AGS 4: The Best Man's Wedding

By LenaBuncaras

134K 7.6K 2.5K

ALABANG GIRLS SERIES #4 Sabrina Dardenne lives like a princess all her life, and the only wish of her parents... More

The Best Man's Wedding
Prologue
Chapter 1. Breakup
Chapter 2: Big Brother
Chapter 3: Guardians
Chapter 4: Arranged
Chapter 5: Empty
Chapter 6: Rare Glare
Chapter 7: Temptation
Chapter 8: Sneak
Chapter 9: Ghosted
Chapter 10: Tear
Chapter 11: Fallen
Chapter 12: Embarrassing Moments
Chapter 13: Missing Point
Chapter 14: Disappointment
Chapter 15: Unwanted
Chapter 16: Scarred
Chapter 17: Ceremony
Chapter 18: Conflict
Chapter 19: Luncheon
Chapter 20: Homeless
Chapter 21: Mishaps
Chapter 22: Dead End
Chapter 23: J'adoube
Chapter 24: Challenged
Chapter 25: Practical
Chapter 26: Dedicated
Chapter 27: Manager
Chapter 28: Incoming
Chapter 29: Cards Against Humanity
Chapter 30: Unexpected Proposal
Chapter 31: Chosen
Chapter 32: Spoiled
Chapter 33: Prodigal
Chapter 34: Home
Chapter 35: Caregiver
Chapter 36: Pre-Val
Chapter 37: Valentine
Chapter 38: Trust
Chapter 39: Prelude of Bad News
Chapter 40: Biased
Chapter 41: The Wedding
Chapter 42: Memories
Chapter 43: Recollection
Chapter 44: Warmer
Chapter 45: Last Resort
Chapter 46: Very Good
Chapter 47: Solved
Chapter 48: The Legend
Chapter 49: Come Back
Chapter 50: At Last

Calvin Dy

2.1K 124 87
By LenaBuncaras

Wala ni isa sa amin ang nag-expect na ikakasal si Clark this year. Same sa walang nag-expect na ikakasal kaming tatlo nina Leo ngayong taon din. Pero sa lahat yata ng kasal na nangyari sa barkada, kay Clark na ang masasabi kong ginastusan.

Simple pa ang kina Meng at Pat. Five hundred attendees? Psh!

Seventy attendees lang ang pinagbigyan ni Clark na makapasok sa simbahan. Hindi rin kasi ito malaking church kundi maliit lang na chapel. Ang kasya sa loob, nasa 100 lang. Magkabilaang side ng upuan at mga upuan sa palibot.

Simple?

Siguro nga, simple.

Sina Leo at Will ang best men niya. We were expecting na si Rico ang pipiliin niya, but he said na baka raw sa speech ni Rico, may sabihin ang kapatid ni Sabrina na hindi niya magustuhan kaya auto pass siya kay Early Bird.

Groomsmen kami, at sa buong barkada, masasabi naming si Clark lang ang may kompletong parents na dumalo. Siya rin ang may kasal na talagang pinaghandaan. Kanya rin ang kasal na siguradong pinaggastusan. Sobrang spoiled nga, partida, unang beses pa lang niyang ikakasal.

Pinili niya itong chapel kasi first chapel ito na napasukan niya noong bata pa siya. Isang abutan nga lang ni Rico ang kisame, kanina pa niya kinakatok tuwing naglalakad kami sa loob. May ilang parte ang chapel na bukas at haligi lang ang meron. May ibang may mosaic window ng mga santo.

Dumayo pa kaming lahat sa Cebu para lang dito sa chapel na 'to. Sa likod nito, cliff na may magandang view ng dagat. Mula roon sa gilid ng bangin, tanaw ang lighthouse na bukas tuwing gabi.

Isa ibaba, may malawak na private island doon na nirentahan lang naman ng mga Dardenne para lang sa kasal ng bunso nila. Two days na kaming naka-stay roon. Umakyat lang kami rito sa itaas para sa mismong kasal sa maliit na kapilya.

Kanina pa nag-start ang ceremony, nakikinig na lang kami sa sinasabi ni Father Raymond. Nakadantay na nga ang ulo ko sa balikat ni Patrick kasi nakakaantok na. Ang init pa naman.

Saglit kong nilingon si Shin sa puwesto niya sa bandang gitna ng kabilang column ng mga upuan. Nakayuko lang siya kaya sigurado akong naglalaro na naman 'yon sa phone. Hindi naman kasi siya interesadong makinig sa mga ganitong ceremony.

Inabot pa ng ilang minuto bago magbigay ng vow at mauuna si Clark. Pinaayos na kami ng upo kasi ibig sabihin din, malapit nang matapos.

