Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

396K 11.9K 2.2K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 26

7.5K 212 23
By waurdltsj

"I am still not convinced at the fact that this girl will start to live with you just like that."

Magka-krus ang mga braso ni Sidra habang nakatingin ng matalim kay Sienna na ngayon ay pinagmamasdan lang ang bago nitong manicured nails.

Kararating lang namin ni Sidra dito sa lobby at naabutan nga namin dito si Sienna na kakarating lang din. Nagpunta daw kasi siya sa salon muna at doon na lang nag aksaya ng oras dahil masyado daw boring if tutunganga lang siya dito sa lobby.

"Excuse me, Sidra, hindi kami talo niyang jowa mo. Kung maka-angal ka naman," irap nitong isa at pinagkrus din ang mga braso.

Nagsisimula na naman sila mag sukatan ng tingin habang ako ay nagsisimula na din uminit ang ulo at ma-stress sa nangyayari.

"Okay, that's enough. We need to rest," sabi ko bago tumingin kay Sidra na ngayon ay sa akin na nakabaling ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo nito, "Are you guys going to sleep beside each other?"

Akmang magsasalita na ako nang maunahan na naman ako ni Sienna. Sinamaan ko na ito ng tingin dahil magiging dahilan na naman iyon para mag away sila. Anak ka talaga ng tokneneng!

"Yes!" Nakangisi ito ngayon, "In fact, we will cuddle—"

"You little fucker—"

"Pwede ba?!" Naiirita ko nang suway sa dalawa. Tumigil naman sila pero ang tatalim pa din ng tingin sa isa't isa.

Napahinga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Gosh, gusto ko lang naman magpahinga pero bakit may pa ganito pa?

"Sienna, can you please?" Pagsuway ko kay Sienna kaya napairap ito at nauna na sa paglalakad.

"Whatever."

Bumaling ako kay Sidra and saw that she's still throwing daggers at Sienna's back while still holding my waist, possessively.

Napabuntong hininga ako, "Sidra, will you look at me?"

Binaling naman nito sa akin ang nakakunot nitong noo bago ibuka ang bibig na parang may sasabihin pero naunahan ko na siya.

"Do you trust me?"

Mabilis pa sa alas kwatro itong tumango at sumagot, "Of course, I trust you! 'Yung babae na 'yon ang hindi ko pinagkakatiwalaan."

Medyo natawa pa ako nang marinig na medyo nabulol siya sa huling word na sinabi bago mapailing.

"Sienna's my friend, er.... kind of. You don't have to worry," malumanay ang boses ng sabihin ko iyon kaya napabuntong hininga siya.

"Still, whatever," umirap ito bago hawakan ang likod ng aking ulo para ilapit ang aking noo sa kaniyang labi para bigyan ako ng halik sa noo nito, "If she does something, tell me so I can fight."

Sinuntok ko ito sa braso na nagpadaing sa kaniya, "Basagulera." I uttered na ikinatawa lang niya bago ako hawakan sa aking lower back to guide to go to the elevator.

Habang tinatahak namin ang papunta sa aking unit ay tinanong ako nito kung anong nangyari sa aking araw at iyon nga ang mga sinabi ko na masyado akong mainit ang ulo. She just nodded her head before apologizing again. Kanina pa nga niya ginagawa iyan kahit nung nasa kotse kami.

Everytime she have the chance to say it, sinasabi niya talaga. Hindi ko alam ang nararamdaman ko habang sinasabi niya iyan.

Actually, I was still hurt by this situation we are currently in. Sino ba naman kasing gusto na malaman na nasa unofficially arrange marriage na pala girlfriend mo pero sumugal ka pa rin? Though she said that she will do something about it, it actually scares me.

What if she got hurt? Sidra always tends to put someone first before herself. Yes, she fought for us but what if she loses herself while doing that.

I trust Sidra but sometimes natatakot na din ako kung anong mangyayari sa kaniya. Her father is a powerful man. Kilala siya sa maraming business at sikat din, parang mala-Sidra din ang pinagkaiba lang ay mas mabuting kalooban si Sidra.

"What's going on in that beautiful mind of yours?"

I was interrupted with my thoughts when Sidra held one of my cheeks. She looks concerned but she still gives me a small smile that makes my heart feel at ease.

"Wala naman, ano lang— wait, is that–" napaawang ang aking labi when I saw Sienna leaning on the wall while kissing someone.

I heard a hissed at my back and she just blocked my eye using one of her hands na nagpatigil sa akin.

