IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

1M 36.7K 9.5K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 20

16.1K 583 166
By ImaginationNiAte

KABANATA 20:

Ilaria POV

          KAHIT na nangangalay na ako dahil sa suot kong stilettos at nananakit na rin ang pisngi ko dahil sa kakangiti ko sa tuwing ihaharap ako ni Kuya Samael sa mga bisita ay wala akong magagawa kundi magtiis na muna. Birthday party ko 'to kaya nararapat lang na humarap ako sa mga dumalong bisita.

Ipinakilala na rin ako ni Kuya Samael sa mga ka-business partner niya at lahat sila ay masaya na na-meet na raw nila ako. Masyado raw kasing ma-sekreto si Kuya at akala nila ay walang balak si Kuya Samael na ipakilala ako sa kanila. Even though they were curious about what I looked like, they were still glad to meet me.

Mababait naman sila sa totoo lang. Pero minsan hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkailang dahil sa paraan ng tingin ng ibang tao sa'kin lalo na ang mga lalaki na panay ang puri sa akin na kesyo maganda raw ako kahit na may suot akong masquerade mask at bagay na bagay raw sa akin ang suot kong gown.

Naging maayos din ang daloy ng party. Malaki ang pasasalamat ko na walang masamang nangyari at mukhang secured naman ang buong Mansyon para walang ibang makakapasok na hindi naman invited.

Na-blow ko na rin ang candles sa cake ko habang kinakantahan ako ng happy birthday ng mga tao. Nakakain na rin ang mga bisita at ngayon ay nakikipag-kwentuhan na sila sa ibang mga dumalong bisita habang umiinom ng wine. Medyo out of place ako minsan dahil ang madalas nilang pinag-uusapan ay about sa business.

Nabo-bored na rin ako.

Hindi ko alam kung anong oras na ba, pero marami-rami pa rin ang mga naritong bisita. Parang gusto ko na ngang umakyat sa kwarto ko at magpahinga na pero may kailangan pa akong dapat gawin.

Ngayon ay nagpalinga-linga ako para mahanap kung nasaan ba ang boyfriend ko para masimulan ko na rin na makausap si Kuya Samael at masabi ko na sa kanya ang totoo.

Nakadalo kaya si Rosales?

"Are you okay? Sino ba hinahanap mo?"

I heard the masculine baritone voice that suddenly spoke near my ear. Nilingon ko naman agad si Kuya Samael na may hawak-hawak na isang kopita na naglalaman ng red wine. While one of his hands was on my waist.

Kakatapos lang din namin makausap ang isa sa mga business partner niya na dumalo rin ngayong gabi. Hindi siya umalis sa tabi ko at talagang sinamahan niya ako na humarap sa mga bisita namin.

Kaya naman walang nagtatangkang lumapit sa akin na mga lalaki para solohin akong makausap dahil dito kay Kuya Samael na parang tuko na nakalingkis sa aking beywang. Para siyang personal bodyguard ko na kahit saan ako magpunta ay nakasunod siya.

Eh takot pa naman sa kanya ang mga tao. Kanina nga ay may nagtangkang humingi ng cellphone number ko, pero hindi na niya natuloy hingiin dahil biglang sumulpot na parang kabute si Kuya Samael.

Ghad, they were really afraid of him. Para bang ingat na ingat sila sa bawat kilos o bibitawan nilang salita dahil kapag nagkamali lang sila na hindi magustuhan ni Kuya ay tiyak na may kalalagyan sila.

Aba, sino ba naman kasi ang hindi matatakot kay Kuya Samael? Bukod sa alam nilang lahat na isa siyang delikadong Mafia Boss, ay matangkad pa siya at mayroong malaking pangangatawan. He really looks like a beast and his aura screams how powerful he is.

Tindig pa nga lang niya ay sapat na para matakot talaga sa kanya ang mga tao lalo na ang mga lalaking walang lakas-loob na lapitan ako dahil alam nilang bantay-sarado ako ni Kuya Samael.

Samantalang ang mga girls naman, panay ang pagpapa-cute at pagpapa-pansin nila sa Kuya ko. Pero jusko! Kahit anong gawin nila ay dinededma lang sila nitong magaling kong Kuya!

