Heiress(Part One:COMPLETED)

By DarkDreamerGirl

108K 2.1K 40

Heiress ~PART ONE~ Graecielle Jane Crisanto or simply Cielle, ay isa lamang ordinaryong teenage girl. Pero hi... More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Special Chapter
Epilogue

Chapter XXXII

1.6K 38 1
By DarkDreamerGirl

Third Person's POV

Abala ang mga taong nakatira sa lugar nila Cielle sa kanilang mga gawain. Payapa rito kaya naman masaya lagi sa lugar na ito.

Sa bahay nila Cielle ay naiwan muna mag-isa ang kanyang ama dahil ang kaniyang tagapagalagang si Aling Choleng ay nagpaalam muna sandali para tignan ang kanyang mga apo sa kanilang tahanan. Si Cielle naman ay nasa school pa.

Kasalukuyang nasa kanyang kwarto at nakahiga sa kanyang kama si Mang Pedro, na ama ni Cielle.

Nakabukas ang kanyang mata na tila ba'y nakakakita pa lamang ito.

"Nararamdaman ko na. Nalalapit na ang mga pangyayaring makakapag-pabago sa buhay ng iyong anak, Ysay. Sa tingin ko'y handa na akong sabihin ang lahat sakanya bago mahuli ang lahat." Wika ng matanda na tila'y may kinakausap. Kumurap siya saglit at nagsalita muli.

"Sa tagal ng panahon na inalagaan namin siya ay alam ko ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na katotohanan, pero alam ko ring matatanggap niya rin ito. Alam mo rin ba'y malapit lang sakanya ang kalahati ng kanyang katauhan? Talaga namang masaya ako dahil doon. Hinihiling ko rin na sana ay maintindihan niya ang lahat-lahat pati na rin ang sakripisyo mo."

Huminga siya ng malalim dahil sa kanyang nararamdaman.

"Malapit na." Wika niya.

Sakto naman nang dumating si Aling Choleng na may dala na ring ulam para sakanya. Nang walang anu-ano'y agad niyang tinawag si Aling Choleng kaya mabilis na pinuntahan siya nito sa kanyang kwarto.

"Choleng, maraming salamat sa lahat-lahat. Lalo na sa pag-aalaga saamin ni Cielle. Maari bang kahit sa sandaling ito ay may huli akong ipapagawa saiyo?" Nakangiting wika ni Mang Pedro. Ngumiti naman si Aling Choleng.

"Hay naku, Pedro. Ano bang huling ipapagawa ang sinasabi mo? Syempre naman maari mo lang sabihin kung anong ipagagawa mo kahit anong oras. Ikaw naman. Nakakakaba naman iyang sinasabi mo na parang mamamaalam ka na, kumpare. Huwag ganoon. Paano na mamaya si Cielle. Naku! Naku!" Nag-aalalang wika ni Aling Choleng. Natawa na lang rin si Mang Pedro, pero sa loob looban ng matanda ay parang ganoon na nga ang kanyang ibig sabihin. Naisip niyang matanda na rin naman na siya kaya ito na rin ang tamang panahon.

"Basta kumare maraming salamat saiyo at sa lahat ng mga taong tumulong saamin dito sa Barangay." Wika niya. "

Tumango naman si Aling Choleng na napapunas pa sa gilid ng kanyang mata nang mapaluha ito.

"Hay! Ako nga ang dapat magpasalamat saiyo dahil kung hindi dahil sainyo ay matagal na akong baon sa utang, kumpare. Malaki ang utang na loob ko sainyo kaya naman handa akong tulungan kayo. Oh, ano ba iyong ipapagawa mo, kumpare?" Tanong ng matanda.

Bumuntong hininga muna si Mang Pedro saka ngumiti.

"Maaari mo bang isulat ang lahat ng aking sasabihin? Kailangan ko ng sabihin ang katotohanan."

****

Cielle's POV

Mabuti naman na at natapos na rin ang klase. Inayos ko na ang mga gamit ko saka lumabas na ng classroom.

Magme-meet kasi kami ni Cheyenne sa may gate dahil may sasabihin daw siya saakin. Mga ilang araw na rin kasi kaming 'di nagkita dahil hindi siya masyadong pumapasok.

Habang naglalakad ako ay naalala ko iyong nangyari noong isang araw pagkakita ko kay Miria. Ilang araw na rin siyang hindi pumapasok at hindi ko alam kung sa anong dahilan. Dahil doon kaya nag-aalala rin ako para sakanya. Ewan ko pero tulala lang talaga ako. Napakalaki niyang misteryo, pero alam ko namang napakabait niya.

