Ready na ang damit ko dahil may pupuntahan daw kami ni Andrew at yun ang hindi ko alam kung saan kasi surprise daw
(Flashback:)
"Babe may pupuntahan tayo prepare your things kasi isang linggo tayo dun" siya habang tutok ang mata sa daan
"Isang linggo grabe naman yun" reklamo ko
"Basta prepare your things, susunduin kita sa bahay niyo" siya
"Saan ba kasi tayo pupunta at isa pa may pasok tayo ayukong umabsent ng 1 week"
"Babe madali lang naman kausap si Mr. Thomas" siya
"Sana nga" ako
"Basta maganda nga dun at talagang magugustuhan mo dun tsaka masusulo kita babe you know" at ngumisi pa ito
"Sira ka ba? Eh halos araw araw tayong magkasama hindi ka ba nag sasawa?" ako
"Hind,i kasi naman maraming epal sa paligid at tayong dalawa lang talaga dun babe promise" nakangiti niyang sabi
"Magpapa alam muna ako kay Daddy" ako
"Pinaalam na kita" siya
"Wow huh, agad agad" ako at umirap
"Ofcourse at hindi to alam nung walo" siya
"At bakit?"
"Eh ayuko manggugulo lang sila at eepal" siya
"Okay fine" ako
(End of Flashback:)
Dumating na nga ang lalaking kanina ko pa hinihintay sakay siya ng big bike na talaga namang napaka angas at lalong dumagdag ang kagwapuhan niya
"Ready babe?"
Tumango ako tsaka niya isinuot ang helmet na isa at agad na akong umangkas sa motor niya, kinuha niya ang dalawang kamay ko at iniyakap sa bewang niya
"Hold tight babe if you dont want to fall" siya
Pinaandar niya na nga ang motor niya habang bumabyahe kami ay nag eenjoy ako sobra kasi naman kasama ko siya, napansin kung mapuno na yung dinadaanan namin hindi tulad kanina
"We are here" siya at pinarada ang motor
"Sir Andrew" sabi ng lalaking may katandaan na
"Mang Kanor" si Andrew na bumaba na sa motor at inalalayan ako
"Masaya akong makita ka muli Sir Andrew"
"Mang kanor Andrew nalang po" Andrew
"Ako na ang bahala diyan sa motor mo"
"Salamat po Mang Kanor" Andrew
"Salamat po" ako, sinuklian ako ng ngiti ni Mang Kanor
"Lets go babe" si Andrew at hinila na ako
"Nasa Zambales tayo diba?" ako
"Yes babe, maglalakad tayo ng kalahating oras bago marating yung lugar"
Kaya naglakad na nga kaming dalawa at pagkaraan nga ng kalahating oras ay may natanaw akong isang bahay na kunkreto, mga puno ng niyog, mangga at kung ano ano pa isa lang ang masasabi ko ang ganda dito
"Did you like it?" tanong niya
"Oo naman ang ganda dito at tahimik" ako at inililibot ang tingin sa paligid
"Dito muna tayo babe gusto kung tahimik muna at kasama ka kasi naman napaka gulo sa Manila" siya
"Pag aari mo ba ito?" ako
"Yes Babe mula dun sa binabaan natin sobrang lawak nito"
Pumasok na nga kami sa loob ng bahay isang palapag lang siya, naka tiles din may dinning area, living area, may banyo then may dalawang kwarto din pwede talaga sa dalawang hanggang apat na tao kasi kumpleto naman sa gamit
"May mini ref pa" ako
"Syempre" siya
"Aayusin ko na muna tong mga gamit natin sa kwarto" ako
Nagpalit muna siya bago lumabas, inayus ko na ang gamit namin sa kabinet then nagpalit na rin ako ng short at oversize tshirt
"Sosyal ng bahay niya sa gitna ng gubat ah" ako
Lumabas na ako ng kwarto pero walang Andrew kaya naman tumingin ako sa labas wala rin saan naman kaya pumunta ang isang yun, babalik na sana ako sa loob ng biglang may nahulog na buko kaya agad akong napatingala
"Hoy Andrew Montero mahulog ka diyan" sigaw ko
"Dont worry Babe matagal na akong nahulog sayo" sagot niya, baliw bumabanat pa
After a minute ay bumaba na rin siya na topless, pawis na pawis at may dala pang itak ang hot tingnan
"You want buko?" siya
"Sige, nga pala babe pano ka natutong umakyat sa puno ng niyog?" tanong ko tsaka niya binigay ang buko sakin
"Si Mang Kanor ang nagturo sakin kasi palagi akong pumupunta dito at siya ang nakakasama ko" siya
"Ah siya ang care taker dito?" ako
"Oo, driver ko siya before kaso lang tumatanda na siya kaya pinatira ko siya dito kasama ng anak niya" Andrew
"Wow ang bait naman masiyado" ako
"Ofcourse ako pa" siya
Maaga akong bumangon para mag luto ng breakfast namin at isa pa unang araw namin dito, dumiretso na ako sa kusina at nagluto ng fried rice, tocino, itlog at ham
"Good morning Babe" siya at yumakap sakin
"Good morning din babe"
"Babe pagtimpla mo ako ng kape please" siya
"Masusunod po sir"
"Thank you" siya
Kumain na nga kaming dalawa at pagkatapos siya na ang nagpresinta na maghihugas ng pinggan kaya ayun
"Babe maligo tayo sa batis" siya
"May batis dito?"
