UNDERGROUND SERIES 1: Chained...

بواسطة KwinDimown

927K 22.2K 714

Warning: R18 He's dangerous, but he's soft when it comes to her... She's afraid of people, but everything cha... المزيد

Author's Note
Sypnosis:
Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Special Chapter
Author's Note;
ANNOUNCEMENT!

Chapter 9

28.6K 739 12
بواسطة KwinDimown


MAFEL

MEDYO maayos na ang pakiramdam ko, hindi na kagaya kahapon. Kaya ko ng mag-swimming.

"Isaiah, gusto kong mag swimming." Kinalabit ko ito. "Labas tayo, gusto kong pumunta sa dagat."

"I can't come with you, aalis ako." Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi nito. "But, I will be back immediately, promise. Si fifth muna ang bantay mo sa dagat."

Kaya pala nakabihis siya.

"Babalik ka agad ah?"

Tumango ito. "Promise, saglit lang ako sa pupuntahan ko."

"Sige, mag iingat ka." Yumakap ako sa beywang nito. "Dalhan mo akong pagkain ah?"

"Hindi pa ba sapat ang sarili ko, bilang pagkain mo?" hirit nito. "Try me, Maf, mas masarap ako."

"Sige, sa susunod." Tumango ako. "Sige na, baka mahuli kapa sa pupuntahan mo."

"Mag ingat ka rin sa dagat." Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at pinagdikit ang labi namin. "No other men, Maf, okay?"

Tumango ako.

"Good, kumain kana." Lumayo ito sa'kin. "See you later."

Muli ako nitong hinalikan, bago tuluyang lumabas ng cabin. Naupo naman ako at nagsimula nang kumain.

Naparami ang kain ko dahil si Isaiah ang nagluto. Buti pa siya, marunong magluto.

Nang matapos ako sa pagkain ay agad kong nilinis ang pinagkainan ko at hinugasan ang mga platong ginamit ko.

Nanguha ako ng malaking white na polo ni Isaiah at yun ang isinuot. Siguradong makikita ang suot ko sa loob kapag nabasa ako, kaya sandong itim at cotton short ang isinuot ko.

Lumabas ako ng cabin at bumungad agad sa'kin si fifth na nag-ce-cellphone.

"Tara na," aya ko rito.

Tinago niya naman ang cellphone niya at umayos ng tayo. Nauna akong naglakad patungo sa dagat, ramdam ko namang nakasunod siya sa'kin.

"DAGAT!" masayang sigaw ko nang makalusong ako.

Pinaglaruan ko ang tubig habang tumatawa. Tinanaw ko naman si fifth na nakaupo sa buhangin at inililibot ang paningin sa buong resort.

"Mas masaya sana kapag nandito si Isaiah." Napanguso ako at pinapagpatuloy ang pagtatampisaw.

Nanatili lamang ako sa mababaw na parte, hindi ko sinubukang lumayo dahil hindi naman ako marunong lumangoy.

"Hey, beautiful.." Para akong natuod nang may humapit sa beywang ko. "Want to join me?"

Bumungad sa'kin ang isang amerikanong matanda na balbas sarado.

"Ah, no." Tinulak ko siya palayo sa'kin.

Mabilis akong umahon sa dagat, ramdam ko namang nakasunod ito sa'kin.

"Hey, beautiful!"

Sa sobrang takot ko ay napatakbo ako kay fifth. Nakatayo na ito habang nakatanaw sa'kin.

Nagtago ko sa likuran nito, habang nakatanaw sa Amerikanong naglalakad palapit sa'kin.

"Bastos yan, bigla niya akong niyakap sa beywang." Kumapit ako sa manggas ni fifth nang makalapit ito sa'kin.

Tinulak nito ang amerikano na agad namang napaatras. "Leave! You motherfvcker bullshit!"

"You want to fight with me?" Pumwesto yung amerikano na parang manununtok. "Come on, let's figh-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin niya dahil bumagsak ito at nawalan ng malay. Sinuntok siya ni fifth sa mukha.

"Baka napatay mo siya.." Sinilip ko yung amerikano. "Buhay paba yan?"

"Sana, hindi na." Umikot ito paharap sa'kin. "You can swim again, mi lady. Lalapit na ako medyo sa pwesto mo, para hindi na maulit ang nangyari."

Tumango ako.

Lumusong ulit ako sa dagat. At kagaya ng sabi ni fifth, lumapit nga siya sa pwesto ko.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakababad sa dagat. Umahon lamang ako nang matanaw ko si Isaiah na may bitbit na tuwalya.

"Isaiah!" Tumatakbong nilapitan ko siya.

"How's your swimming?" Ipinulupot nito ang tuwalya sa katawan ko. "Kanina kapa yata nakababad sa dagat."

Hindi ko siya sinagot. Tumitig lamang ako sa mga mata niya-sa mga mata niyang may kakaibang emosyon na hindi ko mawari.

