IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

1M 36.6K 9.5K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 33

14.7K 548 141
By ImaginationNiAte

KABANATA 33:

Ilaria POV

          "THIS is the last time you will hear my voice. Thank you for everything," umiiyak kong sambit bago mabilis na pinatay ni Rosales ang kanyang cellphone para putulin na ang pag-uusap naming dalawa ni Samael.

Sinusubukan kong magpakatatag at maging matapang. Kahit na umiiyak at nanginginig na ako sa takot ay nagawa ko pa rin na tignan ng masama ang lalaking ito! Ang lalaking minahal ko at lubos kong pinagkatiwalaan. Hindi ko ine-expect na magagawa niya sa akin 'to! Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng matinding galit at pagkamuhi sa kanya.

"That's it, you are really a good girl. Talagang pinalaki kang mabait at masunurin ni Samael," nakangisi niyang turan sa'kin dahilan para magtawanan ang mga kasama niya.

Marahan pa niyang pinat ang ulo ko ngunit masamang tingin lang ang ipinukol ko sa kanya. Matalim ko rin na tinignan ang babaeng nakangisi rin sa'kin ng nakakaloko. Naka-kandong ito sa kanya habang ang hawak niyang baril ay nakatutok sa aking ulo.

Kaya wala akong ibang choice, kundi sabihin 'yon kay Samael. Sabihin na mahal ko si Rosales at nakikipagtanan na ako sa kanya pero ang totoo ay hindi. They kidnapped me! Hindi ko gustong sabihin 'yon kay Samael at saktan ang damdamin niya.

Ngayon ay naiiyak ako dahil paano kung maniwala siya sa mga sinabi ko? Paano kung kamuhian ako ni Samael? Nangako pa naman ako sa kanya na hindi ko siya iiwan. Nagbitaw ako sa kanya ng pangako na mananatili ako sa tabi niya.

Hindi ko gustong sabihin iyon sa kanya. Pinalabas ng mga hayop na 'to na planado ko itong lahat, na gusto kong sumama kay Rosales. That I ran away from Samael but hell no! Never kong gagawin na umalis sa tabi niya. Never kong gugustuhin na sumama sa isang sinungaling na demonyo!

Nawalan lang ako ng choice. Pinilit nila ako na sabihin 'yon at palabasin na nakipagtanan ako sa walanghiyang Rosales na 'to para saktan ang damdamin ni Samael. Gusto nilang lahat na makitang nasasaktan siya at masiraan ng ulo. Pero anong magagawa ko? The gun was pointed at my head. Tinakot nila ako na kapag hindi ko iyon sinabi ay papasabugin nila ang bungo ko.

"I hate you," may bahid na galit kong sambit sa lalaking ito pero nginisian lang niya ulit ako.

"I know, my princess.." he said, "Pero wala ka ng magagawa, wala rito ang prince charming mo para iligtas at protektahan ka." dagdag niya kaya muling nagtawanan ang mga kapwa niya mga demonyo.

Sunod-sunod naman na nagsibagsakan ang mga luha ko. Halos hindi ko na siya makilala. Parang hindi siya ang lalaking minahal ko. Ibang-iba siya ngayon kumpara sa nakikita ko sa kanya noon. Parang hindi siya ang Rosales na nakilala ko. He was so sweet and had such an innocent face. Pero ngayon? It was like I was facing a demon.

Isa siyang psycho! A fucking loony!

Tama nga ang mga sinabi nina Manang Aming sa akin, masyado akong inosente at mabait dahil mabilis akong maloko. Masyado rin akong nagpapaniwala agad sa kung ano ang ipinapakita ng mga tao sa akin.

Ngayon ay naiintindihan ko na si Samael kung bakit mas gusto niyang manatili lang ako sa Mansyon. Dahil 'yon sa mabilis akong lokohin. Ayaw rin niya na gamitin ng mga tao ang kabaitan ko. Natatakot siya na baka masaktan ako.

He cupped my cheek as a silly grin remained on his lips. Gustuhin ko man na tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko ngunit hindi ko naman magawa. Shit! They tied both my hands behind my back. Hindi ako makawala sa pagkakagapos nila sa akin.

