That Dangerous Girl Is Mine

By MsAuthorney

13.5K 517 5

"I still love him even he hurt me" Plagiarism is a crime so dont copy my story.. __MsAuthorney__ Started: Jan... More

♥️That Dangerous Girl Is Mine♥️
♥️Chapter 1♥️
♥️Chapter 2♥️
♥️Chapter 3♥️
♥️Chapter 4♥️
♥️Chapter 5♥️
♥️Chapter 6♥️
♥️Chapter 7♥️
♥️Chapter 8♥️
♥️Chapter 9♥️
♥️Chapter 10♥️
♥️Chapter 11♥️
♥️Chapter 12♥️
♥️Chapter 13♥️
♥️Chapter 14♥️
♥️Chapter 15♥️
♥️Chapter 16♥️
♥️Chapter 17♥️
♥️Chapter 18♥️
♥️Chapter 19♥️
♥️Chapter 20♥️
♥️Chapter 22♥️
♥️Chapter 23♥️
♥️Chapter 24♥️
♥️Chapter 25♥️
♥️Chapter 26♥️
♥️Chapter 27♥️
♥️Chapter 28♥️
♥️Chapter 29♥️
♥️Chapter 30♥️
♥️Chapter 31♥️
♥️Chapter 32♥️
♥️Chapter 33♥️
♥️Chapter 34♥️
♥️Chapter 35♥️
♥️Chapter 36♥️
♥️Chapter 37♥️
♥️Chapter 38♥️
♥️Chapter 39♥️
♥️Chapter 40♥️
♥️Chapter 41♥️
♥️Chapter 42♥️
♥️Chapter 43♥️
♥️Chapter 44♥️
♥️Chapter 45♥️
♥️Chapter 46♥️
♥️Chapter 47♥️
♥️Chapter 48 (Special Chapter)♥️

♥️Chapter 21♥️

227 11 2
By MsAuthorney

Isang linggo na rin ang nakaraan ng mag Zambales kami at talaga namang sinulit namin ang linggo na magkakasama kami dun, ewan ko ba basta sinulit namin ang oras at panahon namin dun

"Nakakainis naman hindi pa ako tapos sa mga ihahabol ko sa mga prof" Lara

"So kasalanan ko?" Jerry

"Nag sasabi lang naman" at inirapan niya to

"Natapos ko na sakin, tinulungan kasi ako ni Andrew" ako

"Buti ka pa" Marga

"Tara punta na tayo sa gym manood tayo ng practice nila" Zoey

Pumunta na nga kami sa gym, maraming mga students na nandito nanonood ng practice ng basketball team at pabagsak akong naupo sakto ring break time nila

"Im tired" si Andrew na naupo sa tabi ko at pinatong ang ulo niya sa balikat ko

"Ano ba Mr. Montero hindi ka ba nagsasawang nakadikit sakin?" ako

"No hinding hindi bakit ikaw nagsasawa ka na ba?" siya at lalo pang nag sumiksik sakin

"Malapit na" ako

Kainis kulang nalang magkapalit na kami ng mukha dahil sa sobrang dikit niya at nakayakap pa sa bewang ko ang isang braso

"Love you" bulong niya

"Ewan ko sayo, tapos mo na ba lahat ng kailangan mong ipasa?" ako

"Yeah tapos na" siya

"Hi Danica" agad akong napatingin sa nagsalita, lalaki na para siyang nerd

"What do you need?" tanong ni Andrew na ngayoy naka upo na ng maayos at ang sama ng tingin sa lalaki

"Ibibigay ko lang sana itong chocolate kay Danica" sagot niya

"For what?" Andrew, galit na siya

"Crush ko kasi siya eh" sabi nito, kaya agad napa kuyom si Mr. Possesive slash seloso

"Ah alam mo bang may jowa na siya" Jerry

"Ah ganun ba" malungkot na saad ng lalaki

"Yeah at kung ako sayo umalis ka na baka ano pang magawa ng boyfriend niya sayo" kuya Deon

