IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

1M 36.6K 9.5K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 37

15.2K 570 177
By ImaginationNiAte

KABANATA 37:

Ilaria POV

          WALANG imik kong pinagkatitigan ang puting kisame. Umaga na at hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi nu'ng bwisit na Luca na 'yun! Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko kagabi.

Luca is a psycho jerk, I shouldn't trust him.

Paano naman ako makakasiguro na magiging ligtas sina Kuya Palermo pati na rin si Emmeline kung sakaling pumayag ako sa kagustuhan niya? Binigyan niya naman ako ng time para makapag-isip ako sa kung ano ang magiging desisyon ko.

Kaya heto, iniisip ko kung ano ang pu-pwede kong gawin. Kung ano ang dapat kong gawin. Alam kong may pagbabanta ang mga sinabi ni Luca sa akin kagabi, hindi siya nagbibiro. Dalawang buhay ang nakasalalay sa magiging desisyon ko.

Magkamali lang ako ay tiyak na mapapahamak sina Kuya Palermo at Emmeline. But Luca left me no choice. Gusto niyang pumayag ako sa kagustuhan niya na sumunod ako sa lahat ng mga ipag-uutos niya sa'kin.

Sinulyapan ko ang nakasabit na orasan sa dingding, alas-diyes na ng umaga. Binalik nila ako rito sa bahay ni Luca kung saan ako dinala ni Rosales at ng mga kasama niyang mga alipores. Nilock ulit nila ako sa kwartong 'to para hindi ako makalabas o makatakas. Nagtataka lang ako kung nasaan ang bugok kong ex-boyfriend na 'yun!

Hindi namin kasi siya kasabay na umuwi rito kagabi. Tanging mga kasama ko lang na bumalik dito sa pesteng bahay na ito ay ang magkapatid na sina Scarlett at Vince. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta ang Luca na 'yun.

Bigla na lang siyang umalis matapos naming mag-usap. Tsk, as if naman na may pakialam ako kung saan sila nagpunta. Sana nga ay hindi na sila bumalik. Sana hindi ko na sila makita!

Huminga ako ng malalim at nagpasyang bumangon na sa kama. Dumiretso ako sa closet para kumuha ng damit bago ako nagtungo sa banyo para makaligo na. I was taking a shower quietly while Emmeline was running through my mind.

I hope she's okay.

Talagang kagabi ko pa lang siya ipinagdarasal na sana ligtas siya at walang masamang mangyari sa kanya. Naaawa ako sa bata, hindi niya deserve na maging gano'n ang buhay niya. Naging kalbaryo ang buhay niya dahil sa walanghiyang tiyuhin niya na ginawa siyang pambayad utang.

Marami na siyang pinagdaanan. Pero bago ako umalis kagabi sa Spice Strip ay may iniwan akong bagay sa kanya. Isang kwintas na iniregalo noon ni Samael sa akin. Nangako rin ako sa kanya na babalikan ko siya pati na rin 'yung kwintas ko.

Nag-iwan ako sa kanya ng pangako na ilalabas ko siya sa mala-impyernong lugar na 'yun kahit na ano pa ang mangyari. Siya na ang lumapit sa akin para humingi ng tulong. Bilang babae na may puso ay syempre tutulungan ko siya sa abot na makakaya ko.

Bahala na! Nakapag-decide na ako. Hindi ko naman kayang makita na may masamang mangyari sa inosenteng kagaya ni Emmeline pati na rin si Kuya Palermo na hinahanap din ako. Kailangan ko lang magtiwala kay Samael.

Alam ko at nararamdaman kong mahahanap na niya ako. Narinig ko kagabi kay Luca na nagbigay ng malaking pabuya si Samael sa kung sinuman ang nakakaalam kung nasaan ako.

I sighed. Hindi ko naman sinasadya na mapatingin sa suot kong singsing. Ito 'yung singsing na ibinigay ni Samael sa akin. Oh ghad, namimiss ko na siya! Ilang araw ko pa lang siyang hindi nakikita, ilang araw pa lang kaming dalawa na nagkakahiwalay pero sobrang miss na miss ko na siya.

I just let my tears fall. If only he was here.

