South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
V.I.

The Final Chapter

81.9K 5K 3.4K
By JFstories

ISANG TAON.


Isang taon na rin mula nang bumalik ako ng Australia para asikasuhin ang libing ni Tita Duday. Maraming nangyari nang araw ng pag-alis ko.


Mula umaga, iyak nang iyak si Vien. "Mommy ku, aalis ka, Mommy ku!" Naghahalo na ang luha, sipon, at laway sa mukha habang yakap-yakap ko.


Umuwi rin si Isaiah kaninang umaga. Hindi siya nagsasalita pero halos hindi siya umalis sa tabi ko. Kahit nakikita ko na nangangalumata siya sa pagod at antok, ni hindi siya umidlip kahit saglit.


Ihahatid nila ako ngayong gabi sa airport. Sina Mama Anya, Papa Gideon, kasama rin namin sina Tita Roda at Tito Kiel. Humabol din na dumating sina Arkanghel at Sussie, Miko at Zandra. Ang van ang gagamitin.


Bago umalis ng PK2, lumuhod si Isaiah sa kalsada. Sa harapan ko. Hindi siya nagsasalita habang mahigpit na hawak-hawak lang ang kamay ko.


"Isaiah, m-may mga tao..." pigil ang mga luha na saway ko sa kanya.


Hindi pa rin siya tuminag. Nakaluhod pa rin siya at nakahawak sa kamay ko. Kung hindi pa siya inalalayan patayo nina Arkanghel at Miko, hindi pa siya tatayo. Luhaan siya na yumakap sa akin. Sobrang higpit na halos mapisa ako.


Hindi na nakuhang mag-drive ni Isaiah. Parang wala na siya sa huwisyo. Si Arkanghel na ang nagmaneho ng van na sinakyan namin papunta sa airport.


"Isaiah, tama na." Pinunasan ko ng aking kamay ang luhaang mukha niya kahit pati ako ay wala na ring patid ang pagluha. "'Wag mong ipakita kay Vien iyong ganito. Sa 'yo siya kukuha ng lakas habang wala ako."


"Boo..." hikbi niya. Sumandig siya sa balikat ko.


"Alagaan mo ang anak natin, ha?" garalgal ang boses na bilin ko sa kanya.


Tumango siya habang patuloy sa pag-iyak sa buong biyahe. Hinahalikan niya ang mga kamay ko.


Sa airport ay sobrang tahimik naming lahat. Nang kailangan ko nang pumasok ay hinarap ko si Isaiah. His eyes were red from crying, as well as the tip of his pointed nose. And he couldn't look at me.


"Isaiah, mag-iingat ka, ha? Pigilan mong malungkot. Magtrabaho ka nang maayos, mahirap makahanap ng magandang trabaho kaya ingatan mo iyan. Pagbutihin mo para maabot mo pa ang mga pangarap mo. Alagaan mo rin ang mama at papa mo. 'Wag kang pasaway sa kanila, ha?"


Hanggang tango na lang siya dahil hindi niya na kayang magsalita. Tiningnan ko sina Mama Anya. Naluluha na rin ito. "Vi, mag-ingat ka roon. Ako na ang bahala sa mag-ama mo. Isipin mo muna ang sarili mo. Alagaan mo ang sarili mo."


"Salamat po, Mama..."


Niyakap ako ni Mama Anya. Pagkatapos ay si Papa Gideon ang sunod kong niyakap. Karga-karga nito si Vien na namumula na ang mukha sa paghikbi.


"Anak, ingat ka roon," bilin sa akin ni Papa Gideon.


"Salamat, Papa. Salamat po..."


Niyakap ko ulit si Vien at pinupog ng halik ang mukha ng bata. Yumakap din ito sa akin nang sobrang higpit. Nagsisisigaw ito nang humiwalay na ako.


"Baby, aalis muna si Mommy. Magbait ka rito, ha? Love ka ni Mommy, tandaan mo iyan. Ba-bye muna, baby ko." Ang sakit-sakit sa dibdib magpaalam, pero kailangan.


