Stuck At The 9th Step

By Khira1112

2.8M 94.5K 45K

Book 2 of 10 Steps To Be A Lady. Read 10STBAL first before proceeding to this story. More

PROLOGUE
CHAPTER 1 : GEORGE
CHAPTER 2 : DELGADO
CHAPTER 3 : ARCHITECTURE STUDENT
CHAPTER 4 : DRILL
CHAPTER 5 : WALLPAPER
CHAPTER 6 : TOWER OF PRIDE
CHAPTER 7 : FIRST GAME
CHAPTER 8 : LOOK UP
CHAPTER 9 : FALL
CHAPTER 10 : JUDGE
CHAPTER 11 : CONCLUDE
CHAPTER 12 : FLIGHT
CHAPTER 13 : INVADE
CHAPTER 14 : CONFIRM
CHAPTER 15 : DEFENSE MECHANISM
CHAPTER 16 : DON'T TELL
CHAPTER 17 : WHITE LIE
CHAPTER 18 : DARE
CHAPTER 19 : MEET AGAIN
CHAPTER 20 : TAKE A CHANCE
CHAPTER 21 : RHEA
CHAPTER 22 : NOT A GOOD GIRL
CHAPTER 23 : DREAM TOGETHER
CHAPTER 24 : PLEADING
CHAPTER 25 : THREE YEARS
CHAPTER 27 : ENDS
CHAPTER 28 : SERVICE
CHAPTER 29 : RUN
CHAPTER 30 : WITHOUT ME
CHAPTER 31 : LAST STRIKE
CHAPTER 32 : COPE UP
CHAPTER 33 : NONE
CHAPTER 34 : GRADUATION
CHAPTER 35 : OLD SELF
CHAPTER 36 : PUSSYCAT
CHAPTER 37 : SITE
CHAPTER 38 : BULLET
CHAPTER 39 : MASK
CHAPTER 40 : YOURS
CHAPTER 41 : COBY
CHAPTER 42 : MAN OF MY OWN
CHAPTER 43 : HATRED
CHAPTER 44 : GET HER BACK
CHAPTER 45 : FIGHT
CHAPTER 46 : REBOUND
CHAPTER 47 : AIRPORT
CHAPTER 48 : SCHEME
CHAPTER 49 : SUCKER
CHAPTER 50 : THROW IT
CHAPTER 51 : SHINN
CHAPTER 52 : MADNESS
CHAPTER 53 : FEISTY
CHAPTER 54 : CHILDHOOD MEMORIES
CHAPTER 55 : FAULT
CHAPTER 56 : STRANGER
CHAPTER 57 : COWARD
CHAPTER 58 : CAPS
CHAPTER 59 : PHOTOGRAPH
CHAPTER 60 : SO WRONG
CHAPTER 61 : REN
CHAPTER 62 : BLESSING
CHAPTER 63 : ADJUSTMENTS
CHAPTER 64 : POINT IT OUT
CHAPTER 65 : LAUGHINGSTOCK
CHAPTER 66 : COUSIN
CHAPTER 67 : THREE CHOICES
CHAPTER 68 : COLLIDE
CHAPTER 69 : ALONE
CHAPTER 70 : GO HOME
CHAPTER 71 : LET GO
CHAPTER 72 : SET OF CHOICES
CHAPTER 73 : SELL
CHAPTER 74 : USING YOU
CHAPTER 75 : YOUR EX
CHAPTER 76 : SICK
CHAPTER 77 : CHEATING
CHAPTER 78 : INSTEAD
CHAPTER 79 : BELLAROCCA
CHAPTER 80 : TAUGHT
LAST CHAPTER : GEORGIA RANTE
LAST CHAPTER : RHEA LOUISSE MARVAL
LAST CHAPTER : COBY RAMIREZ
LAST CHAPTER : SHINN ACE ASLEJO
LAST CHAPTER : LAWREN HARRIS DELGADO
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 26 : SET UP

29.6K 1K 328
By Khira1112


#SAT9S



DEDICATED TO : JADE DEL PILAR



(For dedication, join Khira1112 Stories)



CHAPTER 26 : SET UP



"Ren!" Tumalon-talon na agad ako nang makita ko siyang palabas ng arrival area. Tinatawanan ako ng mga kuya ko sa aking likod pero wala akong pakialam. Kumaway sa akin si Ren pabalik at tinakbo ko na ang distansya namin. Niyakap niya agad ako nang makalapit. Marahan siyang natawa.


"Miss na miss mo ako, ah!" Natatawa niyang sabi. Kumawala ako at pinalo ko siya sa braso.