Tangina, ba't niya naman tinakpan mata ko? Nanonood 'yung tao.

"Gosh, this people— wait, is that—" naramdaman ko ang pagluwag ng kamay nito sa aking mata kaya naman ako na mismo ang nagtanggal ng kamay nito at nagulat din when I saw who is Sienna's kissing.

"Miss Gomez?" Sabay na usal namin ni Sidra and that's when the two of them stop what they're doing and look at us wide eyed while their hair is disheveled.

"Fvcking shit."

"I–I, wait—" si Sienna, na hindi alam ang gagawin habang si Miss Gomez ay inaayos ang butones ng kaniyang polo.

"Holy shit. That was—" usal ni Sidra ng hindi makapaniwala pero agad din pinutol ni Miss Gomez.

"Hot?" Si Miss Gomez na nakangisi sa amin pero ang kaba ay hindi mawawala sa mukha. Patingin tingin ito kay Sienna at sa amin o sa akin na minsan ay tatalim. Ewan ko kung bakit.

Narinig ko ang paulit ulit na mura ni Sidra bago ilapit ang bibig nito sa aking tenga para may ibulong sa akin.

"And that is why I don't want that kid to be your roommate."

Kunot noo ko itong binalingan, "Why?"

She suddenly smirked, "I'm afraid she'll make you wild just like earlier— aray!" Hinampas ko agad ito sa braso ng sambitin niya iyon.

Inirapan ko ito dahilan ng pagnguso nito sa akin. Hindi ko na ito pinansin at bumaling na lang sa dalawa na ngayon ay parang mga tutang napagalitan.

"You should be thankful that we are the one who saw you! Gosh, what if iba nakakita sa inyo?" Nag aalburoto kong saad habang pabalik balik ang lakad dito sa living room ng aking unit.

Pinauwi ko na si Sidra or pinapunta rather sa bahay nila Adira para sumamang mag asikaso. It's their last day na rin kasi dito and for sure marami na naman tao doon.

Ayoko naman na muna pumunta doon dahil may kailangan pa akong i-revise na chapter sa aming paper though some of them are minor mistakes, I want it to be perfect.

Isa pa, ayoko din makita 'yung tatay ni Sidra at baka masampal ko lang dahil sa mga pinapagawa nito sa anak niya.

"Chill ka lang—"

"Chill?! Sienna, the woman you're making out with is a professor in our university and a famous CPA in this country!" Paalala ko dito pero nagkibit balikat lang ito at uminom ng tubig.

"I don't care. She's the one who kissed me," parang normal lang sambit nito bago ngumisi sa akin na parang nang aasar.

Inirapan ko naman siya at naupo ako sa tabi nito, "Yeah and you know she has this rumored boyfriend." I said while doing the quotations in the air that made her smile fall.

Nakita ko ang pagbalatay ng gulat, gulo bago mapunta sa sakit ang mata. Nagulat din naman agad dahil akala ko ay alam niya na. Mukhang hindi pa ata.

"S-She has?" Na-guilty naman ako when I saw her pained expression with what I said. I guess hindi pa niya alam.

Hindi ko naman intensyon na saktan ang damdamin niya or iwasan niya si Miss, ano po. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ayoko naman na lalo siyang umasa doon sa tao.

"Yeah, it's circulating in the media right now that's why I was so shocked when you told me the reason why you're moving here and with what happened earlier."

"O-Oh." Damn.

"Sienna—"

"I'm gonna wash up. I feel so sticky," sabi nito at dali daling tumayo bago kunin ang cellphone na nasa counter. Pinanood ko lang naman ang bulto nito na papalayo bago mapatingin sa kawalan at napabuntong hininga.

"Where's my room? Don't tell me tabi tayo—"

"Left side, brown door! It's unlocked!" Gulat kong sigaw dito. Bigla bigla ba naman sumigaw.

Muli akong nagulat nang marinig ang alarm ng aking cellphone, hudyat na kailangan ko na kumain pero wala pa akong naluluto gawa nito ni Sienna.

Whatever, I'll just order food online.













Lumabas na ako ng kotse ni Papa nang makarating kami sa bahay nila Adira ngayong umaga. It's her parents' burial today and I need to make sure my best friend is okay.

Yes, kasama ko si Papa dahil kahit papaano ay may kaunting respeto pa din naman ito sa dati nitong kaklase nung sila'y high school, hindi man sila naging mag kaibigan.

