RAKISTA Love Affair Season 3...

By ilovemitchietorres

121K 712 233

Season 3 of RAKISTA LOVE AFFAIR (Final Book) "Find something that makes you happy and don't let anyone take i... More

Season 3: FINAL BOOK
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014 // Kalum
015
016 // Kalum
017

001

4.3K 70 14
By ilovemitchietorres

Paki-play yung video sa taas that would be the chapter's background music.

  Let the good times roll...  

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

5 YEARS LATER...

Everytime I wake up in the morning, napapa-isip na lang ako na may bagong buhay na ako malayo sa bansa na kinagisnan ko.

Malayo sa bansa na nakasanayan ko yung kultura at tradisyon. Ibang-iba talaga manirahan dito sa States kesa sa Pinas and If I were going to choose... Pilipinas pa din ang pipiliin ko.

Alam mo ang mahirap?

Yung hindi ka nabigyan ng pagkakataon na namili para sa sarili mo. Nandon pa din yung 'pain' at yung 'disappointment' kapag naaalala ko yung araw na sila mama at papa na ang nagdesisyon para sa akin na wala man lang silang consideration pero sa mga taon na nagdaan napatawag ko na sila.

Pilit na tinanggap na ito na ang kapalaran ko at wala na akong magagawa kasi nakaraan na yung limang taon.

5 years. Mga taon na nakalipas akong nanirahan dito sa US.

Ngayon unti-unti ko ng narealized at nakita yung 'bright side' ng pagpunta ko dito.

Nung home-schooled days, hindi naman ako nahirapan magadjust though nakakamiss lang yung mga classmates na nakasanayan ko ng makita at makasama araw-araw kapag school days.

Nakakamiss din pala yung gulo at ingay ng classroom. Nakakamiss din yung may little friendly competition kayo magkakaklase kapag recitation.

Kapag home school ka ikaw lang mag-isa at one on one kayo ng tutor mo. Hindi everyday yung klase 3 times a week lang kami nagmemeet kaya kapag free time ko its either nagbabasa ako ng libro o di kaya naglalakad ako sa labas ng bahay papunta don sa mini park para makipagsocialize.

Hindi naging madali na makapagadjust kasi wala na yung nakasanayan mong tao na nakakausap sa paligid mo.

Ibang atmosphere na yung ginagalawan mo wala ka ka na sa nakasanayan mong lugar.

Ilang linggo din akong nagstay lang sa bahay kasama si mama. Minsan nga pipilitin pa ako para lang sumama maggrocery o di kaya magwindow shopping.

Little by little natutunan ko din na makibagay at tanggapin na dito na talaga kami sa States titira.

Ilang gabi ko din na iniyakan hanggang sa makatulog yung home sick na nararamdaman ko kapag naalala ko yung bahay na naiwan namin, sila mommy Liz, si Kris... Si Brad, sila Ash at yung mga taong malapit sa akin.

Hindi ko magawang magvideo call sa kanila kasi hindi kopa kaya that time. Alam kong iiyakan ko lang sila at ayoko naman na makita nila yung kalagayan ko kasi alam kong magaalala sila.

Sinubukan ko na ituon na lang sa iba ang attention ko. The next day din nag-aya ako kay mama na lumabas para magpahangin sa labas at dinala niya ako sa mini plaza walking distance mula sa bahay namin.

Hindi ko na namalayan na natapos ko na ang highschool at college. Sa mga panahon na wala akong gustong gawin kundi makuha na yung diploma at matanggap na yung degree na ilang taon kong pinagpuyatan at pinaghirapan.

Sa kagustuhan ni papa sinunod ko yung 'dream' niya na maging isang engineer gaya niya. Sinikap ko na ibigay yung hiling na na nakatapos ako sa course na yon at nagpapasalamat ako kasi nagawa ko.

There's a lot of struggles pero nalagpasan ko lahat ng yon at heto na nga ako fresh graduate. Hindi mapapantayan yung saya at pagiging proud nila pala at mama ng makita ko sila sa graduation day ko.

At least ngayon alam ko na napasaya ko sila at napagbigyan ko ang kagustuhan ni papa. Ito na yung chance ko para pagbigyan naman ang sarili ko.

"Papa... Kukuha ako ng photography class." Paalam ko sa kanya nung one time magkaroon kami ng family dinner.

May trabaho na ako ngayon sa well establish engineering company sa New York at nakahiwalay na ako sa kanila.

Nakita ko yung sincere na smile ni mama ng sabihin ko yon. Siya kasi ang nagpupursige sa akin na tapusin ko muna yung college degree ko bago ko ipursue ang pagiging professional photographer.

Hinawakan ni mama at kamay ni papa. Hindi maiwasan na mapansin ko yung mga signs na tumatanda na rin sila at isa sa mga gusto kong mangyare magpahinga na lang sila sa bahay at wag ng magtrabaho lalo na si papa.

