My GF Is So Panget (Various F...

Oleh PrinceofBanat

1.8M 11.2K 4.4K

Mukhang prinsepe ang lalake. Usap-usapang mangkukulam naman ang babae. Sa mundo kung saan namumuhay ang iba't... Lebih Banyak

Prologue and Chapter 1: The Voice
Chapter 2: Beleaguered Prince
Chapter 3: Kiss From A Witch
Chapter 4: Weapon of Miss Destruction
Chapter 5: He Who Persists
Chapter 6: In Action
Chapter 7: To Live with a Witch
Chapter 8: Just Us
Chapter 9: Tell Me Where It Hurts
Chapter 10: Newly Found Wall
Chapter 11: Flash Drive
Chapter 12: The Attack of the Flirting Prince
Chapter 13: The Road
Chapter 14: First 143
Chapter 15: Unsuitable
Chapter 16: First Date with Flirt Mate
Chapter 17: Davember
Chapter 18: The Only Exception
Chapter 19: The Battle
Chapter 20: Broken Friendship
Chapter 21: The Best Joke In Town
Chapter 22: My World
Chapter 23: Beauty Over Ordinary
Chapter 24: Relationship Status
Chapter 25: Is There One or None?
Chapter 26: Wake Me Up When September Comes
Chapter 27: Fucking Monthsary
Chapter 28: Ube
Chapter 29: Annoying Call
Chapter 30: Freed from a Fib
Chapter 31: The Decision
Chapter 32: Worst Feeling Ever
Chapter 33: I Love You Versus I Love You Too
Chapter 34: Eclipse
Chapter 35: Fujiwara Effect
Chapter 36: Tears of Joy
Chapter 37: Ube Mooncake
Chapter 38: The Extra Part 1
Chapter 39: The Extra Part 2
Chapter 40: Rainbow
Chapter 41: Compunction of An Ex-Angel
Chapter 42: This Week Is Not Weak To Make Me Miss My Miss
Chapter 43: I Seriously Hate One Lizard
Chapter 44: No More Ube
Chapter 45: One More Lonely Girl
Chapter 46: Lost
Chapter 48: Very Weary Christmas
Chapter 49: Silent Lover Here
Chapter 50: A Free Rapunzel
Chapter 51: Doomsday
Chapter 52: Crownless Princess
Chapter 53: Raise the White Flag
Chapter 54: Supernova
Chapter 55: Blood Tension
Chapter 56: Scars of the Stars
Chapter 57: No More Eclipse
Chapter 58: When Fate In Disguise Reveals Reality, It Sucks, Fucks, and Cracks
Chapter 60: Various Ways of Saying I Love You
Epilogue

Chapter 47: The Longest Word in the World

29.5K 171 109
Oleh PrinceofBanat

Chapter 47: The Longest Word in the World

Dave

(Day 1 of exam)

Hindi ko nagawang habulin siya that night. Hinayaan ko lang siyang layuan ako--pero 'di ba, sinubukan ko naman? Sinubukan ko siyang pigilan, but apparently, I failed. May something na nagpa-freeze sa akin that night, and I still don't know what was it. What if nakaya kong habulin siya, at napigilan ko siyang layuan ako; tapos napatawad niya ako and then she realized that despite everything--all the pain I inflicted on her--she still... I hope she still loves me. I... I hope. Kasi... Kasi mahal ko talaga siya.

Sabi ko sa kanya dati, "Truth hurts."

Sinagot niya ako ng, "Truth hurts, only if you can't accept it."

At ipinilit kong, "Hindi lahat kaya mong tanggapin."

Pero may sagot pa rin siyang, "Kapag mahal mo, lahat kaya mong tanggapin."

Dati naniniwala akong "Hindi lahat nadadaan sa love," until she said to me with full of confidence, "Naniniwala ako na kapag love na ang namagitan, lahat kakayanin."

Tandang-tanda ko pa 'yun. She's a believer of love. Pero nasaan na 'yun? Nasaan na ang paniniwala niyang 'yun? Kung mahal niya talaga ako, dapat kaya niya akong patawarin. Dapat kaya niyang tanggapin ang mga mali ko.

