IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

888K 33.4K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 24

14K 585 133
By ImaginationNiAte

KABANATA 24:

Ilaria POV

          HINDI ko alam kung ilang minuto na ba akong tulala rito sa puting kisame. Wala rin akong tulog. Hindi talaga ako nakatulog sa kakaisip sa mga sinabi ni Kuya Samael. Hindi rin mawala-wala sa isipan ko ang ginawa naming dalawa kaninang madaling araw.

Umaga na at mataas na ang tirik ng araw sa labas. Nang tignan ko ang orasan ay alas-otso na pero heto pa rin ako, nakahilata sa kama at nag-iisip ng malalim. Tila tamad na tamad akong kumilos ngayong araw. Wala rin akong lakas para bumangon.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwalang isa akong ampon. Na hindi ako isang Lazarus. Ang bigat sa dibdib nang malaman ko mula kay Kuya Samael na hindi kami tunay na magkapatid.

Ang sakit lang isipin na ang inaakala at kinilala kong magulang ay hindi ko pala totoong magulang. Namatay na lang sila Mommy at Daddy na hindi man lang sinasabi sa'kin ang buong katotohanan ---na inampon lang nila ako.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung nakakailang buntong-hininga na ako ngayong araw. Kanina ay naipaliwanag na rin ni Kuya Samael sa akin lahat-lahat ng mga nalalaman niya lalo na kung paano nga ba niya nalaman na hindi kami magkadugo.

Four years ago pa pala nalaman ni Kuya Samael na hindi kami magkapatid. Sinabi niya sa'kin na hindi niya sinasadya na makita ang mga baby pictures ko sa mga gamit nila Mommy sa kwarto nila. That time ay naglilinis daw si Kuya at nililigpit niya ang mga gamit ng magulang namin sa room nila. Until he found a box under our parents' bed.

Doon niya nakita ang mga pictures ko 'nong bata ako kasama ang isang babaeng katulong. Nakita rin doon ni Kuya ang adoption paper at pangalan ko ang nakalagay doon. Hindi makapaniwala si Kuya Samael nang makita niya ang mga 'yon at mas lalong ayaw rin niyang paniwalaan na isa akong ampon.

Kaya naman naisipan ni Kuya na ipa-DNA test ako na hindi ko nalalaman. He admitted to me that he took a few strands of my hair from my hairbrush. Pina-hair analysis niya 'yon para malaman kung magkapatid ba talaga kaming dalawa. At doon nga, lumabas ang result na hindi nga kami tunay na magkapatid.

Hindi lang agad sinabi ni Kuya sa akin ang totoo dahil wala raw siyang lakas ng loob na aminin sa'kin na isa akong ampon. Kaya naman itinago na muna niya sa'kin ang totoo. He was afraid that I might get hurt. May plano rin naman daw siya na sabihin sa'kin 'yon at iyon na nga ang nangyari. Inamin na niya sa akin kanina ang totoo.

Aaminin ko, sobra akong nabigla. Hindi ko na rin tuloy alam ang gagawin ko. Ang bigat sa kalooban at ang hirap para sa'kin na tanggapin ang katotohanan.

Malungkot ko namang tinignan ang mga binigay ni Kuya Samael sa'kin kanina na mga papel. Iyon ang adoption paper pati na rin ang result ng DNA test naming dalawa.

Pinagkatitigan ko rin ng mabuti yung litrato ko 'nong baby pa ako kasama ang isang babaeng katulong na buhat-buhat ako. Ito yung nakita kong picture sa office library ni Kuya 'nong isang araw. And he said that the girl with me in the photo is my real mother.

Siya talaga ang totoo kong ina.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa litrato ay hindi ko naman namalayan na pag-agos na naman ng aking luha. Naiiyak ako sa mga nalaman ko. Kanina pa ako iyak ng iyak at paniguradong mugto na ang mga mata ko.

Wala si Kuya rito, bigla na lang siyang umalis kanina after niyang ipaliwanag sa'kin lahat-lahat. Isa pa sa iniisip ko ang mga nangyari kanina. My goodness! Hindi mabura-bura sa isipan ko ang halikan naming dalawa. Muntikan pa na may mangyari sa amin.

