Maginoong Medyo Bastos

By ClockworkJules

14.2K 731 212

Vannessa Ingrid Concepcion has lived majority of her life being called the atrocious one; the appalling, and... More

Foreword
Epigraph
Chapter Zero
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four

Chapter Twenty-One

41 1 0
By ClockworkJules

"May hinihintay pa ba tayo?" tanong ng campaign manager nila. May ilang oras pa naman bago mag-board ang flight pa-Cebu. Medyo napaaga rin ang pagpunta nila sa airport. Mahirap na at baka ma-late pa sila sa flight. Everything was already scheduled, even the possible errors.

Vannessa finally went back to her senses the moment she heard that, and quickly looked around. She had been way too consumed with worry. Ni hindi nga niya napansing ilang minuto na siyang nakatingin sa kanyang cellphone, nag-aabang ng text, ng reply, kahit ano. "Sino hinahanap mo, bakla?" tanong ni Lee sa kanya, pansin ang kanyang pagiging balisa.

She didn't answer his question, and just continued looking around. It had already been almost three hours since she received the last message from Jax saying that they were already on the move. Alam niyang ito 'yong nagmamaneho kasi hindi naman sila pwedeng mag-commute lang, lalo na't kasama nito ang kapatid.

She even offered their family van and family driver since it was more spacious, and having a driver meant that Jax wouldn't be as exhausted. Tinanggihan ng lalaki 'yong offer niya na 'yon.

Siguro naman ay walang masamang nangyari sa kanila, 'no? Hindi lang talaga siguro nakapag-reply si Jax sa kanya kasi busy ito sa pagmamaneho. Maybe she really was being too paranoid. She gathered a deep breath. Vannessa was not deeply religious, but she couldn't help but pray to God to keep them safe.

"Kanina ka pa ha. I really feel like you're hiding something from—"

Bago pa man natapos ni Lee ang sinasabi ay kaagad siyang napatayo nang makita ang matagal nang hinahanap. Jax was just wearing his casual clothes while Bee beside him was wearing a green sundress and a face mask. Lumiwanag ang mga mata nito nang makita siya at kaagad ding kumaway-kaway sa kanya. Sinuklian din niya ito ng kaway at marahang yakap. "Hi," she told Jax who looked tired, but still managed to give her a sincere smile.

Hindi rin akalain ni Vannessa na kasama nito si Tita Irish kaya kaagad siyang nagmano rito. "Buti po nakarating kayo nang safe," aniya.

Ramdam niya ang mga tinging ipinukol ng mga kasamahan nila. After all, even her wouldn't believe that she was suddenly close to Jax's family.

Ngumiti si Tita Irish bago hinagod ang buhok niya. "Nice seeing you again, hija. Oh siya, mauna na ako. Si Bee, huwag ninyong iwawala sa tingin ninyo, ha? Lahat ng kailangan niya, kompleto andiyan. Kapag may nangyari, tawagan ninyo kaagad ako—" Nakita ni Vannessa ang mga namumuong luha sa gilid ng mga mata ng babae kaya kaagad niya itong niyakap nang marahan.

"Kami na po ang bahala, Tita. Wala po kayong dapat na ipag-alala," aniya. "May masasakyan po ba kayo pauwi po? I can call our driver po—"

"Naku, ayos lang, Van. Nandiyan naman si Axel. Nakisuyo si Jax."

Alam niyang pinipigilan lang nitong maiyak, lalong-lalo na't nakatingin sa kanila si Bee. When they told her what they planned on doing for Bee, the woman didn't even hesitate even when Jax and Vannessa knew that she was worried something bad was gonna happen to her daughter.

However, all of them also knew that the best thing that they could do for Bee was to give her everything that she wanted. Vannessa didn't like thinking about the reason why. She just liked to think that the girl was with them just because. She just wanted them to enjoy.

Nang makaalis ang Tita Irish niya ay kaagad din niyang pinaupo si Bee sa bakanteng upuan. Parang nabawasan ang bigat na nararamdaman niya sa dibdib niya ngayong nandoon na ang dalawa.

Inaliw at kinausap naman kaagad ng iba pa nilang mga kasama si Bee habang si Vannessa naman ay napalingon sa gawi ni Jax na may kaonting ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang kapatid na nakikipag-usap. Nang mapansin nitong nakatingin siya ay bahagya itong nagtaas ng kilay at lumapit sa kanya. "I'm sorry I wasn't able to reply to your messages. Pinag-alala ba kita?" tanong nito.

Hindi alam ni Vannessa kung bakit ganoon na lamang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang marinig ang tanong na iyon. Siguro'y napansin din ni Jax ang pagbabago ng ekspresyon sa kanyang mukha kaya nagsalita itong muli. "A-Ay I mean I wasn't pertaining to you getting worried about me—you know." Napakagat ito sa labi. "U-Uh..."

Hindi niya mapigilang mapangiti nang dahil dito. "Ang importante nandito ka na," aniya ngunit nang mapagtanto ang sinabi ay kaagad nanlaki ang mga mata. "K-Kayo pala."

"Hoy, anong kaguluhan 'to?" Kaagad napalingon silang dalawa nang sumingit si Lee sa usapan. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa na para bang may ginawa silang kababalaghan. Hindi tuloy mapigilan ni Vannessa na pandilatan ito ng mga mata.

Nang nilingon niya si Jax ay nakita niya ang pamumula ng mga tenga nito. Mukhang hindi lang din siya ang nahihiya.

Pero bakit nga ba may hiya?

Napaisip si Vannessa.

"Pinagsasabi mo," nakanguso niyang sabi kay Lee.

"Uh, I'll just excuse myself, ladies. I'll just buy Bee some water," Jax said. Pipigilan pa sana ito ni Lee pero kaagad ding kinurot ni Vannessa ang kaibigan sa braso kaya hindi na nito nagawa.