Sandali naman. Okay, okay. Sorry. Everything's my fault. Unacceptable ang mga ginawa ko, eh. Unforgivable din. So why did I ask myself these questions? Fine! It was me who made the new Maggie. She's so different now. Nawala 'yung lively side niya. 'Yung positive--'yung minahal ko. And fuck myself for being responsible for that.

"Dave, oh,"  sabay patong ni Don-Don ng sandwich at softdrinks na pinabili ko sa harap ko, pero tinignan ko lang 'to at hindi ako nag-respond. Nasa kailaliman na naman kasi ako ng utak ko.

Naalala ko uli nung nasa Enchanted kami ni Maggie. Teka, ano nga uli 'yung sinabi niya? "Kapag love na ang namagitan, lahat kakayanin." Yes! Tama! Bakit ngayon ko lang na-realize? I still love her. I... I love her. I do love her. Kaya kakayanin ko 'to. I'll do my best to win her back. I... I won't give up. I deserve her, and whether she deserves a fucking asshole like me or not, I won't care. I'll just... Basta, tama! Hindi ko susukuan si Maggie. Ba't ko nga naman susukuan kung mahal ko? I gave up easily on my last past three relationships: Sep, Adi, and Lani. But now, I won't. I will not give up Maggie.

Kahit paano, nakaramdam ako ng konting pag-asa.

"Hoy! Kumain ka na 'tol!" utos ni Dan. Patapos na silang kumain pero hindi ko pa rin nagagalaw ang pagkain ko dahil sa dami ng iniisip ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

"Dave, kakain ka ba or not? We must leave na in a few minutes--baka nandun na 'yung test paper natin sa Filipino," ani Chloe pero hindi ko siya pinansin, bagkus ay kinain ko na lang ang pinabili kong sandwich at binuksan ang softdrinks ko.

Napakaingay ng buong canteen. Siguro simula nang matutong makarinig ang tenga ko--ito na, ito na ang noisiest place na napuntahan ko. Ang sarap paglalaslasin isa-isa ang mga lalamunan ng lahat ng mga maiingay dito. Ano ang kaguluhang nangyayari? Ito na lang, ano nga ba naman kasi ang usual na ginagawa ng mga estudyante pagkatapos ng exam? Edi, syempre, comparing answers, at ang walang kamatayang pagalingan sa one liner nilang, "Ang hirap ng test, hindi ako nakapag-aral," kahit ang totoo, eh, nakapag-aral naman talaga ang mga gago. But not me. Honestly, hindi talaga ako nakapag-aral. And I've already accepted the fact na babagsak ako ngayong periodic--and that aggravates my headache.

Ang titindi ng mga tanong kanina. Pakiramdam ko bawat questions, bullet, at ang test paper ang baril. Kada basa ko ng tanong, parang binabaril ang utak ko. Hindi ako nakapag-aral, eh. Paano--sa kalagayan kong 'to, makakapag-aral pa ako?

Ang ingay pa rin. Ayaw magsitahimik ng mga bwisit na 'to. Isa-isa kong tinignan nang masama ang mga maiingay hanggang sa may nakita akong hindi ko inaasahan. Dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng canteen--iniingatan ang dala niyang pagkain para hindi matapon. Si... Si Maggie 'yun.

I won't give up, 'di ba? Since that night nang makapag-usap na kami dun sa bench, wala na--there's totally nothing between us. But not this time. I'll start again. How? Lalapitan ko? Tapos ano?

Dave, tayo. Stand up man! Breathe. Okay, inom muna ng coke. Go! Wait. Ano? Tatayo na ako?

Maggie

Concentrate. Focus. Hindi dapat matapon ang toyo. Hindi mo nakita sina Chloe at Lani na magkausap. Erase. Erase. Erase. Hindi ka affected. Hindi ka dapat matalisod. Malapit ka nang makalabas ng canteen. Doon ako kakain sa may park. Makakarating ako ng maayos dun with my siomai and juice. Walang matatapon sa mga dala ko--and then shit! May biglang humarang sa daan ko.

Kapag natapon 'tong siomai ko, I'll make sure to siomai anger to him. Oh, siomai pa rin 'yun. Tinignan ko kung sino...

Dave

May nakasingit pang notebook sa kili-kili niya habang naglalakad palabas ng canteen. Nang makita kong nalaglag iyon ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tumayo na ako at pinulot ang notebook niya.

