Dopamine Rush

بواسطة imaginator_t1eo

2.7K 90 11

"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa... المزيد

i.
PROLOGUE.
ii.
iii.
1- IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.
2- EH?
3- THE CHAOS HAS ARRIVED.
4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.
5- DEFYING CUPID.
6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.
8- TRIAL AND ERROR.
9- HARD LAUNCH.
10- DOPAMINE RUSH.
11- BITTERSWEET.
12- 365 DAYS OF US.
13- PILLAR OF STRENGTH.
14- COMING HOME.
15 - THAWED.
16- ALGIA: In a World of Hurt
17- SILENT SCREAMS, LOUD PAIN.
18- PAINFUL FINALE.
19- MAKE ME REGRET.
20 - AGAINST THE ODDS.
21- LOVE: THE SECOND TIME AROUND.
22 - WHEN DREAMS BECOME A PERSON.
23 - TO DREAM AGAIN.
24 - WHEN TIME DISAGREES..
25 - IN THE MIDST OF HIS HECTIC LIFE.
26- WHY DOES IT HAS TO BE ME?
27 - JOSH.

7- SWEETEST TACHYCARDIA.

41 5 4
بواسطة imaginator_t1eo


Ang bilis ng panahon.
Third year na ako.

Walang katapusang duty, case study, return demonstration, isama na rin natin ang pamahal nang pamahal na bayarin. Nakakapagod pero kaunting push na lang, graduating na 'ko.

Si Carlo, graduating student na. At higit sa lahat, kilala na siya ng pamilya ko. Paano ba naman kasi e naging tambayan niya na ang bahay namin.

Status update? Nasa ligawan stage pa din kami. We don't hold each other hands as if we're couples. We don't cuddle, we don't kiss. And that's what I like about his panliligaw. He value the process and he respect my mother's conservative nature.

"May susuotin ka na sa glam night?" He asked.

"Hindi ako pupunta." I replied, shaking my head.

Ang totoo, mag-aattend naman talaga ako. May gown na nga ako e, and I matched it with his. Kaya lang, ayoko sabihin sa kanya kasi pagtatalunan na naman namin to. For sure, he wanted to be my date.

"Attend tayo.." Pamimilit nito.

"May lakad kami nila Mama e." I lied.

"Hindi ako pwedeng hindi mag-attend e." Sagot nito sa kagustuhang wag na lang din mag-attend.

"Attend ka. You deserve a fun academic break." I encouraged him. "At isa pa, sayang naman 'yong binili nating damit."

Hindi na ito nagsalita. Napangiti nalang ako sa inasal nito.

Hay, baby boy Carlo.

Kinaumagahan, alas sais ng gabi ang event pero alas nuebe y media palang ng umaga ay nambubulabog na si Avril sa bahay namin.

"Bumangon ka na sleeping beauty! Nasa byahe na ang glam team ko. Ala una ay nandito na ang dalawang iyon." Bunganga nito.

Since pageantry is one of her passion, she volunteered her glam team to do my major make over. At ala una y media nga ng hapon ay dumating na nga ang mga bisita.

"So anong look ang kailangan nating i-achieve, mga dzai?" Tanong ng handler at make up artist niyang si Jade.

"Mamsh, yong look sana na kapag nakita siya nong manliligaw niya ay mas lalo itong mabaliw sa kanya!" Bulalas ni Avril.

"Ay bet!" Tili naman nong bakla at saka bahagya akong kinurot sa tagiliran. "Taray mo dzai, haba ng hair. Ganda mo! Ano ka, 5'5"?"

"Ay mamsh, wag ka! Ang gwapo nong manliligaw niya." Pagyayabang ni Avril at saka ako inakbayan. "Mabilib ka sa kaibigan ko. Iba 'yan."

"Ay go na us, anuffa!?" Pitik nito.

Sinimulan na nga ng kasama niyang si Nica, ang pag-aayos sa buhok ko habang si Mamshy Jade naman ay nagsimula ng maglagay ng primer sa mukha ko. And after several hours ay natapos din sa wakas.

"Tapos na, madzam Avril!" Bulalas ni Mamsh Jade.

Lumabas si Avril mula sa kusina at nagkatinginan sila nong handler niyang make up artist. Kumunot tuloy noo ko. Bigla itong natawa at napa-iling, sinamaan ko nga ng tingin.

"Parang tanga naman 'tong  si Avril. Umayos ka nga!" Ismid ko.

