An Old Summer Daydream (Old S...

By 4reuminct

9.6M 290K 398K

OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate compe... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE
sunny note

15

210K 7.8K 8.9K
By 4reuminct


"Dad! Omg, mababangga na tayo! Mababangga na tayo!" 

After my graduation, hinahanda na ako nina Mommy at Daddy para sa college. Kung ano-ano na ang tinuturo nila sa akin... kasama na ang pagda-drive. I just got my license last week! Ang graduation gift nila sa akin ay sasakyan. Ang sabi ko ayaw ko ng mga maliliit na sasakyan, kaya naman ang binili sa akin nina Daddy at Mommy at Jeep Wrangler na puti. 

"Nat, relax!" Halatang stressed na stressed na si Daddy sa akin. Eh, first time ko kayang ilabas 'yong sasakyan sa busy streets! Hindi pa ako sanay! "Just focus and stop screaming!"

"Eh, sumisigaw ka rin, Daddy! Mas napapasigaw tuloy ako!" sabi ko habang mahigpit ang hawak sa manibela. Naririnig ko na ang mga busina sa likod ko. "Waaa, teka lang! Kaka-green lang ng ilaw, oh?! Natatae ba kayo?!" 

Pagkauwi tuloy namin, parang naubos ang energy ni Daddy. Pagod na pagod siya nang binagsak niya ang sarili niya sa sofa. 

"I can't do this anymore. You should go with her next time. I need to take care of my eardrums," sabi ni Daddy kay Mommy. 

Natawa nang malakas si Mommy at sinabing siya na ang sasama sa akin bukas. Nagpa-practice kaming mag-drive around Manila para kaya ko nang mag-isa sa susunod. Si Mommy nga ang sumama sa akin... pero parang hindi 'yon magandang idea. 

"Waaaa!" sigaw ni Mommy. "Estella, dali! Dali, paandarin mo na! Nagagalit na 'yong nasa likod!" 

"Waaa, Mommy!" Pareho kaming nagpa-panic sa loob ng sasakyan at nagsisigawan. 

"Pucha, bakit ba ganito palagi rito sa Rotonda?! Saan ba tayo lulugar?!" reklamo ni Mommy. "Huwag na lang tayo gumalaw, Estella! Hayaan mo silang sumingit nang sumingit! Makukulit sila!" 

"Ano ba talaga, Mommy?! Aabante ba ako o ano?!" 

Binuksan bigla ni Mommy ang bintana. "Hoy! Ayus-ayusin mo nga 'yong pagda-drive mo-" 

"Mommy! Omg, nakakahiya!" Tinakpan ko ang bibig niya at pinasara ang bintana. Nakakahiya! Mabuti at hindi siya pinatulan noong sumisingit na sasakyan sa tapat namin! 

Parang ako naman ang napagod pagkauwi ko. Buti pa si Kye... Ang saya lang ng buhay niya. Naglalaro sila ng video games ni Daddy sa sofa noong dumating kami. Sumasakit lang ang ulo ko tuwing nagda-drive! Pero kailangan ko 'to sa pagpasok sa school! 

May condominium unit sina Mommy malapit sa school at doon na ako titira sa first year ko, pero siyempre, uuwi rin naman ako sa bahay kapag maluwag naman ang schedule ko. Ang sabi nila sa akin, mahalaga daw ang privacy kapag college student, at kailangan ko raw matutong maging independent! 

Kaya isa 'yon sa mga tinuro sa akin ni Mommy. Magluto at maglinis ng bahay. Sus, may alam naman na ako roon, pero dapat daw marami akong alam lutuin para daw hindi lang puro cup noodles o pancit canton ang kakainin ko. Grabe! Hindi naman! Pwede namang um-order, ah! 

Sobrang booked and busy ko noong bakasyon habang naghihintay sa first day of classes namin. I took Bachelor of Arts in Broadcasting Communication. Magiging famous anchor ako someday! Makikita ng mga tao ang mukha ko sa TV at maririnig nila ang precious kong boses! 