"Mommy ku! Ayoko umalis Mommy ku! Mommy ku!" palahaw nito na pumira-piraso sa puso ko. Nagwala ang bata sa airport habang umiiyak. Si Isaiah at si Papa Gideon ang umawat dito.


Tumalikod na ako sa kanilang lahat habang kaya ko pa. Pagpasok sa eroplado ay doon ako nag-breakdown. Sobrang sakit sa pangalawang pagkakataon na umalis. Iyong puso ko na basag na basag, naiwan ko ulit sa Pilipinas.



TITA DUDAY'S BODY HAD BEEN CREMATED. Kasama ang urn ni Mommy ay kinuha ko sila mula sa columbarium. Ang plano ko ay iuuwi sila sa Pilipinas, sa lupa na sinilangan nila. Doon ko sila ililibing kasama ni Kuya Vien. Para sama-sama na sila.


Nakatingin ako sa photo ni Tita Duday habang tigmak ang mga luha ko. Malaki ang pasasalamat ko sa babaeng ito, pero hindi ako lubusang masaya sa mga sakripisyo na ginawa nito.


"Tita Duday, napakabuti mong tao sa amin. Pero bakit nakalimutan mong maging mabuti sa sarili mo?"


Minsan ay napapaisip ako. Paano kung tiniis na lang kami noon ni Tita Duday? Paano kung hindi na lang ito nagpapadala sa amin sa Pilipinas? Oo, maghihirap kami. Wala kaming makakain, wala kaming magiging baon sa school, at hindi makakapasok sa private si Kuya Vien.


Pero sana nga ay ganoon na lang ang nangyari. Sana tiniis na lang kami ni Tita Duday. Dahil baka kapag talagang walang-wala na kami, baka dahil doon ay matutong magsikap sa sarili si Daddy.


Sana hindi ito naging tamad, palaasa, at mayabang. Sana kahit magalit ito, manisi, mangonsensiya, manakot na magpapakamatay, sana tiniis na lang ni Tita Duday.


Kung hindi man magsisikap si Daddy, oo gugutumin kami, pero baka naman dahil doon ay matauhan si Mommy. Baka kapag nakita ni Mommy na wala na kaming makain ni Kuya Vien, baka doon ito maglakas loob na magtrabaho.


Kung nakapagtrabaho si Mommy noon, malamang na magkakaroon siya ng mga kaibigan na magpapayo sa kanya. Lalaki rin ang mundo na ginagalawan niya. Mawawala ang takot sa puso niya. Baka magkaroon ng pagbabago sa buhay namin dahil doon.


At si Tita Duday? Kung hindi kami nito pinasan mula pa noon, baka may ipon ito ngayon. O kaya baka nakapag-asawa ito noon pa man. Baka may mga anak na ito ngayon. At baka hindi nasayang nang ganito ang buhay nito.


Kung simula pa lang, naging matigas ang mga puso namin, kung umiral ang 'tough love' kasya sa awa at 'family is love', siguro hindi naging ganito ang buhay naming lahat.


Ang kaso huli na. Nawala na ang mga nawala. Hindi na mababalikan ang mga nakaraan na. Pero ang kasalukuyan, mababago pa. At iyon ang babaguhin ko.


Hinalikan ko ang funeral photo ni Donita Contamina. "Tita Duday, kung nasaan ka man, patawad at mahal kita..."



TATLONG BUWAN ko sa Australia ay parang katumbas na ng sampung taon. Ang hirap-hirap. Kahit araw-araw ko pang nakakausap sa phone ang anak ko, napakasakit pa rin. Gusto ko na ulit itong makita. Gusto ko nang umuwi para yakapin ito.


Gusto ko nang bumalik ng Pilipinas pero hindi pa puwede. Pagkatapos ng pag-aasikaso ko sa libing ni Tita Duday, may mga bills pa ako na kailangang harapin. May ongoing hearing din ako na kailangang puntahan.


Aside from my lawsuit against the Bennetts, I also testified in another case against Sophie. Nahuli na ang babysitter kaya tuloy na ang pag-usad ng kaso.


Sa hearing, trabaho, at one-on-one talk therapy ko sa aking licensed mental health doctor ang pinagkakaabalahan ko, at may natitira pa rin akong oras. I didn't want to waste time, so I attended seminars for business management. I wanted to improve myself. 