Ang dami nang camera na nakatutok kay Clark, ultimo sa mga bisita rin. Kahit kami, nagsipagbukasan ng camera para lang dito.

"Lord, kinakabahan ako," sabi niya pagharap kay Father Raymond. "Ay, sorry, Father pala. Father, kinakabahan ako, Father."

Hindi pa nagsisimula, nakakarami nang hagikgik sa loob ng chapel.

"Kaya mo 'yan, anak." Hinagod-hagod pa ni Tita Pia ang likod ng anak niya para pakalmahin. Nandoon lang naman sila ni Padi sa likod ni Clark.

Pigil na pigil ang mga tawa namin nina Early Bird sa puwesto namin sa bandang gilid ni Clark. Malayo lang nang kaunti sa altar.

"Tita Tess, wala nang bawian 'to, ha," disclaimer pa niya kay Tita Tess na nakasimangot na sa kanya sa likuran ng mga bridesmaid. "Game."

Nakailang ayos siya ng hawak sa mic bago binasa ang nasa kodigo niyang nasa phone.

"Sabrina Dardenne . . . Sabby . . . ang baby ko forever, wala namang iba . . . sorry, hindi ko talaga pinangarap tumayo rito sa altar kaharap ka." Bigla na naman siyang pumaling kay Tita Tess at parang maiiyak na. "Tita, hindi talaga, promise! Sorry na agad! Hnngg!"

Nakailang padyak na kami sa upuan para lang huwag humagalpak ng tawa.

Gago ka, ha. Sabrina ka pa, ha. Baby-baby ka pa, ha.

"Umayos ka nga," mahinang sermon sa kanya ni Sab, nahampas pa siya sa braso at nag-warning ng tingin habang tinuturo ang mga bisita.

"Honest lang ako." Humarap naman siya kay Father. "Father, honest lang ako, Father. Pero mahal ko talaga 'to."

"Bilisan mo na. Ang init na, e." Nakasimangot na si Sabrina at pilit na lang na ngumingiti kasi may mga camera.

"Uhm, hindi ko pinangarap makasal sa 'yo. Sorry pero totoo talaga siya, guys," depensa na naman siya at pumaling pa sa amin habang tumatango. "Never kong pinangarap kasi hindi ko naman goal makasal sa 'yo. Hindi ko nakita ang sarili kong nandito sa chapel na 'to kaharap ka. Hindi ko na-imagine na babalik ako rito para lang maging asawa mo."

Tumahimik ang lahat dahil sa mga sinabi ni Clark. Tumingin pa kami nina Rico sa paligid para makita ang mga reaksiyon ng mga bisita. Hindi rin maipaliwanag ang mga mukha nila kasi masyadong negative ang opening ni Clark sa wedding vow niya. Kulang na lang, sabihin niya kay Sabrina na ayaw niya rito.

Ibinalik na lang namin ang tingin kay Clark nang magpatuloy siya.

"Kung may nakita man ako noon na gagawin ko hanggang ngayon, 'yon na siguro yung susunduin kita, tapos magmemeryenda tapos bago umuwi. Pag-uwi, aasikasuhin na kita. Tutulungan ka sa mga project mo at doon sa mga hirap kang gawin, tapos sasamahan kitang matulog. Tapos gigising tayo kinabukasan, aasikasuhin kita bago pumasok, tapos gagawin ko na ang mga task ko rin, tapos susunduin ulit kita, tapos ulit lang. I'd been doing that since I was twelve. After twenty years, walang nagbago roon. Sinusundo pa rin kita. Tinutulungan ka sa mga project mo kahit hindi ko naman naiintindihan kung paano 'yon ginagawa. Pagagalitan pa kita kapag tinatamad kang maligo. Pipilian pa kita ng isusuot na damit kahit na dumayo pa tayo sa kapitbahay para manghiram. Tatanungin pa kita kung ano'ng gusto mong kainin. Dadayuhin ko pa kuya mo para lang lutuan ka ng pagkaing sure na kakainin mo para hindi ka tumaba."

Biglang sumimangot si Sabrina, pero kita naman naming naiiyak na siya. Kahit nga sa video, kita na rin.

"Hindi ko kahit kailan inisip na ikakasal ako sa 'yo. Pero umpisa pa lang, tinitingnan ko na ang sarili ko na aalagaan ka habambuhay. Alam 'yan ng mommy mo, alam 'yan ng daddy mo, kahit ng kuya mo. Kaya kong ulit-ulitin sa kanila 'yan sa kahit anong panahon nila tanungin. Kahit noong 16 ako, kahit noong 25 na 'ko, at 32 na 'ko ngayon. Walang nagbago roon. Tanungin mo silang lahat dito kung ano kita, iisa lang ang isasagot nila sa 'yo."

"Baby ko," mahina pero sabay-sabay na sagot ng mga bisita. Napasipol na lang kami ni Patrick doon. Hindi rin yata inaasahan ng mga bisita na magsasabay-sabay sila kaya napunta sa mahinang tawanan ang kasunod.

Alam naming lahat 'yon. Wala namang ibang baby si Clark kundi si Sabrina lang. Bukambibig ba naman sa araw-araw, mauumay ka na lang.

Nagpupunas na ng mata niya si Sabrina habang natatawa. Hindi na napigilang maiyak.

"You know that I will die for you. Siguro naman, napatunayan ko na 'yon sa buong pamilya mo. Pero noong naaksidente ako, ang laman lang ng isip ko, hindi ako puwedeng mamatay kasi aalagaan pa kita. Kailangan ko talaga umuwi kundi si Tita Tess ang papatay sa akin kapag hindi, hahaha!" Nakuha pa niyang mag-peace sign kay Tita. "Peace tayo, Tita. Labyu."

Hindi kami nakatawa roon. Hindi rin kasi namin inasahan. Pero mabuti na lang din talaga at nabuhay siya. Habambuhay siguro kaming magsisisi kung hindi at wala kaming nagawa para mapigilan 'yon.

"Vow dapat 'to, pero ayokong mag-stay lang sa pangako. Kung mangako man ako, mangangako akong habambuhay kitang mamahalin. Sa hirap at ginhawa; in sickness and in health; mash-up na 'to. Hindi ko alam Tagalog n'on, e. 'Yon lang ang kaya kong ipangako. The rest, plano ko na 'yon. Sasamahan kita sa gusto mong career. Tutulungan kitang mag-grow. I want to be with you for every achievement you will have in the future. Aalagaan kita at ang magiging baby natin hanggang lumaki siya. Hindi ako mangangako kasi gagawin ko talaga 'yan. Clark Mendoza 'to, e. Ako pa ba?"

"Napakayabang talaga," parinig ni Leo sa gilid, paharap sa amin, nakangiwi pa.

"Akong gugma kanimo way katapusan, Langga. Ikaw ug ikaw lamang."

Sunod-sunod ang palakpakan ng mga bisita nang matapos si Clark sa vow niya.

Malaking bagay sa amin ang kasal ngayon ni Clark kasi siya ang huling inaasahan naming ikakasal sa barkada matapos ngang ikasal si Leopold.

Hindi naman sa hindi na ako umaasa ng matinong kasal kay Shin, pero kontento na yata siya sa katotohanang may certificate nang nagpapatunay na asawa na namin ang isa't isa. Kung paano man 'yon nangyari, wala na rin yata siyang pakialam.

Kung tutuusin, wala rin naman siyang pakialam sa kasal ni Clark. Nakiusap na lang itong isa na sumama siya sa 'kin kasi gusto nga ni Clark na nandoon ang Mother Shin niya. Gusto pa nga niyang aluking mag-maid of honor kung hindi lang tumaas ang kilay ni Tita Tess dahil kasal ito ng unica hija niya.

"Sigurado ka, dito ka lang?" tanong ko pa kay Shin na may hawak-hawak nang buko na binalatan. May design pa 'yong maliit na umbrella at pink na bulaklak. Doon siya umiinom habang sinosolo na ang duyan na nasa pagitan ng dalawang buko tree.

"Mambabae ka na. Hindi ako titingin," sabi lang niya at idinuyan ang sarili.

Ito talaga ang ayoko sa babaeng 'to. Paano ako makakapambabae rito, aber?

"Huwag kang aalis diyan, ha." Dinuro ko pa siya para pagbantaan.

"Ikaw ang umalis diyan. Hinaharangan mo ang view ko."

Tsk! Kailan ko ba 'to makakausap nang matino?

"Pupunta lang ako kina Clark."

"Kahit sa impyerno ka pa pumunta, hindi ko naman tinatanong."

Napasuklay agad ako ng buhok dahil sa inis. "Shin, puwede ba?"

"Hindi."

"Sh—" Aaargh! "Bahala ka diyan."

Iniwan ko na lang din si Shin. Wala naman siyang ibang mapupuntahan. Maliban na lang kung lalanguyin niya itong isla papunta sa kabilang isla, e naabutan na kami ng high tide.

Hinanap ko na sina Clark. Maya-maya kasi, simula na ang after party. Katatapos lang ng reception at pinagpapahinga muna ang lahat, pero naabutan ko sila ni Will na nandoon nagtatago sa gilid ng mga puno ng buko.

