So, It's You

By CalysLee

434 36 12

Sawang-sawa na ako sa nakaka-stress na buhay ko bilang high school teacher. Kasi naman, paborito akong pagdis... More

So, It's You
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN

CHAPTER NINE

20 2 0
By CalysLee

"HELLO? Earth to Kia?"

Napapitlag ako nang magsalita si Raffy kasabay ng pag-wave niya ng kamay sa harap ko. I blinked for a couple of times. Alanganin akong ngumiti lalo nang mapansin ko ang naniningkit na mga mata ni Ellie sa tabi niya. We were currently at Raffy's house. Pinag-uusapan namin ang mga detalye para sa gaganaping Senior's ball bilang parte ng eighty-fifth founding anniversary celebration ng Brentwood. The event was scheduled next month at "s'werteng" kaming tatlo ang naatasang mag-organize para doon.

"S-Sorry... nasa'n na ulit tayo?" alanganin ang ngiting tanong ko. I also cleared my throat and sat up straight—umaasang sa pamamagitan no'n ay maco-compose ko ulit ang sarili mula sa biglaang pag-space out.

"Girl, nakakahalata na talaga ako. Alam mo bang kanina ka pa natutulala? May problema ka ba, ha? Ang layo-layo ng mga tingin mo," nakataas ang kilay na sabi ni Ellie saka humalukipkip.

"Tama. Pansin ko rin 'yon, Kia. May nangyari bang hindi namin alam?" tanong naman ni Raffy.

"Wala! 'Ayos lang ako ano ba? Imagination n'yo lang 'yan!" I let out a quite tensed laugh.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanila na sobrang bothered ako ng thoughts tungkol kay Zeph—parang marathon runner na hindi napapagod kakatakbo sa isip ko. Actually, sobrang naiinis na ako kasi halos minu-minuto ay naiisip ko siya. Para siyang pop-up ad sa utak ko—laging nandiyan, hindi ko ma-close. Hindi ko rin naman ma-explain kung bakit nangyayari iyon. At ang weird pa, hindi na rin nawala ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko, lalo na kapag naaalala ko siya sa halos lahat ng bagay o eksenang nakikita ko sa paligid. Letse! Parang lahat may Zeph filter!

At kani-kanina lang, si Zeph pa rin ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nag-space out habang kasama ko ang mga kaibigan ko. Parang na-hypnotize ako sa magandang ngiti niya kaninang umaga. Wala namang bago roon kasi puro pambubuwisit lang ang napala ko sa pesteng iyon nang makikain siya ng breakfast sa 'min. Pero bakit ayaw mawala ng lintik na image na iyon sa isip ko?

Gosh! I think I'm going nuts! Normal pa ba itong nararamdaman ko para sa kaniya?

"Naku, Kia. Kapag kami may na-miss na ganap sa 'yo dahil mas pinili mong gawing top secret 'yan, lagot ka talaga sa 'min!" Pinandilatan ako ni Ellie.

"Ano ka ba? Wala nga!" sabi ko nang pilit na pinagaan ang boses ko habang itinaas ang right hand ko para mag-pledge sa kaniya. Parang nag-oath taking ako sa Supreme Court na wala lang itong nararamdaman ko kay Zeph, pero parang ang hirap magpakabog ng pesteng puso ko!

"Sabi mo 'yan, ah." May panunuri pa rin sa tingin ni Ellie. "Okay, awat na muna tayo sa 'yo, girl. Ang mabuti pa pag-usapan natin ang ganap sa special day mo today. O, don't tell me, nakalimutan mo na namang birthday mo ngayon?"

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Almost three years ko na kasing nakakalimutan ang pagsapit ng mismong birthday ko at lagi na lang nire-remind sa akin. For the past years palibhasa puro trabaho ang nasa isip ko at madalas sobrang busy ako kapag dumarating ang araw na ito.

But this year was different. Maaga pa lang ay may na-receive na akong birthday greeting galing kay Zeph. He texted me bago siya lumipat sa bahay kanina. At habang kumakain sila ng breakfast pinagplanuhan na nila ni Mommy ang mga pagkaing lulutuin.