Tuloy lang ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko at siyempre kilala ko na kung sino iyon.

"Cielle!" Malakas na sigaw ni Che saakin. Teka parang nangyari na 'to?

"Ang ingay mo nanaman." Wika ko. Abot langit nanaman ang ngiti niya kumpara iyong mukha niya noong isang araw.

"Ofcourse! Mamimiss mo rin itong kaingayan ko, ano." Natatawang sabi niya.

Nang makalapit na siya ay nagsimula na kaming maglakad, pero tulad ng dati niyang ginagawa ay pinagsalikop niya ang braso namin. Para tuloy kaming mag-jowa.

Tahimik lang kami ng mga ilang minuto hanggang sa magsalita siya.

"Hay! Mamimiss ko 'tong ganito," Sabi niya sabay patong niya ng kanyang ulo sa aking balikat.

"Grabe sobra-sobra." Halata ang pagkalungkot sa boses niya.

Hindi ako umimik at hinayaan lang siyang magsalita. Mukhang alam ko na ata ito.

Alam kong si Jake ang unang lalaking naging nobyo niya at siya rin unang ang wawasak sa puso nito. Hay! Nakaka-stress talaga iyong mga ganyang bagay. Pero imposibleng iyon naman ang maging dahilan ng pagkakaganito niya?

"Cielle," Wika niya saka ako tinignan. Maluha-luha na siya.

Sabi na nga ba.

Tamango na lang ako saka nagsalita.

"Aalis ka?" Wika ko at iyon na nga pagkasabi ko noon ay tuluyan na niya akong niyakap at humagulgol.

"I'm sorry! S-Sorry talaga, Cielle." Panimula niya.

"Nakapag-desisyon na kasi sila Mama at Papa na ituloy ang pag-aaral ko sa ibang bansa.  S-Sorry talaga, Cielle. Sorry kung iiwan kita. Alam kong nag-promise ako lalo na kay Tito na hindi kita iiwan, pero heto iiwan naman pala kita. Sorry talaga, Cielle." Patuloy parin siya sa pag-iyak. Hinawakan ko naman ang balikat niya saka siya hinarap habang nakangiti.

"Okay lang yun. Naiintindihan kita. Kung anong desisyon ng mga magulang mo o kung ano rin ang desisyon mo, alam kong makakabuti sayo lahat ng mga iyon. Huwag mo akong alalahanin. Salamat sa lahat ng ginawa mo saamin. Kahit na masungit ako sayo, naging mabuti kang kaibigan, Cheyenne."

Hindi ko alam pero ngayon ko lang na-express ang lahat kay Che. Naiintindihan ko siya. Alam kong matagal niya na iyong pangarap.

Ngumiti siya at niyakap muli ako.

"Thank you rin, Cielle. Tandaan mo, ang pag-alis kong to ay panibagong buhay para saakin. Hinding hindi kita kakalimutan. Na-realize ko lang na oras na rin para i-pursue ko iyong pangarap ko at saka itong opportunity na ibinigay ng mga magulang ko saakin. Promise, pagbalik ko dadalhan ko kayo ng maraming pasalubong ni Tito tapos ipapasyal ko kayo. Yiee. Excited na ako kaagad."

Napayakap na rin ako sakanya. Buong buhay ko ay si Che lang ang naging tapat at mabuting kaibigan saakin. Kahit na naiirita ako noon sakanya ay pinatunayan niyang isa siyang kaibigan.

Matapos ang lahat ng drama ay kumalas na kami sa isa't isa.

"Huwag ka nang umiyak. Ang chaka mo na oh." Wika ko. Nag-pout naman siya at pinunasan ang mukha niya. Ginulo ko nalang ang buhok niya para asarin siya.

"Hallah naman Cielle oh. Magulo na tuloy." Saka niya inilayo ang sarili niya at inayos ang nagulong buhok.

"Woi! Siguraduhin mong mag-iingat ka roon. Tatanga-tanga ka pa naman. Sige ka mag-aalala sina Miria at si Glaire mo." Sabi ko at natawa nanaman siya.

"Siyempre naman, ano. I will. And oo nga pala. Alagaan mo si Bebe Glaire habang wala ako, huh? And don't forget, andyan ang messenger. Mag-video call or let's chat. Gumawa ka kaagad ng facebook account mo." Natatawa na lang ako dahil sa mga habilin niya. Baliw talaga 'to.

