IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

1M 36.6K 9.5K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 26

15.4K 612 143
By ImaginationNiAte

KABANATA 26:

Ilaria POV

          SAKTONG ala-singko ay natapos na ang pagtu-tutor ni Mrs. Thompson sa'kin. Dumiretso na ako agad sa kwarto namin ni Samael para makapagpalit ng damit dahil may usapan kami ni Rosales na magkikita ngayon. Wala na akong pakialam kung malaman man 'to ni Samael at magalit siya sa akin.

Basta gagawin ko pa rin kung ano ang gusto ko. Hindi naman pu-pwede na palaging siya ang masusunod at gawin kung ano ang gusto niya. Malaki na ako at may sarili akong desisyon para sa sarili ko. Pasaway na kung pasaway.

After kong makapagpalit ng damit at makapag-ayos ng sarili ay saka ko naman binitbit ang sling bag ko. Bumaba agad ako at hindi ko nakita si Manang Aming sa sala. Marahil ay nasa kusina siya at nagluluto ng hapunan.

Pero syempre sumilip muna ako sa labas ng bintana para i-check ang labas. Nakita ko roon na madaming nagkalat na mga tauhan ni Samael. Tiyak na napagsabihan na sila na huwag akong hahayaan na makalabas ng Mansyon.

Hindi ako pu-pwedeng dumaan sa main gate dahil nakakasiguro ako na haharangan nila ako at hindi ako palalabasin. Pero may alam akong daan para makalabas ako ng Mansyon. May sekretong daan sa likod ng Mansyon namin kaya naman doon ako dire-diretsong nagtungo.

Hindi na rin ako nagpaalam kay Manang Aming dahil alam kong hindi rin niya ako papayagan na makalabas ng bahay. Dito sa likod ng Mansyon ako madalas dumadaan kapag patago akong umaalis lalo na kapag wala si Samael at nasa trabaho siya.

Wala rin kasing masyadong tumatambay na mga tauhan niya sa likod ng Mansyon, kung meron man ay iilang lang. At saka madalas naroon sila palagi sa front gate ng bahay para magbantay at magmasid. Ako lang din ang nakakaalam ng daan dito sa likod ng Mansyon, wala ng iba pa.

Nalaman ko na may sekreto palang daanan dito 'nong one time na tumambay ako rito ilang buwan na ang nakakalipas hanggang sa naisipan kong mag-ikot ikot rito at 'yon na nga, natagpuan ko itong daan na hindi sinasadya.

Doble ingat ako sa paglalakad ko. Hangga't maaari ay hindi ako gumagawa ng kahit na anong ingay. Panay rin ang check ko sa paligid ko lalo na sa likod ko dahil baka may biglang sumulpot na mga tauhan ni Samael na hindi ko napapansin. Nakita ko pa nga na may nagbabantay malapit sa garden, mabuti na lang ay hindi niya ako nakita.

Napangiti pa ako ng matamis nang makita kong makakalabas na ako ng Mansyon pero akala ko lang pala dahil bago pa ako makalabas ay nagulat na lang ako nang may malaking kamay na humawak sa kaliwa kong braso para pigilan akong makalabas.

Buong akala ko ay si Samael na kaya halos pigilan ko na ang aking paghinga, pero nagkamali ako nang tignan ko kung sino ang pumigil sa'kin.

"Signorina? Ano pong ginagawa niyo rito sa likod ng Mansyon?" tanong ng tauhan ni Samael.

Nangunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya kilala at hindi ko rin alam ang pangalan niya. Pero sigurado ako na tauhan siya ni Samael dahil na rin sa suot niyang black suit. At saka natatandaan ko siya, hindi ako maaaring magkamali. Siya 'yong lalaking nahuli ko 'nong isang araw na nakatingin sa'kin.

Iyon 'yong araw na may biglang nakapasok na magnanakaw dito sa bahay pero nang mahuli ko siya that time na nakatingin sa'kin ay agad siyang napaiwas ng tingin. Infairness, siya lang itong tauhan ni Samael na nakasuot ng salamin sa mata.

Pero may hitsura siya at matangkad. But why are his eyes familiar to me? Kulay-abo ang dalawa niyang mata at para bang nakita ko na ito.

