Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 693

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 3

4.8K 149 9
By winglessbee

Tinaasan ko siya ng kilay.

"E ano na man sayo?" sabi ko.

Umiling iling siya pero nakangiti.

"Akala ko hindi na kita makikita. Destiny to!"

The eff!

"Destiny mo mukha mo! Lumayas ka na nga dito"

"Ayoko nga, di pa nga ako tapos kumain papalayasin mo na ko?"

"Anak naman ng! Ang alam ko makikitawag ka lang, kung alam ko lang na patay gutom ka, sana sinagasaan na lang kita!" Bwisit!

Ngumisi siya. "But you didn't"

Sinamaan ko siya ng tingin. Lintek naman o.

Bigla akong kinilabutan sa ngisi niya kaya naman tinalikuran ko na siya at sumalampak nalang sa sofa at nanood ng phineas and ferbs.

"Wow! Phineas and ferbs!"

Sinamaan ko siya ng tingin nung umupo siya sa tabi ko at may hawak na piatos.

"Sinong may sabi sayong pwede mong kunin yan?"

"Wala. Ang dami kasi kaya akala ko okay lang kung kukuha akong isa" painosenteng sagot niya.

Inagaw ko sa kanya yung piatos at binuksan ko tapos kinain ko.

"Oy, penge!"

"Patay gutom!"

"Penge na kasi"

"Bumili ka"

"Nasa holdupper yung pera ko"

"Sinabi mo e"

"Totoo! Bakit ayaw mong maniwala?"

"Wala akong pake sayo! Manahinik ka nga kung ayaw mong itapon kita sa labas"

"Tss"

"Anong tini-tss tss mo dyan?!"

"Wala. Ge lang manood ka na. Tatahimik na lang ako dito"

Ilang saglit na tahimik nga lang siya at nakapanood ako ng maayos pero ilang saglit lang yun.

"Oy, miss men-who-doesn't-have-balls"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah. Easy, may itatanong lang ako sayo"

"Hindi pwede"

"Pati ba naman pagtatanong pinagdadamot mo pa?"

"Madamot akong tao, ngayong alam mo na, pwede manahimik ka?"

"Fine. Tss. Suplada"

"Anong sabi mo?"

Umiling lang siya tapos tinapat niya yung kamay niya sa bibig niya at ziniper.

Nakatulog ako.

Ganito talaga ako. Antukin. Hindi naman kasi talaga ako mahilig manood ng tv.

Pagdilat ko, ako na lang mag-isa at patay na yung tv.

"Manang, nasan yung lalaki?"

"Umalis na, sinundo na ni Yanna"

"Si Yanna ho?" nagtatakang tanong ko.

"Oo, magpinsan pala yung dalawa"

Akalain mo yun? May pinsan pala si Yanna. Ayts.

Pumunta ako sa kusina. Gabi na pala. Kakain palang ako ng saktong dumating si Papa.

"Baby, may pasalubong ako sayo" sabi ni Papa pagkalapit sakin.

"Ano yan Pa?" tanong ko habang nakatitig sa dala niya.

"Ulam, galing ako sa bahay ng officemate ko pinadalhan ako pauwi baka daw kasi hindi ka pa nakain" wow. Ang thoughtful naman ng officemate niya?

"Talaga? O baka hiningi niyo lang" pinanliitan ko ng mata si Papa. Duda ako e.

"Ikaw talaga. Kumain ka na, next time ipapakilala ko sayo yung officemate ko" Hindi na ko nakasagot kasi umakyat na siya.

Kelan pa ako nagkainteres na makilala ang officemate niya? Psh.

Pumasok na ko sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Pagtingin ko sa phone ko ang daming text saka miscall. Lahat kay Yanna.

Tinext ko siya ng bakit at imbis na magreply sa text, tinawagan niya ko.

"Pam!" sigaw niya aa kabilang linya.

Lintik. Pwede naman magsalita ng maayos, bakit sumisigaw pa? "O?"

"Jeez. How cold" sagot niya. Panigurado, umiilot pa mata niyan.

"Napatawag ka?" walang ganang tanong ko.

"Anong ginagawa ni Cone jan?" Cone? The who? At bakit Cone? Kinginang pangalan yan. Ppfft.

"Sinong Cone? Ang weird ng pangalan apa" Natatawa kong tanong.

"Sabihin mo yan sa kanya. Lagot ka dun" banya niya. As if natatakot ako, sapakin ko pa yun.

"E sino ba kasi yun?"

"Pinapasok mo jan sa inyo tapos hindi mo kilala? Nako Pamela, hindi na ko magtataka pag natagpuan kang dedo sa sarili mong bahay!" sabi ni Yanna.

"Hoy! Umayos ka Yanna. Mauunang mamamatay yung papatay sakin!" Asa pa. Hindi pa sila nakakatuntong sa loob ng bahay, patay na sila. Tss.

