Monasterio Series 8: Nights i...

By Warranj

951K 26.9K 2.1K

(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue Access

Chapter 54

15K 485 155
By Warranj

Order a copy of NIGHTS IN CASA VALLEJO here: WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 54

Tila nawalan ng lakas ang mga kamay ko at nanghihinang napabitaw mula sa pagkakahawak sa mga balikat niya. Warm tears streamed down my face, squeezing my eyelids shut in the hope they would stop.

Pigil na pigil ang bawat hikbi ko habang titig na titig sa kaniya. Hindi rin siya gumagalaw mula sa pagkakatitig sa akin na para bang sa ganoong paraan, sinusubukan niyang alamin ang bawat emosyong yumayakap sa puso ko.

"Almost..." ulit ko sa pumipiyok na boses. "You almost... l-love her?"

Hindi ko maintindihan. What does he mean by almost? Muntik niya nang minahal si Shannen? Bakit hindi natuloy? Bakit hindi nauwi sa oo? The mere fact that he almost loves her only means that he already let her enter his heart, right?

He pursed his lips, his jaw clenched tight.

"I'm sorry."

"No," another wave of tears fell from my eyes. "Stop saying sorry, Terrence. Ipaliwanag mo sa akin kung bakit... siya na ngayon-"

"Hindi kita pinalitan."

Natahimik ako, pinipilit intindihin ang ibig sabihin ng mga katagang 'yon. Pakiramdam ko, nagiging bobo ako dahil sa mga salitang binibitawan niya. Ang simple lang naman intindihin kung tutuusin pero nagmimistulan akong mangmang dahil roon.

"Hindi ko maintindihan, Terrence. Sinundan mo ako sa ibang bansa para iuwi dito. Sinabi mong mahal mo pa rin ako at hindi 'yon nagbago-"

"Mahal pa rin kita at hindi pa rin 'yon nagbabago..." aniya na nagbigay kirot sa puso ko. "I'm sorry if this sounds confusing to you, Priscilla."

Lumunok ako, sinubukan alisin ang bikig sa aking lalamunan.

"Bakit hindi mo na lang kaagad sinabi, Terrence? Bakit pinabalik mo pa ako dito kung ganito lang rin pala ang kahihinatnan natin?" tanong ko, halos hindi na magawang maintindahan ang mismong sarili dahil sa pagsabay ng hagulgol. "Hindi ko maunawaan!"

Muling nag-iwas ng tingin si Terrence sa akin. He dropped his head down and massaged the bridge of his nose as if he's already finding this conversation hard to do.

Nagmulat siya ng mga mata at nag-angat ng tingin sa akin. This time, his eyes were laced with intense pain.

"There were times that I used to ask myself if you truly love me, Priscilla. You always made me feel that I ain't worth of you. That I don't deserve your love... or a future with you," mahinahon ang boses na aniya, ang mga mata ay masiyadong malamlam na tila napapagod na. "Maraming beses akong napagod at naisipan nang sukuan ka. You kept on pushing me away. You wanted me to follow what you thought is right and threw my decisions on the trash as if it never matters to you. Ni minsan, hindi mo ipinaramdam sa akin na gusto mong bumuo ng hinaharap kasama ako. Ako palagi ang nagpupumilit para sa atin. Ganoon ako kapursigido para sa ating dalawa. Ganoon kita kamahal..."

Muling nalaglag ang butil ng luha mula sa mga mata niya ngunit hindi 'yon naging dahilan para alisin siya niya ang tingin sa akin.

"Everytime we talk about marriage, I can always feel you uncomfortable. It made me think why you agreed to my marriage proposal even if you weren't ready yet. Dahil nakukulitan ka na lang sa akin? Dahil may mga anak tayo? Whatever the reasons were, I tried to act that it was never the case for you. Na pumayag ka sa alok kong kasal dahil mahal mo ako-"

"Mahal kita, Terrence. Alam kong mahirap akong intindihin noon pero mahal kita!" histerikal na sabi ko.

Hindi nagbago ang tingin niya sa akin. Para bang wala ng epekto sa kaniya ang mga salitang 'yon.

"How much, baby?" he smiled a bit as another wave of pain flooded his dark orbs. "Is it enough to be with me in this lifetime? Sapat ba para isama mo ako sa bawat desisyon mo sa buhay?"

Hindi ako nakasagot. Alam ko sa sarili kong mahal ko si Terrence. Na kung bibigyan ako ng pagkakataon na humaba pa ang buhay ko ay gagawin ko ang lahat makabawi lang sa kanila ng mga bata.

There were times before that I didn't really know what kind of relationship we had. Masiyadong naging mabilis ang lahat para sa amin at sa isang banda, nag-aalala akong maaga rin matapos at mauuwi sa hindi maganda.