"Huy," sita ko. Nakisilip naman ako sa tinitingnan nila. Napataas ang magkabilang kilay ko nang makita si Mat na yakap ng ibang lalaki sa gilid ng beach.

"Si Mat ba 'yon?" tanong ko agad pero pinagtatakpan nila ang bibig ko para hindi ako makapag-ingay.

"Ssshh!" sabay nilang patahimik sa 'kin.

Pagkabitiw nila sa akin, nagkumpulan kaming tatlo sa gilid ng buko.

"Sino 'yong kasama niya?" usisa ko sa kanilang dalawa.

"Hindi namin alam," sagot ni Clark.

"Syota?" tanong ko.

"Hindi nga namin alam, parang tanga magtanong, Vin!"

"Tanungin nga natin."

"G ako," mabilis na sagot ni Clark.

"Huy, gagu, saglit!" awat ni Will pero hindi na niya kami napigilan.

Lumapit talaga kami kina Mat sa parteng nadaraanan ng alon.

Ang tangkad ng kasama niya, mukha pang bata. Kasingtangkad namin ni Clark, naaalanganin tuloy ako kay Will. Hanggang kapantay ng mata ko lang kasi si Will. Siya ang pinakamaliit sa aming magbabarkada.

"Hi, Mat!" bati ni Clark.

"Hi, Clark!" masaya niyang sagot, hindi ko naiwasang tingnan ang kamay niya. Hawak kasi ang kamay ng kasama niyang lalaki.

"May kasama ka pala. Hindi namin alam."

"Ah, yeah! I forgot to tell you, surprise kasi sana."

Nasiko ko bigla si Will, binabalaan ko nang baka ipakilalang syota ang kasama ni Mat, talagang deretso seminaryo na siya.

"Guwapo ng kasama mo, a." Kahit biro 'yon ni Clark, alam namin ni Will na nagpaparinig na siya kung sino 'yon.

"Oh, thank you!" Nanlaki ang mga mata ko nang idantay ni Mat ang pisngi sa balikat n'ong lalaki. "Guwapo, 'no?"

"Saka ang tangkad," dagdag ni Clark. May pahaging pa sa height ni Will. Tsk.

"Gano'n talaga. May pinagmanahan, e."

"Pakilala mo naman kami," sabi ni Clark, at napahugot kami ni Will ng hininga. Sinusuntok-suntok na niya nang mahina ang likod ko, kinakabahan na yata sa nangyayari.

Nagde-date kasi sila ni Mat, ang kaso, ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Mat kay Will. Ang alam namin, dahil dito sa kasal. Natural, magugulat kami kasi may kasama nang lalaki ngayon.

Ang talim ng tingin ko sa yakap ni Mat. Maliban sa matangkad, mestizo pero singkit. Mukhang Japanese. Ang solid ng angle ng panga, papalag sa panga ni Leopold. Mukha ring hindi mahiyain, nakataas lang ang mukha. Naliliitan yata sa amin.

"Ayan! OMG, kinakabahan ako," sabi ni Mat, at ramdam namin ang kaba niya. Hindi rin kasi siya mapakali. Humarap siya roon sa lalaki. "Aki, ito si Tito Will. Then si Tito Calvin, saka si Tito Clark."

"Tito raw, tsong," bulong ko kay Will kasi hindi ko ma-imagine na tatawagin akong tito ng kahit na sino maliban kung nakakapagsalita na si Ram-Ram.

"Anyway, guys. This is Hideaki, babyloves ko." Tinapik pa niya ang balikat ng lalaking 'yon kaya naitikom namin ni Clark ang bibig namin.

Kahit ako, natapik na lang din ang balikat ni Will para sabihing sumuko na siya.

"Guwapo ng . . . boyfriend mo," naiilang na sabi ni Will kaya lalo ko pa siyang tinapik sa balikat.

"Boyfriend?" gulat na tanong ni Mat. "Gagi, anak ko 'to!"

Sabay-sabay na nanlaki ang mga mata namin dahil doon.

"Ha?!"

♥♥♥

Next story: Kiss of the Red Lotus

Continue Reading

You'll Also Like

315K 17K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
8.5K 640 15
[COMPLETED] Ike Sonja Claveria is Galeley's "Ex", and a few weeks before summer ends, Gal is tasked to do this challenge: Be Ike's girl for a whole d...
85.8K 2.7K 19
OUTSTANDING RANK #1 HORROR PHILIPPINES Pula ang simbolo ng kasiyahan... Pula ang isa sa mga pangunahing kulay ng kapaskuhan... Pula ang sumasagisag s...