UNDERGROUND SERIES 1: Chained...

By KwinDimown

926K 22.1K 714

Warning: R18 He's dangerous, but he's soft when it comes to her... She's afraid of people, but everything cha... More

Author's Note
Sypnosis:
Prologue:
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Special Chapter
Author's Note;
ANNOUNCEMENT!

Chapter 1

42.9K 943 2
By KwinDimown


MAFEL

    "MAGANDANG umaga, Miss." Napaatras ako nang bigla na lamang may pumasok na babae sa kuwarto na ibinigay sa'kin nung estrangherong lalaki.

Nakalimutan ko ang pangalan niya, hindi kona naitanong kagabi dahil agad siyang umalis pagkatapos akong ihatid dito. In-assist lamang ako ng isang babaeng may edad, na tinawag niyang manang.

"Wag po kayong matakot, ako po si Mia." Ngumiti ito sa'kin. "Katulong din po ako dito. Anak po ako ni Manang."

Mukha lang kaming magkaedad..

"Pasensiya kana, hindi pa kasi ako sanay sa mga tao." Alanganing nginitian ko siya.

"Nasabi na po sa'min ni Sir Isaiah." Kung ganoon ay Isaiah ang pangalan niya. Tatandaan kona. "Ipinatatawag ka po niya, kakain na raw po kayo ng almusal."

"Nandiyan na siya?" Tumango ito. "Sige, mauna ka nang maglakad, susunod ako."

Tumango naman ito at naunang naglakad. Hinubad ko naman yung tsinelas na suot ko at sumunod sa kaniya. Baka kasi madumihan ko yung sahig, dito kasi sa kuwarto ay naka-carpet kaya okay lang yung tsinelas.

Bumaba ito ng hagdan, kaya sinundan ko siya. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti habang inililibot ko yung paningin ko sa bahay. Para akong prinsesang nasa palasyo, ang laki ng bahay ni Isaiah.

Dumiretso itong babae sa isang pasukan na walang pinto. Bumungad sa'kin ang mahabang lamesa na may mga pagkain. Nakaupo si Isaiah sa dulo na seryosong naghihintay.

"Sit," sabi nito. "Let's eat."

Tumango naman ako at umupo sa kabilang dulo. Sobrang layo ng pagitan namin, para kaming magkaaway.

Hindi naman ito tumutol at nagsimula lang kumain. Nagsimula na rin akong kumain, kinuha ko ang lahat ng pagkain at pinagsama sama sa plato ko.

Napatigil ako sa pagsubo nang makitang nakatingin sa'kin si Isaiah.

"Sorry.." Bahagya akong yumuko.

"It's okay," sabi nito. "Don't mind me. I know you're still adjusting."

Hindi na ulit ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kumain na lang din ako.

Malakas akong napadighay nang matapos ako. Napahawak ako sa tiyan kong medyo lumobo.

"Thank you for the food, Lord..." bulong ko.

Ngayon na lang ulit ako nakakain ng ganito karami. Doon kami sa puder ng mg sindikato, limitado ang pagpapakain sa'kin. Tinitipid nila ako, dahil kailangan daw maging maganda ng katawan ko para magustuhan ako ng mga bibili sa'kin.

Sa unang limang taon ko sa kanila ay puro pasa ang katawan ko, dahil lagi nila akong binubugbog. Pero nung tumungtong ang anim na taon ko sa kanila, hindi na nila ako gaanong binubugbog.

Sinubukan ko ring tumakas noon, kasama ang kaibigan ko. Pero nahuli kami. Pinatay nila ang kaibigan ko sa harapan ko, doon na ako nawalan ng pag asa at nasimulang matakot ng sobra.

"I'm talking to you.." Napakurap kurap ako nang makita si Isaiah sa harapan ko.

Hindi naman siya gaanong malapit. Malayo siya sa'kin ng mga tatlong metro.

"B-bakit?" Tanong ko rito.

"I said, you want to go somewhere?" tanong nito. "Mall? Park?"

"Gusto ko sa mall," sabi ko rito. "Gusto ko makita ang mall."

"Okay, my bodyguard will assist you–"

"–Ikaw na lang." Natigilan ito dahil sa sinabi ko. "K-kasi, sa'yo pa lang ako kumportable. A-ayoko pa sa iba."

"I have a lot of work to do.." Nakaramdam naman ako ng dismaya dahil sa sinabi nito. "But, I can assist you first. I know my work can wait."

"Talaga?" Napangiti ako. "Salamat!"

"So, let's go?"

Napatingin ako sa suot ko, pajama at t-shirt. Okay na ito, at saka may lakad pa si Isaiah eh. "Sige.."

Nauna itong naglakad palabas ng bahay. Agad naman akong sumunod sa kaniya.

Huminto ito sa isang kotse. Kagaya ng dati ay muli niya akong pinagbuksan ng pinto.

"Wait.." Napahinto ako sa pagpasok nang magsalita ito. "Where's your slippers? Kanina kapa ba nakatapak?"

"Hinubad ko sa kuwarto, baka kasi madumihan iyong sahig mo." Sabi ko dito.

Napakamot ito sa gilid ng ulo niya. "Get in, I will get your slippers."

Tumalikod ito at pumasok sa loob ng bahay. Pumasok naman ako sa kotse at isinarado ang pinto.

Ilang sandali lang ay natanaw kona siya. Sumakay ito sa driver seat at humarap sa'kin.

"Here.." Inabot niya sa'kin yung tsinelas na agad ko namang kinuha at sinuot. "Next time, don't remove it, okay?"

"Baka madumihan yung sahig mo, mahihirapang maglinis yung mga katulong mo." Napanguso ako.

"You cared for them?" Tumango ako. "You're truly unbelievable."

Pinaandar nito ang sasakyan palabas ng gate na nakabukas na. Tahimik lamang kami buong biyahe, walang nagsasalita at walang kumikibo.

Napahinga ako ng malalim at nilingon siya. "Anong trabaho mo?"

"I'm Mafia King," sagot nito. "I do some illegal stuff, I killed people–bad people. I have a company too."

"So? Masama ka?" tanong ko rito. "Pero bakit mabait ka sa'kin?"

"I don't know." Nagkibit balikat ito.

"Marunong ka bang ngumiti?" Tanong ko dito.

"I lost my smile, when I lost my parents."

"Sorry.."

Napaalala ko pa tuloy yung mga parents niya. Pareho pala kami, namatay ang Mama at Papa ko nung twelve ako, kaya kinupkop ako ng Tita ko.

Ilang minuto pa ang binyahe namin bago kami makarating sa mall. Saya at kaba ang naramdaman ko, habang nakatanaw sa malaking mall na maraming tao.

Bumaba na si Isaiah, kaya bumaba na rin ako.

Naglahad ito ng kamay. "Hawakan mo ako, para hindi ka gaanong matakot."

Agad ko namang kinuha yung kamay niya. Parang nabawasan ng kaunti ang takot ko. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob, mas lalo akong dumikit sa kaniya dahil sa daming taong nakakasalamuha namin.

"You're safe here," pabulong nito sabi sa'kin. "Where do you want to go?"

Itinuro ko yung second floor.

Hinila naman ako nito palapit sa escalator. Tuwang tuwa ako nang maitapak ko ng maayos ang paa ko sa palapag.

Nang makarating kami sa second floor ay binitiwan ko ang kamay ni Isaiah at lumapit sa railing. Nakangiti ako habang nakatingin sa mga tao sa ibaba.

"Do you want to buy something?" Napalingon ako kay Isaiah na nakasandal sa railing at nakatingin sa'kin.

Umiling ako. "Wala naman akong gusto."

"How about Ice cream?" Tanong nito.

Ice cream.

"I bet you want Ice cream." Umalis ito mula sa pagkakasandal. "Wait me here, I will buy Ice cream for you."

Tumango lang ako.

Tumakbo ito pababa ng escalator. Nakatanaw lamang ako sa kaniya at hindi inaalis ang paningin ko kung saan siya pupunta. Pero nawala siya sa paningin ko nang lumiko siya ng direksiyon.

"Hi, Miss." Napalingon ako sa gilid ko nang may magsalita.

Dalawang lalaking sa tingin ko ay kaedad ni Isaiah.

"B-bakit po?" Umatras ako palayo sa kaniya. "Ano pong kailangan niyo?"

"Pwede bang magpa-picture itong kasama ko?" May hawak itong cellphone. "Kunwari gf ka niya, pagseselosin niya kasi yung ex niya."

Umiling ako. "Ayoko po, sa iba na lang po."

Lumapit ito sa'kin kaya wala sa sariling napatakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako napadpad, ang nakikita ko lang ngayon ay mga sasakyan.

Inilibot ko ang paningin ko. May nakita akong nakalagay na PARKING sign. Lumapit ako sa isang bato at naupo roon.

Gusto kong bumalik sa loob, dahil baka nandoon na si Isaiah pero natatakot ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Napatayo lamang ako nang may humintong pares ng sapatos sa harapan ko.

"I told you, stay there." Tiningala ko si Isaiah. Naghahabol ito ng hininga at salubong ang kilay na nakatingin sa'kin. "Tunaw na ang ice cream mo."

"Sorry, natakot kasi ako roon sa dalawang lalaking lumapit sa'kin."

Huminga ito ng malalim at naupo sa tabi ko. Inabot niya sa'kin ang ice cream na nasa cup, lusaw na lusaw na ito pero makakain pa naman.

Kinuha ko naman iyon at sinimulang kainin. "Paano mo ako nahanap?"

"I checked the CCTV footage," sagot nito. "Did they harrast you?"

Umiling ako. "Gusto raw nilang mag-papicture sa'kin, pagseselosin daw kasi yung ex nung isa."

May ibinulong ito pero hindi ko narinig.

Hindi na ito nagsalita kaya tumahimik na lang din ako, habang inuubos yung ice cream.

"You want to go back inside? Or you want to go home?" Tanong nito.

"Uwi na lang, may mahalaga ka yatang pupuntahan eh." Tumayo ako kaya tumayo rin siya. "Sa susunod na lang ulit, kapag kaunti na lang yung tao at hindi na ako takot."

"Are you sure?" Tumango ako. "Then, let's go."

Naglakad kami pababa, dahil nasa unang palapag ng parking yung sasakyan niya. Nang makarating doon ay agad kaming sumakay ng sasakyan niya.

"Saan ka pala pupunta?" Tanong ko dito.

"Underground," sagot nito. "I have some dirty stuffs need to do."

Tumango na lang ako. Wala naman akong karapatang kontrahin siya, hindi naman kami close at binili niya lamang ako.

Nang makarating sa tapat nang gate ng bahay niya ay agad niyang inihinto ang sasakyan.

"Eat lunch and dinner, okay?" Tumango ako rito. "If something bad happens, just call me."

"Wala akong cellphone–"

"–I'll just call, Manang."

"Salamat," sabi ko rito. "Mag iingat ka."

"I will check you, once I get back." Natigilan ako nang tipid itong ngumiti. He smiled at me. "Go inside, now."

Nginitian ko muna siya, bago bumaba. Pumasok na ako sa loob ng gate. Tinanaw ko muna siyang makaalis bago ako tuluyang makapasok.

Kusang bumalik ang kaba ko. Pakiramdam ko, hindi ako okay kapag wala siya sa tabi ko.

Huminga ako ng tatlong beses bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Mabilis akong nagtungo sa kuwarto ko at nagkulong doon.

Dapat ay araw araw na lang siyang nandito, hindi kasi ako kampante kapag wala siya, parang hindi ako makahinga ng maayos.

Ang weird, kakakilala pa lang namin ay agad na akong nakampante sa kaniya. Kahit pa sinabi niyang Mafia siya at may mga illegal siyang ginagawa.

Napahinga na lang ako ng malalim at nahiga sa kama ko. Dati rati ay hindi ako kumportableng matulog, pero ngayon ay sobrang kumportable kona dahil sa malambot na kama.

Napangiti na lamang ako at pumikit, bigla akong nakaramdam ng antok. Mamaya na lang ako kakain kapag nagising ako.

Continue Reading

You'll Also Like

841K 34K 61
HELLION 6: LEIGHTON HELLION Shayna often visits her mother who has been in a mental hospital for three years, but one day when she visits her mother...
2.7M 82.4K 75
[POLY] HELLION 2: HELLION QUADRUPLETS When they are young they only do one thing, that is to SHARE and not be SELFISH. Of course, they are Hellion Qu...
4.8M 172K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
674K 19.1K 49
He is your brother but he's also crazy to fall in love with you.