Tumalikod ito para pumasok sa kwarto ko at pag-labas ay bitbit na nito ang full-length mirror ko.

"Talikod mo muna, Mamsh." Tawa nito.

"Ready ka na ba makita ang iyong evolvinism, dear?" Tawa ni Mamshy Jade.

Natatawa akong tumango.

Inikot na niya ang upuan ko at ang itsura ng babae sa salamin ay hindi ko magawang paniwalaan. Napa-awang ang bibig ko sa gulat at pagkamangha.

"Shit.." I whispered, speechless.

"Ganda devuhhhh.." Ngiti ng mamshy.

"Ang ganda, mamshy Jade!"
Bulalas ko. "Ang galing mo! Thank you so much po."

Bahagya naman siyang nag-bow bilang pasasalamat.

"Alas sais na, girl. Magbihis ka na, bilis!" Bulalas naman ni Avril.

She helped me with the gown and the heels as well.

"Sobrang ganda mo, Iz." Yakap sa akin ni Avril nang makita ang kabuuan ko.

"Talaga?"

"Talagang-talaga!" Excited nitong sagot at saka ngumisi. "Brace yourself, Carl."

"Let's go, girls!" Busina ni Mamshy Jade.

I-d-drop by na nila ako sa university since same way lang din naman. Kinakabahan ako kasi late na ako. On the way pa lang kami at nagsisimula na daw ang grand entrance. 

"Relax lang dzai. Huwag kang mahihiya. Nakakangalay ang pag-me-make up ko sayo, dapat lang na i-flaunt mo yan no!" Tawa nito. "Make me proud, dah'ling!"

"Tama, pang-queen of the night ang pagkakagawa diyan ni mamshy!" Segunda naman ni Avril.

Ang bakla, talagang doon pa sa mismong entrance hininto ang magara niyang wrangler.

"Ay bongga! Pak na pak ang design, forda red carpet pa ah! The design is very met gala. Buti na lang at mala-hadid ang iyong aura tonight!" Komento nito at saka bumaba ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto at alalayan ako palabas.

Nagphotoshoot pa muna kami sa labas bago ako ipagtabuyan ng mga bakla.

At nang tuluyan na nila akong iwanan, nagsimula ng gumapang ang kaba sa buo kong katawan. Huminga muna ako ng malalim dahil tila nasasakal ako sa sobrang kaba at hiya. Kinalma ko ang sarili at tuluyang pumasok sa venue.

I walked in, masking my embarrassment and nervousness with confidence, silently praying that my 6.5 inches heels won't fail me. At hindi nga ako nakaligtas sa atensyon ng mga taong nandoon. Isa, dalawa, hanggang sa halos kalahati na ng populasyon doon ay nakatingin.

"Kaya mo to, beh." Bulong ko sa hangin at patuloy na naglakad sa hindi ko alam na direksyon.

Mas lalong dumami ang mga mata.

They're looking at me from my high heels up to my exposed legs through my not-so scandalous but sexy slit, my red, sparkling-sultry evening gown, up to my tanned, exposed skin. until their eyes travelled up my face, meeting my confident and fierce gazes.

Muntik na akong mapasigaw sa tuwa ng may officer na lumapit sa akin. Si Darwin, isa sa mga poging fourth year nursing student.

"Hi.." Bati nito habang titig na titig saakin.

"Hi, saan ang seat ng third year?" I asked.

"Hatid na kita." He smiled and offered his arms.

I clung my arms to his and walk gracefully with him. Edi mas lalo akong pinag tinginan diba.

Nang makita ko ang mga classmates ko ay nakahinga na ako ng maluwag. Nandoon lang pala sa may malapit sa red carpet.

"Nakita ko na 'Yong mga kaklase ko, thank you." I smiled.

"You're welcome." He said before leaving.

Natuwa ako sa mga natanggap na papuri mula sa mga kaklase ko.

"Ate Iz, OMG! So prettyyyyy!" Bati ni Lexi na napatakip pa ng bibig. Hinila ako nito paupo sa tabi nila.

"Shit. Nababakla ako sayo, beh." Komento naman ni Thea.

"Di ba?!" Biro ko.

"Nanlalamang na naman si Ante. Dapat pala nagpa-late din ako para na-escort din ni Kuya Darwin." Sabat naman ni Ron.

"Beh, ang bango. Mainggit kayo." Biro ko.

"OMG, ang gaganda natin! Walang uuwi ng hindi tayo nag-g-group picture ah." Excited na sabi ni Lexie.

Pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Carlo at pagkatapos ng ilang saglit ay nahanap ko din sa wakas.

Shit. Ang gwapo. Paano nagkagusto sa'kin ang tulad nito?

Napangiti na lang ako dahil litaw na litaw ang kagwapuhan niya sa grupo ng mga lalaking kasama niya.

Nagpatuloy ang event, hanggang sa oras na para sa foods and party. The DJ hypes the crowd. Others started to eat, some started swaying their hips on the dancefloor, few of them are fixed on their seats, and group of people are striking their best pose- and I am one of them. We enjoy ourselves by taking photos, either solo or groups. Pabalik na ako sa upuan ko ng pasimpleng lumapit si Carlo saakin at biglang bumulong mula sa likod ko.

"Sobrang ganda mo, Iz."

Nagtayuan ang balahibo ko sa pinaghalong kaba, gulat at kilig.

Napalingon ako sa kanya at hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. Ang gwapo niya sa malayo pero iba ang kagwapuhan niya sa malapitan.

"Ang gwapo mo." Wala sa sariling naibulong ko.

He chuckled.

"Kaya bagay tayo e." Biro nito habang ang mga mata ay titig na titig saakin. "Kung alam kong pupunta ka ay mas pinaghandaan ko pa sana."

"Kahit naman bagong gising ka, sobrang gwapo mo parin." Nakangiti kong sabi.

Mabilis nitong hinawakan ang kamay ko at saka marahang pinisil bago binitawan.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Mamaya na." I replied.

Malaya kaming nakapag-usap sa pwesto naming iyon. Medyo madilim, nakakahilo ang lights, at hindi matao. Nagsasayawan ang mga tao sa mabilis na ritmo nang biglang kumalma ang malilikot na mga ilaw, nahinto kaka-talon at kakagiling ang mga studyante, at napalitan ng malamyos at malambing na tugtugin ang kanina ay nakakabinging kanta.

"Please have this dance with me, Iz.." Malambing nitong bulong malapit sa tainga ko.

Agad kong nakagat ang labi ko. Hindi pa siya nagtatanong ay 'hindi' na agad ang sagot ko. Hinarap ko ang punó ng pag-asa niyang mga mata, and shot him an apologetic smile instead.

His smile didn't fade but his eyes mirrored his sadness, as I declined and refuse to dance with him.

"It's okay. Ikukuha na lang kita ng pagkain." He offered.

"Carlo, ako na." Pigil ko sa braso niya.  "Ako na lang, sige na. Doon ka na muna."

Yumuko ito ngunit tumango din kaagad.

"Babalik na muna ako sa pwesto namin. Kumain ka na muna, Carlo. Andaming ginagawa ng mga officers." I said and shot him my apologetic eyes.

He smiled and nodded before we part ways.

Binalot ako ng guilt habang palihim na pinapanood ang mga galaw ni Carlo nang bigla itong mawala sa paningin ko as Darwin towered over me.

"Hi, enjoying the night?" He asked, smiling bright.

"Uh, hi." I replied awkwardly.

"May I have this dance?" He asked giving me his handsome smile.

"Huh?" Hindi ko mapigilang masabi.

Ano ba naman 'to.

Nagulat ako sa alok ni Darwin pero mas nagulat ako nang magtilian ang mga kaklase ko.

"Sige na, Ate Iz!" Panunudyo ng mga ito saakin.

"DarwIz! DarwIz! DarwIz!" Panunukso ng mga ito.

Masyado na silang maingay at marami na ang nakakapansin. Sa kagustuhang matigil na ang ingay nila at ang paghatak ng karagdagang atensyon ay tinanggap ko na lang ang kamay ng binata. Muli silang nagtilian kaya napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi ito maganda.

Inalalayan ako ni Darwin papunta sa gitna ng dancefloor at saka marahang ipinatong sa maliit kong bewang ang kanyang kamay. Napangiti ako nang abutan niya ako ng isang pulang rosas.

"Salamat.." I smiled genuinely.

He opened a conversation which ended with a sweet compliment. Hindi pa man kami nakakarating sa upuan ko ay may isa na namang nag-alok saakin ng sayaw mula sa isa pang fourth year. Maikli lang ang sayaw na iyon kumpara sa sayaw namin ni Darwin dahil may isang sumingit at pumutol sa sayaw namin mula sa kapwa ko third year na siyang papalit bilang partner ko. Hanggang sa isa pa na naman.

Dati sobrang curious ko, ano kaya feeling ng isayaw ng maraming tao sa prom?

Ganito pala yun, nakakapagod.

"Sorry bro, kakain muna si Iz." Hash interrupted.

That moment, I am so thankful to Hash.

"Thanks, Hash!" I exclaimed at saka agad na ipinulupot ang braso sa braso niya, pagkatapos ay hinila ito pabalik sa pwesto namin.

"You're welcome. Ganda mo e!" He replied.

"Kaya nga e." I said seriously.

Para na naman kaming mga baliw na may sariling mundo. Natigil ang pagtawa ko nang bigla kaming magkatinginan ni Carlo. Agad kong tinanggal ang kamay ko sa braso ni Hash nang mapadpad doon ang mga mata ni Carlo. 

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Hash.

"Sa tingin mo, paano ko naman yon gagawin?" Pamimilosopiya ko.

"Sorry naman." He said at saka ako tinalikuran.

Pagbalik nito ay may dala na siyang pagkain at nagulat pa ako nang inabot niya ito saakin.

Hindi ko na din tinanggihan dahil bukod sa gutom na ako ay baka mahugot na naman ako ng kung sino.

Sarap na sarap ako sa pagkain nang biglang magkasalubong na naman ang mata namin ni Carlo. Nawalan ako bigla ng gana sa disappointment na nakita ko sa mga mata niya. I smiled at him ngunit isang simpleng tango lamang ang itinugon niya bago umiwas ng tingin.

Tinapos ko na lang ang pagkain. Napakunot ang noo ko ng biglang ilahad ni Hash ang palad niya sa harapan ko na para bang nanghihingi ng kung ano.

"Ano yan?" Pagsusungit ko.

"Bayaran mo talent fee ko.." He said.

Natawa naman ako.

"Ay sus. Sige na nga.." I said and put my hand over his palm.

Sumayaw kami ngunit mabilis lang dahil napalitan na ulit ang tugtog ng mas mabilis na ritmo. Kasama ng mga kaklase namin ay nagsayawan na kami doon na parang kami lang ang mga tao sa event na 'yon. Pagbalik sa upuan ay muli kong palihim na pinagmasdan si Carlo. Halata ang pagka-badtrip sa mukha nito. Kunot na kunot ang noo at magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay.

Siguradong nagseselos siya.

Napakagwapo talaga nito kahit nakabusangot. Bagay na bagay nga sa kanya ang soot niyang pulang tuxedo. Para siyang prinsipe, siguradong karamihan sa mga babae na nandito ay nagpaganda ng husto para sa kanya, umaasang isasayaw sila nito. Tapos heto ako, pinasama ko lang ang loob niya. Malamang ay hindi nito nagustuhan ang katotohanan na hindi ako nakisayaw sa kanya tapos ang dami kong isinayaw na iba.

"Ang swerte ko naman." Hindi ko mapigilang ibulong sa hangin.

Napakagwapo niya, mabait, matalino- gugustuhin siya ng kahit sino. At sa dami ng magagandang babae dito, saakin siya nagkagusto.

"As we are nearing to the end of this wonderful event, I am delighted to announce that the faculty, the dean, and the management decided to have this surprise and special award for tonight." Announced ng emcee. "Awards will be the following. Best formal attire, Darlings of the dancefloor, Mr. And Ms. Luxury, Mr. And Ms. Head turner,  and Mr. And Ms Glamorous."

"May we call on, Mr. President and the CHS dean to give us some words before the awarding.." Saad naman ng isa pang emcee.

Tumayo si Sir Charlie at Si Dean para lumapit sa gitna ng stage.

"Good evening my dear, mighty healers! Is everyone's enjoying the night?" Our School President started. Nagtilian ang mga estudyante bilang tugon. "I am delighted to witnessed your enjoyment, future nurses and midwives. I just wanted to congratulate everyone for a job well done this semester. Tonight, enjoy yourself because you deserve this!"

Agad naman na tinanggap ni Dean ang microphone.

"The first semester was a whole disaster right? Especially last week. Now, gusto kong palakpakan niyo ang inyong mga sarili for surviving the disaster." Dean said. "Talaga namang hindi lang caring, kundi magaganda at mga gwapo din ang CHS student. Total package talaga ang mga student nurse and midwives ng university na ito!"

