Ignoring The Father Of My Baby

By vexarin

72.9K 1.6K 167

He initially disliked her, treating her as desperate and unworthy woman. However, when her cousin entered the... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
AUTHOR'S NOTE!
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41

CHAPTER 3

2.4K 36 0
By vexarin

Acacia's POV



“Say ahh” muling itinapat ni Asi ang kutsara nitong may lamang soup sa bibig ko. Mabilis ko namang ibinuka ang bibig ko at isinubo iyon


Parang tanga lang ang lalaking 'to. Kanina pa kasi siyang ganiyan. He's feeding me na parang isa akong bata na hindi marunong kumain mag-isa. At syempre sinasakyan ko na lang para talagang maniwala sina Tita na Fiancé ko nga siya. Ramdam na ramdam ko nga ang mga tingin nila sa amin.

Ang tahimik nila, hindi ako sanay. Lalo na sina Dash at Dimitri. Dati kasi sa tuwing kasama nila akong nagdi-dinner ay kung anu-ano pinagsasabi nila sa akin. Umiingay ang hapag dahil sinsaway sila ni Tito at Tita, samantalang ngayon, wala akong marinig ni kahit ano sa kanilang dalawa.

Sinulyapan ko sila ng tingin at nahuli kong nakatingin din pala sa akin si Dimitri. Tinaasan ko siya ng kilay. Siya na rin ang naunang nag-iwas at kumain na lang. Sunod kong tinignan si Dash na tahimik lang na ngumunguya. Nakakapanibago ha! Ang tahimik ng dalawang demonyo. Sinadya ko ring sulyapan si Deron na nahuli kong nakatitig rin sa akin ng masama. Problema niya? Inirapan ko na lang din siya dahil hindi ko talaga feel ang itsura ng mukha niya. Ayaw talaga sa kaniya ng baby ko.

“Ehem! So uhmm.....what's your plan after your wedding, hija” tanong ni Tita ng matapos na kaming kumain. Uminom muna ako sandali ng tubig bago siya sinagot

“Plano naming sa America na po manirahan Tita, kasama ng papa ko” Simpleng sagot ko

Iyon na kasi talaga ang Plano ko. Doon na ako titira kasama si Papa. Nakausap ko na rin kasi siya last time at sabi niya na excited na daw si Tita Anna ( asawa niya ) na tumira ako kasama nila.

“America? You mean, you'll stay there na for good?” there's a sadness in her voice. Tipid akong ngumiti bago tumango

“Hindi ka na po ba namin makikita ulit, ate Caca?”

Hinarap ko naman si Dariel na nasa tabi ko. Malungkot ang Mukha nito gayon na din si Demiel. Itinungo ko ng kaunti ang mukha ko para makapantay ang Mukha niya

“Bibisitahin ko pa rin naman kayo every vacation, kaya wag na sad, okay?” saad ko. Sabay naman silang tumango pero malungkot pa rin ang mga mukha nila

“Mukhang wala na talagang pag-asa na maging kayo ng Anak ko. Gusto pa naman kita para sa kaniya”

Napatingin naman ako kay Tito Waze ng magsalita siya. Hindi ko lang masiyadong narinig yung sinabi niya dahil bukod sa medyo may kalayuan ang pwesto niya sa akin ay pabulong niya lang ding sinabi 'yon. Gusto ko sanang tanungin kong ano 'yung sinabi niya, kaya lang tinatamad ako


Marami pa silang itinanong sa'min-I mean kay Asi pala. Binaha nila ng tanong si Asi specially yung tatlong Kuya ni Deron. Sinasagot naman sila ni Asi ng kasinungalingan haha. I'm so proud of my cousin na talaga. He's a good liar

“So, do you really love our Aca, huh?” Si Kuya Dwight. Humarap naman sa akin si Asi at ngumiti ng pagkatamis-tamis bago sumagot

“I do. I love her with all my heart” he answered. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil napaka-galing niyang umarte. Gosh! Magkano kaya ang singil ng lalaking 'to pagkatapos ng pagpapanggap niya