"Ahm.. ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko kahit na siya ang unang nagtanong.

"Inutusan lang po ako ni Boss Miano na mag-ikot ikot dito sa likod ng Mansyon," sagot niya bago niya bitawan ang aking braso.

"Boss Miano?"

"Siya po ang assistant ni Don Samael," paglilinaw niya kaya napatango-tango ako.

Jusko! Kung bakit ba kasi hindi ko kilala 'yong mga tauhan ni Samael. Ngayon alam ko na kung ano ang pangalan ng assistant niya.

"Kayo po? Ano pong ginagawa niyo rito?" muli niyang pagtatanong bago siya tumingin doon sa labasan na dadaanan ko na sana.

"Tatakas po ba kayo? Hindi ba't pinagbawalan kayo ni Don Samael na lumabas ng Mansyon?" pagtatanong niya kaya medyo nataranta naman ako.

Baka mamaya ay may makarinig sa kanya o 'di kaya may ilan sa mga tauhan ni Samael ang biglang mapadpad dito at maabutan akong narito.

"Shh, huwag kang maingay okay? Please, huwag mo itong ipapaalam kay Samael. Saglit lang naman ako, uuwi rin ako agad." pakiusap ko sa kanya.

"Pero pinagsabihan po kami ni Don Samael. Kami po ang malalagot kapag lumabas po kayo ng Mansyon. Sige na po, signorina. Bumalik na ho kayo sa loob bago pa kayo makita ng iba kong mga kasama at baka isumbong ka pa po nila sa Kuya mo." magalang ngunit mahinahon niyang sabi pero dahil matigas ang ulo ko ay napailing-iling ako sa kanya.

"Please, hayaan mo na lang ako okay? Saglit lang naman talaga ako sa labas. May kikitain lang ako na importanteng tao. Please, nakikiusap ako sayo." I begged ---halos kulang na lang ay lumuhod na ako sa harapan niya.

"Pero signorina-"

"Please?"

Hinawakan ko pa ang dalawa niyang kamay baka sakaling gumana ang pakikiusap ko sa kanya at hayaan na lang niya akong makalabas ng Mansyon. Ilang minuto siyang hindi nakaimik at tila nagtatalo pa ang kanyang isipan hanggang sa napabuntong-hininga na lamang siya.

"Okay, sige. Hahayaan po kitang makalabas ngayon at hindi rin po kita isusumbong kay Don Samael." pagsuko niya kaya matamis akong napangiti dahil sa tuwa. Kamuntikan pa akong mapasigaw ng yes.

"Pero sasamahan po kita.." dagdag niya na ikinatigil ko.

"Sasamahan?"

He nodded, "Hindi naman po kita pwede basta hayaan na lumabas ng Mansyon na wala po kayong kasama. Talagang kami po ang malalagot kapag nalaman 'to ni Don Samael." pagdadahilan niya.

"Gusto ko lang din pong siguraduhin na ligtas po kayong makakabalik dito. At saka kailangan niyo rin po ng escort, hindi po ligtas sa labas lalo na't kapatid po kayo ng isang mayaman na Mafia." mahaba niya pang paliwanag at na-gets ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin.

He is one of Samael's men and his job is to protect me. Sila talaga ang malilintikan kapag nalaman ni Samael na nakalabas ako at nagawa kong malusutan ang mga tauhan niya.

Dapat pa nga akong magpasalamat sa kanya dahil hahayaan niya akong makalabas ngayon at hindi pa niya ako isusumbong kay Samael. Mas okay na 'to kaysa pigilan niya ako at isumbong.

Huminga ako ng malalim, "Okay, samahan mo ako." tangi kong nasabi.

"Hintayin niyo na lang po ako sa labas, ihahanda ko lang po ang kotse." aniya kaya tinanguan ko siya.

Umalis na siya para ihanda ang sasakyan kaya nagtungo na ako sa labas para hintayin siya. Maya-maya lang ay may humintong itim na kotse sa harapan ko at nang bumaba ang bintana sa driver seat ay nakita ko siya, ang tauhan ni Samael.

Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto kaya nagpasalamat lang ako bago ako sumakay sa shotgun seat. Ilang saglit pa ay umalis na rin kami at sinabi ko lang sa kanya ang lugar kung saan ako makikipagkita kay Rosales.