Hindi niya siguro hahayaan na magkaganito ako at namroblema. I hope he finds me as soon as possible. Sana magkita na kaming dalawa bago pa maisagawa ni Luca ang mga plano niya. Ginagamit na nila ako para mabaliw sa paghahanap sa akin si Samael.

Ginamit nila ako para masaktan ang damdamin niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nu'ng gabi na kausap ko siya sa cellphone at nagsinungaling ako na mahal ko si Rosales at nakipagtanan na ako sa kanya.

I hope he realizes something is wrong. Ayoko naman na mas gamitin pa ako lalo ni Luca para tuluyang bumagsak si Samael. Hindi ako papayag na mawala lahat ng mga pinaghirapan niya. Paniguradong may pinaplano ang baliw na lalaking 'yon kaya gusto niya na sumunod ako sa lahat ng mga ipag-uutos niya. Kailangan ko rin mag-isip ng plano.

Masuyo kong hinaplos ang suot-suot kong singsing. My thumb finger caressed the diamond ring when I noticed something. Kunot-noo kong pinagkatitigan ng maigi ang singsing na ito. Napansin ko kasi na parang biglang may nag-blink na pula sa maliliit na diamond na nakapalibot sa singsing na 'yun.

Hindi naman ito ganito nitong nakaraang araw pero nang haplusin ko ito ay biglang may nag-blink na kulay pula na animo'y may na-activate. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Could it be a tracker? Mahilig kasi si Samael na maglagay ng mga tracking device sa mga gamit ko para masiguro niya ang kaligtasan ko at para na rin malaman din niya kung saan ako nagpupunta.

Tinapos ko na agad ang pagligo ko. Nagbihis agad ako bago ako lumabas ng banyo. Lumapit ako sa bintana dahil mas maliwanag doon kaya tinignan ko maigi roon ang singsing na suot ko. Patuloy pa rin na nagbi-blink ang kulay pula na iyon.

This diamond ring has a tracker! Hindi ko lubos maisip na pu-pwede palang lagyan ng tracking device ang singsing at siguro kaya ito biglang nag-blink ay dahil na-activate ko ito. I hope he finds me and tracks me down.

Nawala ang atensyon ko sa singsing dahil narinig ko ang kalansing ng kadena sa labas na tinatanggal. Maya-maya lang ay bumukas ang pintuan at pumasok ang galit na galit na si Scarlett. Kasunod naman niyang pumasok ang kapatid niyang si Vince. Nagtaka ako nang may hinagis siya sa akin na papel.

Imbes na kuhanin ko 'yon ay hinayaan ko lang itong malaglag sa lapag. Pero mas nagtaka ako nang makita ko ang pagmumukha ni Rosales sa papel na 'yon pati ang mukha ni Luca. Nakasulat ang salitang Wanted. Dead or alive. May nakalagay rin na rewards na tumataginting sa halagang dalawang milyon?!

Pero ang mas nagpakunot sa noo ko ay ang nakatatak banda sa ibaba na pamilyar sa'kin. May naka-stamp doon na moon na may bow at arrow, sa baba nito ay ang buong pangalan ni Samael. That's why it looks familiar to me. It is also a sign of death threat.

"My boyfriend became wanted because of you! Kumakalat ang wanted poster na ito sa underworld pati sa mga social media! Nagpadala ng sulat at warning cards si Samael sa lahat ng mga nasa underworld! He's playing dirty, the fuck!" mahabang asik ng babaeng ito.

"Kapag hindi ka namin ibinigay sa kanya ay isa-isahin niya kaming ipapaligpit! And everyone is afraid of him so all the Mafia families unite to find you! Nagkakaisa sila ngayon para hanapin ka, si Rosales at si Luca dahil ayaw nilang madamay. At para na rin makuha ang pabuya na 'yan!" galit na dagdag ni Scarlett sa akin.

Tila may kung anong saya akong naramdaman nang marinig ko 'yun. Hindi ko expected na nagkakaisa ang lahat ng mga Mafia families na hanapin ako dahil takot sila kay Samael at para na rin sa malaking pabuya.

They know Samael, he can kill without blinking an eye. Talagang iisa-isahin sila once na hindi nila ako isinauli sa kanya. He has an inner demon, they must know who owns me. Kaya siguro para hindi sila ipaligpit ay nagkaisa ang lahat ng mga Mafia families para hanapin ako.