How did he convinced me? Well, wala din naman akong sasakyan para makapunta sa lugar na ito dahil hindi ako masusundo ni Sidra. Umuwi pa ito ng kaniyang rest house para mag impake ng dadalhin sa Batangas. Doon niya na kasi nilalagay ang mga gamit dahil malapit na din daw siya umalis sa puder ng tatay niya.

Agad kong nabungaran sila Soleil sa living room nila Adira. Nandoon din ang kambal na kapatid nito, na ngayon ay pugto ang mata marahil ay sa kakaiyak.

"I'll be back," sabi sa akin ni Papa at tinuro ang mga kasamahan nitong doctor na nandito din sa bahay nila Adira. Tumango na lang ako at pumunta sa pwesto nila Soleil.

Nang makita nila ako ay agad nila akong binati ng yakap at halik sa pisnge habang may malulungkot na ngiti sa labi. Ganon na lang din naman ang ginawa ko bago ibaling ang tingin kay Soleil.

"Si Adi?" Tanong ko that made them smile sadly.

"In her room. She's crying nonstop since last night," malungkot na pahayag ni Kuya Tyson bago ngumiti ng maliit.

"Thank God Miss Ferrucci is here. Hindi ka na namin kailangan tawagan to comfort her. Nasabi kasi sa amin ni Sidra na pagod ka so we didn't bother to call you."

Napatango ako at tiningnan ang kwarto ni Adira. I sighed bago naupo sa sofa, sa tabi ni Felicity at akmang kukuha ng kinakain nitong pringles pero agad din nitong hinampas ang kamay ko.

"Aray!" Angil ko, "Pahingi lang e!"

"Bumili ka ng iyo! Hilig hilig niyo manghingi!" Nakabusangot ang mukha na sabi nito bago ilayo sa akin ang pagkain.

Kainaman.

"Here they are," Ate Belle blurted out habang nakatingin sa pintuan.

Napatingin din naman agad kaming lahat doon at nandoon na nga ang mga kapatid nila Tito at Tita while wearing black suits and dresses. Ang iba ay nakalagay ang shades sa itaas ng ulo nang makapasok.

Nandito din ata ang mga side ni Tita and they are all smiley just like her but with a cold demeanor. Hindi ko alam kung kakabahan ako o hindi.

Nakita ko din ang pagpasok ni Sidra sa loob ng bahay. Nakalugay ang buhok nito habang hawak ang susi at helmet sa isang kamay. Napahagod ito ng buhok para ayusin iyon bago tumingin sa aming direksyon.

She is wearing a white shirt underneath, tucked in her fitted maong pants with a Gucci belt on while wearing her black bomber jacket.

Gorgeous is an understatement to say while looking at her in this outfit.

"Naks! Pogi ng kapatid— aray! Tito!" Angil ni Soleil nang batukan siya ni Tito Roman, tatay nila Felicity, while having a smirked on his face.

Ito 'yung Tito nila na jolly at palagi lang masayahin. He's one of the most famous painters in this country. Unlike his siblings na sa business or sa pagiging doctor lang nag focus, siya ay mas ginusto ang profession na gusto niya. He's someone they looked up to dahil he's the only one who did not follow his parents steps in their business.

"Inggit ka naman sa kapatid mo," mapang asar ang tinig nito kaya natawa kami except kay Soleil dahil inaasar na naman siya ng Tito niya. Si Tito Roman lang talaga nakakapang asar dito ng matindi kay Soleil e.

Napatigil ako sa panonood sa kanila when I felt a hand on my lower back.

"Good morning, honey," then a soft kiss on the side of my head, "Have you had your breakfast?" Tanong nito ng harapin ko siya.

Tumango naman ako sa tanong nito at binalik na ang tingin sa mga kasama namin, na ngayon ay may mapang asar na ngiti sa mga labi nila habang nakatingin sa amin.

"What?" Namumula ang mukha na usal ko kaya napahagalpak si Soleil.

"Ako, Ate. Hindi pa ako nag almusal," nang aasar na banggit ni Soleil pero inirapan lang siya ng isa.

"Wow, you called her Ate," manghang saad ni Felicity habang nakaturo ang daliri kay Soleil.

Weirdo itong tiningnan ni Soleil, "And?"

"First time 'yon a," nakangising sabi ni Ate Belle at kinurot ang pisngi ni Soleil. Napadaing lang naman ang isa at doon na sila nagsimula magtalo.

Natapos lang 'yung pag aaway nila nang marinig namin ang mga yabag nila Adira sa hagdan kaya napatingin kami doon.

