Project Ghost Hotline

De VChesterG

16.2K 1.2K 200

Consists of three young paranormal experts, the Paranormal Club of St. Chesterino State University has to sol... Mai multe

Project Ghost Hotline
Blurb
The Uninvited Book
Prologue
Season 1: Episode 1
Season 1: Episode 2
Season 1: Episode 3
Season 1: Episode 4
Season 1: Episode 5
Season 1: Episode 7
Season 1: Episode 8
Season 1: Episode 9
National Book Store Book Signing
Season 1: Episode 10
Season 1: Episode 11
Season 1: Episode 12
Season 1: Episode 13
Season 1: Episode 14
Season 1: Episode 15
Season 1: Episode 16
Season 1: Episode 17
National Book Store Grand Pinoy Lit Fan Con

Season 1: Episode 6

477 54 8
De VChesterG

Kinahapunan, umuwi na muna kami sa kanya-kanyang bahay. Ani Maru, magkita-kita na lang daw kami sa likod ng University kapag alas-siete na ng gabi.

And right now, I am in the middle of the grass field of our University. Kanina ko pa hinihintay ang dalawang gunggong. Nakaupo ako sa sanga ng punong mangga. Walang ilaw kung hindi ang buwan. Wala rin akong kasama kung hindi ang nakakairitang multo na walang ginawa kung hindi ang sundan ako nang sundan.

I directed my poker face at her. Nanatili lang naman siyang nakatayo sa harap ko. Lumulutang siya. Walang emosyon ang kanyang duguan at naaagnas na mukha. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagpakita sa akin nung kumain ako kanina. Taena, dinuguan pa naman ang ulam namin.

Katulad ni Franco ang multo na ito. Pinipili lang niya kung saan at kanino siya nagpapakita. Even Maru can't see her. Ako lang talaga ang nakakakita sa kanya. And the reason for it is still unknown. Well, I have no time to decipher her shits. Maagnas siya diyan, hayop siya.

"Boo!" Biglang sigaw ni Codi mula sa ibaba ng puno.

Doon ay naka-poker face ko siyang pinukol ng tingin, "booboo ka?"

"Gago ka talaga." Bigla siyang sumimangot na naging dahilan ng pagtawa ni Maru mula sa kanyang likuran.

Bumaba na ako sa puno. Kasabay niyon ang pagkawala ng babaeng multo. Weird talaga ng bulok na 'yon.

"Kanina ka pa rito, 'tol?" Maru asked which only earned him a scowl from me. "Right, sabi ko nga. Pasensya. Pasenya."

"Ang usapan, alas-siete ng gabi. Anong pinagkapareho ng alas-siete sa alas-nuebe? Gago kayo, ha. Ano?" I focused my gaze at Codi.

"Oh, tangina. Ba't ako na naman?"

"Ganda mo kase," I joked and I don't fucking know why I did it.

May ilang segundo siyang natigilan. Matapos ay sumimangot uli siya. "Tangina mo."

"Ayie! Barbielat, barbielat, barbie, barbie, barbie, barbielat!" Maru mumbled while giving me an obnoxious smile.

"Asawa mo si Jam Magno," sambit ko sa kanya.

"Hayop ka talaga!" Paghalakhak naman niya.

"Puro ka kagaguhan." Maski ako, tawang-tawa. Isa talagang basher ng DDS itong si Maru. Napaka-leftist ng gagong iyan.

"Ina kayo, ang sama niyo kay Jam Magno." Codi is not happy. Isa kasi siyang DDS kaya't lagi silang nagkakasalubong ni Maru pagdating sa politika.

Well me, I am neutral. Kung may ginawang maganda ang gobyerno, then good for them. Tahimik lang ako. Gan'on rin kapag may katangahan silang pinairal. Hassle kasing magkaroon ng pakialam sa bansang ito. I am just too lazy to care. Kahit ano naman kasing mangyari—kahit sino pang paupuin, walang progreso. Puro pag-asa, walang realidad.

Ilang saglit pa ang lumipas ay nagsimula na kaming umakyat sa bakod ng school. Wala naman kasing bantay dito. Walang makakahuli sa amin at saka liblib na lugar kasi ito ng University, paniguradong kikilabutan ang sino mang gwardiya na maa-assign dito.

