RAKISTA Love Affair Season 3...

By ilovemitchietorres

121K 712 233

Season 3 of RAKISTA LOVE AFFAIR (Final Book) "Find something that makes you happy and don't let anyone take i... More

Season 3: FINAL BOOK
001
002
003
004
005
006
007
009
010
011
012
013
014 // Kalum
015
016 // Kalum
017

008

1.9K 26 5
By ilovemitchietorres

Guys super cool ng song na 'Closer' I love Halsey :-)

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

/GABRIELLA HAIYAN MENDEL/

Nanaginip ba ako?

Ang unang tanong na pumasok sa utak ko pagdilat pa lang ng mga mata ko.

Bumungad sa akin yung cream na kulay ng ceiling kung na saan ako nakahiga ngayon.

Ang lambot ng unan at napakacomportable sa katawan na tipong hindi mo na maiisipang bumangon.

Ang gaan sa pakiramdam ng ambiance kung na saan ako ngayon.

May magarang portrait sa pader at don naman sa unahan ko may malaking flat screen tv.

Lahat ng bagay na nakikita ko ngayon kakaiba sa mata ko.

Yung unfamiliarity nandon.

Bakit?

Wala ako sa kwarto ko.

Hindi ito yung kwarto at bahay na tinutuluyan ko ng ilang taon.

Hindi ito yung apartment ko.

Na saan ako?

Dahan-dahan akong bumangon at tumayo.

Naglakad palapit don sa kurtina at hinawi ito.

Napapikit ako sa sinag ng araw.

Matapos makapagadjust ng mata ko sa liwanag don ko nakita yung mga building sa labas.

Napatingin ako don sa mga kotse at taong halos langgan na lang ang laki mula sa kinatatayuan ko.

Napayakap ako sa sarili ko.

At sumagi sa isip ko yung nangyare kagabi...

Posible bang panaginip lang yon?


/FLASH BACK/

Malakas na sigawan...

Hiyawan...

Ang naririnig ko kanina pa.

Kasabay non yung bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi maalis yung kaba,takot at kanina pa ako di mapakali sa kinatatayuan ko.

Kanina ko pa hawak yung camera sa kamay ko. Sinubukan kong kumuha ng ilang litrato pero di ko nagugustuhan yung mga nakukuha ko.

Nadidistract ako.

I sighed deeply.

Huminto muna ako at tumayo lang sa gilid.

Gabby, focus.

Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero kahit anong motivational words ang paulit-ulit kong sinasabi wala pa din.

Bakit ba kasi?

Ang daming nangyare kanina na nakakabigla naman talaga. Hindi ko lubos akalain na dito kami magkakaroon ng reunion.

Sa ganitong pagkakataon...

Sa ganitong lugar...

Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng taong makukuha ako pa talaga ang naging band photographer ng grupong sikat na sikat na ngayon.

5 Seconds of Summer.

Kanina sa Sound Check nasaksihan ko mismo kung gaano na kalayo ang narating nila.

Yung magkakaibigan na ang passion ay pagtugtog ng mga instruments.

Yung magkakaibigan na nanangarap na tumugtog sa harap ng maraming tao.

Yung magkakaibigan na ang gusto lang gawin ibahagi ang talento nila sa mundo.

Namiss ko sila.

Yung sigaw ni Mikey kapag may bagay na kinatutuwaan siya.

Yung pagkwekwento ni Ash tungkol sa mga bagay-bagay.

Yung kakulitan ni Cal kapag magkakasama na silang apat.

Si Luke...

Wala siya kanina sa Sound Check nung nagsimula sila Ash kaya di ko man lang siya nakita.

I feel disappointed of course pero may parte na ayos na yon.

Bakit?

Kasi siguro nakakaoverwhelmed yung mga nangyare kani-kanina lang tapos makikita ko siya.

Makikita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon makalipas ang ilang taon na halos walang communicatiom.

Hindi pa ako handa...

Pero ngayon na nandito na ako hindi na malayong magkita na kaming dalawa.

Napabuntong hininga na lang ako.

Dapat ko ng ihanda ang sarili ko ngayon pa lang kasi ilang segundo,minuto o oras na lang ang bibilangin magkkrus na naman ang landas namin sa ayaw at sa gusto ko.

....................

Malamig sa venue that's for sure pero kabaliktaran non ang pakiramdam ko.

Pinagpapawisan ako na para bang lalagnatin.

Masama ang timpla ng tiyan ko dahil sa kaba.

Hindi maalis ang panginginig ng daliri ko habang kinukunan sila ng litrato sa stage.

Nandito ako ngayon nakapwesto sa gilid katabi ang mga naglalakihang bouncer at security na nakabantay sa mga fans na nasa front seat at malapit sa stage.

Nakakabingi ang hiyawan at sigawan ng mga tao na halos mabingi na ako.

Sa katagalan nakasanayan na ng pandinig ko kaya di ko na iniinda.

Yung mga ilaw sa stage lang ang nagbibigay ilaw ngayon sa buong venue.

Hawak-hawak ko yung dslr sa kamay ko at yung isa naman sa pindutan.

Finocus ko kay Ash na bigay todo sa pagdr-drums sa gitna. Siya yung isa sa nagbibigay buhay ngayon sa mga taong nakikisabay sa 'beat' na nanggagaling sa drums.

Nakakuha ako ng ilang shots at sinunod si Calum na nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Kitang-kita ko yung 'saya' sa mga mata niya at yung pangilan-ngilang ngiti na binibigay niya sa audience lalo na yung nakapwesto sa side niya.

Napansin niya ako at huminto siya that's my cue para kunan siya ng ilang shots kasama ang bass guitar na hawak niya.

Nagthumbs ako ako sa kanya para sabihin na 'okay' na at nginitian niya ako.

Nasa side ako ni Calum at nasa kabila naman sila Mikey kaya para makuhanan ko sila ng maayos kailangan lumipat ako.

Napatid ako sa wire at napakapit don sa bakal bago pa ako tuluyang sumalampak sa sahig.

May kamay akong nakaramdaman sa braso ko at nakita yung isa sa mga security na may hawak na flash light.

"Careful..." Salitang narinig ko at inalalayan niya ako na makatayo ulit ng maayos.

"Where are you going?" Tanong niya sa akin.

"I need to go to the other side..." Pinaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangan kong makapunta don sa kabila at naintindihan niya naman.

Tinulungan niya akong makapunta sa side ni Mikey. Inilawan niya gamit yung flash light na hawak niya yung dinaanan namin.

Sinubukan kong wag igawi muna ang attention ko sa kanya dahil ang taong nakatutok ngayon sa lens ko ay si Mikey.

Buti na lang gumawi siya sa side ni Calum nung mga oras na kinukuhanan ko yung lead guitarist ng banda.

Kasabay ng beat yung bilis ng kabog ng dibdib ko....

Madilim ngayon sa paligid.

Pumunta sila Ash sa backstage kani-kanina lang at nahinto kahit papaano ang hiyawan ng audience ng mawala ang spotlight sa stage.

"Hey...." May narinig akong sumigaw.

Napatingin ako sa tabi ko at nakita yung babaeng may hawak na banner na mukha ni Ash.

Tinuro ko yung sarili ko kung ako ba ang gusto niyang makausap at tumango siya agad.

Lumapit ako sa kanya.

"Hey can you do me a favor?" Desperate na tanong niya sa akin pero di na niya ako pinagsalita.

"Please it will mean so so so soooo much to me if you give this gifts to the boys." May binigay siya sakin na maliit na envelope at teddy bear.

"Please I love them so much please.... Please." She pleaded at halos mangiyak-ngiyak na siya sa pagsasalita at nasabi niya ring birthday ng kaibigan niya na nasa ospital ngayon kaya hindi ito naka-attend ng concert.

"Oh... S-sure."

"Thank you... You don't have any idea how you made me very happy!"sa kabila nung bar na nakapagitan sa amin nagawa niya akong yakapin ng mahigpit.

Nakita ko yung sincerity sa mga mata niya nung mga oras na yon kaya hindi ko na rin magawang makatanggi.

.

.

.

.

"Thank you so much... Here's our last song 'She Looks So Perfect' sing the words if you know it. We're 5 Seconds of Summer GOODNIGHT!"

Nagsimula na yung unang verse at nasaksihan ko sa unang pagkakataon kung gaano kaintense ang hiyawan ng mga audience kahit na magiisang oras na yung concert.

Hindi rin nagpahuli ang mga taong kumakanta ngayon nasa stage.

Sa pagkakataon na yon pinanuod ko silang apat habang pinapasaya nila ang lahat ng taong nasa venue kabilang na ako.

