Love Beyond the Vlog

By Costales_kc

93.8K 1K 8

Fame, fandom, and money. An aspiring vlogger named Shanaiah Ysabelle Sanchez was not interested in those thin... More

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
Epilogue
A/N

27

2.1K 26 0
By Costales_kc

"Ms. Sanchez," Napalingon ako ng bumukas ang pinto ng office ko habang naggagawa ako ng proposal, It's Architect Manabat.

Ilang araw na rin ang lumipas noong mag birthday si Dreysha at sa Batangas na lang namin itinuloy ang celebration dahil nag handa rin daw sila Mommy at Daddy. Grabe naman kasing intense ang nangyari!

"Good morning Architect." Bati ko at tumango lang s'ya bago iabot sa akin ang hawak n'yang folder, "It's your schedule for today, check it."

Binuklat ko ang folder halos malaglag ang panga ko ng makita ang pangalan ng nagkaka-isa isang tao na ayaw kong makausap o kahit makasalubong man lang.


9:00- 10:00  - Online meeting with Mr. fox Villamore (Giving updates on renovation)

10:00-12:00- Site visiting on Taguig, Metro Manila project (Under Construction)

1:00-4:00- Meeting with Mr. Drave Smith and Site Visiting for planning. (Pending..)


"Is it okay with you?" I bite my lower lips before i gave her a slow nod. It's not! How can I settle with that?

"Then, goodluck." She said before turn her back.

Nang makalabas s'ya ng pinto ay doon na ako nagpapadyak sa inis! Bakit?! Hindi na ako pwedeng tumanggi! Nakakainis naman.

Tatatlo lang ang naka line sa akin ngayon araw kaya dapat matuwa ako..pero ang bibigat! At tsaka, apat na oras kaming magkakasama ni Drave? Sabagay, kasama na sa apat na oras na iyon ang biyahe, dalawang oras ang biyahe papunta ng Batangas at tsaka may kotse naman ako, hindi ako para sumabay sa kanya!

[Hey, do you hear my question Ms. Sanchez?] Napabalik lang ako sa reyalidad noong umimik ulit ang secretary ni Mr. Fox Villamore, tulala ako sa meeting thru video call.

"Sorry, the signal was poor. Can you repeat it please?" I asked in a soft voice. Hindi ko lang talaga narinig ang sinabi n'ya dahil tulala ako.

Nag update lang ako buong meeting at sinasagot ko ang mga katanungan ng secretary ni Mr. Villamore.

Noong mag alas dyes na ay nag umpisa na akong mag ayos ng gamit, may site akong pupuntahan para bisitahin ang progress doon. Sa may Taguig iyon, BGC.

"Good morning Ms. Sanchez!" Bati ng mga nakakasalubong ko habang naglalakad ako sa hallway, pababa ako ngayon ng floor.

Hindi ko nakakasalubong 'yung dalawa ha! Busy siguro dahil tambak ang gawain naming lahat.

Habang nasa biyahe ay medyo Traffic at napaka init din kaya sobra ang pagtulo ng pawis ko kahit naka aircon. Feeling ko medyo malambot din ang gulong ng kotse ko ngayon, wala pa namang malapit na Auto shop dito.

"Goodmorning Architect!" Bati ng mga construction worker habang ako ay chinecheck lang ang bahay.

"Nasaan si Engineer?" Tanong ko sa porman dahil may ipapa adjust kami, nag request yung may ari ng bahay noong nakaraan na gusto ng bintana sa Atique.

"Mamaya pa ang balik noon Architect, nag memeryenda." Really? In working hours talagang naisipan pa n'yang mag meryenda. Hindi ko kilala ang Engineer ng bahay na ito dahil si Architect Manabat naman ang kausap dito.

Naglibot libot lang ako at nakakatakot tumuntong sa second floor dahil semento na sahig palang iyon talaga at may mga bakal pa na maaaring makatakid sa iyo, nakakalula. Bumaba na rin ako matapos tignan ang progress doon.

Pagkababa ko ay nangunot ang noo ko ng makita si Klyde na may dalang tatlong supot na naglalaman ng mga pagkain, ipinapamigay n'ya iyon sa mga construction worker kahit hindi pa oras ng break time.

"Architect, nandito na si Engineer." Napalingon di sa akin si Klyde ng sabihin iyon ng porman.


