At Least We've Met (At least...

By Maria-Felomina

724 48 4

||At Least Series #1|| Makeup, dresses, expensive clothes, and clubbing-Farrah Caroline Mercado loves it all... More

At Least
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40 (Huling Kabanata)
Wakas
Author's Note

Kabanata 14

9 1 0
By Maria-Felomina

Kabanata 14

"USE all the time that we have to express what's inside you. Come on, tell me. That's if you're ready," sabi niya agad nang makaupo kami sa bench ng 7/11 sa labas. Mabuti na lang at naabutan pa namin itong bukas. 

Kumagat muna ako sa hawak kong tag 20 pesos na ice cream ng 7/11 na siyang paborito ko bago siya pinagtuonan ng pansin. 

"It's a family problem, alam mo naman 'yon, 'di ba?" He nodded. Kumagat na rin siya ng ilang ulit sa ice cream niya bago ako tinugon. 

Magkaharap kami ng p'westo sa aming inuupuan. I didn't feel any awkwardness between us; it seems that I'm really used to this. 

"Are you still mad ba kina tita?  I think, bumabawi na naman sila sa'yo," komento niya. I swallowed hard at what I heard. 

"P-paano mo nasabi?"

"Have you remembered when we had dinner last time? Iyong inembitahan ako ni tito...may sinabi siya sa akin during that day bago kita ihinatid," he confessed, which made me pucker my forehead. 

"What do you mean? Ano naman ang sinabi ni dad sa'yo?"

He sat properly and faced me. He even set aside his ice cream for me, kahit na wala pang masyadong bawas iyon. 

"Tito Fausto said that he's trying na makabawi sa iyo, both of them. Sila ni tita. Sabi pa niya, siguro kaya ka naging gan'yan kasi dahil sa kanila, masyado ka na nilang napapabayaan. Even they don't like the idea of prioritizing their work and giving you up every time na naiipit sila sa sitwasyon. Oo, naging mabuti nga silang empleyado at alagad ng gobyerno, pero hindi naman sila naging mabuti at karapat-dapat na mga magulang sa'yo," lintanya niya habang nakatingin sa akin. Nagawa niya ring minsan ngumiti nang mapait habang ibinabahagi sa akin ang mga iyon. 

Nasaktan naman ako sa aking narinig. May kung ano sa akin ang naguilty sa mga salitang binitawan ko sa harap nila kanina. Siguro masyado lang akong nag-iisip ng kung anu-anong bagay, kaya ako naging matigas. 

I came back to my senses when he spoke again. "Kaya palagi kang ibinilin nila tito sa akin. Because they know I knew you better than them. Kaya don't you ever have negative thoughts about your parents. Because they love you more than anything in this world, mm?" I smiled forcefully. God, Farah, you messed up. 

I always comprehend their actions wrongfully. Kapag naramdaman kong wala silang oras sa akin at inuuna nila ang trabaho nila ay iniisip ko nang hindi nila ako mahal. Kaya siguro ako naging ganito. I always wanted to get what I wanted in just a glimpse, kasi hindi ko iyon magagawa sa parents ko. Pero ang totoo pala ay masyado lang akong nag-iisip. I always concluded things without knowing their content or full details. 

That's why research is needed in our school for us to learn and be informed that every conclusion has a process, details, and reason before we come up with its hypothesis. Saka lang natin malalaman ang resulta kapag pinag-aralan natin nang mabuti ang subject o case na napili natin. 

I always top the research in my class and am labeled as the best researcher of the year, pero bigo akong i-apply ang lesson na nakukuha ko mula rito sa tunay na buhay. Kung sino pa ang binansagang matalino sa klase ay siya pa ang b*bo 'pag buhay at realidad na ang pinag-uusapan. 

"Marami kaming nagmamahal sa'yo, Carolina. Kaya 'wag na 'wag mong iisipin na binabalewala ka namin, okay?" dagdag niya pa na ikinaiyak ko nang tuluyan. 

"But like you, my parents also regret loving and having me in their lives in the end," natatawa kong sabi. He wiped my tears.

Tama naman ako, 'di ba? Yes, they love me, but loving me leads to something that breaks my heart. Nando'n na tayo sa mahal nila ako, pero saan ba sila dinala ng pagmamahal nilang iyon? Noel hates me, while my parents set me aside because of their work. Kaya nakakapagod pakinggan na mahal nila ako tapos iyon pala ako lang ang aasa sa huli. 

"Carolina..." I tried to face him while acting like I was totally fine with what he said. 

