IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

887K 33.4K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 31

14.3K 573 163
By ImaginationNiAte

KABANATA 31:

Ilaria POV

          "DID you hear me, miss whoever you are? I said, get out before I drag you out of Samael's office." mataray niyang turan sabay turo pa sa pintuan na tila nagsasabing lumayas ako rito pero imbes na matakot ako sa pagbabanta niya ay nginitian ko lang siya.

Isang pekeng ngiti.

Hindi rin ako nagtangkang tumayo o umalis, bagkus ay isinandal ko pa ang likod ko sa swivel chair. Bakit ako matatakot sa kanya? Tsk, ano ba ang dapat kong ikatakot sa kanya? Kaya naman taas-noo ko siyang tinignan at hindi ako nagpasindak.

"Sorry, but I can stay here any time and whatever I want and you can't order me to leave my husband's office." mahinahon ngunit may diin kong sagot sa babaeng ito.

"How about you? Who the hell are you? What are you doing here in my husband's office? What do you need from him?" sunod-sunod kong katanungan sa kanya.

Lalong nagtaas ang kilay niya na halatang ginuhit lang naman, "What? Husband?" aniya na tila gulat na gulat. Nasa hitsura rin niya na hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

I nodded, "You heard me, miss. You're probably not deaf, are you?" I said and I flash my sweet smile.

But she laughed --- she gave me a scornful laugh. Sa paraan ng tawa niya ay para bang ngayon lang siya nakarinig ng isang nakakatawa at mabentang joke. Her laugh irritates me a little, and it's annoying! 'Yong tawa niya kasi ay parang isang nakatakas na mangkukulam. Does she think I'm joking?

"Oh come on, miss! Stop dreaming!" she hissed and laughed again. Rinig na rinig sa buong opisina ni Samael ang nakakabwisit niyang pagtawa. Naiinis na ako, kapag ako sinaniban ng demonyo ay baka tanggalan ko siya ng ngala-ngala rito mismo.

"Do you think I will believe you? You? Samael's wife? My god! You're making me laugh! You're funny, you know? I think you are one of those crazy girls who liked him badly and fell over heels for Samael!" aniya at umakto pa siya na nagpunas ng luha kahit wala naman siyang luha.

Tsk, ang arte!

"I know you like him but please, stop saying he is your husband because no one will believe you! Ni hindi ko nga alam kung paano ka nakapasok dito sa office niya! You might be a trespasser here! My goodness! There are many crazy women out there who say that line, that they are Samael's girlfriend or they are his wife." mahabang turan niya pa.

Oh, she can speak Tagalog? Bakit panay pa ang pagsasalita niya ng Ingles kung marunong din naman pala siyang magsalita ng Tagalog? Jusko! Pinapahirapan pa ako!

I'm glad na naiintindihan ko ang mga sinasabi niya at marunong akong makaintindi ng lenggwaheng Ingles. Dahil kung hindi, baka kung ano-ano na ang pinagsasabi nito sa'kin na hindi ko namamalayan.

At saka iniisip niyang baliw ako at trespasser? What the fuck? Siguro ay hindi ako kilala ng babaeng ito. Sabagay, hindi ko rin naman siya kilala at wala akong balak na kilalanin siya.

Saka ako? Isa sa mga baliw na mga babaeng nagsasabi na asawa si Samael? Baka isampal ko sa kanya ang katotohanan na hindi ako gumagawa ng kwento.

Well, oo nga pala. Marami kasing mga girls ang patay na patay kay Samael kaya halos ang iba sa kanila ay gumagawa ng kwento na kesyo girlfriend sila ni Samael, ex-girlfriend or asawa raw kuno sila.

"Sorry, pero hindi ako nagbibiro. I am Samael's wife," pagmamatigas ko.

Nahalata ko na bahagya siyang nagulat nang marinig niyang nagsalita ako ng Tagalog. Pero agad din naman nawala 'yon. Huminga siya ng malalim at pansin kong naiirita na siya.

"Get out of here bago ko tawagin ang mga tauhan ni Samael para kaladkarin ka, understand?" may diin niya pang utos sa akin pero hindi ako nakinig.

"No. Sino ka ba para utusan ako?" pagtataray ko rin sa kanya. Tsk, sinong tinatakot niya? Ako? Tsk, no fucking way. Baka siya pa ang mapalayas ko rito at ipakaladkad palabas.