"Err.. nothing." sagot ko at tipid na ngumiti.

Hindi siya sumagot, bagkus ay tinitigan lang niya ako ng mariin. Para bang hinuhuli niya ako kung nagsisinungaling ba ako o hindi. Nawala lang ang pagkakatitig niya sa'kin nang biglang lumapit sa kanya si Kuya Palermo at may binulong sa kanya ang pinsan namin. Tumango-tango si Kuya matapos may ibulong si Kuya Palermo sa kanya bago niya ako balingan.

"Stay here. We are just going to talk to an important guest. Saglit lang naman 'yon, babalik din ako agad." paalam niya sa'kin kaya tango lang ang isinagot ko.

"Sige na, ako na muna ang bahala kay Ilaria." sulpot naman bigla ni Tita Maribel sa gilid ko. Pansin kong napanatag si Kuya Samael dahil sa sinabi ni Tita.

"Just stay with Tita Maribel, okay?" paalala ni Kuya sa'kin kaya muli akong tumango sa kanya.

Umalis naman silang dalawa agad ni Kuya Palermo sa harapan namin at nagtungo sila sa likod ng Mansyon. Hindi ko alam kung sino ang kakausapin nilang importanteng guest.

Pero mukhang may nangyayari na hindi maganda dahil sumunod sa kanila ang ilan sa mga tauhan nila at tahimik silang nagtungo sa pinaka-likod ng Mansyon. Sigurado ako na hindi guest ang kakausapin nila Kuya Samael.

Kasi kung guest iyon, bakit doon pa sila sa likod ng bahay nagtungo? Imposible naman na nasa garden ang bisita na 'yon dahil halos lahat ng mga tao ay narito sa loob ng Mansyon namin. Ewan, baka siguro nahihiya lang na makihalubilo ang importanteng bisita ni Kuya Samael.

Habang wala si Kuya Samael ay pagkakataon ko na 'yon para hanapin ang boyfriend ko. Sana naman ay nagpunta sila. Nasabihan ko naman na si Rosales kahapon palang na kailangan niyang dumalo sa birthday party ko dahil ngayong gabi ko na siya ipapakilala kay Kuya Samael pati na rin sa buo kong angkan.

Makakapasok naman siya rito dahil may invitation card siyang maipapakita. Hindi ko lang siya makita o mahanap dahil una, maraming dumalong bisita. Pangalawa ay dahil lahat ng mga tao rito ay nakasuot ng mga masquerade mask.

Hindi ko na lang din pinagtuonan ng pansin ang mga lalaki na ginamit din ang pagkakataon na lapitan ako habang wala si Kuya Samael. Ngiti lang ang ipinapakita ko sa kanila dahil ang iba sa kanila ay mga nagsasalita ng Italian at mismong si Tita Maribel na ang nakikipag-usap sa kanila.

"You look beautiful in your gown.."

Akma na sana akong maglalakad para hanapin si Rosales pero nahinto ako. Mabilis din akong napalingon sa isang bruskong boses na biglang nagsalita sa gilid ko.

He is a tall guy and I don't even know who he is. But it is noticeable that he is handsome even though he is wearing a masquerade mask. He has gray eyes. Bagay rin sa kanya ang suot niyang tuxedo at litaw ang pagiging makisig niyang nilalang.

"Ahm, Do I know you, mister?" I asked.

He smiled sweetly, "Actually, no. But it's nice to meet you, Ms. Ilaria. Just call me Luca." pakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan ko.

Ayoko namang magmukhang bastos sa harapan niya kaya kahit na nagtataka ako kung sino siya ay maagap ko pa rin na tinanggap ang kanyang kamay para makipag-shake hands sa kanya.

Ramdam ko ang pagiging malaki at magaspang ng kanyang kamay. Bahagya pa nga niyang pinisil ang kamay ko pero hindi ko na lamang pinansin iyon.

"Pwede ba kitang maisayaw?" tanong niya at nagulat naman ako dahil marunong siyang magsalita ng Tagalog!