Dumaan ang mga araw na kahit mabigat ay kinakaya ko. Hindi ako nawalan ng komunikasyon sa anak ko. Kahit si Isaiah ay hindi pumapalya sa pag-ch-chat sa akin kahit pa hindi kami madalas magkasabay sa pag-o-online dahil busy na rin siya sa trabaho. Katulad ngayon.


Isaiah Gideon:

Vi, kumusta ka? Miss na miss na kita. Hinihintay pa rin kita.


Gaano man siya ka-busy, hindi siya pumapalya sa pagsi-send sa akin ng mga photos nila ni Vien. Habang naglalaba sila, kapag minsan na siya ang nag-aasikaso rito papasok sa school, at bago sila matulog kapag nasa PK2 siya. He never got tired.


Tumatawag din siya palagi, pero nagpapaalam muna dahil nga sa inaalala niya na baka pagod ako. Kahit alam ko na mas pagod siya, mas inaalala niya ako.


Lumipas pa ang mga buwan na kailangan kong mag-stay pa. I found out that the lawyer of Tita Duday's ex-husband, Xavier Williams, was looking for me. Hinahanap din ako ng malalayong kamag-anakan ng lalaki dahil bilang legal adoptive daughter ni Xavier, ako ang tagapagmana nito.


Bukod sa pag-aayos ng mga papeles, trabaho ko, pagharap sa doktor, seminars, ay inaalala ko rin ang mga hearing sa korte. And it all ended today. Nakatapos na rin ako sa ilang buwan na seminar at pagharap ko sa doktor. I was exhausted, but relieved that it was finally over.


In the previous few months, I had also learned a lot. My wounds were healing as well, and I was gradually regaining my confidence.


Gabi na ako nakauwi sa condo. Ito ang unang gabi na umuwi ako hindi mabigat ang dibdib. Nagulat lang ako nang madatnan na naroon si Daddy. Naroon siya at nakatulala.


Pag-alis ko ay sumunod din agad siya. Ayaw niya na raw sa Pilipinas, at dito na nga raw siya talaga mananatili sa Australia. I was waiting for him to force me to stay, but I hadn't heard anything from him since he arrived.


Sa kauna-unahang beses, ngayon na lang ulit niya ako kinausap. "Vivi, tapos na ang pag-uusap tungkol sa mana ni Xavier sa 'yo, di ba?"


Iniwan ko siya para pumasok sa aking kuwarto. Kakahiga ko palang sa kama nang pumasok si Daddy sa pinto. 


Sumunod siya sa akin. "Nagtanong ako sa lawyer ni Xavier, isinuko mo na raw lahat ng mana doon sa mga kamaganak. Hindi mo na raw inilaban. Bakit hindi ka man lang nagtira para sa sarili mo? Karapatan mo iyon dahil ampon ka niya."


Pumikit na ako at tinulugan na si Daddy. Ilang oras pa lang nang magising ulit ako nang makarinig ng mga kaluskos. Bukas ang pinto ng kuwarto kaya natanaw ko si Daddy na hinihila ang maleta niya.


Huminto siya nang makitang gising ako. "Aalis na ako."


Bumangon ako at lumapit sa kanya. "Saan kayo?"


Mapakla siyang ngumiti sa akin. Ang itsura niya ay para bang tumanda ng ilang taon. "Talaga bang inaalala mo pa kung saan ako?"


"Daddy ko pa rin po kayo," patag na sagot ko sa tanong niya.


"Daddy mo pa rin ako? Kahit sabihin ko sa 'yo na hindi na ako magbabago? Na habang buhay na akong ganito?"


Tumango ako.


"Hindi na ako magbabago, Vivi. Huli na para sa akin. At ang mga katulad kong tao, magbago man ay babalik lang din sa dati. Ganito na kasi talaga ako. Para sa akin, ako pa rin ang tama hanggang sa huli."


Nakikinig lang ako sa kanya.


"Kapag nagsama pa tayo, kahit pa mahal kita bilang anak ko, hindi ko pa rin maipapangako na hindi na kita mapagbubuhatan ng kamay. Tiyak ko na masasaktan pa rin kita. At tiyak na magpapabigat pa rin ako sa 'yo at magdadala ng problema."