Sino kaya ang magiging kaibigan ko sa college?! Ang daming possibilities! Nakaka-excite! Sa ibang kurso kasi sina Ollie at Caitlyn kaya hindi ko na sila masyadong makikita, pero nag-promise naman kami sa isa't isa na magkikita-kita pa rin kami! Mabuti nga at nakapasa rin sila sa UFA para kahit papaano, magkakasama pa rin kami. 

Orientation day, hindi pa ako lumilipat sa condo kaya nag-drive ako mula sa bahay hanggang sa school. First time kong makikita ang mga blockmates ko! May group chat na silang ginawa pero hindi ako nagcha-chat dahil nahihiya ako. Oo! May hiya pa ako kahit papaano! 

Hindi ko alam ang susuotin ko dahil wala naman kaming uniform! I decided to just wear a simple shirt and a pair of mom jeans. Okay na 'yon! Nahihiya pa ako para maging extra. Siyempre, new environment na. Mas malawak na university na. Paano, ang daming branch ng colleges dito tapos 'yong iba, nakahiwalay pa, gaya noong Fashion Institute, Sports Institute, tsaka Culinary School. Nasa Culinary School si Lai, tapos si Seven ay nasa Applied Physics program. 

Magkakaiba kami ng building kaya hindi kami sabay-sabay pumasok. Hinarap ko ang mundo mag-isa! Let's go, Estella! Kaya mo 'to! 

Pagkapasok ko pa lang sa campus, na-amaze na ako sa laki noon! Grabe! Kailangan kong maghanap ng parking malapit sa venue ng orientation dahil baka mapagod lang akong maglakad. Ang lawak ng campus! Ang daming freshmen! 

Nag-register na ako at nakakuha ng freebies pagkadating ko sa venue. Pagkatapos, sinamahan ako noong senior papunta sa upuan ko. Omg, nakita ko na ang blockmates ko! Nag-uusap-usap na 'yong iba, pero mukha namang first time din nilang magkakakilala. 

"Hello!" masayang bati ko kaagad sa mga katabi ko. Pareho silang babae. "I'm Estella!"

"Uhm... H-hello..." bati sa akin ng katabi ko. She was smaller than me, and she looked so shy! Nakayuko siya at pinaglalaruan ang kamay niya sa sobrang kaba. "I'm... Laya... Short for Malaya..."

Ang hina ang boses niya! Buti na lang at nilapit ko ang tainga ko sa kanya para marinig ko siya nang maayos. Hiyang-hiya siya! 

"Hi, Laya! Ang cute naman ng name mo!" Napatingin siya sa akin. Omg, ang cute niya rin! 

"Hi, Estella! I'm Clover! Love na lang for short... Eme! Kobs na lang itawag mo sa akin." Iyong isa ko namang katabi, maraming energy. 

"Ano 'yang binabasa mo? Naga-advance study ka na ba?" curious na tanong ko. Umiral na naman ang pagka-competitive ko.

"Huy, sira!" Pinakita niya sa akin ang librong hawak niya. "Bastos 'yang binabasa ko, ano ka ba! Huwag ka mag-expect sa akin! Top ten lang naman ako sa klase..." 

Lumapit siya sa akin para bumulong. Napakunot ang noo ko, hinihintay ang sasabihin niya. 

"Kaso ten lang din kami sa section," bulong niya at malakas na tumawa. Wow... May tumalo na sa energy ko! 

Kinilala ko pa ang iba naming blockmates at so far, lahat naman sila friendly. May mga kulang pa pero nagsimula na ang orientation. Masaya naman. May program at dance contest. Pagkatapos noon, nag-campus tour na kami. Sina Kobs at Laya lang ang kasama ko sa pila dahil magkakasunod ang surnames namin. Feeling ko madalas ko na silang makakasama. All girls pala ang magiging friend group ko. 

"Pst, nagsimula na ba 'yong orientation?" Napalingon ako nang may bumulong sa akin. Nagulat ako nang makita iyong babae na naka-dark makeup. Maganda at bagay naman sa kanya! Nagulat lang talaga ako! "Block F 'to, 'di ba?" tanong niya sa akin.

