South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 57

82.7K 4.9K 4.3K
By JFstories

BYE, BOO. I LOVE YOU.


Para akong kinidlatan sa kinatatayuan. Wala na si Isaiah pero nakatingin pa rin ako sa pinto. Ilang beses kong tinakpan ang bibig niya kagabi, ilang beses ko siyang pinigilan. Bakit narinig ko pa rin ngayon ang mga salitang kagabi ko pa sinisikap na iwasan?


"Vi." Boses ni Eli na nagpalingon sa akin sa kanya.


Tiningnan ko siya. Wala na ang kaseryosohan sa maamong mukha niya, sa halip ang nababasa ko roon ay pag-aalala. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa pisngi. Doon ko lang nalaman na puno na pala ako ng luha.


Namimilog ang mga mata ko sa takot. Napahikbi ako sa kanya. "Eli, ayokong maniwala sa sinabi niya," nangangatal ang mga labi na sabi ko. "Eli, ayaw kong umasa. Ayaw ko, Eli. Ayaw ko..."


Walang salita na maingat na hinila ako ni Eli para yakapin. Marahan niyang hinagod ang likod ko. 


Ilang segundo na tahimik lang din ako habang tumutulo ang mga luha ko. Nang humiwalay ako kay Eli ay humindi ako ng pasensiya sa kanya. "Sorry, nakita mo pa ako na ganito..."


Nakakaunawang ngiti lang naman ang sagot niya sa akin. Kahit nang bumalik na ako sa pagtatahi ay hindi pa rin siya umalis. Hinintay niya na tuluyang okay na ako bago siya nagpaalam na umuwi.



VIEN-TRABAHO. Doon ko pinaikot ang buhay ko sa mga nagdaang araw at linggo. Pinipigilan ko ang sarili na isipin muna si Isaiah dahil paparating na ang birthday ni Vien, at ang target ko ay makaipon ng pera.


Mahirap lang talaga na hindi siya maalala, paano'y madalas ang mga araw na may dumarating na lang na delivery ng pagkain dito sa bahay. Paid na ang mga iyon. Napapabuntong-hininga na lang ako dahil Isaiah Gideon del Valle ang pangalan ng nag-book ng food delivery. 


Sinubukan ko na i-chat si Isaiah sa Viber, hindi ko lang alam kung nababasa niya. Nag-text na rin ako sa kanya, pero wala siya maski isang reply. At tuloy pa rin siya sa pagpapa-deliver dito. Nanghihinayang naman ako na hindi kainin, minsan na lang ay dinadala ko ang pagkain sa kanila sa PK2.


Tuloy pa rin ako sa pag-aasikaso kay Vien sa umaga, pagkatapos ay mananahi na ako hanggang gabi, at nasisingit ko pa rin ang pagtitinda sa online. Nagre-resell ako ng frozen goods. Kapag may deliver ay pa-tricycle ako kapag medyo malayo at kapag tagarito lang sa Buenavista ay nilalakad ko na lang. Pagbalik sa bahay ay magtatahi na naman. 


Tumatanggap na rin ako ng repair. Nagpaskil ako ng karatula sa gate. Busy ako at busy rin si Isaiah sa trabaho niya sa Manila. Sunod-sunod ang project niya, binabanggit sa akin ng mama niya kahit pa hindi ako nagtatanong.


May pagkakataon pa rin na nagkikita kami sa pagdaan pa ng ilang linggo. Nagtatama ang mga mata namin. Ako ang palaging nauunang umiwas ng tingin dahil kung hindi ko gagawin, ay baka abutin pa kami ng walang hanggan sa pagtititigan.


Nasunod pala talaga na ako ang mag-aasikaso sa birthday ni Vien. Ako ang naghanap ng event coordinator. Sa theme naman ay kinonsulta ko ang bata. Ang gusto nito ay Paw Patrol. Lahat ng kaklase nito ay imbitado. Twenty ang mga iyon, dagdag pa ang parents o guardians.