"Yes, ano tara?" siya
"Sige sige" naeexcite kung sabi
Habang papalapit kami ay naririnig ko ang malakas na agos ng tubig na lalo pang nag papaexcite sa akin, ligong ligo na ako
"Hala ang ganda at ang linaw ng tubig" masaya kung sabi
Malaki siya at galing sa taas ang tubig, meron ding mga malalaking bato tsaka hindi rin mainit dahil sa mga nakapalibot na puno
"Come on babe" si Andrew na nasa tubig na pala hindi ko man lang napansin
Hinubad ko ang tshirt na suot ko bago lumusong sa tubig, naka bra at shorts lang ako kaya titig na titig yung isa
"You have a beautiful body babe* siya
"Alam ko" mataray kung sabi
Lumapit ito sa akin at niyakap ako patalikod sabay patong ng baba sa balikat ko
"Sana ganito lang tayo palagi" siya
"Sana nga" ako
"Mahal na mahal kita" siya kaya hinarap ko siya
"Mahal na mahal din kita" sagot ko at hinaplos ang pisnge niya
Pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko tsaka niya ako hinalikan sa labi, piunlupot ko rin ang braso ko sa batok niya at gumanti na rin ng halik
"Babe"
"Hmm"
"Gusto ko ikaw ang mapangasawa ko" siya
"Asawa agad" react ko
"Oo kung hindi tayo edi ipilit ayukong mapunta ka sa iba no" siya, ayan na naman si Mr. Possesive
Naka upo kami sa batuhan habang naka sandal ako sa dibdib niyang mala pader at naka holding hands pa
"Pano kung hindi talaga tayo?" ako, iniisip ko palang nasasaktan na ako
"Bakit ayaw mo ba akong maging asawa?" medyo inis niyang sabi
"Paano lang naman" ako
"Like what i've said ipilit kasi ayukong mapunta ka sa iba, makakapatay ako ng wala sa oras" siya
"Grabe ka naman" ako
Nagbabad pa kami ng ilang oras bago namin napag desisyunan na bumalik na sa bahay papalapit palang kami ay may nakita na akong mga tent sa labas
"Bwesit naman oh naka sunod ang mga gag* dito" saad ni Andrew
"Dani" sigaw ni Zoey, Marga, Lara wala si Jerry
"Zoey bat ka nandito? Okay ka na ba?" ako
"Oo okay na ako" siya
"Umabsent din kayo ng 1 week?" tanong ko
"Yes, isinama nila kami eh" Lara
"Hi bro" si Calix
"Andrew" sina kuya
"Anong ginagawa niyo dito? Panu niyo natunton kung nasaan kami?" inis na inis na tanong ni Andrew
"I ask your secretary bro and daddy told us na nag Zambales kayo" kuya Dylan
"Then you forgot bro na alam ko tong lugar na to, ako kaya ang kasama mo nung binili mo to" Leonel
"Palihim lihim ka pa ha ayaw mo lang kaming isama" William
"Buti alam niyo" Andrew
"Huwag na kayong mag away okay ienjoy nalang natin ang 1 week na nandito tayo" ako
"Oo nga" si Marga
"Haha galit yan kasi hindi niya masusulo si Danica" si Raiven
"Tumigil kang gag* ka sapakin kita diyan eh" Andrew
"To naman hindi mabiro" Raiven
Nagpalit na nga kami ng damit at nandito na ako sa kusina katulong kung nagluluto ang tatlo at yung siyam nasa labas gumagawa ng mahabang mesa at upuan, ang cool ni Andrew kahit mayaman marunong ng mga ganong gawain
"Si Jerry?" ako
"Hindi nakasama kasi biglaang pumunta sa US kasi naman may sakit ang lola niya" Lara
"Ganun ba sayang naman" ako
"Ang sosyal naman ng bahay ni Andrew dito" Zoey
"Oo nga eh, hindi ko inaasahan na ganito kaganda ang bahay niya sa kagubatan" ako
"Ang ganda sigurong tumira dito kasi naman napaka tahimik ng lugar at mapresko ang hangin" Marga
"Oo naman sinabi mo pa" ako
"Magandang tanghali po" sabi ng lalaki kaya hinarap ko siya, may dala siyang dalawang plastic na puro pagkain at stocks