Kada ipipikit ko ang mata ko ay ang imahe na 'yon ang nakikita ko. Malinaw ko pa rin na naaalala ang nangyaring mainit na eksena kanina lalo na kung paano niya ako halikan, hawakan at paglaruan ang aking dibdib. Masyadong taksil ang katawan ko! Paulit-ulit ko rin na naririnig na parang sirang plaka 'yong sinabi niyang mahal niya ako hindi bilang kapatid, kundi higit pa roon.

Hindi ko lubos mapaniwalaan na may matagal na pala siyang lihim na pagtingin sa'kin. Hindi ko nga rin alam kung magpapasalamat ba ako dahil walang nangyari sa'min o magpapasalamat ba ako dahil hindi naman pala kami tunay na magkapatid.

Pero hindi, mali pa rin 'yon para sa'kin.

Magkapatid man kami ni Kuya Samael o hindi ay mali pa rin 'yong ginawa namin kanina! May boyfriend ako, mahal ko si Rosales pero ang tanga-tanga ko. Nagpadala ako sa tukso!

Inis akong napahilamos ng mukha. Naiinis talaga ako sa sarili ko. Mukhang hindi na mawawala sa isipan ko ang kapusukan naming dalawa ni Kuya Samael kanina kahit na ano pa siguro ang gawin ko.

"Aghh! I hate you, Ilaria!" hindi ko na napigilan na isigaw 'yon sa aking sarili.

"Are you okay, little kitty?"

"Ay palaka!" gulat kong naibulalas.

Mabilis naman akong napabangon mula sa pagkakahiga nang makita ko si Kuya Samael na nakatayo malapit sa pinto. Naka-krus pa ang dalawa niyang braso habang nakasandal naman ang kanyang likod sa pader. Hindi ko man lang napansin na nakabalik na pala siya.

"W-What are you doing here?" I asked.

"Well, this is my room that's why I'm here." he said.

I cursed sharply in my mind. Anak ng! Sa sobrang dami kong iniisip ay nakalimutan kong narito pala ako sa kwarto niya. At pansamantala ko munang gagamitin itong kwarto niya.

"How about you? Are you okay? Why do you hate yourself? Are you upset? Is someone annoying or bothering you?" walang kapreno-preno niyang katanungan sa akin. Ang halos perpekto niyang kilay ay magkasalubong na rin.

Huminga ako ng malalim, "Wala. Okay lang ako," sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Hindi ko kayang tumingin sa mata niya matapos ang halikan naming dalawa. Ghad! Nag-iinit talaga ang buo kong mukha at nakakaramdam din ako ng pagkailang kapag naaalala ko 'yon.

"Are you sure?"

Simpleng tango lang ang isinagot ko.

Niligpit ko lang ang mga nagkalat na mga papel sa kama pati na rin ang mga pictures ko 'nong baby pa ako kasama ang totoo kong ina. Inilapag ko lang 'yon sa bedside table bago ako umalis sa kama para ligpitin ang mga unan maski ang nagulong bedsheet at kumot.

"Gusto ko ng bumalik sa room ko," turan ko na hindi tumitingin kay Kuya Samael.

'O dapat ko na ba siyang huwag tawagin na Kuya dahil hindi naman talaga kami tunay na magkapatid? Pero mananatili ko pa rin naman siyang Kuya, 'di ba? Wala naman sigurong magbabago sa aming dalawa?

"You will not use your room from now on." aniya kaya napatingin ako agad sa kanya.

"What?! Pero bakit naman?!"

He sighed, "Because that's what I want. Baka mamaya ay hindi na basta magnanakaw ang pumasok sa kwarto mo. You'll be safer if you stay in my room and sleep next to me. Ayokong maulit ang nangyari 'nong isang araw." pagdadahilan niya kaya uwang ang bibig ko.