Tumango ako. "Oh, blockmates ba tayo? Hello! I'm Estella!" pagpapakilala ko. Mukhang late siya sa orientation. 

"Zahra," pagpapakilala niya rin. "Oo, parang 'yong tindahan ng damit, pero may walang kwentang letter H sa pangalan ko." 

Sumingit siya sa pila namin para hindi mahalatang late siya. Nakakrus lang ang braso niya sa dibdib habang naglalakad kami. Grabe, iba-ibang tao talaga makikita mo sa college, 'no?! 

Madilim na nang matapos ang orientation program. Marami pa kasing nangyari, pero mas pinakahihintay ng lahat ang freshman party. Hindi 'yon official event. Palagi lang daw 'yon ino-organize ng mga seniors para mag-welcome ng freshies. Sa isang malaking venue naganap 'yon. May sarili silang nakakatawang program, tapos may mga alak din. May sari-sariling room ang bawat kurso kaya magkakahiwalay rin. 

Naku-culture shock 'ata ako! Hindi ako umiinom! Hindi pa ako nakakapunta sa mga ganitong party! First time ko 'to! 

"Gusto ko nang umuwi..." mahinang sabi ni Laya habang yakap-yakap ang tuhod niya. Nakaupo kami sa may sahig habang may nagsi-singing contest sa mini-stage. 

"Bakit kaya ang pangit ng lasa ng tubig dito?" Bumalik si Kobs na may dala-dalang baso. Napakunot ang noo ko nang makita ang iniinom niya. 

"Saan mo 'yan nakuha?" tanong ko.

Tinuro niya iyong table na may mga utensils. "Doon, pero mas mabuting bumili na lang kayo ng tubig sa labas! Hindi 'to masarap!"

"'Tangina mo. Lalagyanan 'yan ng kutsara't tinidor," sabi ni Zahra. 

Nabuga bigla ni Kobs ang iniinom niya. Malakas akong tumawa at napatakip sa bibig ko. Muntik ko pang madura ang kinakain kong biscuit. 

Kumuha na lang kami ng cocktail drinks para naman mahimasmasan si Kobs. Nang medyo nakakaramdam na ako ng init, lumabas muna ako saglit ng venue na 'yon para magpahangin. Nakita ko ang ibang tao mula sa ibang course. 

Napaatras ako nang may makita akong pamilyar na likod ng lalaki. Parang... siya. Nakasuot siya ng polo at may kausap na dalawang babae. May hawak din siyang bote ng beer sa isa niyang kamay. 

Tumalikod kaagad ako at naglakad paalis. Hindi! Hindi kami pwedeng magkita! Kailangan kong mag-focus sa pag-aaral ko ngayong year! 

"Ang popogi ng mga nasa Nursing!" sabi ni Kobs nang sundan ako sa labas. "Dito na ba ako makakahanap ng mga taong baker ang magulang?"

"Huh? Bakit ang specific naman, sis?" nagtatakang tanong ko.

"Siyempre, kapag baker ang magulang... Nakakagawa sila ng mga cutie pies." 

Muntik na ako masamid sa sarili kong laway. Malakas akong tumawa at napahampas-hampas pa sa braso niya dahil sa joke na 'yon. Tinatalo na ako nito, ah! 

"Saan sa internet mo naman napulot 'yan?" natatawang sabi ko. Maiiyak na 'ata ako sa kakatawa. Happy pill ko na si Kobs. "Uy, speaking of! Mag-follow-an naman tayo!"

"Speaking of?" Kumunot ang noo niya.

"Huh?" Kumunot din ang noo ko.

"Speaking of who? Bakit hindi mo tinuloy?" 

Hindi ko alam kung seryoso siya o nagbibiro...

"Huy, sino nga? Speaking of?" Sinundot niya pa ang baywang ko. "Sino 'yan, huh? Yiee..." 