Nang makatalon na kami pababa ng bakod ay natagpuan namin ang mga sarili sa farm ng University. Dito matatagpuan ang mga tupa, kabayo, at baka. Sila ang pinag-aaralan ng mga estudyante sa Animal Science subjects.

Kasunod lang nito ang mga inabandona nang building ng University. Kasama dito ang AnSci building. For what I have researched, lumipat sila ng lugar para mapalapit sila sa mga school buildings na related sa kanilang course.

"Mga 'tol, heto na 'yon." Maru stopped the moment we saw the gigantic label of Animal Science Building. Tinuturo niya ang kanyang flash light doon.

This building looks so creepy. Bukod sa may malalaking puno kasi ang makikita sa bawat gilid nito, basag-basag na rin ang mga salamin ng bintana. Idagdag pa rito ang timing na pag-alulong ng ligaw na mga aso.

Doon ay napakapit sa akin si Codi. "Gago, ba't ba kasi kailangang gabi tayo pumunta dito? Ba't ini-streotype niyo ang mga multo bilang mga nilalang na mahilig sa dilim?!"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Marahas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakakapit niya. "Ang dami mong satsat, doon ka nga!"

"Judgemental kayo!" Kay Maru naman siya kumapit which only laughed because of his petrified look.

Nang magsimula na kaming pumasok sa loob ay nakakapagtakang tumigil ang mga asong ligaw sa pag-alulong. Napuno ng katahimikan ang paligid. Tanging mga yabag na lang namin ang maririnig. Gumagawa ito ng nakakatakot na echo. Nagsimula akong kilabutan nang maramdaman ko na ang malamig na simoy ng hangin sa loob.

May iba pa kaming kasama dito sa loob, malakas ang pakiramdam ko.

Bagama't wala akong nakikita sa ngayon, I can clearly feel them. Iyong pakiramdam na bakante naman ang buong paligid pero parang punong-puno rito . . . na para bang may mga hindi nakikitang nilalang ang pumapalibot sa amin ngayon.

"Guys, uwi na kaya tayo." Nagpalinga-linga si Codi. Nanlalaki ang mga mata ng gago. Malakas ang pakiramdam ko na kapag may nagpakitang multo dito, mahihimatay 'to.

"Sige, uwi ka na." I am chuckling as I joined Maru. Ngayon ay nakaupo na siya, sinusulat na iyong gagamitin namin para sa spirit of the glass.

Marahil sa takot, hindi na ako magawang barahin pa ni Codi. Umupo na rin siya sa pagitan namin ni Maru. Putlang-putla ang kanyang mukha.

"Okay, done," Maru mumbled. Doon ay inilabas na niya ang shot glass mula sa kanyang back pack. Itinapat niya iyon sa nakasulat na "start". Sinindihan na rin niya ang isang kandila. Itinayo niya iyon sa itaas ng papel.

"Ready na ba kayo?" Maru asked. He is obviously being careful. Paniguradong katulad ko, ramdam na niya rin na marami kami rito. Na ngayon, marami ang nanonood mula sa likuran namin.

I nod. Siniko ko pa si Codi para lang tumango. Palinga-linga kasi ang gago. Parang gusto pa yatang makakita ng multo.

"Alright," huminga nang malalim si Maru.

That was the point he started to be serious. Kasi alam niya, delikado ang pinasok namin. Talking with ghosts is risky. They are treacherous and we will never know if we are already talking with demons. Kapag ganoon ang nangyari, may chance na masapian kami. That is for sure going to be lethal.

Maru centered his gaze at Codi. "I want you to be brave. Whatever you feel, hear nor see, you should stay calm."

Tumango si Codi pero duda ako sa gagong 'yan. Nagawa na namin ito dati at wala 'yang ginawa kung hindi ang tumili. Duwag amputa.

"Alam kong bago ito sa 'yo pero kapag lalo mong pinakita na natatakot ka, baka makaakit ka ng mga demonyo na pwedeng sumapi sa 'yo. Kalma ka lang, alright?"

