IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

889K 33.5K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 40

14.5K 585 120
By ImaginationNiAte

KABANATA 40:

Ilaria POV

          SAGLIT ko lang na sinulyapan si Samael, nagmamaneho siya ngayon habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Kapag tinatangka ko naman na tanggalin ang kamay niya sa akin ay lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa 'kin. Medyo nahihiya ako dahil nakaupo sa backseat si Nanay Dolores at tiyak na nakikita niya ang pagiging clingy nitong si Samael sa akin.

Actually, kanina pa siya ganito.

Panay ang hawak niya sa kamay ko, minsan naman ay may oras na nakalingkis ang braso niya sa beywang ko. Mula nang magkita kami ay hindi na talaga siya umaalis sa tabi ko. Kahit na pupunta lang ako sa banyo para umihi ay sasama pa siya para masigurado niyang safe ako.

And I know he's just scared.

He is afraid that I might suddenly disappear from his side again and he doesn't want that to happen again. He really just wants to make sure that no one will kidnap me again and take me away from him. Kaya heto siya ngayon, grabe ang pagiging clingy niya sa 'kin.

And ghad, I miss him!

Hindi ko tuloy maalis-alis ang pagkakatingin ko sa kanya. Ilang araw lang kaming nagkahiwalay pero feeling ko ay isang taon kaming hindi nagkita. Masaya ako at panatag na ako dahil nandito na siya at nahanap ako. Na-realize ko na genuine ang kanyang pagmamahal sa akin. Na gagawin niya talaga ang lahat para sa akin.

Oh ghad, I can't stop adoring him.

Just seeing him sitting next to me makes my heart beat faster. I know that I am really safe. Kampante na ako at hindi na ako natatakot. May tiwala kasi ako na hindi na hahayaan ni Samael na maulit ang nangyari sa 'kin, hindi siya papayag na may kumidnap na naman sa akin at ilayo ako sa kaniya.

Ngayon ay papunta na kami sa bahay ni Nanay Dolores. Napagpasyahan ko na lang kasi na dumiretso na lang kami roon at napag-usapan na rin namin kanina ni Samael na gusto kong mag-stay sa poder ng tunay kong ina.

Para na rin sa gano'n ay mas makilala ko siya, magkaroon kami ng quality time bilang mag-ina at syempre para na rin malaman ko lahat-lahat ng mga nangyari noon, lalo na kung bakit pinaampon niya ako.

Gusto ko rin kasi alamin kung bakit tila galit na galit si Nanay Dolores sa totoo kong ama kahit na ayaw niyang mapag-usapan ang ama ko. Kapag nagtatanong ako sa kaniya ay sinasabi lang niya na hindi mahalaga ang aking ama at hindi ko na rin siya dapat hanapin pa. Ewan ko kung bakit. Pero isa lang ang sigurado ako, galit siya sa ama ko at halata naman 'yon sa kaniya.

"Nagugutom ka ba? Sabihin mo lang sa 'kin, okay?" pagbasag ni Samael sa katahimikan.

Ngumiti ako, "Magugutom pa ba ako samantalang marami kang pinakain sa akin kanina bago tayo umalis ng hospital?" nakataas-kilay kong sabi.

Aba, marami kaya siyang pinakain sa akin kanina! Bumalik siya sa ward room ko na maraming dala-dalang mga pagkain. Hindi niya ako papayagan na ma-discharge hangga't hindi ko nauubos 'yung mga pagkain na binili niya kaya naman kinain ko na lang iyon para hindi na niya ako kulitin.

He chuckled, "Ayoko lang na nagugutom ang maganda kong asawa. At saka gusto ko na manumbalik ang lakas mo," sagot niya sa 'kin.

Ngumiti na lamang ako para itago ang aking kilig na nararamdaman. Saglit ko na tinignan si Nanay Dolores gamit ang rear-view mirror. She's sleeping. Kaya pala kanina ko pa napapansin na wala man lang siyang kahit na anong imik, 'yun pala ay nakatulog siya. Nakasandal ang kanyang ulo sa headrest at kapansin-pansin na parang pagod na pagod siya.

"Wala ba man lang tulog si Nanay Dolores?" pagtatanong ko kay Samael.