Naghiyawan naman ang mga estudyante sa narinig.

"Habang nag-e-enjoy kayo dyan ay palihim namin kayong pinagmasdan. I must say that everyone is glamorous tonight, talagang pinaghandaan." She stated. "Again, congratulations and enjoy the rest of the evening."

"Thank you Sir and Dean. Andito na tayo sa pinaka-exciting na part. Sino kaya?!" Tanong nong emcee, at napuno ang lugar ng halo-halong pangalan. "So, the selected student will receive a sash, a certificate, a flower, and a cash."

"Magkano kaya ang cash price?" Tanong ng katabi kong si Lexie.

"Baka more or less 30K." Biro ni Rissa.

Natawa tuloy kami.

"Ano yan, scholarship?" Sagot ko.

"Pang-RLE fee pala. Kung alam ko lang, edi sana pinaghandaan ko ng bonggang-bongga, anteh!" Saad naman ni Ron.

"Best formal attire goes to.. Mr. Darwin Gonzales of fourth year and Ms. Thea Morris of third year!"

At sabay-sabay kaming napahiyaw nang matawag ang pangalan ng isa sa mga kaibigan ko, lalo na nung pumunta si Darwin sa pwesto namin para alalayan si Thea papuntang stage.

"Ante, may pang-RLE ka na may gwapo pang escort!" Biro ni Zelle.

Napakaganda nga naman ng soot ni Thea. Isa iyong black evening gown na parang pang-miss universe.

"Darlings of the dancefloor will be awarded to.. Mr. Mark Jude Rivera and Ms. Jenna Hernandez!"

As the emcee announced, naghiyawan ang mga tao dahil biglang pumunta sa gitna ang mag-jowa at hinandugan kami ng isang sexy na sayaw sa tugtuging 'love me like you do', na pinasikat nina hashtag Zeus Collins at Girltrend Dawn Chang, bago tuluyang pumanhik sa stage at tanggapin ang kanilang award.

"Luxury will be awarded sa student na pinaka-expensive tonight. Sino kaya?!" Excited na saad ng emcee. "Mr. And Ms. Luxury award goes to.. Mr. Hash Mendoza and Ms. Alexis Garcia!"

Agad kaming naghiyawan nang matawag ang pangalan ni Hash. Natural na natural kasi talaga ang pagka-expensive ni Hash. Sa kilos, sa pananamit, sa mga gamit, at pananalita.

"Expensive nga! Pag tumabi ako sa dalawang 'yan, magmumukha akong hampaslupa!" Halakhak ni Nicole, classmate ko, habang pinapanood namin ang dalawa sa stage.

"Mr and Ms. Head turner who made our head turns 360 degree- charriz! " The emcee jokes. "Mr. And Ms. Head turner award goes to.. Mr. David Velasquez and Ms. Selina Velasco!"

"Shesh! Siya 'Yong crush ko sa fourth year!" Impit na tili ni Lexie sa tabi ko. "Bakit hindi na lang ako? Bakit si Selina pa!"

Natawa na lang ako habang inaasar si Lexie ng mga classmate namin.

"And we are down to the last and the most awaited award for tonight! Glamorous award will be awarded to the students who are confident, expensive, gracious, in short, glamorous! Mr. Glamorous who owned the eyes and heart of gorgeous young lady out there is..  Mr. Carlo-" Hindi na natapos ng emcee ang sinasabi dahil sa sobrang lakas ng tilian ng mga babae.

My heart melt with proudness. Hay, sobrang dami niya talagang fans.

Pinanood ko itong pumanhik sa stage upang tanggapin ang kanyang award.

"Sino kaya sa tingin niyo ang Miss Glamorous?" Tanong ng emcee at kulang na lang ay mapatid ang ugat sa leeg ng mga kababaihan sa lakas ng sigaw nila. "I'm sorry beautiful ladies, but she was already been chosen. Miss Glamorous who owned the night and had graced us with her jaw-dropping appearance is.. Miss Iz-"

Halos hindi ko na narinig ang sariling apelyido dahil sa nakakabinging hiyawan ng mga kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko at parang sasabog ang puso ko. Parang gusto kong magtago nang matagpuan ako ng mga mata ng mga taong nandito. In an instant, for the first time in 3 years, I was out in a spotlight as bright as this.

wtf. ako? seryoso?

"I say dasurv!" Sigaw ng ilan sa mga kaklase ko.