"Yeah, sure"

"So, pinsan mo yung patay gutom na yun?" pagbalik ko ng topic.

"Patay gutom? E pihikan kaya sa pagkain yun. Maarte pa sakin yung isang yun e"

"Ewan ko sa inyo. O, ano nang sasabihin mo nasasayang ang oras ko"

"Kung hindi lang kita kilala iisipin kong nemenopause ka na. Anyways, about Ian, Gosh! Pam. Pinapasabog niya yung inbox ng phone na binigay mo!"

"Edi patayin mo, tanggalin mo battery"

"I did. At naisip kong isoli na lang sayo, forget our deal, basta sayo na ulit yung phone. Gusto ko ng tahimik na buhay. Bukas na bukas iaabot ko sayo. Byeyie!"

"Hoy teka!"

*tootoot*

K.

Pinatayan ako. Lintek.

Panggulo ng buhay ang mga tao.

Natulog ako, gumising, nagtoothbrush, naligo, nagsuot ng oversized shirt at basketball shorts nagsuklay, bumaba at kumain.

"Morning"

Dito sa bahay hindi uso ang batian ng good morning. Sino kayang lapastangan ang nagsalita?

Pagtingin ko sa likod ko, nakita ko yung nakatayong patay gutom.

"Anong ginagawa mo dito?"

"O" inabot niya sakin yung iphone.

"Ano yan?" tanong ko at tinitigan lang ang inaabot niya.

"Pinapabigay ni Yanna" sagot nito.

Kinuha ko yung iphone at nilapag sa mesa "Makakaalis ka na"

Pero parang wala siyang narinig. Sa halip, hinila niya yung isang upuan sa harap ko tapos naupo siya at kinuha ang tinidor ko na may nakatusok na hotdog na may kagat ko na tapos kinagatan niya.

What the?!

"Hoy! Hampaslupa! Pagkain ko yan!" sigaw ko.

Nagkibit balikat lang siya tapos inubos yung hotdog.

Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng kilay.

Babatuhin ko na sana siya ng kutsura pero dumating si Papa. Pasalamat siya kung hindi panigurado may bukol siyang uuwi kila Yanna.

"May bisita pala tayo. Hindi mo ba ipapakilala sakin Pamela?"

Sinamaan ko ng tingin si Papa. Ayoko sa lahat yung tinatawag ako sa full name ko. Ang pangit kasi, kadiri.

"Hindi ko siya kilala" tinatamad na sagot ko sabay subo ng pagkain.

Bigla naman tumayo yung patay gutom tapos nilahad ang kamay kay Papa. "Im Trystan, Pamela's boy-friend" pakilala nito.

"Boyfriend?!" gulat na ulit ni Papa.

"Hoy! Anong kalokohan ang sinasabi mo?!" napatayo ako at dali dali ko siyang binatukan.

"Boy-friend po" ulit pa nito.

Kingina.

Binatukan ko ulit siya. Yuck ha! Never kong naimagine na magboboyfriend ako.

"May boyfriend na ang baby ko?" hindi ko maintindihan ang itsura ni Papa. Naiiyak na nagagalit na parang gustong suntukin tong patay gutom na hampaslupang ito.

Ge lang Pa! Go! Resbakan kita! Wooo!

Umiling si apa. "Boy friend po, kaibigang lalaki sa tagalog. Wag po kayong mag-alala, hindi po ako napatol sa maton" sabi nito sabay tingim sakin at ngumisi.

Ang sarap sungalngalin ng isang dosenang hotdog ang bibig niya!

"Anong sabi mo?" sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ko pinansin at binalik ang tingin kay Papa.

"Kain na po" sabi nito at nginitian si Papa.

Tumango tango lang si Papa at naupo na sa pwesto niya. At yung walanghiya? Ayun naupo ulit sa tapat ko at nakikain na nga. Kapal ng apog.

Hindi pa mn ako nakakasubo, may nagdoorbell naman.

"Baby, patingin, baka yung bisita ko na yan"

"Pa nakain ako"

Sinamaan ako ng tingin ni Papa kaya wala akong nagawa.

Pagbukas ko ng gate nagulat ako kung sino yung nasa labas.

"What the hell?"

"Kita mo nga naman ang tadhana, kapag hindi hinahanap kusang nakikita"

Continue Reading

You'll Also Like

7.2K 196 19
Who will survive? Who are the real killers? Let's find out. The story of a girl who has split personality All Right Reserved Nightmare Queen Story St...
8.9K 633 38
Can you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astiel...
26.5K 654 53
"He is my prologue, but not my epilogue." Saige Anais is only rooting for a peaceful life and faultless love, but fate has other plans for her. Despi...
477K 12.3K 92
COMPLETED. UNEDITED. Teenfiction. Slow-paced. Teen angst.