this..." Patong-patong na damit yung binibigay ni K kay Mikey.

"Teka lang ang dami na--"

"JUST DO IT." Diin na pagkakasabi ng bestfriend ko.

"Sige na Mikey." Sabi ko sa kanya ng hindi na magtagal.

Napakamot na lang si Mikey at naglakad papunta don sa dressing room.

Isa-isang pinakita sa amin yung damit at naapproved naman lahat yon ni K.

Nakikita ko yung saya sa mga mata ng bestfriend ko habang inaadmire yung creation niya.

Pagkalabas namin bitbit na naman ni Mikey yung mga paper bags naming plus yung para sa kanya.

Gusto ko na siyang tulungan pero ang sabi niya okay lang daw di naman ganun kabigat.

"... Our next stop..." Narinig kong sinabi ni K sa tabi ko habang nagi-isip.

"FOOD TRIP!!!!" sigaw niya at ngumiti.

"YESSSSS!" napasigaw na rin si Mikey.

"Kanina pa ako nagugutom K." Dagdag na pagkakasabi niya.

Naghanap kami agad ng makakainan at di naman kami nahirapan kasi nakarating na kami agad sa food court.

Nagtry kaming umorder ng ibat-ibang menu from each stalls na sa tingin na magugustuhan ng panlasa namin.

"Bakit di ka kasi nagsasabi na gutom ka na pala?" Tanong ni K.

Ilang segundo bago makasagot si Mikey habang puno pa rin ang bibig ng pagkain.

"... Eh kasi naman busy kayo kakawindow shopping baka masapak niyo ko kapag inistorbo...." Sabay subo ulit ng pagkain sa bibig niya at ngumuya.

After all these years, hindi pa rin talaga nagbabago si Mikey lalo na sa way ng pagkain.

Makalat pa din siya at higit sa lahat nakakahawa yung gana nya kumain.

"Oy, punasan mo yung gilid ng bibig mo may ketchup."puna ni K sa kanya.

Inabutan ko si Mikey ng tissue dahil malapit sa akin ito nakalapag.

".... Agsjwuns...shhs...qwteshxv..." Hindi ko na maintindihan yung sunod niyang sinabi.

"Ano?" Tanong ko.

"Disgusting... Tapusin mo nga muna yang nguyain bago ka magsalita. My goodness." Sabi ni K.

Mabilis niyang nginuya yung pagkain na nasa bibig niya bago siya uminom ng juice.

"... Ang sabi ko gusto mo pa ba niyang pasta? Mukha kasing di mo na kayang ubusin..."

Iniabot ko na sa kanya yung plate ko.

Ang dami ng servings nila dito per plate at di ganun kamahal yung price per dish.

"Sayo na lang din to."

Binigay na din ni K yung sa kanya at kinuha naman to agad ni Mikey at nilapag sa tabi ng plato na binigay ko sa kanya.

"Next time nga kain ulit tayo kahit dito na lang din--"

"Basta ba bitbitin mo yung mga pinamili namin." Hirit agad ng bestfriend ko.

"Oo sige. Call ako diyan."

"Deal."

Ang bilis ng oras hanggang sa di na namin namalayang gabi na pala kundi pa kami lumabas ng mall. Nag-aya manuod ng movie si Mikey matagal-tagal na rin kasi yung huli na nakapagscreening siya at dahil busy din kasi siya sa career ng banda.

Yung kwentuhan namin kaninang umaga sa coffee shop nauwi sa pag-aaya lang ni K na may dadaanan siyang product sa isang store hanggang sa nakapagshopping na kaming tatlo ng wala sa oras.

Nasingit pa naming gawin na makapagfood trip at yung di rin kasama sa planong magssine kundi lang nabanggit ni Mikey sa aming dalawa ni Kris.

Ngayon nasa sasakyan na kami.

Nasa backseat kami nakaupong tatlo ng bigla na lang magsalita si Kris.

"Guys, may malapit na club dito..."

May kutob na ako sa unang word pa lang na binigkas niya.

"... punta tayo!"

Sinasabi ko na nga ba.

"Hindi ka pa ba pagod K?" Tanong ni Mikey sa kanya.

"Nasa mukha ko ba ang itsurang pagod?" She asked.

Sabay turo sa mukha niya.