Tumungo ako. Narinig ko ang malalim niyang paghinga na nagpabigat pa lalo sa puso ko. Mula sa pagkakatitig ko sa sahig ay nakita ko ang paggalaw ng mga paa niya paalis sa harapan ko.

I raised my gaze and looked at him. Pagod niyang ibinagsak ang sarili paupo sa dulo ng kama. Bahagya siyang tumungo, ang mga siko ay nakatuon sa ibabaw ng mga hita niya. Dinala niya ang mga kamay sa mukha at tinakpan iyon. It was just a quick moment before he brushed his palms over his face and clasped his hands, his eyes were anchored in a far distance.

"I used to bring the kids to Mama's house whenever I had to go to work. Minsan sa mga magulang mo pero mas madalas sa amin. That's where they met Shannen..."

Hindi ako umimik. Ang marinig ang simpleng pangalan niya ay matinding pait na ang idinudulot sa akin. Paano pa sa katotohanang muntik na siyang minahal ni Terrence?

"She became close with them, mostly to Alexene. Wala naman sigurong masama kung hahayaan kong makipagkaibigan ang mga anak natin sa ibang tao, hindi ba? Clarisse trusts her more than anyone else..." he continued. "During those times, I was longing for you. I kept on asking the heavens to save you from that fucking condition. To let you live longer because our children need you. I need you. Nakuntento akong nakikibalita kay Miss Chantal dahil kung lalapitan kita at ipipilit sa'yo ang gusto ko, mas lalo kang lalayo sa akin. Iyon ang pinakakinatatakutan kong mangyari, Priscilla. Ang magalit ka sa akin at ipagtabuyan ako."

"But Shannen happened, Terrence. During those times that you were longing for me, she was there to comfort you, right?" malungkot akong ngumiti habang nananatiling nakatayo ilang metro ang layo sa kaniya.

"No. She never comforts me. She doesn't know what I went through until you came back. Si Clarisse na mismo ang nagsabi sa kaniya ng naging sitwasyon natin. If you're thinking that Shannen knew what I felt for her, she doesn't. We never had a relationship. We never got the chance to bond with each other more than friends. No intimate moments. I didn't let myself get involved with her for personal reasons..." His voice cracked.

"You didn't tell her about how you feel..."

"Para saan? Sa tuwing mararamdaman kong humahanga ako sa kaniya, sa paraan ng pagmamahal niya sa mga bata, palagi kong inisiip na nariyan ka. Na kahit anong mangyari, tayong dalawa pa rin."

"You had no idea if I would still come back."

I heard him sigh, his position didn't change. Maging ang mariin na pagtitig niya sa kawalan, hindi pa rin nagbabago.

"And I still hold on to us. Kahit walang kasiguraduhan, umaasa pa rin ako na tayo pa rin. Shannen being close with the kids made me imagine that you were here with us. She did so many things for them that made her become a mother figure. And maybe, that's the reason why I almost fell in love with her..." he said in a distressed tone. "Sinubukan kong... hanapin ka sa katauhan niya."

Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat ko isipin sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang susunod na salita na dapat ibato. Marami pa akong gusto itanong sa kaniya pero pakiramdam ko, sobra-sobra na ang mga nalaman ko.

Marahan akong naglakad palapit sa gawi niya at naupo sa gilid ng kama kung saan siya naroon. Our distance with each other was somehow far but I can still hear his deep breathing.

"Hindi na ako nakatiis at sinundan kita sa ibang bansa. Before that, I had to make sure that what I felt for Shanne was shallow. That it was nothing compared to what I feel towards you. That I like her but not to the extent of seeing my future with her."

Malungkot akong ngumiti sa kabila ng nag-uunahang luha sa mga pisngi ko.

"That's not what I witnessed when I saw you staring at her, Terrence. Napansin ko ang lalim ng paninitig mo sa kaniya noong mga sandaling sinabihan mo siyang huwag munang bisitahin ang mga bata..." pag-amin ko. "I tried to ignore it. Inisip kong bali wala lang 'yon at hindi ko dapat bigyan ng malisya. Sinabi mong mahal mo pa rin ako at... iyon lang ang gusto kong panghawakan noong mga sandaling 'yon."

Hindi siya sumagot. Tumungo siya sahig at doon itinuon ang dilim ng mga mata. Gusto kong hayaan niya muna akong magsalita at pakinggan ang lahat ng gusto ko ilabas mula sa dibdib ko.