Pinanlakihan ko siya ng mata. Mas lalo siyang natawa at niyakap ulit ako sabay halik sa aking sentido


"Ang OA niyo namang dalawa. Tatlong buwan lang kayong hindi nagkita. Hindi tatlong taon." Sabi ni Kuya Rex at yumuyugyog pa ang balikat sa paghagikgik. Pinaningkitan ko siya ng mata. Tinakpan agad ni Ren ang bibig ko, marahil ay nalaman agad niyang babarahin ko na naman sina Kuya Rex.


Nakipag-apir si Kuya Ryan kay Ren. Gano'n din kay Kuya Rex. Tinanguan lang siya ni Kuya Roy na laging mukhang badtrip.


"Kumusta? Kailan pa ang bakasyon mo?" Tanong ni Kuya Ryan.


"Kahapon lang." Sagot ni Ren sabay hawak sa kamay ko. Napatikhim si Kuya Rex, ngumisi si Kuya Ryan at umirap naman si Kuya Roy.


"Tindi, ah? Ilang oras ba ang flight from Manila to Auckland?"


"14 hours." Humikab si Ren. Pagtapos ay natawa. "Sorry. Hindi ako gaanong nakatulog sa eroplano."


Kinuha ni Kuya Ryan at Rex ang mga dalang bagahe ni Ren. "Kami na rito. Dumiretso na kayo sa van."


Tumango kami. Naunang maglakad si Kuya Roy papuntang parking habang nag-uusap na kami ni Ren.


"Gabi na pala." Tumingala siya sa nagdidilim na kalangitan. "Ang sabi sa akin makakarating ako dito ng hapon pero napatagal ang waiting dahil nagkaproblema sa eroplano."


"Kaya nga. Nagrereklamo na 'yon kanina pa." Nginuso ko ang nakatalikod na si Kuya Roy. "Magkakaugat na raw ang paa niya sa paghihintay."


"Ikaw? Hindi ka nainip?" Tanong niya sa akin.


Nginisihan ko siya. "Step 7."


Natawa siya sabay halik sa aking pisngi. Nilayo ko ang mukha niya at iningusan siya. "Hindi pa rin nagbabago."


"Gusto mo akong magbago?" Hamon niya.


Umiling ako at hinalikan rin siya sa pisngi. "Kumusta ang second semester?"


Kinwentuhan niya ako tungkol sa tatlong buwan na magkahiwalay kami. Tatlong buwan kaming nagtiis sa text, tawag, chat at webcam. Nung umalis sila ng New Zealand at iniwan ako rito ay sinabi kong hindi ako iiyak. Sinabi kong masasanay rin ako sa ganitong set up.


Hindi talaga gano'n kadali. Bumalik lahat ng nararamdaman ko nung nasa Spain si Ren at ako ang naghihintay sa Pilipinas. Napagtanto ko na masmasaklap pala yung ikaw ang hinihintay. Yung pakiramdam na parang gusto ko na hilahin ang tatlong taon para malaya na ulit kaming dalawa ni Ren.


May mga pagkakataong napapaiyak talaga ako pag naiisip kong hindi ako makakauwi ng lalo na ngayong nagsimula na ang first sem ko rito. No credited subjects kaya simula ulit ako sa umpisa. Hindi pa gaanong mabigat dahil napag-aralan ko na ang iba. Nakaiinis mang aminin ay tama silang lahat. Kuya Rex can guide me. Hindi niya hinihintay na magsabi na nahihirapan ako. Ituturo niya sa akin ng advance ang mga dapat kong malaman.


"Nakikita mo ba mga kaibigan ko? Hindi ba nila ako natatanong sayo?" Tanong ko nang nasa byahe na kami.


"Wala ka bang contact sa mga kaibigan mo?" Singit ni Kuya Ryan na nasa harapan. Si Kuya Roy ang nagdadrive. Katabi ko naman si Kuya Rex na malapit sa bintana at matamang nakikinig sa usapan.


"Natapon ko kaagad yung sim ko kasi hindi ko naman magagamit 'yon dito sa New Zealand. Inactive ang accounts ko." Sagot ko.


"Hindi ko sila nakakasalubong sa university. Hindi naman na rin ako napapadaan sa building niyo." Sagot sa akin ni Ren. Kinalikot niya ang kanyang mata. Halatang inaantok na. Ngumiti siya sa akin nang mapatagal ang titig ko sa kanya.


"Magpadeliver na lang tayo. Mukhang inaantok na 'tong bisita natin." Napansin rin ni Kuya Rex.