Saglit naman siyang tumingin kay Nanay Dolores gamit din ang rear-view mirror bago niya binalik ang kaniyang atensyon sa kalsada.

"Oo, bukod sa akin ay halos minu-minuto ka niyang binabantayan habang wala kang malay. Hindi siya umalis sa tabi mo nang malaman niyang ikaw si Ilaria, ang anak niya." sagot niya sa 'kin.

May kung ano na kakaibang humaplos dito sa puso ko. Muli kong tinignan si Nanay Dolores, natutulog pa rin siya. Masaya ako na nagkita at nagkakilala na kaming dalawa. Sobrang saya ko na alam niyang ako ang anak niya pero talagang hindi na ako makapaghintay na malaman at marinig sa kanya kung ano ba talaga ang totoo, kung bakit niya ako pina-adopt.

It took us a few minutes bago kami tuluyang nakarating sa Subic, Ilaya. Sa pagkakaalam ko, dito sa baryong ito nakatira si Nanay Dolores. Iyon ang sinabi niya sa 'min kanina bago kami umalis ng hospital.

Ginising ko na rin si Nanay para ituro sa amin kung saan banda siya nakatira. Hindi naman ako nahirapan na gisingin siya kaya itinuro na niya kay Samael ang daan papunta sa tinitirahan niya. Maya-maya lang ay huminto na kami sa tapat ng bahay niya. Ipinarada lang ni Samael sa tabing gilid ang fortuner niya bago kami nagsibabaan.

Pinagmasdan ko ang paligid ko, maraming mga batang naglalaro sa daan. Safe naman dahil wala namang masyadong dumadaan na mga sasakyan dito kaya pu-pwede pa rin silang maglaro ng malaya sa gitna ng daan. May mga tao rin ang napapatingin sa gawi namin, marahil ay nagtataka sila kung sino kami.

"Naku, pagpasensyahan niyo na kung tinitignan kayo ng mga kapitbahay namin. Ganyan talaga ang mga 'yan dito, titignan ka kapag maganda't pogi ka tapos may mamahalin pa kayong sasakyan na dala-dala.." sambit ni Nanay Dolores sa 'min.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya habang itong gwapong nilalang naman na ito ay mabilis na lumingkis sa aking beywang. Ni hindi man lang niya pinansin ang mga taong napapatingin sa gawi namin.

Hinayaan ko na lang siya sa pagiging clingy niya. Wala siyang mga kasamang bodyguards ngayon dahil may inutos siya sa mga tauhan niya lalo na kay Miano, hindi ko lang alam kung ano 'yon.

Maganda rin naman dito sa lugar na ito kahit na first time ko lang talaga na makarating dito. Pero pang-probinsya talaga ang datingan. Maraming nagtataasang mga puno, ang daanan dito ay malupa at medyo lubak-lubak pa, medyo mausok din dahil may mga nagsisiga ng apoy. Ang mga bahay rito ay nakikita kong gawa sa mga matitibay na kahoy.

Iilan nga lang ang nakikita kong bahay na gawa sa concrete blocks na mahahalatang hindi na lang pininturahan. Ang gate nga nila ay gawa rin sa mga kawayan. Subalit sariwa ang hangin dito. Sabagay, narito pa nga pala kami sa Agoncillo, Batangas at isa itong baryo.

Pero napansin ko kanina habang nasa biyahe kami na may malapit na bulkan dito. Nakakamangha dahil nagandahan ako roon. Oo nga pala, as far as I know, ang Kapuluan ng Pilipinas ay maraming bulkan at mga isla.

"Oh s'ya, pumasok na tayo sa loob." pag-aya ni Nanay Dolores, "Pasensya na rin kung hindi kagandahan at kalakihan itong nirerentahan naming bahay. Ito lang kasi talaga ang kaya namin na rentahan dito sa Subic, Ilaya." dagdag niya pa.

Nangunot ang noo ko, "Namin? May kasama ho kayo rito sa tinutuluyan niyong bahay?" tanong ko.

Tumango siya, "Oo, hija. May mga kasama ako rito sa bahay.."

Akma sana ulit akong magsasalita nang may lumabas na lalaki sa gate ng bahay nila na gawa sa kawayan. Mababakas namin na lasing ito dahil hindi na siya makalakad ng tuwid at may hawak pa siyang isang bote ng alak na nasa kalahati na ang laman.