"Speaking of, I mean related sa sinabi ko noong una. Speaking of internet," pagpapaliwanag ko. "Sorry, hindi ko nilinaw!" Nalito ko tuloy siya. 

Nag-exchange kami ng socials. Pagkabalik namin sa loob, nakipag-exchange din kami kina Laya at Zahra. Si Laya, Messenger lang ang mayroon. 

Just like that, I earned three friends! I knew sila na ang makakasama ko sa college life ko. Sabay-sabay kaming pumasok noong first day of classes. Nagkita lang kami sa tapat ng gate para hindi kami kabahan. 

"Any volunteers to become a beadle?" tanong ng prof namin.

Tinaas ko kaagad ang kamay ko. "Me po, Ma'am!" Sana mapili. 

"Miss..." Tiningnan niya ang listahan ng mga pangalan namin. "Miss Martinez, thank you for volunteering. Miss Martinez will be the beadle for this class. If you have concerns, please relay them to her. Thank you." 

Wala namang masyadong nangyari dahil first day pa lang ng klase. Madalas dini-discuss lang ang syllabus at class rules. Pagkatapos ng mga klase namin ay nag-ikot kami sa booths ng mga orgs para maghanap ng sasalihan. 

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang debate club ng university. Nakatitig lang ako roon... naaalala ang pagkatalo ko. Napailing ako at sumunod na lang sa mga kaibigan ko. 

No... I was not ready to compete in debates again after what happened last time. I cannot be like that again. I cannot feel that again. The pain of losing after having so much eagerness to win. 

I wondered... if he would join the debate club. Would he still compete even after what I did? After I broke him? Iyon na lang ang dahilan kung bakit ayaw kong magpakita sa kanya. Magiging hadlang lang ako sa kanya. Pagkatapos ng ginawa ko... wala na akong karapatang bumalik sa kanya. I pulled him down with me and left him just like that. May hangganan naman ang kapal ng mukha ko. 

He still didn't deserve someone like me. I knew he would thrive without me. Mas okay sa kanya 'yon. We were meant to take different paths. Gagawin ko ang lahat para hindi na kami magkita ulit, hanggang sa makalimutan niya nang nage-exist ako! 

My first year in college went by so fast. Wala akong ginawa kung hindi mag-aral. I also became a member of the university press team. I wrote articles and interviewed people tuwing may event. I was learning a lot of things. 

It was a good idea to avoid debates... because those types of competitions just bring out the worst of me. My competitiveness was already too much that I started hurting the people around me. 

But I missed it. 

"So, ano po ang feeling na isa ka na sa mga valuable players ng school kahit first year ka pa lang?" pag-interview ko kay Seven. 

"Is this even necessary?" masungit na sabi niya sa akin. Ginulo ko siya during training niya dahil kailangan kong magsulat ng article! "I don't know. What do you want me to say?"

"Ano ba 'yan! Ayusin mo naman ang mga sagot mo para naman maayos 'yong article ko!" Hinampas ko siya sa braso. 

"I don't know. Just write whatever. I'm busy." Pinunasan niya ang pawis niya at tumakbo na pabalik sa court. Sumimangot ako at padabog na naglakad paalis para naman pumunta sa swimming pool area ng school.

Nakita kong nagte-training din si Lyonelle. Nang makita niya ako, umahon siya mula sa pool at inabot ang towel sa gilid. 

"Mister Juarez, balita ko malapit mo nang makamit ang gold medal sa swimming competition. You have come this far already. Ano ang nararamdaman mo? Kinakabahan ka ba para sa next match?" tanong ko kaagad pagkalapit ko sa kanya. 

"Excuse me? Consent letter for an interview?" pang-aasar niya sa akin. 

"Sagutin mo na!" inis na sabi ko. "Bwisit kayong dalawang mga athletes kayo! Hindi n'yo na nasagot nang maayos ang tanong ko! Ang tagal ko nang nagre-request ng interview!" 

"Hmm, I feel great," mayabang na sabi ni Lai. He rested both of his hands on his hips while thinking. Naka-swimming trunks lang siya at basang-basa pa ang katawan. "I'm not nervous at all... because I know I will win." 