Hindi na kumibo si Mikey.

"... G, ano?"

"... Eh, kanina pa tayo lakad ng lakad diba? Siguro dapat magpahinga na tayo--"

"Ito naman minsan lang ako maglambing sa inyo." Nagpout siya.

"Ngayon na nga lang tayo magkkasamang tatlo ng ganito tapos ayaw niyo pang sulitin?"alam kong kinokonsensya niya kami habang sinasabi niya yung mga salitang yon.

"... Kasi naman kanina pa tayo naglalakad... Nakakapagod kaya..." Hirit ni Mikey.

"May next time pa naman bes--" hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko ng magsalita ulit si Kris.

"Yun nga eh bakit innext time pa kung pwede naman ngayon na free tayo? I mean di na natin hawak ang time malay niyo super hectic ang sched... Sige na kasi guys celebration na rin ng pagdating ko."

Hinawakan ni Kris ang kamay ko at pinisil-pisil.

"Sige na G pleaseeeee."

Hindi ko na magawang tignan siya.

This time pinagbalingan niya yung lalake sa tabi ko. "Ililibre kita ng kahit anong pagkain na gusto mo bukas Mikey--"

"Call." Sagot agad nito.

"Yes!" Napapalakpak tuloy si K.

"So G ikaw na lang...." Sabi niya at pinipidot-pindot ang braso ko.

"Okay."

Narinig ko na lang sumunod ang tili ng bestfriend ko sa sobrang tuwa.



At the club...

Pagdating na pagdating namin dito dumiretso agad kami don sa vacant na table malapit ang don sa bartender kaya nakakuha agad ng drinks si Kris.

Nageenjoy siya at humihiyaw kasabay ng pagsayaw sa beat ng music.

"Inom lang guys my treat don't worry. Ngayong gabi magpparty tayo all night!" Sigaw niya.

Straight niyang ininom yung nasa shot glass niya.

"H-hey... Hinay-hinay lang bes." Inawat ko siya na ubusin na naman yung isang shot glass.

"Hayaan mo na ako G malaki na ako kaya ko na to promise."

I just sighed.

Pasaway talaga.

Maya-maya tinitigan niya ako.

Hanggang sa ibaling niya ang tingin niya sa katabi ko.

Binalik niya ulit sa akin.

"Narinig niyo na ba yung balita?" Bigla siyang nagtanong.

"Anong balita yon?"

Tinaasan niya ako ng kilay sabay sabing. "Duh hindi niyo alam?"

"Oy Mikey ikaw ha may hidden agenda ka...." Tinuon niya naman ngayon ang attention niya kay Mikey na nakaupo sa tabi ko.

Nakaubos na yata siya ng isang bowl ng chips.

"Ano? Ako? Anong agenda yang pinagsasasabi mo?" Tanong nito.

Napansin ko na naman yung ginawa niyang pagtingin sa aming dalawa.

Pabalik-balik.

Sa akin at kay Mikey.

"Bakit ba K?" Tanong ni Mikey na halatang naguguluhan na sa sinasabi ng bestfriend ko na 'may hidden agenda' siya.

Tinuro niya kaming dalawa sabay sabing. "Kayo ha may hindi kayo sinasabing dalawa sakin...."

May something don sa way ng pagbigkas niya ng mga salitang yon.

"Kung ako sa inyo sabihin niyo na wala namang masama at isa pa bestfriends tayo ever since..."

Pinipilit niya kaming magsalita na para bang may tinatago kaming kung anong alam niya na hindi namin magets.

"Mikey?" Tinawag niya ang lalakeng katabi ko.

"Ano?" Halatang naaasar na si Mikey.

"Gabby?" Sabay taas sakin ng kilay.

"Ha?" Naguguluhan na talaga ako sa nangyayare.

Hindi ko magets si Kris. May kung anong bagay na tumatakbo ngayon sa isip niya na hindi naman namin alam.

Pati ako nagtataka na sa kung ano bang gustong ipahiwatig ng bestfriend ko sa akin.

She rolled her eyes at sinabi ng prangka ang mga sumunod na salita na nagpabigla rin sa akin.

"Kayo ba?"

Kami?

Ano daw?

Kami....

Ha?

Nabasa siguro ni Kris yung confusion sa mukha ko kaya tinuro niya ako at si Mikey sa tabi ko.