Dahil sa compound ng mga del Valle gaganapin ang party ay malamang na imbitado man o hindi, lahat ng kapitbahay ay pupunta. Ganoon naman kasi kapag handaan sa baranggay.


Nanakit ang leeg ko sa inabot na total amount ng one-hundred-fifty pax na party package. Seventy thousand pesos. Hati kami roon ni Isaiah. Ibig sabihin ay tag thirty-five thousand kami. Nakakangilo ang gastos pero gusto ko talagang matuloy ang party.


Ang seventy thousand ay mura na raw dahil mahal na ang mga bilihin ngayon. Sa fifty kids ay combo spaghetti at drumstick chicken na naka-pack. Sa one-hundred adults naman ay kanin, afritadang manok, fish fillet, pesto, at desserts na fruit salad. Kasama na rin sa package ang party decorations, tents, tables and chairs, two-tier cake, gift prizes, dalawang clowns na siya ring mga emcee sa party.


Gusto kong handaan ang bata dahil ngayon ko na lang ulit ito nakasama. Talagang pinag-ipunan ko nang matindi ang gagastusin. Kahit madaling araw na ay nananahi pa rin ako. Sobra din ang pagtitipid ko sa sarili, na kung hindi lang sa mga pagkaing pa-deliver ni Isaiah, ay baka ang madalas kong ulam ay magic savor lang o kaya ay asin.


Nag-text ako kay Isaiah kinagabihan. Sinabi ko na ang babayaran niya ay thirty five thousand pesos. Hinati ko na ang bayarin para sa aming dalawa. Napakunot-noo ako dahil ang pumasok sa bank app ko ay fifty thousand pesos. Sobra ang ambag niya. Kinabukasan ay nagbayad na ako sa coordinator at idinaan ko ang sobrang pera sa PK2. Tahimik lang naman ang lola ni Vien nang tanggapin ang cash. Wala itong kibo.


Sa giveaways ay ako na ang nag-provide. Handmade ko lang ang mga party bags. Pinagpuyatan ko ng dalawang gabi. Ang mga candies naman na ilalagay sa loob ay talagang masusi ang aking ginawang pagpili. Sobrang saya ng puso ko nang matapos na ang lahat ng preparasyon.



ARAW NG BIRTHDAY NI VIEN. Maaga pa lang ay pumunta na ako sa PK2 dala ang mga giveaways at ang aking regalo sa bata. Ang regalo kong partner na Paw Patrol shirt at shorts, at sapatos ang susuutin nito.


Bumaba na ako ng tricycle kahit ilang bloke pa bago ang compound ng mga del Valle. Kapag kasi may party sa lugar na ito, automatic talaga na sarado ang buong street. Natanaw ko agad ang van nina Isaiah sa gilid ng kalsada katabi ang truck ng party coordinator. Inilabas para magkaroon ng mas malaking space sa loob ng compound nila. 


Sa labas ng gate ay meron nang nakatayong tatlong malalaking tent. Ina-assemble na ngayon ng party staff ang mahahabang mesa para sa mga bisita na pupuwesto mamaya rito sa labas. Ang mga kapitbahay naman ay padaan-daan na at patingin-tingin sa loob ng compound.


Sa loob ng compound ay buo na ang mahahabang mesa para sa mga bisita na doon pupuwesto mamaya, set up na ang videoke. Ang mga upuan na lang ang iaayos. Napangiti ako dahil malapit na ring mabuo ang Paw Patrol backdrop design sa pinaka-stage ng party. 


The party designs were motif curtains, wooden boards, paper rolls, and rental standees. Walang balloons dahil request iyon ni Vien. Magiging basura lang din daw kasi pagkatapos ang lobo. And he knew that balloons could take hundreds of years to biodegrade. Natutuwa ako dahil aware ang bata sa nangyayaring global warming. 


