To End the Anguish (Career Se...

By JonalynYan

241K 5.7K 305

[SOON TO BE PUBLISHED UNDER KM AND H] Career Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
EPILOGUE

Chapter 22

5.8K 151 7
By JonalynYan

TW!

Lorelei POV

I left that house and go to nowhere. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta no’ng gabing iyon. Nakita ko na lang ang sarili kong nasa isang tulay. Akma akong tatalon nang may humila sa akin... At sina Drake at Clarrisse iyon.

Napahagulgol ako sa kanilang dalawa. Wala sa katinuan, lumulutang ang isip.

“I–ilayo n’yo ako rito! Ayoko na rito,” paulit-ulit kong sambit at sinasambunutan ang aking sarili.

Tumira ako sa apartment nila sa loob ng apat na buwan at binalita nila sa akin na pinaghahanap na raw ako ng mga pulis dahil sa pagkawala ko.

Para akong tang**g nagpa-ampon sa kanila kahit wala akong ambag sa tinitirhan nila. Hindi rin nila alam ang story ko pero palagi nilang naririnig sa akin ang pangalan ni Josef. Para na akong baliw sa mga oras na ‘yon.

“Hindi ba kayo natatakot sa akin?” tanong ko habang kumakain kaming tatlo.

Nagkatinginan silang dalawa. “Hindi ka naman nananakit,” sabi ni Clarrisse.

“She’s right pero avoid hurting yourself. Napansin namin ang mga bruises mo sa braso. Sinasaktan mo ang sarili mo?” tanong naman sa akin ni Drake.

Napayuko ako. Sinusuntok ko ang braso ko kapag naiinis ako sa sarili ko dahil baka ako ang dahilan ng lahat ng ‘to. Baka ako talaga ang puno’t dulo ng lahat.

My life was totally a mess. Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat.

“H–hindi, a—” Napatayo ako dahil sa amoy ng bagoong na inilapag ni Clarrisse.

Dumiretso ako sa may banyo at dumuwal nang dumuwal doon. “Ayos ka lang?” tanong niya habang hinahagod ang likuran ko.

“Ilang araw na ‘to baka hindi lang maganda ang pakiramdam ko,” kagat labi kong sagot bago nagmumog.

“Baka buntis ka. May boyfriend ka ba o asawa?”

Napatitig ako kay Clarrisse at ilang beses na napalunok. Ayaw ko nang dalhin ang anak ni Josef. Ilang beses akong umiling-uling at napaupo sa sahig. Nagsimula na naman akong umiyak.

“A–ayokong dalhin ang anak niya. Hindi ko dadalhin ang anak niya. A–ayoko.”

Hindi na ako handang maging ina dahil sa kaniya. Sinira niya ako. Sinira niya ang pagkatao ko. Pakiramdam ko ay nababaliw na talaga ako.

Naramdaman ko ang bisig ni Clarrisse at hinayaan lang akong umiyak sa bisig niya.

Kinagabihan ay nag-take ako ng pt at doon ko nalaman na buntis ako. No’ng una iniyakan ko dahil hindi ko na kayang bitbitin. Sira na nga ang buhay ko, paano ko pa siya bubuhayin? Hindi ko siya kayang dalhin sa kamalasan ng buhay ko.

Bumalik sa akin ang lahat ng alalaala simula no’ng nagkaroon ako ng fake pregnancy. Ganitong-ganito ang nararamdaman ko no’ng malaman ko na buntis ako.

Natatakot, nanghihinayang, nagsisisi at ayaw na ayaw sa bata.

After one week that I found out that I’m pregnant. Nakatayo ako sa harapan ng bahay ni papa. Sa bahay talaga namin.

Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko nang makita kong buksan ni papa ang pintuan. Mangiyak-ngiyak siya nang makita ako. Mabilis siyang humakbang at niyakap ako nang mahigpit.

