IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

889K 33.5K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 18

11.3K 493 193
By ImaginationNiAte

KABANATA 18:

Ilaria POV

          KAHIT papaano ay matiwasay naman na natapos ang pagtuturo ni Rosales sa'kin kahit na nagkaroon ng tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Kuya Samael kanina. Halos ilang oras din akong nakaupo sa kandungan ni Kuya habang nagtuturo sa harapan ang boyfriend ko.

I can't help but feel awkward! Kuya Samael doesn't let me leave his lap, kahit pa na ano ang gawin ko. My goodness! Ni hindi man lang siya nangalay o nabigatan sa'kin kahit ang tagal kong nakaupo sa kanyang kandungan. Hindi tuloy ako masyadong makapag-focus sa pagtu-tutor ni Rosales sa'kin kanina.

Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nitong kapatid ko at kung bakit kakaiba ang inaakto niya ngayon. Parang ang init talaga ng ulo niya sa boyfriend ko.

Nagpaalam din naman agad si Rosales kaya hinatid na siya ng dalawang tauhan ni Kuya Samael palabas ng Mansyon. Nang makaalis na siya ay saka ko namang kinompronta si Kuya. Syempre siniguro ko munang nakasarado ang pintuan dito sa office library niya para walang makarinig sa pag-uusapan naming dalawa.

"Why did you do that, Kuya?" kunot-noong tanong ko.

Even though I was annoyed by what he did earlier, I still tried to keep my voice calm. He just stayed sitting in his swivel chair and was busy typing on his laptop. Sadya naman kasi talaga na mali ang ipinakita niyang ugali kay Rosales kanina. Halata naman na napahiya 'yong tao. Hindi man lang niya pinansin ang boyfriend ko 'nong magpaalam ito sa kanya na aalis na.

"Did what, amore mio?" he asked and he acted like he didn't do anything earlier.

Talagang nagmaang-maangan pa siya. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil ang atensyon niya ay nasa monitor ng kanyang laptop habang abala sa kakapindot ang mga daliri niya sa keyboard.

"What you did to my private tutor earlier was wrong. Napahiya si Mr. Marcello sa ginawa mo. You even made me sit on your lap when there was a chair that I could sit on. Ano na lang ang iisipin 'nong tao sa atin?" may bahid na inis kong sabi sa kanya.

He stopped typing on his keyboard. Finally he raised his head to look at me. His deep, dark eyes looked directly into my eyes, causing me to gulp. Napaka-seryoso rin ng kanyang gwapong mukha. Sa paraan ng pagtitig niya sa'kin ay parang bang may nagawa akong mali sa kanya.

"Then I don't care what he thinks about us. He is just your private tutor, nothing else." he said in a serious voice.

"Pero Kuya naman! He didn't do anything wrong for you to act like that earlier. It's like you're underestimating him with the words you were saying to him. Yes, he is just my private tutor, but at least his work is clean, dignified and decent --- and he does his job well." mahaba kong sabi na nagpakunot sa noo niya.

Ayoko naman na mag-mukhang walang kwentang girlfriend kung hindi ko man lang ipagtatanggol si Rosales sa Kuya ko. Pero hindi sumagot si Kuya Samael, bagkus ay tumayo siya at umikot sa kanyang desk. Ilang saglit lang ay nasa harapan ko na siya habang nakapamulsa siya sa suot niyang pants.

Hindi rin nakaligtas sa'kin kung paano gumalaw ang kanyang panga at seryosong nakatitig sa'kin. He leaned down on his desk while tapping his fingers on it as well.

"Are you defending him, amore mio?" he asked while one of his eyebrows was raised.

"Yes. I'm defending him because he's my private tutor and he's just doing his job as my tutor." matapang at taas-noo kong sagot sa kanya.

He smirked, "Really? Private tutor?"

Huminga ako ng malalim at saglit na napapikit ng mata. Pilit ko rin pinapakalma ang sarili ko at baka kung ano pa ang masabi ko. Kapag hindi ako nakapagtimpi, baka ito na rin ang kauna-unahang beses na magtalo kaming dalawa.

Ayoko pa naman na magkaroon ng lamat ang pagiging magkapatid naming dalawa. Ayoko na mag-away kami kaya hangga't maaari ay pinipilit ko ang sarili ko na maging kalmado.

I opened my eyes and looked at him, "How about you? Did he do something wrong to you to make you act like that earlier?" I asked firmly.

"Yes," he answered without hesitation.

Nangunot naman ang noo ko, "Ano naman 'yon?"

"He is stealing something from me that is very important to me," wika niya kaya lalong nangunot ang noo ko sa pagtataka.

May ninakaw ang boyfriend ko sa kanya na importante sa kanya? Ano naman kaya 'yon? Kaya ba gano'n na lang kainit ang ulo niya kanina kay Rosales?

"Stealing what?"

"You,"

Napatameme ako sa isinagot niya. Hindi ko rin inaasahan na 'yon ang isasagot niya sa'kin. Me? Rosales is stealing me from him? The.. fuck? I'm confused. Masyado rin akong slow kaya hindi ko agad na-gets ang ibig sabihin ni Kuya Samael. Marahas na lang tuloy akong napabuntong-hininga.

"What is mine is mine alone, my little kitty." he said that without stuttering ---his voice became deeper as he looked at me intently.

"Oh fuck, I love how I call you like that. My kitty. Mhmm, sounds better than what I used to call you." he added and his voice became husky with sexiness.

His eyes darted from my eyes to my lips. I don't know why my knees suddenly turned to jelly. Nanghihina ako, para akong mawawalan ng lakas dahil lang sa pagtitig niya sa labi ko. The way he looks at me, it's like he saw a delicious meal.

Tumikhim ako, "Aakyat na ako sa kwarto ko," paalam ko dahil mukhang wala namang patutunguhan itong pag-uusap namin. Saka mukhang wala rin siyang balak na humingi ng sorry kay Rosales kahit pa siguro pilitin ko siya na mag-sorry.

Before I could turn my back on him, he immediately grabbed my arm. Malakas akong napasinghap nang hapitin niya ako palapit sa kanya na ikinabigla ko naman hanggang sa naramdaman ko na lang na nakakulong na ako sa braso niya.

Ngunit ang nagpalaki sa dalawa kong mata ay ang kamuntikan na kaming mag-kiss! My goodness! Our lips almost touched dahil sa napalakas ang pagkakahatak niya sa'kin ngunit hindi naman ako nasaktan sa paghatak niya.

"M-May sasabihin k-ka pa b-ba, Kuya?" nagkautal-utal kong katanungan sa kanya.

He smiled, "Yes. I just want to tell you that you forgot something," he whispered in my ear.

Para naman akong naestatwa rito sa kinatatayuan ko at hindi rin ako makagalaw nang maramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. He was also starting to sniff my neck which caused me to feel weak.

Ghad, what is happening to him? Kung makaamoy naman siya sa leeg ko ay para siyang isang bampira. And dang! This is one of my weaknesses!

Napalunok ako, "Err.. a-ano naman 'yon?"

"Kiss, my kitty. You forgot to kiss me,"

Kiss? Agad ko naman na-gets ang ibig niyang sabihin. Palagi nga pala akong humahalik sa kanyang pisngi. Iyon siguro ang tinutukoy niya. Nag-init naman ang buo kong mukha dahil sa kitty na 'yan na tinatawag niya sa'kin.

I was suddenly electrified when I felt his soft lips on my neck. Saglit lang naman 'yon bago siya tumigil. Dahil sa ginawa niya kaya hindi na ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Halos pigilan ko na rin ang paghinga ko dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

He clenched his jaw and I saw in his eyes that he wanted to do something to me that I don't know what it was, but he was just restraining himself.

"So, where's my kiss?" he asked and he was waiting for my kiss.

"O-Okay.." I stammered and I quickly gave him a peck kiss on his cheeks.

Hindi ko na lang din pinansin pa ang puso kong labis na nagwawala. Hindi ko maintindihan kung bakit na lang ganito kalakas ang tibok ng puso ko. Marahil ba sa kaba? 'O sadyang abnormal na itong puso ko?