Nagulat ako pagpasok sa bahay nang madatnang may luto rin ang mama ni Isaiah at si Tita Roda. May malalaking kaldero at planggana sa kusina na ang laman ay kilawin, bopis, at Bicol Express. Ang pansit naman ay ginagayat pa ng papa ni Isaiah at ni Tito Kiel ang rekados. Pandagdag daw sa handa dahil baka mabitin ang mga ka-baranggay.


Bandang tanghali dumating ang itim na Lambo ni Isaiah. Naka-polo pa siya at mukhang galing sa trabaho. Mukhang wala pa siyang tulog. Magulo pa ang buhok niya. Kinarga niya agad si Vien at pinupog ng halik ang tiyan ng bata. "Happy birthday sa sumunod sa akin na pinakaguwapo rito sa PK2!"


Yumapos naman agad sa leeg niya si Vien. "Thank youw, Daddy ku!"


Pagbaba niya sa bata ay ang balak niya, tumulong sa pag-aasikaso. Magbubuhat na siya ng bangko nang pigilan ko siya. "Magpahinga ka muna, Isaiah."


Hindi naman na siya nagpapilit dahil mukhang pagod talaga siya. Nag-drive pa siya mula Manila. Paghiga niya sa sofa nila ay saglit lang, tulog na agad siya. Tinapatan ko naman siya ng electric fan. Mga 2:00 p.m. na siya nagising.


Ako naman ay katatapos lang sa pag-aasikaso ng mga pagkain sa labas. May baon akong damit kaya sa kanila na ako maliligo. Muntik pa kaming magkabanggaan ni Isaiah sa pinto ng banyo.


Yumuko ako at umatras. "Mauna ka na..."


"Ladies first."


Tutal ay pinauna niya na ako kaya hindi na ko para magpatagal pa. Paglabas ko ay nagulat pa ako nang makitang nakasandal si Isaiah sa pader na katapat ng banyo. Nakasampay pa rin sa balikat ang tuwalya. Hindi siya umalis. Naghintay siya sa paglabas ko.


"Baka maunahan pa e," iyon lang ang sinabi niya saka na siya pumasok sa loob para maligo.


3:30 p.m. ay ready na ang lahat kahit mainit pa sa labas. Nabihisan ko na rin si Vien matapos itong paliguan. Suot na nito ang partnered na Paw Patrol shirt ang shorts. Sa paahan ay ang blue na sapatos na Paw Patrol din ang design. Sa buhok naman ay nilagyan ko ito ng gel.


Nag-ayos na rin ako ng sarili. Simpleng ruffled sleeveless white blouse ang suot ko sa pang-itaas at faded skinny jeans sa ibaba. Sa paahan ko ay simpleng cream flat sandals. Ang buhok ko naman nang matuyo na ay itinaas ko pa-bun. Naglawit lang ako ng kaunting buhok sa gilid ng aking tainga.


Saktong 4:00 p.m. ay nagdatingan na ang mga kaklase ng bata. Nagpasukan na rin sa compound ang mga kapitbahay. Paglabas ni Isaiah ay nagulat ako nang makitang naka-white rin siya. Sa ibaba naman ay cargo shorts na light blue. Kakulay ng jeans ko. Sa paahan naman niya ay iyong Adidas niyang black slides.


Nang lumapit siya ay natalo ng preskong kabanguhan niya ang masarap na amoy ng kaharap kong menudo. Nang makita niya akong nakatingin ay sa gulat ko'y kumindat siya sa akin. Nagbawi agad ako ng tingin at inasikaso ang mga ulam para hindi langawin.


Tumabi naman si Isaiah sa akin para tumulong. Nakitakip siya sa mga lalagyanan ng ulam. Nang magbungguan ang mga siko namin ay doon ko na siya iniwan. Narinig ko pa ang pahabol na tawa niya. Pigil-pigil ko ang sarili na balikan siya para isubsob doon sa ulam.