"Pero kwarto ko 'yon--"

"Not anymore." putol niya sa'kin, "And besides, there are hidden cameras installed in your room so that crazy Luca can spy on you. Apat na hidden camera ang nakita roon,"

Nangilabot naman ako. The fuck? Apat na hidden camera ang nakita nila Kuya sa kwarto ko?! Gano'n na ba talaga kabaliw kung sinuman ang Luca na 'yon?!

"P-pero paano naman ako makakasiguro na ligtas ako rito sa kwarto mo?" tanong ko.

"Na-check ko na itong kwarto ko. I used an infrared camera detector to find out if that idiot also put a hidden camera in my room to spy on me, mabuti na lang ay wala. Maybe that bastard is obsessed with you. But I won't let him get close to you again." wika niya at dama ko ang matinding galit sa boses niya.

Hindi na ako nag-reklamo pa. Siguro nga ay mas ligtas ako rito sa kwarto niya. Tama rin siguro ang sinabi niya, baka nga obsessed ang Luca na 'yon sa'kin. Naku-curious talaga ako kung sino ba siya. Pero hindi muna iyon ang dapat kong problemahin.

Ang mahalaga ay hindi na ako ginugulo ng lalaking 'yon. Hindi na rin siya nagte-text sa'kin o nagpapadala ng mga bulaklak dahil paniguradong ipapasunog lang 'yon ni Kuya Samael. Ang dapat kong isipin ngayon ay ang mahanap at makilala ko ang tunay kong magulang.

"Kuya.." tawag ko sa kanya.

Mabilis namang nangunot ang noo niya, "You're so hard-headed. How many times do I have to tell you not to call me Kuya anymore?" pagsusungit niya kaya napairap tuloy ako.

"Pero manatatali pa rin naman kitang Kuya.." turan ko sa kanya, "Wala namang magbabago, 'di ba kahit na hindi tayo magkadugo? Ituturing mo pa rin ba akong kapatid mo?" tanong ko sa kinakabahan na boses.

Kumawala sa kanya ang malalim na buntong-hininga bago siya humakbang palapit sa'kin. Ngayon ay nakatingala na ako sa kanya dahil nasa harapan ko na siya.

Medyo nakakaramdam din ako ng awkwardness sa kanya dahil sa nangyaring halikan naming dalawa kanina na halos kamuntikan na rin na may mangyaring milagro sa pagitan naming dalawa.

I was about to avoid him but he quickly grabbed my waist and pulled me closer to him. Hindi naman ako makawala dahil malaki siyang tao at mas malakas siya kumpara sa'kin.

Ayoko naman na makagawa ulit ako ng kasalanan sa nobyo ko kaya hangga't maaari ay gusto ko munang iwasan si Kuya Samael. Pero paano naman ako makakaiwas kung ganito kahigpit na nakapulupot ang mala-bakal niyang braso sa beywang ko? Paano ako makakaiwas kung siya naman itong lumalapit sa'kin?

"Kuya, please.."

My eyes widened when he quickly kissed me on the lips. It's just a peck kiss but shit! Hinalikan pa rin niya ako sa labi ko! Anak ng tokwa talaga!

"Call me Kuya again or I will kiss you.." he threatened me so I kept my mouth shut.

Nang mapansin niyang para akong kuting na nanahimik bigla dahil sa sinabi niya ay kusang gumuhit ang matamis at nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"I'm too tired to hide my true feelings for you and I don't want to hide it from you anymore. Paano kung sabihin ko sa'yo na ayoko kitang maging kapatid?" wika niya na nagpatameme sa akin.

"Pero---"

"I love you and I don't want to just stay as your older brother. Alam mo ba 'nong malaman ko na hindi tayo tunay na magkapatid? May parte sa'kin na masaya ako at nagkaroon ng pag-asa. I'm sorry, but I don't want to treat you as my younger sister, I want to treat you as my girl. I fell in love with you. And the fact that I love you will never change." walang kautal-utal niyang sabi habang diretso siyang nakatingin sa aking mga mata.

Jusko! Heto na naman ang puso ko, nagsisimula na naman itong bumilis at magwala. Pinamulahan din ako ng mukha. Talagang hindi siya nagbibiro. May gusto nga talaga siya sa'kin?

"Pero.. h-hindi ba pu-pwedeng m-mag-stay na lang tayo bilang m-magkapatid? Pwede ba'ng wala na lang magbago sa ating dalawa?" utal kong katanungan sa kanya.

"Why? Is it because of Rosales?" umarko pataas ang isa niyang kilay, ang boses niya ay bigla na lang din sumeryoso.

"Nobyo ko siya.." mahinahon kong sambit sa kanya, "Mahal ko si Rosales. A-At hindi ko rin kayang suklian ang pagmamahal mo para sa'kin. H-Hanggang kapatid lang ang kaya kong ituring sa'yo.." mahina ko pang dugtong.

Nanikip ang dibdib ko at halos hindi naman ako makahinga nang makita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata niya. Ayokong masaktan ang damdamin niya. Ramdam ko rin ang unti-unting pagluwag ng braso niyang nakapulupot sa beywang ko.

Pero nakakabigla naman kasi talaga itong pag-amin niya ng nararamdaman niya para sa'kin. Nakakagulat at hindi ako lubos makapaniwala.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung malalaman mong ang tinuturing mong kapatid ay may lihim palang pagtingin sa'yo? Na matagal na palang may gusto sa'yo?

Bukod pa 'don ay hindi ko pa kayang i-digest sa utak ko ang mga rebelasyon na nangyari kanina lalo na nang malaman kong ampon ako. Na hindi kami tunay na magkapatid at hindi nananalaytay sa aking katawan ang dugo ng Lazarus.

"S-Sorry.." tangi kong nasabi bago ako nag-iwas ng tingin sa kanya.

He faked a laugh. Kinalas na rin niya ang braso niyang nasa beywang ko bago siya bahagyang lumayo sa'kin. Nakagat ko naman ang ibabang labi ko habang hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

I know that he is a good guy even though he is a Mafia Boss. May mabuti pa rin namang puso si Kuya Samael at sobrang bait niya sa'kin kahit pa na sa mata ng iba ay isa siyang nakakatakot at delikadong tao.

Sa katunayan nga niyan ay hindi ako galit sa kanya lalo na nang itago niya sa akin ang buong katotohanan. Naiintindihan ko siya at alam ko na ayaw lang talaga niya akong masaktan kaya inilihim niya muna sa'kin ang totoo.

Hindi siya nagkulang sa'kin. Nakita ko kung paano niya ako inalagaan at protektahan. Binigay nga niya lahat sa akin at hindi rin niya ako iniwan. He always stayed by my side. His shoulder is the one I lean on when I'm feeling down. Nakikinig siya sa'kin kahit pa na walang kakwenta-kwenta ang mga pinagsasabi ko.

I feel safe, secure and at ease when I'm in his arms. I become myself and feel comfortable every time he is around me. He did everything just to make me happy. Masasabi ko na siya ang comfort zone ko at hindi magbabago 'yon. Hindi lang siya tumayo bilang nakatatanda kong kapatid. He even became my best friend and protector.

Pero.. mahal ko ang boyfriend ko.

Matatawag ba akong masamang babae at makasarili kung 'yon naman talaga ang tunay kong nararamdaman? He loves me, but I love someone else. Iyon ang sinisigaw ng puso ko at mas lalong hindi kayang magsinungaling ng puso ko. Nobyo ko si Rosales at mas lalo naman yatang matatawag akong masamang babae kung ipagpapalit ko ang boyfriend ko para sa kanya.

"You know what? You are my first love and I can't believe that I will fall in love with you. I tried to stop it but when I fell in love with you and I always spent my time with you I realized that I couldn't stop it anymore. It's you, you're the girl I want, my Ilaria. You are the one I want to be with." he said and I can feel in his voice that he is happy.

He stepped closer to me again and cupped my face. Kitang-kita ko ang labis na kasiyahan sa mga mata niya kahit pa na nasaktan ko ang damdamin niya kanina nang sabihin kong mahal ko ang boyfriend ko. Pero ang hindi ko akalain na ako ang first love niya.

"A-Ako? First love mo?" utal ko.