“How about you, Aca?” si Kuya Drace naman ang bumaling sa akin

“I don't love him yet. Pero matutunan ko rin naman siguro siyang mahalin lalo na kapag kinasal na kami” sagot ko. Bigla namang padabog na tumayo si Deron kaya nakuha niya na naman ang atensiyon ng lahat

“Where are you going, Deron?” tanong ni Tita sa kaniya

“Room” Maikli at may bahid ng lamig nitong sagot saka tumalikod at nagsimulang maglakad

“But you're not done yet, Hindi mo pa nagagalaw pagkain mo” Saad pa ni Tita. Doon ko lang din napansin na wala ngang bawas ang pagkain niya

Tapos na kami tapos siya wala pang bawas ang pagkain niya. What did he do the whole time? Ay oo nga pala. Na-busy siya sa pagtitig sa kagandahan ko

“I've lost my appetite” sagot nito bago tuluyang lumabas ng dining room

His action was weird.


*****

Pagkatapos ng dinner ay nakipag-laro na muna ako doon sa kambal. Namiss daw kasi nila ako ng sobra na playmate nila. Nakatulog na rin sila ng alosan ko sila sa kwarto nila.

Ngayon ay narito na kami sa labas dahil uuwi na kami ni Asi. Narito din silang lahat except doon sa triplets na nasa mga kwarto na daw nila. What do I expect to those jerks psh!

“Salamat sa pagpayag na dito kayo mag-dinner, Hija. And best wishes for the both of you sa kasal niyo, invited naman kami, right?” Ani Tita Denice. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya. Nakaka-guilty dahil hindi nila deserve ang lokohin gaya nito

“We gotta go. Baka abutin kami ng traffic sa daan” Singit naman ni Asi

“Ipapahatid ko na kayo. Drace call Deron” Ani Tito Waze na bahagyang ikinalaki ng mga mata ko. Don't tell me na kay Deron niya kami balak ipahatid

“K” tipid na sagot ni Kuya Drace bago ito umalis at pumasok sa loob ng Mansion nila. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa isipin na si Deron ang maghahatid sa amin ni Asi pauwi

Ilang minuto lang ay dumating na si Kuya Drace kasunod si Deron na bagot na bagot ang itsura, but still gwapo pa rin


“Drive them home, Deron” utos ni Tito Waze sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya kasabay ng pagsalubong ng makapal niyang mukha-este mga kilay pala

“What? No!” mabilis nitong pag-tanggi bago tumalikod at akmang aalis na pero napatigil siya ng bigla ulit magsalita si Tito

“Drive them home or I will kick your *ss out of my house, you choose” Pananakot ni Tito. Iritado naman siyang lumingon sa amin. Nanlilisik yung mga mata niyang kulay abo

“Fine! Fuck this life!” inis na reklamo niya bago padabog na naglakad patungo sa garahe nila. Naiiling naman si Tito habang nakatingin sa anak niyang jerk

“Sige po Tita, Tito, Mauna na po kami”  Paalam ko. Nakipag-beso ako kay Tita tapos niyakap naman ako ni Tito

“Habang hindi pa kayo kasal, pwede bang dito ka lagi mag-dinner sa amin Hija, para naman hindi ka masiyadong ma-miss ng kambal” Ani Tita. Kinagat ko naman ang pang-ibaba kong labi. Umiiwas nga po ako sa Anak niyo Tita e. Gusto ko sanang sabihin 'yon kaya lang babahain niya ako panigurado ng mga tanong kaya 'wag na lang

“I'll try po Tita” sagot ko. Binalingan ko ng tingin sina Kuya Dwight “Bye mga Kuya”

“Bye. Ingat sila sa'yo Aca hehe” Ani Kuya Driviz na medyo natawa pa. Tumawa na lang din ako. Alam ko naman kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya

“Alagaan mo Aca namin ha, kapag pinaiyak mo 'yan babangasan kita!” Saad ni Kuya Dwight kay Asi. Medyo natawa naman ako. Subukan kaya nilang bangasan yung kapatid nilang madalas akong paiyakin noon, tiyak na matutuwa ako ng sobra