Nagsimula na ang children's party. Natuon na roon ang atensyon ng mga bata dahil nagma-magic na ang clown. Dumating ang mga kaibigan ni Isaiah. Si Miko ay may dalang dalawang case ng Red Horse beer. Si Zandra naman ay may tatlong box ng Shakey's pizza.


Sandali lang ay dumating na rin si Asher. Nag-commute lang dahil walang paparadahan sa labas. Dalawang box ng Jack Daniels at isang Johny Walker ang bitbit nito. Mag-isa lang ito at walang kasama.


Magkasunod naman na dumating sina Sussie at Arkanghel at sina Carlyn at Jordan. Si Carlyn ay hindi pa gaanong halata ang tiyan habang si Sussie ay halata na. Nanaba rin ang babae at makikita sa magandang mukha nito ang kasiyahan.


Sinalubong ni Tita Roda sina Arkanghel at Sussie. Pinapasok muna sa bahay nina Arkanghel. Mukhang maghihimagas muna ang mga ito ng speech ni Tita Roda bago makakain.


Sina Carlyn at Jordan naman ay may kasamang dalawang batang lalaki. Mga ka-edad ni Vien. Levi at Hyde ang pangalan. Nang makita ni Vien ang mga ito ay napairit agad ang bata at tinawag ang dalawa. Tropa niya raw ang mga ito.


"Hoy, Car, nakadalawa ka na pala?!" sigaw ni Miko kay Carlyn. "Saan mo tinago iyang mga iyan?!"


"Ulol," sagot lang dito ni Carlyn.


Nagsisikain na ang mga bisita. Sa iisang mahabang mesa ang mga kaibigan ni Isaiah. Asikasong-asikaso ang mga lalaki sa mga babae. Si Asher lang ang walang inaasikaso kundi ang cellphone nito.


Nang tawagin ang parents ng birthday celebrant ay lumapit kami ni Isaiah. Ang clown ay tinapatan kami ng microphone. "Ito na ang parents ng ating birthday celebrant na si Vien Kernell. Anong pangalan niyo po, ma'am, sir?"


Sinabi namin dito ang aming mga pangalan. Tinanong kami nito kung ano ang birthday wish namin para kay Vien. Si Isaiah ay napakamot ng pisngi. Naalala ko tuloy noong first birthday ni Vien, hindi rin siya prepared sa ganitong segment ng party.


"Basta iyon, Kulitis, mag-aral ka nang mabuti," sabi ni Isaiah habang nakatapat sa kanya ang microphone. "Sana makatapos ka ng pag-aaral mo. Ngayon na tatay na ako, ngayon mas naiintindihan ko na ang lolo at lola mo kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan nila na makatapos ako. Gusto ko na maging maayos ang buhay mo..."


Binusga naman siya ng mga kaibigan niya. Si Carlyn ang nangunguna, "Iiyak na 'yan! Iiyak na 'yan!"


Si Miko ay humirit din, "Isaiah, di bagay sa 'yo!" Kung hindi pa sinabunutan ni Zandra ang lalaki ay hindi pa titigil. 


Si Arkanghel na tatahi-tahimik ay parang balak pang makisali kung hindi lang ito sinimplehan ng tingin ni Sussie. 


Sina Asher at Jordan naman ay tahimik lang. Si Asher ay busy sa phone at si Jordan ay busy sa pag-asikaso sa pagkain ni Carlyn. Hihihimayan nito ng inihaw na bangus ang babae gamit ang  utensils.


Si Isaiah ay parang maiiyak na talaga pero dinaan sa tawa. "Basta 'yon, Kulitis. 'Wag ka nang masyadong pasaway sa lola mo kasi high blood na iyon. Basta, tandaan mo lang, mahal ka ni Daddy. Kahit anong gawin mo, basta goods lang, susuportahan kita sa abot ng makakaya ko."


Ako naman ay pasimpleng nagpunas ng aking mga mata. Ramdam ko na galing sa kaibuturan ng kanyang puso ang mga salitang sinabi niya.