"... O sige nak kung yan ang gusto mo. Hindi kita pipigilan..."

Ang sarap sa pakiramdam na marinig yung mga salitang yon. Yung pakiramdam na sa kanya na galing mismo na pinapayagan na niya ako although nasa tamang edad na ako para magdesisyon para sa sarili ko iba pa din kapag binigyan ka ng consent ng parents mo.

"Thank you papa." Sa sobrang tuwa ko that time napatayo ako at niyakap siya ng nahigpit.

Ngayon nandito ako sa sidewalk ng plaza nakaupo sa isa sa mga lumang bench na nalilimliman ng matandang puno sa likod ko.

Summer na ngayon dito at ang sarap sa pakiramdam na nadadampian ng init ang balat ko.

Hindi mo naman pagpapawisan dahil mahangin at makulimlim.

Kapag wala akong magawa sa bahay dumidiretso ako dito kasama ng camera ko.

Isa sa mga bagay na hindi ko iniwan ang hilig ko sa photography. Siguro kung wala tong hobby ko na to nagmumukmok pa din ako sa kwarto ko hanggang ngayon.

Nalilibang ako kasama yung gadget na to at kahit saan ako dalhin ng paa ko may makikita at makikita akong subject na pwedeng kuhanan.

Pinagmamasdan ko yung paligid ko ngayon. Mula don sa mga dahon na nalalaglag mula sa puno, sa mga batang nagtatakbuhan sa playground di kalayuan sa pwesto ko, sa matang lalake na nagbabasa ng dyaryo at yung babae na may dala-dalang aso.

In terms of living mas magastos kung icoconvert mo yung mga pinamili mo sa ibang currency pero mas naging maganda yung pamumuhay namin dito kasi magkakasama na kami ito naman yung isa sa mga 'wish' ko.

Mas maraming opportunities na abot kamay ko lang lalo na't nakatapos ako ng may degree. Sa totoo nga lang bago pa ako makagruduate may mga company na na nagaabang sa akin. Nakakatuwa syempre at nakakaexcite at the same time kasi panibagong journey na naman to ng buhay ko.

Panibagong challenge ito na tatanggapin ko.

Mahigit isang taon na ako sa company na pinapasukan ko. So far okay naman ang trabaho even though minsan hindi maiiwasan na magkasabay yung problema sa trabaho at personal.

Lalo na't humiwalay na ako kila mama. Ako na ang naginsist at nagdecide na bumukod na kahit na may pagaalinlangan akong nakita kila papa ng magpaalam ako sa kanila.

Naisip ko kasi na ito na yung tamang panahon para ako naman mismo ang bumuhay sa sarili ko.

I'm so grateful na nandyan pa din sila sa likod ko pero gusto ko na tumayo na sa sariling mga paa ko.

Alam kong kaya ko at papatunayan ko yon. Gusto ko na makita nila mama at papa na ng dahil sa kanila nakayanan ko ng maging independent.

Alam ko hindi ko mababayaran o mapapalitan yung sacrifices na ginawa nila sa akin. Gusto ko na kahit sa maliit na bagay maibalik ko naman sa kanila ang utang na loob ko bilang anak sa magulang.

Mas naging malaya na akong gawin ang mga bagay na gusto ko.

Na sa aking kamay na din ang desisyon kung saan ba yung direction ng buhay ko.

It feels really great.

Napangiti na lang ako ng makita yung bata na hinabol yung puppy na naglalakad yun yung isa sa mga aso na hila-hila nung babae kanina.

Finocus ko sa kanila yung lens ng camera na hawak ko at kinunan sila ng ilang shots.

Ganun din ang ginawa ko sa lolo na nakaupo ilang bench ang pagitan sa akin na nagbabasa.

Chineck ko yung oras sa suot kong wrist watch.

Sunday ngayon free day ko.

Quarter to 4pm na pala hindi ko na namalayan ang oras. Tinignan ko muna yung mga gamit ko at chineck ito bago tumayo.

Sinukbit ko yung lace ng camera sa leeg ko bago maglakad-lakad ulit. Saglit akong huminto don sa fountain kung saan madaming tao na nakapaligid dito.

May mga nagpapapicture, may mga batang nagtatampisaw ng kamay at may nakita din akong naghagis ng barya.

Madalas kapag nagagawi o nabibisita ako dito sa park na to di pwedeng hindi ko daanan ang fountain na to.

May nakakwentuhan kasi akong matandang babae at sa tinagal-tagal kong namamasyal dito kapag past time ko nakilala ko siya one time nung makiupo siya sa bench na inuupuan ko.

Nasabi niya na hindi naman talaga hinuhulugan ng barya yung fountain and that time wala pang private management ang nagaalala ng park kundi local government. May pulubi na parating nakikita malapit don sa fountain at naghuhulog siya ng barya bago siya umalis. Sinundan na to ng mga tao na nakagawian hanggang sa mapasa na sa next generation until now.