Kaya ang tangi ko na lang na nagawa ay mapaiyak, tignan sila ng masama at manalangin na sana.. sana hanapin pa rin ako ni Samael kahit pa na inakala niya at napaniwala ko siyang nakipagtanan ako sa bwisit na Rosales na ito kahit hindi naman talaga. Mahal niya ako at may tiwala ako na hahanapin niya ako.

"B..Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong ko sa kanya.

"Sorry, my princess. But money and fame are more important to me than you," turan niya kaya nasaktan ako sa sinabi niya.

Lumuluha ko siyang tinignan, "M..Minahal kita.. pinagkatiwalaan..!" mapait kong saad sa kanya.

Bahagya siyang humalakhak, "You really fell for me harder, didn't you? Ang bilis mong mauto, masyado kang inosente my princess. I'm good at acting, pretending, but the truth is that you are nothing to me. Binayaran lang naman talaga ako para mag-ispiya sa inyo. Para alamin kung ano talaga ang kahinaan ni Samael at syempre para na rin mabayaran ang pagkakautang namin.."

"May ibang tao lang talaga na gustong sirain at pabagsakin ang prince charming mo. At ang taong 'yon ang nagbayad sa'kin para gamitin kita. Maganda ka naman sa totoo lang, mabait pa. Pero trabaho lang talaga ang lahat, my princess. Niligawan kita, naging tayo, naging sweet ako sa'yo. Umakto ako na parang isang mabuting boyfriend pero hindi ibig sabihin 'non ay may gusto na talaga ako sa'yo. That's just part of my job, to make you fall for me." mahaba pa niyang dugtong.

Nginitian naman ako ng babae niyang naka-kandong sa kanya, "Sorry, dear. But I'm really his legal girlfriend." sambit niya.

Naiyukom ko ang kamao ko nang matapos niyang sabihin 'yon ay harap-harapan ko pa silang dalawa naghalikan. Ipinakita nila sa'kin kung paano nila halikan ang isa't-isa na halos gumawa na sila ng milagro sa harapan ko. Tumigil din naman sila agad. Akala naman nila ay maiinggit ako sa kanila.

Am I just nothing to him? Hindi ko alam pero mas lalong dumoble ang dumaan na kirot dito sa dibbib ko. Hindi ko inaasahan na maririnig ko 'yon galing mismo sa kanyang bibig. Matapos lahat ng mga pinagsamahan naming dalawa?

He's a jerk!

Mapakla na lang tuloy akong natawa sa isipan ko. Oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan. He was a spy, he just used me. Binayaran lang siya. Ako ang ginagamit nila ngayon para pabagsakin si Samael.

Kaya ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Ako lang naman itong nagmahal sa aming dalawa at iyon ang higit na masakit para sa'kin.

Pero narealize ko na mali na mahalin siya. Natauhan ako, parang may malaking bato ang pumukpok sa ulo ko. Siya ang tipo ng lalaki na hindi dapat mahalin. Nagkamali ako ng lalaking minahal, pinakisamahan at pinagkatiwalaan.

Galing na nga mismo sa bibig niya, inamin na niya na ginamit lang niya ako at wala naman talaga siyang gusto sa akin. At nagsisisi ako na nagmahal ako ng tulad niya!

"Yes, you are the legal girlfriend but you are nothing but a stinking piece of trash. Bagay kayo nitong boyfriend mo, pareho kayong patapon!" nakangisi kong saad dahilan para umasim ang pagmumukha ng babaeng 'to bago ko binalingan ng tingin si Rosales.

"Tama ka, masyado nga siguro akong inosente at uto-uto. Tama rin ang sinabi ni Samael sa akin, you are nothing and worthless. You're not worth it, you don't deserve to be loved by me. I'm ashamed of myself for trusting you. I regret everything especially that I met an asshole like you. Mabuti na lang talaga ay nakipag-break na ako sa'yo." punong-puno ng galit kong sambit na nagpatahimik sa kanya.

"Mabilis mo nga siguro akong napaniwala sa lahat ng mga kasinungalingan mo at sa pagpapanggap mo, ngayon ay nagsisisi ako na nagtiwala at minahal kita. I'm sick of you! Dapat ka lang na isuka at kamuhian!" matapang at nanggagalaiti ko pang sigaw sa kanya.

I spat on his face. Dahil sa ginawa ko kaya napasinghap sa gulat ang mga kasama niyang mga armado. Hindi ako dapat matakot sa kanila at mas lalong wala akong dapat ikatakot sa kanila. Naalala ko ang mga tinuro at sinabi ni Samael sa'kin. I shouldn't show them my weakness. I shouldn't be afraid of them, they should be the ones to be scared now and start hiding to save themselves.