Napunta ang tingin nitong lalaki kay Andrew na nagpipigil ng galit kanina pa, tatayo na sana siya nang pigilan ko at hawakan ang kamay niya

"Kung gusto mo pang mabuhay umalis ka na" kuya Denver

"Ah alis na ako" yung lalaki

"Teka akin na lang yang chocolate mo, thanks" at kinuha ni Leonel ang chocolate bago tuloyang umalis yung lalaki

Pagkaalis nung lalaki ay ang sama sama naman ng tingin ni Andrew sa akin ngayon

"Bakit? Anong ginawa ko?" taas kilay kung tanong

"Tsskk." siya at tumayo sabay kuha ng bola kay Leonel

"Selos ba?" sabay sabay na sabi ng mga tropa niya

"Shut up" si Andrew at bumalik na sa court

Nagsitayuan na nga rin ang mga ito maliban kay Leonel na naupo sa tabi ko habang kumakain pa rin ng chocolate

"You want?" sabay alok niya ng chocolate

"No thanks baka lalong mag alburuto sa galit yung isa" ako at isinandal ang likod sa upuan

"Napaka seloso talaga kahit kailan" siya na ikinatawa ko

"Stop laughing with him" si Andrew at masama na naman akong tiningnan

"Ang OA mo" at inirapan ko siya

"Tssskk. and you come here if you dont want a body pain" sabi niya kay Leonel

"Oo na"

Nagpractice na nga sila ulit pero wala sa mood yung isa parang baliw sarap sapakin eh. After ng practice ay sinukbit niya na ang bag niya sabay lakad paalis, aba lakas ng amats ng isang yun ah

"Pano ko ba nagustuhan ang isang yun?" ako at tumayo na

Nawala na siya sa paningin ko ang bilis naman maglakad baka iniwan na ako dito eh hindi ko pa naman dala kotse ko

"Mas tupakin pa talaga siya kaysa sa akin" ako habang kumakamot sa batok

Malapit na ako sa parking lot nang biglang may humarang sa dadaanan ko tatlong lalaki na kaklase ko sa isang subject

"Ah hi Danica pwede magtanong? May ka group ka na ba sa project natin kay prof. Perez" tanong ng nasa gitna

"Wala pa eh" ako

"Pwede ka ba mag join sa group namin?" tanong niya ulit, buti nalang nauna na yung isa at kung hindi naku

"Hindi siya pwede" sabi ng boses sa likod ko, naku wala pa pala siya sa kotse niya

"Pag iisipan ko update ko nalang kayo" at nginitian ko sila pero hindi na ito makatingin sa akin

"Lets go" at hinila niya ako papunta sa kotse niya

"Aray naman" reklamo ko

Agad siyang sumakay sa kotse niya pati na rin ako bago niya ito patakbuhin, tahimik lang ang loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa condo niya sabi ko uuwi ako sa bahay pero ayaw ng loko

"Uuwi nga ako samin" pag uulit ko

"I said no" soya

"Ano ba kasing problema mo?" tanong ko kahit alam ko naman kung bakit

Pero hindi na ito sumagot at hinila ako papasok hanggang sa mismong pinto ng condo niya, hindi ako nito binitawan kahit nandito nasa kwarto

Ayyy" tili ko dahil itinulak niya ako sa kama

Nakatingin siya sakin habang hinuhubad ang damit niya pang itaas, aatras na sana ako kaya lang hinawakan niya yung paa ko at tinanggal ang sapatos ko, naku po ano bang nangyayari sa isang to baka nasapian ng masamang elemento

"You ask me about my problem right?" siya kaya tumango lang ako

Dahan dahan itong gumapang papalapit sa akin habang seryuso ang tingin hanggang sa magpantay ang tingin naming dalawa, kinuha niya ang dalawa kung kamay na nakatakip sa bibig ko at inilagay ito sa uluhan ko, bad mood siya ano naman kaya ang nasa utak niya

"Im jealous Babe, thats my problem" siya

"Bakit ka naman nagseselos?" ako

"Because other men likes you" " sagot niya habang diretso ang tingin sa akin

Pano kaya ako makakaalis sa ilalim ng isang to eh corner niya ako ng dalawang braso niya