Pero may napansin ako sa kanya. Ang kaliwa niyang kamay ay putol hanggang sa siko niya. Ano kayang nangyari sa kamay niya? Naaksidente kaya?

"Jusko, ginoo! Lasing ka na naman, Amado?!" bakas ko kay Nanay ang hindi makapaniwala. Kakilala niya kaya ang lalaking lasing na ito? Pero sino kaya siya?

"Aba! Nandito ka na pala!" sagot nito at napasinok pa dahil sa kalasingan, "Bakit ilang araw kang hindi nakauwi?! Saan ka galing, ha?! Lumandi ka na naman 'no?!" galit nitong pang-aakusa.

Malakas niyang hinatak si Nanay Dolores sa braso at nakita kong nasaktan siya. Lalo namang nagkasalubong ang kilay ko dahil sa pinapakita nitong asal sa Nanay ko. Sino ba kasi ang lalaking ito?

"Ano ba, Amado! Bitawan mo ako, may mga bisita tayo kaya umayos ka!" asik niya sa lasing na lalaking 'to.

Kahit papikit-pikit na ay nagawa pa rin ng lalaking ito na tumingin sa amin. Una siyang tumingin kay Samael na seryoso lang at walang kahit na anong mababakas na ekspresyon sa kanyang gwapong mukha bago bumaling ang tingin ng lalaking ito sa 'kin. Pansin ko ang paninitig niya sa akin ng malagkit, talagang tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Sino ba ang mga 'to?! Idadagdag mo lang sa mga magiging palamunin mo?!' singhal nito sabay turo sa amin.

"Manahimik ka! Hindi mo kilala kung sino ang sinasabihan mo ng palamunin! Sige na, umalis ka na! Mamaya ka na lang umuwi 'pag hindi ka na lasing!" may bahid na inis na pagtataboy ni Nanay Dolores sa lalaking ito.

"Tsk! Nasaan pala 'yung pera na napaglakuan mo ng mga paninda mong kakanin?! Ibigay mo sa 'kin, dali!" utos nito at talagang kinapkapan pa niya si Nanay.

Hindi ko gusto ang ugali ng isang 'to.

"Aba, Amado! Pambili natin ito ng bigas para may makain tayo lalo na ang mga bata! Kung meron ka lang sanang trabaho.."

Bata? May anak si Nanay Dolores sa iba?

"Aba't, yumayabang ka na ah!"

Nakita ko ang galit sa mukha ng Amado na 'yon. Napasinghap ako sa gulat nang marahas niyang hatakin ang buhok ni Nanay Dolores na kanyang ikina-aray.

"Ano bang pinagmamalaki mo?! Samantalang ang liit-liit lang naman ng kinikita mo sa paglalako ng paninda mo?! Kung ibigay mo na lang kaya sa 'kin yung pinagbentahan mo, hindi 'yung dadakdak ka pa riyan!" sigaw nito kaya napapatingin na sa kanila ang mga tao.

Ang iba ay nakiki-usisa na sa kung ano ang nangyayari pero bakit gano'n? Bakit tila parang wala lang sa kanila ang nakikita nila? Animo'y parang sanay na sanay na sila sa ganitong eskena.

"Ano ba, bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" wika ni Nanay Dolores.

Hindi na ako nakatiis pa. Ito pa naman ang isa sa higit na ayaw ko, ang sinasaktan ang babae lalo na't tunay kong ina itong sinasabunutan niya. Agad akong lumapit sa gawi nila at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa buhok ni Nanay Dolores.

Pasalamat na lang ako ay binitawan na rin niya ang buhok ni Nanay Dolores kaya hindi ako nahirapan. Itinago ko naman agad si Nanay sa likod ko para hindi na ulit siya saktan ng bwisit na lalaking ito.

"Bakit po ba kayo ganyan?! Kalalaki niyong tao ay nananakit kayo ng babae!" iritado kong singhal sa Amado na 'to.

Alam kong lasing lang siya, nakainom ng alak. Obvious naman iyon sa kanya. Pero hindi naman yata tama na manakit siya ng babae lalo na itong si Nanay na may edad na.

