Ignoring The Father Of My Baby

By vexarin

73K 1.6K 167

He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42

CHAPTER 20

1.9K 59 4
By vexarin

Acacia's POV

Bumaling ang mga mata nito sa akin “How did you get here? Paano ka nakalabas sa kwarto ko?” Bakas sa kaniyang Mukha ang pagtataka. Saglit akong napatitig sa kaniya. Ewan ko ha, matagal ko na siyang nasisilayan ng ganito, yung bagong gising, magulo ang buhok at parang bangang ang itsura, pero ngayon lang siya nagmukhang HOT sa paningin ko.

Bago pa man ako makaisip ng kung ano ay inirapan ko na siya saka ipinagpatuloy ang naudlot kong pagsubo ng pagkain ko. 'Wag niya kasing minamaliit ang matalinong kagaya ko tsk!

“Anong ibig mong sabihin, Anak? Did you lock her in your room?” Rinig kong tanong ni Tito Waze. Batid kong lahat sila ay gulat sa kanilang narinig mula kay Jerk. Napatingin ako kay Macarine na nasa left side ko ng kalabitin niya ako. She gave me a 'Anong ibig sabihin niya?' look. I just shrugged my shoulders saka muling nagpatuloy sa kinakain ko

“You locked Aca in your room?” si Kuya Draviz. Sinulyapan ko si Deron na nakatayo pa rin sa hamba ng pintuan. His facial expression is damn-err hirap i-explain. Hindi ba kapani-paniwalang natakasan ko siya?

“How did you get here?” muling tanong nito na hindi man lang pinansin ang Daddy at Kuya niya. J*rk talaga tsk!

“I used the door behind you” Irap kong sagot sa kaniya saka muling kumain.

“Wait...he locked you in his room?” binalingan ko ng tingin si Kuya Dwight na ngayon ay kunot na kunot na ang noo. Paulit-ulit yung tanong nila ah. Tinignan ko muna isa-isa yung magkakapatid na pare-pareho ang reaksiyong nakapaskil sa kanilang mga Mukha. Lahat ay tila hindi makapaniwala. Puro kunot ang mga noo.

Tumango ako ng dalawang beses sa kaniya bilang sagot

“Yup. Nagselos kasi siya sa Fiancé ko, Kuya, kaya niya ako kinulong. Sabi niya pa 'I won't let you out of this room until we get back in manila'” saad ko  na ginaya pa ang boses ni j*rk sabay tingin sa kaniya na ngayon ay wala ng emosyon ang mukha

“Deron? Really?” si Kuya Draviz.

Ewan ko ha, pero natatawa ako sa sinabi ko. Pero totoo naman yun e, sinabi niya yon

Hindi naman umimik si Deron, sa halip ay naglakad ito patungo sa direksiyon ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa huminto siya sa harapan ko. Tumingala ako para matignan ko siya sa mukha

“Paano ka nakalabas? Answer me!” Batid sa tono nito yung inis. Tinaasan ko siya ng kilay

“I used my brain. May kasabihan nga diba, kahit gaano pa katalino ang matsing naiisahan din. You're the monkey” Saad ko saka nagpatuloy na sa pagkain ko. Meron siyang ibinulong na hindi ko masiyadong narinig.

“Umupo ka na muna Deron at kumain” Ani Tita Denice. Sumunod naman si J*rk dahil umalis na siya sa tabi ko at pumwesto sa tabi ni Dimitri na tila hindi pa rin yata nakaka-move on sa nalaman niya dahil nakakunot pa rin ang noo niya tapos nakatulala

“Kumain na muna tayo” Dagdag pa ni Tita. Nagsimula naman silang mag-sigalawan. Kapag si Tita talaga yung nagsalita, sumusunod silang lahat

Naging tahimik na ang hapag at tanging tunog lamang ng mga kubyertos ang tanging maririnig. Paminsan minsan ay napapa-sulyap ako kay Deron dahil ramdam ko yung mga mata niyang nasa akin, at syempre tama na naman ako. Iniirapan ko na lang siya

Pagkatapos naming kumain ay hinatak ko agad si Asi patungo sa labas ng glass house para magpahangin. Sumunod na rin sa amin sina Mac at Broc

“Kinulong ka talaga ni Deron, for real?” si Broc na hindi na yata maka-move on

“Ewan ko ha, but Deron's action these past few days was quite weird. I am not sure pero parang nagseselos talaga siya sa inyo ni Asi” Saad ni Macarine.