Phyics. Physics notebook niya 'to. Ito 'yung sinulatan ko ng letter. Nabasa na kaya niya? Hindi man lang napansin ni Maggie na nalaglag na ang notebook niya. Ibang klaseng babae, mas iningatan niya pa 'yung pagkain niya.

Nakalabas na siya kaya hinabol ko siya at hinarangan.

Maggie

Tinignan ko ang lalakeng nakaharang sa daan ko... Si... Si Dave? Nakangiti siya na parang hindi na parang... Ah, basta, ewan! Ano 'yang inaabot niya sa akin? Ay, shit! Notebook ko! Paanong? Nalaglag? At siya talaga ang nakapulot? Ano 'to? Destiny? O scripted? Pwede namang ibang tao na lang ang nakapulot, ah?

Kalma, Maggie. Hindi ka affected. Hindi ka kinakabahan. Hindi ka nagulat. Relax. I am happy. Naka-move on na ako. Wala na sa akin ang mga nangyari, kaya kunyari normal lang--ordinary lang. Ordinaryong tao lang si Dave.

"Excuse me," sabi ko sa kanya.

"N-notebook mo,"  sabay abot niya sa akin.

Hawak ko ang siomai ko sa kanan, sa kaliwa naman ang juice, kaya nahirapan akong abutin ang notebook ko.

"Sige, ako na lang ang magdadala. Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

"Sa lamay mo. Gusto kong pumunta sa lamay mo. Doon ko kakainin 'tong siomai ko, tapos makiki-tong-its na rin ako--baka sakaling palarin ako. At least, hindi man ako pinalad sa'yo, kahit man lang sana sa sugal sa burol mo, palarin ako," sigaw ng utak ko, pero hindi nabigkas ng bibig ko.

"Maggie, saan? Saan ka ba pupunta?" Inulit niya pa, pero hindi ko pa rin siya sinagot o kahit tignan man lang. Inipit ko sa kili-kili ko ang bottled-juice drink ko, saka ko hinablot sa kanya ang notebook ko, pagkatapos ay umalis na ako. Mabuti naman at hindi niya ako sinundan.

Dave

Epic fail! Shit! Wala! Eto na, oh! Chance na sana. Pero ano? Nga-nga! Nautal-utal ako. Nangatog ang tuhod. Walang naisip. Tanga. Nakakainis. Ugh! Ba't ganun? Ang tindi niya. Ang tindi ng effect niya sa'kin.

Pero teka, tama ba 'yung narinig ko? Sumagot siya. Sabi niya excuse daw. Okay na ba 'yun? Sa ngayon, sige na nga lang, okay na muna 'yun.

Maggie

Dali-dali kong binasa sa kwarto ko ang letter ni Dave pagkauwi ko sa bahay.

 

Dear Physics,

 

Hi! I have something to tell you. First, sorry. Sorry for holding you captive for a long time. Sorry for the nonconsensual reading of Ms. Physic's letter to you about Mr. Physics. And sorry for having this unusual feeling of 'kilig' when I read it--sorry but I like it.

 

At talagang in english ang letter niya? Puro sorry pa! Diyan siya magaling--sa kaka-sorry!

At... Ano?! WHAT? Binasa niya 'yung 'Dear Physics' ko? Huhluh! Eh, punong-puno 'yun ng kaartehan. Shit! Pero teka, kinilig siya dahil dun? Ah, eh...

 

You know what, Physics? I like to confide in you my worries. Can you help me? I wish.

 

Physics, Ms. Physics and I are not in speaking terms, so it makes my daily living so heavy. I don't know what happened. It's just one day, I woke up, then found out we're not talking to each other anymore. Hence, I miss her.

 

I don't know what happened??? Bakit, kasi masyadong madami kaya hindi niya alam kung alin dun? Neck-neck niya! May I-miss-her-I-miss-her pang nalalaman.

 

I miss her voice. The way it sings put my world into a halt. The way it laughs put my worries into oblivion. And the way it speaks put myself into her world.

 

Bakit? Teka, ba't ako nakangiti? Oh, my God. Huwag po! Tinaas ko na lang bigla ang kilay ko't umirap, saka itinuloy ang pagbasa..

 

I miss her movements: her eyerolling; her fist-shaking; her shoulder-flapping; her lip-biting--everything.