"Oh! Shanaiah, bakit nandito ka?" Nakangising tanong n'ya at inabot sa akin ang isang burger, para namang parte ako ng budget nila, "Gusto mo?"

"No thanks," Sagot ko at hinubad na ang suot na hard hat dahil nakakadagdag iyon sa init na nararamdaman, "Nakausap ka na ba ni Architect Manabat?"

"A-Ahh, ehh..Hindi ko ito project. Sub lang ako dito ngayon para tignan kung gumagawa ba ng mabuti itong mga worker. May sakit 'yung tropa ko na may handle dito," Sagot n'ya

"Sana nga ikaw na lang ang Engineer dito, Engineer Delos Reyes. Ang higpit ng Engineer namin dito, talagang break time lang kami nakakapag pahinga, hindi katulad mo na pinapag meryenda kami at pinapatigil sa pag gawa kapag sobrang tirik na ang araw. Kapag trabaho, trabaho talaga." Singit noong porman.

"Sus, si Engineer Curtis ba kamo? Binabatuk-batukan ko lang iyon e." Napairap naman ako sa kalokohan na pinapagsasabi ni Klyde.

"Uuna na ako." Sambit ko at hinubad na rin ang boots na pinahiram sa akin dito.

"Huwag bata ka pa!" Suway ni Klyde, kahit kailan talaga.

"I will go now," Sagot ko at tinalikuran na sila

"Ingat Architect!" Habol pa na sigaw ni Klyde.

Napakunot ang noo ko ng makarating ako sa tapat ng bahay kung saan naka park ang kotse ko.

"Bwisit!" Inis na bulong ko at umupo para magkapantay kami ng gulong ng kotse ko na flat. Bakit ngayon pa? Ang dami ko pang pupuntahan!

Inis akong bumalik sa loob para hanapin si Klyde.

"Klyde." Kumakain pa rin s'ya noong makabalik ko.

"Yes, Master?" Tanong n'ya habang ngumunguya.

"Flat 'yung gulong ng kotse ko—"

"HAHAHAHAHA!" Mas lalo akong napairap sa inis noong tawanan n'ya ako.


"Bilisan mo na nga d'yan, ihatid mo muna ako sa firm, naghahabol ako ng oras!" Inis na sambit ko dahil alam ko na Traffic ngayon kapag ganitong patanghali.


"Tara na Master, huwag kang mag-alala ako na ang bahala sa kotse mo." Kumindat s'ya bago ako talikuran at pumunta na sa kotse n'ya, agad naman akong sumunod sa kanya.


Ang malas talaga ng araw ko! Nakakabwisit. Traffic pa noong nasa biyahe kami ni Klyde, sinasabi ko na nga ba! Halos isang oras na hindi gumagalaw ang kotse, ayaw ko namang tumakbo sa initan.

"Ingat, Architect!" Pagkahatid sa akin ni a Klyde ay bumaba na rin ako ng kotse.

Habang papasok ako ng lobby ay patuloy ang pagbati ng mga empleyado at tinatanguan ko lang sila.

"Shit! It's one p.m!" Inis kong inalis ang tingin ko sa relo at tinakbo ang elevator.

Marami din ang nag aabang sa labas ng elevator na empleyado at nauna sila kaya nakakahiya namang sumingit.

Dibale, mag hahagdan na lang ako! Second floor lang naman 'yung office ko. Hinubad ko ang heels ko at dali daling umakyat ng hagdan. Gosh! Hindi pa pala ako kumakain.


Pagkabukas ko ng pinto ng office ko ay napapikit ako sa nakita.


"Oo naman Sir! Ang galing galing ni Ms. Sanchez, pagdating sa mga projects! Organize at malinis lahat, walang mintis!"It's Mitch who entertaining Drave in my office, si Faith ay tulala lang kay Drave, 'di makapaniwala. Nakatayo si Faith at Mitch.


Naka upo lang si Drave sa sofa at umiinom ng juice, he's still wearing his business attire, nakahubad nga lang ang coat.


"Good afternoon." Wala akong emosyon ng pumasok sa office ko at inilapag ang lahat ng gamit ko sa table.


"Grabe naman Architect, bakit pawisan ka? Anong nangyari? Bakit bitbit mo ang heels mo? Kumain ka na ba?" Sunod sunod na tanong ni Mitch.