“Kaya nga. Tapos one time, napansin ko siya sa school na nakatanaw sa'yo mula sa malayo” Dagdag pa ni Broccoli

“Yang mga ganyang bagay, hindi na dapat binibigyan ng pansin. Ayoko ng umasa dahil tapos na ako diyan. Wala na akong pakialam kung ano man yung mga ina-aksiyon niya” Saad ko saka ako tumayo “Swimming tayo” Aya ko para lang maiba yung topic. Ayoko na kasing bigyan pa ng meaning yung mga ina-aksiyon ni Deron. Lalo na yung sa kagabi. Ang hirap na muling umasa. Nasa gitna na ako ng paglimot ng nararamdaman ko para sa kaniya, ayokong bumalik na naman sa simula pag-nagkataon

Nauna na akong naglakad patungo sa dalampasigan. Di ko na ininda pa yung init ng sikat ng araw dahil masarap naman siya sa balat. It's 10 in the morning by the way.

Napangiti ako ng sumunod silang tatlo sa akin. Nauna pang tumakbo patungo sa tubig sina Mac at Broc na parang bata. Sa totoo lang, kapag may mga problema kami, dagat ang una naming pinupuntahang tatlo to escape. Kapag nasa dagat kasi kami, pakiramdam namin nakaaktakas kami sa mga problema. Problema nila sa pamilya nila, tapos ako naman kay Deron dati. Wala akong kinagisnang pamilya, pero ni minsan ay hindi naging problema sa akin 'yon. Nandiyan naman kasi si Mama Marie na Mommy ni Asi at syempre sina Tita Denice at Tito Waze na siyang tumayong magulang sa akin.

“I'm happy for you, Aca” biglang saad ni Asi na nasa tabi ko na pala. Kunot noo ko naman siyang nilingon

“Huh? Para saan?” taka kong tanong.

He smiled “ Dahil paunti-unti mo na siyang nakakalimutan” sagot nito. Napangiti na lang din ako.  Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya patakbo sa tubig. Para kaming mga bata na nagbabasaan.

Makalipas lang ng ilang minuto ay dumating din sina Kuya Dwight kasama ng mga bata at naki-join sa amin. Pati na rin sina Tita Denice at Tito Waze.

“I will marry you when we grow up”

Nangingiting pinagmamasdan ko sina Dariel at Catarie. Dariel is holding Catarie's hand tight na parang takot itong mabitawan ang kamay ng isa't isa. Gumagawa sila ng sand castle sa pampang. Bigla akong napaisip sa kung anong mangyayari sa dalawang batang ito kapag lumaki na sila. Ganito pa rin kaya si Dariel kay Cat.  Ibinaling ko naman ang tingin ko kina Demeil at Caramel na masaya ring nagbabasaan.

“Are you jealous of them?”

Mabilis akong napalingon kay Asi ng pumwesto ito sa likuran ko at yumakap sa akin.

“Hindi. I'm just amazed on how the twins treat their girls. Mga bata pa sila pero alam na nila kung paano itrato ng tama ang mga babaeng gusto nila” sagot ko.

“They are still kids. Magbabago pa sila” Saad nito. Humarap naman ako sa kaniya

“Yeah. Pero sana hindi sila maging katulad ng mga Kuya nila. I don't want them hurt each other's feeling. I hope Dariel and Demeil grow up as men” I said

“They will for sure”

Ilang oras din kaming nagbabad sa dagat bago kami nagpasyang bumalik na sa kaniya-kaniya naming mga silid

“Asi, ikuha mo nga ako ng Mangga na hilaw saka Milo na powder sawsawan ko” utos ko sa kaniya. Kakain lang namin kanina ng lunch pero gutom na naman ako.

Itinigil niya naman ang pagkukulikot niya sa laptop niya at tumingin sa akin

“Yun lang ba?” tanong nito

“Kuha mo na rin pala ako ng tatlong bawang saka strawberry jam” Saad ko. Nasarapan kasi ako doon sa ginawa ko kaninang madaling Araw na strawberry jam na may bawang kaya parang gusto ko ulit siyang tikman ngayon

“Garlic? Anong gagawin mo sa garlic?” taka nitong tanong

“Kakainin ko. Masrap siya haluan ng strawberry jam. Try mo bigyan kita mamaya” masayang tugon ko.