Madami na daw natupad na 'wish' yung fountain na yan ang totoo nga nafeatured na lang sa local newspaper na merong 'magic' ito.

Sa dami na ng tao na naghuhulog every month dinodonate yung pera na nakukuha dito sa isang foundation na tumutulong sa mga street children bilang at sa ilang charity work ng local government.

Naisipan kong kumuha ng pera sa bulsa ng pantalon ko.

Nakakuha ako ng ilang bills at coins.

Pumikit ako at nag-wish bago ko tuluyan na bitawan at ihulog sa fountain yung hawak ko.

Naisipan ko ng bumalik sa building ng inuupahan kong apartment. Hindi naman to kalayuan kaya naglakad na lang ako. Dumaan na rin ako sa isa sa mga sikat na resto dito sa tinirihan ko.

Ang nakakatuwa kasi kahit na sikat na to affordable at napakabait ng mga crew nila. Namimiss ko yung hospitality ng mga tao way back from Philippines.

Nilapitan ako agad ni Francesca isa sa mga waitress na nakakakwentuhan ko kapag kumakain ako dito. She's 6 years older than me and married with 3 kids. Kahit maliit ang sweldo napagkakasya niya at napakadedicated niya sa trabaho. Nakwento niya na hindi niya maiwanan ang may ari kasi may utang na loob siya rito.

"Hey, G kamusta?"

Yap,marunong siya ng few tagalog words dahil nagpaturo siya sa akin. Nung una sumasakit ang ulo niya at halos hindi niya mabigkas ng maayos yung mga syllabols pero ngayon mapapangiti ka na lang kasi siya na american nagsasalita ng Filipino.

"... Done a lot of things today like I did before... Took some pictures..." Nakipagkwentuhan siya sa akin saglit bago niya itanong ang order ko.

"What do you want to have for dinner?"

"I'll take the same thing."

Nginitian niya ako at sinulatan yung paper na hawak niya.

"Right I'll be right back." Nagpaalam na siya sa akin agad ang dami na namang tao ngayon sa loob kumakain.

Iniwan ko na yung bayad ko sa lamesa at kinuha na ulit yung mga gamit ko bago lumabas.

Malamig na ang simoy ng hangin buti na lang may scarf akong dala. Naglakad ako ulit at ngayon pauwi na ako ng bahay.

Traffic...

City lights...

Night life...

Halos wala ng pahinga ang mga tao 24/7 bukas halos lahat ng establishment isa sa mga disadvantages dito sa US.

Everybody's busy.

Mahalaga ang bawat oras at importante ang magkatrabaho lalo na kung naninirahan sa sa bansa na tulad nito.

Kaya nga halos wala ng time yung bawat pamilya na makapagbonding dahil kadalasan workaholic ang mga magulang.

Nakahinga na ako ng maluwag ng makarating na ako sa apartment na inuupahan ko.

Sinarado ko na agad ng pinto at nilapag ang mga gamit ko sa sofa at dumiretso sa kwarto para makapagpalit comfortable na damit at makapaglinis na din.

Nasa kwarto na ako kaharap ang latop ko. Chinicheck yung mga emails ng company na sinend sa akin.

Meron kasi kaming project na malapit na ang deadline.

Habang nagscroscroll down ako may napansin ako agad na email galing sa isa sa mga familiar company.

Diamond Management.



To: Engr. Haiyan Gabriella Mendel

From: Diamond Management

We would like to inform you that you'll be having your interview on Friday March 25,2016 at 315 blk 12 Diamond Building on 10:25 am.

This email and any attachments to it may be confidential and are intended solely for the use of the individual to whom it is addressed. Any views or opinions expressed are solely those of the author and do not necessarily represent those of Diamond Management.

If you are not the intended recipient of this email, you must neither take any action based upon its contents, nor copy or show it to anyone.

Please contact the sender if you believe you have received this email in error.



Napatitig na lang ako sa screen ng latop ko habang binabasa ulit yung email na natanggap ko.

Matagal na akong nagemail sa kanila ng mga photos na nakunan ko. Isa sa mga pangarap ko nung nakatungtong ako dito sa US ay yung makapasok sa company na to. Sila kasi yung kilala na management na humawak ng best photographers na kinukuha sa inside and outside US.

At dream come true... Kung papalarin ako na makuha to.

-----------------------

Excited na ako for this book at sa magiging flow ng story. This will be the last entry for my RLA Trilogy sana suportahan niyo pa din :-) Don't forget to leave a comment I love reading those! x

Follow me on instagram @ilovemitchietorreswp for more updates.


Continue Reading

You'll Also Like

94.5K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
5.4K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
11.1K 647 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...