O, si Zephyrus na naman. Girl, iba na talaga 'yan.

I knew but I couldn't really help it. Hindi ko alam kung paano palalayasin ang punyemas na si Zeph sa isip ko. At kahit ayaw ko man tila binubuhay ng kakaibang damdaming hatid niya ang pamilyar na pakiramdam na dulot ng pangyayaring iyon, siyam na taon na ang nakararaan.

It was also the same day, and I never thought I would feel these emotions just like the way I did nine years back...

It was supposed to be a special day pero bakit ganito? Bakit sobrang lungkot?

It was my seventeenth birthday. Eight PM na at halos one hour nang tapos ang simpleng celebration na inihanda nina Mommy at Daddy para sa 'kin. May isang oras na rin akong kanina pa nakatitig sa bukas na bintana ng room ko at parang tangang hinihintay na magbukas ng ilaw ang bahay na nasa tapat nito.

"Pero as if mangyayari 'yon..." malungkot na saad ko sa sarili.

Hindi naman ako dapat nada-down kasi maraming nakaalala sa birthday ko. Maraming bumati sa 'kin kanina sa school. May mga regalo din akong na-receive mula sa friends ko pati na rin sa parents ko at kay Kuya Kade. Pero bakit pagkatapos n'on hindi pa rin ako masaya? Bakit pakiramdam ko may kulang pa?

'Wala kasi ang special someone na hihintay mong batiin ka sa birthday mo', singit ng isang bahagi ng isip ko.

I heaved out a deep sigh saka malungkot na tumitig sa tanawin sa harap ko. I had to agree, tama ang inner self ko. I was actually expecting him to at least send me a message pero mukhang nakalimutan niya ang special day ko. First time sa halos five years na pagiging magkaibigan namin.

At parang kailangan ko na yatang mag-give up sa wish kong makikita ko siya ngayon kasi mukhang hindi rin iyon matutupad.

It has been almost a year since Zeph left. Pagkatapos ng pangyayaring iyon nag-decide ang mga close relatives niyang kunin muna siya sa Manila habang pina-process ang pag-alis niya papuntang UK. And since then wala na akong anumang balita tungkol sa kaniya.

I tried texting him pero wala pa akong nare-receive kahit isang reply. Halos gawin ko na ngang diary ang inbox niya pero nanatiling ignored lahat ng messages ko. At ngayong birthday ko mukhang lalong walang pag-asang maalala niya iyon.

Nanubig ang mga mata ko at that thought. Mayamaya pa nag-unahan nang tumulo ang mga pasaway na luha ko. Marahas na pinahid ko ang mga iyon bago ako tumayo para isara ang bintana. Akma ko nang hahatakin iyon nang makarinig ako ng mahinang pagtawag sa pangalan ko.

"Kia!"

Kumabog ang dibdib ko. Hindi man dapat pero umasa akong sana ay hindi ako dinadaya ng imagination ko. Dahan-dahang tumingin ako sa baba.

"Kia, it's me!"

Natutop ko ang bibig nang makita ang nakangiti at kumakaway na si Zeph sa tapat ng room ko. Kulang na lang ay magtatalon ako dahil sa sobrang tuwa. Talagang nandito si Zeph para sa birthday ko!

"Zephyrus! Wait lang, hintayin mo ako d'yan!" malawak ang ngiting sagot ko saka patakbong tinungo ang pinto ng room ko.

Naabutan ko sina Mommy at Daddy na nanunuod ng TV sa sala.

"Anak, saan ka pupunta?" puno ng pagtatakang tanong ni Daddy.

"Sa labas po, Dad! Dumating po si Zeph!" excited na sabi ko.

Nakita ko pang nagulat sila sa sinabi ko pero hindi ko na hinintay ang sagot nila. Mas mabalis pa kay Flash na tumakbo ako palabas ng bahay.

'Hindi halatang excited, Kia, ah?' narinig ko pang asar na sabi ng inner self ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Eh, ano ngayon kung excited nga akong makita si Zeph?