Tinaasan ko ng kilay ang babaeng ito, "And so? Kasalanan ko ba kung bakit naging wanted 'yang putangina mong boyfriend? It's all your fault, 'wag niyo akong sisihin. Kikidnapin niya ako tapos ngayon takot kayong mamatay?" tila walang gana kong sagot sa kanya.

She looks frustrated. Nakikita ko rin sa mukha nitong kapatid niya ang labis na taranta at takot. Aba, bakit tila yata nabahag ang kanilang buntot? I grinned at them.

Parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa nakikita kong reaksyon sa mga pagmumukha nila. Mukhang kailangan na yata nilang tumakbo at magtago dahil tiyak na puputulan sila ni Samael ng sungay at buntot.

"Anong gagawin natin, Ate?! H-Hindi pa bumabalik si Rosales, hindi mo pa ba siya nako-kontak?!" kinakabahan na katanungan ni Vince sa Ate Scarlett niya.

"Hindi ko siya makontak, kagabi pa! Hindi ko alam kung saan siya nagpunta! Basta ang sabi niya kagabi may lalakarin lang siya, pero hindi pa siya bumabalik!" asik ng babaeng ito bago siya tumingin sa akin ng masama.

"You!" she angrily pointed her finger at me, "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Siguro may ginawa kang masama kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik ang boyfriend ko!" paninisi niya sa'kin.

"Hep hep, wala akong ginagawa. Baka nga hawak na siya ni Samael at pinapahirapan ngayon kaya siguro hindi pa siya nakakabalik.." pananakot ko.

Hindi ko alam kung saan nagpunta ang lalaking 'yun, pero umaasa ako na sana nahanap siya ni Kuya Palermo at pinapahirapan siya ngayon para paaminin kung nasaan ako. Lalo akong napangiti nang matagumpay ko silang natakot. Nakita ko 'yun sa mukha nilang dalawa. Mas lalo silang naging balisa at tila hindi na alam ang kanilang gagawin.

"Fuck! Anong gagawin natin ngayon?! Paano kung nahanap nga si Rosales ng mga Lazarus?! Paano kung pinapahirapan na siya ngayon at ituro niya kung nasaan tayo?! We will die! Shit!" Vince shouted hysterically.

I can see that he is afraid.

He is afraid to die. Sana naisip na muna nila kung ano ang magiging consequences kapag kinidnap nila ako. Ngayon nababalisa sila at natatakot dahil hina-hunting na sila. Mukhang may alam na si Samael. Nasa wanted poster din kasi si Luca at sa tingin ko ay alam na niya kung sino ang puno't dulo ng lahat ng ito. Paniguradong napagtanto niya kung sino ang stalker ko.

"Shit, tumahimik ka nga! Kailangan nating mag-isip ng plano kung ano ang dapat nating gawin!" singhal ni Scarlett.

"Kung ibalik na lang natin kaya itong babaeng 'to sa mga Lazarus?" suhestiyon ni Vince.

"Are you crazy?! Gusto mo bang si Boss ang pumatay sa atin?!" galit at 'di makapaniwalang sigaw ng Ate niya sa kanya.

"Alangan naman na tayo ang mapatay ng mga Lazarus!" wika niya.

"You know what? I like his suggestion," pagsabat ko at ngumiti sa kanila.

Inis naman akong inirapan ni Scarlett na animo'y parang may nasabi akong hindi maganda, "Hoy, tandaan mo ito ah! Once na may masamang mangyari kay Rosales ---"

"If something bad happens to him, then he deserves it." walang gana kong putol sa sasabihin niya bago ako ngumisi ng nakakaloko.

Nakita ko kung paano siya mas lalong nainis at alam kong nanggagalaiti na siya sa akin. Lumalaki na naman kasi ang butas ng ilong niya. What? Deserve naman niya talaga 'yun. Matapos lahat ng mga paggamit at pagsisinungaling niya sa'kin? Kung paano niya ako lokohin?