I mean, sa lahat ng mga bisitang na-meet ko rito ay siya lang itong narinig kong marunong mag-Tagalog! Karamihan kasi sa mga bisita ay puro mga nagsasalita ng English, ang iba naman ay Italian kaya hindi ko sila maintindihan kapag kinakausap nila ako.

Mabuti na nga lang ay na-explain ni Kuya Samael sa kanila na hindi pa ako gano'n kahasa sa pag-intindi at pagsasalita ng Italian language sa kadahilanan na ang magulang namin ay mas pinokus kami sa pagsasalita ng English at Tagalog. Idagdag pa na ang mga kasambahay namin noon ay mga pinay. Hindi rin naman ako nag-take ng class para mapag-aralan ang foreign language.

"Wow, you know how to speak Tagalog. Ikaw lang ang bisita na narinig kong nagsalita ng Tagalog.." di-makapaniwala kong bulalas na ikinatawa niya ng mahina.

"To be honest, my mother is a pinay. That's why I'm half-Filipino and half-Italian." he said and smiled. Napa-ahh naman ako. Kaya pala marunong siyang mag-Tagalog dahil isang pinay ang nanay niya.

"So, pu-pwede ba kitang maisayaw?"

Nagtalo naman ang isipan ko. Sayaw? Gusto niya akong isayaw? Ito ang unang beses na may nagyaya sa'kin na isayaw ako. Mayroon naman na sumasayaw ng mabagal sa gitna kung saan mabagal din na nagpapatunog ang grupo ng mga instrumentalists.

"Sayang naman kung hindi ko maisasayaw ang magandang katulad mo. Ang ganda pa naman ng pinapatugtog ng orchestra. Huwag ka rin mag-alala, hindi naman ako masamang tao." salita pa ni Luca --- iyon kasi ang name na ipinakilala niya sa'kin kanina.

Tama siya, maganda ang pinapagtugtog mg orchestra ngayon. Mabagal lang ngunit ang sarap pakinggan sa tenga. Tinignan ko naman si Tita Maribel na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa mga bisita pero nasa tabi ko pa rin naman siya.

Wala naman sigurong mawawala kung pagbibigyan ko ang lalaking 'to na maituturing ko pa rin na estranghero. At saka ayoko naman mapahiya siya lalo na't mukhang napapansin ng iba na malapit sa gawi namin na niyaya niya akong sumayaw.

Sa katunayan nga niyan ay halos lahat ng mga bisita na narito ay ipinakilala ni Kuya sa'kin pero ang lalaking 'to? Ngayon ko palang siya na-meet. Isa kaya siya sa business partner ni Kuya Samael? Ewan, hindi ko alam.

"Yeah, s-sure. Pero pwede ba'ng saglit lang? May bisita pa kasi ako na kailangang asikasuhin.." sambit ko na ikinangiti niya ng malawak bago siya marahang tumango.

Nilahad niya ang kanyang kamay sa harapan ko kaya hinawakan ko 'yon at nagpunta kami sa gitna para sumayaw ng mabagal kasama ang iba na sumasayaw rin. Napunta na tuloy sa amin ang atensyon ng mga tao.

"Ka-business partner ka ba ng Kuya ko?" tanong ko habang sumasayaw kami. Wala naman sigurong masama kung itatanong ko 'yon.

Umiling siya, "I only know your brother. I also work with him." sagot niya.

"To be honest, I know you." sambit niya na nagpakunot sa aking noo.

"Really? How?" pagtataka ko.

Medyo nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa paraan ng tingin niya sa'kin. Halo-halo rin ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Pero ang higit na nakikita ko roon ay ang saya at matinding paghanga.

Para rin bang kilalang-kilala niya nga ako. Lumapad naman ang pagkakangiti niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang paghapit niya lalo sa aking beywang palapit sa kanya na ikinasinghap ko ng mahina. Ngayon ko nga lang din narealize na sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin.

But his smile gave me chills. The.. heck.

Hindi ko pinahalata sa kanya pati na rin sa ibang tao na pinapanood kaming sumasayaw na naiilang na ako sa kasayaw ko. Nakatingin na nga rin sa akin ang mga tauhan ni Kuya Samael na animo'y binabantayan ako.