"Eh sino ka bang babae ka?! Bakit ka ba nangingialam dito?!" galit din nitong singhal sa akin.

Maangas pa niya akong tinignan at akma akong lalapitan na parang anytime ay sasaktan din niya ako. Ngunit halos maestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig kong may nagkasa ng baril at tinutok iyon sa ulo ng lalaking ito.

"Pumili ka. Aalis ka, o papasabugin natin ang ulo mo?" seryosong katanungan ni Samael na s'yang may hawak at nagtutok ng baril.

Shit! Palagi nga pala siyang nagdadala ng baril. Kahit saan siya magpunta ay mayroong nakasuksok na baril sa tagiliran niya. Napansin ko ang biglaang pagtigil ni Amado at naging kasing kulay na niya ang papel dahil sa pamumutla niya. Hindi niya siguro inaasahan na may magtututok sa kanya ng baril at sa ulo pa.

Napalunok pa siya sa kaba pero wala namang nagawa pa ang Amado na ito. Tumalikod na siya at naglakad papalayo kahit na pagewang-gewang na ang lakad niya dahil sa kalasingan.

Nilingon ko naman si Nanay Dolores na tila nakahinga ng maluwag. Binalik na rin ni Samael ang baril niya sa tagiliran niya at tinakpan iyon ng suot niyang jacket para walang ibang makakakita 'non.

"Sino po ba ang lalaking iyon?" I asked.

"Asawa ko, hija. Mabait naman talaga iyon, nagiging masahol pa sa hayop ang ugali kapag nakakainom siya." sagot niya at bumuntong-hininga. Nag-asawa pala siya ng iba.

"Bakit po ba siya naging gano'n?" tanong ko pa.

"Okay naman dati si Amado, hindi siya dati lasinggero. Mabait at masipag siyang lalaki. Nanirahan pa kami noon sa Maynila at maganda ang buhay namin roon. Pero nawalan siya ng trabaho no'ng magsara ang pinapasukan niyang pabrika at hindi pa niya ako mabigyan ng anak dahil sa baog siya. Gustong-gusto na nga niyang magkaroon kami ng anak pero wala eh, ganoon talaga ang buhay.." kuwento niya sa 'min.

Naglakad na siya papasok sa loob ng bahay nila kaya naman sumunod kami ni Samael sa kanya. May puno rito malapit sa bahay nila at kapansin-pansin na namumunga ito ng mangga. Medyo makalat ang paligid dahil sa mga dahon na nahuhulog mula sa puno. May bangko din sila dito na mahaba at gawa sa kahoy.

"Wala kasi siyang natapos, nakatungtong lang siya sa Grade 3 sa kadahilanan na kapos din sila sa pera kaya hirap siya sa paghahanap ng ibang trabaho. Sinubukan nga naming dalawa na magtinda sa palengke pero wala, nalugi pa rin kami hanggang sa nasangkot siya sa aksidente at naputol ang kalahati ng isa niyang kamay. Kaya naisip namin na manirahan na lang kami rito sa probinsya ng magulang niya, ang Batangas pero naging ganyan naman siya.." sunod pa niyang pagkukwento.

Bumuntong-hininga siya na parang ang laki-laki ng problemang dinadala niya at mukhang problemado nga si Nanay Dolores dahil kapansin-pansin naman iyon sa mga mata niya. Malungkot ito at tila pagod na pagod na. Nakadama tuloy ako ng awa sa kaniya.

"Kaya ayun, naging lasinggero siya imbes na maghanap ng ibang trabaho rito para naman may maitulong siya sa 'kin. Naglalako lang kasi ako ng mga niluluto kong kakanin. Hindi rin naman siya tinutulungan ng iba niyang mga kapatid na nakatira lang din dito malapit sa baryo namin. Minsan naman ay tumatanggap ako ng labada para may pambili kami ng bigas at may maibayad kami sa renta. Sanay na rin ang mga tao rito kapag sinasaktan ako ni Amado tuwing lasing siya," pagpatuloy ni Nanay Dolores.

I sighed. Kaya pala putol ang isa niyang kamay dahil nasangkot siya sa aksidente. Maybe it's because he's too frustrated kaya siya nag-iinom ng alak at nagpapakalasing? Dahil una nawalan siya ng trabaho, naghahanap siya ng ibang trabaho pero walang tumatanggap sa kanya dahil wala siyang natapos.