Aba dapat lang sa kanya na mangyari kung ano man ang mga nangyayari sa kanya ngayon. Sana nga ay hawak na siya nina Samael at Kuya Palermo. Sana pinapahirapan siya para paaminin kung saan niya ako dinala. Obvious naman na mahal na mahal nitong si Scarlett ang boyfriend niyang patapon.

Parang gusto ko tuloy maduwal, bakit ang gagong 'yun ang naging first boyfriend ko? I'm a fool and stupid to believe all his sweet lies. Feeling ko ay babangungutin ako nito.

"How dare you!" sigaw niya.

Galit siyang sumugod sa akin, animo'y gusto niya akong saktan. As if I will let her? Tsk, hell no. Tama na ang isang beses na nasampal niya ako at masabunutan. This time ay gaganti ako!

Bago pa niya ako masampal ay inunahan ko na siya na kanyang ikinabigla. I slapped her hard na talagang narinig namin ang pagsampal ko sa kanya sa buong kwartong ito, dahilan para malakas siyang mapasinghap. Kahit ang kapatid niyang si Vince ay nagulat sa ginawa ko.

Ngayon ay hawak niya ang kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal. Hindi pa ako nakuntento at hinatak ko ang kanyang buhok kaya napaaray siya. Napatingala tuloy siya na halos mabali na ang kanyang leeg dahil sa pagkakahatak ko sa kanyang buhok. Kitang-kita ko rin kung paano siya masaktan sa paghatak ko sa buhok niya. Parang gulat na gulat pa siya sa ginawa ko.

Tsk, does she think I'm weak?

"Next time, hindi na sampal ang aabutin mo sa akin. Mag-ingat ingat ka sa mga pananalita at galaw mo, okay? Dahil hindi lang ako basta tatayo rito at magpapa-api sa inyo. Matuto kang rumespeto lalo na kung higit na mas maganda ako kaysa sa'yo. Okay ba 'yon, huh?" malumanay ngunit may diin kong sabi.

Mapakla niya akong tinawanan.

"Bakit? Ano bang gagawin mo kapag hindi kita nirespeto? Sasaktan mo ba ako, ha?" matapang niyang katanungan. Hinigpitan ko naman lalo ang pagkakahatak sa kanyang buhok na kanyang ikina-aray.

"Shit! Binitawan mo nga siya!" Asik ni Vince sa akin pero hindi ko siya pinansin.

"Don't worry, hindi lang kita basta sasaktan. I will do everything to make you suffer, so you can face and taste your own karma. Mahal niyo pa naman siguro ang buhay niyong magkapatid, 'di ba? We only live once, so live well and honorably. 'Wag niyong sayangin ang buhay niyo sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Pero kung ayaw niyo at pipiliin niyong masira ang buhay niyo, that's fine with me. I don't fucking care if you die or not." mahaba kong sabi bago ko siya marahas na binitawan at tinulak.

Pinanood ko lang siya kung paano siya mapasalampak sa sahig. Nanlilisik lang niya akong tinignan bago siya tumayo.

"Anyway, huwag niyo akong ikulong dito dahil magluluto pa ako ng pagkain ko. Gutom na ako, at kapag gutom ako ay umiinit ang ulo ko. Ayaw niyo naman siguro na magsumbong ako sa Boss niyo at sabihin na sinasaktan niyo ako, siguradong magagaya kayo sa lalaki kagabi." wika ko pa na may halong pananakot.

Napangiti naman ako nang magtagumpay ako. Gumuhit sa mukha nilang dalawa ang takot. Alam naman nila na ayaw ni Luca na sinasaktan ako 'di ba? Eh 'di gagamitin ko ang pagkakataon na 'yun para makontrol ko sila at wala silang gawin na masama sa akin lalo na itong si Scarlett.

At saka kagabi pa ako walang kain kaya nagugutom na ako. Aba syempre kailangan kong maging matalino at mag-ingat kaya naisip kong ako na lang ang magluto ng makakain ko kaysa sila. Baka kasi mamaya ay lagyan pa nila ng lason 'yung pagkain ko kapag sila pa ang ipinagluto ko.

Hindi naman kasi ako basta-basta makakatakas sa bahay na ito dahil maraming mga armadong mga kalalakihan ang nagbabantay rito para masigurong hindi ako makakatakas. As in marami.