Codi nods again. And this time, mukha na talaga siyang mahihimatay sa takot. Imbes na maawa ay gusto ko tuloy matawa.

"Let's start now," Maru mumbled as he rests his middle and forefinger to the bottom of the shot glass. Nilagay na rin namin doon ang mga daliri namin ni Codi. Ngayon ay ramdam ko ang panginginig niya.

Nagsimula kaming tumahimik nang pasamantala. Nakakabingi ang katahimikan. Papalakas nang papalakas ang lamig na nadarama ko. Kasabay niyon ang pakiramdam ko na paparami rin sila nang paparami sa paligid namin. Nakakakilabot.

"Magandang gabi," Maru started, "hindi kami bumisita dito para manggulo. May kaluluwa lang kaming hinahanap. Balita kasi namin ay dito siya huling nakita ng nakakakilala sa kanya . . ."

I can really hear my breath now. Napakagat ako ng labi nang unti-unti akong makaramdam ng kamay mula sa likod ko. Lumapat ang palad niyon sa akin. Sobrang lamig niyon. Napalunok na lang ako sa kilabot.

"May nakakarinig ba sa amin? Nandiyan ba talaga kayo?" Maru mumbled and that was the moment the glass started moving to the left side. Doon nakasulat ang "yes".

Maru, the answer to your question is already obvious! Marami sila rito! Crowded ang buong paligid, nandito lang sila sa likuran natin!

"Ikaw na nag-galaw ng baso, what is your name?" I asked to shove away the fear that is forming on my system. Nakaka-badtrip na ngayon pa talaga dinaga ang dibdib ko.

The glass started moving again.

"D . . ." We mumbled the letter where the glass is travelling.

"O . . ."

"Do—what?" Codi mumbled. His voice is shaking in fear.

The shot glass continued to move on its own power. Pinili na lang naming lahat na sundin ito at basahin ang mga sumunod na letrang ibibigay ng kaluluwang kumokontrol dito ngayon.

"R . . . A . . ."

"Dora?" Maru stared at us with squinting eyes. "Putangina, pati rito ay nag-e-explore siya? Gago ba 'to?"

I winced and Codi just heave a deep sigh. May mga segundo pa nga na nagkukunwari siyang natatawa pero ang mukha niya ay para bang natatae na ewan sa sobrang takot.

"Kung sino ka mang Dora ka, tumabi ka," suplado kong bigkas. "Hindi ikaw ang hinahanap namin."

Dinagdagan pa iyon ni Maru na katulad ko ay napapangiwi. "Ang hinahanap namin ay ang kaluluwa na . . . teka nga, paano ba 'to—"

"To be specific," I cut him off, "we are looking for that someone who is the thesis partner of Karina Cuenco way back 1994."

Nakakagulat ang biglang paggalaw ng baso. This time, it was a bit harsh. It was too fast than the first one.

"F . . ." I mumbled the letters where it stopped. Doon ay nagkatinginan kaming tatlo.

"R . . . A . . . N . . ."

Fuck. Pigil ang hininga ko habang hinihintay na huminto ang baso.

"C . . . O . . ." Matapos niyon ay biglang tumigil ang baso. "Franco." I mumbled one last time.

"Ikaw ba 'yan, Franco Balagtas?" Ang dagdag naman ni Maru.

The shot glass started moving again. Huminto uli iyon sa "yes".

Pero . . .

Pero laking gulat na lang namin nang biglang nabasag ang baso. Namatay ang apoy ng kandila. Dumilim ang paligid. Nanlaki na lang ang mga mata ko sa mga sumunod na nangyari.

Sinundan iyon ng malakas na pagtili ni Codi . . .

Continuă lectura

O să-ți placă și

4.2M 91.2K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
27 9 1
a one-shot posted on Nox' FB timeline last 2022.
27 10 1
a one-shot posted on Nox' FB timeline last 2022.
1.8K 126 40
Si Spartan Dimatinag ay isang simple at pusong-mamon na binatang nagmula sa 'di asensadong probinsya ng Boh-Piz. Salat man sa buhay, masaya naman si...