 

Lahat 'yun? Lahat 'yun napapansin niya sa'kin? Lahat 'yun nami-miss niya? Ah, eh...

 

I miss her scent--that strawberry-scent perfume. I miss her hair that smells like an after-shower smell of my bathroom. I even miss the scent of her perspiring nape that smells like a kid who played all day under the sun.

 

At nami-miss ko na rin kung paano niya hablutin ang buhok ko, tapos sisinghutin niya. Pati na 'yung bigla-bigla niyang pag-amoy sa batok ko. Nakakakiliti 'yun. Maggie, tumigil ka. Ano ba?

 

I miss everything from Ms. Physics, so please let her know, Physics. Okay? So she might feel pity for me, then realize she misses me too. Huh?!

 

I thank you.

 

Her Forever Ube,

Mr. Physics/David Angeles de los Santos

 

PS: Tell her I said, "1243." She knew what it means.

 

Last PS: I was assuming I am Mr. Physics, Ms. Physics was telling you. If I'm not, I'm sure I am. *heart-shape-in-red-ink*

At napatitig ako nang matagal sa heart shape.

(Day 2 of exam)

Dave

Isang malaking tarpaulin na may nakasulat na sorry at maraming red balloons na nakapalibot ang nakasabit sa high school building. May dala akong bouquet of red roses. Tapos tutugtog na ang banda kapag nandiyan na si Maggie. Maraming-maraming tao. Lahat kikiligin sa amin, panigurado. Magso-sorry ako sa kanya in front of the whole university with the use of megaphone.

Nakaramdam ako na may sumisipa sa paahan ng upuan ko. "No. 11... No. 11?" bulong ni Don-Don.

Fuck! Nag-iisip ako ng paraan para mag-sorry kay Maggie tapos didistorbuhin lang ako tungkol sa bagay na hindi ko rin alam. Napatingin tuloy ako sa no. 11. Shit! Wala rin akong sagot. Ugh! Wala pa ako kahit isang nasasagutan.

Sinilip ko si ma'am. Busy siya sa phone niya, kaya ipinakita ko ang test paper ko, at bumulong ako kay Don, "'Tol, tamo! Malinis. Ako pakopyahin mo, dali."

Pinakita sa'kin ni Don ang papel niya at tagpi-tagpi 'yun--sa madaling salita, kakaunti pa lang ang nasasagutan niya kaya kay Chloe na lang ako nangopya.

Hinanap ko si Maggie pagkatapos ng exam. Sa canteen, wala. Sa gym, wala. Sa park, wala. Sa playground, wala. Sa chapel, wala. Sa HS library, wala. Sa library ng Medical Arts, doon, doon ako papunta ngayon. Sana nandun pa siya. Sana hindi pa siya nakakauwi.

Ilang na ilang ako sa mga medical students na nasa loob ng library. Pakiramdam ko hindi ako belong. Mukhang ako lang ata ang high school dito, hanggang sa makita ko ang isang babaeng naka-high school uniform na lumabas mula sa hanay ng mga bookshelves. Agad naman akong nagtago para hindi niya ako makita. Nang sumilip ako, nakaupo na siya sa lamesa, nakatalikod mula sa akin. Si Maggie 'yun.

Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa likuran niya nang hindi nano-notice. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatabihan ko ba siya? Kakausapin? Ano kayang binabasa niya?

Naalala ko noon, sa HS library, ang sweet-sweet namin. Ilang beses pa nga kaming na-bell ng librarian dahil sa ingay namin.

*Imagination* Nilapitan ko si Maggie. Umupo ako sa harap niya. "Hi," bati ko. Tinignan niya lang ako, pero hindi sinagot. Bumalik siya sa binabasa niya. Sinabi kong, "Maggie, kausapin mo naman ako. Miss na kita. Ako ba, miss mo na?" *Imagination*

Tumayo si Maggie. Shit! Napayuko ako bigla sa ilalim ng lamesa na animo'y may bagay na pinupulot. In short, nagtago ako. Hindi niya ako pwedeng makita. Baka sabihin niyang hinahabol ko siya. Nakita ko mula sa ilalim ng lamesa na palabas na siya ng library kaya umupo na uli ako.

