South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.7M 256K 155K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 58

101K 4.7K 3.7K
By JFstories

"VI, IYONG PINTO."


Ang mga labi namin ni Isaiah ay magkadikit katulad ng aming mga katawan sa kanyang kama. I was on top of him, and my hands were roaming his hard body.


"Vi, double check mo kung naka-lock," he said breathlessly as he pulled away from me. Hindi niya maalala kung nai-lock niya matapos isara.


"Okay." Tumayo ako at pinuntahan ang pinto para i-lock, pagkuwan ay binalikan ko si Isaiah sa kama.


Pagbalik ko ay nahubad niya na ang suot na shirt, pero nagtatangka pa rin na umiwas. "Vi, baka biglang pumasok si Kulitis..."


"Hindi. Busy siya."


Kinalas niya na ang sinturon sa suot na cargo shorts. "E si Mama, baka pumasok..."


"Kausap niya kumare niya." Hinalikan ko siya sa leeg, napatingala naman siya.


Napahawak siya sa ulo ko. "Ah, Vi..."


Pagkatapos ko sa kanya ay saka ako umahon. Nagtagpo ang mga mata namin. We were both short of breath when we looked at each other.


Isaiah's eyes were the color of the night sky, too vivid, too beautiful like two obsidian orbs, and they burned into mine.


"Maghubad ka na rin," paos na utos niya sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa laylayan ng aking blouse, hanggang sa pumasok iyon sa loob at dinama ang aking bewang.


Tinabig ko ang kamay niya saka ako naghubad. Nang makita niya ang aking dibdib ay umalon ng ilang ulit ang kanyang lalamunan. Nang hindi na siya makatiis ay pinagpalit niya ang puwesto naming dalawa, hanggang sa ako na ang nakahiga sa ibabaw ng kama.


Ang suot kong pantalon ay isang hilahan niya lang kasama ang aking panloob. Napakapit ako sa bedsheet nang paraanan niya ng halik ang gitna ng aking dibdib. His big warm hands cupped my breasts, and his long fingers begun teasing my sensitive buds.


His hands were warm and gentle against my skin, touching me, feeling me. And I so loved to be held by him. His caresses that I longed to feel again.


After playing with my breasts, Isaiah's warm mouth replaced his fingers. He sucked my left nipple like a hungry infant, and he was doing that while his hand was still cupping my breast and his other hand was teasing me between my thighs. Isaiah was always like this, he was good at multitasking.


He was always working, never resting. Hindi siya papayag na ako lang. Gusto niya na mas marami siyang gagawin. Ayaw niyang nasasapawan.


Isaiah went down on me for a good five minutes, and when he finished, I was almost out of breath. Nang umahon siya ay basa ang kanyang mapupulang mga labi at triple na ang pagliliyab ng magagandang uri ng mga mata niya.


The light was on that I could clearly see Isaiah's naked body. Namimigat ang aking mga tingin habang hinahagod ng tingin ang kahubaran niya, at huminto doon sa bagay na para bang matindi ang galit sa mundo.


At ganoon din siya sa akin. Hinagod niya ng mainit na tingin ang kabuuhan ko. Mula sa aking hubad na dibdib na makikitaan ng bakas ng mga labi niya, ang mainit na mga mata niya ay bumaba sa aking tiyan kung saan masisinag pa rin ang mga malalabong marka ng pagbubuntis ko noon, at pababa pa sa ibabang parte ko na kanina lang ay sinasamba niya.


Nang hawakan niya ang aking mga hita ay itaas ay nanulay sa aking gulugod ang antispasyon na maramdaman siya sa loob ko. And when he finally put it in, I gasped in great pleasure.


Yumukod siya habang kagat-kagat ang ibabang labi. "Pahintuin mo ako, boo..."


Humihingal na hinuli ko ang mga mata niya. "'Pag pinahinto kita, hihinto ka ba?"


"Hindi."


"Hindi pala. E ano pang sinasabi mo riyan?" Kinabig ko ang kanyang batok para halikan siya. Nang maglapat ang aming mga labi ay mas marubdob at malalim pa ang paghalik na ginawa niya sa akin, na para bang gusto niya akong lulunin.


Naghiwalay ang mga labi namin dahil hindi na ako makahinga. The sensation that I was getting from his thrusts were too good. Too good that he had to stop every time he thrusted inside me.


"Ah, Vi. You're sucking me in so much..."


"S-sorry, tiisin mo..."


Kalaunan ay wala na siyang pakialam at parang mas gusto niya na ang nangyayari. Para siyang nagdedeliryo na sa ibabaw ko. "I miss you, boo... Ah, I miss you... I miss you..."


