THE MAFIA'S LOVE STORY [ COMP...

By Hyazel_xxii

33.2K 541 28

Sa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyo... More

CH1
CH2
CH3
CH4
CH5
CH6
CH7
CH8
CH9
CH10
CH11
CH12
CH13
CH14
CH15
CH16
CH17
CH18
CH19
CH20
CH21
CH22
CH23
CH24
CH25
CH26
CH27
CH28
CH29
CH30
CH31
CH32
CH33
CH34
CH35
CH36
CH37
CH38
CH39
CH40
CH41
CH42
CH43
CH44
CH45
CH46
CH47
CH48
CH49
CH50
CH51
CH52
CH53
CH54
CH56
CH57
EPILOGUE

CH55

411 6 0
By Hyazel_xxii

Napakasama ng tingin ni Sol kay Tabbi ng mga oras na iyon dahil nabanggit na niya sa kaniya ang mga bagay na dapat nila ikonsidera.

"Naririnig mo ba mga sinasabi mo ha Tabbi?"

asar na tanong ni Sol sa kaibigan.

"Sinusubukan ko lang naman ibalanse lahat. Aminin mo man saken o hindi, alam kong kaya gusto mong makuha si Lily dahil gusto mong maging lehitimo kang tagapag mana ng Ahlssam at Morte."

"Wala akong planong angkinin amg ahlssam."

"pero Morte meron."

hindi agad nakasagot si Sol.

"Walang pake si Lily sa Mafia. Hindi siya interesado sa mundo natin kaya bakit pa ba natin siya pipiliting umalyado saten?"

"Dahil ibinilin siya saten ng mga Mafia Lord! Kaya gusto kong tuparin yun!"

"Sige. Kukunin natin si Lily, Ililigtas natin siya. Gagamitin natin si Spade. Pero ang kapalit, kay Spade si Lily."

diretsong sagot ni Tabbi kaya uminit ang ulo ni Sol.

"Bakit sa kaniya si Lily? sa atin siya! tagapag mana siya ng ahlssamorte!"

"Ayaw niya sa atin Sol. Ayaw din niya sa mundo natin. Kahit pa makuha natin siya kung  si Spade parin hahanap hanapin niya, wala parin tayong laban. Wala naring pakealam si Spade sa Mafia,ang importante lang sa kaniya ay makasama si Lily kaya walang kwentang pagaksayahan pa natin siya ng oras na patumbahin. Shadow ang kalaban natin hindi si Spade. Kung gusto nating lehitimo at maayos na proseso ang pagangkin natin sa ahlssam at Morte, kailangan nating bawiin si Lily. Kailangan natin siyang ipakilala sa mga tao natin at kailangan nilang makita ng transparent ang paglipat saten ng mga dapat ay sa kaniya."

panunulsol ni Tabbi kay Sol na napaisip.

"Alam nating pareho na iniingatan natin ang mga kinalakihan nating buhay at mundo. Naging mabuti satin sila Boss Abdelrhaman at Boss Leonardo kaya dapat lang na suklian din natin sila ng maganda. Hindi man natin maipakita sa kanila, kahit sa anak lang nila tayo bumawi. Irespeto nalang natin ang gusto ni Lily. Kung gusto niyang sumama kay Spade, wala na tayong magagawa jan."

Hindi umimik si Sol ngunit nagisip ito.

"Ilang araw bago mo gustong makuha ang sagot ko?"

seryosong tanong nito.

"Tatlong araw. Pero mas makakabuti sana kung magdamag mo lamang itong pagisipan. Tumatakbo ang oras, nasa alanganin si Lily sa Shadow."

Napapikit si Sol at napayuko. Pagiisipan niya ng mabuti kung pababayaan na ba niya ang tagapagmana ng Ahlssamorte at ipagkakatiwala sa ibang tao.

♠️♠️♠️♠️♠️♠️

Tahimik na ang paligid. Wala ng ingay at tanging mga huni na lamang ng mga kuliglig ang naririnig ni Lily. Hindi pa nakakauwi si BoE at Vipe galing sa pageescort nila sa cargo shipment kaya naman todo kabado siya dahil walang magbabantay sa kaniya.

Dahil inaantok narin naman na siya, hindi na niya naantay pang dumating sila BoE at Vipe. Agad din naman silang pumapasok sa kwarto niya pag nakarating na sila kaya pakiramdaman na lang niya ang dalawa.

