Rock Hill (ON-HOLD)

By kaikruukruu

384 55 18

Rock Hill is a ghost town, or so it seems. The Paranormal Club of Eastwood High, together with Celestine Ocam... More

Rock Hill
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14

Chapter 01

29 6 0
By kaikruukruu

"ANONG oras na, Cel?" tanong ni Stephanie sa akin. Hawak niya ang maliit na salamin habang pinagmamasdan niya rito ang naka-braid niyang buhok.


Tinignan ko naman kaagad ang oras sa suot kong relo bago pa siya mabagot kakahintay ng sagot ko. "4:14."


Sobrang bilis talaga dumaan ng mga araw kapag palagi kang busy. Parang kahapon lang nagpaplano pa lang kami sa pagpunta namin sa Rock Hill, tapos ngayon naghihintay na kami sa mga kasama namin. Saktong alas-kwatro akong nakarating dito sa meeting place, which is 'yong waiting shed sa labas mismo ng Eastwood High. Nakasabay ko pa nga kanina na dumating si Braxton at mabuti na lang, hindi niya ako kinulit o tinanong tungkol sa mga bagay-bagay.


Sunod naman na dumating si Farrah, ngunit hindi niya kasama ang bugnutin niyang kaibigan. I suddenly made up a nickname for Blue—not because I was thinking of him, but because it just happened to pop into my mind when Farrah came. It's Blue-gnutin. Hindi ko alam pero kanina sobrang funny niya habang sinasabi ko siya sa isipan ko. Ngayon hindi na.


"Cel, may load ka ba diyan?" tanong na naman ni Stephanie sa akin. "Paki-chat nga 'yong iba na bilisan nila. Pwede na kasing prituhan ng itlog 'yong inuupuan ko dito dahil sobrang init na."


Wala akong nagawa kung hindi sundin na lang ang sinabi niya.


Celestine:
@everyone
Saan na kayo?


August:
Malapit na ako.


Cyril:
Papunta na kami ni Troy!
*sent a photo*


Caleb:
Still here :)


"Malapit na raw si August. Papunta na rin daw sina Cyril at Troy. Si Braxton naman nasa loob pa rin daw," I informed her the moment I got their replies. "'Yong isang kasama natin nag-seen lang. Si Blue naman, walang response, kahit seen wala rin." Hindi ko nga alam kung buhay pa ba 'yon, e.


Napabuntong-hininga na lang siya bago niya itinago ang hawak niyang salamin sa suot niyang sling bag. Sa totoo lang, kanina ko pa sinusulyapan 'yong dala niyang maleta. Overnight lang kami roon pero 'yong dala niya sapat pang-isang linggo. Nahiya naman 'yong dala kong duffle bag.


"Guys!" Napalingon kami sa isang direksyon at natanaw namin si August na kumakaway sa amin. "Wala pa si Farrah?" kaagad na tanong niya pagkalapit niya.


"Kanina pa nakarating. Nagpasama lang kay Braxton sa loob. Susunduin daw nila si Sir Than," sagot ko.


Napansin ko naman ang paglaho ng liwanag sa mukha niya, na parang hindi niya nagustuhan ang narinig niya. Hindi nga ako nagkakamali tungkol sa love triangle na nagaganap sa gitna nilang tatlo. Kay Braxton na lang ako nagdududa dahil hindi ko alam kung gusto ba talaga niya si Farrah, o hindi. Posible rin naman kasi na pinagti-trip-an niya lang ako noong mga oras na iyon.


Nag-vibrate ang phone ko kaya mabilis ko itong tinignan.


August:
Bilisan niyo. Dadaan pa tayo sa mall. @everyone


Pasimple kong sinulyapan si August. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang bahid ng pagkairita sa mukha niya. Napangisi na lang ako bago ko pinatay ang data ng phone ko para maka-save ako ng battery. Mahirap nang ma-lowbat, baka mamaya wala pa lang kuryente sa Rock Hill.


Oh, jeez! 'Wag lang sana ma-jinx!


"Andiyan na sila!" hiyaw ni Stephanie kaya sabay kaming napatingin ni August sa gate ng eskuwelahan namin. "Sa'n na si Sir Than? Akala ko ba susunduin niyo siya?"