"Napakayabang mong bwisit ka! Kapag ikaw natalo, magiging meme ka sa freedom wall, tingnan mo lang," pananakot ko. 

"Kung matalo," mayabang na sabi niya. "Eh, I won't lose. Don't worry. I'm Lyonelle Juarez, bro. All I do is swim. All I do is win." 

Nakakainggit. Gusto ko na ring mag-compete... pero hindi ko alam kung handa na ako. Next school year na lang! 

"Ano'ng QPI n'yo last school year? Pucha, C+ lang ako sa Philo," sabi ni Zahra. 

"Four," sagot ko habang nagta-type sa laptop. 

"Ang galing mo talaga, Nat... Straight As," sabi ni Laya. "Three point five lang ako..." 

"Wala kayo sa 'kin! Two point eight! Masaya na ako roon!" proud na sabi ni Kobs. 

"Ako three lang. Apir!" Nakipag-apir si Zahra kay Kobs. 

Noong second year ako, I started competing again... pero sa quiz bees. Studying was not hard for me kahit college na, because I already developed a good study habits, and I loved studying! Gusto ko rin ang inaaral ko tsaka ang kurso ko, kaya hindi ako nahihirapan. 

I also changed my hairstyle. My straight black hair was already long with ice-grey highlights on some hair strands. I also had bangs. Natuto na rin akong mag-make up nang maayos!

"Nakita mo na 'yong chicks mo noong high school, Nat?" tanong ni Zahra bigla.

"Huh?! Gago, anong chicks?!" Sinamaan ko siya ng tingin. Siyempre, parte ng pagkakaibigan iyong pagshe-share! Kinulit nila akong i-share ang love life history ko kaya kinwento ko 'yong sa amin ni Yori. 

Si Laya, no boyfriend since birth. Si Kobs, isang ex lang tapos TOTGA niya raw 'yon kasi nangibang bansa kaya sila naghiwalay. Si Zahra naman, isang girlfriend tapos isang boyfriend. 

"May alaga kang mga sisiw noong high school ka, Nat?" nagtatakang tanong ni Kobs. "Nasaan na sila ngayon?"

"Hindi literal na chicks, pota ka!" Binatukan siya ni Zahra. 

"Ano ulit name niya? 'Di ba Japanese siya?" Ano ba 'yan, naaalala pa ni Laya. 

"Wala, kalimutan n'yo na 'yon," sabi ko. Nakakahiya, baka makarating sa iba hanggang sa makarating kay Yori, tapos isipin niya pinagkakalat ko ang history naming dalawa. 

"Pogi ba 'yon? Ayaw mo naman magpakita ng picture, eh!" pangungulit ni Zahra sa akin. Nakaupo siya sa may lamesa at nakakrus ang binti. "Patingin kami!"

"Wala! Pangit!" sabi ko na lang para hindi na sila mangulit. Sorry, Yori. Pagkasabi ko noon, napatango-tango na lang sila. Mukhang naintindihan na. 

"Baka naman mabait..." sabi na lang ni Laya.

Naka-archive na rin kasi lahat ng photos namin sa Instagram ko. Siyempre! Tapos na, eh. Nakakahiya naman ipalandakan pa sa buong mundo. In-unfollow niya nga ako pagkatapos ng graduation kaya in-unfollow ko rin siya. Hindi ko na nakikita ang mga posts niya kasi naka-private siya. 

Grabe... Parang kailan lang ako pa ang profile picture niya. Pinalitan niya iyon ng picture niya... iyong sinend niya sa akin dati. Ang pogi niya roon. 

Tama na 'yan, Nat! Huwag mo nang alalahanin 'yon! Tapos na kayo! Hindi na dapat kayo magkita ulit! 

Dalawang taon ko na siyang hindi nakikita. Dalawang taon na rin akong sumusubok maghanap ng crush para naman may pampagana ako kapag naglalakad sa campus, pero parang wala naman akong nakikita! Maraming pogi, pero... Ewan! Parang ayaw ng utak ko! 