Bukod pa roon, gusto na niyang magkaanak pero baog naman siya. Oo nga, siguro wala ako sa pwesto niya para sabihin ito at hindi ko nararamdaman kung ano ang pakiramdam niya pero hindi naman iyon dahilan para sirain ang buhay niya at magpakalunod sa alak.

Sinasayang lang niya ang oras niya sa pag-iinom. Umaasa lang din sila sa kinikita ni Nanay Dolores sa pagtitinda ng mga kakanin, pati na rin sa pagiging labandera niya.

"Wala na po ba kayong ibang naisip na pwedeng mapagkakitaan? Pwede naman po kayong magtayo ng tindahan dito sa baryo.." tanong ko.

"Nasubukan ko na 'yan pero sadyang mahirap talaga ang buhay ngayon, hija. Ang mga naipon kong pera noon na kinita ko sa pagiging kasambahay nina Señora Larisa at Don Maximo ay naibili ko na ng bahay at lupa sa Maynila pero naibenta ko 'yun nang maaksidente si Amado at kailangan naming mabayaran ang mga dapat bayaran sa hospital niya. Kaya heto, pinipilit kong magtrabaho kahit mahirap, para may makain kami araw-araw.." mahaba niyang sagot.

"Wala na po ba kayong mga kapatid?"

She shook her head, "Wala akong kapatid. Wala na rin ang mga magulang ko. Hindi ko rin naman malapitan ang iba kong kamag-anak dahil kapag humingi ako sa kanila ng tulong ay paniguradong susumbatan lang nila ako at ipapahiya kaya 'de bale na lang. Malakas pa naman ako, hija. Kaya ko pa naman." Aniya at ngumiti.

Nalungkot naman ako bigla. Bilang isang anak, hindi ko kaya na makita na nagkakaganito ang aking ina. Na naghihirap at pinipilit pa rin na magtrabaho kahit may edad na. Alam ko na malakas pa naman siya, pero hindi ba dapat nasa bahay na lang siya?

Kahit hindi niya sabihin ay napapansin ko naman na may nararamdaman na siya sa kanyang katawan. Hindi ako manhid, naririnig ko nga kanina ang panay niyang ubo. Kapag tinatanong namin siya ni Samael ay sasabihin lang niya na okay lang siya at nangangati lang daw ang lalamunan niya.

Aba, kahit sino namang anak ay hindi nanaisin na makitang nahihirapan ang kanilang magulang. May mga anak na katulad ko na mas gugustuhin na mamuhay na Don at Donya ang kanilang magulang para suklian ang mga nagawa nilang kabutihan sa kanila. Pero kahit na hindi ako naalagaan ni Nanay Dolores ay alam ko na marami siyang sinakripisyo para sa 'kin. May dahilan ang pag-iwan niya sa akin.

"May iba pa po ba kayong kasama rito, bukod sa asawa niyo?" pagtatanong naman ni Samael.

Sasagot na sana si Nanay Dolores nang may mga batang lumabas mula sa bahay. Lima sila at nakikita ko ang kasiyahan sa mga mukha nila nang makita nila si Nanay. Para pa nga silang mga nakahinga ng maluwag.

Napansin ko pa ang isang babae na sa tingin ko ay nasa katorse anyos na ang edad at may buhat-buhat siyang isang cute na baby na hindi ko naman alam kung ilang buwan na ba ang edad.

"Inay!" masasaya nilang lahat na tawag at patakbo silang lumapit kay Nanay Dolores.

Nagkatinginan naman kami ni Samael at alam ko na katulad ko ay nagtataka rin siya. Sino itong mga bata? Bakit nila tinawag na inay si Nanay Dolores? Akala ko ba ay baog ang asawa niyang si Amado at hindi sila magka-anak?

"Bakit ngayon lang po kayo nakauwi, inay? Galit na galit po si Tatay Amado dahil tatlong araw na po kayong hindi nakauwi. Akala po namin ay iniwan mo na kami.." salita ng isang batang lalaki na sa tingin ko ay walong taong gulang na.