Pagkatapak ng kanilang mga paa sa sahig nila ay sinalubong ko agad sila ng may pagtataka sa mukha habang nakatingin kay Adira.

"Anyare, teh?" Tanong ko na dahilan ng pag kunot ng noo nito at tiningnan din ako ng weirdo. Luh? Siya 'yung weird dito.

"What?" Nagtataka nitong ani. Nagkatinginan naman kaming lahat ng mga pinsan nito bago ibaling sa kaniya ang tingin.

"Mataas ba ang araw?" Tanong ni Soleil. Nanatili ang tingin ko kay Adira, observing her.

"Mukha ba akong weather forecaster, ha?" Mataray nitong asik kaya napanganga kaming lahat sa sinabi nito.

Maya maya ay nakita namin na binatukan ni Felicity ang pinsan kaya napadaing ito habang kami ay napangiwi na lang.

"Gaga, bakit ka kasi naka-shades e wala ngang araw!" Asik nito sabay humalukipkip.

Naka-shades kasi ito ngayon kahit na hindi naman maaraw ngayon. Mukha pa ngang uulan dahil mahangin pa sa labas e kaya nagtataka kami kung bakit siya naka-shades.

Sinukli lang ni Adira ang pag irap na muling nagpanganga samin. Wow! Nakakailang irap na to ah!

"Pakialam nyo ba? Trip ko 'to!" Saad nito at pumunta kila Ate Belle. Naiiling na lamang na pinanood ko ito na pumunta doon.

"It's the time of the month kaya 'yan ganan." Mahina kong usal sa mga ito at napailing. Bumaling ako kay Sidra nang kulbitin ako nito.

"Yes, love?"

Nakita ko ang pamumula ng tenga nito ng sabihin ko iyon kaya nagtataka kong hinawakan kamay nito. "You okay?"

Tumango ito at pinilig ang ulo, "I was just going to ask if may water ka na? Baka hingalin ka kasi while we're walking papuntang simbahan." Nag aalala nitong saad kaya huli na nung napagtanto ko na naiwan ko 'yung tumbler ko sa unit.

"Gosh, yes. I forgot my tumbler," I sighed, not knowing what to do. Mabilis pa naman akong hingalin pag naglalakad. Si Papa kasi e! Pinagmamadali ako!

"It's okay. Buti dinala ko 'yung tumbler ko. I figured you're going to forgot to bring it," natatawa na sabi nito kaya natawa na lamang ako at kinuha ang tumbler na binibigay nito.

"Thanks," sambit ko na tinanguan niya lang. "Maglalakad ka lang din ba?"

"Yeah. I had to be there for my cousins," bulong nito habang pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok.

Tumango ako sa sinabi nito at binaling ang tingin sa direksyon ni Adira na ngayon ay naiyak sa harap ng kabaong nila Tito. Miss Ferrucci is also there holding both of her shoulders, comforting my best friend.

I can't help but feel bad and sympathetic to my best friend. I have never seen her cry this hard before and it's not a sight to see.

Maya maya lang din ay nagsimula na ang burial nila Tito. Nagpunta muna kami ng simbahan then after ay nakarating na din kami sa cemetery kung saan buong angkan ata ng mga Tuazon na namayapa ay dito nakalibing. What I mean is mayroon na specific place sila na pagpupwestuhan if ever.

Sana all, handa.

Nang mailibing sila Tito ay umalis na din agad kami. Mukha pa kasing uulan pero si Adira ay nagpaiwan doon kasama si Miss Ferrucci. Pinabayaan na lang naman namin iyon at hindi na siya pinakialaman.

Sasabay ako sa tatay ko ngayon pauwi para mag impake ng aking gamit para sa outing namin sa Batangas. Marami kasi akong ginagawa kahapon and I didn't have the chance to pack my things.

Finally, tapos na rin makipag associate si Papa sa mga ka-businessman niya kaya pwede na kami umuwi. Gosh, I feel so drained.

Akmang papasok na ako sa kotse ni Papa nang may humawak sa aking wrist, preventing me to go in.

Tumingin ako sa humawak sa akin ng nakakunot ang noo and saw Sidra na hinihingal.

"You're going home?" Agaran na tanong nito kaya napatingin ako kay Papa na nasa labas din pala habang hawak ang pinto ng driver's seat.

Magkasalubong ang kilay nito pero pinipigilan ang pagsibol ng ngiti sa kaniyang labi. Pinanlakihan ko ito ng mata bago tumingin kay Sidra.