"Magandang tanghali din" sagot ko ang cute niya parang mga kaedaran ko lang siya
"Ito na po yung mga pinabili ni kuya Andrew" nahihiya niyang sabi
"Ah thank you" sabi ko at nginitian siya
Inilagay niya nga ito sa mesa at siya na rin nga ang nagayus sa kabinet ng lahat na dala dala niya
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ni Lara
"Kiko po" sagot niya
"Ilang taon ka na?" Marga
"17 po"
"Ikaw ba ang anak ni Mang Kanor?" ako
"Opo Maam" siya
"Ate nalang itawag mo sakin, ako si Danica at si Zoey, Marga, Lara mga kaibigan ko sila" ako
"Nice to meet you po" Kiko
"Nice to meet you din" sagot namin
"Kiko halika dito" si Andrew na naka sandal sa pinto
"Bakit kuya?" at lumapit naman ito agad
"Pinupormahan mo ba girl friend ko?" tanong ng gag*
"Hindi po kuya alam mo namang si Atasha ang gusto ko"
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo" inakbayan niya ito at lumabas na
"Baliw talaga kahit kailan" sabi ko na ikinatawa ng tatlo
Pagkatapos nga naming magluto ay inilagay na namin ito sa labas para makakain na kami at kumuha rin si Kiko at Andrew ng buko
"Kiko dito ka na kumain" ako
"Sige po Ate" siya na ikina ngiti ko
"Bakit ka ngumingiti ha" taas kilay na si Andrew
"Eh kasi ang cute niya eh" sagot ko
"Talaga cute" at umismid pa ito, nagtatawanan naman ang walo pati sina Zoey
"Oo naman ang cute niya no at isa pa nagseselos ka ba?" ako
"Hindi ah bakit naman ako magseslos eh cute lang si Kiko gwapo naman ako" siya
"Ang hangin mo rin eh no" ako
"Kumain na nga tayo" si Lara
"Ah Kiko" ako, agad naman napatingin si Andrew sakin na nagbubukas ng buko
"Bakit po ate?"
"Pagbuksan mo nga ako ng buko" ako sabay irap kay Andrew, magalit ka sa sobrang selos
"Sige po ate"
"Bro naman kung galit ka huwag mo namang idamay yung buko, tingnan mo lasog lasog na" tawang tawa na si Terrence
"Shut up" Andrew
"Ako na nga" si Leonel at inagaw ang itak
"Marunong ka ba niyan?" si Calix
"Ofcourse, ikaw lang naman yung hindi baka nga pag ginawa mo to masama yang mga daliri mo" Leonel
"Nagtatanong lang naman ang dami mo ng sinabi" Calix
"Ito na po Ate" Kiko
"Thank you" ako tsaka ngumiti bago tumingin kay Andrew at inirapan siya
Kaya kumain na nga kaming lahat gusto kung matawa kay Andrew inis na inis siya bahala siya sa buhay niya para siyang baliw at suyuin niya ang sarili niya
"Wash the dishes Mr. Montero" utos ko
"Bakit ako?" siya
"Eh gusto ko eh mag rereklamo ka pa" ako
"Tssk. mga gag* tulongan niyo ko" Andrew
"Kaya mo na yan" kuya Deon
"Oo nga ang tanda mo na" kuya Denver
"Dont worry Andrew iba naman maghuhugas mamaya si Calix naman" Zoey
"Bakit ako?" Calix
"Angal ka" Zoey
"Hindi ah" Calix
"Kuya tulongan na po kita" si Kiko
"Sige tara" si Andrew na bitbit ang mga plato papasok sa bahay
Pagkatapos nga nilang maghugas ng pinggan ay tumambay muna kami dito sa labas para magpahangin
"Nga pala Dan tabi tayo matulog huh" Zoey
"No ako ang katabi niyang matulog" angal ni Andrew
"Sa tent ka nalang babe hindi naman pwedeng siya ang matulog sa labas" ako
"Eh dun sa isang kwarto nalang"
"Dalawang tao lang ang pwede sa kama at dun na si Lara at Marga" ako
"Babe naman" nakanguso niyang sabi
"I love you" ako
"Kainis kasi bakit pa kasi kayo sumunod dito* Andrew
"Wala ka ng magagawa Andrew" sabi ng walo bago siya pagtawanan
"Sige pagkaisahan niyo kung mga gag* kayo sarap niyong pagsasapakin" si Andrew na pikon
"Okay lang yan bro isang linggo lang naman eh" kuya Denver