"Teka nga pala, ano palang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Ilang segundo pa muna siyang hindi nakasagot.

"Tawagin mo na lang po akong Domenico. Iyon ang apelyido ko at madalas na tinatawag sa'kin ng mga kasamahan ko,"

I smiled, "Nice to meet you, Domenico. 'Wag mo na rin akong i-po, masyado kasing nakakatandang pakinggan." wika ko sabay tawa kaya pati siya ay natawa rin ng mahina.

"At saka mukha namang magkasing-edad lang tayong dalawa. Ilang taon ka na ba?"

Hindi naman sa feeling close ako sa kanya. Ayoko lang talaga na nagkakaroon ng awkwardness sa mga taong nasa paligid ko. At saka para naman may mapag-usapan naman kaming dalawa habang nasa kotse kami at bumabiyahe.

"Twenty five years old na ako," aniya at tipid na ngumiti.

"Gano'n ba? Kaedaran mo lang pala si Samael,"

Pansin ko ang pagkunot bigla ng kanyang noo, "Samael? Bakit hindi mo siya tinatawag na Kuya?" he asked.

Hindi naman ako agad nakasagot. Wala nga pala silang alam na hindi kami totoong magkapatid ni Samael. At ayoko naman na kumalat ang tungkol doon. Sapat na sa akin na nalaman kong ampon ako.

"Wala lang, gusto ko lang siyang tawagin sa pangalan niya.." pagdadahilan ko at mahinang tumawa.

"Anyway, kanino ka po ba makikipagkita? Sa kaibigan mo po ba?" naitanong niya bigla pero napabusangot ako dahil ayan na naman siya sa po niya.

"Makikipagkita ako sa boyfriend ko. At saka hindi ba't sinabihan na kita na huwag mo na akong i-po?"

Napakamot siya sa ulo niya gamit ang isa niyang kamay kaya napangiti ako. Ngayon ko lang narealize na may pagka-cute pala ang isang 'to at mukha siyang inosenteng tignan.

"Pasensya na po kayo, signorina. Iyon po kasi talaga ang utos ni Don Samael sa amin. Igalang daw po namin kayo. Baka nga ho paalisin niya ako sa trabaho kapag po nalaman niyang tinulungan ko kayo na makalabas ng Mansyon. Baka rin ho ipaligpit niya pa ako kapag nalaman din niyang kinakausap kita ng ganito.." mahaba niyang saad at bakas ko sa boses niya ang labis na pagkabahala.

Talagang malaki ang takot nila kay Samael. Kaya nga halos walang nagtatangka na kalabanin siya. Kung meron man, iyon ay ang mga may galit at inggit sa kanya.

Hindi ko rin naman masisisi itong si Domenico kung nababahala siya na baka kung ano ang gawin ni Samael sa kanya kapag nalaman niyang siya ang tumulong sa'kin na makalabas ngayon sa Mansyon.

I sighed, "Don't worry, hindi ko naman hahayaan na may mangyari sa'yo 'no. Kargo de konsensya ko pa kapag tinanggal ka ni Samael sa trabaho at may gawin siya sa'yo na masama." paniniguro ko na ikinangiti lang niya.

"Salamat, signorina." sinsero niyang pasasalamat subalit ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

A few minutes passed and finally we arrived at our destination. Nakita ko agad ang boyfriend ko na naghihintay sa labas ng kanilang flower shop. Nagpasalamat lang ako kay Domenico bago ako bumaba sa kotse.

"Hey, my princess!" masayang bati ni Rosales sa'kin at sinalubong niya ako agad ng mahigpit na yakap. Natawa pa ako pero niyakap ko lang din siya.

"Sino pala naghatid sa'yo?" he asked habang nagtatakang nakatingin sa sasakyan na pinagbabaan ko.

"Isa siya sa mga tauhan ni Samael.. buti nga hindi niya ako isinumbong pero sinamahan naman niya ako para makasiguro siyang ligtas ako." sagot ko.

"Gano'n ba? Pero naninibago ako sa'yo. Hindi ako sanay na hindi mo tinatawag na Kuya si Samael.." aniya habang magkasalubong ang kilay.