"Ba't pa magpapadeliver kung pwede naman magtake out?" Sabat sa akin ni Kuya Roy.


"Dine in na lang para walang hassle." Sabat ni Kuya Ryan.


Hinayaan ko silang magtalo kung paano kami magdidinner ngayong gabi. Nang mapatingin ako kay Ren ay nakasandal na ang kanyang ulo sa bintana ng kotse. Nakapikit na at tuluyang nadala sa pagod. Marahan kong tinabig ang ulo niya sa aking balikat. Ginising ko na lang siya nang marating namin ang restaurant.


Hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan. Halata na ang pagod sa mukha ni Ren pero nilalabanan niya. Nang marating namin ang bahay ay kinaladkad ko siya sa magiging kwarto niya.


"Oy, bawal matulog ng magkatabi, ah?" Pahabol ni Kuya Rex. Iningusan ko siya at natawa na lang si Ren. Hindi ko isinara ang pinto para hindi maging hysterical ang mga kuya ko. Hinila ko ang luggage ni Ren sa cabinet habang siya ay binagsak ang sarili sa kama.


"Bukas na 'yan, beh." Inaantok niyang tugon.


"Hindi. Sandali lang 'to." Binuksan ko ang isang luggage na punung puno ng gamit. Maayos na nakatupi ang mga damit sa loob.


"Marami 'yan. Bukas na lang."


"Isang bagahe lang." Binuksan ko ang cabinet at isa-isang nilagay ro'n ang mga damit niya. Hindi na siya umimik kaya ang akala ko ay wala na siyang proterta.


Bigla akong umangat at muntik na akong mapasigaw. Tumatawa-tawa si Ren habang buhat-buhat ako. Hinampas ko ng damit ang mukha niya. Binagsak niya ako sa kama at dinaganan. Sinabunutan ko siya.


"Yari ka kina Kuya pag nakita nila tayo." Pinanlakihan ko siya ng mata.


"Minsan lang naman." Sumiksik siya sa leeg ko.


"Ang manyak talaga ng mga galawan mo. Nakakainis." Bulong ko.


"Talaga? Dati lagi kang kinikilig dyan tapos ngayon kinaiinisan mo na?" Biro niya.


"Yuck!" Tinampal ko ng mahina ang kanyang mukha. Umalis siya sa pagkakadagan sa akin pero hinila ako payakap.


"Marami sana akong ikukwento sayo pero pagod na talaga ako. Baka makatulog ako habang nagkukwento." Tiningala ko siya at pinagmasdang mabuti ang mukha niya. Nakapikit na siya.


"Tutulog ka na? Punta na ako sa kwarto ko para makapagpahinga ka." Akmang tatayo na ako ngunit hindi niya ako pinakawalan.


"Dito ka lang muna. Ang tagal na nung huli tayong ganito."


"January." Tugon ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Nakakamiss. Parang gusto ko na lang din na dito mag-aral."


Napaangat ako ng tingin. "May balak ka na ring dito mag-aral?"


"Sana. Kinausap ko si Dad pero wrong timing dahil babalik siya ng Spain pagtapos ko magbakasyon rito."


"Paano ang academy?"


"Kaya nga malabong mapayagan ako. Malaya naman ako pag bakasyon kaya makakapunta ako rito pag term break. Walang mag-aasikaso sa maiiwang trabaho ni Papa. Hindi pwedeng walang magmanage ng AAA." Humikab siya. "Patulugin mo muna ako bago ka umalis."


"Ano ka, baby?"


Tinawanan niya ako. "Meron pa akong na-miss maliban sa pananabla mo." Hinapit niya ako palapit at hinalikan ng marahan. Wala akong lakas na tanggihan siya. Gumanti ako ng halik. He's not the only one who misses this.


Dumilat ako at nagulat ako nang makitang may liwanag na sa bintana. Umaga na?


Napabaling ako kay Ren mahimbing na natutulog. Nakadantay ang mabigat ng binti sa akin. Namula ang mukha ko nang makitang wala na ang suot kong t-shirt kagabi at bra na lang ang suot ko. Hinanap ko 'yon. Nakita ko sa ulunan 'yon at agad na sinuot. Napatikhim ako sabay baling muli kay Ren. Napailing ako. Gusto ko siyang sakalin.


"Manyak talaga. Bwisit." Kung hindi lang 'to tulog, suntukin ko na 'to.


Tahimik akong lumabas ng kwarto. Ayokong istorbohin ang pagtulog ni Ren dahil pagod na pagod 'yon sa byahe. Paglagpas ko lang sa sala ay naririnig ko na ang usapan ng mga kuya ko.