"Kaya aalis na kayo?"


Tumango si Daddy. "Kung wala na akong aasahan, mawawalan ako ng pagpipilian kundi magsikap sa buhay. Kung mag-isa na lang din ako, wala na rin akong masasaktan. Siguro iyon talaga ang dapat noon pa."


Napayuko ako. Daddy took an old shoe box from the table next to us. When he opened the box, I saw many envelopes inside it. I frowned when Daddy handed the box to me.


"Galing iyan lahat sa Pilipinas noong isang taon na bigla kang nawala. Galing sa ama ng anak mo. Iyan ang mga sulat na dumadating dito noon na mga hinarang ko at itinago ko sa 'yo."


I shook my head as tears started rolling down my cheeks. The envelopes I saw in the box were over a hundred pieces. The dates were only about a day apart. Parang sa isang linggo ay iisang beses lang ipinadala.


"Iyan iyong taon na hindi ka ma-contact. Sinusulatan ka niya, nagbaka-sakali siya na baka mabasa mo."


Dinampot ko ang mga sobre at isa-isang tiningnan. Ang date sa karamihan ay iyong noong pinalaya ko na si Isaiah. He continued to write to me. He still didn't give up.


Napasalampak ako sa sahig habang nanginginig sa pag-iyak. Si Daddy na nasa harapan ko ay hinila na ang kanyang maleta palabas sa pinto.


Bago siya tuluyang umalis ay nilingon niya pa ako. "Vi, kung gusto mong umuwi sa kanya, gawin mo na. Wala nang sagabal pa sa 'yo, kaya habang hindi pa huli ang lahat, balikan mo na ang pamilya mo."


Daddy didn't need to say that. Uuwi ako. Kahit ano pa ang mangyari, uuwi na ako. Uuwi na ako sa pamilya ko!


[ One of Isaiah's letters : ]


Dear Boo,


Pang ilang letter ko na ito. Hindi mo pa rin ako nire-reply. Galit ka ba? Hindi mo ba mabasa ang sulat ko? Inaayos ko naman e. Kulang na nga lang i-ruler ko pa.


Boo, sobrang miss na miss na po kita. Ayokong tanggapin iyong sinasabi mo na ayaw mo na. Humiling ka na lang ng iba, wag lang iyon o. Ayoko non, Boo. Hindi ako payag don.


Wag naman sanang ganito. Okay lang naman paghintayin mo ako. Hindi ako magrereklamo. Kahit kailan ka umuwi, ayos lang sa akin. Basta dapat babalik ka pa rin. Dapat buo pa rin tayo sa huli.


Ayoko na lumaki iyong anak natin na hindi buo iyong pamilya niya. Kaya please, bawiin mo na yong sinabi mo. Kahit para na lang sa anak natin. Kung hindi mo na ako mahal, sisikapin ko na ibalik iyong pagmamahal mo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Please, boo. Maawa ka naman sa amin.


Boo, hindi ko talaga kaya. Wag mong gawin sa akin to. Di ba magpapakasal pa tayo pag graduate ko? Boo, please nagmamakaawa ako, sana balikan mo na ako.....


Mahaba pa ang nilalaman ng sulat ni Isaiah pero hindi na natapos basahin. Punong-puno na ng luha ang mga mata ko, at wala na ako halos makita.



VIVIANE CHANEL CONTAMINA, NOW VIVIANE CHANEL WILLIAMS. Hindi ako nakapagtapos ng college, maaga akong nabuntis, hindi matalino. Aminado na mahina ang ulo.


Tanggap ko ang mga kapintasan ko. Pero ayaw kong maniwala sa sinasabi ng iba na puro ganda lang daw ako. Dahil hindi iyon totoo. Mahina ang utak ko, pero hindi ang puso ko.


Nang simulan akong ligawan noon ni Isaiah, hindi ako basta pumayag na mapalapit siya sa akin. Totoo ang sinabi ko kay Daddy, kinilala ko muna si Isaiah kung anong klase ng tao siya.


Hindi lang dahil guwapo siya, may angas, makulit. Hindi dahil bolero siya, ayaw paawat, at maligalig. Kundi dahil talagang hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ko. Dahil nakita ko sa kanya ang mga katangian na hinahanap ko.


Dahil nakita ko kung paano niya igalang ang pasya ko, kung paano niya igalang ang mga magulang niya, kung paano siya manindigan kapag sa tingin niya ay tama siya, at kung paano siya magsikap na magkaroon ng sariling pera, dahil ayaw niyang iasa lahat sa mama at papa niya.


Nakita ko rin kung paano niya ako unahin kaysa sa mga kaibigan niya. Naramdaman ko kung paano niya ako protektahan, alagaan, at pagsilbihan. Binigyan ko pa siya ng ilang buwan, pero hindi siya nagbago. He was consistent since day one.


Higit sa lahat, nakita ko kung gaano kahaba ang pasensiya niya. kung paanong hindi niya ako sinusukuan kahit ang hirap-hirap na, kahit ang sakit-sakit na, at kahit pa ako na mismo ang tumalikod sa kanya.


Hindi ako nagkamali. Hindi lang siya puro mukha, porma, yabang, angas. I knew very well that he would be a good husband and father.


I might not be able to choose my father, but I had the power to choose the father of my future child. Iyong ama na magalang, pasensiyoso, masipag, at responsableng tao. Iyon ang ama na wala ako, pero puwede kong ibigay sa magiging anak ko.


Choosing a good father for my future child was my responsibility. And I made the right choice in choosing Isaiah Gideon del Valle.



AFTER THE LAST HEARING WITH THE BENNETS, I was now ready to go back to the Philippines. Sophie was now in prison. I, on the other hand, received one hundred thousand Australian dollars as victim compensation for what the Bennetts did to me.


Wala akong pinagsabihan ng date ng pag-uwi ko sa Pilipinas. Sa Buenavista ako tumuloy kahit pa alam ko na sira-sira pa ang bahay roon mula nang magkasunog.


Pumunta ako kina Tita Hannah matapos kong dumaan sa bangko. Mula sa compensation na nakuha ko sa mga Bennett, binayaran ko na nang buo ang lupa na utang namin, kasama ang tubo.


Ayaw pang tanggapin ni Tita Hannah ang tubo kung hindi pa ako nagmakaawa. "Napakalaki na po ng naitulong niyo sa akin, Tita Hannah. Hayaan niyo po akong makabawi..."


Umiiyak na niyakap ako ni Tita Hannah. "Alam mo na para na kitang anak, Vivi. Hindi ka iba sa akin. Ikaw ang anak na babae na hindi ako nagkaroon noon..."


"Salamat po. Salamat po sa lahat-lahat..."


"Lahat ng paghihirap mo sa buhay, nalampasan mo iyon lahat." Nakangiti siya sa akin habang luhaan. "Sinong mag-aakala na ang mahinhin na bata noon, ay napakatatag ng babae ngayon? Sobrang proud ako sa 'yo, anak. Alam ko na kung nasaan man ang mommy at kuya mo, proud na proud din sila sa 'yo."


Matapos naming mag-usap, pumunta ako sa bahay para sumilip doon. Kahit pa kalahati niyon ay sunog at wasak, nakikita ko pa rin ang bahay namin na napakalaking parte ng buhay ko. Hindi ako makapaniwala na ngayon ay akin na talaga ito.


Pumikit ako habang dinadama ang hangin na tumatama sa aking mukha. "Mommy, masaya ka ba? Sa atin na talaga ngayon ang bahay na ito..."


"Vi." Isang boses ang nagsalita sa likod ko.


Luhaan man ay nakangiti na nilingon ko siya. Ang aking kaibigan, kababata, at ang taong isa rin sa dahilan kaya nakaya kong lumaban. "Eli, amin na ang bahay na ito. Nabayaran ko na sa mama mo."


"Sinabi nga ni Mama. Congratulations, Vi." Ngumiti siya bagaman hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti.


"Wala na rito sina Mommy at Kuya Vien, pero nasa puso ko sila. Habangbuhay ko silang aalalahanin."