"May fastfood d'yan, kumain ka muna. Saang lupalop ka ba galing at parang pagod na pagod ka?"Tanong ni Faith at napatingin ako sa table ko na may supot ng pagkain.

"Sa site kaso nasira ang kotse—" Pinutol ni Mitch ang sasabihin ko.

"Nag commute ka?!"Tanong ni Mitch, as if naman na gawin ko iyon lalo na at sikat ako.

"Hinatid ako ni Klyde." Sagot ko nalang, kilala nila si Klyde dahil lagi na rin naman iyon napunta dito, laging nagpapalibre ng meryenda tuwing hapon.

Napatingin ako kay Drave pagkatapos sagutin iyon, nakakunot na ang noo n'ya habang nakatingin sa kakabukas lang na cellphone.

"Ehem," ismid ni Faith at hinila si Mitch palabas ng office "Sige na, babalik na kami sa trabaho."

"Can you give me a time?" I asked without looking on him.

"How long it takes? A years. My time is valuable," Napakunot ang noo ko sa sinabi n'ya at napatingin sa kanya, halatang nang-aasar,parang sinasabi n'ya iyon sa ibang kahulugan, nakangisi pa. Really?! He's so unproffesional!

"A moment." Sagot ko habang inaayos ang mga gamit na dadalhin ko sa Batangas kaya napatahimik s'ya.

"Let's go." Maya maya ay sambit ko at sinakbit na ang bag na naglalaman ng mga papers.

"Hindi ka kakain?" Nang mapatingin ako sa kanya ay nakatingin na s'ya sa supot ng pagkain ko na nasa table.

"Gusto mo ba? Sa'yo nalang." Sagot ko at iaabot ko na sana ang supot pero napa ismid s'ya kaya ibinaba ko ulit ang supot ng pagkain sa lamesa. Mukhang s'ya ang may gusto e.

"It's one p.m," Seryosong sambit n'ya at tumayo, "Eat first, before we go."

"Hindi na ho Sir, kailangan kong sundin 'yung schedule natin, ako na ang may kasalanan kung hindi ako nakapag-lunch. It's none of your business." Sagot ko at umuna ng lumabas ng opisina. Ang dami n'yang sinasabi!

Narinig ko pa ang buntong hininga n'ya sa likod ko ng makalabas din s'ya ng opisina ko, sumunod rin naman s'ya habang naglalakad ako sa hallway.

Napahinto ako ng may marealize, kaya nabunggo s'ya sa likod ko sa biglang paghinto ko. Bakit kasi tutok na tutok s'ya? Hinarap ko s'ya at agad naman s'yang umatras.

"I'm sorry." Mahinang sambit n'ya "Any problem?"

"You heard me earlier, right? Wala akong kotse, pwede bang humingi ulit ako kahit fifteen minutes?" Sambit ko

"Why? Pwede namang sumabay ka sa akin." Sagot n'ya, at nangunot ang noo ko sa ibinulong n'ya, "Nakakahingi ng oras para sa ibang bagay pero sa pagkain hindi."

"What?" Tanong ko at inilabas ang cellphone.

"W-What?" Painosente na balik n'ya sa tanong, iningatan pa ako ng kilay.

Inismidan ko s'ya at tinalikuran para mag message kay Klyde.


To: Klyderuxx

Pwede bang puntahan mo ako sa firm? Please. ASAP, pumunta ka nalang sa lobby.

Wala pa atang one minute ay nag reply na s'ya, hindi busy ah.


From: Klyderuxx

Otw Master, lilibre mo ba ako ng pagkain?

Hindi na ako nag reply at nagsimula na ulit maglakad, napahinto ako ng makalimutan na may kasama ako, nakatayo pa rin si Drave doon at hawak din ang cellphone.

"Let's go." Napalingon s'ya sa akin at sumunod.

Pagkadating namin sa lobby ay umupo muna ako, ganoon din si Drave sa tabi ko pero malayo kami sa isa't isa.

Habang nag hihintay kami kay Klyde ay napapansin ko ang pagtingin sa amin ng mga empleyado, nagbubulungan pa ang iba, issue na naman ba ito? Mabuti nalang at wala silang mga hawak na cellphone. They're proffesional naman.

"Klyde," Ilang saglit pa ay dumating na din si Klyde, malapit lang siguro ang area nito.

Napalingon s'ya sa gawi ko at napangiti kaya naman tumayo na ako"Master!"