"KAYO. BANG. DALAWA? AS. IN.GIRLFRIEND.BOYFRIEND?"

Dahan-dahan at madiin niyang sinabi sa amin na para ba kaming maliliit na bata na mahirap palinawagan.

Naramdaman ko na lang na nag-init ang pisngi ko at nanlamig ako na pinawisan ng malamig.

At kasunod non yung malakas na tawa ni Mikey.

Hinahampas-hampas niya yung lamesa ng makailang beses at humawak sa tiyan niya.

Matapos yung ilang segundo...

Minuto na tawa niya nagsalita siya.

"Saan mo naman nakuha yan G?" Pinunasan niya yung luha sa mata niya dahil sa tuwa.

Nakaramdam ako ng kamay na umakbay sa balikat ko.

"Bestfriend ko tong si Gabby alam mo naman yon diba K? Bestfriends kaya tayo... Close friends. Tsss sino naman nagsabi sayo na KAMI?" Tanong ni Mikey sa bestfriend ko na halatang curious din kung saan nga bang lupalop ng mundo nasagap niya yung balitang may 'something' kaming dalawa.

Si Mikey kasi ang cool talagang kasama lalo na sa kainan. Game siya sa lahat katulad kanina na siya ang nagbitbit ng mga pinamili namin. Higit sa lahat malilibang ka sa mga jokes at sa mga kwento niya.

He's one of my bestfriend.

My brother.

Kaya nga nakakabigla lang na may label na pala kaming dalawa without us knowing.

Nilabas ni Kris agad yung phone niya at meron siyang hinanap hanggang sa ipakita niya na sa amin yung nasa screen.

Article ng isang site about famous star na nalilink sa isang mystery girl.

Rockstar guitarist of 5 Seconds of Summer with his girlfriend spotted together.

Nagscroll down ako at nakita yung iba't-ibang artictle names which is always linked sa 5SOS or more specifically kay Michael Clifford.

May isa pang pangalan na nasama sa isanh article...

Pati si Ashton nadamay na.

5SOS member Love Triangle?

Ashton Irwin and his fellow bandmate Michael Clifford dating the same girl at a time.

Tinignan ko na yung nga pictures at lumabas agad ito...

Yung araw na magkasama kaming tatlo nila Mikey at Ash. Sa pagkakatanda ko nilibot nila ako after nung first night ko bilang band photographer nila.

May picture akong nakangiti kay Mikey at ganun din siya sa akin.

Yung isa naman halos magkadikit kaming dalawa ni Ash habang naglalakad at si Mikey wala sa frame.

Yung isa naman naka-akay di Mikey sa akin habang naglalakad din.

Yung night club na pinuntahan namin last time....

That time na sabay kaming lumabas ni Mikey sa club at nagulat na lang ako sa mga flash ng camera at hiyawan ng mga tao.

Sa isang fram nakuha kung paano ako alalayan ni Mikey hanggang sa makarating kami sa SUV.

May picture din ako sa sound check na nakatayo sa front row sa gilid habang nakatingin sa kanila.

Ang dami pang mga pictures na kung titignan talaga parang may 'something'.

Sa gesture pa lang ng mga paakbay ni Mikey na para sa akin wala lang as in normal lang.

Ganun din naman kay Ash ang cool din kasi na guy yung taong yon. Malalim at may sense of humor siyang kausap.

At kinagulat ko sa lahat yung latest photos naming dalawa ni Mikey ngayon.

Magkayakap.

Kanina lang tong umaga sa coffee shop nung nasurprise ako sa pagdating ng bestfriend ko galing US.

Sinong kumuha ng picture na yon?

"Hoy Mikey anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ng bestfriend ko kaya napatingin ako agad sa lalakeng katabi ko na ngayon tutok sa hawak niyang phone.

"May titignan lang ako." Sagot niya.

Nagscroll down ako at napunta don sa comment section.

Karamihan nagtatanong kung sino ang masamang babae ni Michael at nakapaglulumo na mabasa na halos lahat negative yung dating sa akin.

May mga humusga agad at nagsabi ng kung anu-anong salita na nakapagpatigil sa akin sa pagscroll down pa.

Binalik ko na yung phone ni Kris sa kanya at napasandal sa upuan habang napapa-isip sa nangyayareng 'issue' ngayon.