Ni hindi ko man lang siya nalapitan, lalo na ang nakausap. Kahit nga 'yung makita niya lang ako na nasa likod niya, hindi pa nangyari. Ang weak ko, tang ina! Kadiri! Hanggang imagination na lang ba ako? Bakit kasi? Bakit nahihiya ako sa kanya? Tanga ko talaga. Natural, may kasalanan ako, eh.

Ano na? Uupo na lang ako dito? Hinga. Hinga. Hinga. Ngayon, tayo. Tumayo ka. Tumayo na ako at nagmadaling lumabas ng library para habulin si Maggie.

Maggie

May biglang humablot ng left wrist ko, at nang harapin ko kung sino--natigilan ako. Gusto kong pumiglas. Gusto kong tumakbo palayo. Pero bakit? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit hindi ako makapiglas sa pagkakahawak ni Dave? At bakit ilang beses na atang nangyayari 'to--itong bigla na lang sumusulpot ang gagong kabuteng Dave na 'to? My Lordie, will niyo po ba 'to? Kung oo, please po, huwag po muna. Kung hindi, ah, eh, pwede 'yung 'oo' na lang po? Ay, hindi. Hindeee!!!

"Maggie... Uuwi ka na ba?" tanong niya. Tumingin lang ako sa sahig. Hindi ako sumagot, at hindi ko pa rin magawang pumiglas sa pagkakahawak niya.

Naalala ko bigla 'yung letter niya: 'yung madaming-madaming 'I miss her' niya; 'yung kilig daw niya; 'yung heart shape. Aaahhh! Ano ba? Eraaase!

"Maggie, kausapin mo na ako. Anong gusto mo? Anong gusto mong gawin ko para makabayad ako sa lahat ng kasalanan ko sa'yo? Para mapatawad mo na ako."

Kung madali lang sanang bayaran ang lahat, Dave. Kung madali lang.

This time, nagawa ko nang pumiglas at nagdali-daling umalis. Sa mga nangyayaring 'to, mukhang malapit ko nang maagaw ang korona ni Gretchen bilang 'Walk Out Queen'.

Hinabol pa rin ako ni Dave. Nakakainis. Ang kulit niya.

"Maggie! Maggie! Okay alam ko, galit ka. Ako din, galit din ako."

ABA! ANONG KARAPATAN NIYA? HA?! SIYA PA ANG GALIT, EH, SIYA NA NGA ITONG NAMBIBWISIT?!

"Galit din ako.. Galit din ako sa sarili ko. Maggie, mag-usap na tayo," pahabol niya.

Weh? Sus!

Ano ba kasing gusto niya pang pag-usapan, eh, tapos na nga kami?! Nakakasura na talaga!

"Maggie, napapagod na ako, ha! MAGGIE!" SHIT! Ang lakas ng sigaw niya. Nakakahiya. Napatigil tuloy ako't tinitigan siya ng masama.

Hinihingal na naman siya.  Nagsalita siya uli. "Sige! Sige, mag-away tayo. Okay lang. Okay lang mag-away tayo. Basta isa lang ang rule ko."

Ano daw? Rule? Rule niya? Mag-isa siya. Gago.

Nagpatuloy siya nang muli ko siyang talikuran. "Basta ba, pagkatapos nating mag-away, magbabati tayo. Bati na kasi tayo.  Sorry na."

Tang ina. Biglang nangatog 'yung tuhod ko. Tapos 'yung kilay kong magkasalubong, nasa kalma stage na bigla? Anong? Pa'nong? Ay, nako! Dali,  Maggie! Alis na. Alis na. Baka mamaya bumigay ka pang bigla--hindi pwede. Ayoko. Ayoko na. Nagparipas na ako ng paglayo.

Dave

Nag-walk out na naman siya. Fuck! Napaka niya! Okay. Ugh! Naiinis na ako. Ang hirap ng ganito--pero kakayanin ko 'to.

Hinanap ko kung nasaan ang mga kaibigan ko. Nakauwi na pala si Don habang sina Chloe at Dan ay hinahanap rin pala ako. Nagkita kami sa tambayan namin sa Alfonso Road.

"Daaave..." full of energy and excitement na pambungad ni Chloe. Gustuhin ko mang ngumiti bilang ganti, pero hindi ko nagawa. Poker face lang ako. Kasama nila si Edith.

"May surprise kami sa'yo, 'tol!" ani Dan. Wala akong pake. Umupo lang ako sa tabi niya.