"I know everything about you, Ilaria." tila may kahulugan niyang sabi sa'kin na lalong nagpakunot sa noo ko.

Habang tumatagal ay mas lalo akong kinikilabutan sa kanya. He's creepy. Dapat pala ay tinanggihan ko na lang siya at hindi ko siya pinagbigyan na isayaw ako kung ganito naman pala siya ka-weirdo.

"What d-do you m-mean?" utal kong katanungan pero hindi siya sumagot. Bigla na lang siyang huminto sa pagsayaw kaya pati ako ay nahinto rin. Iyon pala ay nakabalik na si Kuya Samael kasama si Kuya Palermo.

"I have to go." paalam niya at nabigla ako nang halikan niya ang likod ng aking kamay.

"Masaya ako na nasayaw kita. I'm glad I was able to get close to you and hear your voice even if it was just for a few minutes. Until we meet again. Happy birthday, my dearest one." aniya at doon ako literal na napako sa kinatatayuan ko.

My dearest one? The fudge!

Iisa lang ang tumatawag sa akin 'non! Walang iba kundi ang unknown number na panay ang text sa akin. Holy shit! Siya na ba 'yon?! Siya ang nagpapadala ng mga text sa'kin nitong mga nakaraang araw pati na rin ang mga bulaklak at tsokolate! Hindi ako pwedeng magkamali! Alam ko na siya 'yon!

"Hey, you okay?"

Parang nabalik naman ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Kuya Samael. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya at bakas ko sa kanya ang labis na pag-aalala. Wala na rin ang lalaking 'yon. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Ang bilis naman yata niyang mawala.

"E-Err, yes. I'm o-okay." utal kong sagot.

"I told you to stay with Tita Maribel. Why aren't you listening?" mahina niyang bulong sa akin bago niya ako hatakin paalis sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Dumiresto kaming dalawa patungo sa walang masyadong bisita.

"Sorry, Kuya. May nag-aya lang sa akin na sumayaw." pag-amin ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang nakasayaw ko ay ang nagte-text at nagpapadala sa akin ng mga bulaklak.

My ghad! Hindi ko alam kung stalker ko ba talaga siya o mayroon siyang balak na gawin sa akin. I also don't know if he is one of Kuya Samael's enemies. Pero isa lang ang nakakasiguro ko, hindi mapagkakatiwalaan ang taong 'yon.

"Nag-aya sa'yo na sumayaw? Who?" kunot-noong tanong ni Kuya. His voice became serious.

"I don't know. But his name is Luca. At siya rin 'yong nagte-text at nagpapadala ng mga bulaklak sa'kin. Siya 'yon, Kuya. Sigurado ako. He called me my dearest one like what he calls me in the text." kabado kong sagot kaya naman lalong nangunot ang kanyang noo.

Hindi na rin ako mapakali, hindi ko akalain na magagawa niyang makapasok dito sa Mansyon. Saan naman kaya siya nakakuha ng invitation card? Paano niya nagawang makapasok samantalang mahigpit naman ang seguridad?

"Fuck. Maybe that Luca is the one who sent a lot of flowers here. Maybe it's to divert my attention away from you so he can get closer to you." Kuya Samael said --- dahilan para magkasalubong ang dalawang kilay ko. Hindi ko rin siya agad na-gets.

"Ha? What do you mean, Kuya?"

He sighed, "Maraming dumating na mga bulaklak dito at ang sabi may nagpa-deliver para raw sa'yo. Kaya umalis ako saglit para i-check 'yon. It also includes many pictures of you that were obviously taken secretly. You have a stalker, my Ilaria. At sure ako na si Luca 'yon na tinutukoy mo." mahaba niyang sabi na nagpanindig balahibo sa akin.

Kaya siguro nakalapit sa akin ang lalaking 'yon? Gumawa nga siguro siya ng paraan para malihis sa iba ang atensyon ni Kuya Samael, para sa gayun ay makalapit ang Luca na 'yon sa akin? Marahil ay tama ang sinabi ni Kuya. Wala naman kasi talagang nagtatangkang lumapit sa akin mula pa kanina dahil nasa tabi ko si Kuya.