Akma pa sana siyang magsasalita nang bumukas ang pinto at niluwa 'non si Samael. Kasunod naman niyang pumasok si Miano pati na rin si Kuya Palermo at ang kanyang kanang kamay na si Ocampo. Natigilan pa sila nang makita nila ang babaeng 'yon subalit halos hindi naman ako makagalaw sa kinauupuan ko nang mabilis na yumapos na parang linta ang lintek na babaeng 'yon kay Samael.

"Babe! Buti naman at nandito ka na. Meron kasing baliw na babae rito na ayaw umalis. She is a trespasser! Hindi ko alam kung papaano siya nakapasok dito sa office mo. Baliw yata siya eh! She also claims that she is your wife." maarte niyang wika pero hindi iyon ang iniisip ko.

The heck? Babe? Tama ang narinig ko, 'di ba? Hindi naman siguro ako namali ng pagkakarinig. Tinawag niyang babe si Samael?! May relasyon ba sila?

"Babe? Why did she call you babe?" taka kong katanungan kaya nabaling ang atensyon nina Samael sa akin. Doon lang niya napagtantong nakaupo ako rito sa swivel chair niya.

"Yes, girl. I'm his babe. Ako ang future girlfriend ni Samael, hindi ikaw na kini-claim mong asawa mo siya kahit hindi naman." aniya at umirap pa ang bwisit na babaeng 'to.

Sumama naman bigla ang timpla ko.

Mariin kong tinignan si Samael gamit ang nanlilisik kong mga mata at nang makita niya ang naging reaksyon ko ay agad niyang tinanggal ang braso ng babaeng 'yon na nakayapos sa kanya. Mabilis din siyang lumayo sa babaeng iyon na animo'y takot na takot siyang mahawaan ng nakamamatay na sakit.

Bakit hindi ko yata alam ang tungkol sa babaeng 'to?! Samael never mentioned her to me. Palagi naman siyang nagsasabi sa'kin ng mga babaeng lumalapit sa kanya lalo na kung sino ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Palagi nga rin siyang nag-a-update sa akin, hindi lang sa mga pinupuntahan niya kundi pati na rin sa lovelife niya. Kaya nga alam na alam kong hindi pa siya nagkaka-girlfriend eh.

"No, no. M-Mali ang nasa isip mo, kitty." umiling-iling na sambit ni Samael at ramdam ko naman ang kaba sa boses niya.

"Oh really? Then who is she? Why is she here? Why is she looking for you? What does she need from you? Tell me, right now." sunod-sunod kong katanungan sa may diin at seryosong boses.

I caught how he gulped.

Hindi rin nakaligtas sa akin kung paano mapangisi si Palermo at tila ba parang alam niyang hindi maganda ang timpla ko ngayon. Jusko! Narinig ko lang na tinawag ng babaeng 'to si Samael na babe ay bigla na lang nag-init ang ulo ko.

Mas lalo pang kumulo ang ulo ko nang sabihin ng babaeng 'to na future girlfriend daw siya! The fuck? Siya? Magiging girlfriend ni Samael? Ano na lang ang magiging future ni Samael nito? Ang lakas naman yata ng loob niya para sabihin 'yon?!

"You screw up, dude. Mukhang mainit ang ulo ng paborito mong mabangis na tigre," rinig kong nakangising saad ni Kuya Palermo kaya binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"Wait, sino ka ba talaga ah?! Pwede ba na umalis ka na rito?!" asik ng babaeng 'to sa akin kaya sa kanya ko binaling ang masama kong tingin.

"Get lost while I'm still speaking nicely," I said.

"Get her out of here." utos ni Samael sa assistant niya. Tango lang ang isinagot ni Miano at mabilis na hinawakan ang babaeng 'yon para paalisin siya subalit masyado yatang matigas ang bungo nito. Nagawa pa rin niyang pigilan ang paghatak ni Miano sa kanya.

"Wait! Mag-uusap pa tayo, Samael!" aniya pero hindi siya pinakinggan ni Samael, bagkus ay lumapit siya sa akin at mabilis na humalik sa aking labi.

"Walang namamagitan sa'min, okay? Believe me, ikaw lang ang mahal ko." malambing niyang sabi kaya unti-unti akong kumalma.

