Monasterio Series 8: Nights i...

By Warranj

967K 26.9K 2.1K

(COMPLETE) Monasterio Book 8: Terrence and Priscilla Priscilla was done looking for the perfect man for her... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue Access

Chapter 50

12.6K 458 42
By Warranj

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Chapter 50

I waited for the twins to be home. Nasa living room ako kasama si Terrence. Matapos ng naging pag-uusap namin kanina ay ramdam ko ang pagkakabuo ng harang sa pagitan naming dalawa.

I strongly felt the pain and anger he was holding and despite trying to hide it, those emotions were screaming loudly out of his soul.

Pakiramdam ko, pagod na pagod na siya sa akin at pilit na lang pinanghahawakan ang kung anong mayroon kami dahil sa mga bata. Dahil nasabi niya ng mahal niya pa rin ako.

What if he's just trying to make himself believe that he still loves me? Paano kung hindi naman na talaga at ikinukulong na lang niya ang sarili sa paniniwala na 'yon?

Huminga ako nang malalim habang tulala sa tanawin. My sight was filled with the magical view of the city lights from afar. They look like yellow and white bokeh glittering under the brightest of the moon.

Terrence was sitting on the couch across from me. I can feel his heavy stares penetrating my soul but I tried hard to just ignore it.

Sa tuwing magkakaroon kami ng pagkakataon na mag-usap, para bang nagagawa niyang mailabas lahat ng nararamdaman niya. At naiinis ako sa sarili ko dahil tila ba hindi ako handa sa mga bagay na 'yon.

The door bell rang. Napatingin ako roon at napatuwid mula sa pagkakaupo. Napatingin ako sa gawi ni Terence. He was already looking at me as if he didn't care if someone was outside.

"Baka ang mga bata na 'yon. Ako na ang magbubukas." sabi ko.

Huminga siya nang malalim at umiling.

"Stay here."

He stood up and walked towards the main door. Sinundan ko siya ng tingin. I noticed how stiff his body was. Para bang napapagod na sa lahat ng nangyari sa araw na ito at gusto nang magpahinga.

Nang buksan niya ang pintuan ay kaagad kong nakita si Alexene.

"Daddy!" she jumped with her hands raised up high.

Sa tabi niya ay naroon si Alexandre. Behind them was Clarisse standing while looking at me. Sinubukan kong ngumiti. Imbes na ngumiti pabalik ay nag-iwas siya ng mga mata ngunit hindi naman mukhang galit.

"Miss you, Dad!" Alexene waved another giggle.

"I miss you more, princess." ani Terrence at binuhat si Alexene sa mga bisig niya.

Ni hindi man lang dumaplis ang tingin niya sa akin na para bang hindi ako nakita.

Baka ganoon nga? Baka hindi nga ako napansin. I wanted to think that way so I won't feel that hurt.

Hinaplos ni Terrence ang buhok ni Alexandre na siyang pumasok na rin. He found my eyes  and stared at me for a little while.

Pero si Alexandre ay madali akong nakita. I tried to smile at him. Inaasahan ko nang hindi niya ako lalapitan at nakahanda na ako doon.

Kaya naman nang maglakad siya patungo sa gawi ko ay halos hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko.

Kinuha niya ang kamay ko at walang salitang nagmano. Umawang ang labi ko, ang tibok ng puso ay hindi makontrol sa bilis.

Maingat niyang binitawan ang kamay ko at diretso akong tiningnan sa mga mata.

"Good evening po." bati niya, ang ekpresyon ng mukha ay malamig at seryoso.

My eyes blinked. I wasn't ready for that. Hindi ko nagawang sumagot kaagad dahil literal na hindi ako makapaniwalang nilapitan niya ako at binati.

I swallowed and smiled at him. "Good evening too, Alexandre."

Naupo siya sa tabi ko. I can feel my insides trembling. Sa ganoong pagbati niya pa lang sa akin ay gusto ko nang maiyak sa tuwa. I can feel the progress. I can feel him slowly accepting me.