He smiled, "Yes, my kitty. You are my first love and will always be. Ikaw ang babaeng tinutukoy ko na matagal ko ng gusto. Kaya nga hindi ko maiharap-harap sa'yo 'yong babaeng kinukwento ko sa'yo na gustong-gusto ko dahil ikaw 'yon." aniya at pagak pang natawa.

"But I don't care if you have a boyfriend. Sa akin pa rin naman ang bagsak mo. And I will find a way to prove to you that Rosales is not a good man. I will prove that he is not good enough and that he is planning something bad for you. Papatunayan ko na tama ang masamang kutob ko sa kanya." mahaba niyang sabi na tila desidido siyang gawin ang lahat para mapatunayan lang niya sa'kin na hindi mabuting lalaki ang boyfriend ko.

"Paano kung may mabuti nga siyang intensyon sa'kin? Na mali ang mga kutob mo sa kanya?" I asked.

"What if I'm right? What if he's a bad guy and I was able to prove that to you? Are you willing to make a deal with me?" he asked boldly, while his eyes firmly looking at me.

Kumunot ang noo ko, "Deal?"

"Yes, let's make a deal. When I prove that my suspicions about him are correct, you will break up with him and you will never see him again."

"At paano kung--"

"I'm not done yet, kitty. Patapusin mo munang magsalita ang giant baby mo," putol niya sa'kin kaya napasimangot ako.

"Ano pa bang sasabihin mo?" masungit kong turan kaya natawa siya ng mahina at kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"We will get married. You will be my wife when I prove that he is really planning something bad." aniya na nagpalaki sa dalawa kong mata.

"What?! Kasal?! Asawa?!" gulantang kong bulalas.

He smiled and nodded his head, "Yes, my kitty. Kasal. Magpapakasal tayong dalawa. And besides, I will do everything to make you mine and I will make sure that you will fall in love with me too."

Uwang ang bibig ko. Parang gusto pa niyang matawa dahil sa naging reaksyon ko. Jusko! Paano nga kung tama ang mga hinala niya? But no. Hindi ako dapat mabahala. May tiwala ako kay Rosales. Naniniwala ako na mabuti siyang lalaki at hinding-hindi niya ako bibiguin.

"Then what if your suspicions about him are wrong?"

"I will let you be with him. I will accept him as your boyfriend. Hindi kita guguluhin at hindi ako mangingialam sa relasyon ninyong dalawa. Hahayaan kita sa kung ano ang gusto mong gawin. Basta siguraduhin mo lang na magiging masaya ka at ligtas." mahaba niyang wika.

Ilang saglit akong natahimik doon.

Nagtatalo rin ang isipan at kalooban ko kung papayag ba ako na makipag-deal sa kanya. Gusto ko rin naman patunayan sa kanya na mali ang mga iniisip niya sa boyfriend ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ba akong hindi nakasagot. Hanggang sa nakapagpasya na akong makipag-deal sa kanya. Wala namang mawawala sa'kin eh. Dapat hindi ako mabahala. I should trust my boyfriend.

"Okay fine, deal." sambit ko na ikinangisi naman niya ng malawak.

"Sinabi mo 'yan ah, walang bawian." aniya na tila masaya pa, "Promise that you will follow our deal,"

"Promise," matapang kong pangako bago kaming dalawa nag-pinky promise.

"Be ready, kitty. Even though you are not a Lazarus and our blood does not run in your veins, I will make sure that you become my Mrs. Lazarus." malandi niyang turan sabay kindat. The fudge!

#

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 10.8K 39
WARNING!SPG.Ang istoryang ito ay kathang-isip lamang.Ang anumang pagkakahawig nito sa mga tao,lugar,organisasyon,o pangyayari sa totoong buhay ay hin...
430K 12.6K 49
John Gil Voughne Cullen is a Fighter in MAFIA'S ORGANIZATION. A k¡ller, A sociopath and a man feared by all. A handsome face filled with villainous...
40.5K 1.5K 42
A unique ravishing professor named Cali Jaze Fuentero-who grew up in a wealthy family, experienced bullying when she was a kid which affected her men...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...