I missed him, too. So much that I clung to him as my body shook all over. I came several times and I was already tired but he was not done yet.


"Vi, I want to do this for hours," he said hoarsely as he kept on thrusting in and out of me.


Ito na yata ang aming pinakamatagal. Wala siyang balak huminto kung hindi pa siya pinulikat. Hinampas ko siya sa balikat para patigilin na.


"Vi, can I come inside you?"


Hinaplos ko siya sa pawisan niyang pisngi. "Gusto mo ba?"


Para siyang maamong tupa na sunod-sunod na tumango. "Oo sana."


Nang pumayag ako ay kahit pawisan at pinupulikat ang isang paa ay malawak na napangiti siya. Bumilis siya kahit isang tuhod na lang ang nakatukod. With one long and deep thrust, I felt his warm release inside me. He didn't pull it out right away, hinayaan niya pang magtagal sa loob ko kahit malambot na. Saka niya lang hinila.


"Vi, pagod..." ungot niya habang yakap-yakap ako.


"Dito ka na lang muna. Ako na muna ang bababa." Inabot ko ang hinubad kong damit at isinuot agad. Nang mag-angat siya ng mukha mula sa pagkakasubsob sa kama ay napasimangot siya nang makitang nakadamit na ako.


Hinila niya ako sa bewang. Napaupo ulit ako sa kama. Hinaplos niya ang aking tiyan. "Vi, paano 'yan? Wala tayong ginamit. Baka..."


"I'm on the pill," sabi ko na nagpatahimik sa kanya.


I took pills to regulate my period. Ilang taon na. Hindi naman na umimik si Isaiah. Sumubsob siya ulit sa unan pagkatapos niya akong bitiwan.


"Dito ka na lang. Magpahinga ka na. Ako na ang babalik sa mga bisita. Saka aasikasuhin ko pa kasi si Vien."


"I tried, Vi." Napahinto ako sa pagpunta sa pinto nang marinig ko siyang magsalita. "Nang sabihin mo sa akin na 'wag ka nang hintayin, nang bigla kang mawala ng isang taon na walang paramdam sa akin, durog na durog ako. Nagalit ako sa 'yo kasi sinabi ko hihintayin kita, pero ayaw mong magpahintay pa."


Hindi ako lumingon at tumuloy sa paghawak sa doorknob bagaman hindi ko pa iyon pinipihit pabukas.


"I tried, Vi. Sinubukan ko na 'wag ka nang hintayin. Pero para ko lang ginagago ang sarili ko. Ni di nga natigas kahit one second e."


Isang maliit na ngiti ang umukit sa aking mga labi.


"Vi, 'tapos nang bumalik ka, nang may mangyari sa atin ulit, ganoon lang kabilis na nawala iyong lahat ng galit ko at hinanakit. Parang tanga lang, ano? Kaya hindi kita magawang kausapin pagkatapos, e. Ni hindi kita kayang harapin kasi hindi ko matanggap. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon, ang rupok ko pa rin sa 'yo."


Lumabas na ako ng pinto. Pagbaba ko ay napatingin ako sa relo sa kusina. 11:00 p.m. na.


Pagdating ko sala ay napahinto sa pagkukunwetuhan ang mga tao roon. Ang mama naman ni Isaiah ay patay-malisya habang pumapapak ng bopis sa mangkok. Ang mga kumare nito at ka-zumba na nagkukuwentuhan ay makahulugan ang mga tingin sa akin kaya ilang na ilang ako.


Si Vien na nasa sofa at busy sa pagkakalkal ng mga regalo nito ay napatingin sa akin. "Mommy ku, san ka? Nagalaw pow iyong ilaw kanina!"


"Ha?" Napatingin ako sa ilaw na nasa kisame ng sala. Ang second floor ng bahay nila Isaiah ay gawa sa matibay na kahoy, ang sementado lang ay rooftop. May cove ceiling at may ilaw na chandelier. Nakatapat iyon sa mismong kuwarto ni Isaiah.


Ganoon na lang ang pag-iinit ng aking pisngi sa hiya. Nagpaalam ako na lalabasin muna ang mga bisita. Sa labas ay bumalik ako sa mahabang mesa. Sina Jordan at Asher na lang ang naroon. Nag-uusap sila habang paminsan-minsang tumatagay ng bukas na ngayong Jack Daniels. Close siguro sila dahil kaklase noon ni Jordan ang ex-girlfriend ni Asher na si Lai.