Uwian na at papunta na sana ako ng parking nang madaanan ko ang bulletin board sa campus. Natigilan ako nang makita ko ang poster ng debate club. Nakatitig ako roon, iniisip pa rin kung... member na ba siya roon. 

Napaatras ako nang may magdikit bigla ng poster ng e-games sa bulletin board. Iyong nasa tapat ko na lang ang may space kaya humakbang ako pakaliwa para hindi ako nakaharang. 

"Okay na, Yori?! Nadikit mo na?!" rinig kong sigaw ng lalaki mula sa malayo. "Tara! Nandoon na sila!" 

Napakurap ako at naestatwa sa kinatatayuan ko. Nang makaalis na iyong lalaking nasa tabi ko, saka ako lumingon. 

Lumingon ako sa paligid pero hindi ko na siya nakita sa dami ng estudyante. Siya ba 'yon?

Nakita niya ba ako?! 

"You better hide yourself well. The next time I see you on the university campus... I won't let you go again."

Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ang sinabi niya. Hindi naman siguro niya ako nakita 'no?! Hindi naman din siguro siya 'yon, 'no?! 

Kung oo, nakalimutan naman na niya 'yong sinabi niya! Tama! Ang tagal na noon! Nasiraan lang siya noon kaya niya nasabi 'yon. 

"I'm home!" masayang sabi ko pagkauwi ko ng bahay. Last week, sa condo ako nag-stay dahil busy. Ngayong week, maluwag ang sched dahil wala masyadong gagawin kaya umuwi ako. 

"Oh, you're here," walang emosyong sabi ni Kye nang makita ko siyang nasa sahig. May mga nakalatag na dyaryo dahil nagpipinta siya ng mga pots.  

"Gawa mo 'yan?" natutuwang sabi ko. 

He always liked pottery and sculpting. In-enroll nga siya ni Daddy sa pottery classes noong bakasyon, tapos ngayon pinapagawan siya ni Mommy ng sariling pottery room sa backyard. Lahat 'ata ng klase ng art ay ine-explore ng kapatid ko. 

"Ang ganda! Akin na lang 'yong isa. Lalagyan ko ng halaman," sabi ko. "Ilalagay ko sa condo ko! Gandahan mo ang design, ah!" 

Gabi na nang nakauwi sina Mommy at Daddy. Tuwang-tuwa sila nang makitang nasa bahay na ulit ako. Mommy cooked us dinner. Si Daddy naman, tinulungan si Kye magtanim sa labas kahit gabi na. Gusto na nilang gamitin 'yong mga ginawa ni Kye. 

Noong sumunod na linggo, bumalik na ako sa condo. Sunday kaya mag-isa na naman ako at walang magawa. Lumabas na lang ako ng condo at nag-jogging sa campus. Pagkatapos, naghanap ako ng convenience store para bumili ng breakfast. Maaga pa. Six A.M. pa lang kaya wala pang tao. 

"Hello! Welcome!" Napaayos kaagad ng tayo iyong nasa cashier nang pumasok ako. Mukhang inaantok pa nga siya. 

"Hi!" masayang bati ko rin. 

Dumeretso ako sa mga inumin at kumuha ng energy drink. Pagkatapos, kumuha rin ako ng sandwich. Nakangiti lang sa akin iyong nasa cashier habang nagbabayad ako. Ang bubbly niya naman kahit ang aga-aga pa. 

"Thank you po! Come again!" sabi niya pagkaabot sa akin ng sukli at mga pinamili ko. 

"Thank you rin..." Tiningnan ko ang name tag niya. "Alia." 

"You're welcome po! Take care!" 

Tumambay muna ako sa labas habang kumakain ng breakfast. Malamig pa naman dahil maaga pa. Habang pinapanood ko ang mga dumadaan, muntik na akong mabulunan sa kinakain ko. May nakita na naman akong pamilyar na likod! Gumilid siya saglit kaya nakita ko ang side view ng mukha niya. Kamukha ni Yori... Siya ba 'yon? 

