28

2.2K 24 0
                                    


"Mommy!" Agad nagliwanag ang mukha ko ng salubungin ako ni Dreysha ng halik pagkapasok ko sa living room, ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa kanya dahil ngayon lang maluwag ang oras ko.

"Where's Tito Klyde?" She asked, lumingon pa sa likod ko.

"Tito Klyde's busy." Sagot ko at binuhat s'ya.

Hindi ko lang talaga sinabi kay Klyde na dadalaw ako kay Dreysha ngayon dahil siguradong sasama s'ya at maaagaw na naman n'ya ang atensyon ni Dreysha, hindi ko na nasosolo ang anak ko.

"Ma'am umupo po muna kayo," Halatang nagulat ang mga katulong sa biglang pagdating ko.

"Uh, hindi na din naman ako magtatagal, isasama ko si Dreysha sa Manila since long weekend next week." Sambit ko "Where's Mom and Dad?"

"Nasa company n'yo po, bumisita." Sagot ng isang katulong, "Malapit na pong maluto ang tanghalian, kumain po muna kayo bago umalis."

"Sige, papaliguan ko lang si Dreysha. Let's go anak." Hindi na naman ako sinita ng mga katulong dahil minsan ko lang ito magawa sa anak ko.

"Wow, is it your room Mommy?" Pumunta kami sa dating kwarto ko at doon niliguan si Dreysha, ngayon lang ulit ito nabuksan after a years. Hindi din pala ito ginagalaw nila Mommy kahit noong nasa condo ako way back in College.

"Yes, come." Pinapasok ko s'ya sa bathroom at pinag-toothbrush muna s'ya, pinatuntong ko pa s'ya sa isang high chair para maabot n'ya ang sink.

Nilagyan ko ng hot water at maraming bubbles ang bath tub.

"How are you love?" Tanong ko nang simulan ko na s'yang dalhin sa bath tub.

"I'm fine Mommy! It's so good here." Mabuti naman. "I feel like I am a princess!"

Pinaglaro ko muna s'ya sa tub, bago lumabas saglit para kuhanin ang ilang dress n'ya sa kwarto n'ya.

Pagkabalik ko ay doon ko na s'ya pinaliguan.
Pinasuot ko muna s'ya ng cotton bath robe bago lumabas.

"Pick one," Sambit ko habang ipinapakita sa kanya ang mga dress n'ya na inilatag ko sa kama.

"Hmm," Ang cute n'ya habang nag iisip dahil para s'yang mature little girl.

"This one!" Itinuro n'ya ang light blue dress.

"Okay!" Agad ko s'yang binihisan at pinuyudan ng braid style, ngayon ko na lang ulit ito nagawa sa kanya.

Ngunit noong pababa na kami ay may nag e-echo na boses mula sa ibaba at kilala ko kung kaninong boses iyon.

"Dreysha! I'm here!" Kinig na kinig dito sa second floor.

"Tito Klyde!" Dali-dali akong hinila ni Dreysha pababa ng hagdan.

"Wait Dreysha!" Saway ko sa kanya dahil halos mahulog na kami sa hagdan.

"Dreysha!" Noong tuluyan na kaming makababa ay doon na sinalubong ng yakap ni Dreysha si Klyde at napaangat pa ang tingin sa akin ni Klyde.

"Oh, Architect! Bakit ka nandito?" Hindi ko alam kung nagbibiro ba s'ya o ano. Ang alam ko lang ay gusto ko s'yang masapak.

"Ikaw? Ano ang ginagawa mo dito?" Umiirap na tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot, iyon pala ay umuna ka na dito." Sagot ni Klyde.

"Hindi ko na nasosolo ang anak ko kapag kasama kita, pero hindi talaga kita matakas-takasan." Napangisi s'ya sa sinabi ko, para s'yang magnet palagi kay Dreysha.

Love Beyond the VlogWhere stories live. Discover now