Nakita ko kung paano lumukot ang noo ni Rosales, halata ko naman na hindi niya nagustuhan ang mga masasakit na salitang binato ko sa kanya lalo na ang pagdura ko sa kanyang pagmumukha. Pero mas masakit ang ginawa niya sa akin.

Nagkamali ako ng lalaking minahal at pinaglaban. Kung pu-pwedeng ko lang sana ibalik ang nakaraan para maitama ko ang lahat. Pero kasalanan ko rin naman. Kung nakinig lang sana ako kina Samael, kung pinakinggan ko lang sana lahat ng mga sinabi nila. Pero kahit na huli na ang lahat at nagsisisi ako ay at least napagtanto kong hindi niya deserve na mahalin!

"You bitch!" asik ng babaeng nakaupo sa kanyang kandungan.

"Go ahead, try it bitch! Slap me and you'll end up in the coffin!" lakas-loob kong sigaw sa babaeng ito nang bigla siyang tumayo at inangat ang kamay niya para sana sampalin ako pero hindi niya nagawang ituloy.

Nakita ko na nagdadalawang-isip siya kung sasampalin ba niya ako o hindi. Sa tingin niya ba ay matatakot niya ako? Hell no! Subukan lang nilang saktan ako, dahil kapag nakatakas ako rito ay sisiguraduhin kong may kalalagyan silang lahat! Siguro naman ay alam nila kung paano magalit si Samael, 'di ba? Huwag lang talaga nilang hayaan na makawala ako rito.

Inis na lamang siyang bumuntong-hininga nang ibinaba ni Rosales ang kamay niya. Inirapan pa ako ng lintek na babaeng ito bago siya muling naupo sa kandungan ni Rosales.

"Ang tapang mo na ngayon ah? Ano bang ipinagmamalaki mo, eh hindi ka naman tunay na isang Lazarus? Ampon ka lang naman, 'di ba?" Ani Rosales.

I know he will bring it up.

Tama nga ang nasa isip ko. Alam niya na isa akong ampon dahil masyado akong nagtiwala sa kanya at sa katangahan ko ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol doon. Kaya heto, binuksan niya ang topic tungkol sa akin. Na ampon lang ako.

"And so? I'm still a Lazarus," sagot ko.

Pinakita ko sa kanya na wala akong pakialam kung alam niyang ampon ako. Wala akong dapat ikabahala o ikatakot. Sina Samael at Kuya Palermo na ang nagsabi sa akin na isa pa rin naman akong Lazarus. I'm still part of their family no matter what happens.

"Kakausapin ko lang saglit si Boss, bantayan niyo ng maigi ang babaeng 'to. Siguraduhin niyong hindi siya makakatakas," tanging nasabi na lang ni Rosales bago siya tumayo.

Iritado ko na lamang silang tinignan nang umalis na sila sa harapan ko at iniwan akong mag-isa sa kwartong ito. Hindi naman kasi ako nag-eexpect na papakawalan nila ako. May rason sila kung bakit nila ako dinala rito. Hindi ko lang alam kung saan ba nila ako dadalhin at ano ba talaga ang kailangan nila sa akin.

Marahil ay dahil napag-alamanan na nila kung ano ang kahinaan ni Samael. 'Yon ay ako. Ako ang gagamitin nila para pabagsakin siya. Basta ang alam ko lang ngayon ay isinakay nila ako rito sa isang yate at wala na akong ideya kung saan kami papunta.

Jusko! Kidnapping na itong ginagawa nila sa akin! Hinihiling ko lang na sana ay hindi magalit si Samael sa akin --- na sana hindi niya ako kamuhian. Umaasa rin ako na sana hanapin niya ako. May tiwala ako sa kanya, alam kong hahanapin niya ako.

Pero iniisip ko pa lang 'yong mga sinabi ko sa kanya kanina habang kausap ko siya sa phone ay nanghihina na ako at nawawalan ng pag-asa. Paano kung maniwala talaga siya na nakipagtanan ako kahit hindi naman? Galit na kaya siya sa'kin ngayon? Just thinking that he hates me makes me cry.