Paglapit ko ay siyang labas ni Arkanghel sa pinto ng bahay nina Tita Roda. Naka-shirt na luma si Arkanghel ngayon. Wala na siyang suot na specs. Nang makita ako nito ay ngumiti ito. "Hi, Vi. Looking for Sussie and Carlyn? Nasa loob iyong dalawang buntis." 


Si Zandra at Miko naman daw ay umalis na kanina. Isinauli na raw kasi ng mommy ni Miko ang anak ng dalawa kaya kailangan na nilang umuwi.


May inabot sa akin si Jordan na maliit na regalo. Nasa paper bag na maliit din. Nagtaka naman ako dahil may regalo na silang inabot kanina ni Carlyn para kay Vien. Tila nabasa ng lalaki ang nasa isip ko. "That's from Nelly."


"Nelly? Pumunta si Nelly?" Napatingin ako sa paligid pero wala naman ang babae. Isa ito sa mga kaibigan nina Isaiah noong high school. Natatandaan ko ito dahil may utang pa ito sa aming five hundred pesos.


"Dumaan lang." Si Asher ang nagsalita. "Nagmamadali. Muntik pa ngang masubsob sa gate."


Napalabi ako. Bakit nagmamadali si Nelly? Ayaw ba ako nitong makita? Tiningnan ko ang regalo nito. Ang wrapper ay mula sa toy store sa mall. Nakakatuwa naman. Mukhang asensado na ito ngayon. In-unublock na kaya ako nito?


Pagtingin ko sa mesa ay naalala ko si Patrice. Nasaan na pala ang babae? Lakas loob na akong nagtanong, "Uhm, nasaan ang bisita ni Isaiah?"


Asher handed me his phone. Nagtataka naman na kinuha ko iyon. "It was Zandra who recorded that."


Namilog ang aking mga mata nang makita ang video kung saan kitang-kita ang lasing na si Patrice. Maluha-luha ito habang nagsasalita, [ I want Isaiah Gideon so much! ]


Pinatagay ulit ito ni Sussie. [ Sis, sabi ng fiancé ko, bad breath daw si Isaiah. Okay lang sa 'yo? ]


Si Carlyn ay sumang-ayon, [ Maniwala ka kay Sussie. Amoy poso negro ang bibig ni Isaiah. Last toothbrush niyon ay noon pang isang taon. Tapos hindi iyon naliligo. Wisik-wisik lang. ]


Lalong umatungal si Patrice. [ I love him for who he is! ]


[ Ay, pota, ] paungol na sabi ni Miko. Nahagip ito ng video.


Sumunod kong narinig ang boses ng may hawak ng phone, si Zandra. Kay Miko na nito itinutok ang camera. Nagpa-cute naman si Miko, at dumila pa.


Pagbalik ng camera kay Patrice ay tulo na ang luha at sipon nito. Wala na ang class at pagka-finesse sa kilos. Totally wasted na. [ What should I do? Unang kita ko pa lang sa meeting kay Isaiah, gustong-gusto ko na siya kahit suplado siya! And I'm so in love with him now! How can I forget him?! ] iyak nito.


Si Sussie ay tinatagayan ulit ito, [ Kaya mo 'yan, sis. Marami pang ibang lalaki riyan. 'Wag ka lang dito sa Cavite maghanap. Paubaya mo na sa amin ang mga nandito. Doon ka na lang sa Manila. ]


Si Arkanghel na katabi ni Sussie ay sumabat, [ Paano ako? Taga QC ako? ]


Sinamaan ito ni Sussie ng tingin.


Ngumiti agad si Arkanghel. [ Yeah, long live, Cavite! ]


Si Miko ay sumabat din, [ Oo 'wag ka rito sa Etivac. Tahimik lang mga tao rito, pero magugulat ka na lang, lechon ka nang uuwi sa inyo. ]


Tumango-tango si Sussie. [ Kaya sa Manila ka na lang talaga, sis. Marami naman doon. Pili ka lang ng nagtu-toothbrush at palaging naliligo. ]


[ Another thing... ]  Si Carlyn ay tinapik pa ang balikat ni Patrice. [ Kahit gaano ka ka-bored sa life, utang na labas,'wag mo namang pangaraping maging maging kabit. ]


Pinatay ko na ang video. "Nasaan na siya?" tukoy ko kay Patrice. Lasing na lasing ito kaya nag-aalala ako kung paano ito makakauwi.


Si Jordan ay kalmadong tumingin sa akin. "Carlyn booked her a Grab. She's on her way now to Manila."


Nang magsiuwian na ang mga bisita ay bumaba si Isaiah. Mukhang nakaidlip sa pagod dahil namumula-mula pa ang mapungay na mga mata at messy ang buhok. Nagpalit na rin ng suot na t-shirt. Napapitlag ako nang akbayan niya ako. "Antok na raw si Kulitis."