Umamba ng yakap si Kuya Dwight kaya lumapit ako sa kaniya para sana yakapin siya kaya lang hindi na natuloy dahil sa sunod sunod na pagbusina mula sa garahe

“Mukhang naiinip na gago. Sige na at baka sirain na 'nun yung kotse” natatawang saad ni Kuya Dwight saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

“Alis na po kami Tita” huling paalam ko bago kami naglakad ni Asi patungong garahe. Kunwaring naka-alalay naman sa akin si Asi

“What took you so long?” Iritadong tanong ni Deron ng makarating kami sa garahe nilang nakakalula. Medyo naligaw pa kami ni Asi dahil hindi namin alam kung aling kotse ang gagamitin. Ang dami kasi nilang sasakyan jusko! Mabuti na lang at bumusina siya ulit tapos bumaba siya.


Hindi ko siya pinansin at umaktong hindi ko narinig ang sinabi niya


“Sakay” bulyaw nito. Napairap na lang ako sa kawalan

Binuksan ni Asi ang pintuan sa backseat dahil doon namin balak umupo kaya lang umepal na naman si Deron.

“What do you think of me? Your driver? Drive yourself moron tsk!” utos niya kay Asi bago niya ako hinawi at naunang pumasok sa backseat

Naiiling na naglakad na lang si Asi patungo sa driver's seat. Padabog kong isinara ang pintuan sa backseat bago ako umikot papunta sa passenger seat. Ayoko siyang makatabi

Tahimik lang kaming tatlo sa byahe. Inaantok nadin kasi ako. Idagdag pa na para akong nahihilo at nasusuka na hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga kapag buntis? Daming weird na nararamdaman hays!

“Can we spend our honeymoon in Europe. Parang mas gusto ko doon kesa sa America”

Bigla akong napatingin kay Asi ng magsalita siya. Diretso lang ang tingin nito sa daan pero alam kong ako yung kausap niya. Bahagyang kumunot ang noo ko noong una dahil hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya, pero kalauna'y na gets ko rin. He's still acting dahil kasama namin si Deron.

“Uhm....I'll think about it” sagot ko naman sa malambing na tinig. Trip kong maging malambing sa kaniya eh

“Gusto mo 'diba sa Barcelona. You told me before na that's your favorite place. We can do our honeymoon there. Para made in Barcelona ang first baby natin” Dagdag pa nito saka tumingin sa akin with a smile. Napahagikgik naman ako dahil sa sinabi niya. Fucking shitty! Sarap sanang humagalpak ng tawa kung wala lang dito si Deron

“Eyes on the road you fucker!” malamig na asik ni Deron kay Asi. Hindi naman siya pinansin ni Asi pero ibinalik nito ang atensiyon niya sa daan. Pasimple ko namang sinulyapan si Deron sa rearview mirror. He's looking at Asi na parang sasakmalin niya na ito ng buo. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang akong napangiti. Kung paano nito tignan ng masama si Asi ay parang ang cute tignan. Bakit parang gusto ko siyang naka-ganyan lagi. Yung masama kung tumingin....god! Ang weird ko na talaga

“Can I sleep in your apartment Hon, tinatamad kasi akong umuwi sa bahay” muling saad ni Asi. Naiiling na napangiti na lang ako. I'm really proud of this dumbass haha. He's really good at this. I wonder why he didn't enter showbiz. Sigurado akong magiging mahusay siyang aktor haha

Hinawakan din ng isa nitong kamay ang kamay kong nakapatong sa lap ko. Muli kong sinulyapan si Deron na nasa backseat mula sa rearview mirror. Gusto ko lang makita kung ano reaksiyon niya. Mas lalong dumilim ang Mukha niya. Parang nababalutan na rin ang buong katawan niya ng maitim na awra.