"Happy Birthday!" masayang bungad niya nang pagbuksan ko siya ng gate. Itinaas niya ang hawak na box na hula ko ay cake.

"Zeph!" naluluhang sabi ko saka mahigpit siyang niyakap. Mayamaya pa naging hikbi ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Dahil doon lalo kong isinubsob ang mukha sa dibdib niya.

Malakas na tawa ni Zeph ang pumailanlang sa paligid dahil sa ginawa ko. Ah, I really missed the sound of his laugh. Akala ko hindi ko na ulit iyon maririnig pa.

"Hey, crybaby, hindi na ako makahinga. Sobrang higpit ng yakap mo!" magaang biro niya habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"L-Let's stay like this for a while... na-miss talaga kita. S-Saka akala ko hindi mo na maaalala ang birthday ko!" sumisinghot pang sabi ko.

Kumalas si Zeph sa yakap ko. Nagtama ang mga mata namin. Nakangiti pa rin siya habang nakatitig sa mukha ko.

"You know, that will never happen," masuyong sabi niya, saka maingat na pinahid ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Stop crying, Kia. 'Di ba sabi ko ang pangit mo kapag umiiyak?"

Mahina ko siyang nahampas sa braso dahil sa sinabi niya.

"Kasalanan mo rin! Never mo kayang nireplayan ang messages ko. Akala ko nakalimutan mo na 'ko," nakasimangot na sabi ko.

"That, I guess, I need to explain. Pero papasukin mo muna ako, Kia. Ang lamig dito sa labas!"

Nagkatawanan kami sa sinabi niya.

Sobrang happy ng parents ko pati na rin si Kuya Kade nang makita nila si Zeph. Katulad ko mahigpit na yakap din ang isinalubong nila sa kaniya pagkapasok pa lang namin sa bahay kanina. An evident sign na sobrang na-miss siya ng lahat.

Pagkatapos ng mahabang kumustahan, Zeph and I decided na mag-stay muna sa front porch kung saan kitang-kita ang malawak na kalangitan na punong-puno ng mga makikinang na bituin.

"Thanks for coming, Zeph," malawak ang ngiting sabi ko nang parehas na kaming nakaupo sa wooden bench.

Bumaling ako sa kaniya, titig na titig pa rin siya sa tanawin sa harap namin. Pero mayamaya nilingon niya ako. He flashed a sweet smile, which caught me off guard. Bumilis kasi ang tibok ng pasaway na puso ko. His effect on me. Hindi ko alam kung kailan ito—ang pagkakaroon ko ng lihim na feelings sa kaniya—exactly nag-start. But I guess, I liked him since the first time we met, and that was when we were twelve.

"'Wag ka munang mag-thank you sa 'kin. Wala pa akong binibigay na regalo, remember?"

"Wow! Nag-prepare ka?" excited na tanong ko.

"Of course!" May hinugot si Zeph sa bulsa ng suot niyang jacket. It was a tiny black rectangular box. "Here."

Ngiting-ngiting inabot ko iyon mula sa kaniya. I opened the box and I was stunned as I got to see what's inside. It was a silver chain bracelet with tiny stars on it. Kinuha iyon ni Zeph saka isinuot sa 'kin.

"'Yan, sinungkit ko na ang stars na favorite mong tinititigan." Binigyan niya ako ng pa-cute na kindat.

Natawa ako. "Salamat, Zeph!"

"Ingatan mo 'yan, ha? I guess that will also be my last gift... for now."

Nakangiti pa rin siya pero kapansin-pansin ang dumaang lungkot sa mga mata niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

Instantly nag-subside ang tuwang nararamdaman ko at napalitan iyon ng emosyon na kaparehas ng nakita ko sa mga mata niya.

"I'll be leaving for UK the day after tomorrow, Kia." Mapait siyang ngumiti.

"S-So... that means ito na rin ang huling araw na makikita kita?" Gumaralgal ang boses ko.

"Yes," tipid na sabi niya saka bumaling sa malawak na tanawin sa harap namin. Mayamaya mariing ipinikit niya ang mga mata as if he was trying to suppress himself from crying.