"Slayed!" Sabay-sabay namang sigaw ng RLE group mates ko.

Nahihiya man ay tumayo na ako at sinimulang maglakad sa gitna ng red carpet habang sinasalo lahat ng mga tinging binabato saakin. Halos atakihin ako ng anxiety ko ngunit umurong ito sa oras na nagsalubong ang mga mata namin ni Carlo. There he is, walking towards me while seriously looking straight at me. 

Suddenly, everybody fades away.

Gustong-gusto ko talaga ang mga mata niya. Kung paano ako nito tingnan na tila laging naglalambing.

I decided to throw away my fear and shame, and walk confidently instead. And we met halfway. He offered his hand, and we walk gracefully and confidently towards the stage in the middle of the crowd.

"Congratulations.." Bati sa amin ni Dean and ni President.

"Thank you so much po!" I said as I received my awards and smile for the photo opportunity.

"Humanda ng kiligin as the Mr. And Ms. Glamorous share a romantic dance!" The emcee announced.

Applause thundered around the area, and subsides as soon as the violin version of the song, 'to the bone' lingered in our ears. The lights turns dim, adding a romance to the ambiance.

Marahan nitong kinuha at ipinatong sa mga balikat niya ang aking mga kamay.

"May I?" He talked, asking permission to touch me.

Overwhelmed, I nodded my head.

He gently placed his hand on my waist and get the other one and intertwined it with his. Then, we started to sway in that romantic rhythm which happens to be my favorite song.

"Carlo.." I initiated a conversation. "Ang gwapo mo.."

"Thank you." He replied.

"Galit ka sakin?" Malambing kong tanong. "Sabihin na nating kahit nakabusangot ka ay sobrang gwapo mo pa rin, pero mas gusto ko pa rin kapag hindi ka nagtatampo sa akin. Sorry na."

"You choses them over me, Iz. That's so unfair. I want that dance too." He whined like a child. 

"And we're having it. We are dancing while everybody's watching." I replied. "Just you.. and me."

"I was so jealous. But I can't do anything about it because you are not mine in the first place."  Mahina nitong saad. "I'm sorry, I was just so frustrated."

The song continue.

"Carlo.."

Listen to me now, babe, I want you to the bone 🎶

"Hm?" He hummed.

I want you to the bone..🎶

"You've been handling, dealing, and pursuing me for more than 12 months already." I chuckled. "I've given you enough time to walk away and save yourself from me."

Oh, maybe if you can see, what I feel through my bones 🎶

"Saan ba papunta ang usapang to, Iz? Will I be rejected?" He breathe.

And every corner in me, oh, there's your presence that grown 🎶

"You've been so patient with me, Carlo. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip kung ano ba ang nakita mong espesyal sa akin para magkagusto ka saakin ng ganito."  Sagot ko. "Ang dami mong chances para umalis.."

Maybe I nurture it more by saying how I feel  🎶

"Para kasi saakin, chance yon para ipakita at iparamdam kung ano mang feelings ang meron ako para sayo. I see it as a chance to prove myself and do everything I can just to win a place in your heart and be a part of your life." He said. "Iz, am I losing?"

But I did mean it before, I want you to the bone 🎶

"You had see me in my best and even the worst in me. I'm not easy, right?" I smiled. "Now, I want to ask, gusto mo pa rin ba akong maging girlfriend, Carlo?"

I felt his body tensed a bit.

I want you to.. Take me home, I'm falling. Love me long, I'm rolling.. 🎶

"Gustong-gusto, Iz." He whispered. His words are sincere and his tone was sweet and soft.

losing control, body and soul, mind too, for sure..🎶

"Then be my boyfriend."

I'm already yours.. 🎶

The lights becomes dimmer, and the other four pairs who has been awarded as well, started to occupy the dancefloor, joining us.

He grabbed me closer, close enough for me to feel his heart pounding fast yet still far enough for him not crossing any boundaries. That moment, two student nurses become tachycardic with no needed medical intervention.

Nag-usap ang mga mata namin. His happiness mirrored mine. I stared deeply in his eyes, and in that moment I knew that I am doing the right thing because I saw my reflection in his eyes.. and it was very happy, loved and in love.

He leaned down to whisper something in my ear. For the first time, I heard it.

It's not just tachycardia, I felt like having COPD and Mobitz type 2 when he finally said it, looking at me straight.

"I love you, Iz.."

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

1.1M 28.9K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
3.9M 159K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...