Nanlulumo ang dalawa nang makalapit sila sa amin. Kaagad naman akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na kaba dahil nagkaroon ako ng hint base lang sa mga mukha nila. Sana lang talaga mali itong iniisip ko.


"Ang sabi ng isang teacher do'n, hindi raw naka-duty si sir dahil masama ang pakiramdam niya," malungkot na wika ni Farrah kaya napasinghap ako. "Wala ring may makakasama sa 'tin dahil busy rin daw ang ibang mga teachers sa araw na 'to, pero alam ko naman na ayaw lang talaga nila. I already know that they all think our club is useless and nothing but a waste of time."


Shutams. Bakit ko pa kasi pinangunahan 'yon sa isip ko? Na-jinx tuloy.


Braxton sighed in disappointment. "Sir Than was the only teacher who supported this club. He wants us to enjoy and have fun."


"Ano na'ng gagawin natin?" tanong ko. "Should we call this off?"


Nakatanggap naman ako ng side-eye galing kay Stephanie. "No way! Teacher lang naman 'yon, e! Tutuloy pa rin dapat tayo, kagaya ng plano natin!"


Sabay kaming natawa ni Braxton. Napatingin ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin. Kaagad naman na tumaas ang dulo ng labi niya kaya napabuntong-hininga na lang ako bago ko iniwas ang tingin ko.


"Hintayin muna natin 'yong iba," nakangiting sabi ni Farrah at pilit na pinapatatag ang sarili niya. "Saka na tayo magdesisyon."


Napairap naman si Stephanie. "Sigurado naman na ako na hindi papayag 'yong dalawang asungot na i-cancel 'tong pagpunta natin sa Rock Hill."


"Everyone's looking forward to this trip, Farrah," August said, opposing the idea of canceling the trip.


Maybe he really wants to go to Rock Hill, or he just wants to be with you, Farrah.


"What's funny, Celestine?" biglang tanong ni Braxton kaya gulat akong napatingin sa kaniya. "Mukhang masaya 'yang iniisip mo, ah? Parinig din kami. Baka sakaling sumaya rin kami tulad mo."


Napalunok ako. "I was just—"


"Hey, Paige!" It's a good thing Farrah cut off our conversation before it even started.


Napatingin ako sa isang babae na kararating lang. Pinagmasdan niya kami isa-isa kaya ganoon din ang ginawa ko sa kaniya. Mukhang hindi siya napipilitan na sumama, ngunit hindi rin naman siya mukhang masaya. Blangko lang ang mukha niya at hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon. Kaya siguro nasabi ni Farrah na hindi sila masyadong close, hindi rin naman kasi sila magkalayo ni Blue-gnutin.


Naka-messy bun ang makapal na medyo kulot niyang buhok. May pulang highlights din ito kaya unang tingin ko sa kaniya, naisip ko kaagad na ang astig niya. May mga piercings din siya sa ilong at sa magkabilang-tenga niya.


"Tayo lang?" At mayroon din pala sa dila niya. "Akala ko ba sampu tayo?"


Napabuntong-hininga na lang si Farrah. "'Yong tatlo papunta na. Si Sir Than naman, hindi siya makakasama sa 'tin dahil masama raw ang pakiramdam, sabi ng teacher na nakausap namin."


Hindi rin naman nagtagal, dumating na 'yong dalawang makukulit. Katulad ng sinabi ni Stephanie, tumutol nga sila sa ideya na hindi kami tutuloy sa Rock Hill dahil lang sa wala kaming makakasama na teacher. Panay pa ang pamimilit nila kay Farrah na ituloy na lang daw sa kadahilanan na hindi sila masyadong nakatulog dahil sa labis na excitement. Sa huli, wala nang nagawa si Farrah kung hindi ang tumango at pumayag na lang na tutuloy kami sa pagpunta sa Rock Hill.


Syempre, masaya rin ako na pumayag siya. Hindi ko rin naman maitatanggi na excited din ako sa pagpunta namin doon. Mahilig akong manood ng mga horror movies at halos lahat din ng mga libro na sinusulat ko ay horror ang genre. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero gusto ko rin naman na maka-encounter ng ganoon. And I think the Paranormal Club might be the one to twist my beliefs.