Nang ako na ang magsasalita ay hindi ko masabi nang maayos ang birthday wish ko kay Vien dahil titig na titig sa akin si Isaiah. Nasabi ko na lang tuloy nang mabilis ang happy birthday at sana ay lumaki ito na mabuting bata.


Nagpa-picture kami habang nasa gitna si Vien. May utos pa ang photograper na i-kiss namin ni Isaiah ang bata sa magkabila nitong pisngi. Ito ang unang photo na magkakasama kami mula nang bumalik ako galing Australia.


Nang matapos ang children's party ay nagsiuwian na ang ibang batang bisita ni Vien. Nagsimula na ring maglabasan ng alak sa mesa. Pinalitan na rin ang tugtog na pangbata sa videoke. Umikot na ang tagay sa mesa ng mga kaibigan ni Isaiah.


Si Vien ay energetic pa rin. Kalaro nito ang dalawang bata na kasama nina Carlyn at Jordan. Ibinibida nito ang mga alagang aso at pusa sa mga ito.


Si Miko na tipsy na ay napatingin nang dumaan sa harapan nito ang batang lalaki na Hyde ang pangalan. "Shuta, iyan ba iyong finished product ng lindol sa sekanplor?"


Sina Asher at Isaiah ay napatingin din sa batang si Hyde. Nagpalitan ng tinginan ang mga ito. Nang mapansin ni Carlyn ay tiningnan sila nang matalim ng babae.


Nagpatipa na lang ng number sa videoke si Miko. Hawak nito ang microphone at saglit lang ay pumailanlang na ang malamig at malamyos nitong boses, "Pare ko, mayro'n akong problema, 'wag mong sabihing 'Na naman?'"


Sina Sussie at Carlyn lang ang hindi umiinom sa mesa. Nagpapapak ang mga ito ng pulutan habang kakuwentuhan si Zandra. Tungkol sa pag-aalaga ng baby ang usapan.


Si Miko ay nakaakbay kay Zandra habang kumakanta. "In love ako sa isang kolehiyala. Hindi ko maintindihan, 'wag na nating idaan sa maboteng usapan."


"Is that Asher's song to his ex?" simpleng tanong ni Arkanghel. Natampal naman agad ito ng katabing si Sussie.


Lalo lang namang ginanahan sa pagkanta si Miko.


"Masakit mang isipin, kailangang tanggapin. Kung kailan ka naging seryoso, 'tsaka ka niya gagaguhin. Oh, Diyos ko, ano ba naman ito? 'Di ba? 'Tang ina, nagmukha akong tanga. Pinaasa n'ya lang ako, letseng pag-ibig 'to!"


Nang matanaw ako ni Carlyn ay tinawag ako nito. Dahil sa hiya ay lumapit ako. Tinanong ko ang mga ito kung may kailangan, pero hinila ako ni Carlyn paupo. "Vivi, join us."


Sa kuwentuhan ay nabanggit ang kasal nina Sussie at Arkanghel. Pati rin ang kina Carlyn at Jordan. Masaya ang usapan nang may humintong taxi sa labas ng compound. 


Ang mga nag-iinuman matatanda na bisitang kapitbahay sa labas ay tinawag ang papa ni Isaiah. "Gideon, anak mo me bisitang artista!"


Nang tumingin ako roon ay tama nga ang pagdaloy ng lamig sa ugat ko. Isang babae na may magandang mukha at ngiti ang aking nakita. Fitted na sleeveless blouse ang suot nito, fitted jeans din sa ibaba, at sa paahan ay stiletto. Mukha nga talagang artista. Ito iyong babaeng nagngangalang Patrice Lim.


"Gosh, I'm not an actress," natatawang sabi ng babae. Gumala ang paningin nito sa paligid at huminto sa mesa kung saan naroon kami. Nakangiti ito na lumapit at nagpakilala sa mga kaibigan ni Isaiah. "Hi! I'm Patrice."