"Eh kasi naman maganda ang girlfriend mo" biro ko para gumaan ang atmosphere

"Alam ko yun kaya nga nagagalit ako diba" na lalo lang nitong kinagalit

"Ikaw ang mahal ko kaya nothing to worry Mr. Montero" malambing kung sabi at hinawakan ang magkabilang pisnge niya

Biglang nawala ang galit niya at tsaka ako hinalikan sa labi, may pagka bipolar talaga

"Buntisin nalang kaya kita para siguradong akin na akin ka" siya kaya nasampal ko ito

"Gag* ka ba, tumigil ka nga diyan kung ano ano nalang pumapasok sa isip mo" at tinarayan ko siya, nababaliw na talaga

"Bakit pwede naman ah" at ngumisi pa ito

Sinusubukan ko siyang itulak palayo pero hindi ito nagpapatinag sakin nakakainis naman

"Hindi pwede at ayuko pa" naiinis kung sagot

"Okay lang naman yun kahit magka baby tayo mag aaral ka parin naman at isa pa may sarili naman tayong company nothing to worry babe" siya na parang siguradong sigurado sa mga sinasabi niya

"Naka drugs ka ba Andrew at kung ano ano nalang naiisip mo" ako

"Hindi nag susuggest lang ako ng way Babe" siya

"Iwan ko sayo"

Tinulak ko siya ulit at sa wakas nakawala rin ako tsaka ako naupo at sumandal sa headboard ng kama

"Ayuko na sayo" biro ko dito

"What did you say?"

"Ayuko na sayo" ulit ko

"Gusto mo pa rin ba si Leonel?" tanong niya

"Bakit nadamay ang loko na yun sa usapan?"

"Mahal mo pa rin ba siya?" at bigla nalang itong ngumuso na ikinatawa ko

"Hindi no"

"Kahit ayaw muna sakin wala ka paring magagawa dahil akin ka lang" siya at niyakap ako

"Talaga?" ako

"Yup kaya ka nga pinanganak para mapa sakin" siya

"Chee bitaw nga magluluto ako magdidilim na" ako at tumayo na

"No ako na ang magluluto, okay?" siya

"Okay sabi mo eh" ako tsaka na ito tumayo at hinalikan ako sa noo bago lumabas

Dumiretso nalang ako sa banyo at nagpalit ng pangtulog bago lumabas, naabutan ko siyang nag aayus para sa lulutuin niya. Naka topless siya tsaka naka apron at nakatali pa ang medyo may kahabaan niya ng buhok, ang hot niya lalo

"Ang init" mahina kung sabi

"Babe?" nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya at nakatingin sakin

"Ah wala Babe" ako at naupo nalang sa sofa

Pati boses niya husky parang nang aakit lang, my gosh naaakit ako ng isang yun kaya itinuon ko nalang ang atensiyon sa tv tsaka nanood

"Umayos ka Danica" saad ko sa sarili at kinurot ko pa ang pisnge ko

"Are you okay?"

"Ayy tuko" saad ko dahil sa gulat eh kasi naman bumulong sa tenga ko

Nilingon ko siya at isang dangkal lang ang pagitan namin, kainis naman bakit pa kasi lumapit naaakit ako ng gwapo niyang mukha idagdag pa ang nakatali niyang buhok

"Whats the problem?" nagtataka niyang tanong

"Ah wala babe pagod lang siguro ako" ako, please lang lumayo ka muna sakin

"Okay bibilisan ko na ang pagluluto" siya

Itinuon ko nalang ulit ang atensiyon sa pinapanood kung kdrama pero nag sisink in parin sa utak ko ang mukha niya kaya para akong baliw na napasubsob sa unan, ramdam ko rin ang init ng magkabila kung pisnge

"Kumalma ka huwag kang kiligin kasi" ako

"Napaka pogi ko ba sobra?" sabi ng nasa likuran ko

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko at hindi siya nilingon

"Yes babe" sagot niya at sinadya pa talagang malapit sa tenga ko, naku namang boses yan eh