Pero... parang hindi siya 'yon. The shoulders were broader, the waist was smaller, and you could tell that he had a lean body and he had been working out. Maybe the guy was taller too! 

Tama. Hindi siya 'yon. Hindi naman siya ganoon. Tumayo na lang ako at bumalik sa condo. Bakit ba iniisip ko pa rin 'yon at feeling ko nakikita ko pa kung saan-saan? May ibang buhay na 'yong tao! 

Isa pang Pasko ang dumaan. My family went to Japan after Christmas, tapos sumama si Lai at Seven. Hindi ko alam kung bakit! Gusto lang daw nilang mag-travel! Pero okay na rin para mas marami akong kasama sumakay sa rides. 

Nag-Osaka muna kami, tapos lilipat sa Tokyo after five days. Habang nasa Universal Studios kami at nakapila sa rides, may nakita akong pamilyar na mukha. 

"Jap?" tanong ko para manigurado. Gumagalaw ang pila at naroon siya sa kabilang railing. Nauuna siya pero nagtatagpo kami dahil pa zigzag ang pila. 

"Estella?!" gulat din siya nang makita ako. He was with his family. May kasama siyang dalawa pang lalaki na parang pinsan niya, tapos iyong kapatid niyang babae na mas bata sa kanya. 

"Seolma... Kye?! Heol..." turo ng kapatid niya sa kapatid ko. "Oppa, he's my classmate!" 

Kye looked at her and just shook his head. Pinabalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi man lang nag-hello ang kapatid ko, huh?!

"Wow, Estella! I didn't think I would see you here. Sakto! Nandoon naman sa Tokyo ngayon si..." Parang may na-realize si Jap at hindi na lang nagsalita. 

"Si?" Kumunot ang noo ko.

"Si Mickey Mouse! Nandoon! Sa Tokyo Disneyland! Are you going there?" Jap faked a laugh. 

That was a weird conversation. Ang tagal ko na siyang hindi nakita kahit same campus lang naman kami. Hindi ko alam kung friends pa sila ni Yori. Wala naman na akong alam tungkol sa kanya. 

"Nat, move." Mahina akong tinulak ni Seven dahil gumagalaw ang pila at malaki na ang space ko sa nasa harapan ko. 

Marami pa kaming sinakyan na rides pero hindi ko na nakita si Jap. Small world, though. Noong pagabi na, nararamdaman ko na ang lamig. Ano ba 'yan! Sana pala nagdagdag pa ako ng isang layer ng damit. Hindi ko naman alam na ganito pala kalamig. 

"Hoo, ang lamig na..." Niyakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa bench. Hinihintay ko lang sina Seven at Lai dahil bumili sila ng popcorn. Ang sakit na rin ng paa ko kakalakad. 

Napatingin ako kay Kye na hinubad ang winter coat niya at inabot sa akin. Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. He didn't say anything and just put it over my head when I took too long to take it. 

"Waaa!" I pouted. "Big boy na talaga ang bebe ko!" dramatic na sabi ko, maiiyak pa. I wiped my fake tears, teasing him. He was left with a black turtle neck and a scarf. Hindi ba siya nilalamig?! Ako ang nilalamig para sa kanya. 

Ramdam ko nang nagbibinata na ang kapatid ko. Mas matangkad na siya sa akin! Kailan nangyari 'yon, huh?! 

"Kye! Nat!" narinig ko ang tawag ni Mommy nang makita kami. Nakahiwalay kasi sila sa amin para sa kanilang alone time. Hindi naman din sila sumasakay ng rides. Nag-date lang 'yong dalawa, eh. "Hala, hindi ka ba nilalamig, bebe ko?!" sabi niya nang makita ang suot ni Kye. 

Napatingin ako kay Daddy nang hubarin niya ang jacket niya at sinuot kay Kye. Pati ang scarf niya ay hinubad niya at inikot niya sa leeg ni Kye. Hala, si bunso talaga, oh! 