Ayaw ko man nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Pero marahas ko ring pinahid ang mga iyon. Hindi ko gustong magtapos ang gabing ito sa masakit na palitan ng goodbyes. I stood up at naglakad papunta sa harap ni Zeph. I extended my hand in front of him for a pinky promise.

"Promise me, babalik ka and we'll meet again." Pinilit kong ngumiti sa harap niya.

Misty na ang mga mata ni Zeph nang mag-angat siya ng mukha. Hindi ko napigilan ang pagragasa ng mga luha ko. Sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga iyon. He cleared his throat and handed me his pinky finger. Kinuha ko iyon to seal our promise—sa puso ko naroon ang pag-asang matutupad ang pangakong magkikita pa kaming muli.

Nakangiting nakatitig lang kami sa isa't isa habang pareho kaming may luha sa mga mata nang tumayo si Zeph at yakapin ako nang mahigpit.

"I-I may not be sure when that day will come, but I promise, Kia, babalik ako. No matter how long it takes, I'll find my way back to you. I promise, I won't forget you..."

Almost two years ago, Zeph was able to fulfill his promise. He came back. At habang palapit siya sa akin ngayon—with a cake in his hands and a sweet smile on his face—hindi ko inakalang babalik din ang pamilyar na damdaming akala ko'y tuluyan ko nang nakalimutan.

"Happiest birthday, Kia!"

Bigla ay parang nag-freeze ang buong paligid. Tumigil ang masiglang ingay ng mga taong nakapalibot sa amin. Nangibabaw ang malakas na tibok ng puso ko habang titig na titig ako sa nagniningning na mga mata ni Zephyrus sa harap ko.

Then a realization hit me. Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang reaksyon ng puso ko kapag nasa malapit siya. May paliwanag na rin ang kakaibang damdaming hatid niya sa tuwing naiisip ko siya.

Kailangan mo lang talagang umamin. Kailangan mo lang tanggapin na siya pa rin, Kia...

All this time I thought I was able to bury and forget my old feelings towards him. Ngunit hindi pala ako magtagumpay dahil hanggang ngayon, nananatili pa rin sa puso ko ang espesyal na pagtingin ko sa kaniya. At kahit kailan hindi ito nawala—taliwas sa akala ko...

"ISANG oras ka nang tulala d'yan."

Napapitlag ako nang marinig ang boses na iyon. Mula sa kinauupuan kong bench sa porch, lumingon ako sa pinanggalingan nito. There, nakita ko si Kuya Kade na prenteng nakasandal at nakahalukipkip sa nakasarang front door.

"Kuya, ginulat mo ako!" Pinandilatan ko siya.

"Himalang hindi ka yata lilipat sa kabila ngayon," kalmadong sabi ni Kuya Kade at hindi pinasin ang reaction ko.

"Wala 'ko sa mood," tipid na sagot saka ibinalik ang tingin sa mini garden ni Mommy sa harapan. Pero lumampas din doon ang tingin ko at natutok sa remodeled American house na nasa tapat namin.

Kanina pa ako nakatambay sa porch pero sa awa ni Lord hindi ko pa naman nakikita ang pagsulpot ng anino ni Zeph doon. Good thing, dahil ibig sabihin no'n hindi ko kailangang pagtuunan ng pansin ang confusing feelings na hindi na nawala sa dibib ko. Actually, two days na akong hindi nagpapakita sa kaniya. Pagkatapos kong ma-confirm ang totoong damdamin ko para kay Zeph, sa mismong araw ng twenty-fifth birthday ko, unti-unti na akong umiwas sa kaniya.

Kasi hindi ko matanggap ang nararamdaman ko. We were best friends for goodness sake. Years back, kaya hindi ko nagawang aminin sa kaniya ang damdamin ko ay dahil natakot ako sa kahihinatnan niyon. I tried to suppress and bury it instead.

At ngayong nabuhay muli iyon, bumalik ang takot kong baka hindi ko makontrol ang sarili ko at maghangad akong suklian niya ang feelings ko para sa kaniya. Iyon ang pinakahuling gustong mangyari.

Masyadong mahalaga sa 'kin si Zeph para i-compromise ko na lang basta ang friendship namin over this growing feelings of mine. I knew unfair ang ginagawa kong pag-iwas sa kaniya. Pero willing akong gawin iyon kahit pa hindi sigurado kung may pupuntahan iyon in the long run.

Kasi whether you admit it or not, nami-miss mo na siya. At hindi ka na tatagal ng ilan pang araw, 'te. For sure ikamamatay mo kapag hindi mo pa siya nakita ngayon!

Gusto kong mapairap dahil sa nakakaasar na remark ng antagonistang inner self ko. Nagpapakadakila nga ako 'di ba? Bakit hindi na lang ako nito suportahan?

"Nanliligaw na ba si Zeph sa 'yo?"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan dahil sa unexpected na tanong na iyon ni Kuya. Marahas na nilingon ko ang loko na consistent ang prenteng pagkakasandal sa pinto.

"Hindi!" napamulagat na sagot ko.

"Ah, nanliligaw nga," tumatango-tango namang saad ni Kuya Kade.

"Hindi nga, sabi! Ang kulit mo, Kadence Guanzon!" I annoying rolled my eyes at him. "Saka saan mo ba napulot 'yang conclusion mo na 'yan, ha?"

"Pure observation. He always had that sparkle in his eyes when he looks at you. At gano'n ka rin sa kaniya. Kayo na ba?" kalmado pa ring turan ni Kuya Kade.

Hindi ko alam kung ano'ng trip ng isang ito at bakit bigla-bigla na lang ang pag-iintriga sa 'kin. Madalas naman ay hindi siya mahilig magtanong ng kung ano. Isang dakilang nonchalant si Kuya Kade. Opposite siya ni Zeph na sobrang daldal at OA.

Pero isa lang ang malinaw na nais kong gawin ngayon, nate-tempt na akong ihampas sa kaniya ang tig-Five K na Monstera ni Mommy sa tabi ko! Gusto ko pa sanang tumambay sa porch pero kulong-kulo na ang dugo ko dahil sa kakulitan niya.

Minsan mainam ngang tumatahimik lang siya kaysa bumabanat ng ganito. Imbes kasi na kumalma ang confused na damdamin ko ay lalo lang iyong nagugulo dahil sa pinagsasabi ng pesteng kuya ko!

Nanggigigil na tumayo ako at naglakad na palapit sa kaniya para buksan ang pinto.

"Excuse me, Kuya. Papasok na ako." Akma ko nang bubuksan ang pinto pero pinigilan niya ako sa braso. Iritableng nilingon ko siya. Nalilitong tingin ang sunod na ibinigay ko sa kaniya dahil sa emosyong dumaan sa mga mata niya.

"Pag-isipan mong mabuti ang nararamdaman mo para kay Zeph, Kia. As much as possible don't ever settle for him. Ayaw kong masaktan ka lang."

I hated to admit it but Kuya Kade's words sounded like a warning to me. Bagay na lalong gumulo sa 'kin at dumagdag sa mga iniisip ko buong maghapon!

Bandang six PM nang maka-receive ako ng tawag galing kay Ellie. Laman niyon ang balitang break na sina Camille at Jiro. Pero wala akong kahit anong naramdaman sa news ni Ellie. Mas concern ako sa growing feelings ko kay Zeph at sa intriguing words ni Kuya Kade kanina.

Minutes passed and these mixed feelings became suffocating. Nang hindi ko na iyon ma-take I decided to take a walk around the village. I thought kailangan kong i-free ang isip ko. Kasi kapag hindi ko iyon ginawa baka mabaliw ako. Thirty minutes later, nakita ko na lang ang sariling palabas na ng gate namin.

At hindi ako naging ready sa mga sumunod na eksenang nakita ko. Si Zeph sa harap ng bahay niya kasama ang matangkad at slim na babaeng iyon—na alam kong sobrang ganda kahit nakatalikod sa gawi ko. And what I heard next shocked me to the core.

"I still love you, Zephyrus, and I want you back."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 232K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
353K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...