Villafuente Series 1: His Mai...

By RjReballos

8.3K 136 1

GENRE: Romance "Mananatili ka o mananatili ka, Choose". meet Yevhen Villafuente, second son of the family. T... More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 10

239 4 0
By RjReballos

Author's Note: Sorry for the grammatical errors and typos.

Chapter 10

Kanina pa nakatayo sa harap ng salamin si Larissa habang tinignan ang simpleng suot nito. Nang makuntento ay kinuha niya ang mga gamit niya saka binuksan ang pinto para lumabas sa maid's quarter.

Nakasalubong naman niya ang mayordoma na ngayo'y nakangiti sa kaniya. "Sasabay ka ba kay Yevhen?" tanong nito. Napa-isip naman siya kung sasabay ba siya o hindi. Halata rin sa binata na ayaw siya nitong kasabay.

"Hindi na po, nakakahiya. Mag-taxi nalang po ako papunta doon." tugon niya saka ngumiti kay manang Josefine bago lumabas ng mansyon.

Naabutan naman niya ang binata sa labas at pormadong nakasandal sa hood ng sasakyan nito at nasa kaniya ang paningin nito. Hindi naman ni Larissa kung tatanungin ba niya ang binata o hindi, dahil ayaw niyang makasagutan pa ito.

"Where are you going?" halatang nagtataka ito dahil hindi niya pinansin ang binata at deretso lang papalabas ng gate si Larissa.

"Hey, Larissa!"

Agad naman bumaling ang dalaga paharap kay sa kaniya dahil sa pagtawag nito sa pangalan ni Larissa.

"Ano? May kailangan ka?" maang tanong nito sa binata na ngayon ay nasa harapan niya. "I said, where are you going?" ulit nito. Nakatitig lang naman si Larissa sa mukha ni Yevhen dahil sa tanong nito. Ano ba ang pakialam nito kung saan siya pupunta? Magsasalita na sana si Larissa nang mapalingon ito sa labas dahil sa busina ng isang kotse at lumabas doon si Elliot.

"Hi, Larissa!"

Nagsalubong naman ang kilay ng binata. "What are you doing here?" lumapit naman si Yevhen sa kaibigan.

"Sinusundo si Larissa, friends naman kami, e. Diba?" tugon naman nito sa kaharap at bumaling kay Larissa. Walang imik naman nakatingin sa kanila ang dalaga. Kahit si Yevhen ay nakatingin rin kay Larissa na tila inaantay ang sasabihin nito.

"Kay Elliot nalang ako sasabay." tugon nito para lalong ngumiti si Elliot saka lumapit para papasukin sa kotse ang dalaga. Walang emosyong nakatingin sa kanila si Yevhen habang nakakuyom ang parehong kamay nito.

Gusto niyang pigilan ang kaibigan at palabasin sa kotse si Larissa pero pinigilan niya ang sarili niya at lumapit nalang sa kotse niyang nakabukas ang pinto sa driver seat at tinignan lang ang papa-alis na kotse.

¤¤¤¤

Lakad-takbo ang ginawa ni Larissa papunta sa cafeteria dahil muntik na siyang maligaw sa loob ng building. Gusto niyang ilibing nalang ang sarili dahil sa mga matang nakatingin sa kaniya.

"Excuse me!"

Napahinto naman si Larissa nang may humawak sa braso niya. Taka naman siyang lumingon rito. "May kailangan ka...?" tanong ni Larissa.

"I think this is yours." may kinuha naman ito sa bulsa niya saka pinakita sa dalaga. Nang makita naman ni Larissa iyon ay agad niyang tinignan ang gamit niya, nang napansin na nawawalan siya ng gamit ay agad siya humarap sa babae. "So, sa'yo 'to?" tanong nito ulit kaya agad naman tumango si Larissa bilang sagot.

"Thank god, ako ang nakakita sa things mo. Yung iba kase inaangkin nila kahit hindi naman sa kanila."