Hindi na kumikibo si Eli. Nakatitig na lang ang malungkot niyang mga mata sa akin.


"Eli, salamat sa inyo ni Tita Hannah. Kung wala kayo, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. Sobrang salamat..."


"Can I hug you?" may piyok sa boses na paalam niya. "You know, I missed you."


Ako na ang humakbang para pagbigyan siya. Niyakap ko siya pero hindi naman siya yumakap sa akin. Para bang dinama niya lang ang pagyakap ko sa kanya.


"Vi, if things won't work out with Isaiah Gideon, know that you are free to come to me. I will still wait for you. Pero hindi na ako mghihintay nang matagal, kaya sana kung pupunta ka sa akin, dalian mo."


Ngumiti ako habang lumuluha. "'Wag na, Eli. 'Wag ka nang maghintay..."


Napayuko siya kasabay nang panginginig ng balikat niya. "Kapag umalis ka ngayon, babalik ka na nang tuluyan kay Isaiah Gideon, di ba? Baka puwede... Baka puwede dito ka muna... Kahit sandali lang, tutal babalik ka na sa kanya... Ibigay mo sa akin ito. Kahit ilang minuto..."


"Hindi na, Eli." Hinawakan ko siya sa kamay. "Bawat minuto, napakahalaga sa akin. Gusto ko nang makita ang taong mahal ko. Gusto ko na ulit makita ang anak namin. Gusto ko nang makasama sila. Naiintindihan mo naman ako, di ba?"


Ang kamay niya ay humawak sa kamay ko. Mahigpit at nanginginig. Ayaw akong bitiwan. Dinala ko iyon sa aking mga labi at hinalikan.


"I love you, Eli. Napakabuti mong kaibigan mula noon hanggang ngayon. Alam ko na may taong para sa 'yo, pero hindi ako iyon. Mahahanap mo rin siya at mahahanap ka niya. Magiging masaya ka dahil mas mamahalin mo siya at mas mamahalin ka rin niya."


Nang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay tumalikod na ako. Hindi na ako lumingon pa kahit narinig ko siya na tinatawag ako. Kahit naririnig ko kung gaano kabasag ang boses niya sa pag-iyak at pagmamakaawa na lumingon ako.


Tagaktak ang luha na nagpahatid ako sa Brgy. Pinagtipunan. Kahit nanlalabo ang mga mata ay sinikap ko na mai-text si Zandra.


Ang dami nang ginawa ni Isaiah para sa akin. Ang dami niyang isinakripisyo. Ilang beses niya na akong ipinaglaban. Sa pagkakataong ito, ako naman ang babawi sa kanya. Ako naman.



PATAY ANG ILAW NG KISS BAR. Hindi magbubukas ang restobar ni Zandra para sa gabing ito. Ilang saglit lang ay may huminto ng itim na Lambo sa harapan. Bumukas ang glassdoor, at pumasok mula roon ang isang matangkad at guwapong lalaki.


"Miks, bat ang dilim? Akala ko ba me inuman?!"


Nagkamot siya ng pisngi dahil walang katao-tao sa paligid. Ang pagtataka ay nasa guwapong mukha niya na masisinag sa kapirasong liwanag mula sa labas. Salubong ang makakapal niyang kilay.


"Anong trip 'to, Michael Jonas Pangilinan? Tangina, lumabas ka nga. Galing pa ako ng Manila, pinaderetso mo ako ritong hayup ka."


Nagtanggal ng ilang pirasong butones sa suot na long sleeves polo si Isaiah. Nasa mukha niya na ang pagkaasar. Akma na siyang aalis nang bumukas ang ilaw sa stage ng restobar.


"I thought sometimes alone was what we really needed. You said this time would hurt more than it helps, but I couldn't see that..."


Napalingon si Isaiah at napaawang ang mapupula niyang mga labi. Napamura siya sa gulat.


"I thought it was the end of a beautiful story. And so I left the one I loved at home to be alone. And I tried to find out if this one thing is true..." Bahagya akong pumiyok pero nagpatuloy ako. "That I'm nothing without you. I know better now and I've had a change of heart..."


Humakbang ako palapit sa kanya habang hawak ang wireless microphone.