"Awwiee... mamimiss ko kayo nila Miria. Ano ba kasi iyan? Asan ba kasi iyong mga yun? Hindi tuloy ako nakapagpaalam sakanila." Pagmamaktol niya na parang bata. Oo nga. Sana man lang nagkita-kita kaming lahat.

Nagtawanan nalang kami. Kahit papaano ay bumalik na muli iyong masayahing Che na nakilala ko. Salita nanaman ng salita e.

Tinanong ko naman kung saang bansa sila pupunta ng pamilya niya.

"Sa Italy. Doon kasi iyong main company namin saka gusto ko rin ma-experience ang Europe. Hindi pa ako nakakapunta roon e." Tumango nalang ako. Kumusta naman kaya ako na wala pang napupuntahang bansa? Maski nga rito sa Pilipinas hanggang dito lang ako sa Metro Manila.

"Cielle, ito ang huwag na huwag mong kakalimutan, ah? Alagaan mo ang Tatay mo. Napakabait ni Tito at mamimiss ko talaga siya. Heto pa, tawagan mo ako kaagad kapag kayo na ni Glaire ko. Glaire and Cielle shipper ako kung hindi mo naitatanong. Kahit na masakit ay ipauubaya ko na lang siya sayo." Pagkasabi niya noon ay mabilis siyang tumakbo palayo. Nabigla ako sa huling sinabi niya. Baliw talaga itong babaeng 'to.

Tumakbo naman na siya palayo at muli itong lumingon saakin saka kumaway at nag-flying kiss pa ang loka!

"Ba-bye, Cielle. I love you!" Sigaw niya. Sobrang lawak ng ngiti niya. Hindi ko rin naiwasang iwagayway ang kamay ko sakanya.

"Labyu too! Ingat ka!" Nasabi ko sakanya at natawa ako lalo nang natuwa siya sa sinabi ko. Matapos noon ay tuluyan na siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Kahit ganyan siya ay hindi ko akalaing mamimiss ko parin siya ng sobra.

Noong mga bata pa kami unang beses ko siyang makilala ay 'di ko siya itinuring na kaibigan, pero parang tila ba'y nag-iba ang ihip ng hangin at dunating iyong araw na matuwa ako sakanya at tanggapin siya sa buhay ko.

Akala ko hindi niya ako iiwan. Akala ko hindi darating ang araw na iyon, pero mali ako. Nangyari rin pala.

Ang laki ng mga nagawa ni Che saakin at pati kay Itay. Masasabi kong naging masaya ako dahil nagkaroon ng tulad niyang maingay sa buhay ko.

Tumingin muli ako sa direksyong tinahak niya kanina at nakitang wala na ito. Ang bilis niya ah. Naisip ko palang na hindi ko na muli siya makikitang naglalakad doon ay ang bigat-bigat na sa pakiramdam. Wala na ring maghahatid at manlilibre saakin paminsan-minsan. Hay...

Bigla ko namang naisip iyong dalawa.

Hoy, Miria at Glaire! Nasaan na ba kayo? Huwag niyong sabihing nag-decide na kayong magtanan na dalawa dahil may secret affair pala kayo?

Natawa na lang ako sa naisip dahil ni hindi nga magkakilala iyong dalawa.

Sana nandito kayo ngayon.

"Hoy, Cielle! Tulala ka na ata riyan. Maya ka na mag-drama. Umuwi ka na nga." Nabigla ako nang marinig ulit ang boses ni Che mula sa malayo. Bakit siya bumalik?

Napangiti nalang ako at napapailing na tumakbo na lang papunta sakanya para kurutin ang pisngi niya.

Naisip kong makipag-bonding na lang sakanya kahit sa huling pagkakataon.

Hindi ko talaga maisip na aalis siya.

Siguro hindi ko na maiintindihan pa ang mararamdaman ko kung may isa pang aalis sa buhay ko.

Wala lang. Ganoon pala talaga kapag may umaalis. Mabigat sa puso...

To be continued...

Edited: 06-06-2019

Continue Reading

You'll Also Like

538K 10.7K 56
(HIGHEST RANK ACHIEVED: #7 in Action) [04/30/18] Her eyes are bursting with pure demon... When she gets angry, she cannot control herself... And her...
159K 4.1K 49
A love can heal each darkness of a person. ⒸAll Right Reserve 2014 √ Completed
3.9K 320 46
(Sky Light Academy Series #4) Highest rank achieved so far #2 in Bodyguards and #59 in Teen Fiction In Sky Light Academy those who are popular and ri...
33.8K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...