 

"Dave, sinong nabunot mo?" tanong ni Edith. Anong pake niya? Napakunot-noo tuloy ako. Bakit niya tinatanong? At ang laki-laki ng ngiti niya, ha.

"Huy, sino?"

"Si... Si Allan. Bakit?"

Ngumiti siya at sinabing, "Palit tayo?"

Ano? Gusto niyang mag-trade kami ng monito? Pwede--pero sino bang nabunot niya?

 

"Sino bang sa'yo?" tanong ko.

"Si...Maggie," nakangiti niyang sinabi.

Nang marinig ko 'yun, biglang gumaan ang pakiramdam ko. Lutang ako bigla--nakahinga nang maluwag. Ang tagal kong inalam kung sino ang nakabunot kay Maggie--siya lang pala.

"Oh," sabay abot niya sa'kin ng papel na may nakasulat na 'Maggie'. "Nasa'n na 'yung kay Allan?"

 

"Ah, eh, na-naitapon ko na, eh."

 

"Sige, okay lang. Basta si Allan na ang monito ko, si Maggie naman ang monita mo. Okay? Sige, bye."

Matagal kong tinitigan ang pangalan ni Maggie. Pakiramdam ko, ito na talaga ang way para makapagbati na kami. Reregaluhan ko siya, and I'll make sure it'll be the best.

"She thought kasi na it's a better gesture--if she'll let you have Maggie as your monita..." narinig kong sinabi ni Chloe.

"Ha?"

 

"Hay, nako. Babe, ikaw na ngang umulit," naiiritang sabi ni Chloe kay Dan.

 

"'Tol, gan'to kasi 'yun: Bilang si Edith ang President natin at gumawa ng bunutan for exchange gift, hindi niya sinama ang name ni Maggie. Naisip niya kasing tuluyan na silang magkakaayos kapag siya ang naging monita niya--kapag siya ang magbibigay ng gift sa kanya. Pero dahil obvious naman na LQ kayo ngayon, na-realize niya na mas maganda kung ipapaubaya niya na lang sa'yo si Maggie."

"Hmm," tugon ko sa nobela ni Daniel.

Ganun pala. So utang na loob ko pa pala 'to kay Edith. Nagkabati na sila ni Maggie, alam ko. Mukha ngang good girl na siya. Well, thanks to her. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

"Um, guys. Tulungan niyo ako, ha, sa plan ko for Maggie sa christmas party."

 

"Sure," sabay nilang pagsang-ayon.

 

(Day 3 of exam)

 

Maggie

 

Natapos ko nang mabilis ang exams ko, kaya nang mag-text si ate Flor, school nurse, na wala daw duty ang mga nursing student ngayon ay agad ko siyang pinuntahan. Nagpapa-mentor kasi ako sa kanya para kapag nursing student na ako, mas madali na sa akin ang matuto, at magagawa ko lang 'yun kapag hindi busy ang clinic at syempre siya mismo. Exciting 'to. At least may magagawa ako ngayon, tutal christmas party na bukas at pagkatapos, christmas vacation na!

Pero bago ako pumunta ng clinic ay nag-recess muna ako sa canteen. Nakita ko sina Gwen na kasamahan ko sa choir kaya nakitabi ako sa table nila.

Nang isusubo ko na ang siopao ko ay may biglang umupo sa tabi ko. Siya na naman! Si Dave na naman. This time, mukha siyang masaya. Hindi ko alam kung bakit siya masaya, pero ayoko nang ngiti niya sa akin. In fact, ayokong makita siyang masaya. Hindi pwede. Hindi siya deserving. Inirapan ko siya, saka kumagat ng siopao.

"Hi!" aniya. Hindi ko siya tinignan, pero sa gilid ng mga mata ko, kita kong nakahalumbaba siya't tinititigan ako. Na-conscious tuloy ako bigla. Nakakainis.

"Miss, kuneho ka ba?" Pick-up line? Saan siya kumuha ng gana para pumick-up line, aber?! Sa status namin ngayon, nakuha niya pang mag-joke? Tang ina niya!

"Uy!" sabay kalabit sa'kin saka sinabing, "Sabi ko, kuneho ka ba?"