Hindi ko naman talaga gustong sabihin 'yon sa kanya. Tinakot ako nila Rosales, inutusan nila akong sabihin 'yon at worst ay tinutukan pa nila ako ng baril sa ulo para saktan ang damdamin ni Samael kaya wala akong ibang nagawa kundi sabihin 'yon na pawang mga kasinungalingan lamang.

Gusto nilang palabasin na planado ko ang lahat, na ginusto kong sumama kay Rosales at balak ko talagang umalis sa poder ni Samael kahit hindi naman! I really have no plans to run away from him. I want to stay with him. Nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwan at may balak ako na tuparin iyon. Siya lang ang meron ako.

Pero ito naman ang nangyari sa'min. Obvious naman na hindi lang basta balak nina Rosales na pabagsakin si Samael, balak din nilang saktan ang damdamin niya at magkasira kaming dalawa. Palaisipan tuloy sa'kin kung sino ba ang boss niya. Narinig ko siya kanina, may binanggit siyang boss. Pero sino naman kaya 'yon?

Mga Cardinal kaya?

Nawala lang ang malalim kong iniisip nang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang armadong lalaki. Tinanggal nila ang pagkakagapos ng dalawang kamay ko sa kinauupuan kong silya bago nila ako hinatak palabas ng kwartong 'yon.

Dinala nila ako sa itaas nitong yate at doon ko sila natagpuan. Napansin kong may kausap si Rosales sa cellphone niya habang ang basura niyang legal na girlfriend ay parang tuko na nakalingkis sa kanyang braso. Nginisian pa ako ng babaeng 'yon at hinalikan pa sa pisngi si Rosales habang nakatingin sa'kin.

As if naman na magagawa niya akong inggitin. Wala rin naman akong dapat ikainggit sa kanya. Tsk, de hamak na mas maganda naman ako kaysa sa kanya na tila ginawa na yata niyang coloring book ang pagmumukha dahil sa kapal ng kanyang make-up.

Kaya ano bang nakakainggit sa kanya? Hindi naman siya maganda, mukha nga siyang imburnal eh! At saka wala rin akong nararamdaman na selos. Inis meron, dahil naiinis ako sa pagmumukha nila.

"Saan niyo ba kasi talaga ako dadalhin?! Wala naman kayong mapapala sa'kin eh!" hindi ko na napigilan na itanong 'yon sa kanila.

Nilingon naman ako ni Rosales, pati na rin ang mga kasamahan niya. Hanggang ngayon ay umaandar pa rin itong yate at hindi ko alam kung saan ba kami papunta.

"Yes, boss. She is with us." rinig kong salita nitong gago kong ex. Hindi ko alam kung sino ba ang kausap niya sa phone at kung sino ba ang boss na tinatawag niya.

"Okay, boss. Ligtas po namin siyang madadala riyan," muli niyang salita bago niya pinutol ang tawag. Ligtas na madadala? Ako ba ang tinutukoy niya?

"Boss? Ang Cardinal ba ang kausap mo?" pagtatanong ko sa lalaking 'to.

"Nope. Bakit ko naman magiging Boss ang mga Cardinal?" tanong niya.

Napa-tsk naman ako, "Of course! Sila lang naman ang mag-uutos sa'yo para mag-ispiya sa'min at para pabagsakin si Samael. Mas lalong para kidnapin ako," galit kong asik sa kanya.

Naalala ko ang mga ikinuwento ni Samael sa'kin. Nag-imbestiga sila at nakita si Rosales na kausap ang mga tauhan ng mga Cardinal. Malaki pa nga ang pagkakautang nila Rosales sa kanila, 'di ba?

"You know what, my princess? Marami ang gustong pabagsakin ang mga Lazarus lalong-lalo na ang Samael na 'yan. Marami sa underworld ang gusto silang masira. Hindi lang naman ang mga Cardinal ang gustong sirain ang pamilya niyo, or let's just say sa prince charming mo." aniya at ngumiti ng mala-demonyo.

Naiinis ako kapag tinatawag niya akong my princess. Parang ang sakit sa tenga na marinig 'yon! Kung dati ay kinikilig ako sa tuwing tinatawag niya ako 'nun, sa ngayon ay hindi na! Parang gusto kong maduwal!