Hindi ko pa naman alam ang takbo ng mga utak nila. But I still have to be careful. Baka paulanan na lang nila ako ng bala kapag tinangka kong tumakbo palabas ng bahay na ito kaya kailangan kong mag-isip ng plano.

Kagabi ko nga lang din nalaman na nasa liblib na lugar pala itong bahay na 'to at hindi rin basta mahahanap. Hindi rin ako makakadaan sa mga bintana dahil lahat ng mga bintana rito ay may grills. Pero hindi ako titigil, gagawa pa rin ako ng paraan para makatakas ako rito. Hindi ako basta tutunganga lang dito at hintayin na pumuti ang uwak hanggang sa mahanap ako ni Samael.



         MABILIS lang lumipas ang oras. Wala naman akong masyadong ginagawa rito sa kwartong ito dahil pagtapos kong makapagluto ng pagkain ko ay ikinulong na ulit ako nina Scarlett at Vince sa kwartong ginagamit ko. Pansin kong malapit na namang sumapit ang gabi.

Nang tignan ko ang orasan ay mag-a-alas singko na ng hapon. Narinig ko rin kanina sa labas habang nakakulong ako rito ang boses ng magkapatid na 'yun na nag-uusap. Ramdam ko sa boses ni Scarlett na namomroblema siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Rosales. Nahihimigan ko rin sa kanya kanina na nag-aalala na siya.

Wala naman akong alam kung saan nagpunta ang lalaking 'yon. I'm not sure if he ran away because his wanted poster is being spread in the underworld. Para siguro takasan ang kanyang kasalanan lalo na't hindi lang mga Lazarus ang huma-hunting sa kanila, kundi pati na rin ang ibang mga Mafia families na nagkakaisa at tumutulong sa paghahanap sa kanya at kay Luca. 'O baka naman hawak na siya ni Samael?

Ewan, wala akong kasiguraduhan.

Nakaupo ako sa dulo ng kama habang nakasandal ang aking likod sa head board nang bumukas ang pinto kaya tumingin ako sa taong pumasok. Akala ko kung sino na, si Scarlett lang pala. Nagtaka ako nang mapansin kong bihis na bihis siya.

"Bilisan mo, tumayo ka na riyan. Aalis tayo," utos niya sa akin.

Bumangon ako, "Saan naman tayo pupunta?" kunot-noo kong katanungan sa kanya.

"Bilisan mo na lang, papunta na si Luca rito!" mahina ngunit may halong pagmamadali niyang sabi.

Kahit nagtataka ay sumunod na lamang ako. Kumuha siya ng jacket sa closet at pinasuot niya iyon sa akin bago niya ako hinatak palabas ng kwartong 'yun. Mas nangunot ang noo ko sa labis na pagtataka dahil habang pababa kami sa hagdanan ay napansin kong wala ang mga armadong mga lalaking nagbabantay.

"Nasaan 'yung mga nagbabantay rito?" 'di ko mapigilang maitanong.

"Vince lured them. Bilisan mo na, bago pa nila tayo makita. Baka maabutan ka pa ni Luca at dalhin ka sa pinaka-malayong lugar." aniya kaya hindi na lang ulit ako nagsalita at sumunod na lang ako sa babaeng ito.

Siguro ay plano nilang itakas ako?

Dumaan kami sa likod ng bahay na ito kung saan may mga armadong mga lalaki ang nakahiga sa sahig at tila natutulog. The heck? Ano kayang nangyari sa kanila? Pinatulog ba sila? Pagdating namin sa pinakalikod ng bahay ay may naghihintay na sasakyan doon at nasa driver's seat na rin si Vince.

"Dalian niyo! Parating na sila!" Ani Vince.

Wala naman kaming sinayang na minuto, sumakay agad kami at nilisan ang lugar na 'yun. Nang makalayo kami ay naguguluhan kong tinignan ang magkapatid na ito.

"Saan niyo ako dadalhin?" I asked them.

"Hindi pa ba obvious sa'yo? Syempre tinatakas ka namin! Dadalhin ka namin sa hideout ng mga Lazarus dahil tiyak na hawak nila si Rosales!" anas ni Scarlett.

"Shit! Sasakyan ni Luca 'yun!" salita ni Vince na nagmamaneho.