"There you are!" Hinawakan ako nung babae.

"You'll be on stage in 2 minutes!" Tumakbo kaming dalawa papunta sa backstage para makahabol at doon ko narinig na tumugil na silang tumugtog.

"Why am I here?"

Nangiti lang sa akin yung babae.

"You'll have to take band picture with fans on stage okay? Now go...." Hinawi niya yung itim na tela at marahan niya akong tinulak at nabigla ako sa view na nakita ko.

May spotlight na nakakasilaw.

Ang daming flash...

Malakas ang hiyawan...

Lumingon ako at di ko na nakita si ate na nagdala sakin dito.

Napansin ko yung mga lalakeng kumakaway sa audience.

Ash...

Cal...

Mikey...

Luke...

Nagtutulakan silang apat hanggang sa pumunta sila don sa gitna at sabay-sabay na yumuko.

Nasilaw ako don sa ilaw na tumapat sa mukha ko at nakuha non ang attention ko.

Yung babaeng nagdala sakin sa stage na may tinuturo. Narealize kong pinapausad na niya ako para pumunta din sa gitna at kunan na sila.

Nagsignal na siya sa akin kaya hinakbang ko na ang paa ko.

Para bumalik ako ng highschool na magrerecite sa buong classroom pero ngayon doble, triple...

Mas madaming tao ang nakaharap sa akin.

Nakakapangliit.

Nakakahina ng tuhod sa sobrang kaba.

Hinawakan ko na yung camera ko at tinapat sa apat na lalakeng nakatalikod pa rin sa akin ngayon.

Nakita ko silang kumaway ulit ng makailang beses hanggang sa humarap na si Mikey sa akin.

Bumungad yung ngiti niya at kumaway sakin sabay thumbs up.

Kinalabit niya si Calum na katabi niya.

Sumunod na ding humarap yung dalawa...

Finocus ko yung lens sa apat na lalakeng nakatingin sa camera.

1...

2...

3...

Nanginginig akong pumindot at sunod-sunod na shot ang nakuha ko.

Huminga ako ng malalim at marahan na binuga...

Pagbaba ko ng camera...

Doon ko siya nakita sa unang pagkakataon ulit.

Yung lalakeng una kong minahal.

Yung taong unang nagbigay sa akin ng sinasabi nilang 'Heartbreak'

My childhood sweetheart...

The Band Lead Vocalist...

My frontman...

Luke Hemmings

/END OF FLASHBACK/


Kinuha ko agad yung cellphone at tinawagan yung taong masasabihan ko ng nararamdaman ko ngayon.

Yung taong nakakaintindi sa pinagdadaan ko.

Lahat naman ng bagay nasasabi ko sa kanya at siya yung tinuturing kong bestfriend/sister.

Makailang ring lang sinagot na niya agad.

"Hello G?"

"Hey..."

"Oh what's up?"

I don't know where to start. Hindi ko malaman kung paano ko ba sasabihin sa kanya yung mga nangyare kahapon.

Alam kong mabibigla din siya sa ibabalita ko.

"Gabby?..."

"Uh..." I gulped nervously.

"Is everything okay?" Naririnig ko yung pagaalala sa boses niya.

"N-no..."

"Okay, tell me what happen."

Humgpit yung hawak ko sa phone at huminga ng malalim. Alam kong pagkatapos nitong sasabihin ko na to sunod-sunod ang pagtatanong niya.

Kilala ko siya hindi niya papalagpasin na hindi ko ikwekwento yung buong nangyare.

Gusto ko na may mapaglabasan ng 'undefined feelings' ko ngayon at alam kong handa siyang makinig sa akin.

"Kris... K, diba sinabi ko sayo na magiging band photographer ako."

"Yeah? Why?"

"Yung banda na sasamahan ko buong tour.... 5 Seconds of Summer."

Ilang segundo bago ko marinig yung sigaw niya sa kabilang linya.

"Holys!T. Are you kidding me?"

------------------

1st day of 1st sem today -_-

ilovemitchietorres

Continue Reading

You'll Also Like

7K 230 14
AshMatt fanfic
85.3K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
1.1M 27.4K 127
A story made for Jedean Gawong Fan🌈 If you're against the LGBT Community please skip the story😊 Godbless everyone😇
31.8K 1.2K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine