South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 59

84.8K 4.9K 3.2K
By JFstories

Hello! It's me, Jamille Fumah, or JF! I would like to apologize for taking so long to update. And I apologize if not everyone reads my Facebook announcement. I really thought I'd be able to update last week, but I was still groggy from my meds and couldn't edit the manuscript. Anyway, are you still waiting for Isaiah and Vi? This chapt is a bit serious, but I'll make it up in the final chapters, so I hope to see you till the end.


-------------------------------------


NAKATAYO SI ISAIAH SA PINTO.


Hindi ko alam kung bakit siya bumalik, kung may naiwan o nakalimutan ba siyang sabihin. Ngayon nga ay naroon siya nakatayo. Nakatingin siya sa aming dalawa ni Eli. Pareho ang ekspresyon nila ni Eli na seryoso at walang mababasa na kahit ano.


Si Eli hinalikan ako sa noo. "Aalis na ako, Vi. Iyong sinabi ko, please pag-isipan mo."


Nilampasan lang siya ni Eli. Ni hindi sila tumingin sa isa't isa. Nang wala na si Eli ay napayuko si Isaiah. Ang mahahaba niyang daliri ay inihilot niya sa kanyang sentido.


"Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" tanong ko. Anong oras na? Ang alam ko ay may pasok na siya ngayon sa trabaho.


Imbes na sagutin ang tanong ko ay naglakad siya patungo sa sofa. Pasalampak siyang naupo roon habang nakayuko ang ulo at nakabukaka ang mga hita.


Nilapitan ko siya. "Isaiah." 


He grabbed my hand and pulled me gently. Nandilat ako dahil sa pagkabigla. Napaupo ako sa kandungan niya. Akma akong tatayo nang iyapos niya sa akin ang kanyang mga braso. Magaan lang. Hindi naman mahigpit. Ang noo niya ay isinandal niya sa balikat ko.


A few minutes passed before he released me. Tumayo kami at nagpaalam na siya. Sa pinto na siya nang magsalita ulit. "Take your time."


Humarap siya sa akin. Ang malungkot na emosyon na nasa mga mata niya ngayon ay napakahapdi. "Vi, wala akong pakialam kahit maging kayo pa ni Eli. Take your time. Basta pagkatapos, bumalik ka pa rin sa akin."



DALAWANG ARAW. Nasa trabaho sa Manila si Isaiah, tapos na rin ang birthday ni Vien, pero patuloy pa rin ang pagdating sa akin ng deliver na pagkain.


Araw-araw. Dawalang beses. Sa tanghali at sa hapon. Puro galing sa restaurant sa Bacoor. Kung hindi seafoods, meat and veggies. Hindi naman puwede na tanggihan ko. Ang siste tuloy, palagi na akong busog. Nakakapagdala pa ako ng pagkain kay Vien sa PK2.


Nag-iinat ako dahil sa pagod nang marinig kong kumalansing ang gate sa labas. Patanghali pa lang pero pagod na ako, madaling araw pa kasi ako nagsimula sa pananahi.


Sumilip ako sa bintana at nagulat nang makita si Isaiah na kasama si Vien. Naka-uniform at bag pa ang bata. Mukhang sa school niya pa sinundo. Nang makita ako nito ay napabungisngis agad. "Mommy ku!"


Pinagbuksan ko sila ng screendoor. Yumakap agad sa akin si Vien. Kanina lang ay nasa kanila ako dahil ako ang nag-aasikaso sa pagpasok nito.


Si Isaiah na nasa likod ng bata ay tumikhim. Tiningnan ko siya. Naka-jeans pa siya pero naka-slides na sa paa. Ang suot naman niyang pang-itaas ay parang kapapalit lang. Light blue na plain shirt. Mabangong-mabango siya. 


"Dumating ako pagkaalis niyo kanina ni Kulitis. Sa weekend, wala ako. Two weeks ako sa bagong branch ng Voiré sa Pampanga."


Voiré was the company he had worked for since his OJT days. Kompanya ng tunay na mga magulang ni Arkanghel. Hindi na siya pinakawalan pa lalo nang mag-top 4 siya sa board exam.


Itatanong ko pa lang sana kung nag-lunch na sila nang mauna nang pumunta si Isaiah sa kusina. At saka ko lang napansin na may dala siyang maliit na bayong na kulay red. "Pagkasundo ko kay Kulitis sa school, dumaan kami saglit sa palengke."


"Mommy ku, lulutu si Daddy ku ng abobo!"


"Adobo, bulol!" pagtatama ni Isaiah rito.


Napanguso ang bata. "'Yown nga pow 'yown!"


Kaswal na tiningnan ako ni Isaiah. "Vi, sige na. Tuloy mo na pananahi mo. Tatawagin ko na lang kayo kapag luto na."


Tigagal naman ako sa bilis. Ni hindi ko magawang sumingit ng komento, dahil hinila na ako ni Vien pabalik sa sala. Pinaupo na agad ako nito sa harapan ng makina. "Mommy ku, tahi ka na!"


Nagpakawala ako ng paghinga. Kailangan ko na ngang manahi dahil deadline na ng aking tahi ngayong araw. Ang balak ko pa nga ay 'wag na sanang mananghalian ngayon, kaya dinamihan ko ang pagkain ng pandesal at pagkakape kanina. Alam ko kasi na wala na akong oras mangusina.


Habang nananahi ako ay nakadapa naman si Vien sa sofa. Hindi ito nangungulit. Ginagawa nito ang assignment sa school na pagkukulay habang pakanta-kanta. cAndiyan ka na naman, ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy. Bakit ba laging hinahayaan?"


Malamig ang boses ng bata kahit maliit. May pagkakataon din na kapag kumakanta ito ay nawawala na ang pagkabulol. 


Tuloy lang ako sa pananahi. Nakailang kanta na si Vien. Ngayon ay ang kinakanta nito ay dahilan ng pang-ilang beses na pagkatusok ng aking daliri sa karayom. "Para akong ipo-ipo kahit di siya bagong ligo! Uubusin, tatapusin, at wala ng hipo-hipo! 'Di ko siya titigilan when she comes! Shoot-shoot! 'Di ko siya titigilan when she comes! Shoot-shoot!" 


Hindi pa titigil ang bata kung hindi lumabas ng kusina si Isaiah. Naka-apron siya. Iyong apron ko na kulay pink. May dala siyang dalawang baso ng tubig. Ang isang baso ay sinungalngal niya kay Vien kaya nanahimik na ito. 


Ang isang baso naman ay inabot niya akin. "Mainit ang panahon. Dapat palagi kayong umiinom." Napalunok ako dahil totoong nauuhaw nga ako dahil mainit. Tinanggap ko ang baso. Iniwas naman niya ang tingin habang umiinom ako.


Hinintay niya na makatapos kami sa pag-inom, saka siya walang kibo na bumalik na sa kusina para i-check ang niluluto niya na adobong manok. Nagsaing na rin siya ng kanin. Nang tawagin niya kami ay nakapaghain na siya.


Pagpunta namin ni Vien sa hapag ay wala na kaming gagawin kundi ang kumain na lang. May mga plato, baso, utensils na sa mesa. Ipinagsandok na rin kami ni Isaiah sa plato ng kanin.


Si Vien ay pumuwesto na ng upo. Susundan ko ang bata para tabihan nang ipaghila ako ni Isaiah ng upuan, at doon paupuin. Nang makaupo ako ay napamata ako sa kanya dahil doon siya naupo sa tabi ko.


Nang akma niya akong sasandukan din ng ulam ay pinigilan ko siya. "A-ako na. Kaya ko naman."


Ginawa pa rin niya. Nilagyan niya pa rin ako ng dalawang hiwa ng manok, patatas, at carrots sa aking plato. Napalabi na lang ako.


Si Vien naman ay ngiting-ngiti. "Sweet-sweet ng Mommy ku at Daddy ku!"


Binato ito ni Isaiah ng isang butil ng kanin. Pero hindi naman nawala ang kasiglahan ng bata hanggang sa makatapos kaming kumain.


"Isaiah, ako na ang maghuhugas," presinta ko. Tinulungan ko si Isaiah sa pag-iimis ng mesa. Katulong din namin si Vien. Ang bata ang nagdala ng mga kutsara at tinidor sa lababo.


"Hindi na. Nanahi ka, pagod ang kamay mo. Ako na rito."


"Wala ka bang gagawin sa inyo?"


"Wala."


Mukhang kahit makipagtalo pa ako, hindi papatalo si Isaiah sa paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Hinayaan ko na siya dahil kailangan ko ring matapos ngayong araw ang aking tinatahi.


Nang sumunod na mga minuto ay nakalimot na ako sa paligid. Nalulong na ako sa pananahi dahil nga sa deadline na. Hindi ko na rin naasikaso si Vien sa sofa. Nakatulog na pala roon ang bata.


Pagkatapos ni Isaiah sa kusina ay kinarga niya na si Vien. "Pinawisan na ito rito. Puwede ba ito sa kuwarto mo?" tanong niya sa akin.


Tumango ako. "Sige." Iniwan ko muna ang tinatahi sa makina para samahan sila sa itaas. Kasunod ko naman siya habang karga-karga ang anak namin.


Binuksan ko ang aircon sa aking kuwarto saka inayos ang kama para mailapag na ni Isaiah si Vien. Inayos niya sa pagkakahiga ang bata. Nilagyan niya ng dantayan ang hita.


"Isaiah, pasensiya na, ha? Hindi ko na naasikaso si Vien kasi minamadali ko na iyong tahi. Kailangan na kasi iyon ni Tita Hannah mamaya—" Nahinto ako sa pagsasalita dahil parang hindi naririnig ni Isaiah ang aking sinasabi.


Napasunod ang mga mata ko sa tinitingnan niya. Doon siya nakatingin sa maliit na hamper na nasa gilid ng kuwarto ko. Puno iyon ng labahin. Every other day ako maglaba, pero nitong nakaraan ay hindi ko nagawa dahil sa sobrang busy ko.


"May sabon kang panlaba riyan?" tanong niya sa akin.


"Ha?"


Humakbang siya papunta sa hamper. Bago ko pa siya maawat ay nabuhat niya na iyon palabas ng kuwarto. Napahabol naman ako sa kanya.


"Isaiah, 'wag na!"


"Wala naman akong gagawin."


"Wala kaming washing machine!"


Bumaba siya sa kusina na buhat-buhat ang hamper. Dinala niya iyon sa gilid ng bahay. Makikipag-agawan pa sana ako kaya lang ay inilayo niya sa akin ang mga labahin. Napangiwi na lang ako nang bukod-bukurin niya na iyon. Naroon din kasi ang mga underwear ko.


"Ako na ang maglalaba ng mga 'yan," mainit ang pisngi sa hiya na sabi ko.


Tinaasan niya lang naman ako ng kilay. Parang katulad lang noon, siya ang naglalaba pati ng mga underwears ko lalo noong buntis ako. Palagi namin iyong pinagtatalunan, pero ayaw niya talagang magpapigil.


"Pipikit na lang ako," sabi niya na hindi ko masabi kung seryoso. 


"Isaiah, wala nga kaming washing machine. Saka may mga pantalong maong diyan, mahihirapan ka. Kaya ko naman na 'yan, e. Tatapusin ko lang iyong tinatahi ko—"


"Bantayan mo muna si Kulitis. Bibili lang ako ng sabon." Tinalikuran niya na ako. Wala siyang balak makinig. Napakamot na lang ako ng ulo. Lumabas siya para bumili talaga ng sabon. Pagbalik niya ay may dala na siyang powder at bar detergent.



"Hindi ako bumili ng fabcon, nakakasira sa damit, sa balat, saka sa kalikasan. Lalabhan ko na lang nang maayos saka ibibilad sa initan ang damit para mabango. Nasaan pala planggana niyo?"


Kagat ko ang ibabang labi nang ituro ang kinalalagyan ng mga plangganang panlaba. Kumuha siya roon ng dalawang malaki at isang maliit. Kumuha rin siya ng brush at tabla.


Dahil maglalaba ay mababasa ang jeans niya kaya pinahiram ko siya ng shorts ni Kuya Vien. Kasya naman sa kanya ang isang lumang jersey. Doon siya sa gilid ng bahay namin naglaba. Nakaupo siya sa maliit na upuan habang nagkukusot sa planggana.


Habang nananahi ay hindi ko mapigilang hindi siya silipin sa katabi kong bintana. Gusto ko na talaga siyang patigilin, ang kaso ay alam ko naman na hindi siya titigil hanggang hindi natatapos ang ginagawa.


Seryoso siya sa pagkukusot. Iyong mga pantalon ay ginamitan niya ng brush. Pawisan na siya dahil mainit sa labas kahit nakasilong, pero wala siyang pakialam. Tuloy siya sa paglalaba. Mahigit dalawang oras din yata bago niya matapos labhan ang limang t-shirt, dalawang shorts, tatlong pantalon, dalawang tokong, at apat na pares ng undergarments.


Bandang 4:00 p.m. nang silipin ko ulit si Isaiah. Mainit pa sa labas. Sinasampay niya na ang mga nilabhan niya. Nagising na rin si Vien. Si Isaiah ay huminto muna sa pagsasampay para bumili sa bakery ng meryendang tinapay. Hindi siya bumili ng softdrinks, sa halip ay nagtimpla siya ng cold Milo. Iyong may yelo.


Muli akong napakagat labi. Isa iyon sa madalas na gawin niya sa akin noon. Init na init kasi ako noong buntis ako, pero ayaw niya akong ibili ng softdrinks dahil bawal daw. Ginagawan na lang niya ako ng malamig na Milo.


Pagkatapos magmeryenda ay nag-iPad na si Vien sa sofa. Ka-videocall nito ang kaibigan na si Hyde. Nagpapayabangan ang mga ito tungkol sa kani-kanilang daddy.


[ My dad is an architect! ] ang sabi ng guwapong bata sa screen na may kulay brown na mga mata.


"O Daddy ku naman engineer!" sabi naman ni Vien.


[ My dad is handsome. He loves my mom so much! ]


"Daddy ku ren pogi! Siya pinakapogi sa PK2! Saka love niya ren mommy ku! At magaleng pa maglaba daddy ku! E ikaw, ha? Naglalaba ren ba daddy mu? Saka nagluluto ba iyon ng abobo?!"


Nanahimik ang batang kausap ni Vien sa videocall. Parang naubusan na ng iyayabang. Napailing na lang ako.


Pagkatapos ng aking tinatahi na mga shorts ay nilagay ko na sa sako. Nakatapos na rin si Isaiah sa pagsasampay. Ang mga undergarments ay pinatulo niya lang sa labas sandali, at ipinasok na rin para sa loob isampay.


"Saan dadalhin iyan?" tukoy niya sa sako na pinaglalagyan ng mga natapos kong tahiin.


"Sa kabila." Problema ko pa nga dahil mabigat. Mukhang gets ni Isaiah.


"Ako na." Hindi niya na ako hinintay na sumagot. Ipinasan niya na ang sako ng mga pinanahi ko sa kanyang likod. "Turo mo saan."


"Kina Eli." Nauna na ako na lumabas ng bahay. Isinama namin si Vien.


Pagbukas ni Tita Hannah ng pinto ay nagulat ang ginang. "Ay, nandito pala ang tsikiting mo, Vivi!" masayang bulalas nito. "Aba'y ang laki na!"


Pinagmano ko si Vien kay Tita Hannah. Aliw na aliw ito sa batang lalaki. Si Isaiah naman ay ibinaba na ang sako sa sala ng mga Roxas.


Napatingin si Tita Hannah kay Isaiah pagkuwan. Nang ako ang balingan nito ng mga mata ay makahulugan ang mga tingin nito. Hindi ito ang unang beses na nakita ng ginang si Isaiah. Nagkita na sila noon sa libing ni Kuya Vien. She witnessed how Isaiah looked after me the entire time.


Habang sinasaway ni Isaiah si Vien dahil nangungutingting ng display sa sala ang bata ay sinimplehan ako ng lapit ni Tita Hannah. "Mukhang matino at mabait naman talaga ang ama ng anak mo, Vi."


"Tita..." Alam ko naman kasi na alam niya nang nagtapat na sa akin si Eli. Kahit naman noon pa, aware na siya sa nararamdaman sa akin ng anak niya.


Maliit na ngumiti si Tita Hannah sa akin kahit pa may lungkot sa mga mata niya. "Matalino ang puso mo, Vi. May tiwala ako na kung ano man ang magiging pasya mo sa huli, magiging masaya ka at hindi ka magsisisi."


Pagbalik namin sa bahay ay pagkatapos ng hapunan, nagpaalam na rin na uuwi na sina Isaiah at Vien. Muli ay naroon ang kung anong mabigat sa dibdib ko habang nakatanaw sa kanila habang palabas na sila ng gate. Babalik na naman sa pagiging madilim ang kabahayan. 


Ang lungkot at dilim ay hindi rin nagtagal. Kinabukasan pagpunta ko sa PK2 ay naasikaso na ni Isaiah si Vien. Handa na rin ang almusal. Hindi na ako nakatanggi pa nang hilahin na ako ng mama niya na kumain muna. Muli ay nakasama ko na kumain sa hapag ang pamilya ni Isaiah. 


Sa paghatid naman kay Vien sa school ay kasama rin ako. Sakay kami ng sedan na Lamborghini ni Isaiah. Nasa backseat kaming dalawa ng bata habang siya ay nasa driver's seat. Ang lahat yata ng dinadaanan namin ay napapatingin sa sinasakyan naming kotse.


Sa school ni Vien ay pinagkaguluhan kami ng mga mata ng mga tao. Kahit ang mga teachers sa school ay pasimpleng lumabas ng gate para makitingin.


Si Vien naman ay proud na proud na sinasabi sa lahat na ang Lamborghini ay kotse ng kanyang daddy. Pasimple itong nakutusan ni Isaiah.


Humalik na ito sa amin. "Ba-bye, Mommy ku, Daddy ku! Sundu niyu ku maya ng kotse ulet, ah!"


Iiling-iling si Isaiah. "Pakayabang talaga neto e!"


"Kanino ba nagmana?" bulong ko naman.


Napalingon si Isaiah sa akin. "Oy, me sinasabi ka?!"


Inirapan ko siya. "Wala." Nangingiti na bumalik na ako sa kotse. Doon sa passenger's seat tutal wala naman na si Vien.


Pagpasok niya sa driver's ay may naglalaro na rin na ngiti sa mapupula niyang mga labi.


Wala kaming usapan. Pasipol-sipol siya habang nagda-drive habang ako ay tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana. Akala ko ay ihahatid niya lang ako sa Buenavista, kaya nagulat ako nang pagkarating namin ay bumaba siya. "'Sabi ni Kulitis, may delivery ka raw ng binebenta mo sa online ngayon."


Oo, nabanggit ko iyon sa bata kanina. Sinabi pala sa kanya? At sa sumunod na mga salitang binitiwan ni Isaiah ay napanganga na lang ako.


"Samahan kita na mag-deliver. Sakto, dala ko kotse ko. Service natin."


Paano pa ako tatanggi? Bitbit na ni Isaiah ang bayong na kinalalagyan ng mga ide-deliver ko. Bago ko pa siya nahabol ay nakasakay na siya ulit sa driver's seat. Ang nangyari tuloy, kasama ko nga siyang nag-deliver!


Lahat yata ng pinuntahan namin ay napapanganga. Paanong hindi? Saan ka nakakita ng nagde-deliver ng marinated na daing na bangus na ang kotse ay brandnew Lamborghini?!


Ultimo sa paghango ng longganisa at toccino sa hinahanguan ko sa Sta. Clara ay sinamahan niya ako. Pakiramdam ko ay magkaka-migraine ako nang pauwi na kami. Hindi pa pala kami dumeretso sa uwi, dumaan pa kami ng palengke.


Namalengke si Isaiah ng lulutuin sa tanghali. Pagkagaling sa palengke ay sinundo naman namin si Vien sa school. At katulad kahapon, si Isaiah ang nagluto ng tanghalian namin. Siya rin ang nagligpit pagkatapos.


Habang tulog si Vien sa tanghali ay si Isaiah ay nagtutupi ng mga nilabhan niya kahapon. Ako naman ay sumasagot ng mga orders sa online. Kinahapunan ay si Isaiah na lang ang nag-deliver ng mga pahabol na orders.


Ginabi na sila dahil inayos pa ni Isaiah ang nasirang tubo sa lababo. Dito na rin sila naghapunan. Nagpa-deliver siya sa Mang Inasal ng hapunan namin. Tulog na si Vien nang buhatin niya at dalhin sa kotse.


Ayaw pa sana nilang umuwi pero nag-text si Daddy na parating ito ngayon. Naiintindihan ni Isaiah na ayaw ko ng gulo, kaya siya na ang nagdesisyon na umuwi na. Bago umalis ay niyakap niya ako. "Vi, hindi ako pagod."


Tumango ako at gumanti nang magaan na yakap sa kanya. "Pero magpahinga ka pa rin..."


"Ayoko." Lalo niya akong niyakap. "Hindi ako magpapahinga. Hindi na ako mapapagod. Hindi na ako susuko. Vi, I'll do anything to get you back."


Nang humiwalay siya sa akin ay may nangingislap na luha sa kanyang mga mata. Tumalikod na siya at sumakay na sa kotse. Nakaalis na sila pero nakatanaw pa rin ako sa madilim na kalsada.


Kung hindi pa dumating ang tricycle na kinalulunan ni Daddy ay hindi pa ako titinag sa kinatatayuan. Nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.


I was about to go upstairs when Daddy called me. Hindi ako lilingon kung di lang sa tanong niya. "Nililigawan ka na ba ni Eli?"


Nakapamulsa siya sa sala habang nakatingin sa akin. Sa tanong niya ay madadama ang matinding interes.


"Alam ko na noon pa lang, may gusto na sa 'yo ang batang iyon. Kung siya ang makakatuluyan mo, hindi ako tututol. Mabait naman, saka may magandang trabaho, at mukhang aalagaan ka. Ayos na siya sa akin kaysa sa iba ka pa mapunta."


Wala akong masabi. Parang wala talagang babagay na salita.


"'Tingin ko, tanggap naman niya na may anak ka na. O kung hindi man, okay lang din. Mag-anak kayo ng bago. Tutal naman e mukhang hindi rin ibibigay sa 'yo ng mga del Valle iyong anak mo na nasa kanila—"


Hindi na niya natapos ang sinasabi dahil itinulak ko ang upuan na nasa aking gilid. Lumikha iyon ng kalabog nang bumagsak pahiga sa sahig.


Nanlisik ang mga mata ni Daddy. "Akala mo, hindi ko alam? Na kahit sumusunod ka sa sa akin, sa loob-loob mo, gusto mo akong pagrebeldehan! Viviane Chanel, kung wala ako sa mundong ito, wala ka rin dito! 'Wag mo 'yang kalilimutan!"


Kailan ko ba nakalimutan?


Dinuro niya ako. "Anak lang kita!"


Malungkot ako na ngumiti sa kanya. "Daddy, gusto ko po bang maging anak niyo?"


Kahit nanlalabo sa luha ang paningin ko, sinalubong ko ang nanlilisik na mga mata ni Daddy.


"Ako po ba ang nagdesisyon na mabuhay sa mundong ito?"


Sa kauna-unahang pagkakataon, tinanong ko sa kanya ang mga tanong na naipon lang sa dibdib ko ng matagal na panahon.


"Pero dahil pinili niyo akong buhayin, utang na loob ko po iyon sa inyo. Ang obligasyon ko bilang anak niyo ay igalang kayo, mahalin kayo, at unawain kayo sa kabila ng mga pagkukulang niyo. Sa tingin ko po, nagawa ko naman ang parte kong iyon."


Ang bangis sa mukha ni Daddy ay lumamig.


"Habang ang obligasyon niyo naman bilang ama ko, ay itaguyod ako sa pamamagitan ng sariling pagsisikap niyo, maging mabuting halimbawa kayo sa akin, at higit sa lahat ay mahalin ako. Ngayon po, tanong ko lang, nagawa niyo po ba ang parte niyong iyon?"


Tinalikuran niya ako at humakbang siya patungo sa pinto. Aalis siya pero hindi niya na mapipigilan ang mga salitang gusto kong bitiwan.


"Daddy, marami ang nagsasabi na bobo ako. Totoo naman po. Sinong hindi hihina ang utak? Siguro naapektuhan ang utak ko dahil ilang beses ako na ininuman noon ni Mommy ng pampalaglag. Kasi ang gusto niya na sana noon ay hiwalayan ka na. Kaya lang, binuntis mo ulit siya."


Nanatiling nakatalikod si Daddy sa akin. Hindi siya lumilingon pero nakikita ko ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao.


"Daddy, pinigilan mo si Mommy kaya hindi natuloy ang paglaglag sa akin. Nagpapigil siya dahil nangako ka sa kanya na magbabago ka na. Pero nagbago ka ba?"


My eyes welled up with tears, and pain and bitterness finally exploded from my chest.


"Daddy, kung nagbago ka, dapat nandito pa sina Mommy! Daddy, dapat nandito pa si Kuya Vien! Dapat nandito pa sila sa akin!"


That was when he looked at me. His cold eyes were now filled with tears.


"Daddy, totoo po na bobo ako. Nagpabuntis ako nang maaga. Pero alam niyo po bang hindi iyon parte ng kabobohan ko? Dahil iyon ang unang beses na ginamit ko ang utak ko. Nagpabuntis ako dahil ang totoo, ay gusto ko nang makawala sa inyo!"


I looked up at him and grinned.


"That's the truth, Daddy. Hindi ko ginusto si Isaiah dahil lang guwapo siya o nadala ako sa pambobola niya. Kundi dahil kinilala ko siya. Kinilala ko siya nang mabuti mula ulo hanggang paa. Tiniyak ko na malayo siya sa ugali na meron ka!"


Inilang hakbang niya ang pagitan naming dalawa, at pagkuwa'y isang sampal ang pinadapo niya sa pisngi ko. "Putangina ka!"


Halos tumabingi ang ulo ko sa lakas ng sampal niya. Pumutok ang gilid ng mga labi ko. Pero balewala ang sakit sa ginhawa na ngayon ay nararamdaman ko.


Nakayuko ako nang muling magsalita, "Tiniyak ko na magkaibang-magkaiba kayo ni Isaiah. Dahil kung may isa man kayong pagkakatulad, iiwasan ko agad siya. Pero wala. Malayong-malayo siya sa inyo!"