“Dapat u–umuwi ka na lang dito, anak. Hindi ka na dapat naglayas pa, pinag-aalala mo si papa, e. Hindi ko na alam kung saan ka hahanapin...” Hinarap niya ako. Nagtagpo ang tingin namin. “Ayos ka lang ba? Saan ka ba galing, ha? Nag-alala ako ng sobra. Maayos ba ang tinirhan mo?” Hinaplos niya ang mukha ko. “Kawawa naman ang panganay ko. Huwag ka na ulit aalis, hmm?”

Napahikbi ako lalo. “N–niloko niya ako, pa. Hindi ako sapat para sa kaniya. Hindi niya ako mahal,” pagsusumbong ko na parang bata sa kaniya.

Niyakap niya ako ulit at hinaplos ang buhok ko. “Shh, nandito si papa. Si papa na ulit mag-aalaga sa ‘yo. Iniwan ka man ng lahat, nandito si papa. Si papa lang palagi.”

Naramdaman ko ang pagmamahal ng isang ama. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya para sa akin.

“Buntis ako, pa,” bulong ko sa kaniya.

Humigpit ang yakap niya. “Aalagaan natin ang baby mo.”

Naging maayos ang lahat kahit papaano. Lumipat kami ng bahay pero same city nasa ibang parte lang. Malayo kung saan kami nakatira noon. Humanap kami ng isang psychiatrist para matingnan ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang nag-under ako sa counseling.

Sa bahay lang ako at hindi lumalabas. Inaalagaan ko ang sarili ko para sa anak ko. Kumakain na ako nang maayos at naging masiglahin kahit papaano. Alam nina papa ang nangyari dahil si Josef na ang nagsabi sa kanila.

Talagang pinagmalaki pa niya, ah.

Dumadalaw rin minsan sina Drake at Clarrisse sa akin minsan. Kinakamusta nila ako. Kaya babayaran ko ang utang na loob ko sa kanila dahil inalagaan nila ako sa loob ng apat na buwan.

Nasabi sa akin ni Drake na nakikita niya raw ako dati sa JRU dahil schoolmate raw kami. Kasama ko raw kasi lagi ‘yong bff ng kaibigan ng boyfriend ng tropa niya.

Maliit pala talaga ang mundo. Pero hindi raw nila ipagsasabi ang nangyari sa akin na ipinagpasalamat ko.

Nasa kwarto ako ngayon at nakaupo sa kama. Hinihimas ko ang tiyan ko para antukin ako. “I love you so much, my Nikko. Nandito lang si mama.”

Isa’t kalahating taon matapos kong manganak ay lumipat kami sa bagong biniling bahay ni papa para sa akin. Sabi niya kung ayaw kong tanggapin ay hulog-hulugan ko na lang. Kasi hiyang-hiya na talaga ako.

At the age of 28, I’m moving forward...

***

Present...

Magsasalita sana ako nang bumukas ang pintuan, pero bago pa ako makalingon ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa narinig kong salita.

“Ma—ma! Pey!” sabi ng anak ko.

Napatingin ako roon sa pintuan at nakita ko si Drake na nag-aalangang nakatingin sa akin. Dahil siya ang nagbukas ng pintuan at pumasok ang anak ko.

Pilit akong ngumiti sa kanila. “Pasensya na, Mrs. Kei,” sabi ko. Tumingin ako sa dalawa. “Pasensya na.”

Ngumiti sa akin sina Mrs. Kei at si Peter. Samantalang si Josef ay nakakunot ang noo habang nakatingin sa bata. Mukhang nagtataka.

Kinarga ko si Nikko at kaagad naman niyang ipinapakita sa akin ang laruan n’ya.

“Dinala mo pala ang anak mo ngayon. Wala siyang bantay?” tanong ni Mrs. Kei. Halos manlaki ang mata ni Josef na nakatingin sa batang bitbit ko.