"Hindi mo naman kailangang magpanggap, Noel. Alam ko naman na hindi mo na talaga ako mahal. Sinasabi mo lang 'to ngayon kasi hindi ako okay, right?" pagpaintindi ko sa kaniya. I saw the guilt on his face. He also tries to cover up what he really feels. 

"I know I've hurt you. Hindi ako naniwala sa ekplinasyon mo, and promise isa iyon sa pinagsisisihan ko. God knows how sorry I am for putting you in a situation that you didn't deserve. For breaking your heart, for breaking my promise, na hindi kita iiwan, at lagi kitang pakikinggan. I'm so sorry, Love," tuloy-tuloy niyang sabi na ikinakirot ng aking puso. 

Nakatingin na rin siya sa akin, imbis na magpatianod sa nakakalunod niyang mga titig ay naggawa kong balingan ang tattoong nasa kaniyang braso. 

"It suits you." I bit my lips. Napatingin naman siya sa aking tinutukoy. 

"Because of your name," he said sweetly, looking back at me. 

I took a deep breath to have the confidence to ask him. "Talaga bang nagsisi ka na minahal mo ako noon kaya pina-tattoo mo pangalan ko r'yan?" Napailing naman siya at ngumiti nang pilit. 

"It's just a lie. Nasabi ko lang 'yon kasi nasa kasagsagan ako ng galit ko at hindi ko pa nalaman mula kay Sammuel ang totoo."

"Kung hindi mo ba nalaman 'yon, galit ka pa rin sa akin?"

"Isa lang ang alam ko, hindi magtatagal ang galit ko sa'yo dahil sa pag-ibig na aking nararamdaman, Carolina."  

"N-noel," iyan lang ang salitang lumabas sa'king bibig. 

I admit that my heart skipped for awhile from what I heard. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang magtanong at mabahala. What if...nasabi niya lang it ngayon kasi wala siyang choice? What if...pinapaikot niya lang ako  kasi isa ito sa way ng pag-revenge niya sa akin? Because of what happened to us, I can't help but think of those negative questions. 

"Alam mo ba kung ano ang itinanong ng artist nito nang napagdesisyunan kong magpa-tattoo?" Tanong na nagpabuhay ng aking dugo. Tiningnan ko siya ng diretso para malaman kung ano nga ba ito. He licked his lips first before starting to talk. "Wala akong ideya kung ano ang ipauukit ko rito noon, sad'yang pumunta lang ako sa shop niya without thinking. He said, isipin mo ang bagay na pinakamagandang nangyari sa buhay mo na hindi mo magawang kalimutan," panimula niyang pag-amin. May kung ano naman bagay ang naramdaman ko sa loob ng aking tiyan. Tila ito'y mga paru-paro na masayang nagsiliparan. "Kaya, hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad kong ipinasulat ang pangalan mo rito," dagdag niya pang k'wento habang may malaking ngiting nakaukit sa kaniyang mga labi. 

Napaawang naman ang aking bibig sa aking mga nalaman. "W-why? I t-thought you hate m-me?" 

"Yeah, I hate you..." pag-amin niya. Hindi ko naman kayang awatin ang mga mata kong sulyapan ang kulay gray niyang mata na para bang ako'y kinakausap. "I hate you, kasi sa kabila ng lahat ng sakit na idinulot mo sa akin, mahal na mahal pa rin kita. I was drowned by your love, Carolina, and I don't know how to overcome it anymore."

"Noel," I murmured. Like how my ice cream melts, my heart does too. Hanggang ngayon, alam na alam niya pa rin kung paano tunawin ang puso ko. 

I forcefully closed my eyes when he intertwined his hands in mine. Since we broke up, ngayon niya lang ulit nahawakan ang kamay ko nang ganito. The volition that I felt before isn't the same anymore. Kasi ngayon mas naging matindi dahil sa sobrang pangugulila. 

"Alam kong nasaktan kita nang husto at hindi ito iyong tamang oras na itanong ko ito sa'yo, but I want to try my luck," he said while looking into my eyes. Pakiramdam ko naman ay namumula na ako dahil sa kaniyang mga pinagsasabi. I also felt that my hands were shaking. I was about to stop him when he talked again, and that took my breath away. "Can we go back to what we started again?"

It took me a minute to respond to his question. "I d-don't know. Hindi ko pa alam," wala sa sarili kong sagot. 

"Just say it, Carolina," pagpupumilit niya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala ang kamay ko ang nanginginig kundi ang kaniya. He's afraid that I may reject him like he rejected me way back then. 