Nang sulyapan ko ang babaeng 'yon ay nakita ko naman ang gulat sa pagmumukha niya. It was obvious to me that she couldn't believe what she saw. Hinalikan lang naman ako ni Samael sa labi at alam kong nakita niya 'yon.

"Wait! Why did you kiss her?!" tanong niya. Anak ng tokwa! Hindi lang pala siya nakakabwisit, ang OA pa niya. Kung makatanong siya ay parang nahuli niya sa akto ang asawa niyang may kahalikan na ibang babae.

"Because she is my wife. My one and only Mrs. Lazarus." Samael answered proudly and kissed my lips again.

Uwang ang bibig ng babaeng 'yon kaya hindi ko mapigilan na matawa sa isipan ko dahil sa priceless na reaksyon niya. Bago pa ulit makapagsalita ang babaeng 'yon ay nahatak na siya ni Miano palabas ng office ni Samael.

"Sino ba kasi 'yon?" tanong ko nang wala na ang babaeng epal na 'yon.

"Marisse, but she is not important." walang ganang sagot ni Samael sa'kin bago niya ako hinatak para siya ang maupo sa swivel chair niya habang ako ay naupo naman sa kanyang kandungan.

Pinaningkitan ko siya ng mata, "Marisse who?"

"She's Marisse Balinger, one of Samael's crazy suitors. Panay ang buntot niya at habol ng habol kay Samael," nakangising pagsabat ni Kuya Palermo na ngayon ay prenteng nakaupo sa mahabang sofa na mayroon dito sa office ni Samael.

Ah, kaya pala gano'n umakto ang Marisse na 'yon? Dahil isa siya sa mga baliw na baliw kay Samael? Napaisip rin ako bigla. Bakit parang pamilyar yata sa'kin 'yong name niya? Para kasing narinig ko na ito somewhere. At saka pati ang mukha 'nong babaeng iyon ay parang nakita ko na rin subalit hindi ko lang matandaan kung saan.

"Her name sounds familiar," mahina kong sambit ngunit mukhang narinig nila 'yon.

"She is an actress and model. She is also the daughter of my business partner," Ani Samael kaya naalala ko naman kung sino ang Marisse na 'yon.

Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil isa siyang artista at model? Minsan ko na rin siya nakikita sa TV lalo na sa mga paid advertisement na talaga nga namang bino-broadcast sa television. Ang madalas kong nakikita na commercial niya na talaga namang masasabi ko na patok sa mga manonood ay puro mga beauty products kagaya ng lipsticks.

"She is also one of the most in-demand and influential brand ambassadors in Italy. She's half-Italian, half-Filipino. I think hindi nagkakalayo ang edad ninyong dalawa," pagku-kwento naman ni Kuya Palermo sa akin kaya hindi ko maiwasan na taasan siya ng isa kong kilay.

"Bakit parang kilalang-kilala mo siya?"

He smirked, "Sa araw-araw ba naman siyang bumubuntot kay Samael, kaya sinong hindi makakakilala sa babaeng 'yon? That girl is obsessed and really in love with Samael. Sa sobrang baliw niya ay ipinalalandakan niya pa sa publiko na siya ang fiancée ni Samael at malapit na raw sila kuno na ikasal," mahaba niyang sagot kaya medyo nakaramdam ako ng inis.

Wow! I think that girl is really crazy ---no, she is a crazed lunatic actress who is head over heels in love with Samael. Talagang hulog na hulog ang babaeng 'yon dito sa fiancé ko.

"What? There's something wrong?" Samael asked when I looked at him firmly. Nakakunot na rin ang kanyang noo, halata kong nagtataka siya kung bakit ganito ako makatingin sa kanya.

"May namamagitan ba sa inyong dalawa? Naging kayo ba? Nagka-crush ka ba sa kanya? Aba, artista 'yon at modelo pa kaya sobrang ganda niya," sunod-sunod kong katanungan na animo'y nasa job interview siya.

Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagkakaganito at mas lalong kung bakit bigla na lang akong umaakto ng ganito. Dahil ba sa ayokong maagawan? Na ayokong malamangan at magkaroon ng karibal sa puso ni Samael?

He quickly shook his head, "No, of course not! I will never like someone like her. Ikaw lang ang babae sa buhay ko, ang babaeng mamahalin ko. Yes, may hitsura siya pero higit naman na mas maganda ka."

Hindi ako nakasagot. Nang mapansin ni Samael ang pananahimik ko ay niyapos niya ang beywang ko at humalik sa aking labi.