"Hayaan niyo na. Boyfriend niya 'yon at normal 'yon sa mga teenagers." Boses 'yon ni Kuya Ryan. Hindi muna ako lumabas sa sulok at nakinig muna sa usapan nila.


"Paano mo nasasabi 'yan, Kuya? She's not just a normal girl. She's our sister. Only sister and the youngest. Wala ba tayong karapatang pagbawalan siya?" Nag-aalburotong segunda ni Kuya Rex. Muntik na akong mapaubo. Ako ang pinag-uusapan nila pero hindi ko mapagtanto kung tungkol saan.


"Kaya niyo bang kausapin siya tungkol dyan? Alam ni Rhea at Ren ang limitasyon nila. Saka, tingin niyo ba ginawa nila?"


"Ano bang malay natin do'n? Shit. Hindi ko talaga inakala na payag kang maging liberated si Rhea. Mukhang naimpluwensyahan talaga ang pananaw mo nung nasa New York ka."


"Sleeping with someone you love is liberation for you? Ewan ko sayo, Rex. Hindi mo pa nga sigurado kung may nangyari nga sa dalawang 'yon. May narinig ba kayo kagabi?"


"Gago. Mukha bang interesado ako sa gano'n? Saka kung may narinig ako, susugod agad ako sa kwarto."


"Kung gano'n, huwag ka mag-alburoto dyan. Malay mo ba kung wala naman talagang nangyari at ikaw lang ang OA." Sa wakas ay narinig ko ang boses ni Kuya Roy. Sa gano'ng usapan nila ay nagpasya akong sumilip. Natigilan silang tatlo ngunit sabay-sabay ring nag-iwas ng tingin at tumikhim. Ngumuso ako.


"Sorry. Nakatulog ako sa kwarto ni Ren." Umupo ako sa sofa. Sumipol si Kuya Ryan at wala sa loob na napainom si Kuya Rex ng juice. Si Kuya Roy ay pinaglalaruan ang camera niya at tila walang pakialam sa amin. "Wala naman kaming ginawa kaya hindi niyo kailangang mag-usap ng gano'n."


Sabay-sabay na naman silang napabaling sa akin. Ngumuso ako at pinisil-pisil ang daliri ko.


"Narinig mo kami?" Nakangangang tanong ni Kuya Rex.


"Obvious na nga, magtatanong pa. Akala ko ba matalino ka?" Tumayo si Kuya Roy at iniwan kaming tatlo ro'n. Tinuro naman siya ni Kuya Rex. Humagalpak ng tawa si Kuya Ryan.


"Wala atang tiwala sayo 'to, bunso. Sapakin mo nga." Sabi ni Kuya Ryan. "Baka atakihin 'yan sa puso pag iniwan namin kayo ni Ren bukas."


"Bakit? Saan kayo pupunta?"


"I'll be working with Roy. I need his photographs for my next artwork. We'll feature New Zealand and Rex will be our tour guide."


"Tour guide. Tss." Umiling si Kuya Rex. Inasar-asar siya ni Kuya Ryan at pikon na pikon naman 'tong isa. Tuluyang nawala sa isipan nila ang tungkol sa akin at kay Ren.


Patay malisya na lang kaming lahat nang magkakaharap kami sa brunch at walang kamalay-malay si Ren. Sarap na sarap pa sa pagkain. Si Kuya Ryan ay parang tuwang-tuwa pa sa sitwasyon. Si Kuya Rex parang sasabog anumang oras. Si Kuya Roy, as usual, walang pakialam.


Nandito silang lahat dahil pare-parehas silang lie-low sa kanilang mga trabaho. Nakabakasyon sila Kuya Ryan at Roy para mag-isip ng feature sa kanilang nalalapit na exhibit habang si Kuya Rex ay katatapos lang ng project.


Habang sila ay nagpapakasarap sa buhay, ako naman ay nagbuburyo sa mga plates ko dahil may pasok ako kahit summer. Ito ang dahilan kung ba't sa duration ng bakasyon ni Ren ay hindi man lang kami nagkapamasyal ng matagal.


"Kawawa naman si beh. Kahit summer, nag-aaral." Inaasar ako ni Ren habang gumagawa ako ng plates. Muntik ko na siyang bigwasan.


"Huwag ka magulo. Patapos na ako. Pag ako nagkamali rito, tutusok ko sayo lahat ng tech pen ko."


"Sungit." Umupo siya sa tabi ko at nagmake-face. Nagpapapansin pa. Naiinis ako pero ay natatawa sa ginagawa niya. Mukha siyang tanga.