Tumingin siya sa gawi ng pintuan. Maging ako ay napatingin na rin doon. Terrence, Clarisse and Alexene were looking at us. Titig na titig si Alexene sa akin kaya naman sinubukan ko na rin ang ngumiti sa kaniya.

Terrence whispered something in her ear. Hindi nagtagal at maingat niya itong ibinaba sa sahig. Alexene then slowly made her way towards me.

Her presence was enough to make me feel the shivers inside. Nang huminto siya sa harapan ko ay kinuha niya rin ang kamay ko at nagmano.

That very moment when our skin touched, I already lost it. Tears brimmed at the corners of my eyes and smiled at her again.

"Good evening..." she greeted after gently letting go of my hand. Her eyes scanned my face and I know that she's staring at my wig. "How come your hair grow so fast?"

Hindi ko napigilan ang matawa sa kabila ng walang kontrol na pagbagsak ng mga luha ko. I even glanced at Terrence and the way he looked at us was laced with adoration.

He smiled at us. I didn't have the chance to smile back at him for I immediately anchored my eyes to Alexene.

"This isn't real, anak. I just have to wear it so you won't be scared of me anymore."

Hindi sumagot kaagad si Alexene at tinitigan lang akong mabuti. She then sighed and shrugged her shoulders.

"You look beautiful on that wig..." she said it with air that came naturally from her. "But it would be cool if it's purple."

Hindi niya na ako hinintay pang sumagot at naglakad na pabalik kina Terrence. I feel that it's fine. The mere fact that she talked to me that casual is already a big deal for me. Lalo pa at hindi ko nakitaan ng galit o iritasyon 'yon.

"Goodbye, Tita Clarisse. Till next time po. Bring Tita Shannen with you again, please?"

Mabilis na nabura ang ngiti sa mga labi ko nang sabihin 'yon ni Alexene. Clarrise automatically bore her haw-like eyes with me. We stared into each other for nearly a couple of seconds before I looked away.

"I can't promise you that, baby. Tita Shannen is busy with work but I'll tell her about your request. Hmm?"

"Owkay! Thanks again po!"

Binalingan ko si Alexandre. He was just looking ahead of him, his face was still stern.

"Kumain ka na, Alexandre?" tanong ko sa mahinang boses.

He slowly turned his head on my side and glanced at me.

"Yes po."

Tumango ako at ngumiti. "I bought you some toys. I hope you'll like them."

He nodded his head once. Kahit na hindi ngumiti, ramdam kong tinatanggap niya ang mga sinabi ko.

"Thanks." he replied and looked away.

Naiwan akong titig na titig sa kaniya. Ngayon na bata pa lang siya ay nakakailang na ang pag-uugali na mayroon siya. Lalo pa siguro kapag lumaki na siya.

Bumaling ako sa harapan nang makita ang mataas na bulto ni Terrence. He was carrying Alexene in his arm while looking at me. Maging si Alexene ay nakatitig rin sa akin dahilan para mas lalo akong mailang.

"Let's bring them to their room." aniya.

Tumango ako at tumayo na. Tiningnan ko si Alexandre na siyang nakatayo na rin. Nauna kaming naglakad, magkasabay. Sa likod namin sina Terrence at Alexene.

Habang papaakyat sa hagdan ay hinawakan ko sa kamay si Alexandre. I was silently praying that he won't take his hand from my gentle hold.

Hindi ko akalain na ang simpleng paghawak sa kamay niya ay magbibigay sa akin ng ganitong klase ng kaba. Alam kong hindi dapat dahil anak ko naman siya pero nag-aalala akong hindi niya ito magustuhan at bigla na lang tabigin ang kamay ko.

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang maramdaman ko ang pagkapit ni Alexandre sa kamay ko. I looked at our hands and it brought so much happiness in my heart that no amount of money can buy.

Pagkarating sa taas ay ibinaba na ni Terrence si Alexene. She immediately ran towards the pink couch where the paper bags of toys were placed.