“Owkay... weird

Tumayo na siya at naglakad na palapit sa pintuan

“Thank you Asi” Pahabol ko

“Anything for you” sagot nito ng nakangiti bago tuluyang lumabas.

Ang sweet talaga ng lalaking 'yan

Ng makaalis si Asi ay tumayo ako at lumabas patungo sa Veranda. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Pagbalik Kasi namin ng Manila ay hindi na fresh air ang malalanghap.

Maya maya ay narinig kong bumukas ang pinto. Pinabayaan ko na lang dahil alam ko rin naman na si Asi iyon, but the moment I heard the system's voice I already knew that it wasn't him. Mabilis akong naglakad pabalik sa kwarto ko at hindi na ako nagulat pa ng makita ko si Deron. 

He locked me with him...again

Bukod kasi sa boses ko ay naka-saved din ang boses niya sa system dito sa kwarto na iti, not only here kun'di sa lahat ng kwarto dito sa glasshouse. Siya ba naman naka-isip ng voice lock eme na 'yan e

“Anong ginagawa mo rito?” kaswal kong tanong. Himala dahil hindi ako nakaramdam ng inis sa pagmumukha niya ngayon. Medyo maayos siya sa paningin ko

Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya, sa halip ay naglakad ito palapit sa kama ko at naupo saka tumingin ng diretso sa mga mata ko. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Pumunta lang ba siya dito para titigan ang kagandahan ko?

“Can we talk.... ” kalauna'y saad niya “A serious one” dugtong pa niya.

A serious one? Bakit kailan ba kami nag-uusap ng puro joke?

Hindi ako sumagot at nanatili lang tahimik. Wala yata ako sa mood na sungitan siya ngayon, as in wala talaga dahil tinatamad ako

“I want to talk about....the baby” muling sambit niya saka tumingin sa tiyan ko.

“Hindi ba sinabi ko na, na hindi mo ako kailangang panagutan. Kaya kong palaki—” Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay sumabat na siya

“Pero gusto ko. Hindi pwedeng ikaw lang ang mag-de-desisyon, Acacia. That baby is my baby too” matigas na sabi niya

“Pero ayaw mo sa kaniya gaya ng pagka-ayaw mo sa akin, hindi ba?”

“I did not say that I don't like the baby. Bakit pinapangunahan mo ako?” May bahid ng inis na sa tono niya. Natigilan ako.

“Look, I know you hate me because of what I did to you before but—”

“Buti alam mo” Pagputol ko sa kaniya

“Pwede bang patapusin mo muna ako” Mahinahon nitong sambit. Alam kong nagpipigil lang yan ng inis niya.

“Fine” sagot ko na lang. Wala kasi talaga ako sa mood makipagtalo sa kaniya. Gutom na kasi ako huhu

“Sit beside me” he pointed his side

“Ayoko nga. Dito lang ako. Bilisan mo na sa sasabihin mo dahil baka dumating na si Asi”

Pagkabanggit ko pa lang ng pangalan ni Asi ay sumama na kaagad ang timpla ng Mukha niya.

“I told you not to mention him when I'm with you!” Singhal niya sa akin. Umarko paitaas ang kilay ko. Nagsimula na naman akong makaramdam ng inis sa kaniya

“So what kung banggitin ko siya! Hindi mo hawak ang buhay ko para kontrolin kung sino man ang gusto kong banggitin!” Singhal ko pabalik sa kaniya. Bwesit na jerk! Pinapainit na naman ulo ko

“Kung aawayin mo lang din ako, mabuti pang lumabas ka na. Wala ako sa mood makipag-away sa iyo ngayon, Deron” Mahinahong saad ko.  Bumuntong hininga naman siya.

“Sorry”

Saglit akong natigilan dahil sa sinabi niya. Did I hear it right? Tama bang narinig ko siyang nagsabi ng sorry?

“Sorry sa lahat ng nagawa at nasabi ko sa iyo noon. Sana mapatawad mo ako..and I hope that I am not that late para makabawi sa'yo, Acacia” Bakas ang sinseridad sa tono ng pananalita niya. Mas lalo akong natigilan

Continue Reading

You'll Also Like

3M 185K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
35K 1.7K 40
Yes,I have all the material things and money that i want. But i cant decided on my own. Like my own happiness. My friends. My Studies. My Image. My f...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
229K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...