“Ikaw b—” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Deron

“Stop the car. I'll drive. You're fucking too slow” malamig nitong saad. Nagtataka man ay sumunod na lang sa kaniya si Asi ng tahimik. Itinabi nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pag-katigil pa lang ay mabilis na bumaba si Deron para lumipat sa driver seat. Naiiling na bumaba na rin si Asi

Slow? Katamtaman lang naman ang bilis ng pagmamaneho ni Asi ah, ano bang gusto niya? Yung byaheng papuntang impyerno? Eh kung magsolo kaya siya!

“Tell me your address. Ikaw una kong ihahatid damn!” asik nito kay Asi bago marahas na isinara ang pinto ng driver's seat ng makapasok na siya.

THIRD PERSON'S POV

Habang nagmamaneho ay kung saan saan napapadpad ang isip ni Deron, ngunit paminsan minsan ay lihim nitong sinusulyapan si Aca na mahimbing ng natutulog. Naguguluhan na siya sa sarili niya. He knew that he doesn't care about Aca, but fyck! Bakit naiirita siya sa lalaking kasama nito

Mula 7th grade ay naka-buntot na sa kaniya si Aca. Lagi nitong ipinag-lalandakan at ipinag-sisigawan sa lahat kung gaano siya nito kagusto at kamahal. She did weird things just to make him notice her, just to make him smile, but she always ended up crying. Everytime she approaches him, he immediately pushed her away with annoyance. Naiirita siya sa pagiging clingy nito sa kaniya dahil iyon ang pinaka-ayaw niya sa isang babae, ang tinatapon ang sarili nila sa lalaki magustuhan lang nito. Pero bigla itong nagbago, at ayaw niya mang aminin ay alam nito sa kaniyang sarili na ayaw niya sa pagbabagong 'yon na nangyayari, hindi niya gusto. Nahampas nito bigla ang manibela dulot ng matinding pag-kainis na hindi nito maintindihan kung saan nagmula.

Nabalik ito sa realidad ng mapansin nito na parang pamilyar sa kaniya ang daan na tinatahak nila, at ng matanaw nito ang isang maliit na apartment ay saka lang nito nakumpirma na ang subdivision na pinasok nila kanina ay kaparehong subdivision ng tinitirahan ni Aca


Mabilis nitong ipinara ang sasakyan sa tabi at iritadong nilingon si Asi

“Are you fucking kidding me?” asik nito. Bagot naman siyang tinignan ni Asi

“What?” tinatamad nitong tugon sa kaniya.

“I told you to tell me your address. YOUR address! Are you fucking deaf?”  inis na balik ni Deron at in- emphasized pa ang salitang 'your'


“Ikaw yung bingi. Hindi mo ba narinig na sinabi kong sa apartment ako ng FIANCÉ ko matutulog, so probably address niya ang sasabihin ko. Do you have a problem with that?” sagot naman ni Asi na in-emphasized din ang salitang 'FIANCE'. Saglit na natahimik si Deron. May problema nga ba siya? Eh ano naman kung doon ito matutulog sa apartment ng babaeng dati na naghahabol sa kaniya. Ano bang pakialam niya? At bakit ba siya naiirita? She's nothing to him!

Humigpit ang pagkaka-kapit nito sa manibela bago tahimik na muling nagmaneho. Lihim namang napangisi si Asi dahil sa inasal nito


'Nagsisimula pa lang ako Escoffier. You will surely regret what you've done to my Aca' Saad nito sa kaniyang isip bago pumorma ang isang mapaglarong ngiti sa kaniyang mga labi

Continue Reading

You'll Also Like

382K 8.2K 39
Lahat ng babae nangangarap ng mala fairytale na buhay kapag dumating na nag taong totoong para sa kanya. Ngunit pano kung dumating na yung lalaking p...
3.5K 158 34
Charlotte Clarksville is a spoiled brat, she is inlove with Achilles Del Friuli, the heir of Del Friuli empire. Noong una ay denial pa si Achilles sa...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18
12.9K 326 32
[COMPLETED] The first time I met you It wasn't love at first sight My love for you formed gradually, Your voice, your eyes, your hair, your attitude...