This is also the first time I was nervous in front of Kuya Samael. I also noticed something strange in his eyes. Para bang puno ito ng pagmamahal at labis na pagkamangha. I don't even understand myself sometimes, it's like I want him to hold me so close to him and I always felt safe in his arms.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone niya. It was just on his desk so it was easy for him to get it. He didn't bother to check the caller ID, he answered the call with his arm still around my waist.

"What do you need?" seryoso niyang bungad sa kabilang linya.

Ilang minuto pa siyang hindi nagsalita, dahil siguro sa pinapakinggan niyang mabuti ang sinasabi 'nong nasa kabilang linya habang ang tingin ni Kuya ay nananatiling nasa akin.

He didn't dare to take his eyes off me. Medyo malakas din ang pagdinig ko at naririnig ko kaonti na ang kausap niya ay isang lalaki. Hindi ko lang alam kung sino 'yon.

"Okay, papunta na ako." after he said that, he hung up the call.

"Sino 'yong tumawag?" curious kong tanong.

"One of my men. Nagkaroon lang daw ng problema sa Vercetti Club." sagot niya.

Hindi naman lingid sa aking kaalaman kung ano ang Vercetti Club na 'yan. Pagmamay-ari 'yon ni Kuya Samael. Never pa akong nakapunta roon, pero sa pagkakaalam ko ay hindi naman ito tulad ng ibang maduduming club na mayroong mga nagsasayawan na mga babae sa entablado para magbigay aliw sa mga parokyano.

"I just have something to take care of. Go to your room," utos niya.

Tumango na lamang ako. Humalik lang siya malapit sa gilid ng labi ko bago siya tumayo at binitawan na rin ako sa wakas. Sinundan ko na lang din ng tingin si Kuya nang nauna na siyang lumabas sa office library niya. Nang makalabas siya ay saka ako malalim na napabuntong-hininga.

Sinimulan ko na rin na ligpitin ang mga gamit kong nagkalat sa office desk niya bago ako nagpasyang magtungo sa kwarto ko. Kakausapin ko pa ang boyfriend ko para humingi sa kanya ng sorry sa inasal ni Kuya Samael kanina.

Siniguro kong naka-lock ang pinto nang makapasok ako sa kwarto ko. Pagkalapag ko ng mga gamit ko sa study table ko ay saka ko kinuha ang cellphone ko at dali-daling dinayal ang numero ni Rosales. Nakaka-ilang ring palang 'yon nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hey, princess. Napatawag ka?" I heard him on the other line. My heart broke a little when I heard the sadness in his voice.

He is also not jolly unlike before every time we talk on the phone. He is spiritless now and I can be sure that it is because of what happened earlier and what Kuya Samael said.

"Hi, I was called to check if you are okay."

I heard his weak laugh, "I'm fine, don't worry."

Saglit ko namang nakagat ang ibabang labi ko. Talagang kumikirot ang puso ko dahil sa nangyari kanina. Ako ang nasasaktan para sa kanya.

"Sorry pala sa inasal ni Kuya Samael kanina," paghingi ko ng paumanhin. Saglit pa muna siyang hindi nakasagot.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry sa'kin, okay? Wala ka namang kasalanan." sagot niya bago siya marahas na bumuntong-hininga.

"Kung hindi ko nga lang alam na magkapatid kayong dalawa ay baka naisip ko na may gusto 'yang Kuya mo sa'yo. Ako ang boyfriend mo, pero kung kandungin ka niya at makapulupot ang braso niya sa beywang mo ay parang dinaig pa niya ako." salita niya pa at mapaklang tumawa.

This time ay ako naman ang natigilan. Si Kuya Samael? Hindi ko tuloy mapigilan na matawa sa isipan ko. That's impossible. Magkapatid kaming dalawa kaya hindi magkakagusto si Kuya sa'kin. Saka sobrang mali at isang malaking kasalanan 'yon.

I sighed, "Pagpasensyahan mo na muna si Kuya Samael. Gano'n talaga ang ugali 'non. Ako na rin ang humihingi sa'yo ng sorry sa inasal at mga sinabi niya sa'yo kanina."

"I told you that you don't have to say sorry. It's not your fault, okay?" malambing niyang turan kaya napangiti ako.

"Anyway, nakauwi ka na ba?" I asked.