"Sige, aasikasuhin ko na siya." Iniwan ko na siya. Binalikan niya naman ang mga kaibigan sa mesa. Tumagay siya ng isa tapos sumunod na rin sa akin.


Nagsiuwian na ang mga bisita. Sina Sussie at Arkanghel ay kina Tita Roda matutulog. Sina Carlyn at Jordan kasama ang dalawang batang lalaki ay sa Navarro daw muna.


Si Asher ay tahimik lang pero lasing na rin. Mabuti at sinundo ito ne ex na si Lai. Tinawagan kasi ni Carlyn ang babae. Ayaw pang sumama ni Asher kung hindi lang ito inambahan na babatuhin ni Carlyn ng songbook ng videoke.


Tumulong lang ako saglit sa mga ligpitin. May mga katulong naman na kapitbahay sa pagliligpit. Nang mapalitan na ni Isaiah ng damit si Vien ay nagyaya na sa itaas ang bata. "Mommy ku, ditu ka sleep!"


Doon daw gusto ni Vien matulog sa kuwarto ng daddy nito. Tabi-tabi raw kami. Nang tingnan ko si Isaiah ay nagkibit-balikat siya. "Birthday e. Pagbigyan mo na."


Nagbihis na rin ako at sumunod sa kuwarto. Sa gitna namin si Vien. Ngising-ngisi ang bata na nag-goodnight sa amin. Sa pagod ay mabilis itong nakatulog, o dahil sa talagang komportable ito.


Inayos ko ang pagkakakumot nito nang mapatingin ako kay Isaiah na nakatingin sa akin. Malamlam ang mga mata niya nang ngitian ako. "Vi, thank you for making a miniature of me."


Ginanti ko ang kanyang ngiti. Natulog kami na nakayakap sa anak namin. At kahit gaano kapagod at kapuyat sa nakaraang magdamag ay masarap kinabukasan ang aming gising.


"Bagsak pa 'to," nangingiting sabi ni Isaiah habang nakamasid sa batang halos sakupin na ang gitna ng kama dahil sa pagkakadipa.


"Pagod na pagod siya kahapon," sabi ko habang masuyong minamasdan si Vien. Hinaplos ko ang buhok ng natutulog na bata. Even while sleeping, the kid was very adorable. Kahit pa ang mga munting kamay nito ay nasa loob ng pajama habang nagkakamot.


Nang gumising ito ay bumungisngis agad. Ipinakita sa amin ang mga bungi na ang iba ay may nakasilip ng patubong pangil. "Mowning, Mommy ku at Daddy ku!"


Pinisil ni Isaiah ang maliit pero matangos na ilong ni Vien. "Hoy, bad 'yan!" tukoy niya sa mga kamay ng bata na nasa loob ng pajama. "Ang aga-aga, ah!"


Nanulis ang nguso nito na may bakat pa ng panis na laway. "E Daddy ku, di ba ganto ka rin naman pag nagigiseng ka?!"


Tinakpan ni Isaiah ang bibig ni Vien. Napangiti na lang ako nang mag-wrestling na sila. Doon may kumatok sa pinto. Tinatawag na si Vien ng lola nito.


Pag-alis ni Vien ay inabot ako ni Isaiah at niyakap bago pa ako makasunod sa bata. "Vi, 'wag ka nang umalis."


"May tatapusin akong tahi." Dahil sa pagiging busy ko sa pagtapos ng mga giveaways ni Vien ay hindi ako nakapagtahi ng dalawang araw. Kailangan na ang mga tahi ni Tita Hannah.


Sumubsob si Isaiah sa dibdib ko. "Hindi mo naman na kailangang magtrabaho."


Maingat ako na humiwalay sa kanya. "Isaiah, hindi porke't may nangyari sa atin, titigilan ko na ang pagtatrabaho. Hindi mo ako kargo. Kailangan ko na kumita ng sarili ko."


I didn't want to be a liability. Saka hindi naman niya talaga ako kargo.


"Tama ka naman. Si Vien lang ang dapat na kargo mo, hindi ako. Kaya ko na ang sarili ko. Isaiah, hayaan mo ako na tumayo sa sarili kong mga paa."


Hindi na siya nagsalita kaya inangat ko ang kanyang mukha. Kalmado ang kanyang ekspresyon pero hindi niya maitatago ang malungkot na emosyon ng kanyang mga mata.


Masuyo na ngumiti ako sa kanya. "Isaiah, hindi ko pa pala nasasabi sa 'yo, congratulations sa pag-graduate at pagpasa mo sa board."