Masmaganda pa rin pag nandito siya. Nakakadistract, oo, pero nakakamotivate. Ang kagandahan lang pag term break niya, lagi siyang nandito. Ang akala ko ay kakasanayan ko rin pero sa tuwing aalis siya, nalulungkot ako. Umiiyak pa rin. Nag-alala.


Sa unang summer niya rito sa New Zealand, nagtagal siya ng dalawang buwan. It was never enough. Yung akala ko ay sapat na ang mga araw na 'yon pero hindi pala. Laging kulang. Hindi ako nasasatisfy. Bitin parati.


Hindi ko alam kung paano ko napagkakasya ang relasyon namin sa gano'n. Pag LDR, ang tanging bumubuhay sa amin ay ang cellphone at laptop. Kung walang gano'n, baka matagal na kaming sumuko. Ang hirap kasi.


Bumalik siya October nung taong ding 'yon. Tatlong linggo lang ang pagitan ng first sem sa second semester. Second year na siya ngayon. Ako, first pa rin at pinagpapasalamat ko na lang na wala akong nababagsak na subject. Nagiging alanganin pero nakababaw pa rin. Thanks to Kuya Roy.


Lumipat ako sa isang apartment na malapit sa university. Do'n na ako temporary na nakatira. Bumabalik lang ako sa bahay ni Kuya Rex pag wala akong pasok. Do'n na rin nagbakasyon si Ren na puro kalokohan lang ang alam.


"Ayoko na kasi!" Tumakbo ako at nagtago sa ilalim ng mesa. Nakita ko ang paa niya at pinigilan kong matawa ng malakas. Siniksik ko ang sarili ko sa ilalim.


"Nasaan ka? Yari ka sa akin pag nakita kita. Mapapagod ka." Nanlaki ang mata ko nang hilahin niya ang upuan at umupo ro'n. Umusog ako para hindi niya ako masipa. "Beh, magpakita ka na."


Bumilang ako ng tatlo at saka siya ginulat. Napausog siya at tumaob ang silyang kinauupuan niya kaya nahulog rin siya. Tumawa ako ng malakas at tumakbo palayo pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ay nahuli niya na ako.


"Ilang palaka nahuli mo?" Inaasar-asar ko pa siya pero hinalikan niya na ako.


Those were the moments I'm missing kapag nasa Pilipinas siya. May times na napapaisip ako at narealize kong gumagaan ang pag-aaral ko pero nahihirapan ako sa relasyon namin ni Ren. Wala kaming problema maliban sa LDR. Iisa lang pero sobrang bigat sa pakiramdam. Napakabigat no'n para sa akin.


"Are you okay?" Nadatnan ako ni Kuya na tulala sa drawing table ko. Ngumiti ako sa kanya at pinagpatuloy ang naudlot na ginagawa.


"Ayos lang ako. Iniisip ko lang si Ren."


Tinapik niya ang ulo ko at niyakap 'yon. "Come on. Masyado kang nag-aalala ,eh nasa Pilipinas naman siya. Maayos naman kayo, di ba?"


"Yes pero mas panatag ako pag magkasama kami, eh." Napakagat ako ng aking labi. "Third year na siya next year. Gusto niya raw mag-aral rito kaya lang naisip ko namang baka may mga subject siyang hindi ma-credit tapos mapahaba yung duration ng pag-aaral niya imbis na dapat sabay na kaming gagraduate."


"Talagang planado na ang future niyong dalawa, ah?" Nanunuksong sabi ni Kuya Rex.


"Syempre." Natatawa kong tugon. "Susuportahan niyo naman kami, di ba?"


Nginitian ako ni Kuya. Alam kong nandyan lang sila. That's why I love my family. Hindi nila kami hinihigpitan ngunit hindi rin kami binabalewala. Walang boundaries sa pamilya. Walang problema maliban sa milya-milya naming distansya.


Walang araw na hindi kami magkatext ni Ren. Kahit magkaiba rin ang timezone ay sinisiwsiw na lang namin.


Manyak : Champion department namin sa basketball. Kasama ako sa Mythical. Wanna celebrate with you.


May naka-attach ro'n na photo. Napangiti ako nang makitang buhat siya ng mga teammates niya at siya ang may hawak ng trophy at ngiting-ngiti.


Ako : Sayang. May video ba? Hindi man lang kita napanuod na maglaro. Miss ko na basketball. :(


Manyak : Di bale, sa summer maglalaro tayo dyan.


Inasahan ko 'yon. Sinama ko 'yon sa mga plano ko para sa susunod na summer. Maglalaro kami ng basketball. Ulit. Ang huling laro namin no'n ay dinaya niya ako.


