Campus Queen

By PrinsesaFever

2.3M 63.5K 9.8K

Book two. More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Authors Note
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Till next time! :)
Special Chapter 1
Announcement
BOOK THREE

Chapter 33

25.9K 726 146
By PrinsesaFever

Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Sumilip agad ako sa room nila Blake para makita kung nandun na siya pero wala. Kahit sila Bryan wala pa. Siguro nga sobrang aga ko.

Tumambay muna ako sa likod ng EU. At least dito tahimik at mahangin. Tinitignan ko ang tubig sa dagat na umaalon. Ang peaceful. Buti pa siya, walang problema.

Habang nakatingin ako sa dagat ay biglang may umupo sa tabi ko. Napatingin ako at ang bumungad saakin ay ang varsity jacket ng mga taga Weston University.

"Mukhang may problema ah?" Sabi niya.

Ngumiti ako ng tipid at pinaglaruan ang mga paa ko, "Wala. Tumambay lang ako dito. Dito kasi tahimik."

"Hmm, ganun? Bakit parang hindi naman totoo 'yan?"

Napatingin ako sakaniya. Pero siya, nakatingin lang siya sa dagat.

"Okay fine. Meron nga." Sabi ko kaya napatingin siya saakin.

Nagkatinginan kami. Hindi ko mabawi ang tingin ko at ang lakas ng kabog ng puso ko. Bakit ganto?

"Spill. I'm ready to hear."

Bumuntong hininga muna ako at tumingin sa dagat.

"Bakit ganun, Jules? Bigla bigla na lang siyang nagsusungit. Bigla na lang siyang nagagalit. Wala naman akong ibang ginawa kundi 'yung patulan si Liz kahapon dahil sobrang inis na ko sakaniya. Pero bago pa 'yun, okay naman kami. Pero nung pinatulan ko na si Liz wala. Nagbago bigla mood niya. Sinigawan niya pa nga ako e. Bakit ba ganun?" Tanong ko sakaniya.

Lumalabo na ang paningin ko kaya agad kong kinagat ang labi ko para hindi maiyak.

"Hindi sa sinisiraan ko si Blake. Pero base sa ginawa niya sayo, parang may mali e. Parang may tinatago siya? Alam ko 'yun dahil lalaki ako. Alam ko kung anong galaw ng boyfriend nila. Hindi ako manghuhula pero kasi kapwa ko sila."

Tumingin ako sa dagat. May tinatago ka nga ba, Blake?

"Talk to him. Oo, siya may kasalanan. Oo, magmumukha kang aso dahil ikaw ang maghahabol pero ano bang mas gusto mo? Ang masaktan o ang kumapit pero alam mong may mali? Mahirap nga Kylie. Pero love 'to e, dapat handa ka."

Bumuntong hininga ako sa sinabi niya. Tagos e. Sobra.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya. Nakatingin din siya saakin.

"Fight, Kylie. Pero hindi ko sinasabi sayong ipaglaban mo pa din siya kahit na malaman mo kung ano 'yung mali. 'Wag kang magpakatanga. 'Wag kang maghabol ng maghabol dahil baka 'yung hinahabol mo tinaguan kana." Sabay tayo niya. "I can be your shoulder to cry on and your bestfriend." Ngiti niya.

"Thank you." Sabi ko.

Nilahad niya ang kamay niya saakin at ngumiti, "Tara na? Hatid na kita sa room mo." Aya niya kaya tinanggap ko ang kamay niya.

"Pano ka nga pala nakapasok dito?" Tanong ko sakaniya habang naglalakad kami.

"Naglakad ako tas pumasok ako sa gate."

Sinapak ko naman siya.

"Umayos ka."

Tumawa siya, "Okay chill. Hinatid ko kasi 'yung pinsan kong si Jade. Wala kasi driver nila kaya nagpasuyo si Tito."

Tinignan ko siya, "Talaga? Si Jade pinsan mo? Small world!"

"Kilala mo?" Tanong niya.

"Oo, may gusto 'yun sa kaibigan ko e."

Umiling siya, "Nako, kaya pala pinapabantayan ni Tito." Sabay tawa niya.

Ang pogi niya naman. Kaso, mas pogi pa din si Blake.

Tinanggal ko na ang tingin ko sa mukha niya. Humarap na lang ako at doon ko nakita si Blake na naglalakad habang nakapamulsa at nakaearphone. Huminto siya kaya huminto din ako.

"Aray," Reklamo ni Jules dahil hinatak ko siya.

Nakita kong napatingin si Blake sa kamay ko. Bumalot bigla ang maitim na aura niya. Naglakad siya paalis habang ako pinagmasdan lang siya bakit siya umalis?

"Looks like someone's jealous." Bulong sakin ni Jules.

Napatingin ako sakaniya at inangat niya ang kamay naming magkahawak. Namilog ang mata ko kaya binawi ko agad ang kamay ko.

Shit! Oo nga pala! Hinampas ko agad sa braso si Jules.

"Bwisit ka! Bakit hindi mo tinanggal?" Inis kong tanong sakaniya.

"Woah, woah. Easy!" Tumatawa niyang sabi.

Patuloy pa din ang paghampas ko sakaniya.

"Bwisit! Bwisit!" Sabi ko.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay, "Kalma! Eh ang higpit ng hawak mo sa kamay ko kaya hindi ko na tinanggal e."

Inirapan ko siya at susundan na sana si Blake ng hinila niya ako pabalik.

"Nah uh, Missy. You need to attend classes. Go go!" Sabay tulak niya saakin.

Tinignan ko siya ng masama. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at sumandal sa locker pinagtitinginan na nga siya ng mga babae pero parang wala lang sakaniya.

Inirapan ko siya at tinignan ang pinto na pinaglabasan ni Blake.

San siya pupunta?

**

Lunch na. Hindi ko namalayan dahil buong period ay iniisip ko kung asan si Blake.

Nagtakbuhan na ang mga kaklase ko palabas. Pero ako nagaayos pa ng gamit. Sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko at lumabas.

"Kain na tayo!" Aya ni Ericka.

"Una na kayo. Sunod ako." Sabi ko at tumakbo na sa room nila John.

Pagkadating ko doon ay saktong lumalabas sila. Nagtatawanan pa.

"Asan... asan si Blake?" Hinihingal kong tanong.

"Oh, hinga ka muna." Sabi sakin ni Ethan at tumawa.

"Tse! Asan nga? Pumasok ba? Eh si Liz?"

Nagkatinginan naman silang lima. Pagkatapos ay umiwas sila ng tingin saakin.

"Uhh, kasi ano Kylie..." Ian.

Nagets ko naman iyonkaya bumagsak ang balikat ko, "I get it." Matamlay kong sabi.

Tinignan naman nila ko. Hinawakan ni John ang kamay ko at ngumiti siya saakin.

"Don't worry, kinausap na namin siya."

"Thanks."

"Tara? Kain na tayo?" Yaya sakin ni Jhersel.

Umiling ako, "Una na kayo. Hinihintay na kayo nung mga 'yun." Ngiti ko sakanila at tumakbo na paalis.

Tinawag nila ako pero hindi ko sila nilingon. Ayokong ipakita sakanila na umiiyak nanaman ako. Andaming naglalahad sakin ng panyo o kaya tissue pero umiiling lang ako. Dere deretso ang takbo ko ng may nabunggo ako.

"Aww," Angal ko.

"Kylie?"

Napatingala ako at nakita ko si Kuya Kian.

"Kuya?" Pabalik kong sabi.

Nilahad niya ang kamay niya para makatayo ako. Pagkatayo ko ay agad ko siyang niyakap.

"What happened? Why are you crying?" Tanong sakin ni Kuya.

Niyakap ko lang siya habang patuloy pa din ako sa pagiyak.

Nilayo ako ni Kuya sakaniya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"What's wrong, Kylie?" Tanong niyang muli.

Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo sa pisngi ko.

"Si... si Blake, Kuya. Nakita mo ba siya?" Tanong ko sakaniya.

Umiling siya, "Hindi e. Ano bang nangyari?" Tanong niya at umupo kami sa bench na nasa gilid namin. "Ngayon na lang kita ulit makakausap tas umiiyak kapa?"

Bumuntong hininga ako.

"Magkaaway kami Kuya. Kuya, bakit ganun? Ilang beses ko ng inaway si Liz pero ngayon lang siya nagalit. Bakit Kuya?"

Tinignan niya ako. "Kasi may nililihim siya."

Tumawa ako at umiling, "Kuya, wala syang tinatago dahil lahat alam ko. Ano ba kayo." Sabi ko at tumingin ako sa ibaba.

"Kylie, hindi lahat ng oras kaya niyang sabihin sayo lahat. Naranasan ko na 'yan kay Megan. Pano kung 'yung nililihim niya napakalaking impact sayo? Alam kong natatakot siyang mawala ka sakaniya. Naguguluhan siya. Nalito ka diba? Natatanong mo sa sarili mo na, 'Bakit ganun? Ilang beses ko ng inaway si Liz pero ngayon lang nagkaroon ng epekto kay Blake. Bakit?' kasi may salitang 'sikreto' sa relasyon niyo."

Hindi ako nakaimik. Tagos nanaman. Bakit ba sinasabi nilang may nililihim sakin si Blake? Wala naman akong napapansin.

"Dahil tandaan mo, Kylie, ang love gera 'yan. Ikaw ang sundalo, nasa sayo kung lalaban ka, o aatras ka dahil naduduwag ka o natatakot na baka sainyong dalawa, ikaw na lang natirang lumalaban. Ikaw na lang ang nagsakripisyo."

Hindi ako ulit umimik. Tinignan ko ang mga studyanteng naglalakad na papunta sa kaniya kaniyang room nila dahil nagbell na.

Hinawakan ni Kuya ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya.

"Remember, I'm always here for you. I'm still your family. Kami ni Kaitleen. Walang nagbago. Tayo pa din 'yung tatlong Dela Vega na nagdadamayan. I'm still your Kuya." Ngiti niya at niyakap ako.

Napangiti din ako. Humiwalay ako at tinanong siya, "Anong oras klase mo?"

Tinignan niya ang relo niya at nilagay sa dalawang kamay sa likod ng ulo.

"Two minutes from now."

"Pumasok kana Kuya!"

Tinignan niya ako, "Eh ikaw?"

Ngumiti ako sakaniya.

"I'll find my partner in life." Sabi ko. "Bye Kuya! Let's talk again tomorrow." Patuloy ko at naglakad na papuntang back gate.

Wala ng tao sa hallway dahil may klase na. Nakikita ko ang mga studyanteng natutulog sa klase ng teacher nila kaya natatawa na lang ako.

Umupo muna ako sa bench sa gilid at kinuha ang phone ko dahil nagvibrate ito.

From: 0917*******

- Jules here. Where are you?

Nagreply naman ako.

- Back gate. Why?

Sinave ko muna ang number niya at tinignan ang reply niya.

From: Jules

- You ditched class?

To: Jules

- Yeah.

From: Jules

- You're gonna find him? Need help? :)

Napangiti ako at luminga linga at nakita ko si Maam Pilipio kaya agad akong tumakbo para magtago sa likod ng mga bushes.

Nakatago ako malapit sa back gate pero nakita kong may guard kaya umupo muna ako nang biglang may tumawag saakin.

"Hello?" Bungad ko ng hindi tinitignan ang caller.

[Uso reply.]

Napatingin ako sa caller at nakita kong si Jules 'yun.

"Ah, sorry. Eh kasi naman nakita ko si Miss na papunta kung nasan ako kaya takbo agad ako."

Narinig ko siyang tumawa, [Ditch class pa.] Asar niya.

Nagmake face naman ako, "Nyanya." Sabi ko.

[Hahaha! Okay, meet me at the nearest park there. I'll wait for you,] Sabi niya at binaba ang tawag.

Nilagay ko sa bag ko ang phone ko at dahan dahang naglakad patungo sa gate.

Nang makita kong nagusap 'yung dalawang guard ay tumakbo na agad ako.

Tumakbo ako papunta sa park na malapit sa EU. At natanaw ko agad si Jules na kumakain ng tusok tusok.

"Jules!" Sigaw ko.

Lumingon siya saakin ng tumatawa at nang makita niya ako ay ngumiti siya saakin at ininom ang gulaman niya.

Lumapit ako sakaniya at nakita kong nagbabayad na siya kay manang.

"You ditched too?" Tanong ko sakaniya.

Tumingin siya saakin, "Ofcourse. May kailangan akong tulungan na babae na gustong gustong magkabati sila ng boyfriend niya e." Tawa niya at ginulo ang buhok ko.

Umirap naman ako, "I didn't ask for your help. Pero naginsist ka kaya go." Sabi ko at pumameywang.

Tumawa siya at hinatak ako bigla.

"Aray!" Reklamo ko.

"Bagal kasi."

Binelatan ko siya mula sa likod.

"Ang cute naman nilang couple!"

"Omg. Bagay sila!"

Napatingin ako sa dalawang babae na nasa gilid. Ngumiti sila saakin, ngumiti na lang ako ng tipid sakanila at binawi ang kamay ko kay Jules kaya muntik na akong mapaupo sa sahig. Buti na lang at naatras ko ang paa ko.

"Okay ka lang?" Narinig kong tawa ni Jules.

"Oo." Sagot ko at sumunod na sakaniya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay naman na ako. Umikot siya at sumakay na din sa driver's seat.

"Are you sure about this?" Tanong ko sakaniya.

Tumingin siya saakin at ngumisi, "Very sure." Kindat niya at pinaharurot na ang sasakyan niya.

Nakatingin lang ako sa labas. Nagbabaka sakaling makita si Blake... na sana hindi kasama ni Liz.

Nagvibrate bigla ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ng bag ko.

From: Kinah Kiara

- Where the hell are you?! Nagaalala kami sayo! Baka may mangyaring masama sayo lalo na wala ka pang kasama! Stubborn girl!

Nagtype agad ako ng reply.

- I'm with someone. Don't worry :)

Pinatay ko na ang phone ko pagkasend ko nun.

"Buti hindi mo kasama barkada mo?" Tanong sakin ni Jules.

"Ako at si Blake lang ang magkaaway. Hindi sila damay. Masyado na nila kaming natulungan. Ngayon naman ayoko na silang idamay."

"Swerte mo sa barkada mo. At swerte ka din sakanila."

Napatingin ako kay Jules at nakita kong nakangiti siya.

"Anyway, alam mo ba kung saan condo ni Blake?"

"Syempre."

"Sungit. Tell me where. May possibility na nandoon siya."

Sinabi ko naman sakaniya at nagdrive na siya papunta doon.

Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng building ng condo ni Blake at ako naman ay bumaba na.

"Hey, easy." Tawa niya.

Dire-diretso lang ako papuntang elevator at ng makasakay kami ay pinindot ko agad ang 23th floor.

Bumaba na kami pagkadating doon at dumiretso agad sa unit ni Blake.

"You can do it." Bulong sakin ni Jules.

Nyemas naman kasi. Bakit ngayon ko pa hindi nadala 'yung duplicate.

Nagdoorbell na ako at ilang segundo lang ay bumungad saakin ang boyfriend kong nakauniporme pa.

"What are you doing here?" Malamig niyang tanong.

"Let's talk." Sabi ko sakaniya.

"Wala tayong dapat pag usapan."

Magsasalita na sana ako ng may lumitaw na linta sa gilid niya.

"Blake, what took you so... long?" Pabagal na sabi ni Liz dahil nakita niya ako, "Ohh, the bitch is here." Ngisi niya.

Ngumisi din ako at nagcross arms sabay tingin sakaniya mula ulo hanggang paa.

"Aww, mukha ba kong salamin?"

Tumawa siya, "Are you joking? Tss. Mahiya ka naman. Kababae mong tao ikaw ang naghahabol sa lalaking halata namang ayaw na sayo." Ngisi niyang muli.

"Ohh, mahiya ka din naman. Kababae mong tao ikaw ang gumagawa ng move para mapansin ka. Handa mong isuko lahat para lang makuha mo ang gusto mo. Eh ang tanong, gusto ka ba?" Asar ko sakaniya.

Nakita ko siyang nainis at akmang susugurin na ako ng hinarangan siya bigla ni Blake.

"Stop it." Seryosong sabi ni Blake kay Liz.

Tinignan ni Liz si Blake ng matalim.

"Bakit? Mas kinakampihan mo pa ba 'tong babaeng 'to?"

"Liz, I said stop."

Tumabi si Jules sakin.

"Keep your cool," Bulong niya saakin at hinawakan ang kamay ko.

Nakatingin pa din ako kila Liz na nagaaway.

"Bakit ba?!" Inis na sigaw ni Liz kay Blake.

"Just stop." Mahinahanon ngunit malamig na tono ang gamit ni Blake.

"So you're going at her side?! Bakit ha?!"

"Because she's my girlfriend!" Sigaw ni Blake na ikinatigil ni Liz.

Nangingilid ang luha ni Liz ng tumalikod siya at paglabas niya ay dala niya na ang gamit niya. Binunggo niya pa ako at dere deretsong umalis.

"Stop holding my girlfriend's hand, jerk." Sabi ni Blake at hinatak niya ako.

Napataas naman ng dalawang kamay si Jules, "Woah woah. Chill, dude. Don't worry. Hindi ko siya aangkinin." Sabay tawa ni Jules.

"Don't call me dude."

"Okay. So, asshole, I got a question for you. May nililihim ka ba dito kay Kylie?" Tanong ni Jules at nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya.

Tinignan ni Blake ng matalim si Jules.

"What the fuck? Why did you called me asshole, jerk?!" Galit na sigaw ni Blake kay Jules.

"Woah. Gulo mo ah? Sabi mo 'wag kitang tawaging dude ngayon namang tinawag kitang asshole ayaw mo? Ano ba gusto mo? Sissy? Twin? Beshy? Teh? Ano?"

Hinampas ko si Jules sa braso at tinignan siya ng masama. Kahit deep inside ay gustong gusto ko ng tumawa dahil sa sinabi niya.

"Fuck you!" Mura sakaniya ni Blake kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma.

"Fuck me? Wait, hey! Hindi tayo talo! Yuck!" Sabay atras ni Jules.

Pinandilatan ko siya ng mata kaya tumawa siya.

"Okay okay. Let's be serious. Are you hiding something on Kylie?" Tanong ni Jules ng seryoso.

Napatingin ako kay Blake. Nakita kong umigting ang bagang niya at sinulyapan niya ako saglit sabay tingin kay Jules.

"Wala. At kung meron man, para lang 'yun sa nararamdaman niya. Para sakaniya at para samin. Aakuin ko lahat. 'Wag lang siya masaktan."

**

Bawi ba? Sorry sa late UD. Kung nababasa niyo tweet ko maiintindihan niyo ko :)

Thank you sa paghintay!

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
4M 19.1K 8
Shivani is my name, far from ordinary teenager, my life is a mystery, obey me then you're safe, disrespect me then its WAR.. This story has full...
958K 16K 52
[COMPLETED*NO SOFTCOPIES] Stalking the Gangsters Book 2
114K 5.3K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...