Kakapikit pa lamang ni Lily ng kaniyang mga mata ng maramdaman niyang may nagbukas ng pintuan ng kaniyang kwarto at pumasok.

Gusto niya sanang imulat ang kaniyang mga mata ngunit di na niya nagawa dahil antok na antok na ito.

"BoE?..."

tawag ng dalaga na nakapikit ngunit hindi ito sumagot. Napakunot ang noo nito at iminulat ang kaniyang mga mata ngunit laking gulat niya ng makita niya si Kao Lun na nakatayo sa tabi ng kaniyang kama at napakasama ng tingin sa kaniya.

Agad na napabangon si Lily at akmang lalayo ngunit hinila siya ng matanda.

"Bitiwan mo ko! Anong ginagawa mo dito?! lumabas ka sa kwarto ko!"

sigaw ni Lily ngunit mas lalo lamang siyang hinawakan ng mahigpit ng matanda.

"Bitiwan mo ko sabi!"

pagpupumiglas niya ngunit biglang tinakpan ni Kao Lun ang bibig ng dalaga gamit ng isang paniyo.

Malakas pa si Lily na nanlaban ngunit unti unti itong nanghina dahil nakaramdam ito ng pagkahilo at bigla siyang inantok.

Nanghina ang dalaga at napabitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Kao Lun at tuluyang nandilim ang kaniyang paligid.

♠️♠️♠️♠️♠️♠️

"Nasan si Lily??"

Medyo kinakabahang tanong ni BoE kila Tyle nang makita niyang walang tao sa kwarto nito.

"Binuhat po siya kanina ni Boss palabas ng kwarto."

sagot ni Tyle kaya napapunas ng bibig si BoE.

"San sila pumunta? may sinabi ba siya?"

"wala naman. Ang sabi lang niya magpahinga na kami pero inantay ka pa namin kasi baka magtanong ka."

napamewang si BoE at nagalala. Saan nanaman siya dinala ng matanda?? Naikwento sa kaniya ni Vipe kanina ang nangyare kaya hindi niya maiwasang hindi magalala. Nangako siya kay Spade na aalagaan niya ang dalaga habang wala pa siya ngunit heto ang nangyare, hindi niya alam kung san siya dinala ng boss nila.

♠️♠️♠️♠️♠️

Nakaupo na sa kama si Spade kinaumagahan nuong binisita siya ni Sol sa Hospital facility ng Ahlssamorte.

Napalingon sa kaniya ang lalaki na kakatapos lamang tignan ang mga sugat niya.

"May sa pusa ka din ano. Ilang beses ka ng kamuntikang mamatay pero heto ka't buhay na buhay."

masungit na bungad sa kaniya ni Sol na sinuklian din ni Spade ng kasungitan.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na."

sagot nito.

"Magpagaling ka. Nakausap ko si Doctor Wun, ang sabi naghilom na mga sugat mo pero hindi pa gaanong puwedeng maisabak sa labanan. Aabutin pa daw ng limang araw para tuluyan kang gumaling."

"O tapos."

"Hindi ka namin binuhay para angasan mo kami ng ganiyan. Kung si Tabbi kaya mong tarayan ng ganiyan, puwes ako hindi. Bibigyan kita ng dalawang araw para ikondisyon ang katawan mo bago tayo sumugod sa Shadow."

tinignan siya ng masama ni Spade.

"Tayo?? sinong nagsabing makikipagtulungan ako sa inyo?"

"Alam mo kung ako ang tatanungin ayoko sayo. Ayaw kitang katrabaho at ayaw kitang kasama."

"Tss. eh bat mo ko sinasama ngayon?"

"Kung di lang dahil kay Tabbi at Lily malamang kinain ka na ng mga pating ngayon. Pero dahil ikaw ang gusto ni Lily na boss namin, sige. Bubuhayin ka namin. Walang mahalaga sakin kundi ang kaligtasan at kagustuhan ng boss namin. Kung ikaw ang mahal niya at gusto niyang makasama,May magagawa pa ba ako? Ang mahalaga na lamang sakin ay makuha si Lily sa shadow at maibalik siya sayo. Dapat nga matuwa ka pa dahil tinutulungan ka naming maibalik siya sayo."

"Bat ako matutuwa? Walang isang salita ang kahit na sino saten kaya bat ako magtitiwala sa inyo?"

"Hindi ka namin pagaaksayahang gamutin at gastusan ng pera para lang traydurin ka. Kung lumaki ka sa Shadow na puro pagdududa ang nasa paligid, puwes ibahin mo kami. Nasa teritoryo ka namin kaya kami ang dapat mong pagkatiwalaan."

"underdog ako ng Shadow."

pagpapaalala ni Spade kay Sol.

"Nuon..pero di na ngayon."

"Labag sa batas natin na nakikipagsabwatan ka sa kalaban."

"inuulit ko, Nuon. Hindi na ngayon. Wag mo munang isipin yang batas dahil mas importante ngayon ang buhay ni Lily. Hindi ka ba kinakabahan? bat masyado kang nagtitiwala kila BoE at Vipe? tingin mo ba may magagawa ang mga iyon para maprotektahan si Lily? Tumatakbo ang oras Spade. The more you think, the more na mas napapahamak si Lily. Buntis siya diba? yan ang nalaman ko sa source ko. Magisip ka ng mabuti. Nasa panganib ang mag ina mo. Lunukin mo muna pride mo at isantabi mo ang mga batas sa Mafia kung gusto mong mabigyan ng magandang buhay si Lily."

pagmumulat ni Sol kay Spade. Kinabahan agad si Spade sa sinabi ni Sol,oo alam niyang nasa panganib ang mag ina niya at mas lalo itong kinabahan dahil hindi 24 hrs. ay nakabantay sa kaniya sila BoE. Baka mamaya ay mapagsamantalahan uli ang dalaga.

"Bigyan mo ko ng dalawang araw para ikondisyon ang katawan ko. susugurin natin ang Shadow sa Biyernes."

♠️♠️♠️♠️♠️

Hilong hilo at hinang hina si Lily nang imulat niya ang kaniyang mga mata. Umiikot pa ang kaniyang paligid at tanging sinag ng araw lamang ang nagsisilbing ilaw ng kwarto. Gagalaw sana siya ngunit napatigil ito nang maramadamang nakatali ang kamay niya sa headboard ng kama. Nanghihina niyang inilibot ang paningin sa paligid ngunit hindi niya alam kung nasan siya. wala na rin siyang matandaan kung anong nangyare pagkatapos siyang patulugin ng matanda.

"Tulooong...."

nanghihina niyang tawag mula sa loob.

Humingi siya ng tulong ng dalawa pang beses at sa wakas ay may nagbukas ng pintuan at isang naka coat ng puti ang pumasok na may dalang tray at injection. Kung di nagkakamali si Lily, isa siyang doktor.

"Sino ka... Nasan ako.."

nahihilo pa nitong tanong.

"doctor ako wag kang magalala."

sagot nito ngunit hindi niya mamukaan dahil naka mask ito.

"Pakawalan mo ko.... tsaka... bakit nanghihina ako..."

"Normal lang yan. Naubusan ka ng maraming dugo kaya ka nanghihina."

sagot ng doctor kaya nagtaka si Lily.

"Naubusan ako ng dugo? bakit...."

"Ganiyan kadalasan ang nararamdaman ng mga babaeng nagpapa abort.. konting tiis lang babalik din agad lakas mo."

nakangiting pagchicheer up sa kaniya ng doctor kaya bumigat agad ang pakiramdam ni Lily. Agad niyang tinignan ang kaniyang tyan at naramdaman nito ang parang gumuguhit na sakit mula sa kaniyang pang ibaba hanggang sa kaniyang tyan. Halos maiyak ito nang mapansin niyang para ngang wala ng laman ang kaniyang tyan.

"Anong...anong ginawa niyo sa baby ko?! Bakit.. bakit niyo pinalaglag ang anak ko?! Mga hayop kayo! pati baby ko dinamay ninyo! napaka demonyo niyo!!"

sigaw ni Lily ngunit hindi gaano malakas dahil hinang hina parin ito. Nagsimula siyang humagulgol at tila ba namatay ang kaniyang puso sa nangyare. Wala na ang baby niya. Pinatay nila ang baby nila ni Spade.

"Matatanggap mo din ang pagkawala niya. Pero sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga."

Inalis ng nurse ang takip ng injection at inayos ito. Agad din naman niya itong itinusok kay Lily nang tila ba nagtutusok lamang siya ng karayon sa unan. At ang epekto nun sa dalaga ay unti unti nanamang nawalan ng malay at nakatulog muli.

Nang makatulog na ang dalaga ay lumabas na ang doktora at naroon sa labas si Kao Lun na nagkakape.

"Ano na."

tanong ng matanda sa doctor.

"Pinatulog ko na uli."

tumango tango naman ang matanda.

"Araw arawin mo ang pagbigay sa kaniya ng dyphenhydramine.. Tatlong beses sa isang araw para hindi na siya makarecover. iiwan ko siya dito sa inyo para walang makakaalam kung saan siya naroroon."

"Hindi ba't mas secured sana siya kung sa mansion mo siya magsstay??"

"Wala akong tiwala sa mga nagbabantay sa kaniya. Si BoE at Vipe para saken ay mga traydor na kakampi ni Spade. Hindi ko gusto na napapalibutan parin si Lily ng mga kaalyado ng Spade na iyon."

"Si Spade yung batang inampon mo na pumatay sa mga magulang niya diba? kanang kamay mo."

"hmm."

"At nakuha ka pang traydurin? Pagkatapos mo siyang bihisan, protektahan at bigyan ng bagong buhay."

"Trinaydor ako dahil lamang kay Lily. Ang animal may plano din palang angkinin ang ahlssamorte kunyare pa siyang walang pake sa kabilang grupo! Binuntis pa si Lily!"

"ngunit bakit kelangan pang idamay ang baby nila? hinayaan mo nalang sana."

"Tanga ka ba?! kapag nabuhay ang batang iyan, siya ang magiging tagapag mana ng ahlssamorte! at si Spade ang tatayong haligi dahil siya ang ama! hindi ako makakapayag na angkinin ng lalaking iyon ang dapat ay para sa akin!!"

galit na galit na sambit ni Kao Lun.

"Oh ano ng plano mo ngayon? Wala na si Spade. hindi ba dapat ay pakasalan mo na si Lily sa madaling panahon bago pa siya matuluyan? kapag tinatlong beses ko siyang turukan ng dyphenhydramine babagsak ang katawan niya and with no week, mamamatay na siya for overdose."

Sambit ng doctor. Siya si Doctora Ling Xi, ang pinsan ni Kao Lun na natanggalan ng lisensya dahil sa sadyang pagpatay sa isang pasyente sa ospital.

"sa susunod na linggo ay pakakasalan ko na siya. Kahit naghihingalo na siya ay pakakasalan ko parin siya para lehitimong mailipat saken ang Mga ari arian at pagmamay ari ni Lily. May tatapusin lamang akong mga tauhan ko. Hindi ko hahayaang may mga ahas akong inaalagaan sa loob ng mansion kaya kailangan ng mamatay nila BoE at Vipe."

pagbabanta ni Kao Lun kaya tumango ang doktora.

"Tuturukan ko lang si Lily ng isang beses sa isang araw with full dosage para naman umabot pa siya hanggang next week at para may lakas siyang pumirma."

Tumayo na si Kao Lun at inayos ang tuxedo.

"Bahala ka. Pagkatapos ko rin naman siyang mapapirma ay papatayin ko rin naman siya kaya ikaw na ang bahala sa kaniya. Maiwan na kita.. wag na wag mong ipapaalam na naririto si Lily dahil kung hindi, ako ang makakalaban mo."

"Kailan ba ako hindi sumunod sayo? wag kang magalala. kahit bangkay na yang babaeng yan na maabutan mo dito di ko parin ipagsasabi sa kahit na sino."

pagbibiro ni Ling Xi sabay tayo narin upang maihatid ang pinsan sa labas.

"Tawagan mo ko kung may problema."

"sige."

at umalis na si Kao Lun at iniwan si Lily sa kamay ng baliw na pinsan ni Kao Lun na kaparehas din niyang walang puso at mamamatay tao.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 73.1K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
1.2K 77 28
Date Started : February 20, 2020 A half blood will always be a half blood. Kapag sinabing half blood, palaging mga taong may superpowers ang nai-isip...
2.7K 134 11
Siya ay engkantadang maganda at masungit. Hindi naman dating ganoon si Prinsesa Dana. Naging masungit siya ng maparusahan dahil sa pamamalagi niya sa...
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...