"Salamat."


Pagbaba ay nagpaalam na muna ako kay Vien. Tapos na itong pag-almusalin ng lola nito. Busy na rin ang bata sa pagbubukas ng mga regalo. Ang pinakapaborito nito ay ang regalo ng Ninong Arkanghel at Ninang Sussie nito na PS5. Sina Carlyn at Jordan naman ay bike ang regalo, sina Miko at Zandra ay giant legos, habang si Asher ay mini drone with camera.


Ang regalo naman ni Nelly na huling binuksan ni Vien ay gold necklace na may maliit na cross pendant. Isinuot agad iyon ng bata. Ang halaga ng kwintas based sa manipis na chain ay siguro'y nasa seven thousand pesos pataas.


Si Isaiah na kasunod ko ay hinawakan ang kwintas ni Vien para i-check kung tunay o fake. "Aba, astig ni Nelly, ah. Mukhang totoo ang sabi ni Carlyn, kaya nagtatago kasi yayamanin na."


Hindi na ako tumanggi nang ihatid ako ni Isaiah sa Buenavista. Pinabaunan niya ako ng lutong kanin at ulam ng mama niya para hindi na raw ako magluto mamayang tanghalian. Ang number niya na hindi pa naka-save sa phone ko ay sinave na rin niya.


Bago siya umalis ay niyakap niya pa ako. "Boo, mag-uusap pa tayo..."


Nakaalis na siya at naghahanda na ako sa pagtatahi nang dumating naman si Eli. Nakapolo ang lalaki, jeans, at specs sa mga mata. Mukhang galing pa sa Manila. Hindi siya nakapunta sa birthday ni Vien dahil may trabaho pa siya kahapon. Nagkaproblema sa office nila.


"Gift ko kay Vien." Inilapag niya sa sofa ang dalang paper bag. "Sorry, Vi. Sinubukan ko na humabol kagabi, kaya lang sakto na dumating iyong client namin. Ako iyong pinag-report."


"Okay lang. Salamat sa regalo." Nabura ang aking ngiti nang mapansin na ang mga mata ni Eli ay nakatitig sa bandang leeg ko.


Napayuko siya. "Kina Isaiah ka ba nagpalipas ng gabi?" mahinang tanong niya. 


"Eli..." Napahakbang ako palapit sa kanya. "Ano bang sinasabi mo? Uuwi ako rito dahil dito ang bahay ko. Pero kung matutulog man ako kina Isaiah, hindi mo na dapat iyon inaalala..."


"Kung pumunta ba ako, uuwi ka?" Nang magtaas siya ng tingin ay napasinghap ako dahil nangingislap na ang luha sa mga mata niya. "Kung sana umalis na lang ako sa Manila, sana iniwan ko na lang iyong client sa kompanya..."


Tumiim ang mga labi ko. "Umaasa ka pa rin ba?"


Mapait siyang ngumiti. "Hindi naman nawala."


"Eli, alam mo na kahit wala si Isaiah, hindi talaga, di ba?" I told him gently. The last thing I would want was to hurt any of them. "Kasalanan ko dahil slow ako, pero kung alam ko lang na meron pa, hindi na sana ako kahit nagpakita pa sa 'yo."


"Vi, I love you. Mula pa nang mga bata tayo."


Umawang ang mga labi ko, pagkuwa'y tumalim na ang mga mata ko. "Kaya ka ba mabait sa akin ay dahil diyan? At hindi dahil sa concerned ka at gusto mo lang akong tulungan?"


"I'm sorry." Napahawak siya sa kanyang mukha. "I wanted to be the one to take care of you, to give you everything. I'm sorry because I still love you until now. I know you told me to get rid of this, but how could I?"


Tatalikuran ko na siya nang hulihin niya ang aking pulso. Gulat na napatingala ako sa kanya.


"I can take care of you, Vi. I can love you better. And I can be a good father to your child. Kahit naman noon, handa ko siyang tanggapin. Kaya Vi, please... I beg you, ako na lang..."


Sa gulat ko ay bigla niya akong niyakap.


"Vi, mahal na mahal kita." Hindi na ang yakap o mga salita ni Eli ang dahilan ng aking pagkatigagal. Kundi ang lalaking natatanaw ko ngayon sa nakabukas na pinto.


Ang malamig na mga mata na kakulay ng madilim na gabi na nakatingin sa amin ni Eli. Mga mata ni Isaiah!


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

14.1K 450 33
Alani Mireille Tejada feels incomplete even though she has it all already. Beauty. Talent. Wealth. But when she meets Giovanne Zabala, she knows that...
23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
260K 15.9K 9
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...