Napatingin naman muna sa akin ang mga kaibigan ni Isaiah bago rito. Simpleng tango lang ang ginawa nina Miko, Arkanghel, at Jordan kay Patrice. Bagaman hindi naman ito na-deadma ay walang nakipagkamay rito.


Kahit si Arkanghel na kilala si Patrice dahil nga sa galing ito sa malaking kompanya na kliyente ng mga Wolfgang, ay tango lang din ang ibinigay sa babae.


Si Patrice ay naupo sa bakanteng upuan na katabi ni Asher. Nakita siguro nito na ang lalaki lang ang walang partner sa mesa. Nang mapatingin sa mukha ni Asher ay nagningning ang mga mata nito at gustong makipagkamay. "Hi. I am Patrice. You are?"


Imbes sumagot ay shot glass na may punong tagay ang inilagay ni Asher sa nakalahad na palad ng babae.


"Oh, I don't drink beer, e," nakaniti pa rin pero bahagya nang nakangiwi na sabi ni Patrice kay Asher.


Nang tumayo si Isaiah ay akmang susunod dito si Patrice nang patagayin ni Carlyn ang babae. "O nasa inuman ka, 'tapos di ka iinom?"


Tumango-tango naman si Sussie. "Buntis lang ang exempted sa tagay, di ba Zandra?!" sabay salin nito ng Red Horse sa baso ng katabing si Zandra. 


Napangiwi naman si Zandra. Si Miko ang tumungga ng tagay para sa asawa. Sabay ngisi ng lalaki. "O kaya kung may bebe ka na sasalo sa tagay mo," nakakalokong anito kay Patrice.


Napilitan namang uminom si Patrice kahit pa masuka-suka ito sa lasa ng beer. Nag-request ito na buksan na ang Jack Daniels sa mesa, pero ang sabi ni Carlyn ay bawal pa, dahil pang-finale raw iyon.


Si Zandra ay kinalabit ako. "Vi, di ba pala iihi ka? Wala na yatang tao sa CR. Punta ka na." 


Nagtataka naman ako dahil wala akong sinasabi na magsi-CR ako, pero nang mahagip ko ang tingin ni Carlyn na tumayo na ako.


Nagpaalam na lang din ako papasok muna sa loob para mag-CR, kahit hindi naman talaga. Pagpasok ko sa sala ay may mga tao roon, mga kakilala ng lola ni Vien. Nagkukuwentuhan ang mga ito tungkol sa isang bagong telerserye sa TV.


Tumuloy ako sa kusina at doon ko nadatnang nag-iisa si Isaiah. Nakasandal siya sa mesa habang nakayuko. Nang maramdaman ako ay saka siya nagtaas ng mukha. Nagulat ako dahil sa mga titig niya ay para bang kanina pa siya naghihintay.


Dahil nandito na ako ay tuluyan na akong lumapit. "Isaiah, iyong ibang handa pala, hindi ako nakapag-ambag. Magkano iyong nagastos? Wala pa akong hawak na pera pero—"


Napahinto ako sa sinasabi nang kunin niya ang kutsilyo na nasa mesa kasama ng pinagtadtaran kanina ng bawang. Inabot niya iyon sa akin. "Saksakin mo na lang ako nito, wala namang pinagkaiba."


Kinuha ko ang kutsilyo sa kanya at inilagay sa lababo bago siya binalikan. Pinagmasdan ko siya, namumula ang pisngi niya hanggang leeg pero hindi pa naman siya mukhang lasing na lasing. Ang inaalala ko lang ay kung ihahatid niya mamaya si Patrice, syempre ay magda-drive siya.


"Gusto mo ba ng kape?" malumanay na tanong ko sa kanya. "Nakainom ka. Kailangan mong magpababa ng alak bago ka mag-drive mamaya."


Napahilamos naman siya ng palad sa kanyang mukha. Lalong namula na tila dahil sa pagkapikon.