"Nakatanggap ako ng offer. Sa university mismo nanggaling. Kinausap ako ng head coach at ng team captain. Gusto nila akong maging part ng varsity. Tatanggapin ko ba?"


"Ba't hindi?" Ngumuso ako. "Pero kaya mo ba? Baka mapabayaan mo studies mo?"


"Hindi, ah. Petiks nga lang." Natatawa niyang sabi. "Nag-aalangan ako tanggapin. Baka ma-late ako sa pagpunta dyan sa summer kasi mid-summer ang tapos ng liga."


"Sayang naman kung hindi mo tatanggapin." Pero parang nanghihinayang rin ako sa araw na itatagal niya do'n. Ayoko namang hilingin na pumunta agad siya rito dahil may priorities siya bukod sa akin. Isa pa, hindi ko siya pipigilan sa mga gano'n.


"Okay lang sayo?"


"Oo naman!"


"Sure?"


"Oo nga po."


"Sure na sure?"


Natawa ako at nakipagkulitan na lang sa kanya. Pinaalam niyang sumailalim siya sa special training. Tinatawagan niya ako pag natatapos sila at nakukwentuhan niya pa ako. Hinihinto ko ang ginagawa ko para makapag-usap kami ng maayos.


"Katatapos lang namin. It was good. Sana napanuod mo."


"Sayang talaga. I-video mo na lang minsan para mapanuod ko. Miss na kita."


"I miss you too, beh. Sana nandito ka. Miss na miss na talaga kita."


Natanggap siya paglipas lang ng ilang linggo. Hindi na ako nagtaka. Magaling naman talaga siyang magbasketball.


Nakaiinip nga lang ang maghintay ng muling pagpunta niya rito sa New Zealand. Umaasa lang ako sa tawag at text niya. Minsan pagod na pagod na siya at hindi ko gustong pahabain pa ang usapan naming dalawa para makapagpahinga siya ng maayos.


Napapanuod ko via stream ang mga laban ng team nila. Kahit medyo late na ay pinapanuod ko pa rin ang mga laban nila at napapasigaw ako pag pinapasok siya sa court. Napapatalon pa pag nakakashoot siya.


"Boyfriend ko 'yan! Oh, my God!" Napapalakpak ako at tinatawanan ni Kuya Rex ang reaksyon ko.


"Para kang baliw dyan." Sabi niya na binalewala ko dahil focus ako sa laban.


Nang magchampion sila ay pinagmalaki ko pa 'yon sa mga bago kong kaibigan sa UA kahit hindi naman nila alam 'yon at halatang hindi sila interesado ro'n.


"Kuya, magpahanda ka, ha? Dito na lang kami ni Ren sa bahay mo. Term break naman."


Buti na lang talaga at sumakto sa term break ko ang pagpunta niya rito. Makakapamasyal kami ng matino at hindi masyadong bitin.


"Kailan ba darating si Ren?"


"Mamaya." Sagot ko.


"Mamaya na?" Gulat na tanong si Kuya. "Kakachampion lang ng team nila kagabi, di ba? Anong oras ba 'yon umalis at parang hindi man lang ata in-enjoy ang pagkapanalo ng team niya?" Naiiling na sabi nito.


Napanguso na lang ako. Medyo na-guilty dahil alam kong hindi nakadalo si Ren sa victory party nila. Alanganin kasi ang flight niya at ayaw naman niyang i-postpone.


Sinundo namin ni Kuya Rex si Ren sa airport. Gano'n pa rin ang pakiramdam ko. Excited pa rin sa tuwing magkikita ulit kami.


"Ano ba 'tong bagahe mo. Basta mo na lang 'to nilagay 'no?" Pinagsasabihan ko siya habang patuloy siya sa pagkalikot ng cellphone niya.


"Mamaya na 'yan, beh. Tignan mo mga pictures ng team namin." Hinila niya ako paupo sa hita niya. Kinuha ko naman ang phone niya para tignan ang mga pictures.


"Ayos 'to, ah. Sino naging MVP?"


Tinuro niya sa akin ang lalaking malaki ang katawan at ang pinakamatangkad sa kanila. Maputi at medyo chinito.


"Si Ervis."


"Ervis?" Kumunot ang noo ko. Inaalala kung saan ko unang narinig ang pangalan na 'yon dahil pamilyar sa akin.


"Ervis Fernandez. 'Yan yong team captain. Graduate na siya kaya wala na siya next na liga." Pinaglipat-lipat niya ang mga pictures at pinakilala sa akin isa-isa ang mga teammates niya.