Tumingin ako kay Mrs. Kei. “Unti lang naman gagawin ko ngayon, Mrs. Kei magrereport lang ako for other projects.”

“Okay. Isama mo na siya sa meeting if it’s okay...” Tumingin siya kina Peter at Josef. “With you guys?” aniya.

Ngumiti si Peter. “Sure na sure, Mrs. Kei.”

Tumingin kaming lahat kay Josef na nakatitig lang kay Nikko. Siniko siya ni Peter kaya nabalik siya sa katinuan.

“Huh? Ahh, oo.”

“Okay. Sa coffee shop na lang sa 1st floor,” sabi ko at tinalikuran sila habang bitbit ang anak ko.

Napatingin pa ako kay Drake na nasa pintuan na parang nagso-sorry. May dala siyang mga files mukhang may ibibigay siya kay Mrs. Kei. Ngumiti lang ako sa kaniya.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay sumunod na sina Josef at Peter sa akin at pumasok kami sa may lift. Pumunta silang dalawa sa likuran ko at kami ni Nikko ang nasa unahan.

“May anak ka na pala, Lorelei?” tanong ni Peter kaya bahagya akong napalingon sa kaniya.

“Yeah...” Tumingin ako sa baby ko na nakatingin sa kanila. “Say hi to them,” utos ko sa kaniya.

“Hi,” malambing na boses ng anak ko, kaya mabilis ko siyang hinalikan sa kaniyang pisngi.

“How old is he?”

Natigilan ako sa pagngiti dahil sa tanong ni Josef. Hinarap ko siya at ngumiti. “2 years old na siya.”

“Tow tow,” paulit-ulit na sambit ng anak ko. Means two. Itinaas niya pa ang kaniyang kamay para ipakita ang two.

Wala akong pakialam kung maghinala siya na anak niya si Nikko. Sasabihin kong anak ko lang dahil nagpakatatay siya sa iba. Samantalang sa tunay niyang pamilya ay niloko niya. Kuntento na ako sa anak ko. Sa loob ng tatlong taong dumaan, nahirapan ako, inaamin ko ‘yon. Kaya sapat na sa akin si Nikko.

Huli ko na rin nang malaman na buntis ako. 4 months na ang tiyan ko no‘n nang malaman ko. 4 months after our separation.

“Hi, baby what’s your name?” tanong naman ni Peter. “Pa.nga.lan.”

Tumingin sa akin si Nikko at hinaplos ang mukha ko. Mukhang nahihiya siya. “My! My!” bulong niya.

“Your name is Nikko, baby.” He giggles.

Saktong bumukas ang lift kaya agad na ring kuming lumabas. Dumiretso kami kaagad sa may coffeeshop na nasa loob ng company namin. Buti na lang at kakaunti lang ang mga taong nandito.

Pinaupo ko si Nikko sa may hita ko nang makaupo ako.

“Uhh, Ms. Lorelei isama ko si Nikko sa pag-order. Ano’ng gusto n’yo? Para makapagsimula na rin kayo sa meeting,” sabi ni Peter.

I smiled at him. “Capuccino na lang akin,” sabi ko.

“You don’t drink coffee...” Napatingin kami kay Josef na seryosong nakatingin sa akin.

“People change.” Nakita ko kung paanong umigting ang kaniyang panga.

Ang kape ang naging sandalan ko habang gumagawa ako ng mga projects. Nakatulong sa akin iyon para gumaan ang pakiramdam ko.

“Ano sa ‘yo, bro?” tanong sa kaniya ni Peter.

“Chocolate.”

Kinarga na ni Peter si Nikko at buti nga ay sumama. Akala ko ay kailangan pa siyang pilitin pero hindi dahil kusa rin siyang sumama lalo na nang marinig ang ube cake.

Nang makaalis si Peter ay kinuha ko na ang clipboard sa bag ko at naghanda ng ballpen.