"May kailangan pala tayong pag-usapan. Importante rin itong sasabihin ko sa'yo," saad ko.

"Pag-usapan? Ano naman 'yon?"

"I will tell you, but not here."

Masuyo niyang inayos ang buhok ko at tumango, "Fine. Nakapagpahanda na ako ng dinner date natin sa isang restaurant na malapit lang sa dagat. Let's eat first, and after that mag-uusap tayo. Is that okay with you?"

I nodded my head in response.

Ginamit namin ang sasakyan niya papunta sa tinutukoy niyang restaurant habang si Domenico naman ay sumunod lang sa amin. Hindi ko na rin nagawang batiin pa sila Mrs. Marcello dahil abala sila sa loob ng flower shop nila at ayoko naman silang istorbohin sa kanilang trabaho.

Isa rin kasi sa dahilan ko kung bakit pumayag ako na makipagkita sa kanya ngayon ay para i-kuwento na sa kanya ang tungkol sa'kin. Sasabihin ko na sa kanya na isa akong ampon at hindi kami magkapatid ni Samael.

Natatakot ako at nababahala dahil baka may magbago sa aming dalawa ni Rosales kapag nalaman niyang hindi ako isang Lazarus. Pero umaasa ako na sana tanggapin pa rin ako ng boyfriend ko kapag nasabi ko na sa kanya na ampon ako.

It took a few minutes bago kami nakarating ni Rosales sa restaurant. Magkahugpo ang aming kamay nang pumasok kami sa loob. At tama siya, nakahanda na nga ang dinner date naming dalawa.

Nakangiti lang akong nagpasalamat sa boyfriend ko nang ipagtulak pa niya ako ng upuan bago ako naupo. Nakahain na rin sa lamesa ang maraming mga pagkain at hindi ko maiwasang matakam dahil puro mga paborito kong pagkain ito. Naaamoy ko palang ang mabango nitong aroma ay kumukulo na ang tiyan ko sa sobrang gutom.

"Let's eat, I requested the chef to cook all your favorite dishes." nakangiti niyang sambit kaya lalong lumawak ang pagkakangiti ko.

"Thank you, Rosales.." I said sincerely.

"No, ako dapat ang magpasalamat sayo." he said softly and kissed my hand, "Kumain na tayo bago pa lumamig itong mga pagkain. At para mapag-usapan na natin 'yong gusto mong pag-usapan."

Tumango ako at nagsimula na kaming dalawa na kumain na may kaonting kasamang kwentuhan. Napag-usapan na rin naming dalawa kung bakit late siya nakarating 'nong birthday ko, 'yon pala ay nagkaroon siya ng biglaang meeting. Humingi naman siya ng pasensya pero naiintindihan ko siya.

Nasabi ko na rin sa kanya na hindi ko na mapipilit pa si Samael na ibalik siya biglang tutor ko. Inamin ko na rin na may nahanap na agad na kapalit niya, 'yon ay si Mrs. Thompson. Actually, magaling naman magturo si Mrs. Thompson. Hindi siya istrikta at mabait siya.

Syempre binanggit ko na rin kay Rosales na grounded ako at kinumpiska ni Samael ang cellphone ko. Nagulat pa siya nang malaman niya 'yon. Hindi ko naman nakalimutan na sabihan siya na through video call na lang kami makakapag-usap dahil isang buwan kong hindi magagamit ang phone ko. Buti na lang ay hindi naisipan ni Samael na kunin pati laptop ko.

Matapos naming kumain ay niyaya niya akong maglakad-lakad sa dalampasigan. I really love the sound of the ocean waves, it calms me down and gives me peace. Hindi rin naman masyadong malakas at malalaki ang alon sa dagat, sakto lang at nakaka-relax itong pakinggan. Idagdag pa na ang sarap sa paa nitong tinatapakan naming white sand.

Maganda ang lugar na 'to, may iilang mga naglalakad din na mga couple at meron namang mga magbabarkada. Pero kahit sumapit na ang gabi ay maliwanag pa rin ang nilalakaran namin dahil sa mga pailaw na nasa seaside lalo na sa mga palm trees na mayroong nakakabit na lights kaya nakadagdag iyon sa ganda rito sa dalampasigan.