"Ahhh... Kaya pala." Napatingin ako ulit kay Mikey ng marinig siyang magsalita.

"... Di ko nabuksan ng ilang araw tong twitter ko... Sabog mentions ko."

"Patingin nga!" Hinablot ni Kris yung phone kay Mikey at tinignan yung sunod-sunod na notifications at mentions sa twitter account niya.

"Yabang famous ka na talaga Mikey. Gosh, nababasa mo pa ba lahat ng mentions sayo?" Tanong ni Kris at binalik na yung phone sa kanya.

He just shrugged his shoulders at nagppindot na naman sa screen niya.

"Nakakatuwa lang kasi... Out of all the people na kilala ko. Kayo pa talagang dalawa ang magkaroon ng issue na mag-on. It's so damn funny... Seriously ang gulo talaga sa showbiz kung anu-anong balita na lang ang nagagawa kumita lang. It sucks." Nagshot ulit si Kris at nakaubos na siya ng pangatlo o pang-apat? Hindi ko na din mabilang sa dami ng nakalatag na empty shot glass sa table namin.

"G... Tignan mo to."

Lumapit ako kay Mikey para makita at mabasa yung nasa screen ng phone niya.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya sa nakita ko.

Merong isang twitter account na dedicated sa akin at kay Mikey.

More lang fan ng 'love team' namin.

And to make it more flattering meron na kaming 'ship name'

Michaella.

Michael and Gabriella.

Teka paano nila nalaman ang pangalan ko?

Nakakabigla talaga kung paano nila nalalaman yung mga bagay tungkol sa akin.

"Michaella... Hahahahahaha...." Tumawa lang si Mikey ng sabihin niya yon at ako naman nahiya sa hindi ko maexplain na reason.

"Tignan mo pa to G...." Pinakita niya sa akin yung mga 'sweet photos' naming dalawa na halos lahat cropped.

Hindi lang naman kasi kami yung magkasama tulad na lang ni Ash o di kaya si Cal kung baga group kaming namamasyal.

Kung titignan kasi tong mga photos talagang maiisipan mo ng may kung anong namamagitan sa amin higit sa magkaibigan.

Kung sa akin wala naman yon alam naman kasi naming dalawa ang totoo. Close kami as bestfriends at katulad nga ng sinabi ko ng kanina para na siyang brother ko.

Pinagmasdan ko si Mikey at nakita na nakangiti siya habang tinitignan yung mga picture.

Ito yung masasabi kong isa sa ugali ni Mikey na gusto ko.

Positive siyang tao.

Hindi siya nagpapa-apekto sa kung ano mang hindi magandang balita. Kung baga humahanap siya ng way para pagaanin hindi lang ang sitwasyon kundi ang pakiramdam ng mga taong nasa paligid niya.

Tumingin siya sa akin.

Hindi ko maiwasan na mapangiti.

"What-the-fvck!!!" Napahiyaw siya bigla ng may kamay na tumulak sa mukha niya palayo sa akin.

Napatingin ako agad sa taong biglang sumulpot sa tabi ng inuupuan naming dalawa ni Mikey.

Kahit dim ang light nangingibabaw pa din yung pale skin ng braso niya. Nakasuot siya ng black button down shirt.

Natigilan ako bigla ng sulyapan niya ako.

"Tangina anong problema mo!" Sigaw ni Mikey.

"Magkapalit kayo ng mukha." He said as if yun yung natural na isagot niya.

"Jelly..." Mahinang boses na binigkas ni Kris but enough for me to hear.

Tumayo na si Mikey at nilapitan si Luke.

"Oy bakit ka nandito?"

"Bakit bawal na ba ako pumunta dito?" Binalik agad ni Luke ang tanong kay Mikey.

"May sinabi ba akong bawal kang pumunta dito aber?"

"Yun kasi yung dating ng tono ng pananalita mo."

"Nagtatanong lang kasi ako pare ikaw lang naman ang nagbibigay ng ibang motibo." Sabi ni Mikey.

"Ikaw lang ba?" Natanong niya bigla kay Luke.

Umiling ito sabay sabing. "Nandyan sila Cal at Ash."

"Ooohhhh kumpleto pala tayo. Astig. Na saan sila?"