“Anak ko si Nikko...” Napaangat ako ng tingin kay Josef. Hindi tanong iyon kung but stating a fact. “Anak natin.”

“Ha?” taka kong tanong sa kaniya. “Sorry to pop your bubbles, Mr. Josef but he’s not your son, he’s my son.”

Kumunot ang kaniyang noo. “T–tinago mo siya sa akin? Para saan?”

Napabuntong-hininga ako. “Pag-usapan na natin ang details ng project na pinapagawa mo. We should set aside the personal and work. Before I forgot, we don’t have a business outside kaya stop asking me things.”

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin at pinaglalaruan ang kaniyang ibabang labi. “Why? Takot ka bang kuhain ko siya sa ‘yo?”

Pagak akong natawa. “Bakit? Anak mo ba siya? Anak ko siya kaya wala kang karapatan na kuhain siya sa akin.”

Napailing siya at hindi makapaniwalang napasinghap. “Damn, Lori. We’re still married and I have rights to that child. Ngayong alam kong anak ko si Nikko, gusto ko siyang makilala.”

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya! Para siyang tanga talaga. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin... Sa amin ng anak ko. Ganiyan ang sasabihin niya? Baliw ba siya?

“Sa iba ka nagpakatatay, Josef kaya manahimik ka na lang.”

“No. You should listen to my reasons first before judging me. Hindi ‘yong iniwan mo na lang ako na parang bula.”

“Bob* ka? Paanong hindi ka iiwan, e niloko mo ako!” mahina kong sabi sa kaniya pero pagalit.

Ayaw kong marinig ng iba nag-aaway kami. Marami pa naman ang chismosa sa paligid.

“Wala kang karapatan sa anak ko...” Tumingin ako sa clipboard. “Pag-uusapan pa ba natin ‘tong project mo o sa kakaganiyan mo ay irerecommend na lang kita sa iba?pananakot ko.

“You said earlier, we should separate the personal and work. But today, I want to know about our son.”

Talagang ginigiit niya na sa kaniya ang bata? Ang kapal ng mukha niya. Ang kapal-kapal.

“Ilang beses ko bang uulitin na wala kang anak!”

Hindi siya nagpatinag sa sinabi ko. Kitang-kita ko kung paano mamuo ang mga luha niya. “He got my eyes and my lips and still fooling me that he’s not my child? Oh, come on! Stop hiding him from me. Pakinggan mo ako, Lori. Handa na ang explanation ko.”

Umiling ako at mapait na ngumiti. “No, hinding-hindi ko ‘yan gagawin. Hinding-hindi na ako makikinig sa ‘yo. Minsan na akong nakinig sa ‘yo pero ano? Nasaktan lang ako. Stop fooling yourself. Wala tayong anak...” Humugot ako ng lakas ng loob.

Ilalabas ko na ang huli kong alas para tuluyan na siyang hindi magtanong. “Hindi mo anak si Nikko. Anak ko siya sa ibang lalaki.”

Biglang tumulo ang mga luha niya. “I don’t believe you,” aniya.

“Ano’ng akala mo? Hindi kita mapapalitan kaagad? Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo.”

✧・゚: *✧・゚:*

Continue Reading

You'll Also Like

670K 5.6K 12
Klinn promised himself he'd never fall for his fake girlfriend no matter what, until the changes in Cassy's behavior drove him crazy for her. But wha...
31.6K 513 26
Pretender Series || Salazar Cousins #1 Study first. That's who she is. But eventually broke that rule for him and yet he failed her. She wasn't reall...
1.8M 36.7K 31
The hiring process is now officially open. Are you interested in applying to be Treivhor Conzego's wife? He is a cold yet carrying single dad and a t...
39.3K 545 12
Pinangarap ni Lyneth Jernaez na makatagpo at makapangasawa ng lalakeng kagaya ng kanyang ama. Ngunit nang mapagbintangan ang Daddy niya na ito umano...