"Ano palang gusto mong sabihin sa'kin?" rinig kong katanungan ni Rosales.

Huminga ako ng malalim para humugot ng lakas ng loob. Huminto ako sa paglalakad kaya pati siya ay nahinto rin. Tinignan niya ako habang ang noo niya ay nakakunot na. Alam kong nagtataka siya dahil ang seryoso ko ngayon. Pero hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

"I am an adopted child,"

Nakita ko kung paano gumuhit ang matinding gulat sa gwapo niyang mukha. It was obvious that he couldn't believe what I said. Pero 'yon ang totoo. Ampon ako.

"No, you're just kidding me, right?" he asked and laughed a little.

"I'm serious, Rosales. Ampon ako. Iyon ang gusto kong sabihin sa'yo. Hindi kami tunay na magkapatid ni Samael. That's why I don't call him Kuya anymore.." seryoso kong sabi. Hindi ako nagtangkang tumawa o ngumiti para ipakita ko sa kanya na hindi ako nagbibiro.

He gave me a confused look, "B-But how? How did that happen?" gulong-gulo siya.

Malalim akong bumuntong-hininga at hindi naman ako nagdalawang-isip na i-kuwento sa kanya ang nangyaring rebelasyon. Sinabi ko sa kanya kung paano ko nalaman na isa akong ampon habang siya ay tahimik lang na nakikinig.

We both fell silent after I told him everything. Alam ko na dina-digest pa niya sa utak niya ang mga nalaman niya hanggang sa marahas siyang napabuntong-hininga at napahilamos sa kanyang mukha.

"Sinasabi ko na nga ba. Sa kilos pa lang ni Samael ay halata ko na agad na may iba sa kanya. Hindi kayo totoong magkapatid at mayroon siyang pagtingin sayo!" aniya na ikinagulat ko pero hindi ko 'yon pinahalata.

Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa nararamdaman ni Samael sa'kin, na may gusto siya sa akin at ako pa ang first love niya. Hindi ko nga rin binanggit kay Rosales ang nangyaring halikan sa pagitan naming dalawa ni Samael dahil wala akong lakas ng loob para i-kuwento 'yon sa kanya.

"W-What do you mean?" nakataas-kilay kong katanungan.

"It's obvious, Ilaria. It's obvious that he likes you. Kaya gano'n na lang siya umakto at todo bakod siya sa'yo. Tulad na lang 'nong nasa office library tayo at nakaupo ka sa kandungan niya habang tinu-tutor kita. He grounded you and confiscated your cellphone para sa gayun ay hindi tayo makapag-usap." mahaba niyang sabi at muling bumuntong-hininga.

Nakagat ko ang labi ko. Tama ang mga hula niya. May gusto nga si Samael sa akin at nahahalata ko naman kung bakit niya kinumpiska ang phone ko. Si Samael na nga mismo ang nagsabi sa'kin na may gusto siya sa akin at gusto niya pa na makipag-break ako kay Rosales.

Pero may deal na kami at 'yon ang hindi ko nababanggit dito sa boyfriend ko. Ewan, para bang may bumubulong sa akin na huwag kong sabihin iyon kay Rosales. I was about to speak when I noticed Domenico walking towards us.

"Gabi na po, signorina. Kailangan na po nating bumalik sa Mansyon bago pa makauwi si Don Samael," salita niya nang tuluyan siyang nakalapit.

I checked my wristwatch, malapit na mag-eight at hindi ako pu-pwedeng magtagal. Baka mauna pang makauwi si Samael kaysa sa'kin at malaman niyang wala ako sa Mansyon. At saka medyo hindi na rin ako mapakali. Para kasing may mga matang nakamasid sa akin kanina pa.

"I have to go. Baka magalit si Samael kapag nalaman niyang wala ako sa bahay," paalam ko sa nobyo ko.

"Okay, okay. I understand. Kapag magka-problema ka, huwag kang mag-dalawang isip na magsabi sa akin." turan niya na ikinatango-tango ko lang.