Pareho kaming tumingin ni Scarlett sa kulay itim na sasakyan na papasalubong sa amin. Nanlaki ang mata ko dahil mukhang nakilala ni Luca ang kotseng sinasakyan namin. Pasalubong siya sa amin at babanggain sana niya kami pero mabilis na iniwas ni Vince ang kotse.

I heard them cursing loudly.

"Alam niya na itatakas natin si Ilaria!" Vince said nervously.

"Basta mag-drive ka lang! H-Huwag mong hayaan na m-maabutan tayo dahil pare-pareho tayong m-malilintikan!" turan ni Scarlett.

Her voice was shaking and I knew it was because of fear. Afraid that Luca might catch up with us and kill us --- 'o siguro sila lang ang papatayin dahil tinatakas nila ako at balak na dalhin sa hideout ng mga Lazarus.

Tumingin naman ako sa likuran namin. He is chasing us. Mabilis na ang takbo ni Vince sa sasakyan namin para hindi kami maabutan ni Luca. I'm glad na walang traffic dito at wala rin masyadong dumadaan na ibang sasakyan. Pero hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

Nagawa niya kaming maabutan at malakas na binangga ang likuran ng sinasakyan naming kotse. Dahil doon kaya nawalan ng kontrol si Vince sa kotse na ikinatili ni Scarlett. Halos mahilo ako nang magpaikot-ikot sa kalsada ang sinasakyan namin. Mabuti na lang ay suot ko ang seatbelt ko.

Hindi rin maiwasan na bumangga ang sasakyan namin sa kotse ni Luca kahit na nagpaikot-ikot na kami. Kahit na mahilo-hilo na ako sa nangyari ay nagawa ko pa rin na makita sa nangyari sa kotse ni Luca.

Ginitgit niya ang aming sasakyan kahit na sira na ang hood ng kotse niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon pero mukhang nawalan din siya ng kontrol sa sasakyan niya dahil bigla na lamang siyang nadiretso sa malaking puno.

Bumangga siya roon kaya mas lalong nawasak ang unahan ng sasakyan niya habang kami ay mabilis na tumaob ang aming sasakyan. Tumama ang ulo ko sa head rest. Nanakit din ang tenga ko na halos mabingi ako dahil sa ingay ng pagkakataob namin. Tumalsik pa sa'min 'yung mga nagbasag-basag na bintana.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. My head started to hurt, my vision suddenly became blurry and everything around me is spinning like a hurricane. Dahil sa nangyari ay parang nagkaroon ako ng motion sickness. I feel like I'm going to throw up, fuck! Hindi ko na lang din pinansin ang pagtulo ng dugo sa ulo ko.

I tried to open my eyes. Natagpuan ko ang sarili kong duguan. Nakataob nga kami. Dumako naman ang tingin ko sa magkapatid, duguan sila pareho. Napansin kong nawalan ng malay si Scarlett.

While Vince? He was stuck in the driver's seat. Pero may malay siya kahit na mukhang nawalan siya ng lakas kagaya ko dahil nagawa niyang tignan ang kanyang Ate Scarlett.

"G-Go, t-tumakas ka na!" utos niya sa'kin.

Tinanggal ko ang suot kong seatbelt at dahil nakataob kami kaya bumagsak ako sa bubungan bago ako lumapit kay Scarlett. I checked her, she was still breathing but her pulse was weak. Tumingin naman ako kay Vince, hindi siya makaalis sa driver's seat sa kadahilanan na naipit siya roon.

"Sige na, umalis ka na!"

"Pero paano kayo?!" asik ko.

Jusko! Hindi pa naman maitim ang budhi ko para hayaan ko lang sila na ganito at iwanan silang nasa critical na kondisyon. Oo, may kasalanan sila sa akin. Kasabwat sila sa pangingidnap sa akin pero hindi ako katulad nila na masama!

"H-Huwag mo na kaming alalahanin! Ako na ang b-bahala sa Ate ko. Iligtas mo na ang s-sarili mo at p-pumunta ka na sa hideout ng mga Lazarus. Huwag mong s-sayangin ang binigay naming oras para i-itakas ka!" nahihirapan niyang turan.

"Saan ba ang hideout nila?" I asked.