Hindi ko pa rin siya sinagot pero tinuloy niya pa rin. "Kasi kung hindi mo ibibigay sa'kin ang puso mo, sige ka, I will... RABBIT."

 

Okay. Korni niya. Nakakainis.

 

"Aaahh.. Anong sigaw ang hindi masakit sa tenga?" pangalawang banat niya na hindi ko pa rin pinansin. Maging sina Gwen ay natatahimik na lang sa kabaliwang pinaggagagawa ng Dave na 'to. Hindi siya nakakatuwa, promise.

 

Binulungan niya ako bigla ng, "Edi, 'yung sigaw ng puso ko para sa'yo." Nakaramdam ako ng kiliti mula sa hininga niya na humampas sa tenga ko. Shit! Nakakainis na talaga siya!

 

"Pwede ba?!" Napasigaw na ako. "Layuan mo ako!"

 

Nagulat siya sa sigaw ko. Nagulat din naman ako sa reaksyon niya. Para siyang bata na pinagalitan ng teacher. Tumayo siya at umalis na. Hindi ko maipaliwanag pero parang na-guilty ako sa ginawa ko. O baka magaling lang magpaawa ang gagong 'yun? Ah, ewan!

 

Nang isusubo ko na ang last bite ng siopao ko ay may umupo uli sa tabi ko. Tinignan ko... Si Dave pa rin. Ano ba naman?! Nakakairita na talaga!

"Tamo! Nag-walk out ako pero bumalik agad. Hindi ko nga kasi kayang layuan ka," aniya pagkaupo niya.

 

Hindi pala niya kaya ang mag-walk out, ha. Pwes, ako ang aalis. Tumayo na ako pero 't umalis nang maubos ko na ang juice ko. Sa clinic ako dederetso.

Hindi ko maintindihan ang gagong 'yun. Naka-drugs ata!

 

***

 

"Ate Flor, ano po bang sound ng heartbeat?" tanong ko sa kanya nang makita ko ang chart ng heart na nakapaskil sa pader ng clinic. "Dug-dug? Jug-jug? Bug-bug? Ano po?" dagdag ko pa.

 

Tinawanan niya ako bago sagutin. "Maggie, ano ka ba? Ha ha ha. Wala sa lahat ng mga sinabi mo. Ang sound ng heartbeat: Lubb-Dubb."

"Mali ka po, ma'am," sabi ng lalake sa likuran ko. At sino naman siya, aber? Tinignan ko... Si Dave, nakatayo at nakasandig ang balikat sa may pintuan. Nakangiti ang mayabang.

Siya na naman! As if alam niya! At teka, anong ginagawa niya dito? Bakit ba sunod pa siya nang sunod sa'kin? Ba't ba ayaw niya akong tigilan? May September na siya, 'di ba? Ie-engage na siya, ah? Ano ba? Gusto niya ba na dalawa kami ni ate? Aba! Gahaman lang ang peg? Gago.

Tinalikuran ko siya't humarap uli kay ate Flor.

 

Dave

"Huh?" reaksyon sa akin ng nurse na kausap ni Maggie at sinabing, "Anong mali? Tutoy, that's according to the book. According to the book, the sound of heartbeat is.. Lubb-Dubb, Lubb-Dubb."

Napakamot ulo ako. Tapos hinanap kung nasaan si Don. Nasa likod ko siya kaya inakbayan ko siya't hinila papasok ng clinic para samahan ako.

Muli akong sumagot sa nurse, "Ma'am! 'Yan po, eh, according to the book. Pero 'according to my heart..." Tumingin ako kay Maggie, pero nakatalikod siya sa'kin, at nagpatuloy, "the sound of my heartbeat is... Mag-ggie, Mag-gie, Mag-gie," with matching action pa ng patibok-tibok na puso.

Tang ina, nagmukha na naman akong tanga! Pero kahit ganun, napangiti ko 'yung nurse, at kahit alam kong hindi ako nakita ni Maggie sa action ko, at least, I know for a fact na narinig niya 'yung banat ko, kahit obvious naman na ang corny-corny nun.

"Ah, ate uwi na po ako, ha," paalam ni Maggie sabay bitbit ng bag, saka dali-daling umalis. Hindi na ako nagpaalam sa nurse. Agad ko na lang sinundan si Maggie. Ni hindi ko nga alam kung sinundan din ako ni Don.