"I shouldn't be hurting right now. Hindi kita dapat kita kinukwestyon kung nagmahal o nahulog ka sa iba. It was my decision in the first place. I told you that you can love someone else and you have my blessing. Pero sa kabila noon, ang isipin pa lang na mahuhulog ka sa ibang babae ay parusa na para sa akin..." I chuckled painfully. "Maybe that's really the consequence of leaving you and the kids before. The punishment for not including you in all of my decisions. I just thought I was doing the right thing..."

Gusto kong humanga sa sarili ko na nagawa kong makapagsalita nang maayos sa kabila ng pagkagaralgal ng boses ko at bikig na nakaharang sa aking lalamunan.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita, Terrence. Simula pa lang nang patunayan mo sa akin na hindi hadlang ang agwat ng edad nating dalawa. Na puwede tayo sa kabila ng mga magkaibang paniniwala natin," huminga ako nang malalim. "Maaaring hindi sapat para sa'yo pero kasi, Terrence... hanggang doon lang ako. Sa ganoong paraan kita minahal. Iyon lang ang hangganan ko. Pero hindi ibig sabihin, ikaw lang ang nagmamahal ng sobra sa ating dalawa."

No words rushed down his lips. Halata ang lalim ng iniisip niya sa bawat paggalaw ng mga mata niya.

"I'm sorry if I didn't tell you about that right away, Priscilla. You are not in a good condition to face things like this. But my guilt won't just let me be in peace. Pakiramdam ko, habang hindi ko sinasabi sa'yo ang tungkol doon at nananatiling sikreto, nagkakasala ako sa'yo."

I sat straight and tried to fill my chest with air but failed. Kahit anong subok ko na huminga nang maayos, lalo lang akong nahihirapan.

"I have a feeling that you went to States and follow me because you wanted to save yourself from completely loving her. Ako 'yong nakita mong sasagip sa'yo, Terrence..." sabi ko na ikinalingon niya sa akin. Dumaan ang sakit sa mga mata niya pero nasisiguro kong mas doble ang sa akin nang titigan ko siya pabalik. "Maaaring sa mga sandaling ito, pinipilit mo na lang ang sarili mong piliin ako kasi 'yon ang nasa isip mo. Baka mas mahal mo na si Shannen pero pilit mo lang rin nilalabanan."

Umiling siya, salubong ang mga kilay. "That's not how it goes, Priscilla. Hindi ko kinailangan mamili sa inyong dalawa dahil ikaw lang ang tanging pagpipilian na mayroon ako."

Malungkot akong ngumiti sa kaniya. "Dahil iyan ang gustong paniwalaan ng isip mo, Terrence. Maybe this is also the reason why it felt different before to marry you. Masiyadong naging mabilis ang lahat para sa atin. We met each other, made love and you got me pregnant right away. Punong puno ako ng takot at pag-aalinlangan sa puso ko noon. For some reason, my heart knew that this would happen in the future..."

Titig na titig siya sa akin, ang luha ay nagsisimula na namang umahon sa gilid ng mga mata niya.

"What are you trying to say?" fear ran through his voice.

Isang beses pa akong nagpakawala nang malalim na paghinga kasabay ng walang tigil na pag-alpas ng mga luha ko.

"I'm saying that everything happened too fast between us. That maybe, we should spend more time away from each other and think if this is what we really want. Marami nang nagbago, Terrence. At kung ipagpapatuloy natin ito sa kabila ng mga nangyayaring ito, puno ng alinlangan at mga bagay na gumugulo sa isipan natin, hindi tayo tuluyang magiging masaya..." buong tapang na saad ko. "Kasi aminin mo man o hindi, ramdam kong naguguluhan ka pa rin ngayon."

His jaw clenched, Adam's apple moved up and down.

"Are you breaking up with me?"

Malungkot akong ngumiti at hinawakan ang kamay niya. I held it tightly as if it would be the last time that I'll be able to feel it.

"I'm giving you enough time to silence the noise and chaos in your head, Terrence..." garalgal ang boses na sabi ko. "A time for us to heal. Maybe one day, when the time is right, a future with each other is still there waiting for us. By that time, we can both grab it without any hesitation."

Pumikit siya nang mariin kasabay ng paggapang ng luha sa pisngi niya. Nagmulat siya at walang salitang kinabig ako palapit sa kaniya. He gently pressed his lips against mine as we both closed our eyes, our own tears mixing with each other.

Kusa kaming naghiwalay, ang mga noo ay parehas na magkadikit habang titig na titig sa isa't isa.

"Pakawalan na muna natin ang isa't isa," bulong ko habang patuloy sa pagtangis. "Magpahinga muna tayo."

To those who want to subscribe on VIP Facebook Group, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Completed on VIP Facebook Group, Spaces, and Patreon. Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 30.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
772K 27.1K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.6M 62.7K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.