"Not yet. I'm going to the bar right now to meet my old classmates. We have a reunion tonight, princess. Okay lang ba 'yon sa'yo?"

Natawa ako ng mahina, "Bakit parang nagpapaalam ka pa sa'kin?"

"Syempre, dahil girlfriend kita. Baka kasi magalit ka kapag nagpunta ako sa bar at uminom ng alak na hindi nagpapaalam sa'yo." aniya kaya muli akong natawa.

"Well, reunion niyo naman 'yan eh. Edi mag-enjoy ka. Huwag ka lang masyadong magpakalasing dahil magmamaneho ka pa at umuwi ka rin agad," sagot ko.

"Masusunod po, maganda kong Captain!" he answered so enthusiastically that we laughed together.

"And about pala sa invitation card mo. I saw it in my bag. Ikaw ba ang naglagay 'non?"

Naalala ko naman 'yong ginawa ko kanina. Nilagay ko sa bag ng boyfriend ko ang dalawang invitation card at sinamantala ko 'yong pagkakataon na lumabas si Kuya Samael sa office library niya dahil kinausap niya saglit ang mga tauhan niya. Habang ang boyfriend ko naman na si Rosales ay abala sa pagche-check ng papel ko dahil nagpa-short quiz siya kanina.

"Yup, ako ang naglagay niyan sa bag mo. Yung isa para sa'yo, habang ang isa ay para kina Mrs. Marcello."

"Tiyak na matutuwa sila Mommy kapag nalaman nilang inimbitahan mo rin sila sa birthday party mo. But I'm not sure kung makakapunta ba sila," he said.

"That's okay with me. As long as hindi ko sila nakalimutan na imbitahan." sagot ko.

Ilang saglit pa kaming nagkwentuhan ni Rosales at kalaunan ay nagpaalam na rin siya dahil kailangan pa niyang dumalo sa reunion nila ng mga dati niyang kaklase. Matapos niyang magpaalam at patayin ang tawag ay nilapag ko lang ang phone ko sa study table ko.

Mabuti na lang talaga ay hindi nagalit ang boyfriend ko sa ginawa ni Kuya Samael kanina. Pasalamat na lang ako na mabait siya at mahaba ang pasensya. Nagawa nga niyang kontrolin ang sarili niya kahit na alam kong nakaramdam siya ng inis sa mga binitawang salita ni Kuya sa kanya kanina sa office library.

Kung alam lang ni Kuya na boyfriend ko ang private tutor ko at mayroon din silang negosyo. Hindi naman sila gano'n kayaman kagaya namin, pero at least may marangal silang trabaho lalo na ang negosyo na mayroon ang pamilya ni Rosales.

Huminga ako ng malalim. Nakakapagod ang araw na 'to kahit na ang ginawa ko lang naman ay maupo sa kandungan ni Kuya habang nakikinig ako sa tinuturo ng gwapo kong boyfriend slash private tutor ko. Grabe, hindi ko talaga mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak ni Kuya at kung bakit niya ginawa 'yon.

I also assume that he might already know something about the relationship between me and Rosales. Pero kung may alam na sana siya, edi sana nagtanong na si Kuya Samael kung may namamagitan ba sa aming dalawa ng private tutor ko.

He should have confronted me and scolded me if he knew the truth. Pero wala eh. Kaya nasa isip ko na baka wala pa siyang alam at sigurado rin naman ako na hindi sasabihin ni Manang Aming sa kanya ang tungkol sa'min ng boyfriend ko.

I just let out a deep sigh. Kailangan ko pa palang hanapin 'yong nawawalang papel na nakasiksik lang naman sa libro ko pero nakapagtataka na bigla na lang itong nawawala. Sana naman ay nalaglag lang iyon dito sa kwarto ko. Malas ko na lang kung nalaglag 'yon kaninang umaga habang pababa ako sa hagdan. Talagang malilintikan ako nito.

I was about to turn around when I heard my phone beep. Kinuha ko naman agad ang cellphone ko para i-check kung sino ang nag-text. Subalit nagkasalubong naman ang kilay ko sa pagtataka nang makita kong nakatanggap ako ng text message galing sa unknown number.