Naupo na uli silang dalawa habang ang tingin ay nasa kay Jax pa rin na papunta sa mga stall ng pagkain para bumili ng tubig.

"Taray, may pa-meet the mom na si accla. Parang kahapon lang noong galit na galit ka kay Jax, ah. Anong nangyari? Parang nawawala 'yong sungay mo, ah? Hindi ka na suplada? Share naman diyan!" kaagad nitong pag-usisa, hindi pa man siya nakakahinga.

Vannessa rolled her eyes. "Alam mo, ang chismosa mo,"

"Siyempre, chismis is the food of my soul. Kwento na! Others naman nito, parang hindi nag-grade two."

Ipinukol na lamang niya 'yong tingin kay Bee na masaya pa ring nakikipagkuwentuhan. Alam niyang kukuwestiyunin siya pati ng iba pa nilang kasama kung ano 'yong nangyari. Ayaw rin naman niyang ikuwento sa mga ito kaya siguro ay matutulog na lang siya buong biyahe at susubok na iwasan ang mapunta sa spotlight.

"Nag-sex kayo?"

Kaagad nanlaki ang kanyang mga mata. "Bibig mo, Liam! May makarinig, ano pang isipin nila. Nothing like that happened, okay? What do you take me for?"

Malakas ang tawa nito kaya pinagtinginan tuloy sila ng mga tao kaya ganoon na lamang kasama ang tinging ipinukol niya sa kaibigan. "This is interesting. May napupusuan na ba ang Vannessa Ingrid Salvador Concepcion?"

Napalingon si Vannessa kay Jax na naglalakad na pabalik sa gawi nila, bitbit-bitbit ang pinamili. Nang mapansin iyon ni Lee ay siniko-siko siya nito sa tagiliran. "Fuck you. Shut up, okay?"

"The only person who can shut me up has not been born yet," he whispered to her before standing and greeting Jax. "Hi, Jax! Anong mga pinamili mo?"

-

As they were boarding the plane, Bee asked to sit beside her. She also wanted to be on the window seat since it would be her first time flying.

"Bee, only if papayag ang ate mo—"

"Ano ka ba, siyempre, it's okay. I would love to!"kaagad niyang pagpuputol kay Jax.

She guided Bee on her seat. Just seeing the girl smiling was already enough to make her happy.

'Lord, please give us this week. Please let us be happy,' she prayed silently in her mind. She didn't want to look worried because she also didn't want Bee to feel differently. Ipapaubaya na lang niya sa Diyos ang kung anumang hindi nila hawak.

"Would you be okay with me sitting beside you?" She was looking up as she stared at Jax who was pointing at the chair beside her.

In an instant, she felt her heart beat faster. Napalunok siya nang dahil doon.

Since when did she feel nervous around him?

"Si kuya, nagtanong pa talaga." Rinig ni Vannessa ang pagtukso ni Bee sa tabi niya kaya mas lalo lamang namula ang mga tenga ni Jax.

Hindi mapigilan ni Vannessa ang mapangiti bago tumango. "Of course. I don't mind."

The flight was only approximately an hour. Bee was so thrilled as the plane took off, and she was able to see the clouds in the sky.

"Alam mo, mas maganda kapag may sunrise or sunset. Kitang-kita," sabi niya rito.

"Talaga, ate? Sana pagbalik natin ganoon din."

Nagkatinginan sila ni Jax. Na-book na kasi ang ticket nila pabalik ng Manila kaya malabong mangyari iyon kung susunod sila sa schedule. Nginitian lamang niya ito nang tipid bago ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.

"Bee, if you're sleepy, pwede kami magpalit ng pwesto ng ate mo para sa akin ka sumandal," sabi ni Jax habang nakatingin sa kapatid.

"Hindi ako inaantok, kuya," tugon naman ni Bee.

Dahil isang oras lang 'yong flight, ang akala ni Vannessa ay gising buong magdamag ang mga katabi niya. Napagtanto na lamang niyang nakatulog na si Bee nang maramdaman ang pagsandal ng ulo nito sa balikat niya. She knew she was sleepy. Mabibigat na kasi ang mga talukap nito kanina pa. Maybe she was just fighting the urge not to sleep.

She smiled a little. Hinawi niya ang iilang hibla ng buhok ng babae paalis sa mukha nito bago tahimik na kumuha ng litrato sa kanilang dalawa. Bee reminded her of Venice, especially when she still hadn't moved out, and they were still teenagers. Maliit lamang ang agwat nila ni Venice kaya natutuwa lang din siyang alagaan si Bee.

Nanlaki ang mga mata ni Vannessa nang maramdaman din ang pagbigat ng kanyang kabilang balikat. Nang lumingon siya ay nakita niyang nakaidlip na si Jax sa balikat niya dahil na rin siguro sa pagod. Kinailangan nitong magising nang maaga para siguraduhing okay ang lahat tapos ito pa ang nag-drive kanina. Hindi na kataka-taka ang pagod nito kaya hinayaan na lamang ni Vannessa ang binatang matulog sa balikat niya.

She also secretly took a photo of the three of them: Jax and Bee both sleeping against her shoulders.

Maya-maya pa'y hindi na rin niya napigilan ang antok. Nakatulog siya habang ang ulo ay nakasandal sa ulo ni Jax.

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
Wild One By dstndbydstny

General Fiction

6.5M 184K 63
The forbidden fruit that everyone wants to have a taste, a woman of the world, liberated, wild, and without a doubt, gorgeous - Odine Beateressa Sant...
265K 6.6K 32
Gustav Batalier loathed one guy and only one guy, and that is Malec GarcĂ­a. So imagine his shock when he found out that the guy is possessively obses...
27M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...