"Thank you, ano pala name mo?" ani Larissa. Ngumiti naman sa ang babae sa kaniya at inilahad ang kamay sa harapan niya. "I'm Clarissa Rhea Jane Tonkin, but call me Issa nalang." pakilala nito. Tinaggap naman ni Larissa ang kamay nito.

"Larissa Clementine Diaz." tugon naman nito. Tumikhim naman si Issa. "New student?"

"Ah, Oo." nahihiyang tugon niya habang naglalakad sa hallway. "Saan ka pala pupunta? I can tour you around naman, since walang pasok after this break time." ani Issa.

"Ano? Wag na baka mapagod ka lang, masyado kaseng malaki 'tong University." sambit niya. Bumaba naman sila ng hagdan at nakita niyang isang malaking pinto na gawa sa glass. Kaya mula sa kinatatayuan niya ay kita ang nasa loob.

"Yan ang cafeteria, kunti lang ang pumupunta diyan kase mas prefer ng iba sa labas ng university sila mag-snack." iginaya naman nito si Larissa papasok kaya nilibot ng tingin ng dalaga ang cafeteria. Namangha siya dahil sa interior design na parang hindi cafeteria ang napasukan niya.

"Ang ganda..."

"You're right, maganda ang interior ng university." komento ng kung sino kaya gulat na lumingon ang dalawa.

"Elliot!"

Nangingiting lumapit ang binata sa kaniya. "Busy ka ba?" tanong nito. Umiling lang si Larissa sa kaniya. "I'm sorry to interrupt your chitchat, but I am with Larissa, so. Get lost." singit ni Issa sa dalawa. Napakunot-noo naman si Larissa dahil sa inasta ng katabi niya.

"Ow! Nandyan ka pala Clarissa Rhea Jane!" sambit ni Elliot na may ngisi sa labi nito. "Don't call my name! Nandidiri ako kapag nanggagaling dyan sa bunganga mo!" inis na bulalas naman ni Issa. Ngumiti lang ang binata habang takang tumitingin sa kanila si Larissa. Nagbabangayan pa rin ang dalawa kaya agad na sumingit si Larissa para tumigil ang dalawa at mabilis na nagpaalam ang dalaga para maiwan ang dalawa sa gitna ng cafeteria.

¤¤¤¤

"Magkaaway ba kayo?" tanong ni Larissa habang kumakain na binili niya sa cafeteria. Bumili nalang siya ng pagkain dahil sa pagod kakalakad sa buong University.

Nagkibit-balikat lang ang binata habang nakaharap ito sa cellphone. "I don't know, maybe she see me as...her rival." kalmadong sagot nito. May pinindot naman ito sa cellphone para mag-flash ang ilaw. Nagulat naman ang dalaga kaya agad siya bumaling sa kaharap na ngayon ay nangingiti na.

"Hindi ko pala na-off yung flash haha!"

"Hoy! Wag mo nga akong picturan!" pilit naman nito kinukuha ang phone sa kamay ng binata.

"Burahin mo 'yon!"

"Nope, cute mo kaya sa picture!" natatawang sambit ni Elliot. Pilit pa rin inaabot ni Larissa ang cellphone sa kamay ni Elliot nang bigla iyon hinablot ni Yevhen mula sa likuran ng kaibigan.

"Pinagtitinginan kayo ng mga tao rito sa loob ng cafeteria." anito. Tumahimik naman ang dalaga habang nakatingin ito kay Yevhen na seryosong nakatingin sa picture niyang stolen shot ng binata. "I thought kasama mo si Xandra, where is she?" tanong ni Elliot saka mabilis na kinuha ang cellphone at tinago sa bulsa ng pants nito.

Hindi naman sumagot ang binata at umupo nalang sa tabi ng kaibigan habang ang paningin nito ay na kay Larissa. "Elliot, diba ipapasyal mo pa ako." taka naman lumingon sa kaniya si Elliot kaya sikreto niya itong sinipa sa ilalim ng lamesa. "Y-Yeah, muntik ko na pala makalimutan." agad naman ito tumayo sa kinauupuan at pinandilatan siya ng mata nito para ngumiti lang ang dalaga rito. Sumulyap naman ito sa pwesto ng binata kung nakatingin ba ito sa kaniya kaya agad naman niyang binawi ang tingin, saka mabilis na naglakad palayo kasama ang kaibigan.

