IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

880K 33.2K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 19

11.5K 509 164
By ImaginationNiAte

( photo not mine • cttro )

KABANATA 19:

Ilaria POV

          MABILIS lumipas ang oras at dumating na ang pinaka-hinihintay ko, ang aking kaarawan. Kinakabahan ako dahil ngayon na ang birthday ko at nakahanda na rin ang magaganap na party sa ibaba.

Kahit nga na narito ako sa kwarto ko ay nagagawa ko pa rin na marinig ang mabagal na tugtog na nanggagaling sa mga speakers sa labas. Naghahalo-halo na rin ang nararamdaman kong emosyon. Nae-excite ako na may halong kaba.

Tapos na rin akong ayusan ng mga kinuhang mga make-up artist ni Kuya Samael. Lahat ay naka-ready na at nakakasiguro ako na marami-rami na ang dumating na mga bisita na imbitado ngayong gabi. Paniguradong nasa ibaba na rin ang iba pa naming kamag-anak.

I took a deep breath before checking myself in the big mirror. Maganda at nagustuhan ko ang pagkaka-ayos sa'kin.

Light lang ang make-up ko dahil masquerade naman ang tema ng birthday party ko at hindi ko rin naman ibabalandara sa harap ng maraming tao ang aking magandang mukha.

Kinulot lang din ang mahaba kong buhok na talagang bumagay sa akin lalo na sa suot kong gown. At sobra talaga akong namamangha sa pinagawang gown ni Kuya Samael para sa'kin.

It's a red long sleeve draped gown that has a v-neck style and also has a slit in the front, kaya naman nakikita ang mahaba, makinis at mala-porselana kong legs. I also look elegant and sexy in this gown.

Hapit rin ito sa katawan ko kaya kitang-kita ang magandang kurba ng aking beywang. Sakto lang din ang taas ng takong nitong stilettos na suot ko dahil medyo matangkad naman ako.

Hindi rin ako sanay na magsuot ng ganitong klaseng gown at hindi ko rin naman kailangan na magsuot ng bongga at mamahalin na gown. Pero dahil si Kuya Samael ang naghanda ng lahat ng ito at siya rin ang nakaisip na bigyan ako ng engrandeng birthday party ay pinagbigyan ko na lamang siya sa kagustuhan niya.

It's also enough for me that I have a beautiful gown to wear that suits me too. Ewan ko ba rito kay Kuya Samael, talagang gumastos pa siya ng malaking halagang pera para lamang mapagawan lang niya ako ng gown na masusuot ko para sa birthday party ko.

After kong matignan ang sarili kong repleksyon sa harap ng salamin ay saka naman bumukas ang pinto. Niluwa 'non si Tita Maribel na maganda at ang elegante rin tignan sa suot niyang dress. Kahit na nasa mid-40's na ang edad niya ay parang mukha pa rin siyang bata.

Pinatili pa rin niyang maganda ang kanyang katawan. Kaya naman todo bakod sa kanya si Tito Avenido eh. Lumapit naman siya sa akin nang makita niyang tapos na akong ayusan at nakita ko sa kanyang mukha ang labis na pagkamangha. Talagang tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.

"Wow, you look gorgeous in your gown! You also look sexy but elegant and it suits you." namamangha niyang sambit dahilan para makaramdam ako ng hiya. Kulang na lang din ay pumalakpak pa siya sa harapan ko.

"S-Salamat po, Tita. Kayo rin po, maganda rin po sa suot niyong dress." I also praise her and she giggled softly.

"Hay naku! Binola mo pa talaga ako!" turan niya at mahina akong tinampal sa braso ko kaya natawa kami pareho.

Gosh, that's why I love her.

Talagang masasabi ko na close kami ni Tita Maribel. Hindi na kasi siya muling nag-buntis sa kadahilanan na maselan si Tita sa pagdadalang-tao. Ayon pa nga sa mga kwento niya sa'kin noon, ilang beses pa siyang nakunan bago sa kanila dumating si Kuya Palermo at malaki ang pasasalamat nila na nabiyayaan sila ng anak.

Akala pa nga raw nila ni Tito Avenido ay hindi na sila magkaka-anak, But they are thankful that God blessed them with a child and Kuya Palermo came into their lives. Subalit palagi kong naririnig dati kay Tita Maribel na pangarap niyang magkaroon ng anak na babae.

Pero dahil nga maselan si Tita at ilang beses ulit silang nag-try ni Tito Avenido pero wala talagang nangyayari. Kaya naman ako na ang tinuturing na parang anak na babae nila Tita Maribel at Tito Avenido. At sobrang swerte ko dahil mabait sila sa'kin.

"By the way, are you ready, hija? Everything is ready downstairs and everyone is waiting for you." she asked me excitedly.

Tumango-tango naman ako, "Yes, Tita. Medyo kinakabahan lang po ako," mahinahon ngunit kinakabahan kong sagot sa kanya.

She laughed, "Don't be nervous okay?Nagkalat na ang mga tauhan ng Kuya Samael mo sa buong Mansyon, para sa seguridad mo at para masigurong magiging payapa at maayos ang birthday party mo. Inutusan na rin nila Palermo at ni Avenido ang mga tauhan nila na magbantay at magmasid lang sa paligid." mahaba niyang turan.

Huminga ako ng malalim. Sana nga ay walang masamang mangyari at maging maayos sana ang party hanggang sa matapos ito. The party will only last until twelve o'clock midnight. For sure ang iba sa mga bisita ay hindi rin naman magtatagal sa party.

"Tatawagin ko na ang Kuya Samael mo, okay? Para masimulan na natin ang party," Ani Tita kaya tango lang ang isinagot ko sa kanya.

Oo nga pala, si Kuya Samael ang magsisilbi kong escort ngayong gabi. Lumabas na siya sa kwarto ko pati na rin ang mga make-up artist na nag-ayos sa'kin. Habang naghihintay ako ay muli kong tinignan ang sarili kong repleksyon sa salamin. Kuntento na ako sa ayos ko at maganda naman akong tignan.

Kusang napunta ang atensyon ko sa cellphone kong nasa study table ko nang marinig ko ang pag-beep nito. Ilang segundo pang nagtalo ang isipan ko kung kukunin ko ba 'yon para i-check kung sino ang nag-text, ngunit kalaunan ay kinuha ko pa rin ang phone ko at naglakas-loob na tignan 'yon.

I saw on the screen that I received a text message and it was from an unknown number who never stopped sending me text messages. The fuck. Bakit ba ayaw niya akong tigilan?

Hindi pa kasi ako nakakapagpalit ng sim card at kahit na ilang beses ko na bina-block ang unknown number na 'to ay panay pa rin ang pagte-text niya sa'kin gamit ang iba't-ibang number.

Tini-text niya ako na kung kumain na ba ako? Kung kamusta ang pagho-homeschool ko? Alam na alam din niya kung anong oras ako matutulog dahil kapag hihiga na ako sa kama ko ay magte-text siya sa'kin ng goodnight at pinupuri pa niya kung ano ang suot ko.

Hindi ko nga rin mapigilan na kilabutan ng bonggang-bongga dahil pakiramdam ko ay may matang nakamasid sa bawat galaw ko kahit na narito lang naman ako sa loob ng kwarto ko.

Nagre-reply rin naman ako sa number na 'to at tinatanong ko siya kung sino siya, pero wala. Wala siyang sinasabi. Kaya palaisipan talaga sa akin kung sino ito.

Nalaman na nga rin ni Kuya Samael na may nagpadala sa'kin ng bulaklak at tsokolate 'nong Huwebes. Sinabi ko naman sa kanya ang totoo na hindi ko alam kung kanino 'yon galing at wala rin akong ideya kung sino ang nagpa-deliver 'non.

Nagtanong din ako sa boyfriend ko pero wala siyang alam at mas lalong hindi rin daw siya ang nagpapadala ng mga bulaklak at tsokolate sa akin.

Kaya doon na ako naglakas-loob na sabihin kay Kuya Samael na may nagte-text sa akin mula sa hindi ko kilala at pinabasa ko rin sa kanya ang mga natatanggap kong mga text galing sa unknown number na 'yon.

Syempre siniguro ko muna na hindi niya mababasa ang mga text ng boyfriend kong si Rosales sa'kin dahil baka maisipan pa ni Kuya na tignan at basahin iyon.

Kahapon nga ay may nagpadala na naman sa akin ng bulaklak galing sa nagte-text sa'kin, pero pinapatapon ko lang iyon sa mga tauhan ni Kuya.

Kaya naman nagpa-imbestiga na si Kuya Samael para alamin kung sino ang nagpapadala sa akin ng bouquet of flowers at kung sino ba talaga ang nasa likod 'nong unknown number na 'yon.

May koneksyon si Kuya at hindi lang siya basta mayaman kaya magagawa niyang ipa-trace ang number na nagte-text sa akin para sa gayun ay ma-locate nila ang kinaroroonan ng taong 'yon. I sighed bago ko buksan ang text message para basahin ito.

From: Unknown Number
Saturday, Apr 29, 6:45 PM

'You look beautiful and sexy in your red long gown, Ilaria.'

Literal na nanindig ang balahibo ko nang mabasa ko 'yon. What the hell?! Paano niya nalaman kung ano ang kulay ng suot kong gown?! Shit, shit! Naniniwala na talaga ako na mayroon ngang nakamasid sa akin.

Pero hindi pa naman ako lumalabas ng kwarto ko kaya wala pang nakakakita sa suot kong gown --- except kina Tita Maribel at sa mga nag-ayos sa akin na make-up artists na nakakita sa kung ano ang ayos ko.

I looked around me. But I didn't see anyone else in my room. As in wala talaga akong kasama rito. Nakatayo lang ako habang hawak ko ang aking phone at tanging sarili ko lang naman ang nakita kong nag-iisa rito sa kwarto ko, wala ng iba pa.

Nag-beep ulit ang phone ko at binasa ko agad ang natanggap kong text galing sa bwisit na unknown number na ito.

From: Unknown Number
Saturday, Apr 29, 6:47 PM

'See you later, my dearest one. I can't wait to see you,'

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Don't tell me na pupunta siya sa birthday party ko? Isa kaya siya sa mga naging suitor ko dati? Jusko! Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung sino ba 'tong bwisit na nagte-text sa akin! Sana talaga malaman at ma-locate na nila Kuya Samael kung sino ito dahil pakiramdam ko ay may stalker na ako.

Napunta ang tingin ko sa pinto nang may kumatok bago ito bumukas. Pumasok si Kuya Samael at hindi ko naman mapigilan na mamangha sa kanya. The heck! Ang gwapo niya sa suot niyang black tuxedo! Bagay na bagay sa kanya at litaw rin kung gaano siya kakisig na nilalang. Tiyak na maraming mga babae ang maglalaway sa kanya mamaya 'pag nakababa na kami.

"Are you ready, my little kitty?" he asked before he stepped closer to me.

Napasimangot naman ako, "Can you stop calling me kitty? Ang baduy kaya!" asik ko na ikinahalakhak niya.

"Why not? Calling you my little kitty sounds better than amore mio." nakangisi niyang anas sa malanding boses kaya nairolyo ko paikot ang aking mata.

"Tsk, whatever. Basta ang baduy niyan!" pagsusungit ko na ikinatawa lang niya.

Hindi na talaga siya tumitigil sa kakatawag sa akin ng ganyan. Nag-iinit rin ang buo kong mukha kapag tinatawag niya ako ng kitty. Anong tingin niya sa'kin, pusa?

"Let's go, magsisimula ang party mo." pag-aya niya kaya tumango ako.

Iniwan ko na lang ang cellphone ko sa study table ko dahil hindi ko naman ito kailangang dalhin. Hindi ko na rin binanggit kay Kuya Samael 'yong pagte-text na naman sa akin 'nong unknown number na 'yon.

Kinuha ko ang masquerade mask ko na nasa kama lang bago kaming dalawa na lumabas ng kwarto ko. Nakita ko naman sa labas ng hallway ang mga nagbabantay na tauhan nila Kuya. Halos lahat sila ay nagkalat sa buong Mansyon para masiguro lang na walang makakapasok na kaaway.

At saka hindi rin naman basta-basta makaka-akyat dito sa second floor ang mga tao dahil bago pa man sila makatapak sa hagdanan ay tiyak na haharangan na sila agad ng mga tauhan ni Kuya. Masasabi ko na sobrang higpit ng seguridad, para na rin sa kaligtasan ko at pati sa mga bisita.

Bago kami makalapit ni Kuya sa hagdan ay huminto siya sa paghakbang kaya pati ako ay nahinto rin. Tinignan ko siya na may pagtataka sa aking mukha. Nakatingin lang din siya sa akin at matamis na ngumiti.

"Why? May mali ba sa mukha ko?" taka kong tanong. Grabe kasi siya makatitig sa'kin.

Umiling siya, "No, I forgot to wish you a happy birthday."

Kinunutan ko siya ng noo. Ano ba'ng pinagsasabi niya? Nakalimutan na ba niya na siya itong unang bumati sa akin ng happy birthday? He greeted me at exactly twelve o'clock while carrying the cake. Pumasok siya sa kwarto ko at gising pa ako 'nong mga oras na 'yon dahil sa tinatapos ko ang mga homework ko.

Siya pa nga mismo ang nag-bake ng cake na 'yon at hindi ko pa malalaman na siya ang nag-bake 'non kung hindi pa sa'kin nabanggit ni Manang Aming kanina. Syempre, natuwa naman ako dahil sinopresa ako ni Kuya, idagdag pa na pinag-bake pa niya ako ng cake.

Kaya pala wala siya kahapon sa office library niya habang nagtu-tutor sa'kin ang boyfriend ko. Inakala ko pa na kaya siya wala dahil sa ayaw niyang makita ang boyfriend ko dahil sa nangyaring tensyon sa kanilang dalawa 'nong isang araw, iyon pala ay ang pagbe-bake ang pinagkakaabalahan niyang ginagawa kahapon.

"And I just want to tell you that you are beautiful. The gown you are wearing is perfect for you. You are so amazingly and stunningly gorgeous, my Ilaria. You are elegant but lovely. You have a magnificent beauty and girls will surely envy you when they see you," he said sincerely and his eyes were full of happiness and amazement.

I also see that he was impressed with me and the way he looked at me? It's like I'm the most beautiful woman he's ever seen. His eyes sparkled while his sweet and attractive smile was plastered on his lips. Pinamulahan naman ako ng mukha.

Shit! Ang gwapo talaga! Nakakainis!

"Sorry but we have to hide your beauty. Baka bukas bigla na lang may dumagsang manliligaw sayo kapag nakita nila ang kagandahan mo," wika niya kaya natawa ako.

Kinuha niya sa'kin ang masquerade mask ko at hinayaan ko na siya ang maglagay 'non sa aking mukha. Kulay gold itong mask at maganda rin ang pagkaka-desinyo nito. Tanging mata ko lang naman ang natatakpan. After niyang masuot 'yon ay sinuot na rin niya ang kanya at kulay gold din ito kagaya ng sa akin.

"Shall we, my kitty?"

Tinawanan niya ako nang mahampas ko siya sa kanyang matigas at matipunong dibdib. Pasalamat siya, gwapo siya! Naku, kung hindi ko lang ngayon birthday ay baka nabatukan ko na rin siya. Kuya Samael took my hand and put it around his big and muscular arm.

Nginitian ko lang siya bago kaming dalawa naglakad ulit papunta sa hagdan. Kumakabog naman ng sobrang lakas ang puso ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement.

Maya-maya lang ay nakita ko na sa ibaba ang mga bisita na may kanya-kanyang ginagawa. The heck! Ang daming mga dumalong bisita ngayong gabi! Hindi na muna kaming dalawa bumaba, bagkus ay sumilip muna kami kung ano ang mga nangyayari sa ibaba.

Doon ay nakita ko na mayroong umiinom ng champagne, meron namang nakikipag-kwentuhan sa iba. At dahil masquerade ang tema ng birthday party ko kaya lahat ng mga bisita ay naka-suot din ng mga mask na tanging kalahati lang ng mukha nila ang natatakpan.

Ang gaganda rin ng mga suot nilang damit, halata ko na naghanda rin sila para sa pag-attend ngayong gabi sa birthday party ko at kitang-kita ko rin agad na mayayaman sila base na rin sa mga suot nilang outfit at ang mga alahas sa kanilang katawan.

Malawak din ang Mansyon namin at mas lumawak pa 'yong sala dahil inayos iyon. Nilagay muna ang mga sofa at ibang mga gamit sa isang kwarto para hindi makasagabal at mas makagalaw ng maayos ang mga bisita.

The arrangement of my birthday party is also elegant to look at. Hindi ito tulad ng ibang party. Para itong party ng mga mayayaman na malamya lang na kumilos ang mga tao at mayroon pa'ng tumutugtog na mabagal galing sa iba't-ibang klaseng instrument sa maliit lang na entablado na nasa gilid lang ngunit nagagawa pa rin silang matanaw ng mga tao.

Wow! Everything looks classy and sophisticated. Nakita ko rin na mayroong nagse-serve ng mga wine sa mga bisita. May pa-catering pa! Hindi ko akalain na talagang pinaghandaan itong birthday party para sa'kin.

Ang mas nakadagdag sa kagandahan ng paligid ay ang malaki at mamahalin na chandelier na nakasabit sa kisame pati na rin ang mga palamuti para gawing design na nasa iba't-ibang bahagi nitong Mansyon. I also had a huge cake and I can say that everything was well prepared.

"Wow.. this is insane, Kuya.." mahina kong bulalas ngunit alam kong narinig pa rin 'yon ni Kuya.

He smiled and kissed my hand.

"This is your first birthday party, kaya dapat lang na mapaghandaan ito ng maayos para sa'yo. Just like what I said, I will do everything to protect you and give you everything you want." he said.

Pinigilan ko rin ang sarili ko na huwag mapanganga dahil sa labis na pagkamangha. Tama rin siya, ito ang kauna-unahang beses na nagkaroon ulit ako ng birthday party dahil nga hindi talaga ako mahilig sa mga party na 'yan.

Mas prefer ko pa nga na mag-celebrate ng birthday ko na simple lang pero magkakasama kami. Ang first birthday party ko ay 'nong bata pa ako, iyon din yung time na kamuntikan na akong ma-kidnap.

Hindi rin naman kasi ako maluhong babae kahit pa na sabihing mayaman kami. I'm not a spoiled brat even though I can get what I want. Hindi ako tulad ng ibang babae na mahilig sa mga materyal na bagay. But because I have an older brother who is kind, unselfish and indulgent, he can give me all the things I want that I don't ask for from him.

He also knows that I'm not extravagant and fond of material things, but he still gives me everything, especially things that girls like, such as clothes, shoes and bags.

"How is it? Nagustuhan mo ba?" he asked.

"Yup, nagustuhan ko. Ang g-ganda nga eh." sagot ko, "Pero Kuya.. baka ma-spoiled ako nito dahil sa'yo." biro ko pa na ikinatawa niya ng mahina.

"Well, that's good. It's better that I spoil you and give you what you want. Mas gugustuhin ko pa na mag-buhay reyna ka sa'kin. You deserve it, my Ilaria. You deserve to be happy," aniya sa mahinahong boses pero bumuntong-hininga ako.

"Pero Kuya.. parang ang laki yata ng nagastos mo nito para sa birthday party ko. Paano kung maubos ang pera mo?" nag-aalala kong sabi.

I mean, napaka-generous na tao si Kuya Samael pero paano kung sa kakagastos niya para maibigay ang mga gusto ko ay maubos naman ang pera niya kahit pa sabihin na sobrang yaman niya?

Of course, he is one of the top billionaire tycoons. He is one of the richest, smart and hardworking businessmen in the world. He got the handsome face, money, power and fame. And I know him. He always gets what he wants.

That's why many people fear him and respect him a lot, lalo na 'yong mga negosyante na kagaya niya. Many girls fall for his charm. Even though he is a man, he also has many secret admirers. Girls are fighting over him, they compete for him and want him to be their boyfriend. Pero paano na lang kung ako ang maging dahilan para maghirap siya?

"Baka maging mahirap ka dahil sa'kin.." nababahala kong turan kay Kuya Samael.

He laughed, "That doesn't matter to me. What is important to me is that I can give everything for you and to make you happy. All I want is your happiness,"

"Don't worry too much, my kitty. I don't care if my money runs out. What matters is you." nakangiti niyang saad kaya nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Let's go downstairs, the guests have been waiting for us. Sabik na rin ako na ipakilala sa kanila ang pinakamagandang binibini sa buhay ko," aniya kaya natawa ako.

"Corny mo!" singhal ko na nagpatawa lang din sa kanya.

Pababa palang kami ni Kuya Samael sa hagdan ay napunta na agad sa'min ang atensyon ng mga tao. As in lahat sila ay nakatingala rito sa itaas at pinapanood kaming makababa. May iba na namangha at meron namang mga magbulong-bulungan. Kung tignan nila kami ay para kaming isang royal couple.

"Do you see how they look at you? They are full of admiration and envy because you are beautiful," he whispered.

Tinignan ko naman ang mga babae na ngayon ay nakatingin na rin sa'kin. They were also whispering to each other. Marahil nagtataka sila kung sino ako.

"Pero maganda rin naman sila.." bulong ko pabalik kay Kuya.

"Tsk, Maybe they are beautiful too, but you are still more beautiful than them." he said--- reason for me to smile widely.

Kuya Samael didn't let me trip or fall while we were going down the stairs. Kung makaalalay nga siya sa'kin ay para akong isang mamahalin na gamit. Nang makababa na kami ni Kuya ay saka lumapit sa kanya ang organizer para iabot ang microphone sa kanya.

"Good evening, ladies and gentlemen. Thank you to those who came tonight to celebrate with us the most important day of the most beloved and important woman in my life.." panimulang salita ni Kuya Samael gamit ang microphone kaya rinig na rinig ng lahat ang malalim niyang boses.

Hindi rin nakaligtas sa'kin kung paano tumingin ng malagkit ang mga babae sa kanya. Hindi na ako magtataka, alam naman nilang lahat kung sino ang nagsasalita at kahit pa na may suot na masquerade mask si Kuya Samael ay litaw pa rin ang pagiging makisig at attractive niya.

Ang mga lalaki naman ay nakatingin din sa'kin at wagas kung makangiti. Ang iba ay nahuli ko pa na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Maybe I look really sexy in my gown? Idagdag pa na meron akong magandang hubog na katawan at litaw 'yon sa suot kong gown.

Kuya Samael pulled my waist closer to him, "I want to introduce you to the only woman in my life, my beautiful younger sister who turned twenty years old today." dagdag niyang sabi at tinignan ako.

"I want you to know that this lady standing next to me is undeniably glamorous, fascinating and attractive in my eyes. She is one of a kind. She is warm-hearted, affectionate, intelligent and compassionate.." aniya habang mariin na nakatitig sa akin.

"And if you could just see how beautiful she is behind her mask, for sure many boys will drool and admire over her beauty. She has all the characteristics that men are definitely looking for. But I'm sorry boys, you have no chance with her and I will not let you court her. I'm warning you right now, distance yourself if you don't want to die early at my hands.."

Dahil sa huli niyang sinabi ay nagtawanan ng mahina ang mga tao pati na rin sila Tita Maribel. Mahina ngunit patago ko namang kinurot si Kuya Samael sa braso niya pero parang hindi naman siya nasaktan. Subalit mukhang hindi nagbibiro si Kuya sa mga sinabi niya dahil seryoso siya.

Jusko! Ang dami niya pang sinasabi! Pero infairness, hindi ko mapigilan na mapangiti at makaramdam ng kaonting kilig dahil grabe siya makapuri sa akin. Mabuti na lamang ay may suot akong mask kaya walang makakakita kung paano ako pamulahan ng mukha.

"And I am proud to introduce to all of you tonight the most stunning and gorgeous woman who is more important to me than anything or anyone. Ilaria Lazarus." he introduced me to everyone so the guests started clapping their hands.

Ngumiti lang ako sa kanilang lahat. Natanaw ko rin sila Tita Maribel pati na rin ang iba pa naming kamag-anak na wagas kung makangiti sa akin. They also clapped their hands and I could see that they were happy that Kuya Samael finally introduced me to our guests but they didn't know what I looked like because I was wearing a masquerade mask.

Hindi rin naman kasi papayag si Kuya Samael na may makaalam at makakita kung ano ang hitsura ko. Naiintindihan ko naman siya dahil nag-iingat lang si Kuya. Ngayon ko nga lang narealize na kami lang pala ni Kuya Samael ang nakasuot ng kulay gold na masquerade mask habang ang iba ay kulay itim at may kulay puti na bumabagay sa kanilang suot na damit.

My long wait is over. Masasabi ko na rin kay Kuya Samael mamaya ang tungkol sa sekreto ko --- ang tungkol sa aming dalawa ni Rosales. Buo na talaga ang desisyon ko at naipon ko na rin ang lakas ng loob para masabi ko mamaya sa kanya ang buong katotohanan --- na may nobyo na ako.

#

Continue Reading

You'll Also Like

350K 10.9K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
286K 15.6K 39
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
671K 18K 46
Aztic Damein Brunswick Luneburg is a Sniper in MAFIA'S ORGANIZATION. Some people known him as Lightning Axelium. He is a prince, a male ruler of a fi...
7M 141K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...