"Ay, 4:30 na pala," rinig kong bulong ni Farrah nang mapatingin siya sa cellphone niya. "Come on, guys! Let's pack up na!"


Sinunod naman namin 'yong sinabi niya. Nang makapasok na ang lahat sa amin sa camper van nina Braxton, hindi ko napigilan na isipin si Blue. Siya na lang ang hinihintay namin.


"Hindi ba sasama 'yong kaibigan mo, Farrah?" tanong ni Stephanie habang naglalagay siya ng lip balm.


Ngumiti si Farrah, ngunit hindi 'yong matamis na ngiti na palagi kong nakikita na nakapaskil sa mga labi niya. "Susunod siya. I'm sure he will."


Damn. Kinilabutan ako bigla.


* * *


Nang makarating kami sa mall, nagpaalam si Braxton sa amin na magpapa-full tank daw siya at susunod na lang sa amin mamaya. Mabuti na lang talaga at hindi ako ang napili ni Farrah na sumama sa lalakeng iyon. I'll just pray for Stephanie, kung sakali na hindi na siya makapag-isip nang matino pagkabalik nila rito.


"Pasok na tayo!" masiglang hiyaw ni Troy kaya natawa kami ni Farrah.


"Tara—"


"Farrah!" Napalingon kami nang marinig ang dumadagundong na boses ni Blue. Mabigat ang bawat yapak niya habang naglalakad papalapit sa amin. Mabigat din ang bawat paghinga niya at basang-basa pa ng pawis ang mukha niya na parang tinakbo niya lang ang daan mula sa bahay nila papunta rito sa mall.


Napalunok ako dahil nakapinta sa mukha niya ang matinding galit at pagkamuhi. Nakakuyom din ang kamay niya, na siyang nakahawak sa handle ng duffle bag na dala niya. Nang makalapit siya sa amin ay mabilis siyang pinigilan ng tatlong lalake na lumapit kay Farrah.


"Oh, Blue. Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay." Ang bawat pagbigkas ni Farrah ng mga salita ay may kasamang hindi maipaliwanag na diin.


Hindi nakapagsalita si Blue kahit na may gusto siyang sabihin. Napansin ko ang paglunok niya, at mukhang isinama niya roon ang mga salita na gustong lumabas sa bibig niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang iwaksi na lang ang pagkahawak ng tatlo sa mga braso niya. Galit niyang isinukbit ang bag niya bago siya naunang maglakad papasok sa mall.


"Tara na?" masiglang aya ni Farrah sa amin na parang wala lang nangyari.


Wala na rin kaming nagawa kung hindi ang tumango na lang at kalimutan ang nasaksihan namin. Sumunod na rin kami kaagad kay Blue papasok sa mall. Maya-maya pa, bumalik na rin ang sigla ng dalawang asungot habang tinatahak namin ang daan papunta sa supermarket. Panay ang kulitan at tawanan nila na parang wala lang mga tao sa paligid namin na tinatapunan sila ng masasamang mga tingin dahil sa lakas ng mga boses nila.


#UnbotheredAsungots


Sa kabilang palad naman, tahimik lang ang dalawang babae na kasama ko sa paglalakad. Blangko pa rin ang mukha ni Paige at diretso lang na nakatingin sa harapan. Nang mapatingin naman ako kay Farrah ay nakangiti lang ito habang nakatingin sa dalawang nagkukulitan sa harapan namin.


Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano ang mayroon sa kanila ni Blue. Kasalanan talaga 'to ni Braxton, e.


* * *


Caleb

Bigla akong napabahing sa hindi malamang dahilan. Nakatanggap naman ako ng side-eye galing kay Stephanie, na siyang nakaupo sa passenger seat. Naiilang ko na lang siyang nginitian bago ko kinusot ang nangangati kong ilong.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
340K 22K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...
250K 16.4K 42
WATTYS2020 WINNER Highest ranks reached: #1 in Zombies #1 in Horror-Thriller #1 in Zombieapocalypse #2 in Survival #1 in Virus #1 in Apocalypse "Kai...