Nang magbaba siya ng kamay ay bigla niyang inabot ang aking pulso. Napasinghap ako nang higitin niya ako at yakapin. Nanlaki ang mga mata ko. "'Wag kang pumalag," sabi niya sa tono na nakikiusap.


Ang higpit ng yakap niya sa akin. Nang kumalma ay ang mga palad ko'y kusang umakyat sa likod niya. Marahan ko siyang hinagod doon. "Isaiah, baka hinihintay ka na niya sa labas..."


"E di maghintay siya."


"Bakit mo siya gaganunin? Ikaw ang pinunta niya rito."


"Birthday ko ba? Saka hindi ko naman siya inutusan. Ni hindi ko alam na pupunta iyan."


Nang bahagyang lumuwag ang yakap niya sa akin ay tiningala ko siya. Kahit may bumibikig sa lalamunan ko ay sinikap kong malumanay pa rin na magsalita, "Nang wala ako, siya ang kasama mo, kaya 'wag mo siyang itapon dahil lang sa nandito na ulit ako."


Nang bumitiw na siya sa akin ay madilim ang mga mata niya na tumingin sa akin. "Ayos lang sa 'yo na magkaroon ng step-mother si Kulitis?" malamig ang tono na tanong niya.


Hindi agad ako nakaimik dahil parang may sumakal sa puso ko sa tanong niya. Hindi ako magsisinungaling na ilang beses ko nang naisip ang tungkol sa bagay na iyon. Masakit sa akin na may ibang kikilalaning ina ang anak namin, pero iyon kasi ang reyalidad ngayon sa mundong ito.


"Mahal mo pa ba ako?" tanong ni Isaiah sa basag na boses.


Pag-angat ng mukha ko sa kanya ay napatanga ako nang makitang umiiyak na siya.


"Vi, sagutin mo. Mahal mo pa ba ako?!"


Biglang may pumasok sa kusina. Isang malaking babae na nagtitinga. Kumare yata ng mama niya. "Anya, saan ba banyo niyo? Paihi!" Natigilan ito nang makita kami. "Ay, may LQ! Sorry!"


Napapahiyang napayuko naman ako. Si Isaiah naman ay mahinang napamura, at itinuro kung saan banda ang banyo. Ngamamadali namang nagpunta roon iyong babae.


Nang nasa banyo na ito ay dinampot ni Isaiah ang pulso ko at hinila ako papunta sa hagdan. "Sa taas tayo."


"Isaiah, sandali. Baka hanapin ako ni Vien. Saka baka hanapin ka rin—"


Sumigaw siya, "Ma, ikaw na muna bahala ke Kulitis! Pag din me naghanap sa akin, sabihin mo nasa banyo, nage-LBM!"


Hinila niya na ako paakyat sa hagdan. "Isaiah, puwede namang sa ibang araw na tayo mag-usap. May mga bisita ka—"


"'Di ba excited ka na sa Part 2? Ito na iyon." Dinala niya ako sa kuwarto niya at isinandig ako sa pinto matapos niya iyong isarado.


Nakayuko ako kaya kinailangan niyang hawakan ako sa baba para itaas ang aking mukha. Natigilan siya nang pagtingala ko ay may luha ang aking mga mata na matalim ngayon na nakatingin sa kanya.


"Ayaw kong makipag-sex sa 'yo," deretsang sabi ko. 


Hindi dahil hinindian niya ako noong nakaraan, kundi dahil ngayon ay nandito si Patrice. Hindi pupunta rito ang babaeng iyon kung wala iyong inaasahan.


"'Wag mo nang paikut-ikutin ang sitwasyong ito, hindi naman pupunta rito iyong babae kung hindi iyon umaasa sa 'yo. Kaya babain mo na ang bisita mo. Aalis na rin ako pagkatapos kong tumulong magligpit mamaya."


Patalikod na ako nang pigilan ako ni Isaiah sa pulso. Hinila ko ang kamay ko sa kanya pero matigas ang pagkakahawak niya. Ayaw niya akong bitiwan.