Takte! Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito. I looked at Luca's car, he hadn't gotten out of there yet. Maybe he lost consciousness. Sa lakas ba naman ng pagkakabangga niya sa puno eh, kaya tiyak na mawawalan talaga siya ng malay.

Muling bumalik ang atensyon ko kay Vince, nanghihina na siya lalo. Papikit-pikit ang kanyang mga mata, mukhang malapit na siyang mawalan ng malay.

"Nasa Subic, Ilaya tayo. K-Kunin mo sa backseat 'yung m-maliit na bag, may laman na pera 'yun. P-Pumunta ka sa bayan ng Agoncillo, Batangas. Malapit lang 'yun dito." he managed to say that before he passed out.

"Vince!" tinawag ko siya at niyugyog pero hindi na siya magising. Anak ng! Hindi man lang niya sinabi kung saan banda makikita 'yung hideout nila Samael!

Napamura na lang tuloy ako. Nakita ko naman ang bag na tinutukoy niya. Medyo maliit nga ito pero parang punong-puno ng laman. Hindi ko na tinignan ang loob dahil kailangan kong magmadali. Lumabas agad ako sa sasakyan kahit na duguan din ako at nanghihina.

Muli kong tinignan ang sasakyan ni Luca. I saw him there, he was bleeding and his eyes were closed. Nakasubsob ang mukha niya sa manibela. Hindi na ako lumapit doon, basta na lang ako tumakbo sa kung saan bago pa siya magising at maabutan ako.

My goodness! Saan ako magsisimulang maghanap sa hideout nila Samael? First time ko lang dito sa Pilipinas. I am not familiar with this place. Wala rin akong kakilala rito, wala rin akong pwedeng gamitin na cellphone.

Hahanap na lang siguro ako ng telepono na pwede kong gamitin para matawagan ko si Samael. Maswerte ako dahil buhay pa ako, at maswerte rin ako dahil kabisado ko ang cellphone number niya. Siguro naman ay nako-contact ko ang numero niya.

Nang makalayo-layo na ako ay saka ako huminto sa pagtakbo. Hinihingal ako dahil medyo malayo-layo rin ang itinakbo ko. Subalit bigla akong natigilan nang may maalala ako. Nagkasalubong ang kilay ko nang maalala ko ang sinabi ni Vince kanina.

Agoncillo, Batangas?

Nandito ako sa Batangas? Biglang sumagi sa isipan ko ang tunay kong ina. She is here, she lives here. Iyon ang sinabi ni Samael sa akin. Nagpaimbestiga siya at hinanap ang nanay ko kaya nalaman niyang dito sa Batangas naninirahan ang totoo kong ina.

Napaigik ako sa sakit nang kumirot ang ulo ko. Nagsisimula na namang umikot ang paningin ko, nahihilo ako jusko! Mabuti na lang ay nakalayo-layo na ako kaya hindi na siguro ako maaabutan nu'ng baliw na Luca na 'yun! Napapikit ako habang sapo ko ang aking duguan na ulo.  Nahihilo talaga ako! Dahil siguro sa lakas ng impact na pagkakatama ng ulo ko sa head rest.

"Jusko, miss! Anong nangyari sa'yo?!" I heard a woman's voice.

Sinubukan kong idilat ang mata ko. Natanaw ko ang isang babae na may kung anong bilog na bilao na nakapatong sa kanyang ulo. Hindi ko siya maanigan dahil sa panlalabo ng aking paningin, ngunit pansin kong nagmamadali siyang lumapit sa'kin.

Nabitawan ko ang hawak kong bag, bago pa ako matumba ay naramdaman ko ang pagsalo niya sa akin hanggang sa nawalan ako ng ulirat.

#

A/N: Yes po, ang nakita ni Ysabel sa unang chapter sa story niya na naaksidente ay ang kotseng sinakyan ni Ilaria. Sina Vince at Scarlett po ang nakita niyang nakasakay sa sasakyan na 'yun.

Continue Reading

You'll Also Like

903K 32K 49
6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has...
30M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
1.5M 31.2K 25
WARNING: R18+ | SPG Obsession Series #7: The Obsessive Lawyer. Annabeth Bree Gallego is very determined as a child to make Hiro Saito her brother, Th...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...