"Don't worry, hinding-hindi na ulit makakalapit ang gagong 'yon sa'yo. Pinasunog ko na rin 'yong mga bulaklak at mga pictures mo na padala 'nong hayop na Luca na 'yon." seryosong sambit ni Kuya.

"Teka, a-ano bang k-klaseng mga pictures 'yon, Kuya?" I asked nervously.

"That's not important, what's important is to find that fucking guy---"

"Please, Kuya. Tell me. A-Ano bang klaseng mga litrato 'yon?" putol ko sa sasabihin niya.

"Please, tell me." pagmakaawa ko na ikinabuntong-hininga niya ng malalim.

"Those pictures are taken every time you go out. May litrato na nasa clothing store ka, nasa flower shop at meron din na kapag sasakay ka sa kotse. He is obviously a stalker and follows you wherever you go." aniya na halatang napipilitan na sabihin sa akin 'yon.

Napalunok ako sa takot. Kung gano'n, stalker nga siya at maaari na may alam siya tungkol sa amin ni Rosales. One hundred percent akong sigurado 'don! Ang Luca na nga 'yon ang nagsabi sa'kin kanina na alam niya ang lahat. Kaya tiyak na alam din niya ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Rosales.

"Paano k-kung isa siya sa mga k-kaaway mo, Kuya? Paano kung hindi ko lang siya b-basta stalker?" hintatakot kong tanong na nagpa-igting sa panga ni Kuya Samael.

"Then I will kill him with my bare hands if he dares to do something bad to you." seryoso ngunit may diin niyang sagot.

Marahas akong bumuntong-hininga.

Hindi ko na tuloy alam ang uunahin kong gawin. Natatakot ako at kinikilabutan dahil sa Luca na 'yon. Paniguradong ang lalaking 'yon ang nagpadala na naman ng maraming mga bulaklak at may kasama pang mga litrato ko?! That guy is really my stalker! At nakakatiyak akong alam niya ang lahat sa akin. Alam niyang may nobyo ako, panigurado!

Tapos kailangan ko pang sabihin kay Kuya Samael 'yong tungkol sa amin ni Rosales. Hindi ko naman pu-pwedeng ipag-paliban iyon. Dapat ngayon palang ay masabi ko na kay Kuya na may nobyo na ako bago pa niya iyon malaman sa iba.

Sakto naman na may nahagip ang mata ko at nakita ko ang isang pamilyar na rebulto na papalapit na rito sa gawi namin. Si Rosales. Nakilala ko siya agad kahit na may suot-suot din siyang masquerade mask.

This is the right time. Sasabihin ko na.

Huminga ako ng malalim, "I have something to tell you, Kuya Samael."

His jaw clenched, "Not now,"

Akma sana siyang tatalikod pero mabilis ko namang nahawakan ang kanyang kamay para pigilan siya na huwag umalis. Nagsulputan naman sila Kuya Palermo kasunod sila Tita Maribel at Tito Avenido kaya tamang-tama lang ang pagdating nila. They should also know the truth.

"What's going on? Nakita ko na ang daming bitbit na mga bulaklak 'yong mga tauhan niyo? Kanino galing 'yon?" pagtatanong ni Tita Maribel.

Mas mabuti na rin siguro na huwag ko na lang tignan ang mga bulaklak at mga pictures ko na palihim na kinuhanan at ipinadala para sa'kin. Baka kilabutan pa ako lalo at mas makaramdam ako ng takot.

"Someone sent flowers for Ilaria. But that was from her stalker for sure. Ang dami ngang mga litrato ni Ilaria na halatang patagong kinuhanan." Ani Kuya Palermo.

"His name is Luca. He even danced with Ilaria earlier. Pero aalamin ko kung sino ang gagong 'yon at kung ano ba talaga ang kailangan niya kay Ilaria." seryosong saad ni Kuya Samael.

Tita Maribel gasped, "What the hell? The guy earlier? Stalker siya ni Ilaria?" bakas ko sa boses niya na hindi siya lubos makapaniwala.

"Teka, paano magkakaroon ng stalker itong kapatid mo samantalang hindi naman siya madalas lumalabas ng Mansyon? Nagho-homeschool nga lang siya eh," tanong pa ni Tita bago niya ako tignan.