I get a chance to let go of his hands. Mabilis na rin ang aking paghinga, parang hindi ko alam kung papaano ko ipapaintindi sa kaniya ang tunay na nilalaman ng aking puso. 

"Takot na ako, Noel, baka kasi masaksaktan mo na naman ulit ako. Masasaktan na naman ulit natin ang isa't isa." Hindi ko lubos akalain na masabi ko iyon ng diretso at walang pagkautal. Napayuko naman siya saglit sa sinabi ko. 

"Normal lang naman sa relasyon 'yan, Love," kaswal niyang sabi saka ako tiningnang muli. 

"Please, stop calling me that one," awat ko rito. Nagkunot siya ng noo sa aking komento. 

"Why? You really hate me that much, kaya ayaw mo nang tinatawag kitang mahal?" he asked. Pansin ko naman ang pag-iba sa tono ng kaniyang boses. Tila ba may bahid ito ng sakit at konsensya. Subalit nagwala ako agad nang marinig ko ulit ang nakasanayan niyang itawag sa akin. "Mm, Love?"

"Kasi mahal pa rin kita!" I exclaimed. Nagulat naman ako dahil sa nagawa kong tumayo mula sa aking pagkaupo. Mabuti na lang at kami na lang ang naririto ngayon. Naging seryoso naman ang pagtingin niya sa akin habang nakatingala. "And every time you call me that one, mas lalo akong nalulunod sa'yo. Nagiging tanga at marupok na ako masyado pagdating sa'yo, Noel!" sabi ko pa na ikinatawa niya. 

"W-wait—what?" gulat na gulat niyang ani. 

Kinagat-kagat ko ang aking labi dahil sa kaniyang reaksyon. Feeling ko naman ay dudugo na ito. I can even taste my blood on it. "Ba't ka tumatawa?"

"Mahal mo ako? Tama ba ang narinig ko, mahal mo pa rin ako?" sunod-sunod niyang tanong at tumayo na rin ito para mapantayan ako. 

"Vergara, naman, eh," naiinis kong wika. He starts walking in my direction. Napaigtad naman ako nang bigla niyang hagitin ako ng marahan papunta sa kaniya. Naramdaman ko naman ang kakaibang boltaheng nanalaytay mula sa aking beywang gawa sa paghagit niyang iyon. 

"You still love me, ha," he teased when I locked up in his arms. Napalunok naman ako nang ilang ulit dahil sa aming posisyon. I can even feel his breath on my face, which gives me a different kind of sensation. 

"Oo n-na, m-mahal p-pa rin kita." Para akong suspek na sumuko dahil ako'y tuluyan nang nahuli. Ngumiti naman siya na parang nakakaloka dahil sa narinig niya mula sa akin. Para bang nanalo siya ng lotto sa inamin ko. 

He slowly slid his hand behind my back, playfully. Ibang kiliti naman ang naramdaman ko sa kaniyang ginagawa. Mayamaya pa ay bigla niyang inilapit ang mukha niya sa aking tainga na mas lalong nagpatindig ng aking mga balahibo. Napapikit naman ako sa sensasyon hatid ng hininga niya na tumatama ngayon sa aking leeg. 

"So...it means?" He slowly whispered in my ear. I sighed and started breathing heavily. 

"Yes, l-let's try a-again," nababaliw kong tugon dahil sa kakaibang dulot sa akin ng bulong niyang iyon. Pero agad naman iyong napalitan ng kakaibang kaba sa dibdib ko nang walang pasabi siyang sumigaw. 

"Woah! Thanks, God!" he exclaimed with happiness in his voice. Mas lalo naman akong nagulat nang bigla niya akong buhatin at isinayaw-sayaw. "I love you, baby," masaya niyang pag-amin sa akin na tuluyang ikinatuwa ng aking puso. 

This night brings me so much joy, and I hope it will not turn blue. Lord, please be with us and guide us. 

Mahal na mahal pa rin kita, Noel Brynan L.  Vergara. From yesterday, today, I will always be...in love with you.

Continue Reading

You'll Also Like

598 132 42
LOVESICK GIRLS SERIES 2 Rebellious, Traitorous, Endless. Daesyn, a low-key promdi girl finally got a chance to met her biological parents and brother...
28.4K 3.5K 43
Jo Marien Bartolome a CSU stewardess student met Mr. Captain-so-full-of-himself in a one in a million incident. Unexpectedly making friends with that...
55.7K 1.8K 65
A recent graduate of an aviation course, Mayumi Phoebe Bonifacio continues pursuing her dream to be a pilot by entering one of the Philippines' prest...
217K 11.9K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.