"Wala kang dapat ikabahala sa babaeng 'yon. She is nothing to me, trust me. You are more beautiful and worth it than her or anyone. Can't you see how madly in love I am with you?" aniya pero huminga ako ng malalim.

"Paano kung.. malaman 'nong babaeng 'yon na hindi tayo magkapatid? Na hindi ako Lazarus at.. mahirap lang ako? Ano na lang ang iisipin ng ibang tao? Walang-wala ako sa mga babaeng nagkakagusto sa'yo, Samael. Nang malaman ko na hindi ako isang Lazarus, na hindi tayo magkadugo ay marami akong narealize.." sagot ko na hindi makatingin ng diretso sa kanya.

Isa 'yon sa dahilan kung bakit 'nong una ay nagtatalo ang isipan ko kung pagbibigyan ko ba siya ng chance na ipakita at iparamdam sa'kin ang pagmamahal niya. I'm not a Lazarus, I'm just an adopted child. Wala akong maipagmamalaki sa kanya dahil wala pa naman akong napapatunayan.

Ni wala pa nga akong naipupundar ng sarili kong negosyo. Idagdag pa na isa siyang Mafia. Leader, mayaman at kinakatakutan sa underworld. Alam ko rin ang takbo ng sistema pagdating sa underworld. Payamanan, pagalingan at paangatan.

Hindi lang naman kasi mga kriminal ang bumubuo sa underworld na 'yan, kundi pati na rin ang mga sikat, mga superior social status, mayayaman, magagaling at elite o may high class kumbaga. Eh ako? Ano ba ang maipagmamalaki ko sa mga nakakakilala kay Samael once na malaman nilang mapapangasawa ako ng kinakatakutan at delikadong Mafia leader?

"I can't stop overthinking. I'm not w-worth it for you. H..Hindi ako mayaman eh. Ano na lang ang ipagmamalaki ko sa ibang mga tao kapag ikinasal na tayo?" dagdag ko pang sabi.

He deeply sighed, "That's why I want you to marry me. Be my Mrs. Lazarus, kitty. Hindi mo kailangang problemahin kung ano ang iisipin ng ibang mga tao. Remember, whether you are adopted or not, you will still remain a Lazarus. You will be my wife and you are the only one I want to marry." sagot niya.

He tucked my hair behind my ear and smiled widely, "You are Ilaria Lazarus, the strongest and most brave woman I have ever met. Ang kaisa-isa kong maganda at pinakamamahal na misis. You have the power to show everyone who is superior. Hayaan mong malaman nila kung sino ba ang dapat at kailangang iwasan at katakutan sa underworld." dagdag niya kaya napangiti ako.

"I'll keep you safe as long as I'm here and alive. Whether I die or not, you will remain with the power to control everything in the underworld. Believe me, they will all be afraid of you if you don't show them your weakness. Just always remember what I taught you. I'm here, you have me. Always, my kitty." mahaba niya pang sabi kaya medyo tumaas ang confidence ko sa sarili ko.

"Tama si Samael, Ilaria. Lazarus ka pa rin. And you will still be my cousin no matter what happens. Pinsan kong tigre kung magalit," pagsabat ni Kuya Palermo kaya natawa ako ng mahina.

Syempre kinilig din ako sa sinabi ni Samael ngunit hindi ko iyon ipinahalata sa kanya. Baka mamaya asarin pa niya ako kapag nakita niyang kinilig ako ng bonggang-bongga. Tama siya, wala akong dapat katakutan dahil mayroon akong siya. He taught me a lot, especially how to hold and use a gun.

Pero takot akong pumatay dahil ayokong mabahidan ng kasalanan ang dalawa kong mga kamay. Pero alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Samael kahit na ano pa ang mangyari. Hindi niya hahayaan na maging makasalanan ako. Ang maligaw nga ako ng landas ay hindi niya hinahayaan na mangyari, ang makagawa pa kaya ako ng krimen?

Sa totoo nga lang, sa aming dalawa ay ako ang boss niya, malaki ang takot niya sa akin. Isa siyang ruthless mafia leader pero takot siya sa akin. Isang salita ko nga lang ay napapasunod ko na siya. Nagiging maamo siyang tupa pagdating sa akin.