Napalingon ako kay Drave na nakatayo na rin, sobrang seryoso.

Napalingon si Klyde sa katabi ko at unti unting nawala ang ngiti.

"Tara!" Sagot ko at agad hinila si Klyde papuntang parking, halatang kabado si Klyde, nakasunod lang sa amin si Drave.

"You know the location, right?" Muli akong napalingon kay Drave ng magsalita s'ya sa likuran namin ni Klyde.

"Yes, nasa details." Sagot ko at tumango naman s'ya.

Naghiwalay na ang landas namin noong makarating sa parking lot, malayo kasi ang kotse n'ya sa kotse ni Klyde.

"Akala ko ba kakain?" Tanong ni Klyde ng pagbuksan n'ya ako ng pinto ng kotse.

"Oo, ililibre kita mamaya basta sundin mo ang gusto ko." Sagot ko at isinara na ang pinto, sumakay na rin naman s'ya sa driver seat.

"Alam kong hindi ka busy Klyde, kaya samahan mo ako kahit ngayon lang." Sagot ko at napanguso naman s'ya.

"Saan ba?" Alam kong hindi n'ya expected itong mga pinapagawa ko sa kanya, "Baka mamaya ipabaril na lang ako noon, ah."

Binuhay n'ya ang kotse bago sumunod sa kotse ni Drave na kanina pa naghihintay sa amin.

"Saan ba tayo?" Tanong n'ya

"Batangas." Simpleng sagot ko

"Batangas? Ang layo naman! Ano ba ang pupuntahan natin doon? Dinamay mo pa ako, kung hindi si Dreysha ang pupuntahan, mahal ang bayad ko dito, Shanaiah. Pwede namang sumabay ka nalang sa kanya, napaka-bitter." Pagrereklamo n'ya pero inirapan ko lang s'ya.


"Ang bilis naman mag drive ng asawa mo, may galit yata." Kunot noong sambit ni Klyde habang hinahabol ang kotse ni Drave na kanina pa nag o-over-take.


Noong nagtagal ay nawala na si Drave sa paningin namin, bwisit hindi ko alam ang mismong location!


"Alam mo ba ang mismong address?" Tanong n'ya

"Hindi." Sagot ko at binuksan ang phone para tignan sa E-mail ni Architect Martinez ang Address.

"Pwede bang pa-hotspot? Naubos na ang load ko, mag me-message lang ako kay Architect Martinez, hindi ko makita ang address ni Drave." Sambit ko, hindi ko na-save agad dahil..hindi ko rin alam. Wala na akong pake sa kanya, kaya siguro nakalimutan ko.

"Si Architect Sanchez, walang load? Funny." Pang-aasar n'ya.

"Dalian mo na!" Inirapan ko pa s'ya bago n'ya kunin ang cellphone at sakto naman na nag red ang Traffic light kaya agad n'yang binuhay ang hotspot n'ya.

"Password?" I asked before tapping his hotspot name.

"One two, three four, five six, seven eight." Sagot niya, hindi ko alam kung matatawa ba ako o ewan. Ang basic naman ng password n'ya! Kahit sino kayang buksan.

Wi-Fi name: Mahal ang load
Password: 12345678

Pagka-enter ko ay nag kulay pula iyon at wrong password! Kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Niloloko mo ba ako? Eh ayaw naman pumasok." Inis na sambit ko at tinry ulit pero ayaw talaga!

"Akin na nga," Inagaw n'ya sa akin ang cellphone at s'ya ang nag lagay.

Wi-Fi name: Mahal ang load
Password: 2444666668888888

Halos malaglag ang panga ko ng pumasok iyon! Ngayon ko lang na realized na dalawang two, tatlong four, limang six at pitong eight pala ang ibig n'yang sabihin.


"Akala ko pa naman matalino ka sa math at magaling ka sa comprehension."Nakangising sambit n'ya pagkabigay n'ya sa akin ng cellphone at nag drive na ulit.


Hindi ko na s'ya pinansin at nag message nalang kay Architect Martinez.


Agad din naman nag reply si Architect Martinez, it's around Taal, Batangas. Sinabi na rin ni Architect Martinez ang landmark kaya hindi na kami maliligaw.

Sinabi ko muna kay Klyde na mag drive thru muna kami dahil gutom na ako.