Hinatid niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan ni Domenico. Bago pa ako makasakay ay humarap na muna ako kay Rosales. Bahagya niya pang pinisil ang kamay kong hawak niya.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi. Kahit anong mangyari, huwag kang masyadong magtitiwala sa kahit kanino lalo na kay Samael. I know you treat him like a big brother but we are not sure what he really needs from you. Isa lang ang sigurado ako, he likes you and you should be careful with him. He has a hidden desire for you, and I am one hundred percent sure of that." paalala niya sa seryosong boses.

Hidden desire? That's impossible.

"Fuck! Hawak ka niya sa leeg at halos kulang na lang ay hawakan at kontrolin na rin niya pati ang buhay mo. Huwag kang matakot sa kanya at matuto kang lumaban. Huwag mong hayaan na siya palagi ang masusunod. Do you understand me, my princess?" he added.

Simpleng tango lang ang isinagot ko. Masuyo siyang humalik sa noo ko hanggang sa sumakay na ako sa kotse at nagpaalam na sa kanya. Sumasakit na ang ulo ko, hindi ko na maintindihan kung sino na ba ang papakinggan ko.

Si Samael, sinasabi na masama ang kutob niya kay Rosales at hindi siya makakabuti sa akin. Na may masamang binabalak sa akin ang nobyo ko. 'O si Rosales ba dapat ang susundin ko.

Pero kilala ko si Samael at sabay kaming lumaki at nagkamuang. Malaki ang tiwala ko na hindi ako sasaktan ni Samael at mas lalong wala siyang gagawin na masama sa akin. Mabait siya, sobrang bait niya sa akin kaya sobrang labo na gawan niya ako ng masama. Never nga niya akong pinagbuhatan ng kamay at napagsalitaan ng masasakit na salita.

"Signorina?"

Nawala ang malalim kong iniisip nang marinig kong tinawag ako ni Domenico. Tumingin ako sa kanya habang nagmamameho siya.

"Hindi po ako makapaniwala na si Rosales ang boyfriend niyo. Alam po ba ito ni Don Samael lalo na po ang tungkol sa nobyo niyo?" aniya na ikinakunot-noo ko.

"Wait, kilala mo ang boyfriend ko?" taka kong tanong.

"Yes po. And you shouldn't trust him. Sa katunayan nga po niyan ay nakikita ko po siya sa Vercetti Club at nakakasama niya ang mga tauhan ng mga Cardinal." sagot niya kaya halos magdikit na ang dalawa kong kilay.

"Cardinal? Ano 'yon?"

"Cardinal family. One of Don Samael's enemies and they are your family's biggest competitor. Madalas po ako sa Vercetti Club at isa sa mga madalas kong nakikita na nagpupunta sa Club ay ang boyfriend niyo. I also saw him the other day kissing a girl so I was surprised when I found out that he is your boyfriend." mahaba niyang sabi na nagpanikip sa dibdib ko.

The fuck? Si Rosales? May kahalikan na ibang babae? Tama ba ang nakita nitong si Domenico? Hindi ba siya nagsisinungaling at gumagawa ng kwento?!

Aba syempre, imposible naman na ako ang babaeng kahalikan ni Rosales samantalang hindi pa ako nakakapunta sa Vercetti Club na 'yan! Nang marealize niya kung ano ang nasabi niya kaya bahagyang nanlaki ang mata niya sa pagkabigla.

"S-Sorry, signorina! I shouldn't have said that.." utal niya.

Hindi ako nakaimik. Shit! Pakiramdam ko ay malapit na sumabog ang utak ko. Hindi ko na yata kakayanin itong mga nalalaman ko. Siguro nga ay dapat na akong makinig kay Samael.

#

Continue Reading

You'll Also Like

497K 19.4K 47
Matandang panot . . . Malaki ang tiyan . . . May gintong ngipin . . . 'Yan ang pagkikilala ng lahat sa isang ex-convict na si Xillian. But they are...
6.8K 597 15
Paano ka mananalo sa larong tagu-taguan kung hindi mo alam kung sino ang taya? Hindi ka mananalo, dahil pinaglalaruan ka lang ng tadhana. -COMPLETED...
1.9M 51.4K 44
SOON TO BE PUBLISHED. 2: ALESSANDRO OTTAVIO Agnella Telese has a reason why she wants to seduce Alessandro Ottavio --- her stepfather. Because first...
188K 13.6K 39
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...