"Omg! So many toys!" irit niya habang tinitingnan ang lahat ng 'yon.

I felt Terrence's hand on my waist. Bahagya ko siyang tiningala. He was looking at Alexene.

"Your Mommy bought that for you and your brother." imporma ni Terrence.

Natigilan si Alexene nang marinig iyon. She immediately dropped the pink box of barbie doll she's holding and glanced at me.

"I'm tired. I want to go to sleep now." aniya at tumalikod.

Another series of pain embraced my heart. Tumungo ako sa mga paanan ko at huminga nang malalim.

"We still have to clean our bodies before going to bed, Alexene. You were sweaty the whole day." sabi ni Alexandre.

Hindi siya pinansin ni Alexene. Tumingin ako kay Terrence na madilim ang mga matang nakatingin sa anak na babae.

"Iwan mo na muna kami dito. Gusto ko lang sila kausapin." sabi ko.

Nagbaba siya ng tingin sa akin at tinitigan ako.

"Are you sure?"

Tumango ako, wala nang sinabi pa. Nang makitang desidido ako ay nagpakawala siya nang malalim na buntonghininga. Hinawakan niya ako sa likod ng aking ulo at marahang kinabig para patakan ako ng halik sa noo.

"Call me if something happens."

I just nodded my head as an answer. Tumingin pa siya sa mga anak namin bago tuluyang lumabas ng kwarto. I watched him get out and walked out of the door. Bago pa man niya tuluyang maisara ang pintuan ay nagtama pa ang mga mata namin.

"Where's Dad?" Alexene asked that made me look at her.

Maging si Alexandre ay nakatingin na rin sa akin. Sinikap ko ang ngumiti sa kanila kahit pa halos lamunin na ako ng kaba sa puso ko.

"May kailangan lang gawin ang Daddy ninyo," mahinahong sabi ko. "You want me to help you wash your bodies in the bathroom?"

"No / Yes, please." magkasabay na sabi ni Alexene at Alexandre.

"Kuya!" angil ni Alexene.

Alexandre didn't look at her and focused her eyes on mine.

"I know Nanay Rosenda is already sleeping right now and Daddy is also tired. Can you... please take care of us for tonight?"

Mabilis na umapaw ang luha sa mga mata ko dahilan para manglabo siya sa paningin ko.

"Of course. I would be delighted to do that..." I said and glanced at Alexene that was sitting on the edge of the bed. "Please, Alexene?"

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. "Fine."

Kahit alam kong labag sa kalooban niya, naging masaya ako na pumayag siyang asikasuhin ko ngayong gabi.

Nagtungo ako sa walk in closet nila at kumuha ng mga pangtulog na damit. Nang lumabas ako ay naabutan ko sila parehas na nakaupo habang nag-uusap. Tila pinagsasabihan ni Alexandre si Alexene base na rin sa panunulis ng nguso nito.

"Let's go?" sabi ko nang may maliit na ngiti sa labi.

I'm excited to do this. Hindi ko akalain na nakakasabik pala ang ideya na lilinisan ko sila sa mga sandaling ito. I had the chance to do it before since they're born but the situation didn't give me a better choice.

"Kuya goes first." saad ni Alexene nang hindi tumitingin sa akin.

Tumayo si Alexandre, walang imik. Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa sarili nilang banyo. Wala akong alam sa tamang paraan ng pagpapaligo sa bata pero natunghayan ko naman kung paano alagaan ni Ruth si Dominique.

"Here's my body soap. This one is for Alexene. She likes the scent of strawberry." imporma sa akin ni Alexandre.

Tumango ako. I started undressing him. Mas lalo kong nakikita ang pagkakahawig nila ni Terrence sa malapitan. But then most of his features, he surely got from the Folloscos.

"You grow up so fast, anak. I remember when you and your sister were still babies. Ang kapatid mo palagi ang umiiyak at ikaw ang tahimik sa isang tabi. Ganoon ka pa rin hanggang ngayon."