"Oh, no... Hindi ba ikaw ang lalamigin ngayon?" nagtatakang tanong ni Mommy. Hinubad niya ang scarf niya at sinuot niya naman kay Daddy. "Ayan! Okay na!"

Bumalik na rin sina Lai at Seven na may dala-dalang popcorn. Ang saya ng Osaka trip namin. It was peaceful. Pagdating namin sa Tokyo, parang nayanig ang mundo ko! Iba talaga ang environment doon. 

We stayed in a hotel near Shibuya. Gabi na nang makarating kami. Pagkatapos kong mag-unpack, nagutom ako kaya bumaba ako at pumunta sa malapit na convenience store. 

"Irasshaimase!" bati noong nasa cashier pagkapasok ko. 

Ang daming masasarap na food! Ang dami ko tuloy nilagay sa basket ko na snacks. Kumuha na rin ako ng bento para iyon na ang dinner ko. 

"Pointo ka-do wa omochi desuka?" tanong ng nasa cashier. Napakurap ako, hindi alam ang sasabihin ko. Mukhang naintindihan niyang foreigner ako kaya pinagpatuloy na lang niya ang pag-calculate ng total na babayaran ko. Binigay ko naman ang bayad ko nang ituro niya ang screen. "Obento atatamemasu ka?"

"Sorry?" sagot ko. 

"Do you want it warmed?" 

Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng nakapila sa likuran ko. When I looked back, I was faced with a broad chest. Umangat ang tingin ko at halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko. 

Umiwas kaagad ako ng tingin. "Y-yes..." mahinang sabi ko sa cashier. 

"Hai, negaishimasu," Yori said behind my back. 

"Sho sho omachi kudasai..." Umalis saglit iyong nasa cashier para initin iyong bento box ko. 

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Kanina pa kumakabog ang dibdib ko. Para akong mahihimatay! I could feel his presence behind me. Dahan-dahan akong lumingon ulit at nakita kong may dala-dala siyang tubig at onigiri na babayaran niya rin. Nang magtama ulit ang tingin namin, agad akong umiwas. 

Para akong nakakita ng multo! He looked so different! In a good way. Bakit... Bakit mas pumogi siya?! Bakit hindi na siya mukhang hihingalin kapag tumakbo?! He looked like he would frequent the gym. Parang kaya niya na akong ibato!

"Omatase itashimasita!" Bumalik na iyong nasa cashier at binigay sa akin ang mga pinamili ko. 

"Thank you," nanginginig na sabi ko at agad tumakbo paalis. Grabe, parang hindi ako makahinga! 

Pagkatapos tuloy noon, na-conscious na ako! Bawat may pinupuntahan kami sa Tokyo, lumilinga ako sa paligid para tingnan kung naroon siya! 

"Why are you acting like a wanted person?" tanong ni Seven. Nasa Shibuya kami, tatawid sa crossing para makapunta sa station. 

Hindi ako makasagot. Noong naging green na ang ilaw sa pedestrian lane ay nagdagsaan na ang mga tao para tumawid. Tumingin-tingin ako sa paligid habang naglalakad, hanggang sa mabunggo-bunggo na ako. 

Nahulog 'yong keychain ko mula sa bag ko! 

Napahinto ako sa paglalakad at bumalik para pulutin iyon. Sobrang daming tao! But... it was important to me. Noong nakita ko na, yumuko ako para pulutin, pero may nauna na. Umayos ako ng tayo at nakita si Yori sa harapan ko. 

He was wearing a brown coat and a scarf. Ang isang kamay niya ay nasa loob ng bulsa ng coat niya. Ang isa naman ay nakalahad sa akin, hawak-hawak ang keychain.

The cloud keychain he gave me. 

"Found you," he said. 

________________________________________________________________________________

:

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 152K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
170K 9.2K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
12.5K 396 27
Sa kabila ng misteryosong pagkamatay ng ama ni Meteor ObaƱez, napilitan silang lumayo ng kaniyang ina sa probinsiya ng Laguna dala-dala ang mga tanon...
182K 3.2K 27
[WARNING RATED SPG!] STANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020