"Close mo na silang lahat?"


Ngumisi siya sa akin. "Okay lang, di ba?"


Natatawa talaga ako pag pinapaalam pa niya sa akin kung pwede siyang makipagkaibigan sa iba. Hindi ko naman siya pipigilan. "Oo naman. Basta huwag kang magiging bakla."


Yumuyugyog ang balikat niya sa pagtama at nagsimula na namang sumiksik sa leeg ko. Pinapatigil ko siya dahil patuloy ako sa pag-scan ng pictures. Kumunot ang noo ko nang may mapansin.


"Ren." Pinalo ko ang hita niya. "Sino siya? Ba't siya lang babae? Fan niyo?"


Tinignan niya ang picture. Ang buong team at may isang babaeng nakasimangot sa gitna.


"That's our Manager. I mean, assistant siya ng Manager pero para na ring Manager." Natawa siya ng marahan. "Her name is George. Parang ikaw siya."


Nanlamig ako nang marinig ko 'yon. Sa hindi malamang rason, nakaramdam ako ng takot pero binalewala ko 'yon.


"Parang ako?"


"I mean, parang ikaw nung boyish ka pa. May konting similarities, but different altogether." Ngumisi siya sa akin.


"Close kayo?"


"Ayos lang. Masclose ko yung mga players. Masclose niya rin niya ang mga 'yon. Matatagal na silang magkakasama. Ngayong second sem lang naman ako sumulpot." Nagkibit-balikat siya. "Nakakapag-usap kami. 'Yan yung sinabi ko sayong babae na tinakbuhan yung gustong-gusto niyang lalaki noon. May hinanakit 'yan sa mundo." Tumawa siya at mas lalo akong niyakap,


Tumango-tango ako. Nakwento niya na sa akin 'yon. Na may tinulungan siyang babae. Ito pala 'yon, Pinagmasdang mabuti ang picture. There's nothing wrong with it. Baka paranoid lang talaga ako kaya nakakaramdam ng kaba.


"Baka may gusto sayo, 'to?"


"Tingin ko nga."


Napabaling ako sa kanyang ng mabilis. "Instinct. Baka sabihin mo ang lakas ko magyabang pero naiisip ko rin minsan."


Ngumuso ako. "Baka mayabang ka lang at ang lakas mo mag-imagine?"


Tinawanan niya ang komento ko. "Mabenta ata ako sa boyish?"


Iningusan ko siya at pilit siyang nanlalambing. Pinagtawanan at ginawa naming biro ang usapan na 'yon pero hindi ko inamin sa kanyang nabahala ako. Ang tanging nagpapatatag sa akin ay assurance niya at ang buong tiwala ko sa kanya.


Hindi siya nakadalaw sa akin nung October dahil parehas kaming naging busy. Naiintindihan ko naman. Ngayong unti-unti na siyang nanonotice sa basketball ay masmaraming time ang kailangan sa pagpapractice lalo na't may pressure 'yon sa team nila dahil sila ang nagchampion sa nakaraang liga. Ako naman ay nabigatan sa nalalapit na thesis at sunud-sunod na research na dapat pag-aralan kaya ako na mismo ang nagsabi kay Ren na huwag na siya tumaloy. Kung pupunta pa siya, wala rin naman akong sapat na oras na maibibigay sa kanya at magbuburyo lang kami sa apartment ko.


Ang balak ko ay ako naman ang pupunta ng Pilipinas. Namimiss ko na si Papa. Madalang siya makapunta ng New Zealand kaya ako na lang ang dadalaw sa kanya. Mahaba term break ko bago magthird year. Aabot ng isang buwan.


"Siguro, uuwi ako dyan ng March or April. May pasok ka ba no'n?" Magkausap kami ni Ren sa phone.


"Wala na ata pero may training pa kami."


"Eh di maganda. Makakanuod na ako ng liga niyo." Niyakap ko ang aking unan. I could cheer him live.


"I would love that, too."


"So, pagtapos na lang ng sem niyo, okay?"


"Yes. Pagtapos ng sem. Malapit na yun, beh. Susunduin kita."


"I love you."


"I love you. . ."


Lumipas ang ilang araw at stress na ako sa mga kailangan kong gawin. Nagpapatulong na ako kay kuya dahil baka hindi ako makaabot sa deadline. Hindi ako nakakareply ng maayos kay Ren at nakikita ko na lang ang santambak niyang message at missed calls sa phone ko.


Manyak : Beh?