Hindi dahil sa under siya sa'kin, kundi iniiwasan lang niya na huwag kaming mag-away. Alam kasi ni Samael na hindi ako basta mabilis nagagalit, pero masama naman ako magtampo. Kaya nga takot na takot siya na lumabas ako at baka kung sino-sino ang mga nakikilala ko sa labas dahil alam niyang inosente ako, may malambot na puso at mabilis maloko.

Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng kakaiba sa Marisse na 'yon. Feeling ko ay mayroon akong karibal sa buhay ni Samael kahit pa na sabihin na hindi naman siya natitipuhan ni Samael.

Hindi ko talaga mapigilan na mabahala. Para kasing ang Marisse na 'yon ang tipo ng babae na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya. We are both different. Sa ugali at pananamit pa nga lang ay kitang-kita na agad ang pinagkaibahan naming dalawa.

"Anyway, kainin mo na pala itong niluto kong pagkain. Maya-maya ay uuwi na rin ako sa Mansyon. Aasikasuhin ko pa 'yong iniwan na homework ni Mrs. Thompson," nakangiting sambit ko bago ko binuksan ang baunan para makakain na si Samael.

Kahit hindi nagturo si Mrs. Thompson kanina ay may iniwan naman siyang homework na gagawin ko agad pag-uwi ko sa Mansyon. Hindi ko kasi ito naasikaso kanina.

Masaya ko lang na pinanood si Samael nang kainin na niya ang niluto ko habang si Kuya Palermo naman ay ayon, lumabas na muna para bigyan kami ng time ni Samael na masolo ang isa't-isa. Sa tingin ko ay may alam na rin si Kuya Palermo tungkol sa'min ni Samael subalit hindi lang siya nagsasalita. Pero nakikita ko naman na masaya siya para sa amin.

Napag-kwentuhan na rin namin ni Samael kung bakit marami siyang inaasikasong trabaho ngayon at hindi pa tapos ang meeting nila. Iyon pala ay meron silang bagong ila-launch na business. Mahalaga na asikasuhin iyon dahil malaki-laki pala ang ilalabas nilang pera para sa ipapatayo nilang bagong negosyo.

Naubos din ni Samael ang pagkaing niluto ko para sa kanya. Nag-stay pa muna ako ng ilang minuto sa office niya bago ako nagpaalam na uuwi na. Hindi na niya ako maihahatid hanggang labas dahil masyado talaga siyang busy pero naiintindihan ko naman siya.

"Kayo na ang bahala sa kanya. Siguraduhin niyo lang na ligtas siyang makakauwi," pagpapaalala ni Samael sa mga tauhan niyang maghahatid sa akin pauwi.

Simpleng tango lang ang isinagot ng mga tauhan niya sa kanya kaya humalik na ako sa pisngi ni Samael, pero ang poging nilalang na 'to ay humabol pa at hindi siya nahiyang halikan ang aking labi sa harapan pa mismo ng mga tauhan niya.

"I will be home around 3 AM. Maaga kang matulog, okay?" paalala niya sa'kin.

"Yes po, sir." sagot ko at nag-salute sa kanya kaya mahina siyang natawa.

He hugged me warmly and tightly before kissing the top of my head. Umalis na rin naman ako agad sa office niya kasunod ang mga tauhan niyang mag-e-escort sa'kin pauwi ng Mansyon. Mabuti na lang ay hindi ko na nakita ang Marisse na 'yon.

Sumakay na ako agad sa naghihintay na sasakyan at ilang saglit lang ay lumarga na kami paalis. Habang nasa kotse ay naramdaman ko naman ang phone ko na biglang nag-vibrate. Kinuha ko naman 'yon sa sling bag ko at nakita ko sa screen ang pangalan ni Samael. Bakit naman kaya siya tumatawag? Did he forget to say something?

Mabilis ko itong sinagot.

"Shit! I'm sorry, kitty. I forgot to tell you something," bungad niyang salita sa kabilang linya.

"Ha? Ano 'yon?" nagtataka kong tanong.

"That I love you and you are my most beautiful and glamorous wife,"

Unti-unting gumuhit sa labi ko ang matamis kong ngiti. Holy moly! That's smooth! Hindi man lang siya nautal nang sabihin niya 'yon. Akala ko kung ano na ang nakalimutan niyang sabihin kaya mahina akong natawa. Ramdam ko rin sa boses niya na proud siya.