"Wait, hija. Nakikipagkita ka ba o nakikipagkilala sa kung kani-kanino na hindi mo naman masyadong kilala? May pinagbibigyan ka ba ng number mo? Or are you using social media to let that guy know about you until he becomes your stalker?" sunod-sunod na katanungan ni Tita na ikinailing-iling ko naman.

"Hindi naman po ako mahilig gumamit ng social media. Hindi ko rin po basta-basta binibigay sa kahit kanino ang number ko.." sagot ko.

"Tsk, that doesn't matter. Ang mahalaga ay mahanap natin siya at alamin ang totoong pakay niya kay Ilaria. That guy, he didn't know who he was messing with." malamig na turan ni Kuya Samael na ikinalunok ko bigla.

Dahil sa pagsulpot bigla nila Tita Maribel ay kamuntikan ko nang makalimutan na may sasabihin nga pala ako sa kanila. Muli tuloy akong huminga ng malalim para makahugot ng lakas ng loob.

"Ahm, Kuya? May sasabihin ako. Please, makinig ka muna." mahinahon kong sabi.

"I said, not now." he said firmly.

Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"P-Pero mahalaga itong sasabihin ko.." sambit ko bago ako bahagyang napayuko.

"Ano bang sasabihin mo, hija? Sige na, sabihin mo na." wika ni Tito Avenido.

Nagsisimula ng mangatog ang buong katawan ko. Pinagpapawisan na rin ng malamig ang dalawa kong kamay subalit hindi na ako maaaring mag-back out. Lumunok pa muna ako at muling huminga ng malalim.

"M-May b-boyfriend na ako.." sa wakas ay nasabi ko na rin.

Napansin ko ang pagkagulat sa mga mukha nila Tita Maribel. Halata kong hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. Nahuli ko pa nga si Kuya Palermo na mabilis na napatingin sa gawi ni Kuya Samael.

Kung sila ay gulat na gulat, bakit wala man lang akong nakikitang kahit na anong reaksyon sa Kuya ko? Ni hindi man lang siya nagulat o nagalit nang sabihin kong may boyfriend na ako.

Mabuti na lang talaga ay walang masyadong bisita sa paligid namin. Kung meron man ay mangilan-ngilan lang at busy sila sa pakikipag-kwentuhan sa ibang mga bisita.

"Boyfriend? Kailan pa, hija? Bakit ngayon mo lang sa amin sinabi 'yan?" salita ni Tita Maribel after ng ilang minuto nilang pananahimik.

"Six months---"

"Let's talk about it after the party is over." I was about to speak but Kuya Samael cut me off.

Wala rin kahit na anong emosyon sa boses ni Kuya Samael. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ni hindi ko nga rin mabasa kung ano ang naglalaro ngayon sa isipan niya.

"Kuya---"

"Go to my office library, now." utos niya sa'kin. His voice was cold which gave me chills. Naging mabigat na rin ang atmosphere dahil sa awra niya ngayon.

"P-Pero, Kuya.. gusto ko na ipakilala sa inyo ang boyfriend ---"

"Didn't you hear what I said?" muling putol ni Kuya sa sasabihin ko.

"Go ahead, hija. Listen to your brother," saad ni Tito Avenido.

Nagtalo pa ang isipan ko. Ngunit kalaunan ay wala na akong ibang nagawa kundi sumunod at makinig na lamang.

Bago pa ako tumalikod ay nahuli ko pa ang boyfriend ko na hindi na nagawang makalapit dito sa gawi namin dahil sa hinarangan na siya ng mga tauhan ni Kuya Samael.

Naguguluhan na tuloy ako. If Kuya Samael wasn't even surprised or angry when I told him that I have a boyfriend, does that mean that he already knows about my relationship with Rosales?

#

Continue Reading

You'll Also Like

17.8K 412 82
Scorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have be...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
497K 19.4K 47
Matandang panot . . . Malaki ang tiyan . . . May gintong ngipin . . . 'Yan ang pagkikilala ng lahat sa isang ex-convict na si Xillian. But they are...