From: Unknown Number
Thursday, Apr 27, 6:45 PM

'I love to look at you from afar. But you're really more beautiful up close. You're mine, my dearest one.'

I read the text from an unknown number, but the heck? Sino naman kaya itong nag-text sa akin? Hindi ko ito kilala at mas lalong wala naman akong ibang tao na pinagbibigyan ng cellphone number ko. Bukod 'kina Kuya Samael, sa iba kong kamag-anak at sa boyfriend ko ay wala nang ibang nakakaalam sa number ko.

Ilang minuto tuloy akong nakatitig sa screen ng phone ko dahil palaisipan sa'kin kung sino itong nag-text sa'kin. Hanggang sa narinig ko ang pag-beep na naman nito at may natanggap ulit akong panibagong text galing sa numero na 'yon.

From: Unknown Number
Thursday, Apr 27, 6:49 PM

'Are you wondering who I am?'

The.. fuck? Nakaramdam tuloy ako ng matinding takot at kaba. I was about to type on my phone para makapag-reply at tanungin kung sino man itong nagte-text sa'kin nang marinig kong may kumatok sa pinto.

Binuksan ko naman agad ang pinto at bumungad sa'kin si Manang Aming na may bitbit na bouquet of flowers at chocolates. Para kanino naman kaya 'yon?

"May nag-deliver nito, hija. Ang sabi para raw sa'yo," aniya. Inabot niya sa'kin ang bulaklak at mga tsokolate kaya wala akong nagawa kundi tanggapin ito.

"Ho? Para sa'kin? Sinabi po ba kung kanino raw po galing?" taka kong tanong.

Nagkibit-balikat naman si Manang, "Hindi ko alam, hija. Wala namang card na nakalagay. Hindi rin naman daw alam 'nong nag-deliver kung sino ang nagpapabigay basta para raw ito sa'yo," wika niya na nagtataka.

"Baka naman galing 'yan sa boyfriend mo?" tanong niya pero hindi ako nakasagot.

Galing kay Rosales? Pero imposible naman 'yon dahil kahit na binibigyan ako ng bulaklak ng boyfriend ko ay never naman siyang nagpadala ng bouquet of flowers sa'kin dito sa Mansyon dahil alam niya na baka malaman ni Kuya Samael ang tungkol sa aming dalawa.

Kilala ko pa naman ang Kuya ko at magpapa-imbestiga pa talaga 'yon para malaman lang kung sino ang nagpapadala sa'kin ng mga bulaklak. Kaya nga marami ang tumitigil sa pag-akyat ng ligaw sa'kin dahil takot sila sa Kuya ko.

Saka sinabihan ko na rin 'nong una palang si Rosales na huwag siyang magpapa-deliver ng kahit na ano rito sa bahay namin, mapa-bulaklak man iyon o tsokolate. Kaya naman hindi ko maiwasang mapaisip.

Kanino kaya galing ito?

My phone beeped again so I immediately checked it and saw that I received a text message again from that unknown number.

From: Unknown Number
Thursday, Apr 27, 6:54 PM

'Did you receive the flowers and chocolates? That's for you, Ilaria. I hope you liked it. Remember that I am always here for you, watching over you even when you're far away. Even if you're in your own room, my dearest one.'

Tuluyang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang mabasa ko ang text na 'yon. Galing sa unknown number na 'to ang bulaklak at tsokolate? The heck! This text message made me feel nervous, scared and uneasy. Ang creepy rin ng kung sino man ang taong nagte-text sa akin nito.

Tapos nakatanggap pa ako ng bouquet of flowers at chocolates mula sa taong hindi ko naman kilala? Whoever he is and if he is my secret admirer, well he gives me an unpleasant feeling of fear.

#

Author's Note: Salamat sa mga naghihintay sa UD. Malapit-lapit na po tayo sa exciting part, pasensya na kung natagalan.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 36K 33
The famous Bettina Serina Ford---ang tinatawag na brat princess doll na anak ng isang sikat na businessman, mafia, fashion designer at painter na sin...
586K 16.2K 35
Isang tahimik na lalaki si Aqua Ching. Sa trabaho, alak, at babae lamang umiikot ang buhay niya. Sa kabila ng payapa niyang buhay, ay may mabigat siy...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...