"Inggrata!" Isang suntok sa ulo ang natanggap ko sa kanya bago siya humihingal na lumabas ng pinto. Aalis na siya. Wala akong pakialam kung saan siya pupunta.


Tanggap ko na kung masamang anak ako dahil sa pagsagot ko sa aking magulang. Pero kung uulitin ang oras, sasabihin at sasabihin ko pa rin kay Daddy ang mga salita na hindi nagawang isaboses noon nina Mommy at Kuya Vien.


Ako na lang ang tatanggap ng kaparusahan. O hindi pa ba parusa ang nararanasan ko ngayon? Nahihilo ako na pinilit kong makalakad patungo sa hagdan. Pagkatapos ng isang magandang umaga, palaging natatapos ang araw ko sa madilim na gabi. Palagi.


I just wanted to rest. Ni hindi ko na inalala kung nakasara na ba ang mga pinto, kung napatay ko na ba ang iniinit kong tubig, o kung napatay ko rin ba ang gasul. Para akong patay na buhay. I couldn't feel anything.


Nakalugmok ako sa gilid ng kama nang makaramdam ako ng pagsisikip ng dibdib. Sa pagod at sakit ng ulo ay nakaidlip pala ako. Parang may narinig ako na kumalabog kanina. O parang mahinang pagsabog.


Sa pagdilat ko ay sumalubong sa akin ang makapal na usok. Sa labas ng pinto ay may natanaw ko ang pagbagsak ng nagliliyab na kisame.


My lips parted as I realized what was happening. Fire. There was a fire. Kung saan nagmula ang sunog ay hindi ko na magawang pakaisipin pa. Para akong mababaliw. Ganitong-ganito rin ang nangyari noon. Akala ko ba nakatakas na ako? Bakit ako nagbalik dito?!


Bakit hindi pa tapos?!


Why did it happen again?! Bakit parang bangungot na walang katapusan?! I tried to stand up to leave the room but I fell to my knees. Napuno na ng usok ang baga ko, hindi na ako makahinga. My vision was also becoming fuzzy.


Ang apoy sa paningin ko ay palapit nang palapit, pero maski bumangon ay hindi ko na magawa. The flames would soon reach me, and no one would come to my rescue.


Kahit paulit-ulit pa akong magmakaawa rito, wala na namang darating para sa akin. Pero ano ba ang bago? Sanay naman na ako. Sanay na akong mag-isa. Sanay na akong masaktan. Mararamdaman ko ang apoy sa balat ko. Masakit, mahapdi.


Pumatak ang mga luha sa mga mata ko. I was about to face my fate once again when I heard two familiar voices.


They were desperately calling my name. Na para bang kailangang-kailangan nila akong matagpuan. Na para bang hindi sila hihinto hanggang sa hindi nila ako nakikita.


Sinikap kong dumilat. Hindi ba ako nag-iilusyon lang? Pero sa paningin ko ay may natatanaw akong dalawang matangkad na bulto sa pinto. Ang isa ay balewala ang nakaharang na nagliliyab na kahoy, tinakbo nito ang pagitan naming dalawa.


Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko siyang naghubad ng damit. Ang damit niya ay itinakip niya sa aking ilong at bibig. Gusto ko nang pumikit ulit at ayaw ko nang dumilat pa, pero narinig ko ang boses niya na basag at puno ng pag-aalala.


"Boo, 'wag mo akong iwan. Sorry, sorry. Mahal kita. Mahal na mahal pa rin kita. Parang awa mo na, 'wag mo akong iiwan."


Bago ako tuluyang mawalan ng ulirat, isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko. Akala ko wala nang darating. Akala ko, wala ulit. Pero nandito siya. Dumating siya. Sa pagkakataong ito, iniligtas ako ni Isaiah...


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
797K 34.9K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...