He didn't say anything. Hindi na rin ako nagsalita pa at nag-concentrate na lang sa paglilinis ng katawan niya. Masiyado akong nadadala ng sitwasyon at kung magsalita ako ay para bang palagay na kaagad ang loob niya sa akin.

I should take it slow and buy more time.

Natapos na lang kami at hindi na siya nagsalita. Nagpasalamat lang siya sa akin at umakyat na sa kama niya. When it's Alexene's turn already, that's when I felt my heart beating so loud I can even hear it on my ears.

Tahimik kami parehas nang nasa banyo na. I was squatting in front of her and she was just looking at my movements.

I turned on the extension of the shower and wet her body with luke warm water. Nagtama ang mga mata namin. Para akong nananalamin sa sarili ko dahil sa pagkakamukha naming dalawa.

"You are pretty, Alexene." tipid ang ngiting sabi ko.

Umaasa na akong hindi niya ako sasagutin at iisnabin kagaya ng palagi niyang ginagawa kaya naman nagpatuloy na lang ako sa ginagawa.

"I look like you so you are pretty, too."

Natigil ako sa ginagawang pagsasabon ng binti niya at pigil ang hiningang nag-angat ng tingin sa kaniya. Mariin niya akong pinagmamasdan, hindi kumukurap. As if she's afraid that if she even blink her eyes, I would be gone again.

I chuckled, tears starting to flood my eyes.

"Thanks. But I'm not pretty anymore once I remove this fake hair."

"You still are," she sighed. "I was just lying that I'm scared of your bald head the first time I saw you personally."

Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatungo sa mga paanan niya. I continued washing her legs for I feel like I won't be able to control my emotions now that she's talking to me.

"I was rude to you and I'm sorry. I know it was wrong. Tita Clarisse and Tita Shannen said that it's not a good behavior."

Really? They said that?

"It's fine. I understand. I'm at fault. I was gone for a long time and I wasn't beside you while you're growing up."

Hindi siya kumibo. Wala nang tigil sa pagpatak ang mga luha ko na nauuwi na rin sa tahimik na paghagulgol.

Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ang pagdampi nang maliit niyang kamay sa pisngi ko.

"You won't leave us again. Right, M-Mommy?"

Mabilis na nagmulat ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa ganoong paraan. Her eyes were filled with tears while staring at me.

"Daddy keeps on telling stories about you while you were gone. He told me how amazing and wonderful you are. That he loves you so much. That we..." she sobbed. "That we should love you also because we came from you..." her tiny voice cracked. "I love you... but I'm afraid you'll leave us again."

Mabilis akong umiling. Paulit-ulit. I cupped her cheeks and let my sobs echoed against the bathroom.

"No, baby. Mommy won't leave you and your brother again. I'll make it up to the both of you. I promise..." Pumipiyok ang boses na sabi ko, halos hindi na rin maintindihan dahil sa paghagulgol. "Please forgive me, anak. I swear I'll be the best mother to you and Alexandre."

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Iniyakap niya ang maliliit na mga braso paikot sa leeg ko at niyakap ako. Pakiramdam ko ay may kung anong nabunot sa puso ko matapos maramdaman ang init ng balat niya na tumatagos sa akin.

"Just don't leave us again, Mommy," she whispered while sobbing. "That's already enough. I love you."

Lumakas ang hagulgol ko at mahigpit na niyakap ang anak. The words that I've been dying to hear had finally played in my ears. Mga salitang hindi ko pagsasawaan marinig mula sa kanila lumipas man ang napakaraming tao.

"I love you, Alexene. Mommy loves you so much..." I whispered back. "And thank you. For giving me a chance."

Epilogue and Special chapters are exclusive for VIPs on Patreon, Spaces, and Facebook Group.

Completed on VIP Spaces and Patreon. To those who want to avail the membership, kindly message Warranj Novels on Facebook.

Facebook page: Warranj Novels

Continue Reading

You'll Also Like

73.8K 1.4K 80
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
109K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
661K 23.5K 33
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
143K 7.9K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.