"Ano ba, Isaiah?!" Tiningala ko siya para lang masalo ang seryoso niyang mga mata.


"Hindi ko nga inimbita si Patrice dito, kahit maniwala ka o hindi, nagsasabi ako ng totoo. Wala rin akong alam kung paano niya nalaman na birthday ni Kulitis ngayon. Siguro pumunta na naman siya sa office at doon siya nagtanong-tanong."


"Kahit na! Hindi iyon basta pupunta rito kung sa tingin niya ay wala siyang aasahan sa ' yo!"


"E tangina, sa wala nga!"


"Tinanggap mo iyong brief na regalo niya!" Hindi ko na napigilan ang damdamin ko. Huli na rin para ma-realize ko ang aking sinabi.


Napanganga siya sa akin. Napahagod siya ng kamay sa kanyang buhok at pagkuwan ay napabuga ng hangin. "Madalas siyang magdala ng kung anu-ano sa akin pero hindi ko tinatanggap. Iyang mga huling bigay niya, nasama lang iyan sa duffle bag ko."


Humihikbi ako habang matalim pa rin ang tingin sa kanya.


"Siguro nilagay ng kasama ko sa trabaho," paliwanag niya. "'Tapos pag-uwi ko, nasama sa paglalagay ni Mama ng mga gamit sa damitan ko. Basta na lang kasi niya tinataktak minsan iyong laman ng bag ko sa closet. Nakakaligtaan ko lang alisin kasi hindi naman importante. Saka palagi akong nagmamadali."


"Pumupunta siya sa condo mo!"


Muli siyang natigilan.


"May condo ka. Alam ba iyon ng mama mo?!"


Napatingala siya. Umalon ang lalamunan niya. Nang magbalik siya ng tingin sa akin ay kalmado siyang nagsalita, "Nagbe-bedspacer ako sa Manila mula OJT ko. Inalok ako ni Arkanghel na doon na lang magrenta sa isang condo niya. May discount daw kaya pumayag ako."


"Paanong naging sa 'yo ang condo na iyon? Nakita ko iyong titulo, nakapangalan sa 'yo!"


"Nagulat na lang ako na ipinangalan na sa akin ni Arkanghel e. Regalo na raw niya sa akin iyong condo sa birthday ko. Ayaw kong tanggapin pero tinutukan niya ako ng baril. Hindi pa raw bayad ang kalahati kaya puwede ko pang bayaran. Ayun, mina-monthly ko mula nang magsimula na ako sa trabaho."


"At pumupunta rin ang Patrice na iyon doon? Alam niya ang condo mo!"


"Hindi ako ang nagsabi sa kanya, kundi iyong secretary niya na may unit din doon sa condo. Pero maniwala ka, kahit daliri niyon sa paa, hindi nakapasok sa unit ko."


Naiiyak na mahinang hinampas ko siya sa balikat. "B-bakit ka nagpapaliwanag sa akin, Isaiah?!"


Nagulat siya pero agad na napangiti. "Kahit kailan." Naluluha ang mga mata niya nang halikan ako sa pisngi. "Kahit kailan, Boo. Hindi ka napalitan."


Ang hikbi ko ay hindi ko na itinuloy. Sa halip ay tumingkayad ako para abutin si Isaiah. Napakurap naman siya habang humahagod ng tingin sa mukha ko.


May paghingal na mahinang nagsalita ako sa tapat ng mga labi niya, "Isaiah, i-text mo na lang ang mga kaibigan mo. Hindi na kita pababalikin sa baba." Pagkasabi'y hinila ko na siya at itinulak sa kama.


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

11M 274K 47
X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dustin of X10]] Who will fall inlove easily...
7.3K 538 19
Teaser: An Ex's Confession I was nineteen and he was twenty when Hajime and I fell in love with each other. We promised to be together forever. We...
797K 34.9K 10
She has to die to travel from the past to the future. This is all for the handsome guy with attitude problems whose arrogance is incomparable, yet he...
316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...