"Ayan! Sige, trabaho lang ng trabaho hanggang mamatay." Hindi ko pinansin ang mga sinasabi n'ya habang kumakain ako sa biyahe,gutom na gutom na ako at wala an akong pake sa mga reklamo n'ya. "Alas dos na, kung kailan nasa Batangas na tayo ay tsaka ka lang nagsabi! Hihintayin mo pa talagang mamatay ka."


Noong malapit na kami sa location ay tanaw ko na  ang kotse ni Drave kaya huminto na ang sasakyan, napalingon ako kay Klyde gamit ang maamong mata.

"Ano na naman? Magpapahintay ka? Ayaw kong mag stay dito! Baka mamaya barilin na lang ako dito." Reklamo n'ya ng malaman ang gusto sabihin ng mga mata ko.

"Please?" Ngumuso pa ako pero umirap lang s'ya sa pang-lalake na paraan.

"Ayaw ko, pupunta nalang ako kay Dreysha, magpasundo ka nalang mamaya kapag tapos na kayo, o kaya sumabay ka na sa kanya basta hindi ko makakalimutan 'yung sinabi mong ililibre mo ako." Wala na akong nagawa dahil ayaw n'yang pumayag.

Pagkababa ko ay umalis na rin ako kotse at  napatingin kaagad ako sa location, patag na lugar lang iyon.

Kumatok ako sa kotse ni Drave dahil hindi tinted ang gamit n'yang kotse ngayon kaya alam ko na nandoon s'ya, agad din s'yang bumaba, kanina pa siguro s'ya doon.

"So, what's your plan? I heard na hindi n'yo napag usapan ni Architect Martinez ang balak mo noong last meeting,hinihintay mo daw ako." Sagot ko habang nakatitig pa rin sa lupa na papagtayuan ng resort.

"Mas gusto ko kasing magpaliwanag sa mismong hahawak ng project." Amoy defensive.

Hindi na lang ako sumagot bago nilabas ang IPad ko.

"Hindi ka ba kakain muna?" Napaangat ang kilay ko ng mapatingin ako sa kanya ng dahil sa sagot niya.

"Gaano kalaki ang lote?" I asked dahil hindi ko naman binasa ang details.

Napaiwas s'ya ng tingin bago muling tumingin sa akin sa matalim na paraan kaya pinag- angatan ko s'ya ng kilay.

"Shanaiah." Seryosong tawag n'ya.

"Don't care about me, Mr. Smith. Come on, sayang ang oras ko." Sagot ko at ibinaling ang paningin sa lote.

"Fifty hectare." Inilista ko lang ang sinabi n'ya "Didn't you read the details?"

"I have many projects to do, so probably, nakalimutan ko na." Pagsisinungaling ko, well.

"Bullshit," Mas uminit ang dugo ko noong maramdaman ko ang ambon. Bakit naman napakamalas! Ngayon pa talaga uulan?

"Shit," Agad hinubad ni Drave ang suot n'yang coat at ang nakakagulat ay agad n'yang ipinatong iyon sa ulo ko.

"Let's go." Inalalayan n'ya ako papasok sa kotse dahil palakas na talaga ng palakas ang ulan.


"Let's continue it, next time." Sambit n'ya bago umikot papasok sa driver seat.

Idinial ko ang phone number ni Klyde habang nagpupunas si Drave ng basa n'yang braso.

Mag reply ka! Ngayon pa talaga s'ya nakikisabay?

From Klyderuxx:

Malakas ang ulan Shanaiah, nandito ako sa bahay n'yo, d'yan ka na muna sa asawa mo. Enjoy!

Napapikit ako ng mariin bago napatingin kay Drave na seryoso at mahigpit ang hawak sa towel na pinapampunas n'ya sa kanyang katawan.

"Ihahatid na kita, mamaya ako pa ang maging dahilan para magkasakit ka." Seryosong sambit n'ya ng hindi tumitingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 29.3K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
1.6M 68.3K 102
Being reincarnated is something nobody ever expects, let alone into a world that shouldn't exist. When a child from our world is reborn as Hinata Hyu...
768K 33.4K 21
[Complete] A werewolf mxm story: An age old treaty signed hundreds of years ago between a pack and a tribe was the cause of it all. It...
83.6K 2.6K 48
" promise me, that no matter what happens you won't leave me " " I promise , we will never leave each other " . . . . . . . . " do you hate me ?" " h...