Ngunit nangunot ang noo ko sa labis na pagtataka. Anong ibig niyang sabihin? Don't tell me na hindi ang mga Cardinal ang nag-utos sa kanya na gawin ang lahat ng ito? May iba pa ba siyang amo na nasa likod ng lahat ng ito?

"Well, nabanggit mo na rin naman ang mga Cardinal. Actually, may malaki rin na pagkakautang ang pamilya ko sa kanila pero nabayaran na namin 'yon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit 'nong isang araw ay lumapit sila sa akin at nagtatanong tungkol sa'yo.." aniya kaya lalong nangunot ang noo ko.

Nagtatanong tungkol sa'kin? Bakit naman? Ano naman kaya ang kailangan ng mga Cardinal sa akin? Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip. Parang ang dami naman yatang nangyayari ngayon. Gulong-gulo na rin ako, gusto kong malaman kung sino ang boss niya!

"Sa katunayan nga niyan ay palaisipan din sa'kin kung paano nila nalaman na may relasyon tayo. I wonder why they are interested about you. Isa pa naman ang mga Cardinal na kinakatakutan din sa underworld. Apart from the Emerson family, the Cardinal is also one of the mortal enemies of the Lazarus.." mahaba niyang turan na tila nagtataka rin kung bakit nga ba nagtatanong ang mga Cardinal tungkol sa akin.

Kahit ako ay hindi ko rin mapigilang magtaka at mapaisip. Ano naman kaya ang kailangan nila sa akin? Gagamitin din ba nila ako, gano'n ba? I sighed. Ewan! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip.

"I guess, there are many enemies of Samael out there who want to use you against him. Ikaw lang ang nag-iisang susi para pabagsakin siya. Sayang nga lang, nauna na kami sa'yo." saad niya pa at ngumisi kaya nagngitngit ako sa sobrang inis.

"Sino ba kasi talaga ang boss mo?!" galit kong katanungan sa kanya.

"Don't worry, makikilala mo rin siya. Actually, gusto ka na niyang makita kaya dadalhin ka namin sa kanya. Sa ngayon, kailangan mo lang munang matulog para makapagpahinga ka. Mahaba-haba pa ang iba-biyahe natin," sagot niya kaya nagkasalubong ang aking kilay.

"What do you mean?" pagtataka ko. Anong ibig niyang sabihin na kailangan kong matulog at mahaba-haba pa ang iba-biyahe namin? Saan ba kasi talaga nila ako balak dalhin?

The jerk smirked, "We will take you to the Philippines, my princess."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa Pilipinas?! Bago pa ako maka-react ay may isang lalaki ang agad na lumapit sa akin. At dahil hawak ako ng dalawang lalaki sa magkabila kong braso ay hindi ko tuloy magawang makawala sa kanila.

"Anong gagawin mo?!" malakas kong tanong sa lalaking lumapit sa akin pero hindi niya ako sinagot. Para bang wala siyang narinig.

"Let me go!" sigaw ko ngunit mahigpit lang din nila akong hinawakan kahit na nagpupumiglas na ako.

Nagulat na lang ako nang makita ko kung ano ang hawak ng lalaking 'to. Isang injection?! The fuck?!

"Ano 'yan?! Shit!" I cursed bago pa man tinurok ng lalaking 'to sa akin ang injection na 'yon na hindi ko alam kung ano at para saan.

Hindi ko alam kung ano 'yon pero maya-maya lang ay naramdaman ko na lang na nahihilo ako. Bigla akong nanghina, narinig kong nagsalita si Rosales pero hindi ko maintindihan kung ano ang sinabi niya. Nag-e-echo sa pandinig ko ang mga boses nila.

Ilang segundo pa ang lumipas hanggang bumigat ang talukap ng dalawa kong mata. My vision started to blur to the point that I couldn't see them properly --- until everything went blank.

#

Continue Reading

You'll Also Like

6M 156K 57
[Filipino Book] In every challenges. There's a hope. In every tears. There's a smile. Through the ups and down of her life , Maria Isabella accepted...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
655K 17.1K 35
Isang tahimik na lalaki si Aqua Ching. Sa trabaho, alak, at babae lamang umiikot ang buhay niya. Sa kabila ng payapa niyang buhay, ay may mabigat siy...
497K 19.4K 47
Matandang panot . . . Malaki ang tiyan . . . May gintong ngipin . . . 'Yan ang pagkikilala ng lahat sa isang ex-convict na si Xillian. But they are...