Ang bilis niya talagang maglakad. Nakakahingal talaga siyang sabayan. Tawag ako nang tawag sa kanya and as expected, hindi niya ako nililingon, until maabutan ko siya.

"Maggie, let's talk. Please. Hindi kita susukuan kahit na anong mangyari," sabi ko habang hinihingal.

Ayaw niya talaga akong pansinin, kaya lalo kong nilaksan ang pagsabi ng, "Hoy! Kausapin mo na ako!"

 

Yes! Huminto siya't sumigaw, "Ano ba? Para kang tanga! Tigilan mo nga ako!"

 

"Tanga na kung tanga, mahal naman kita," pasigaw ko ring tugon.

 

"Please naman! Tigilan mo na ako."

 

Natigilan ako sa sinabi niya. Nakikiusap na siya sa'kin, pero 'yung pakiusap niya--tigilan ko na raw siya. Mahirap 'yun. Mahirap na mahirap--pero ang lalong nagpalala niyon ay nang makiusap na siya.

Pinilit kong ibuka ang bibig ko at saka sinabing, "Bakit kita titigilan kung mahal kita?"

 

Pareho kaming natigilan. Walang nagsasalita sa amin. Nakaharap siya sa'kin pero sa malayo nakatingin. Napayuko ako. Kailangan kong magsalita. Baka kasi umalis siya uli.

 

"Maggie, 'di ba sabi ko sa'yo dati, Truth hurts kaya hindi lahat kaya mong sabihin sa taong mahal mo lalo na kung alam mong masasaktan lang siya?! Pero sabi mo, kapag mahal mo kaya mong tanggapin ang lahat. Sabi mo pa, kapag love na ang namagitan, lahat kakayanin. Maggie, mahal kasi kita kaya kinakaya ko pa. Ikaw ba kaya mo pa? Mahal mo pa ba ako?"

 

Matagal bago siya tumugon ng, "Tigilan mo na ako, please..." Mas nagmamakaawa na ang tono niya at hindi ko 'yun matanggap.

 

May naisip ako bigla kaya sinabi kong, "Sige, sige. Gan'to na lang. Kapag nasagot mo ako ng tama, titigil na ako sa paghahabol sa'yo."

 

Hindi siya sumagot, bagkus ay tinititigan niya lang ako nang masama.

 

"Ano...aahh... Ano ang pinakamahabang salita sa buong mundo?"

 

Panigurado, hindi niya alam. Hindi. Please, sana hindi.

 

Huminga siya nang malalim saka sumagot ng, "Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis. Ok na, ha. Bye!" Tumalikod siya at nag-walk out uli.

Ano daw? Ano 'yung sinagot niya?

Hinabol ko siya't sinigawan ng, "Mali! Mali ka!"

 

Lumingon siya't huminto uli, saka sinabing, "Anong mali? Tama ako! Ang pinakamahabang salita ay Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis! Magtigil ka diyan!"

 

"Mali nga, eh. Ang pinakamahabang salita ay... Mahal kita... Kasi hindi 'to matatapos."

Pinilit kong ngumiti pero siya--hindi siya ngumiti. Wala na ba talaga? Wala na ba talaga akong effect sa kanya. Nagparipas na naman siya sa pag-walk out.

Napapagod na ako, pero ayoko, ayokong huminto.

***

Bukas, christmas party na. Bakasyon na pagkatapos. Naihanda ko na ang gift ko na magdamag kong ginawa para kay Maggie bukas, pati ang gimik namin ng mga kaibigan ko, nakaplano na. Execution na lang bukas. Sana... Sana mapatawad niya na ako. Sana maging okay na kami. Magpapasko pa naman din. Sana hindi kami maging member ng SMP.

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

173K 523 5
Ang magkakaibigang si Sly Patrick Buenavista at Monique Reyes ay nagkaroon ng mga karelasyon ngunit hanggang kailan itatago ng bawat isa ang kaibutur...
1.4M 56.2K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
47K 641 33
Naniniwala ka ba sa UNCONDITIONAL LOVE? How about sa FOREVER? Paano kung ang akala mong man of your dreams ang magbibigay sayo ng inaasam mong happi...
649K 1.5K 101
Mga storyang watty na kinatuwaan ko... >..< note: all stories posted here were already COMPLETED!