Pero anong isasagot ko? Should I tell him that I love him too? Pero wala pa akong kasiguraduhan sa nararamdaman ko. Gusto ko na sasabihin ko ang magic words na 'yon kapag sigurado na ako at kapag mahal ko na rin siya. Na kapag in-love na rin ako sa kanya.

Masama na ba akong babae? Pero gusto ko na sasabihin ko ang salitang 'yon hindi bilang nakatatanda kong kapatid, kundi bilang isang lalaki na mahal ko. I am not ready and this is not the right time to say those words. Pero alam ko na masasabi ko rin 'yon balang araw, na mahal na mahal ko siya.

"Sige na, I'm going to hang up this call. I know you are not ready to say your magic words, but someday I will be able to hear those words and say how much you love me. Basta ang mahalaga, alam mong mahal kita." mala-mais niyang banat kaya lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

"Thank you, Samael." sinsero kong pasasalamat sa kanya.

Ito ang higit kong pinagpapasalamat sa kanya. Hindi siya nagmamadali, bagkus ay handa siyang maghintay ng matagal. Naiintindihan niya ako, alam na alam niyang nabibilisan ako sa mga pangyayari. Hindi niya ako pini-pressure.

"No, I should be the one to thank you. Thank you for coming into my life. Thank you for giving me a chance. I am happy and enough that you are here. Just stay by my side, okay? Huwag mo akong iwan," ramdam ko sa boses niya ang pagiging seryoso at pagmamakaawa.

"Yes, of course. Hindi kita iiwan. Promise." seryoso kong pangako sa kanya.

Kahit noong bata pa lang kaming dalawa ay 'yon na ang ipinangako na namin. Ang hindi namin iiwanan ang isa't-isa. At saka wala akong balak na umalis sa tabi niya. Maswerte na ako kay Samael. Masaya ako at kuntento na. Sooner or later ay matutunan ko rin siyang mahalin.

Matapos kong sabihin 'yon ay nagpaalam na siya kaya pinatay ko na ang tawag. I put my phone back in my sling bag, but I almost screamed in shock when the driver suddenly hit the brakes. Sa lakas 'non ay talagang nagulantang ako. Kung hindi lang ako naka-seatbelt ay baka lumipad na ako papunta sa unahan ng sasakyan.

"Manong, dahan-dahan lang naman po sa pagmamaneho." salita ko sa driver namin.

"Pasensya na po, signorina. Bigla po kasing may humarang sa sasakyan natin," hinging paumanhin niya.

Tumingin naman ako sa unahan, meron ngang mga humarang sa unahan ng sasakyan namin. Mga sasakyan na itim 'yon at hindi ko maiwasang balutin ng takot at kaba. Pero nagulat na lamang ako sa sunod na mga nangyari. May bumaba roon na mga armadong mga lalaki at pinaulanan nila kami ng bala pati ang mga convoy namin. Malakas ang instinct ko kaya mabilis akong napayuko para hindi matamaan ng bala.

Shit! Does someone want to kill me?!

Wala akong narinig na ingay galing sa putok ng mga baril. Marahil ay may silencer ang mga gamit nilang mga baril, subalit alam kong binabaril nila kami dahil ang mga bintana sa sasakyan ay nabasag. Hindi ko na napigilang mapaluha sa takot. Katapusan ko na ba? Hanggang dito na lang ba ako?

Sobrang bilis ng mga pangyayari, nakita ko na lang ang driver namin at ang isang tauhan ni Samael na nakaupo sa shotgun seat na parehong duguan at wala ng buhay. Sunod kong narinig ang pagbukas ng pinto sa gilid ko at sinakluban ako ng mas matinding takot nang makita ko kung sino ang nakatayo sa labas at matamis na nakangiti sa'kin.

"Hi, my princess. Did you miss me?"

#

Continue Reading

You'll Also Like

673K 19K 49
He is your brother but he's also crazy to fall in love with you.
570K 23.3K 37
HELLION 3: CHASE LAURENT SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP She was born rich, he was not. They met when they were 10 and they became...
1M 27.1K 49
Darwin Rafhael Sin Khazariah is an Assassin in MAFIA'S ORGANIZATION. He known to be the most mysterious demon of all time. The silent type but a mons...
40.5K 1.5K 42
A unique ravishing professor named Cali Jaze Fuentero-who grew up in a wealthy family, experienced bullying when she was a kid which affected her men...