Tinignan ni Luke yung mga tao sa paligid bago siya magsalita para sagutin ang kaibigan.

"Nandon yata sila tignan mo na lang."

Binaling na ni Mikey ang attention niya sa akin.

"G, may pupunta lang akong saglit. Puntahan ko lang sila Ash okay lang?"

"Sige..." Yun na lang ang nasabi ko.

Nagpaalam na ulit si Mikey bago siya umalis.

Umayos na ako ng upo at hinawakan yung glass na almost half empty na.

Alam ko nandyan pa din si Luke malapit sa tabi ko.

I can still feel his presence even though hindi ko siya nakikita.

"Gago talaga yung ilong na yon." Napatingin ako agad kay Kris na nung marinig ko siyang magmura.

Sinundan ko ng tingin yung pinanlilisikan niya ng mata at nakita si Calum na almost 'too friendly' sa mga babaeng kausap niya sa kabilang side ng club.

Tumayo agad si Kris at halatang galit.

"Bes, aalis lang ako saglit may kailangan akong gawin."

Bago umalis ang bestfriend ko straight niyang ininom yung nasa glass niya.

Bago ko pa siya pigilan naka-alis na siya at di ko na nasundan ng tingin sa dami ng tao na nasa gitna habang nagsasayaw.

Wala na si Mikey at ganun din si Kris.

Naiwan na akong mag-isa dito.

May taong naupo sa tabi ko.

Si Luke.

I suddenly feel unease. Para bang ibang tao itong nasa tabi ko at di ko kilala.

Bakit ba nandito na naman kaming dalawa sa sitwasyon na to?

Nilapag niya yung bote ng alak na hawak niya sa lamesa kasama nung mga shot glasses.

"Magkasama pala kayo ni Mikey..."

Para bang may gusto pa siyang sabihin bukod doon pero hindi ko na napoint-out kung ano ng magsalita na siya ulit.

"May lakad pala kayong tatlo."

He's reffering to me, his bandmate and my bestfriend.

Yes, totoo nga yon na may lakad kami at base sa tono ng boses niya wala siyang alam.

Naalaa ko yung ginagawang effort na surprise ni Mikey na nagpasaya sa akin kanina ng sobra.

"Actually, sinurprise ako ni Mikey."

"Talaga lang ha..."

"Hindi ko expected na makikita ko si K--" tumigil na ako sa pagsasalita ng marealize na halos ikwento ko na sa kanya yung mga nangyare sa bonding moment naming tatlo kanina.

Sa tingin ko di naman kasi sya interested sa araw ko. At bakit ba kailangan ko pang imention at ishare sa kanya diba?

"Malamang si K ang gustong magsurprise sayo. Nagpatulong lang siya kay Mikey. So..... basically hindi plano ni Mikey yon just saying."

Napatingin ako sa kanya.

Ang layo ng tingin niya.

Kahit nakaside view siya ngayon kitang-kita ko yunh poker face niya.

What's up with him?

Bakit ganun na lang siya magsalita?

I don't get him.

Hinawakan niya yung bote niya at uminom. Nakita ko kung paano nabawasan yung liquid sa loob nito. Binaba na niya yung bote at nilayo sa bibig niya.

Tinignan niya ako.

Gosh...

I want to look away pero hindi ko magawa.

"Siguraduhin mong di ka iinom ng marami. Alam mo at alam kong di magugustuhan nila mama G kung anong mangyare sayo lalo na't nasa poder ka namin ngayon."

I don't know if he cares kaya niya sinasabi yon o nangangaral na naman siya na para akong underage na highschool girl na nandito sa club.

I'm old enough to take care of myself.

Tumayo na siya bitbit yung bote na dala niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magtama na naman ang mata naming dalawa.

"Kung gusto mo ng umuwi tawagan mo lang ako." Ang nakakainis sa lahat ay yung ginawa niyang pagtalikod at pag-alis na na para bang walang nangyare.

-----------------------------

SLFL is finally over and I'm a bit sad about it. The feel parang kailan lang SLFLMNL and now tapos na yung tour nila. Beyond proud as always. x

-ilovemitchietorres

Continue Reading

You'll Also Like

8K 259 16
AshMatt fanfic
127K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
8.5K 78 20
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
331K 5.1K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...