"Baka masunog yung niluluto mo dun Mr. Montero" ako

"Im already done cooking Mrs. Montero" malambing niyang sabi

"Ah ganun ba kumain na tayo" ako at dumiretso agad sa mesa

Prepared na ang pagkain kaya naupo na ako tsaka kumain na, alam kung nakatingin siya sakin pero hindi ko talaga siya nililingon. Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa sofa eh siya na daw maghuhugas ng pinagkainan namin

"Babe matulog na tayo" at naupo siya sa tabi ko

"Hindi pa tapos ang pinapanood ko" ako na fucos lang sa tv

"Inaantok na ako babe" siya

"Edi matulog ka na dun" ako

"Tssk.  mas gwapo pa kaya ako diyan kay Cha Eun Woo" confident niyang sabi, oo alam ko

"Ang kapal naman ng mukha mo kung may chance lang ako na maging boy friend siya ipupush ko na ay hindi aasawahin ko na siya agad" at tinarayan ko siya pero syempre joke lang yun

"Gusto mong patayin ko na siya agad kung siya lang naman magiging kaagaw ko sayo" alam kung galit siya eh kasi kumuyom ang kamao niya, hayy sarap niya talagang inisin

"Hoy huwag mong gagawin yan sa future husband ko papatayin din kita"

"Tatalian at ikukulong na kita agad" siya

"Ipapa banned kita sa korea akala mo ha" ako

"Edi ipa banned mo ko i dont care" siya

"Talaga" ako at inirapan siya

"Tssk." siya at nag walk out diretso sa kwarto

Natatawa akong tumayo at pinatay ang tv, galit na naman kasi ang ungas na yun parang baliw

"Babe" at pinihit ko ang door knob pero hindi bumukas nilock ng loko

Lakas talaga ng amats niya grabe mas tupakin talaga siya kaysa sa akin, mukhang mangsusuyo yata ako

"Babe open the door, nagbibiro lang naman ako eh" sabi ko pero walang sumagot

Bumalik nalang ako sa sofa at doon nahiga bago ulit buksan ang tv, si Cha Eun Woo nalang talaga ang magiging boy friend at aasawahin ko ayuko na sa kanya at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako

(Authors Pov:

After 30 minutes ay lumabas ng kwarto si Andrew para tingnan kung ano na ang ginagawa ng girlfriend niya

"Tulog na pala" sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha ng dalaga bago patayin ang tv

Mahimbing na itong natutulog habang yakap yakap ang isang unan nakatitig lang ang binata sa maamo nitong mukha

"You are mine hindi ka kay Cha Eun Woo" sabi ng binata

Tumabi ito sa dalaga at yumakap ng mahigpit, malaki naman ang sofa kaya kasyang kasya silang dalawa

"Babe" saad ng dalaga at humarap ito kay Andrew sabay yakap rin

"Hmm"

"Galit ka ba sakin nagbibiro lang naman ako" mahinang sabi nito at nakapikit pa

"Yeah Im mad so you need to kiss me para mawala ang galit ko" si Andrew

"Okay" kaya hinalikan ng dalaga si Andrew sa labi ng ilang minuto

"Gusto ko mas  matagal pa" sabi nito habang nakangisi

"Ewan ko sayo" tatalikod sana ang dalaga pero niyakap siya lalo ni Andrew

"Matulog ka na ulit" at hinaplos niya ang buhok ng dalaga

"I love you"

"I love you more" at hinalikan niya ito sa noo tsaka ulit nakatulog ang dalaga

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 171 13
Grace Gresley is a 17 year old girl in her last year of school. She is reserved, quiet, and kind. She doesn't like socialising with new people and pr...
39.6K 2.2K 20
✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩ "Fight me, mismatched hair!" "Huh?! Who the hell are you calling mismatched, dumbass?!" "Shut up, Sumika and fight me...
5.5K 198 22
"He had it comin' he had it comin'. He only had himself to blame. If you'd a been there if you'd a seen it. I betcha you would have done the same." I...
386K 14.5K 26
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"