"Pasensya na mga anak, may importante lang na inasikaso si Inay kaya ilang araw akong hindi nakauwi.." hinging paumanhin ni Nanay Dolores sa mga bata at nakikita ko ang pagmamahal niya sa mga batang ito.

"Sino po sila, inay?" tanong naman ng isa at ngayon ay nakatingin na ang mga bata sa amin. Halata kong nagtataka sila kung sino kami.

"Ala eh mga bisita natin sila! Siya si Ate Ilaria niyo at ito naman si Kuya Samael niyo.." nakangiting turan ni Nanay.

Ngumiti naman ako sa mga bata at kumaway. Si Samael naman ay tipid lang din na ngumiti bago siya lumingkis na naman sa akin na parang tuko.

"Mag-asawa po kayo? Bakit parang mukha po kayong mga foreigner? Nandito po ba sila para ipaampon mo na kami inay sa kanila?" sunod-sunod na katanungan ng babaeng may buhat na baby at pansin kong biglang lumungkot ang boses niya.

Natawa ako ng mahina at umiling, "Hindi, nandito kami para makausap ang Nanay ko." sagot ko.

"And yes, mag-asawa kami." salita naman ni Samael.

"Nanay? Anak niyo po ba siya, inay?" tanong naman ng isang bata na babae na halatang naguguluhan.

Bale dalawang babae sila, 'yung isa ay mukhang nasa pitong taong gulang na habang ang isa naman ay nasa katorse na yata. Dalawa naman ang lalaki pero hindi ko alam kung ano ang kasarian nitong baby.

"Hindi sila nandito para ampunin kayo. Naaalala niyo ba 'yung kinukwento ko sa inyo na anak kong iniwan ko sa ibang bansa? Siya na 'yun, mga anak. Si Ate Ilaria niyo.." masayang wika ni Nanay Dolores sa mga bata.

Nanlaki ang mata ng mga bata at gulat na tumingin sa 'kin kaya mahina akong natawa. Jusko! Bakit ang cute nila? Ang priceless pa ng mga reaction nila, mga hindi sila makapaniwala. Hindi ko rin akalain na ikinukwento ako ni Nanay sa kanila. Ang saya lang sa pakiramdam. Ngayon ay alam ko na hindi talaga ako kinalimutan ng aking ina.

"Talaga po, inay?! Pero bakit mukha pong foreigner si Ate Ilaria?! Ang ganda po ng mga mata niya at ang puti-puti pa!" puno ng pagkamangha ng isang batang lalaki.

Samael laughed softly, "Yes, she's beautiful. She is the most beautiful woman in the whole universe, the only gorgeous, magnificent and most attractive woman in my eyes. She is also kind and has a good heart, that's why I fell in love with her." he said in amazement and smiled at me.

Ngiti lang ang ipinakita ko sa kanya at tinago ko ang nararamdaman kong kilig. Kailangan kong kumalma dahil baka maglumpasay na lang ako rito bigla kung hindi ko pipigilan ang nadarama kong kilig. Sinasabi pa naman niya ang mga katagang iyon habang mariin na nakatitig sa akin. His eyes were sparkling and full of love and admiration.

"Stop it, please." saway ko sa kanya para hindi niya mahalatang kinikilig ako. I even stopped myself from smiling. Baka asarin pa niya ako kapag nakita niyang kinilig ako at nahuli niya ang kiliti ko.

Tinaasan naman niya ako ng isa niyang kilay, "What? That's true and you can't blame me if I can't stop myself from admiring my wife. I will always admire you, my kitty. You are dazzingly beautiful." sagot niya.

Pasimple kong nakagat ang ibabang labi ko bago ko siya mahinang siniko sa matitigas niyang abs. He just laughed at what I did. Binalik ko ang atensyon ko sa mga bata, they were all looking at us. 'Yung isang bata ay napakamot sa ulo niya.

"Hindi po namin maintindihan 'yung sinabi mo, Kuya. Nakakadugo ng ilong! English po kasi eh," pag-amin niya kaya nagtawanan kami.

#

Continue Reading

You'll Also Like

570K 23.3K 37
HELLION 3: CHASE LAURENT SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
427K 7.8K 53
In Kendrick Natividad's motto, 10 years age-gap was nothing to possess and become obsessed with his little girl, Hyacinth 'Haya' De Silva. You're Min...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...