Manyak : Busy? Hindi mo nasasagot tawag ko. :(


Manyak : I'm worried. Tinext ko si Kuya Ryan. Busy ka raw. I won't disturb you but please text me pag may time ka. May medical check up kaming buong team ngayong araw. I love you.


Ako : Sorry. Ang dami kong ginagawa. May thesis kami sa susunod na araw at alanganin yung research ko. Ayoko mag-fail ro'n kasi hindi ako makakapagbakasyon pag nagretake ako. I'll make it up to you next time. Sorry. I love you.


Nakapagreply naman ako pero late. Pagtapos no'n ay isang buong araw siyang hindi nagtext sa akin. Nabahala ako at mas lalong na-stress. Naisip kong nagtampo siya at ginagantihan niya ako. Pero hindi naman siya gano'n kaya tumawag ako kay Tito Loren.


"He's just tired. Buong araw ang practice nila. Magtitext din 'yon sayo. Sasabihin ko."


"Salamat po, Tito. Pa-inform na lang po si Ren na tumawag ako. Is he awake?"


"Tulog pa siya. Di bale, ipapaalam ko kaagad pag nagising siya."


And he's right. Kung ano ang rasong binigay ni Tito Loren sa akin, 'yon din ang sinabi ni Ren. Nagsorry siya dahil hindi nasagot ang text at tawag ko. Nakahinga ako ng maluwag nang malamang ayos lang siya. Bumalik kami sa dati.


"Nandito ako sa bahay?"


"Are you okay? Ba't parang ang tamlay ng boses mo?"


"I'm okay. Magpapractice ako mamaya." Huminga siya ng malalim. "How's are you?"


"Mamaya na yung thesis ko. Pray for me. Kinakabahan ako."


Tumawa siya sa kabilang linya. "Kaya mo 'yon. Ikaw pa."


Nang malapit na ang Finals nila, term break ko na. Hindi ko muna ipinaalam 'yon kay Ren. Naghahanap na ako ng available na flight sa araw na gusto ko. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba sa kanya na pauwi ako o sosorpresahin ko siya.


Binuksan ko ang inactive kong accounts sa social media. May ilang messages ro'n galing sa mga kaibigan ko. Ilan lang ang pinagkaabalahan kong buksan. The recent ones.


Annielle Martin : How are you? I miss you, Rhei! Balita ko nasa New Zealand. Please, contact me. Bakasyon ka naman dito sa US at dalawin mo ako.


Coby Ramirez : Hey, how's New Zealand? Paramdam rin kahit minsan. We've heard from tito Robi na uuwi ka. Nasa Pilipinas ako ngayon. Pasalubungan mo ako. Kidding. We miss you. :)


Shairell Delgado : Rhea? I have something to tell you. Sana mabasa mo 'to. Wala akong contact number mo. Ren won't give it to me.


Nireplyan ko silang lahat kasabay ng pagdating ng e-mail ng flight ko pabalik ng Pilipinas. Ilang segunda lang ay may reply na agad na isa. Shai is online.


Shairell Delgado : Are you online?


Me : Yes. I miss you, Shai!


Shairell Delgado : I miss you, too. May sasabihin ako sayo.


Me : Ano 'yon? Wait, nasa Pilipinas ka ba? Uuwi ako sa susunod na araw.


Shairell Delgado : Yes.


Shairell Delgado : Did you tell Ren?


Me : Tatawagan ko palang siya. Ano yung sasabihin mo sa akin?


Me : Ano bang maganda? Sasabihin ko o huwag na? Balak ko sana siyang i-surprise.


Shairell Delgado : No! Huwag mo muna sabihin. Ikaw ang masosorpresa. Don't tell him.


Me : Huh? Bakit?


Shairell Delgado : Rhea, you have to go back. Ren got in an accident. He didn't tell you.


Nanlamig ang buong katawan ko nang mabasa ko 'yon. Ilang segundo akong nakatitig sa screen ng laptop ko hanggang sa magpop out ang reply ni Shai na nakapagpamanhid sa akin.


Shairell Delgado : Don't know if I'm just paranoid. There's no easy way of telling this. I'm sorry. Nakita ko siyang may kasamang babae. Nag-away kami. He's lying to you.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 55.9K 62
Torrence Felly, an ordinary student who's full of dreams and ambition in life, finding a boyfriend is not in her list - until she found Clifford Airm...
4.4M 105K 35
***I wrote this story so many years ago, back in 2019, when I didn't care about errors and grammar, basta makapag-sulat lang. I'm really thankful bec...
108K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
7.2K 150 23
Maria Isabella only wants one thing in life: to become a well-known singer. However, her parents are against it and pushing her to become someone she...