Chapter 12

231 7 0
                                    

Author's Note: Sorry for the grammatical errors at typos ko, enjoy reading!!

Chapter 12

Nakaupo lang ang si Yevhen sa stool habang diretsong tinutungga ang hawak nitong alak na binigay sa kaniya ng bartender.

"Yevhen!" napalingon naman ang binata sa likuran niya nang may tumawag sa pangalan niya. Nakita naman niya ang kaibigang masamang nakatingin sa kaniya.

"Elliot! Akala ko hindi ka pupunta rito." singit naman ni Xandra, may dalang isang basong may laman na alak. Bumuntong-hininga naman si Elliot saka humarap ulit kay Yevhen.

"You should go home now, dude." sambit ni Elliot. Tumawa naman ang binata sa kaniya saka tumungga ulit ng isang baso. "C'mon, Elliot. Let's enjoy this night! Wohoo!" napabuntong-hininga nalang si Elliot dahil sa dalawang kasama niya sa loob.

Binalikan naman niya si Larissa na nasa loob ng kotse niya na hindi mapakali sa kinauupuan. Pumasok naman siya sa loob saka hinarap ang dalaga.

"Imposibleng i-uwi natin siya, enjoy na enjoy 'yung gago sa loob." aniya, tumango naman si Larissa. Balisang nakatingin sa labas ng bintana.

"Ihahatid na kita sa mansyon, magpahinga kana rin." sambit ng binata bago buksan ang makina ng sasakyan at umalis sa parking lot.

Walang imik na naglakad ang dalawa hanggang sa tapat ng pinto ng mansyon, gustong magtanong ang binata dahil sa pananahimik nito. Iniisip nalang niya na pagod ito.

Humarap naman si Larissa kay Elliot saka ngumiti. "Salamat pala sa paghatid, ingat sa kalsada!" sambit nito. Ngumiti naman si Elliot saka inisang hakbang ang pagitan nila para yakapin ang dalaga, natulos naman sa kinatatayuan ang dalaga dahil sa pagkabigla.

Bumitaw sa pagkakayakap ang binata saka ngumiti ito sa kaniya bago tumalikod papunta sa kotse nito. Tinignan niya lang ang papalayong kotse ni Elliot bago siya pumasok sa sala ng mansyon. Tinignan naman niya ang oras sa wall clock, naglakad si Larissa diretso sa kwarto saka dumapa sa higaan niya hanggang sa nakatulog.

¤¤¤¤

Naalipungatan si Larissa dahil sa ringtone ng cellphone niya. Umupo naman siya saka kinuha ang cellphone sa gilid ng unan niya, agad naman niya sinagot ang tawag nang makilala kung sino iyon.

"Larissa, hello?"

"Oh? Bakit ka napatawag?" humikab naman ang dalaga matapos magsalita. Narinig naman niyang parang nagmamadali ito mula sa kabilang linya. "Si Ken kasi...nasa hospital, binugbog." mangiyak-ngiyak naman nitong tugon.

Agad naman kumilos si Larissa saka dumiretso sa banyo para ayusin ang sarili niya. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansing nasa loob na ang mayordoma na nagtatanong nakatingin lang sa kaniya.

"May problema ba, Larissa?" agad naman tumigil sa pagsusuklay si Larissa saka nahihiyang bumaling sa mayordoma. "K-Kanina po ba kayo diyan?" utal nitong tanong.

Lumapit naman sa kaniya ang mayordoma. "May lakad ka?" tumango naman si Larissa.

"Pupuntahan ko lang po yung kaibigan ko, nasa hospital po kasi." sagot nito. Tumango naman ang mayordoma saka sabay silang lumabas sa kwarto.

"Mag-iingat ka, Larissa!" bilin nito sa dalaga. Ngumiti naman si Larissa rito bago sumakay ng kotse.


¤¤¤¤

Nang makarating si Larissa sa hospital ay agad siyang lumapit sa isang nurse na nasa nurse station.

"Excuse me, Nandito yung kaibigan ko. Ken Bandal name niya." aniya. Agad naman sa kaniya sinabi ng nurse ang room ng kaibigan niya kaya agad siya pumunta.

Villafuente Series 1: His Maid (ON-GOING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant