South Boys #3: Serial Charmer

By JFstories

4.2M 246K 151K

She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
The Final Chapter
Epilogue
V.I.

Chapter 52

74.9K 4.4K 2.4K
By JFstories

HINDI SIYA TALAGA UMALIS.


Umakyat na ako sa itaas para balikan si Vien. Nakahiga na ako sa tabi ng bata pero nakadilat pa rin ang aking mga mata. Ang hirap makatulog knowing na narito sa bahay si Isaiah. Nasa baba sa sala.


Sumilip pa ako sa bintana. Tumila na ang ulan pero walang mga nagdaraang sasakyan, kahit tricycle sa labas. Wala ring nakaparadang motor sa tapat ng gate kaya siguro ay nag-commute lang siya sa pagpunta. Hindi niya man lang naisip na baka sa pag-uwi ay wala siyang masakyan.


Nakatulog ako bandang madaling araw na. Nagising na lang ako sa mahihinang ingay. It was refreshing to have noise in this house again because I was used to it being so quiet every time I wake up.


When I opened my eyes, my son was no longer beside me. Mag-isa na lang ako sa kama. Sa kulay pink ko na wall clock ay past 10:00 a.m. na. Napabalikwas agad ako ng bangon. Tinanghali na ako. Hindi pa nag-aalmusal si Vien, at baka gutom na iyon.


Pagtayo ko ay pumasok agad ako sa banyo na meron sa aking kuwarto. Mabilisang nag-toothbrush at hilamos ako. Ang buhok ko ay hindi ko na sinuklay, basta ko na lang itinaas into a bun. Lumabas na agad ako para hanapin sa kabahayan si Vien.


Nasaan na ba iyon? Malamang gutom na talaga iyon dahil anong oras na. Nasa hagdan ako nang marinig muli ang mga boses na naulinigan ko kanina. Parang nagbabangayan. Isang boses na buo at baritono at isang boses na maliit.


"Lintek, saglit lang ako nakalingat, may ginawa ka na agad na kalokohan! Bilisan mo, maghugas ka ng kamay mo kung ayaw mong paluin kita sa pwet!"


Sumunod ay ang maliit na boses na nangangatwiran, "E Daddy ku, 'di pa nga ku tapos sa gagawa ku!"


"At anong ginagawa mo? E nagkalat ka lang o! Kapag naabutan tayo ng mommy mo, ibibitin kita nang patiwarik!"


Napatanga ako pagbaba. Sa kusina ay nagkalat sa ibabaw ng mesa ang mga basag na itlog, harina, at ang kahon ng ready made pancake ay nasa sahig. Hindi iyon ang gumulat sa akin kundi ang bata na mukhang espasol na nakaupo ngayon sa lababo.


Bumuka ang bibig nito at lumitaw ang maliliit na ngipin na ang iba ay missing. Bungi-bungi kasi. "Mowning, Mommy ku!"

Si Vien ito pero bakit punong-puno ng harina ang mukha pati buhok? Ang damit ay may mantsa ng chocolate syrup.


Ang matangkad na lalaking na nag-upo kay Vien sa ibabaw ng lababo ay napalingon sa akin. Ang magandang uri ng mga mata na kakulay ng madilim na langit sa gabi ay nanlaki. Bumadha ang gulat sa guwapong mukha nang makita ako. "Vi..."


Nang bumaba ang aking paningin sa kanyang suot na ts-hirt ay katulad kay Vien ay meron din iyong mantsa. Naghalo ang chocolate syrup at nagkalat na harina. Pati ang makinis na pisngi niya at gilid ng kaliwang kilay ay meron.


"Anong nangyari?" tanong ko kay... Isaiah.


Napakamot siya ng leeg bago sumagot. Tuloy nagkaroon din ng harina ang makinis na leeg niya. "E ito kasi Kulitis. Igagawa ka raw niya ng breakfast in bed."


Pagbalik ng tingin ko kay Vien ay nakabungisngis ito. "Mommy ku, dapat di ka pa giseng! Di pa ku tapos magluwto!"


"Hindi ka nagluluto, nagkakalat ka!" mahinang gigil na asik ni Isaiah rito, pero lalo lang bumungisngis ang bata.


Lumapit ako sa pagitan nila. Marahang pinagpagan ko ang harina sa maliliit na kamay ni Vien. "Baby, sana ginising mo na lang po si Mommy," sabi ko rito. "Ako na lang ang magluluto kung gusto mo ng pancake..."


Nanulis ang nguso nito. "E surprise ku nga ikaw, Mommy ku!"


Kinarga ko na si Vien para deretso na paliguan sa banyo. Pati kasi tainga nito ay may harina na pala. Ang buhok ay may chocolate syrup din. Mukhang habang pini-prepare ang panggawa ng pancake ay natukso itong magpapak ng syrup, hanggang sa nagdungis na ito.


Si Isaiah ay kumuha ng basahan sa lababo. "Ako na ang magliligpit dito," sabi niya.


Tumango lang ako at ipinasok na sa banyo si Vien. Mabilis ko lang itong pinaliguan dahil malamig ang tubig. Umaambon-ambon pa kasi sa labas. Pagkatapos nitong maligo ay nasa pinto na si Isaiah. Inaabot sa akin ang tuwalya.


Tinanggap ko naman iyon at mahinang nagpasalamat. Ibinalot ko si Vien sa tuwalya habang nakasunod ng tingin kay Isaiah na ngayon ay nagwawalis na sa kusina. Nakita ko rin na may nakasalang ng sinaing sa lumang rice cooker.


Nakahubo pa nang manakbo si Vien sa sofa. Nag-iPad ito agad. Sinaway ito ni Isaiah na magbihis muna, binitiwan naman nito ang iPad para magpabihis. Makulit man ito ay may takot pa rin sa ama. Maligalig pero mabait na bata ito at disiplinado.


Pagkabihis ni Vien ay nangulit na ulit ito kay Isaiah. Nakayakap sa bewang niya. "Daddy ku, anu pow ulam naten, ha?!"


Napakurap naman ako. Ulam? Walang laman ang ref. Ang mga pagkain dito ay puro instant— Napatigil ako sa pagpa-panic nang pagbukas ni Isaiah ng pinto ng freezer ay may karne roon. May balot ng chopped na manok. Teka, saan galing iyon?


Sinagot niya ang tanong sa isip ko, "Lumabas ako kanina sa talipapa habang tulog ka."


"Ha?" Napanganga na lang ako.


Mula sa ref ay may inilabas din siyang supot na ang laman ay dalawang piraso ng sayote, ilang dahon ng sili, paminta, sibuyas, broth cubes, at iba pang sahog. Nakatanga na lang ako habang inilalatag niya iyon sa mesa, at nang magsuot siya ng apron.


Nangislap ang mga mata ni Vien. "Wow, Daddy ku magti-tikola ka!"


"Tinola," pagtatama niya sa bata.


Nang mahimasmasan ay nagsalita ako, "H-hindi mo naman na kailangang magluto..."


"Hindi masustansiya pag palaging fastfood o instant food," kalmadong sabi niya habang hinuhugasan na ang manok. "Saka mabuti na iyong lutong bahay para mas tipid at mas marami pa. Sakto pa ngayon na maulan, masarap ang sabaw na mainit."


Tumikom na ang aking bibig. Nangapal ang aking pisngi sa hiya dahil mukhang nakita niya sa cupboard ang stocks ko ng mga instant food.


Kumilos si Isaiah na para bang kabisado niya ang kusina. Ginayat niya na ang sayote sa chopping board. Nakapagtataka dahil alam ko na mapurol ang kutsilyo rito, pero ngayon ay mukhang matalas na. Mukhang hinasa niya na kanina.


Mabilis pero pulido ang bawat paghihiwa niya ng rekados. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa malilinis at mahahabang daliri niya, tila iyon nililok na kandila. May kung anong pumasok sa aking isip dahilan para mag-init. Agad ko rin namang iwinaksi ang naisip na nakakahiya.


Pagkatapos ng paghihiwa ni Isaiah ay bumalik siya sa tapat ng kalan para i-check ang sinaing. Pagsalang sa manok ay nagpupunas siya ng mesa. Masinop na niligpit niya ang mga kalat. Sumunod na nilinis niya ang lababo.


Bumalik sa alaala ko ang mga panahon na siya ang nasa kusina nila. Pinapagalitan siya ng mama niya kasi ang kalat niya. Hindi siya marunong magluto maliban sa mga prito, at ang pinagmamalaki niyang kitchen skill ay pagsasaing lang at paghuhugas ng plato. Pero mula nang nasa kanila na ako, lahat na ay sinubukan niya nang matutunan.


Gusto niya raw kasi mailuto noon ang mga gusto ko. Kaya nag-aral siya na magluto. May mga gabi na umuuwi na lang siya na may dalang hilaw na isda o karne, 'tapos lulutuin niya. Naging masinop na rin siya sa kusina dahil ayaw niya na mairita ako sa kalat.


Hindi ko na namalayan ang mga lumilipas na minuto dahil sa pagsunod ko ng tingin sa bawat kilos niya. Nang maramdaman ang pagmamasid ko ay tumingin siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Agad akong natauhan at nagbawi ng paningin.


Sasamahan ko na lang si Vien sa sofa. Nakatalikod na ako at naglalakad patungo sa sala ay ramdam ko pa ang nakahabol na mga mata ni Isaiah, pero hindi na ako lumingon pa.


Nang maluto ang ulam at sinaing ay bandang 11:30 a.m. na. Brunch na. Tinawag niya na kami para kumain. Kasama ko si Vien na pumunta sa hapag.


Si Isaiah rin ang naghain. Tatlong plato at set ng utensils ang inilagay niya sa mesa. Mabango ang pagkain, nakakagutom. Ang totoo ay kanina pa talaga tumutunog ang tiyan ko. Pero hindi ko ginalaw ang plato na para sa akin, inuna kong asikasuhin si Vien.


Ipinaghila ko ng upuan si Vien. Ako ang nagsandok ng kanin at ulam para dito. Halos subuan ko ito. Sa lahat ng iyon ay nararamdaman ko ang mga mata ni Isaiah.


Narinig ko ang pagtikhim niya. "Kaya niya na 'yan. Kumain ka na."


Ang kamay ko na akmang hahawak sa kutsara ni Vien ay naiwan sa ere. Mabilis naman ang maliit na kamay ng bata sa pagdampot niyon. "Kaya ku na, Mommy ku!" sabi nito. "Kaen ka na lang pow!"


Tumikom ang mga palad ko nang sandukan ako ni Isaiah ng kanin sa plato. Wala siyang kibo, wala rin kahit anong ekspresyon, hindi rin sa akin nakatingin.


Napayuko ako sa plato. Nagugutom na rin ako kaya marahan na akong kumain. More on sabaw lang at sayote. Napakislot ako dahil may naglagay ng manok sa aking plato. Napatingin ako kay Isaiah. Walang kibo na bumalik na siya sa pagkain na parang walang ginawa.


Pagkatapos kumain ay ako na ang nagligpit. Tumulong pa rin sila ni Vien sa akin. Ang bata ang nagdala ng mga baso sa lababo, habang siya ang nagpunas ng mesa.


Tumila na rin ang ambon. Umiinit na sa labas. Narinig ko na tumawag na rin ang mama ni Isaiah sa iPad ni Vien habang naghuhugas ako ng mga plato. Pagpunta ko sa sala ay bitbit ko na ang bag ng bata.


Yumukod ako para pumantay kay Vien. "Bye muna, baby ko. Pupuntahan ka ni Mommy bukas, ha?" pangako ko kay Vien. Hinalikan ko ito sa noo at niyakap.


Humalik din ito sa aking pisngi. "Bye, Mommy ku!"


Pag-ayos ko ng tayo ay tumingala ako kay Isaiah. Nakatingin lang siya sa akin. "Salamat."


Tumango siya at wala nang salita na inakay na si Vien palabas ng pinto. Hindi ko na sila tinanaw pa mula sa screen o bintana. Siguro ay hindi ko gustong makita na papaalis sila.


Nang wala na sila ay parang biglang lumaki ang buong sala. Para akong gamit na aalog-alog dito. At parang wala akong marinig sa sobrang tahimik. Para akong nasa gitna ng malungkot at abandonadong sementeryo.



"VI, GALING AKO SA INYO KAHAPON."


Nasa mukha ni Eli ang pag-aalala noong pumunta ako sa kanila. Kaka-on ko pa lang kasi ng aking phone, may five missed calls siya at isang text na tinatanong kung nasaan ako. Si Tita Hannah rin ay may text na pinapapunta ako ngayon dito.


"Pagkarating ko noong hapon, pinuntahan agad kita sa inyo. Saradong-sarado sa bahay niyo. Kumatok ako pero walang nagbubukas, kaya akala ko wala ka. Nasabi ni Mama na pumunta ka nga raw sa PK2. Naisip ko na baka hindi ka na pinauwi dahil nga umulan noong gumabi."


Hindi ko alam na pumunta si Eli. Nakatulog kasi ako noong hapon at gabi na nagising. Hindi rin alam ni Vien kasi hindi yata narinig ng bata na may kumatok, naka-headset kasi ito at nasa taas pa kami ng kuwarto.


"I was just worried because your phone was off. How are you feeling now?" Dinama niya ang noo at leeg ko. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"


Tumango ako. "Sorry, Eli, pinag-alala kita. Pero okay na ako. Hindi na rin ako pumasok." Hindi ko na binanggit ang tungkol sa pagkakasesante sa akin.


Hindi ko na rin binanggit pa na hindi naman ako umalis kagabi. Ayaw ko munang mapag-usapan, lalo na at hindi lang si Vien ang natulog sa bahay magdamag. Maging ang nangyari kaninang umaga ay ayoko rin munang maalala.


Si Tita Hannah ay bumaba mula sa hagdan nila. "Nandito ka na pala, Vi." Nakangiti ito. "Kaya kita pinapunta kasi may iaalok ako sa 'yo. Baka gusto mong i-consider kaysa maghanap ka pa ng trabaho."


Ang alok sa akin ni Tita Hannah ay ang maging tagatahi nito. Bukod sa mga paupahan ay ang pagba-buy and sell ng mga damit ang isa nitong negosyo. May puwesto ito sa palengke at may binabagsakan din sa Divisoria at Baclaran. Ang plano ni Tita Hannah ay kaysa humango ay magpo-produce na lang ng sarili paninda.


Ako ang gagawin nitong tagatahi ng tag sixty five pesos na mga shorts nitong pangbenta. Tabas na ang shorts kaya tahi na lang daw ang aking gagawin. Marunong akong manahi dahil bukod sa may makina rin si Mommy dati, tinuturuan din ako ni Tita Hannah manahi sa tuwing pumupunta ako noon sa kanila.


Pumayag na ako kaysa maghanap pa ng trabaho. Sa bahay lang ako magtatahi kaya hindi ko na kailangang umalis. Makakasama ko na rin anytime ang ang aking anak. Ang pasahod sa akin ni Tita Hannah ay four pesos per short. Kapag naka-isang daang shorts ako sa isang araw ay meron na agad akong four hundred pesos.


Tungkol sa makina ay puwede na sa akin ang second hand. Problema ko na lang ay ang pangbili. Pinoproblema ko kung saan ako kukuha ng pangbili ng makina nang kinabukasan ay biglang may dumating na deliver ng Juki hi-speed four-thread sewing machine sa bahay.


Si Eli ang katulong ng nag-deliver sa pagpasok niyon sa sala. "Ayos ba, Vi? Regalo ko ito sa 'yo para sa birthday mo next month."


Gilalas ako. Regalo? Alam ko na nasa bente mahigit ang presyo ng brandnew na makina. At four threads pa!


Nangilid ang mga luha ko. "Eli... Nakakainis ka..."


Natatawa na pinisil niya ang ilong ko. "Magpasalamat ka na lang kaysa mainis ka." Niyakap niya ako hanggang sa ang hikbi ko ay naging iyak na. Tatawa-tawa pa rin naman si Eli. "Advance happy birthday, Vivi namin."


Ang tagal ko pang tumahan. Kung hindi niya pa ako inasar ay hindi pa ako titigil sa pag-iyak. Nang kumalma na ako ay nagpasalamat ako sa kanya at pagkatapos ay pinalayas ko na siya.


Maghapon kong prinactice ang aking bagong makina. Ginamay ko ang paggamit four-thread. Ang saya-saya ko. Ang mga tabas na tela ay dinala na rin dito ng mama ni Eli. Pinatabas iyon sa kabilang baranggay.


9:00 p.m. na pero hindi pa ako naghahapunan. Gusto kong matapos ang pang-anim na short. Masakit na ang aking likod kaya naisipan kong tumayo para mag-stretching muna. Nasa ganoong akto ako nang makarinig ng katok sa pinto.


Pagbukas ko ay nagulat ako nang makita ang matangkad na lalaki. Napakurap-kurap pa ako kasi baka hindi si Isaiah ang dumating. Pero siya nga. Shirt na plain white at navy blue na cargo shorts ang suot niya. Nakasombrelo na itim. At kasama niya si Vien!


"Hinahanap ka," kaswal na sabi niya bago pa ako makapagtanong.


Napababa ang aking tingin sa bata na nakangisi sa akin. "Mommy ku, miss kita!"


Isang kurap ko lang yata ay nakapasok na sa loob ang mag-ama. Magkatabi pa na naupo sa sofa. Sabay ring namulsa sa suot na shorts habang sabay na gumagala ang paningin sa buong sala.


Ngayon ko lang din napansin na pareho ang suot nila. Parehong white ang shirt at parehong navy blue ang cargo shorts. Pareho ring nakasombrelo na itim. Maliban sa ang sombrelo ni Vien ay may print na logo ni Batman.


Ang mga mata ni Isaiah ay huminto sa sa tambak na mga tela sa sofa, pagkuwan ay sa aking bagong makina.


Ang bibig ko ay kusang nagsalita kahit wala pa siyang itinatanong. "Patahi ni Tita Hannah. Hindi na ako papasok kaya kailangan ko ng ibang pagkakakitaan. Pero mas maaasikaso ko na ngayon si Vien."


Tumango-tango siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa bagong makina. Nagulat na lang ako nang marinig ang mahinang boses niya. "Binili mo?"


"Ha?" Ang tinutukoy niya ay ang makina. Umiling ako. "R-regalo ni Eli..."


Hindi na siya nagsalita pa ulit.


Walang pasok si Vien bukas dahil may gaganaping meeting at gagamitin ang school, kaya okay lang kahit mag-sleep over ulit ang bata rito. Inaantok na ito kaya inakyat ko na sa itaas. Hindi ko na rin kasi magawang tagalan ang nakakailang na katahimikan sa sala.


Saglit lang ay nakatulog na si Vien. Bumaba na ako at nadatnan ko na patay na ang ilaw sala. Akala ko pa ay umalis na si Isaiah, kaya napasinghap ako nang makitang nasa sofa pa rin siya. Nakaupo habang nakasandal sa sandalan, at nakatingala


Ang liwanag na mula sa ilaw sa labas ng bahay ang nagsisilbing mabining liwanag sa paligid. Nakita ko na nakapikit ang kayang mga mata. Hindi ko masabi kung tulog ba siya o ano. Wala siyang kakilos-kilos, maliban sa minsanang pag-alon ng Adam's apple sa kanyang leeg.


Marahan akong lumapit. Nang maramdaman ang presensiya ko ay dumilat siya at tumingin sa akin. Nakasandal pa rin sa sofa. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa dim na liwanag o sadyang malamlam talaga ang mga mata niya.


Nilinis ko ang bara sa aking lalamunan bago mahinang nagsalita. "Ihahatid ko na lang bukas si Vien."


Hindi siya tuminag. Wala kahit reaksyon. Nakatingin lang siya sa akin gamit ang mga mata niya na kahit sa dilim ay nakakalunod tumingin.


"Isaiah, hindi naman umuulan..."


Wala pa rin.


Napayuko at simpleng ipinilig ang ulo. Nang muling tumingin sa kanya ay hindi na sa akin nakatuon ang mga mata niya. Nakasandal pa rin siya sa sandalan ng sofa, nakatingala, walang kakilos-kilos.


Marahan akong lumapit at naupo sa tabi niya. May espasyo. Inilabas ko ang aking wallet, kinuha ko mula roon ang nag-iiang buo na isang libo. Natitirang pera ko. Inilapag ko iyon sa ibabaw ng center table.


Tiningnan niya lang iyon.


Tumikhim ako. "Isaiah, iyan pala ang bayad ko sa ipinamasahe namin ni Vien sa tricycle noong nakaraan. Tapos um-order siya ng hapunan sa Jollibee. Nasa four hundred plus kasama ang delivery fee..."


Nakayuko ako habang malumanay at mahina na nagsasalita, hindi ko makita ang reaksyon niya. Wala rin akong naririnig na kahit ano mula sa kanya.


Nagpatuloy naman ako, "Iyong tira diyan, para sa binili mong manok at sangkap kanina. Hindi ko alam kung nakamagkano ka, pero kung may kulang, pakisabi na lang para—"


Hindi ko na natapos ang sinasabi. Hindi ko matandaan kung kailan si Isaiah nakalapit sa akin, kung kailan nawala ang espasyo sa pagitan namin, basta ang alam ko lang ay hinawakan niya ang aking baba at kasunod niyon magkalapat na ang mga labi naming dalawa!


Nanlaki sa kapirasong liwanag sa sala ang aking mga mata. Napahawak ako sa matigas at malapad na balikat niya habang maingat, masuyo na inaangkin niya ang mga labi ko. Nawindang ako sa pangyayari, pero mas nakakawindang ang pakiramdam ng halik niya.


Ang mabango at mainit na hininga niya siguro ang salarin kaya hindi man lang ako nakaisip na itulak siya. Tulala lang ako habang hinahayaan siya na halikan ako, sa paraang magaan at puno ng pag-iingat. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay niyakap niya ako.


Napahikbi ako sa dibdib niya nang mapagtanto kung gaano ako naging mahina. Doon kumawala ang mga luha ko, nabasa ko ang t-shirt niya pero wala siyang pakialam. Yakap-yakap niya lang ako habang hinahayaan akong mahinang umiyak.


Ilang minuto. Ilang minuto na ganoon.


Nang kumalma na ako ay saka ko siya marahang itinulak. Tumayo ako. Ayaw ko siyang tingnan kaya sa sahig ko lang itinutok ang aking paningin. "H-hindi umuulan..."


Tumayo rin siya. "Vi..."


"Ihahatid ko na lang si Vien bukas ng umaga," sabi ko habang nakayuko pa rin. "K-kung gusto niya akong puntahan ulit dito, sabihin mo na lang sa mama mo na i-text ako. Susunduin ko na lang si Vien sa inyo. A-ako na rin ang mag-uuwi pagkatapos... Ganoon na lang... H-hindi mo na kailangang pumunta pa rito, Isaiah..."


Iniwas ko ang aking kamay na akmang aabutin niya.


Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Matipid akong ngumiti sa kanya. "P-pag-alis mo, pakisara na lang ang pinto." Pagkatapos niyon ay tinalikuran ko na siya at iniwang mag-isa sa sala.


JF


#SerialCharmerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
7.3K 538 19
Teaser: An Ex's Confession I was nineteen and he was twenty when Hajime and I fell in love with each other. We promised to be together forever. We...