"Shit, ano ito, Vi?" Napahikbi siya at napayuko sa kanyang mga palad.


"I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself. I'd rather have hard times together than have it easy apart. I'd rather have the one who holds my heart..."


Naglabasan na rin mula sa pinagtataguan ng mga ito sina Zandra, Miko, Arkanghel, Sussie, at sina Carlyn at Jordan. Balewala kay Isaiah kahit naririto ang mga kaibigan niya. Nanginginig ang kanyang malapad na balikat habang panay ang hikbi niya.


With tears in my eyes, I stopped in front of him and handed him the folder I was carrying. Inside it was our birth certificates. "Isaiah Gideon del Valle, mahal na mahal kita. Gusto ko lang malaman kung mahal mo pa rin ako. Kung oo, bukas na bukas, magpakasal na agad tayo."


"Isaiah, pumayag ka na kupal!" sigaw ni Miko. "Bilisan mo, parang awa mo na dahil baka kumanta pa ulit si Vivi!" Binatukan ito agad ni Zandra.


Si Carlyn naman ay lumapit at dinagukan sa likod si Isaiah. "Hoy, ulol, sagot na. May lakad pa kami ni Jordan. Dumaan lang talaga kami rito para makitsismis. Saka baka na-stroke na sa pag-aalaga ng anak ko ang aking sissy-in-law."


Tumikhim naman si Arkanghel. "Magpapatulog pa ako ng anak, 'tapos luluwas pa ako ng Manila dahil maaga ang meeting ko bukas."


"Isaiah, antok na ko!" Si Sussie naman. "Papatulugin pa ako ni Arkanghel pagkatapos niyang patulugin ang anak namin!"


Si Zandra ay may sinasabi rin. "Come on, Isaiah. Bilis ng sagot dahil ipagtitirik pa namin ng kandila si Asher. Ilang araw nang walang paramdam e. Baka natodas na kasi noong nakaraan e nagbabalak daw iyon na uminom ng muriatic."


Tiningala ko si Isaiah. Tinuyo ko ng mga daliri ko ang luha sa mukha niya. "Boo, bilisan mo na raw. May mga lakad pa ang mga kaibigan mo. Ano nang sagot mo? Mahal mo pa ba ako?"


Humihikbi siyang tumango sa akin. "Boo, hindi naman nawala kahit isang segundo..."


Inilabas ko mula sa jeans na suot ang mga singsing na binili niya noon para sa amin. Ang silver na promise ring. Isinuot ko ang isa sa akin at ang isa ay hinarap ko sa kanya. "Will you marry me?"


Lumuluha siyang tumango. "Yes, boo. Yes in a heartbeat."


Isinuot ko na ang singsing sa kanya. Bago ko pa siya yakapin ay nayakap niya na ako. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan niya at iniwan na kami.


Dalawa na lang kami ni Isaiah sa gitna ng walang katao-tao na restobar, pero wala kaming pakialam. Magkalapat ang aming mga labi na parehong uhaw sa bawat isa, habang patuloy sa pagluha ang aming mga mata. 


Sa dami ng sakit na napagdaanan ko, siya iyong masasabi kong kapalit. Siya iyong malakas kong pambawi. Siya iyong saya ko. Siya iyong luha ko. Siya iyong puso ko.


Noon ay hindi ko nakita ang aking sarili na magmamahal ng isang lalaki, dahil sa takot ko na makatagpo ng kagaya ni Daddy. Many had tried, but none had even come close.


But this man never gave up on me, from the beginning to the end. Hindi ako nagsisisi na hinayaan ko siyang makapasok sa buhay ko. Siya ang tanging lalaki na may makamandag na ngiti at pag-ibig.


Isaiah Gideon del Valle would always be the first and last man to win my heart, then, now, and forever. He was my one and only... serial charmer.


JF


Up next is the Epilogue. Please wait for my announcement on my FB acct Jamille Fumah. I have surprises for you soon. Thank you so much for loving my SB boys despite their flaws.  

#SerialCharmerbyJFstories

Song credits: I'd Rather by Luther Vandross

Continue Reading

You'll Also Like

316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...
206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...
852K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
15M 758K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...