"May problema kaba?" tanong ko rito. "May nangyari na?"

Umiling ito at umiwas ng tingin. "Are you done swimming? Magpalit kana, baka magkasakit kapa. Bukas na lang tayo mag swimming ulit."

Tumango na lang ako.

Inakay ako nito patungong cabin. Tahimik itong kumuha ng damit para sa'kin, nakatitig lamang ako sa likuran niya. May mali... naramdaman ko yun.

"Change your clothes." Inabot nito sa'kin yung damit.

Kinuha ko naman iyon. Humiga ito sa kama at ipinatong ang kaniyang braso sa kaniyang mukha.

Napahinga naman ako ng malalim at dumiretso sa banyo. Nagbanlaw ako at agad na nagbihis.

Lumabas ako ng banyo at nadatnan kong ganoon pa rin ang pwesto ni Isaiah.

"Isaiah," malambing kong tawag dito.

"Hmm?" Hindi pa rin ito gumagalaw.

"May problema ba?" tanong ko rito. "Ayos ka lang ba?"

"Yeah," tipid nitong sagot.

Sumampa ako sa kama at yumakap sa beywang niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Kung may problema ka, nandito lang ako ah?" Hindi ito kumibo. "Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko."

"Thank you.." Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa buhok ko. "Maf, don't leave me, okay?"

"Hindi, pangako."

Hindi ko alam kung gaano katagal ang posisyon namin na yun. Umangat lang ang ulo ko nang maramdaman ko ang mabigat na paghinga ni Isaiah. Tulog siya.

Napahinga ako ng malalim, bago dahan dahang umalis sa kama. Nagtungo ako sa mini kitchen at nagsimulang magtimpla ng juice at magpalaman ng tinapay.

Inilapag ko ito sa lamesa bago buksan ang pinto at silipin si Fifth.

"Fifth, mainit diyan, pasok ka muna." Napalingon ito sa'kin. "Tara dito, naghanda rin ako ng meryenda."

"I'm okay, mi la-" Biglang tumunog ang tiyan nito. Nahihiyang umiwas ito ng tingin.

Natawa ako. "Pumasok kana, wag ka ng mahiya."

Tumango lang ito at pumasok. Pinagsalin ko siya ng juice sa baso at inusog palapit sa kaniya ang platong may tinapay.

"Kain ka.." Kumuha ako ng isang tinapay. "Wag kang mahiya."

Tumango lang ito at nagsimula nang kumain.

"Gaano kana katagal nagtatrabaho kay Isaiah?" tanong ko rito.

"Since I'm ten years old," sagot nito. "He adopted me-us, when we're ten."

"Adopt?"

Tumango ito. "Lumaki kaming lima sa bahay ampunan, hanggang sa magkahiwa-hiwalay kaming magkakambal nang may umampon sa bawat isa sa'min. Malas namin, dahil ang mga umampon sa'min ay minamaltrato kami. Then, King, appeared. He killed those motherfvckers who adopted me, I thought he would kill me too, but he offered me to come with him. Pumayag ako, hinanap namin ang mga kambal ko. Nang mabuo kami ay pinag aral niya kami at itinuring na parang mga nakakabatang kapatid."

"Utang namin kay King ang buhay namin, at mamamatay kami para sa kaniya." Dagdag pa nito.

Napatingin ako kay Isaiah na natutulog, hindi ko maiwasang hindi mapangiti

"He's kind, but he became monster when his parents died.." muli akong napalingon kay Fifth. "He's heartless, walang sinasanto.." ngumiti ito sa'kin. "And then you came, thank you for saving him from darkness."

"Ano bang kinamatay ng parents niya?" curious kong tanong.

"Ayon sa imbestigasyon, nabundol ng truck ang kotseng sinasakyan ng mga magulang ni King," sagot nito. "His mom was pregnant with her sister, kaya ganoon na lamang ang galit ni King."

"Kawawa naman siya," malungkot kong sambit. "Nasaan na yung nakabundol? Nakulong ba?"

Umiling ito. "Tumakas ang driver at kasama nito, sa ngayon ay hindi pa matukoy ang may sala dahil maraming taong sangkot."

"Siguradong sinadya yun, hindi aksidente yun." Nilingon ko ulit si Isaiah. "Kung aksidente yun, bakit kailangang takasan?"

"Yeah, yan din ang nasa isip ni King," sabi ni Fifth. "Sa tingin ko rin ay alam na ni King ang totoong may sala. Yun ang dahilan kaya siya umalis kanina."

Kaya pala matamlay siya. Ano kayang nalaman niya?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

434K 12.7K 49
John Gil Voughne Cullen is a Fighter in MAFIA'S ORGANIZATION. A k¡ller, A sociopath and a man feared by all. A handsome face filled with villainous...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
842K 34.1K 61
HELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother...
2.7M 82.5K 75
[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Qu...