"Ang sakit ng sipa mo kanina!" angal ni Elliot nang huminto sila sa tapat ng library. Napakamot nalang sa noo ang dalaga saka ngumiti. "Sorry, masakit pa ba?" nag-aalalang tanong nito kay Elliot. Umiling lang ito sa kaniya.

"Bakit ba ayaw mong kasama siya?" tanong naman nito kay Larissa. "Wala, naiinis lang kase ako sa kaniya." sagot nito sa binata. Hindi naman niya agad hinintay ang binata na magsalita kaya agad siya pumasok sa loob ng library at naghanap ng librong pwede basahin. Alam niyang sinundan siya ng binata kaya nang makakuha siya ng libro ay umupo siya sa bakanteng upuan malapit sa bintana at nagsimula na magbasa.

¤¤¤¤

Hapon na nang makarating si Larissa sa mansyon at nadatnan niya ang binata na may kasamang babae. Napansin naman siya nito kaya lumingon ito sa gawi niya na may pagtataka.

"Who's she?" tanong nito sa katabi para mapalingon sa kaniya ang binata. Ngumiti muna ito bago sumagot sa babae. "Her name is Larissa, bagong maid. " sagot nito. Napabuntong-hininga nalang ang dalaga sa sinabi nito, bakit ba siya nasasaktan? Totoo naman ang sinabi nito na isa lang siyang katulong. Iniwaksi nalang niya ang nasa isipan niya saka daglian pumasok sa maid quarter para magpalit ng damit.

"Larissa, nandyan ka ba?" agad naman binuksan ni Larissa ang pintuan para pumasok ang dalawa pang katulong.

"May nangyari ba?" tanong niya sa mga ito, sumimangot lang naman ang dalawa para nalaman agad nito ni Larissa. "Nakakainis talaga yung babaeng kasama ni ser!"

"Oo nga, kung maka-utos sa 'min akala niya siya nagpapa-sweldo sa mga katulong dito!"

Hindi naman umimik ang dalaga at wala siyang balak sumingit sa dalawa kaya inayos nalang niya ang sarili bago lumabas ng kwarto. Habang naglalakad papunta sa kusina ay naabutan niyang nandoon ang binata, may hawak na baso. Hindi nalang niya ito pinansin at deretso pumunta sa harap ng cabinet para kumuha ng pagkain na lulutuin.

"Bakit hindi ka tumitingin sa 'kin?" tanong ng binata sa kaniya. Hindi naman niya ito sinagot at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. "Hey, answer...me."

"Ano bang problema mo?" inis na singhal ng dalaga, hindi niya napansin na lumapit ito sa kaniya. "I was calling you! Tenth times, but you didn't answer!" sigaw nito para mapa-atras sa gulat si Larissa. Kahit si Yevhen ay nagulat dahil sa inasta ng kaniyang sarili para walang pasabing umalis sa kusina at dumiretso sa kwarto nito.

"Nag-away na naman ba kayo ni Yevhen?" tanong ng matanda nang makalapit ito kay Larissa, umiling naman ito bilang sagot sa matanda. "Ewan ko po sa kaniya, masyadong  galit sa 'kin." iyon lang ang sinambit ng dalaga saka nilinis ang nga kalat sa ibabaw ng lamesa bago nagpaalam na umalis sa kusina. Bumalik naman siya sa kwarto dahil busog pa siya ay nauna siyang natulog sa mga kasama niya dahil may pasok pa siya bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 54.6K 17
"Stop trying to act like my fiancΓ©e because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
4.1M 260K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
811K 68.6K 35
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
38.1K 2.6K 36
Since the ages before time was measured, the angelic races have existed. Unseen by our eyes, they move through creation, shaping our world, sustainin...