Mang aasar ka pa, akala mo okay tayo? Ha!

"Yeah, um—"

"Do you already pack your things? I'll help you," mabilis na saad nito at ngumiti ng maliit habang pabalik balik ang tingin sa akin at kay Papa.

"I was about to—"

My Papa sighs and looks at us, "You're wasting my time. Sidra, ihatid mo na si Dione. I have meetings to attend." Sabi nito at agad na pumasok sa kotse niya para paandarin iyon, leaving me with this gorgeous woman. 

"So, let's go?" Inilahad nito ang kaniyang kamay na agad ko din naman kinuha.

"Yeah, as if I have a choice. Iwanan ba naman ako ng tatay ko dito," angil ko kaya natawa ito bago ilapit ang bibig sa aking tenga.

"It's a good choice, though."

Nagtataka ko itong tiningnan, "Why?"

She smirked at me, "You've got the chance to spend it with me." Then winked at me.

Pa-fall!

"Maybe, it's the other way around."

Natawa ito, "You're right."

















Nagising ako dahil sa maraming katok na naririnig ko sa aking pintuan. Napabalikwas ako ng bangon habang kinukusot ang mata and that's when I heard a shout on the other room.

"Argh! It's too early to knock!" It was Sienna at mukhang katulad ko, nagising din ito sa sunod sunod na katok.

Tumingin ako sa orasan dito sa aking bedside table at nakita na 4am pa lang ng umaga. I got off my bed to see who's knocking at my door.

Pagkababa ko ay nakita ko din si Sienna na nasa may pintuan na at parang naestatwa habang nakatingin doon sa tao na nasa pinto.

It was Miss Gomez at kasama nito si Soleil na sobrang lawak ng ngiti kay 4am pa lang. Nakakasilaw sa paningin lalo na at kakagising mo lang.

"Hi, sister-in-law!" Maligayang bati ni Soleil bago ibaling kay Sienna ang tingin, na hanggang ngayon ay parang estatwa pa rin sa kinatatayuan.

Kinulbit ko ito na nagpagitla sa kaniya, "Huy! Ayos ka lang?" Mahina kong sambit na ikinatango niya lang.

I look at Miss Gomez at nakita na she is hardly clenching her jaw while giving daggers at the poor girl. Nakita ko ang paglunok ni Sienna bago ituro ang pintuan sa likod nito.

"I-I'll go back to sleep. E-Enjoy your t-trip!" She said in a high pitched tone that indicates she's nervous as hell. Sino ba naman hindi kung ang sama ng tingin sayo ng professor mo?

"Why are you here?" Tanong ko ng mawala si Sienna sa paningin namin.

"Well, Sidra asks us, Miss Gomez rather," sabi ni Soleil as Miss Gomez is giving her the side eye, "that you're gonna come with us for unknown reasons. She texted you the reason, I think." Pagpapaalam ni Soleil sa akin na ikinatango ko na lang.

Pinapasok ko na muna sila bago ako umakyat sa aking kwarto to fix myself and to see what Sidra texted. Nakita ko nga din na nagtext ito pero hindi ko muna pinansin kasi kanina pa ang lakas nung katok ng dalawa. Syempre, uunahin ko 'yon dahil nakakahiya sa mga katabi.

When I already fixed myself, agad kong tinungo ang aking cellphone to check what Sidra has said.

Hello, my love.
I'm sorry but I can't come with you to go to Batangas. May inaasikaso lang ako but don't worry, susunod ako :)
I will go with Tyson and the twins and I think mabilis lang naman byahe namin.
Go with Soleil. I already informed her.
Take care during the ride and don't forget to ask me where you are already, 'kay?
Love you!
And eat your breakfast!

Napangiti na lang ako habang binabasa ang mga text messages nito. Nagsimula na ako magtipa ng sasabihin hanggang sa mag settle na lang ako sa…

Okay :)
Take care during the ride and don't forget to eat your breakfast too.
I love you, too.
G

ood morning!
Copy that, honey.

You really never failed to make me smile.

























It's always after the vacation or a happy scene. :)

Continue Reading

You'll Also Like

437K 19.8K 79
(Montegery International Elite Series 3) **** She didn't came back because she love me.. She came back because she needs me. - Monique Laurel
896K 29.6K 52
Prof x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
105K 3.2K 33
Kim Cassandra accidently got into a trouble on her first day being a freshman but suddenly in that kind of trouble she suddenly met the girl that wil...